Chapter 48

2.4K 98 17
                                    

Inaalalayan ni Julie si Elmo papasok ng bahay.

Nagulat silang dalawa nang makita don si Justine na nakaupo habang naglalaro si Jezreel.

Nakaramdam bigla ng hiya si Elmo.

Nang maramdaman ang presensya ng mag asawa ay tumayo si Justine.

"Ku..kuya." Utal utal na sabi ni Elmo.

Nakatingin lang sakanya si Justine. Nakaakbay si Elmo sa asawa at nakasaklay.

Inupo sya ni Julie sa upuan at nagptesinta ito na ikukuha sila ng maiinom.

Hindi maiwasan ni Julie na hindi manibago at malungkot nang makita nya ang kusina ng dati nyang tinitirhan. Bigla nyang na-picture ang sarili nya noong okay pa sila ni Elmo. Yung magluluto sya ng dinner o agahan tapos mangungulit si Elmo sakanya. Inaamin naman nya eh, namimiss nya ito. Hindi lang nya matanggap na sa ganitong sitwasyon pa ni Elmo sila mabibigyan ng isa pang pagkakataon para magsama.

Sa kabilang banda naman..

Matagal pa silang nanahimik bago tumikhim si Justine.

"Magalona, this is your last shot. Pag sumablay ka pa, hindi ko na sila ibabalik pa sayo." Sabi ni Justine.

Ngumiti agad si Elmo. "Salamat." Sabi nya dito.

"Julie loves you pare. Kahit hindi nya sabihin sakin yon. Nararamdaman ko. Better take care of her. Hindi biro ang pinagdaanan nyan."

Tinignan ni Justine si Elmo. "At magpagaling ka. Para makabawi ka sa kanila." Sabi nya dito at naglahad ng kamay.

"For Julie."

"For Julie." Sabi ni Elmo at tinanggap yon.

"Hindi ka na daw ba makakalakad pa?" Tanong ni Justine dito.

Napaiwas ng tingin si Elmo. "Sabi nila hindi na."

Bigla nanaman nyang naisip si Jezreel.

"Paano yan? Hindi pwedeng ganyan ka lang. Dapat siguro mag second opinion tayo." Sabi ni Justine.

Bigla namang nabuhayan ng loob si Elmo. Sasagot na sana sya ng dumating si Julie.

Dala nito ang juice. "Sorry. Hindi pa kasi nakapag grocery ng madami eh. Juice nalang muna." Sabi ni Julie habang nilalapag yon.

Naalala tuloy ni Elmo kung gaano ito ka hands on sakanya noon.

Hindi nya maiwasang mapatitig kay Julie. Miss na miss na nya ito. Yung pagsusungit nito pag nakahambalang ang twalya nya sa sahig. Yung pag nag iwan sya sa banyo ng maruming damit.

Yung nagagalit ito pag pinapatungan nya ng mainit na tasa ang lamesa nila sa sala.

Everything.. lahat ng tungkol kay Julie. Miss na miss na nya. Kung kailan naman nabigyan na ng pagkakataon ang pamilya nya na mabuo. Sya naman ang wasak. Pakiramdam nya ay inutil sya. Wala syang magawa.

"Ah.. ano yung pinag uusapan nyo, Kuya?" Tanong ni Julie kay Justine.

Umiling naman si Justine. "I'm just saying bakit hindi tayo humingi ng second opinion para kay Elmo. Ikaw nga non, sinintensyahan na eh. Nabuhay pa. What more yang kay Elmo diba?"

Napaisip naman si Julie. "I know Marlo can help us." Sabi ni Justine.

"Marami syang kakilalang doktor. And diba sya ang nagtyaga sayo noong may Leukemia ka? I'm sure he can do something about Elmo's condition." Sabi pa nito.

"Tatanungin ko muna kuya si Mama." She is referring to Pia.

Tumango tango lang si Justine. Ilang sandali pa na nag uusap usap silang tatlo ay nag aya na magpahinga si Elmo. Nakauwi na rin naman si Justi e kaya gusto na nya magpahinga.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon