Law of Love

By lostruss

115K 4.4K 908

"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay ma... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Final Note

Chapter 39

1.7K 87 41
By lostruss

"Attorney Julie Anne. Tatapatin ka na namin, mahina ang kaso mo. Halos isang buwan na tayo naghihearing pero wala pa rin kayong naipapalag na matinding ebidensya." Sabi ng judge sa kalagitnaan ng hearing.

Yumuko lang si Julie. "B..bigyan nyo pa po kami ng time, judge."

"Wala ka ba man lang witness?"  Tanong pa nito.

Nakatingin lang si Elmo sa asawa nya. Oo ginusto nya matalo ito, pero ayaw nya ang nakikita nya. Ayaw nyang nakikita na nasasaktan ng ganyan si Julie. Pero ito naman kasi, ayaw bumitaw sa kaso.

"Wala---

"Meron po!" Sabay sabay na napalingon ang mga tao don. Maging sila Julie.

"Ako po. Pwede po akong tumestigo laban kay Jeric."

"Lance!" Pigil ni Jeric dito.

"I'm sorry Jeric. Pero di na ko pinatutulog ng kunsensya ko. Judge, Attorney. Nandito po sa flashdrive ko ang video ng panggagahasa ni Jeric kay April. Nai video nya po ito ng palihim at isinend po saakin." Tuloy tuloy na sabi nito.

Tumayo naman agad si Julie at si Elmo. Nilapitan ito ni Julie.

"P..pwede?" Tanong ni Julie at dahan dahang inilahad ang kamay para makuha ang flashdrive.

"Opo."  Ibinigay nito ang flashdrive.

Sinaksak agad ni Julie ang flasdrive sa laptop nya at sinaksak sa projector.

"Judge, I'm requesting for some privacy." Sabi ni Julie.

Tumingin naman ang piskal sa mga tao at sumignal na lumabas muna ito. Naiwan lang sa loob ang piskal, ang kampo ni Julie at ang kampo ni Elmo.

Napahagulgol nalang si April sa nasaksihan.

"NO! HINDI TOTOO YAN!" Sigaw agad ni Jeric.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Elmo habang tutok na tutok sa projector.

Natapos ang video at napatunayan na totoo ngang nilapastangan ni Jeric si April.

Tulala ang lahat. Tsaka nalang napabalik sa diwa ang mga ito ng magsalita ang Judge.

"Sa loob ng isang buwang paglilitis ay ikaw Jeric Guerrero ay napatunayan na nagkasala sa batas sa paraang panggagahasa sa biktimang si April Tinio ay hinahatulan ng pagkakakulong sa loob ng kaukulang taon na nakatakda ayon sa iyong kaso. So ordered." Sabi ng piskal.

"Attorney Magalona. Do something!" Sigaw ni Jeric habang pinoposasan.

"I'm sorry, Jeric." Sabi nalang ni Elmo at pinanood ang pag aresto sa kliyente nya.

Ito ang kauna unahang kasong kinatalo nya. Sa loob ng isang buwang paglilitis ay isang buwan na din syang lihim na tumatawag sa kondisyon ni Dana. Hindi na sila ganoon kadalas mag away ni Julie dahil hindi na nya alam ano ang unang iintindihin. Masyado syang pre-occupied sa kondisyon ng dating kasintahan.

Sa loob rin ng isang buwan ay walang nahahalata si Julie

"Congratulations." Bati ng judge kay April.

"Salamat po."

Niyakap ni Julie ang kliyente nya. "Tapos na, April."

"Salamat po, Attorney." Lumapit si Julie kay Elmo para sana makipagkamay pero nauna na itong lumabas ng korte.

Paglabas ni Julie ay nagulat sya dahil maraming Press. Oo nga pala, lumabas ang pagmumukha nilang mag asawa sa TV.

"Attorney Julie Anne Magalona. Ano pong masasabi nyo ngayong sa wakas ay naipanalo nyo na ang kaso laban sa kasong hinahawakan ng iyong asawa?" Tanong ng isa.

"I just did what is right. Excuse me."

"Totoo bang nagkakalabuan na kayo ni Attorney Elmo?"

"No comment." Sabi ni Julie at pilit na umaalis sa crowd.

"Totoo bang kinalaban mo sya dahil sa inggit?"

Inis na inis na si Julie dahil pinalilibutan sya ng mga interviewee. Parang umiikot ang paningin nya sa sobrang dami nila.

Kaya pilit syang umalis sa crowd.

Dali daling hinanap ng mata nya si Elmo. Iba na ang nararamdaman nya. Sumakay sya sa kotse at agad sinindi ang makina nito.

Ipinikit muna nya ang mga mata nya at muling iminulat para hanapin saan nakapark ang kotse ng asawa. Pero wala ito.

Dahan dahan nyang inilipat sa drive ang kambyo ng sasakyan nya at dahan dahang nagmaneho.

Uuwi nalang muna sya. Baka sa sobrang pagod nanaman to.

Pagpasok nya ng bahay ay rinig na rinig ang boses ni Elmo.

"Ayos ka na ba? Magpagaling ka ha. Kawawa naman si Tita kung di ka gagaling."

Gagaling? Sino may sakit? Dahan dahang pumasok si Julie sa kwarto nila at gulat na gulat na humarap sa asawa si Elmo.

"Kanina ka pa ba d'yan?" Kinakabahang tanong nito sabay baba ng telepono.

"Hindi naman. Ah ano kasi sumaki---

"Ah? Bakit ka nandito? Ipamumukha mo ba sakin na natalo mo ko sa kaso? Well then, congrats. Job well done, Attorney NUMBER TWO." Mariing sabi nito.

"H..hindi kasi."

"Ah. Gusto mo ng celebration? Oh eh halika! Mag celebrate tayo sa labas." Sarkastikong sabi pa ni Elmo.

Gusto nyang magpasama sa ospital dahil hindi na normal ang pagsakit sakit ng ulo nya.

"Elmo naman please! Pwede wag ka ngang bitter!? Sinabi ko naman sa'yo diba!? Hindi kita kinalaban! Bakit ba ang tingin mo sakin kalaban mo ha!?"

"Bakit hindi!? Ha? Julie!? E college pa lang tayo desperada ka ng matalo ako! Sa final exam, sa ranking o maging dyan sa pesteng bar exam na yan! Ano gusto mong isipin ko ha!? Tell me!" Nagtataas na ito ng boses.

"Ginawa ko kung ano ang tama!"

"No! Ginawa mo yan para sa sarili mo!"

"Alam mo hindi ka lang pala mayabang no? Mapanghusga ka pa!"

"Ah so ako pa ang masama dito?! Ilang beses akong nakiusap sayo ha?! Na bitawan mo yang pesteng kaso mo!? Pinakinggan mo ba ko?! Hindi! Pinakinggan mo lang ang sarili mo! Kasi makasarili ka!"

"At ako pa talaga!? Ako pa talaga, Elmo!? Hindi kaya ikaw ang makasarali saating dalawa!?" Sigaw ni Julie sa asawa.

"Alam mo.. alam mo siguro nga. Nagmadali tayong magpakasal eh. Hindi pala talaga kita kilala."

Hindi na kumibo si Elmo nang makitang lumabas ng kwarto ang asawa. I love you, Julie isip isip nya at tahimik na napaluha doon.

Hindi nya inaasahan ang huling sinabi ng asawa. Para itong nagsisisi na pinakasalan sya.

Tita Ada calling...

"Elmo!? Elmo please come over! Si Dana! Nag flat line!"

"Ano po!? Sige po pupunta po ako d'yan. Saan pong ospital yan!?"

"D..dito sa guardian angel hospital. Please Elmo. My daughter needs you. Please." Umiiyak na sabi ng ginang.

"Opo opo."

Nag empake ng damit si Elmo at dinamihan na nya yon. Mukhang magtatagal sya sa Cebu dahil sa kondisyon ni Dana.

Nang matapos syang mag empake ay bumaba sya. Naabutann nya don si Julie na nakadukdok sa lamesa.

Nang marinig ang ingay ng maleta nya ay napatingin ito. "Saan ka pupunta? Lalayas ka? O di sige. Lumayas ka." Sabi lang ni Julie. Pero gusto na nya maiyak ng makita ang maleta ni Elmo.

Dahil lang natalo sya? Iiwan nya ko? Lalayasan nya ko?

Hindi kumikibo si Elmo. Tumikhim muna sya bago magsalita. "M..may kailangan lang ako..ayusin." sabi nito.

"Hindi mo na kailangan sabihin. Sige na. Umalis ka na." Nagpipigil ng iyak na sabi ni Julie.

Nasasaktan si Elmo sa sinasabi ng asawa nya. Pero alam nyang mas masakit ang nararamdaman ni Julie.

Awtomatikong niyakap nya ito. "B..babalik ako ha? Hintayin mo ko. Mag iingat ka dito. Pag uwi, mag lock agad." Paalala ni Elmo sa asawa na nagpipigil na rin ng luha.

Hindi gumaganti si Julie sa yakap nya. Pero mas lalo ito hinigpitan ni Elmo.

Iniisip ni Julie na baka ito na ang huling beses na mayakap nya ang asawa. Pakiramdam talaga nya ay iiwan na sya nito.

Kaya umiiyak na gumanti na rin sya sa yakap nito.

"Elmo please. Don't give up on me. Don't give up on us."

Napaiyak si Elmo sa sinabi ng asawa. "I'm.. im not giving up."

"Elmo please. Don't go."

Huminga ng malalim si Elmo bago tanggalin ang yakap ni Julie.

"Kailangan kong gawin 'to, Julie."

"Babalik din ako. Babalikan kita." Umiiyak na sabi nito at pinunasan ang luha na nanggagaling sa mga mata ni Julie.

"Sige na. Maglock ka ha." Sabi nito at hinalikan pa sa noo ang asawa.

Dahan dahan itong naglakad papunta sa pinto.

Umiiyak lang na tinitignan ni Julie ang asawa.

Nang makalabas ito ay hindi sya nag atubiling habulin si Elmo at yakapin ito.

"Wag mo kong iiwan. Wag mo kong iiwanan, Elmo." Nagmamakaawang sabi ni Julie.

Napahawak si Elmo sa kamay ng asawa at marahang tinanggal ito.

"Babalik ako." Tanging sabi ni Elmo at tuluyan ng umalis.

Napaupo si Julie sa gutter at doon umiyak ng umiyak. Galit sya. Galit na galit sya. Sa asawa nya, sa mga press at sa sarili nya.

Dapat nakinig sya kay Elmo. Kung hindi nya pinairal ang katigasan ng ulo nya ay hindi mangyayari ito.

Nanatali pa sya doon at narinig nalang ang busina ng sasakyan.

Nag angat sya ng tingin at inakalang si Elmo yon.

"Julie!? Anong nangyari!?" Sigaw ni JL at pilit na itinatayo si Julie.

"Nasaan si Elmo? Bakit ka nasa labas!?" Nag aalalang tanong nito.

Umiling lang si Julie.

"Lika pasok tayo sa loob."

Tinawagan ni JL si Maqui para pumunta sa bahay. Alam nyang hindi magsasalita si Julie ngayon.

Patuloy lang ito sa pag iyak. Kumuha ng tubig si Jl.

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong nito sakanya at inilapag ang baso ng tubig sa lamesa.

"Asan ba ang asawa mo?"

Umiling lang ulit si Julie.

"Julie!?" Sigaw ng tinig na nagmula sa front door.

"Maq?" Nagmamadaling sabi ni Julie at nilapitan ang kaibigan.

Niyakap nya ito ng mahigpit at humagulgol.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Maq, iniwan na nya ko. Dahil lang sa natalo ko sya sa kaso. Dahil lang sa napahiya sya. Iniwan nya ko, Maq. Iniwan ako ni Elmo." Paulit ulit na sabi nito habang umiiyak.

Nakatingin lang si JL kay Julie at awang awa ito sa dinadanas ng kaibigan.

Lumapit si JL at niyakap ang dalawa.

"Julie.." pigil nya sa pag iyak nito.

"JL. Let her. Kung di nya ilalabas 'to at kikimkimin. Hindi sya makakalaya." Sabi ni Maqui 

"Dapat di ko nalang sya kinalaban eh! Dapat di nalang ako nag abogado! Dapat nakinig nalang ako eh. Kasalanan ko to! Kasalanan ko to!" Sabi ni Julie na pilit pang sinasaktan ang sarili.

Pinipigil naman sya nila JL. "Jules. Jules. Kumalma ka."

"Kasalanan ko to. Kasalanan ko bakit sya umalis. Kasalanan ko." Nanghihinang sabi nito habang yakap yakap ni JL at ni Maqui .

Napaupo na sila sa sahig dahil pilit na kumakawala si Julie.

"Tawagan mo si Elmo!" Nag aalalang sigaw ni Maqui.

Tinawagan ni JL si Elmo pero out of reach ito.

Itinayo nila si Julie at parehong napasigaw ng mag collapse ito.

"JULIE!" Sigaw nilang dalawa. Nabitawan pa ni JL ang cellphons nya dahil sinalo nila si Julie.

Binuhat ito ni JL at isinakay sa kotse.

"Julie.." Umiiyak na sabi ni Maqui habang nagmamaneho si JL.

"JL bilisan mo."

Binilisan ni JL ang pagdadrive hanggang sa nakarating na sila ng ospital.

"Tulong! Tulungan nyo kami!" Nagmamadaling sigaw ni Maqui habang si JL ay buhat buhat si Julie.

Agad lumapit sakanila ang mga nurse na may dalang stretcher.

"Sir pakihiga nalang po ang pasyente." Nagmamadaling sabi nito.

"Jules. Please.." Umiiyak na sabi ni Maqui habang awang awang nakatingin sa bestfriend nya.

"Pag may nangyaring masama sa bestfriend ko, mapapatay ko yang kaibigan mo JL. Wala siyang kwenta." Matapang na sabi ni Maqui.

--

"Mrs. Julie Anne Magalona." Tawag ng doktor pagkatapos ang halos tatlong oras na pagsusuri kay Julie.

"Kami po. Mga kaibigan nya po kami."

"Wala ba ang asawa nya?"

Napaiwas ng tingin si Maqui. "Wala po. Ano pong nangyari sa bestfriend ko?"

Huminga ng malalim ang doktor at tila tinatantsa kung ano ang mararamdaman ng mga taong nasa harapan nya.

"Julie is..2 months pregnant. Buntis sya."

Nanlaki ang mata ng dalawa. "T..talaga po?" May konting lungkot na tanong ni Maqui.

Buntis ito pero iniwan sya ng asawa nya. Iniwan ito ni Elmo nang mag isa.

Tumikhim ang doktor at huminga ulit ng malalim bago ito magsalita muli.

"Aside of that.. Julie is diagnosed with..with.. Leukemia. We have to abort the baby para sa medication nya."

Parang nanlamig ang buong sistema ng dalawa sa narinig.

"Tell me you're just joking." Naiiyak na tanong ni Maqui.

"I wish I am. Pero ayon sa mga symptomps, may leukemia si Julie. If you can see her body. Puro ito pasa."

Napaiyak na ng tuluyan si Maqui dahil sa dinadanas ng matalik nyang kaibigan.

"I suggest na papuntahin nyo dito ang asawa nya dahil nga yung decission para don sa baby. Might as well, pati ang family. Your bestfriend's condition is not a joke, Miss."

"Leukemia is a very..very dangerous disease. Lalo pa ngayon at buntis ang pasyente. Kung di nya malalabanan to. She might die.."

She might die..

She might die..

She might die..

--

To be continued.. 💙
#BwisitKaElmo

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 168 13
Totoo nga kayang wala ng makapapantay sa pag-ibig na inialay natin para sa taong una nating minahal? Dumaan man ang napakatagal na panahon siya pa ri...
7.6K 527 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
3.3M 78.3K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
11.7K 528 45
Creslienna Ann Benevente felt like she's a hopeless case for a person who aspires to get her life back on track. Eustace Mirantes is the laid-back yo...