Chapter 11

1.9K 68 6
                                    

"Leah, can you please leave Julie alone? Tigilan mo na sya or else ako ang makakalaban mo!" Elmo shouted at Leah angrily. Hindi naman sya ganon ka harsh sa babae pero yung ginawa nya kay Julie is more than enough para hindi na sya manahimik.

"E..elmo kasi si Julie.."

"Wag ka ngang sinungaling, bitch. Hindi ganon si Julie!" Agaw eksena naman ni Maqui.

"Wag ka makielam dito, Frencheska. Bakit ba ang sama sama nyo sa'kin ni Julie ha!?" Pagdadrama pa ni Leah trying to get the sympathy of Elmo.

Maqui's eyes widened after hearing those words. Parang nag init talaga ang ulo nya. "Anong sinabi mo ha? Ang sama namin sayo? E si Julie nga walang ginagawa sayo pero lagi mong binubwisit." Sabi niya kay Leah.

"Elmo, h'wag kang maniwala sakanya. Hindi ako ganon."

"Wag ka mag explain saakin, I don't care about you. You shouldn't hurt, Julie!" Sigaw sakanya ni Elmo.

"Ano, anong paliwanag nanaman ang sasabihin mo ha? Wag mo ng bilugin ang ulo ni Elmo dahil hindi sya kasing bobo mo!" Sabi ni Maqui sakanya.

"Maq. Tama na yan. Sundan natin si Julie. Hindi pa nagbebreakfast yon." utas ni Elmo.

Kaya kahit gaano pa kagusto ni Maqui sampalin at sabunutan itong si Leah ay tumigil na sya. Malamang umiiyak nanaman si Julie. Totoong kilabot si Julie sa Law Department kung tungkol sa talas ng dila nya pagdating sa mga debate. Pero iba 'to. Personalan to.

Naglakad na palabas si Elmo at tinignan muna ng masama si Leah.

Hinanap nya si Julie sa mga posibleng puntahan nito at naisip nya na baka nandon ito sa usual tambayan nya.

Agad siyang pumunta don. Tama nga siya, nandon si Julie. Naabutan nyang nagpupunas ng luha ang dalaga at ni hindi nga nito naramdaman ang pagdating nya.

"Don't waste your tears." Utas nya sa dalaga. Napapihit naman si Julie at nakitang si Elmo ang nagsalita. Agad din syang tumalikod at pinunasan ang mukha nya.

"I..ikaw pala." Pilit nyang pinakalma ang boses nya.

"You don't have to pretend that you're okay when the truth is you're not." Sabi ni Elmo sakanya.

"Im okay." Tipid na sagot nya. That's a lie. Hindi sya okay. Kasi hindi nya maintindihan bakit may mga taong galit sakanya when the fact na hindi naman siya naging masama sa kahit na sino.

Nagulat sya ng yakapin sya ni Elmo. "Ilabas mo." Sabi ni Elmo habang nakayakap sakanya.

Hindi naman na nya napigilan ang hindi humikbi. "E..elmo. Bakit ganon? Wala naman akong ginagawang masama ah. Masama na bang makipagkaibigan sayo? Masama ba yon?" Iyak ni Julie.

"Ang abogado hindi basta basta umiiyak. Kaya dapat ikaw, patunayan mong abogado ka. H'wag kang magpaapekto. Kasi pag umiyak ka, para mo ng pinandigan ang mga binibintang nila. Lalo na ang mga bintang ni Leah."

"H..hindi ko kayang h..hindi magpaapekto eh."

"Tahan na. Hayaan mo, promise ko sayo. Hindi ka na malalapitan at masasaktan ng kahit na sino lalo na ng mga katulad ni Leah." Pang aalo ni Elmo sakanya.

Kumalas naman si Julie. "Totoo?"

Tumango naman si Elmo at pinunasan ang luhang nanggaling sa mata niya. "Totoo. Promise." Sabi nya. "Kaya wag ka na umiyak." Dagdag pa nito.

"Salamat."

"Hindi ka dapat magpasalamat, ako dapat ang magpasalamat sayo. Dahil dinala nyo sa ospital ang ate ko." Sabi ni Elmo.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon