Chapter 35

1.7K 72 3
                                    

Bumili ng champagne si Elmo at pizza bago umuwi. Sinamahan pa nya ito ng isang cake. It's already 6 pm at ngayon pa lang nya ibabalita sa asawa na tanggap na sya sa Firm.

Nauna syang nakauwi. Pagdating nya sa bahay ay nakalock pa iyon. Meaning ay wala pa si Julie.

Panigurado ay natraffic yon dahil rush hour na.

Nang maigarahe na nya ang kotse nya ay umakyat na sya para magpalit ng damit. Corny, pero mas gusto sana nya kung si Julie ang kukuha ng mga damit nya.

Sabagay, hinanda naman nya ang sarili nya sa ganito. Na once na magkatrabaho na sila ay di na pwedeng pabebe sya kay Julie.

Pagbaba nya ay inayos na nya ang mga pagkain.

Sinubukan din nya magluto ng pagkain na nasa ref. Kahit naman tamad sya ay medyo marunong naman sya magluto. Naalala pa nya noong pinagluto nya si Julie ng Shrimp Curry. Muntik pa itong ma-tegi dahil sakanya.

"Ano ba lulutuin ko? E parang may mga recipe na si Julie dito eh." Mahinang sabi nya at nagkamot pa ng ulo.

Bandang huli ay kinuha nya ang mga sangkap sa paggawa ng Caldereta.

Nag umpisa na syang magluto at nang ihahain na nya iyon ay bumusina si Julie.

Dali dali syang lumabas para pagbuksan ng gate ang asawa.

Pagbaba nito ng sasakyan ay niyakap agad sya.

"Kumusta?" Tanong nya dito.

"Eto. Pagod." Sabi ni Julie at dumiretso sa loob.

"Anong amoy yon? Ang bango ah. Dito si Mama?" Tanong ni Julie.

Ngumiti naman si Elmo. "Ah hindi. Nagluto ako."

Tinignan sya ni Julie na tila naguguluhan. "What? Dapat hinintay mo na ko. Pasensya ka na." Sabi ni Julie.

She's always been that hands on wife to Elmo since day one. Kaya laking pasasalamat ni Elmo dahil ito ang pinakasalan nya.

"Ayos lang." Sabi ni Elmo na nakangiti at kinuha pa ang bag ni Julie at ibinaba ang bag nito.

"What's the occassion? Bakit ang daming pagkain?" Takang tanong ni Julie habang naghuhugas ng kamay.

"I'm hired!" Masayang sambit ni Elmo habang malawak na nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ni Julie at ngumiti ng wagas. "Yes! I told you, you can do it! Yes!" Bulalas nito at tumalon pa para mayakap si Elmo.

"Hahaha. Sabi nga ni Mama apat na kaming Magalona na nandoon sa firm. Sabi nya baka daw gusto mo dumagdag." Sabi ni Elmo na nakangiti.

Nagbaba naman ng tingin si Julie. "Elmo.."

"No, I'm just saying hahaha. Hindi naman kita pinipilit eh."

"Salamat ha? Dream ko kasi 'to, Moe eh."

"Alam ko. Alam ko. That's why I'm supporting you. Dalawa tayo dito diba?"

Tumango naman si Julie at ngumiti. "Alam mo may good news din ako. May hahawakan na agad akong kaso ng Estafa." Sabi ni Julie.

"Talaga?"

Tumango ito. "Yes. Saakin agad ibinigay yung kaso." Sabi ni Julie.

"That's great! Ganon sana!"

"Eherm. Top two." Simpleng pagmamayabang ni Julie.

"Top one here." Ganti ni Elmo.

Sabay naman silang nagtawanan pagkatapos.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon