Chapter 46

2.8K 108 84
                                    

A/N : Konting kembot nalang po itong story. 😢

--

Nilapitan ni Elmo si Julie at lumuhod dito.

"Sorry. Alam ko hindi sapat yan para maghilom ang sugat d'yan sa puso mo. Pero hayaan mo kong tulungan kang gamutin yan." Sabi ni Elmo habang umiiyak.

"Leave us alone, Elmo. Tahimik na kami eh." Sabi ni Julie.

"Yung annulment ba talaga ang magpapatahimik ng kalooban mo?" Lumuluhang tanong ng lalaki.

Natigilan si Julie pero umoo din sya. "Oo."

"I will sign the annulment papers." Nasasaktan na sabi ni Elmo.

"Pero hindi mo ipagkakait sakin si Jezreel. Pwede ko pa rin sya makita." Pakiusap ni Elmo dito.

Tinignan sya ni Julie. Kagaya nya ay umiiyak din ito.

"S..sige." Pag sang ayon nya.

Nabigla ang babae nang yakapin sya ng asawa.

"Wag mo iisipin na pinapakawalan kita dahil hindi na kita mahal, ginagawa ko to para di kana mahirapan. Ginagawa ko to kasi mahal kita. Mahal na mahal kita, Julie Anne. My Mrs. Magalona."

Napaiyak si Julie nang marinig ang mga katagang yon.

Yumakap nalang din sya pabalik kay Elmo.

"Salamat at inilaban mong mabuhay ang anak natin. Isa lang ang hiling ko, Julie. Sana..sana ipakilala mo ko sakanya na ako ang daddy nya."

Tumango lang naman si Julie habang patuloy na umiiyak.

If this is my fate then so be it. Hinayaan ko ang asawa ko at ang anak ko. Siguro nga, hindi nila deserve ang tulad ko.

--

Hinatid ni Elmo si Julie sa bahay nila nang mag aalas nueve ng gabi.

"Sa FMCC MOA tayo magkita bukas. Pag usapan natin yung kay Jezreel.."

Napatingin si Julie kay Elmo. Oo, wala syang tiwala dito.

"Siguro naman sa halos isang taon natin na pagsasama noon, kilala mo na tumutupad ako sa usapan." Sabi ni Elmo.

Tumango lang naman si Julie.

"S..sige." Sabi ni Julie.

Tumango lang naman si Elmo. Palabas na sana si Julie ng kotse nang magsalita ulit si Elmo.

Hinawakan din nito ang kamay nya.

Umiiyak pa rin ang binata. Hinalikan nya ang kamay nito.

"I wish I can tell you how sorry I am. Mahal na mahal kita." Sabi nito.

Tumango lang naman si Julie at bumaba.

Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ni Elmo ay umiyak sya ng umiyak.

Pumasok sya sa loob ng bahay.

"Kuya.." Sambit nya at niyakap ang kapatid.

"Nag usap kayo?"

"Oo."

"Anong sabi nya?" Hindi sumagot si Julie at niyakap lang ito ng mas mahigpit.

"Gusto nya makilala si Jezreel. Yun ang kondisyon nya para sa annulment." Sabi ni Julie.

Tumango tango naman si Justine.

"Pipirma sya?"

Umiiyak na tumango si Julie. Hindi nya gusto ang desisyon ni Elmo. Akala nya ay kukulitin pa sya nito. Akala nya ay hindi sya susukuan nito.

Law of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora