Chapter 29

1.8K 72 9
                                    

A/N : Typos, magulo, sabaw. Sorry na. Bawi ako bukas.
~

"D..dana?" Naguguluhang tanong ni Julie.

Marahan naman itong tumango.

Parang namutla naman si Julie. Pakiramdam nya ba ay napunta lahat sa ulo nya ang dugo nya sa katawan dahil sa sobrang panlalamig nya.

Kaharap nya ito, kaharap nya ang babaeng nabibilang sa nakaraan ni Elmo.

"A..asawa ka ni Elmo?" Tanong nito.

"Yes. I am Attorney Julie Anne San Jose- Magalona. Ikaw? Bakit mo kilala ang asawa ko?" Pagkukunwari ni Julie.

"Your husband is my.."Tila napaisip pa ito.

"My husband is your?"

"JULIE ANNE!" Sabay na napalingon ang dalawa sa nagsalita.

"Kuya Frank." Julie whispered.

"Elmo is freaking out, hindi ka nanam-- Anong ginagawa mo dito!?"

Napayuko lang ang babae habang nagtutubig ang mata ni Julie. Natatakot sya sa pwedeng kahinatnan nila ni Elmo.

"Frank." Sabi nito.

"Ano kailangan mo?" Mariing tanong ni Frank.

"Balak mo manggulo?" Dagdag pa nito.

"Frank, wala akong balak manggulo."

"Then bakit ka nandito? Wala ang kapatid ko dito." Sabi ni Frank.

"H..hindi ko sya hinahanap. Tsaka hindi ko na sya balak g..gulu..hin" sa ngayon. Hindi ko pa alam.

"At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? Dana wala si Elmo dito. You are free to show the real you. I'm warning you, Yap. Wag na wag mo guluhin ang kapatid ko at ang hipag ko."

"I'm sorry you feel that way. I..im just here sa Philippines for a vacation. Aalis din ako."

"Julie let's go." Mariing sabi ni Frank. Nakatingin lang naman si Dana sakanya.

"Pero Kuya.."

"I said let's go, Julie. Elmo will go berserk pag nalaman nya na nagkita kayo nyan." Not minding what Dana will feel dahil sa mga sinasabi nya.

Agad na lumakad si Julie kasama si Frank. Tumingin muna sya kay Ellen na tila naguguluhan sa mga nangyayari.

Nang hawakan ni Dana ang kamay nya.

"Congrats sa kasal nyo ni Moe. He's a great guy. Ingatan mo sya."

Napangisi naman si Frank. "Bitiwan mo nga hipag ko. Don't act as if you care for Elmo. I have saw everything. I have saw how my brother ruin his own life because you left him without telling him your stupid reason!"

"Frank, i'm sorry."

"Shut it, Dana. Nakikiusap ako sa'yo. Let my brother be happy. Umalis ka na sa buhay nya diba? The  stay where you go when you left him. Maawa ka naman sakanya."

Napaluha naman ang babae sa mga naririnig mula sa kapatid ng dati nyang kasintahan. Nang dati nyang minahal at ngayon ay mahal pa rin nya.

"Jules, tara na."

Naglakad na ulit ang dalawa at iniwan don si Dana na umiiyak.

Habang papalabas ng mall ay nagsalita muli si Frank.

"Sasabihin ba natin to kay Elmo?" Tanong ni Frank sa dalaga.

"Hindi ko alam, Kuya. Ano ba dapat nating gawin? Kasi kung sasabihin natin to kay Elmo, para saan pa diba? Wala na sila."

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon