Chapter 27

1.8K 71 7
                                    

"I became the most miserable person when she leaves..nagalit ako sa mundo..nagalit ako sa lahat.. Kasi habang sila, nagsasaya. Ako, nagdudusa." Patuloy na nagsasalita si Elmo.

Ang apat na beer ay nadagdagan pa ng isa pang apat. Bumili si Elmo sa nearest convenience store mula sa condo ni Julie.

"You deserve to be happy, Babe." Sabi ni Julie. Nakaupo sila sa lapag sa veranda at nagkukwentuhan.

Julie likes the idea na they talk like bestfriends and love each other as lovers. Elmo is slowly opening up.

"I know. That's why, I will be forever thankful to you. Because you give me another reason to be happy." Naluluhang sabi nito kay Julie.

Epekto siguro ng alak.

"Alam mo ba kung gaano ko kagago non?" Tanong ni Elmo kay Julie na tahimik lang na nakikinig.

"Sobrang gago ko. Muntik ko ng kinalimutan ang pamilya ko para lang magpakatanga sa babaeng yon." Puno ng pait na sabi nito.

"I almost lost my family because I was stupid. Julie can you blame me? Minahal ko sya pero ginamit nya ko. You think ganon ako kasama?"

"No. Of course not. I saw how you care for your family that soon I can call my family too. Nakita ko, Elmo. Dana doesn't deserves your tears, honey. Mahal na mahal kita." Sabi ni Julie dito.

Naaawa sya kay Elmo. Hindi dahil sa iniisip nyang mahal pa nito si Dana. Dahil ramdam ni Julie na hindi na nya talaga ito mahal. Naaawa sya sa nobyo nya dahil sa mga pinagdaanan nito. Anong klaseng babae ba si Dana?

"I'm sorry, you had to see this. You had to see that I'm weak."

"You're not."

"Shhh. Will you still marry me after this? Pagkatapos mo malaman yung past ko? Pagkatapos mo makita na mahina ako?"

"Oo naman. I do pa din ang sagot ko." Tumayo na si Elmo at may dinukot sa bulsa.

Medyo nahihilo na sya. Pero kahit ganon ay lumuhod sya sa harapan ng babaeng minamahal nya.

"Julie Anne Peñaflorida San Jose. Will you add my last name to your name? Will you do the honor to have an extraordinary life with me? Love, will you marry me?" Tanong nito habang nakaluhod at naluluha.

"Babe..you don't have to do that. Syempre naman, papakasalan kita." Sabi ni Julie na umiiyak.

Dahan dahan na isinuot ni Elmo ang singsing sa daliri ni Julie.

"Thank you for making me the most happiest man in this world, Julie."

--

"Morning, Love." Elmo greeted the snoring Julie beside him.

Nakarami sila kagabi...I mean, nakarami ng inom. Kaya plakda talaga si Julie.

He's glad dahil wala na syang tinatago sa mapapangasawa nya at nasabi na nya na nakabalik na si Dana.

Unti unti nyang tinanggal ang kumot na nakahapit sa katawan nya at dahan dahang tumayo.

"Saan ka pupunta? Maaga pa ah." Julie talked while eyes are still closed.

Agad lumingon si Elmo. "Magluluto lang ako, babe. Matulog ka pa." Sabi ni Elmo kay Julie.

"Uh-huh."

Natatawang naglakad na si Elmo patungong pinto.

"Elmo." Julie called out again.

"Hmm?"

"Nasusuka ako." Sabi nito.

Napatakbo naman agad si Elmo para alalayan si Julie. Probably, hang over.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon