Chapter 34

1.6K 72 2
                                    

Pabagsak na umupo si Elmo sa couch nila ni Julie. Kakauwi lang nya galing sa Magalona and Associates para mag apply ng trabaho. Yes, dadaan sya sa interview. It's still clear as water when his mom told him "Dumaan ka sa butas ng karayom."

Wala daw syang special treatment kahit na number one sya sa bar exam. Yes, nakapasa siya. He got the number one and syempre, sinundan sya ng napakaganda at sexy nyang asawa na hanggang ngayon ay di pa sya sinasalubong.

Pagod na pagod sya dahil number 77 ang nakuha nya na number sa pila. Nalate kasi sila ni Julie ng gising. Unfortunately ay inabutan sya ng cut off.

"Julie, Im home." He announced as he remove his shoes.

Agad naman narinig ni Elmo ang nagmamadaling pagbaba ni Julie sa hagdan. Nag angat sya ng tingin at nakitang nakarobe ito at tumutulo pa ang tubig na nanggaling sa buhok nito.

Sa sobrang pagmamadali ay nadulas si Julie. "A..aray." She whinned.

Elmo stood up and reach for his wife. "Ano ba yan. Ang clumsy. Bakit kasi nagmamadali ka?" Paninita nya dito.

"E you're tired eh. Ikukuha sana kita ng inumin." Sabi ni Julie at tinanggap ang kamay ni Elmo na nakalahad para tulungan sya. Umupo silang dalawa sa couch.

"Kumusta pala ang interview mo? Nakapasok ka?" Excited na tanong ni Julie.

Nakasimangot na humarap sakanya si Elmo. Nakapasok na ang asawa nya sa Monteverde Firm. Nang malaman ng mga empleyado doon na si Julie Anne SJ. Magalona ang nag aapply ay kaagad itong inasikaso dahil number two nga ito sa bar exam. Samantalang sya, number one. Pero pumipila. Knowing na firm pa yon ng nanay nya.

"Babalik pa ako bukas." Sagot ni Elmo at bumuntong hininga.

"Anong babalik? Hindi ka pa natanggap? Don't tell me, mama rejected you."

Agad umiling si Elmo. That's impossible. Dahil alam nyang tatanggapin sya sa Firm ng mama nya. Gusto lang nito ipakita sa ibang employee na fair ang pag ha-hire nila.

"No it's not that. Number 77 ang nakuha kong number sa pila. Unfortunately, naabutan ako ng cut off. Grabe, hindi na nga ako nananghalian dahil gustong gusto ko ng mainterview tapos mimalas pa. Dinadaan daanan nga lang ako ng mga kapatid ko and even mama." Pagsusumbong ni Elmo sa asawa.

"Talaga? Ginawa nila yon?" Sabi nito na nagpipigil ng tawa.

"Hey, what's funny!?" Singhal dito ni Elmo.

"Ikaw. Hahaha. Habaan mo kasi pasensya mo, ikaw ang may kailangan sa firm. Of course, dapat ikaw ang maging pasensyoso." Sabi ni Julie.

"But my mother owns that firm." Giit ni Elmo.

"Babe. Kahit na. Mama is just giving you your first challenge. Sumusuko na ba agad ang mister ko?" Tanong ni Julie dito.

"Wala ata sa vocabulary ko ang pagsuko, misis."

"That's my Elmo Magalona!" Julie said and clapped her hands once.

Napangiti naman si Elmo at niyakap ang asawa.

"Nagluto ka?" Tanong dito ni Elmo. You can't blame him dahil hindi nga sya nagtanghalian.

"Oo naman. Lika na. Tara sa taas nang makapagpalit ka at makapagbihis na ko. Tapos kakain na tayo." Sabi ni Julie sa asawa.

"Sige. Tara." Sabi ni Elmo at sabay silang pumunta sa kwarto.

Agad dumiretso si Julie sa walk in closet para hanapan ng damit ang asawa. Isang simpleng boxer na color gray ang nakita nya at white tshirt.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon