Chapter 12

1.8K 76 8
                                    

Tulala si Julie ngayong araw, hindi nya kasi maintindihan. Bakit iwas ng iwas si Elmo sakanya. E kahapon lang ay pinangako nito na hinding hindi sya nito iiwan.

"Julie.." Untag ni Maqui kay Julie pero hindi pa rin ito nagsasalita. Magla-lunch break na.

"Julie!" Ulit ni Maqui kaya tuluyan na nyang nakuha ang atensyon ni Julie.

"Ah eh ano nga ulit yon?"

Huminga ng malalim si Maqui. "Anong meron sainyo ni Magayummy? Bakit di kayo nag uusap?"

Napailing naman si Julie. "Ewan ko don, hindi nga ako pinapansin eh." Malungkot na utas ni Julie.

"Nag away ba kayo?"

"Hindi. Kahapon nga bago kami umuwi, nag usap pa kami eh."

"Anong napag usapan nyo?" Interesadong tanong ni Maqui.

"Wala naman. Bukod sa issues ko kay Leah."

"Ahh. Sure ka wala kang nasabi na pwedeng ikasama ng loob nya?"

Pilit namang inalala ni Julie ang mga napag usapan talaga nila ni Elmo. Pero wala talaga siyang makitang dahilan kung ano ang kinatampo o kinasama ng loob ni Elmo.

"Wala talaga, Maq eh. Naguguluhan na nga din ako." Frustrated na sabi ni Julie.

"Hay nako. Gusto mo tanungin ko si JL?"

"Wag na. Baka marami lang iniisip si Elmo." Malungkot na sabi ni Julie at kinuha ang cellphone para tignan kung may text man lang si Elmo.

Ano ba talagang problema mo, Elmo..

--

Panay ang iwas ko kay Julie dahil gusto kong mawala na tong nararamdaman ko para sakanya at isiksik sa isip at puso ko na hanggang kaibigan lang kami. Babalik ako sakanya, pero hindi pa siguro ngayon. Ayokong maguluhan sya pag nalaman nya na may gusto ko sakanya.

"Bro. Ba't di kayo nagpapansinan ni Japs?" Tanong ni JL.

"Busy kasi ako eh. Tsaka mukhang busy din naman sya."

"E bakit kahapon? Busy din naman tayo ah. Pero you find time na makausap sya." Turan nito. Napahinto naman si Elmo sa ginagawa nya.

"Ewan. Basta, wag muna ngayon, JL."

"Bro. Tangina. We're friends since diaper days. Ano na nga?" Pangungulit nito.

"Is it about Leah? I heard what happened from Maqui."

Elmo gently shook his head. "No. It's not it. I just need time."

"Time for what?" Takang tanong nito. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiwagaan diba? Lagi silang magkasama nitong mga nakaraang araw and yet ngayon, hindi sila nagpapansinan na para bang hindi nila kilala ang isa't-isa.

"Time to think." Mahinang sabi nito. Ayaw nya makigulo. Ayaw niyang makagulo. Kasi pag pinagpatuloy pa nya ang pagsama sama kay Julie ay baka mahulog na talaga ang loob niya dito at gumawa siya ng paraan para maagaw ito kay Justine.

"Pare naman. Linawin mo please."

"Pabayaan nyo muna kami, JL. Kailangan namin to." Sabi nalang ni Elmo na nakatingin sa kawalan.

Oo, ayaw niya. Ayaw na ayaw niya malayo kay Julie. Pero ito ang kailangan niyang gawin. Ito ang dapat niyang gawin.

"Bro. Kung may problema kayo ni Julie pag usapan nyo, pre."

"Wala kaming problema. Ako. Ako ang problema." Sabi ni Elmo at tinuro pa ang sarili nya.

"Ako ang problema kasi nahuhulog na ko sakanya! Ako ang problema kasi mahal ko na siya!"

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon