Chapter 18

1.7K 83 11
                                    

"Julie nasaan ka ba." Kanina pa tinatawagan ni Maqui si Julie pero hindi ito sumasagot. Nandito sya sa labas ng condo ng dalaga.

Gabi na at wala pa si Julie. Mabuti nalang at naisipan nyang magpunta rito para ibalik ang librong hiniram nya sa bestfriend nya. Dahil kung hindi ay hindi pa nya malalaman na wala ito dito ngayon.

Pinag ring nya ulit ang cellphone ni Julie pero di pa rin talaga ito sumasagot kaya napagdesisyonan na nyang tawagan si Elmo.

"Hello?" Bungad agad nya.

Alas nueve na ng gabi at sigurado syang nakatulog na si Elmo. "Hmm? Sino to?"

"Fvck you, it's Maqui."

"Oh? Ano problema mo? Kung iniwan ka ng jowa mo, hindi pa ho bukas ang barangay tumawag ka nalang bukas." Sabi ng binata na kinainis ni Maqui.

"Tarantado. Si Julie kasi."

"Ano!?" Parang nagising ito dahil napalakas ang boses.

"Wala pa dito hanggang ngayon. Nandito ko sa condo nya. Puntahan mo ko dito at hanapin natin."

"Sige sige. Hintayin mo ko dyan. Sinubukan mo na bang tawagan?"

"Oo eh. Hindi naman sumasagot. Tatawagan ko nalang ulit."

"Sige. Wag mo tigilang tawagan. Magbibihis lang ako then diretso na ko d'yan."

"Okay." Sabi ni Maqui at pinatay na ang tawag.

Ilang sandali pa ay dumating na ang humahangos na si Elmo.

"Maq. Wala pa?" Malungkot na umiling si Maqui.

"Wala pa."

"Tangina alas diyes na halos ah." Sabi ni Elmo at sinubukan pang tawagan ang dalaga.

"Hindi sumasagot." Sabi ni Elmo kaya mas lalo nagworry si Maqui.

"Elmo paano kung may masamang nangyari kay Japs? O kaya hindi na nya nakayanan yung nangyayari sakanya ngayon?" Naiiyak na tanong ni Maqui. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Elmo sa narinig.

"Hindi. Hindi pwede." Sabi nya at naglakad na papuntang elevator.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Maqui at sinundan si Elmo.

"Pupuntahan ko si Julie. Hahanapin ko sya. Hindi tayo pwedeng maghintay lang." Sabi ni Elmo at sumakay na ng elevator kasama si Maqui.

"Tawagan mo kaya sila JL to help us." Suggest ni Maqui.

"Wag na, Maqui. Kaya na natin to. Do you have a car?"

"Yup."

"Mas maganda kung magkasama nalang tayo para hindi na tayo magkawalaan. Kotse ko na gamitin natin."

"E sige." Sabi nito.

Palabas na sila ng building nang mag ring ang cellphone ni Elmo.

Babe calling...

"Julie!?" Napalingon naman si Maqui nang sumigaw si Elmo.

"Julie where are you!?" Tarantang tanong ni Elmo. Malakas ang background noise sa linya ni Julie.

"Hello?" Pero mas lalo siyang nagulat ng lalaki ang sumagot.

Niloudspeak nya ang phone nya. "Sino ka!? Nasaan si Japs!?" Tanong ni Elmo.
"Bartender po ako dito sa bar. Nakakarami na po ng nainom itong girlfriend nyo. Pakisundo na ho."

"H..hello? San yan?"

"Sa Black Lagoon po." Sabi ng bartender.

"Black lagoon? OMG! Elmo. I know that place."

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon