Chapter 22

1.8K 77 4
                                    

"Kumusta naman kayo ni Moe, iha?" Tanong ni Pia kay Julie. Nandito sila sa dining area at si Elmo naman ay nagpaalam na pupunta muna sa dati nyang kwarto.

Wala rin daw sila Francis at Maxene. Magkasama daw ang dalawa na nag grocery. Bonding daw yon ng mag ama. Kaya ang nandito lang ay si Frank, Pia at Saab.

"Maayos naman ho, Attorney."

"Tsk. Mama na nga diba? Girlfriend ka ng anak ko. You are considered as a family na." Sabi nito at ngumiti pa.

"A..ah sorry po, M..ma. Hindi pa po kasi ako sanay."

"Ano ka ba. Masasanay ka din. Ganyan din saakin yung boyfriend ng kapatid ni Moe. Pero dahil makulit ako, nasanay din. Hahaha." Sabi pa ni Pia kay Julie.

"Maaaa! Bakit nagkalat ang gamit ni Arkin sa kwarto!?" Singhal ni Elmo.

Arkin is his youngest brother. For now, hindi nya alam san nagsusuot ito pero ang mas hindi nya alam. Bakit may mga gamit ni Arkin sa kwarto nya?

"Hahaha. Anak, Arkin hangs out to your room a lot."

"And you let him?" Nakasimangot na tanong ni Elmo habang si Julie naman ay natatawa lang.

"I can't resist him, honey. Pagbigyan mo na, mas matanda ka."

"Yeah. Keep on rubbing that excuse on my face, mama."

Pia pinched the cheeks of Elmo. "Ang cute cute talaga ng baby ko!"

"Mama!" Pigil nito sa ina dahil nahihiya kay Julie.

"O e bakit naman hindi? Baby naman talaga kita ah!"

"Mamaaaaa! Ako lang po ang baby nyo!" Biglang sulpot ni Arkin.

Tila nagulat naman ito nang makita si Julie. "Hehehey. Who's this beautiful girl, kuya?" Tanong ni Arkin habang nakangiti kay Julie.

Napangiti lang naman din si Julie. Elmo Magalona xerox copy.

"Ah. Barq, this is Julie Anne San Jose. Oh I mean, Attorney Julie Anne San Jose soon to be Magalona. My girlfriend." Sabi nito kaya tumayo naman si Julie.

"Hi Arkin."

Nailang naman si Julie sa tingin nito.

"Ate? Na-engkanto ka po ba?"

"Huh?" Naguguluhan na tanong ni Julie.

"Nauto po kayo nito? Hahahaha!" Sabi ni Arkin habang tinuturo si Elmo kaya napatawa nalang din si Julie.

"You can say that."

"Hey. Hindi kita inuto ha!" Depensa naman ni Elmo. Tawa lang sila ng tawa at masayang tinitignan ni Pia ang kanyang anak na si Elmo, sa wakas tapos na ito sa dilema nya kay Dana.

"Hahaha. I love you too, honey!" Sabi ni Julie na natatawa lang.

"Heyyyy! We're home!" Sabay sabay naman silang napalingon sa likod.

"Hi Dad." Bati ni Elmo kay Francis at niyakap pa ito.

"Is it true? Na top 1 ka?"

"Yup. And I'd like you to meet the top 2." Sabi ni Elmo at hinila si Julie sa tabi nya at hinawakan pa ang kamay nito.

Napatingin naman don si Francis at nangiti. "Asawa mo?"

"Hahaha. Dad. Mas mabilis ka pala sakin? No. Not yet. This is the top 2. Attorney Julie Anne San Jose kapatid ho ng ka-batch ni Ate Maxene. Si Justine San Jose? Yung top 1 dati?"

Francis recalls. "Ah. Yes. Si Attorney San Jose. Nice to meet you, iha."

"My pleasure ho sir." Sabi ni Julie at nakipagkamay dito.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon