Chapter 3

1.9K 64 7
                                    

"I told you wala akong alam sa mga sinasabi nyo! I was only there to join my friend into her party!" Elmo said angrily and shooting daggers at the police officer in front of him.

"You can't arrest us dahil wala kayong warrant of arrest saamin!" He heard someone shouted that makes him turned to check who owns that voice.

Si Attorney Julie Anne San Jose. Agad siyang tumayo.

"You're right Attorney San Jose. Look Mr. Police-dumb-officer. Use your dumb brains! We are law students at ilang buwan nalang we will be taking our bar exam. What made you think na gagawa pa kami ng kagaguhan ha!?"  Elmo finally said what he wants to say kanina pa at hinampas din nya ng kamay nya ang lamesa.

"Spare us to this motherfvckin precint bago pa kami ang magsampa ng kaso sainyo!" Elmo even glared at them while speaking.

"Elmo stop it. Let's just wait for our lawyer." Julie said.

"Julie! Law student ka! Alam na alam mo na dapat hindi tayo inaresto ng mga to ng walang warrant!"

"E andito na nga eh! Tawagan mo nalang ang abogado mo to prove na wala kang kasalanan!" Julie finally shouted. Naiinis sya kay Elmo dahil sobrang ingay nito at hindi sya makapag isip ng maayos dahil sigaw ito ng sigaw.

"Hoy! Ang ingay nyo ha! Posasan nyo nga yan at ikulong nyo! Wag nyo palalabasin ang mga yan ng walang abogado!" Sigaw ng hepe nila.

Nagkatinginan naman si Julie at Elmo.

"What!?" Sabay nilang sigaw.

Pinagtitinginan na rin sila ng ibang tao dito dahil sa ingay na ginagawa nila.

"Fvck you! Sinabing..ano ba! Wala nga akong kasalanan eh!" Pagpupumiglas ni Elmo.

"Bitiwan mo nga ako!" Narinig din ni Elmo na sumisigaw si Julie at nakita rin nito na napipilipit na ang wrist ng dalaga.

"Hoy! Nananakit ka na ng babae ah!" Sigaw ni Elmo habang pinapasok sa selda kasama si Julie.

"Diyan na nga kayo! Ang iingay nyo!"

"Cellphone?" Elmo saw the policeman trying to get Julie's mobile phpne.

"Wait. I'll just let the guy beside me call his lawyer." Mataray na sabi ni Julie at inabot ang cellphone kay Elmo.

"Call anyone that can spare you, Attorney Magalona. May number  ka ba ng kahit sino sa family mo?"

"Hindi ko kabisado eh." Sabi ni Elmo at umupo sa lapag. Umupo rin si Julie.
"E paano yan?"  Tanong ng dalaga.
Just this once ay kakalimutan muna nya ang alitan nila ni Elmo. Isang gabi lang, Julie.

"Bahala na." Tipid na sagot ni Elmo.

"Anong bahala na? Kailangan makalabas tayo dito ngayong gabi." Sabi pa ni Julie. Tumitig naman sakanya si Elmo.

"May abogado ka bang darating?" Tanong ng binata.

"Meron. Si Attorney Justine. Papunta na sya." Nag iwas ng tingin si Elmo pagkarinig ng pangalang Justine. Just the mere fact na boyfriend ni Julie ang darating. Pakiramdam nya. He's so small. Dahil ba sa nagseselos sya or dahil sa maiiwan sya dito sa loob ng selda hanggang bukas? Hindi nya alam kasi. Bakit naman sya magseselos? Ano ba sila ni Julie?

"Pag nakalabas ka ngayong gabi. Ito yung address namin, makikisuyo na ko sayo. Pakisabi saamin na kailangan ko ng abogado." Sabi nito at itinype sa memo ni Julie ang address nila sa Antipolo.

"Salamat." Sabi nito at ibinalik kay Julie ang cellphone at pumikit sandali. Si Julie naman ay nakatitig lang sa address na binigay ni Elmo

"Ayoko ng tingin mo. Okay lang ako, Attorney." Sabi nito at nagdilat ng mga mata. Nagtama naman ang mga mata nila ni Julie. Napahawak sa noo si Julie dahil dama pa rin kasi nya ang alak sa sistema nya at mas lalo sumakit ang ulo nya dahil inaalala nya kung sino ang kahalikan nya sa bar kanina. Dahil madilim at patay sindi ang ilaw kanina ay di nya masyadong namukhaan ang lalaki.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon