Chapter 2

1.9K 57 4
                                    

A/N : Hahahahappy 83 Reads. Unlike TBW. Ang hina talaga nito. Hahaha. Pero itutuloy ko pa din kasi feelingera ko at nag enjoy ako sa GGV ng Elmo husband ko.

--

"Attorney!?" Gulat na gulat si Julie sa nakikita nya ngayon. Si Elmo Magalona? Ang isa sa pinaka mahigpit nyanh kalaban sa Law Department ay ganito ka-flirt!?

Agad bumaba si Elmo. Hindi nya alam kung bakit pakiramdam nya ay kailangan nya ipaliwanag ang nakita ni Julie kani-kanina lang.

"A..attorney. It's not what you think. It's not what it looks like." Utal utal na pahayag nito.

Julie calmed herself before looking at Elmo's eyes again.

"Teka." Elmo said at binuksan ang pinto nito para pababain ang babae.

"Baba." Utos nito. Gumilid naman si Julie at kunyaring kumuha ng cellphone at nagtext.

"Mukhang bayaran." Mahinang bulong ni Julie. Pero mas lalo nanlaki ang mga mata nya ng makita nya na bumunot ng wallet si Elmo at binigyan ng 2000 pesos ang babae.

"Bayaran nga."

Tinanggap iyon ng babae. "No 'do' ?" Tanong nito. Lumingon naman si Elmo sa banda ni Julie para siguraduhin na hindi naririnig ni Julie ang usapan nila.

Pero nagkakamali sya dahil malinaw pa sa sinag ng araw ang pandinig ni Julie.

"Sige na. Wala. Umalis ka na." Agad namang umalis ang babae.

"Attorney.." Panimula ni Elmo pero Julie rises her hand to shut Elmo up.

"Violation of human rights against women. Nagbabayad ka ng babae to satisfy your needs?"

"Look. Mali ang iniisip mo. Everything you saw.. it was wrong.."

"Yeah. Wrong. Tama. Wrong nga yon." Tango tango ni Julie

"Pero mas wrong na ang isang abogado pa ang gumagawa ng nakita ko." Pagpapatuloy ni Julie.

"And bakit ka nga ba nag eexplain? Look. We are not close. Kaya please. Wag ka na mag explain. Besides, huli ka na eh."

Elmo narrowed his eyes. May gusto palabasin si Julie at iyon ang gusto nyang malaman.

"Ano bang pinagsasabi mo na violation of human rights against women ang ginagawa ko? Pumayag sya. Hindi ko sya pinilit."

"We're not talking about rape or whatsoever Attorney Magalona. Ano kaya iisipin ng mga tao at profs natin pag nalaman na law breaker ang napakagaling na estudyante nila?"

Napangisi naman si Elmo. "Sino naman ang nagsabi sayo na law breaker ako?"

Tumawa din si Julie. "So ano ang nakita ko? Diba nga labag sa batas na magbayad ng babae para gawing parausan?"

"Pinagbibintangan mo ba ako Attorney San Jose?"

"Natatamaan ka ba. Attorney Magalona?" Balik-tanong ni Julie. Ang kapal talaga ng mukha. Sa isip isip nya.

"So ano? Are you guilty? Or not guilty?" Tanong ulit ni Julie na naka cross arms.

"Please don't tell anyone about this." Biglang lumabas sa bibig ni Elmo na siyang mas nagpatawa kay Julie.

Habang si Elmo naman ay nagulat din sa lumabas sa bibig nya at tila umamin na siya sa binibintang ng abogadong nasa harap nya.

"Ano ba talaga ang kailangan mo saakin, Attorney?" He finally asked.

"Wala naman. Ngayon mapapatunayan ko na. Na mas deserving pala talaga ako maging top 1 sa bar exams and finals."

"Deserving? Alam nating dalawa Attorney..na ako ang pinakamahigpit mong kalaban sa bar exam. Well let's see." Sabi nalang ni Elmo at naglakad palayo.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon