Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaΓ±aque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With the Epilogue

13.5K 310 218
By AlbertLang

CHAPTER61

Sabi ni Jessie siya na ang bahala. Ito pala ang ibig niyang sabihin.

Nine PM, nakaabang na ako sa laptop ko. Bukas na ang Skype. Hinihintay na magkaroon ng pagbabago. Pero limang minuto na ang nakakaraan, wala pa rin.

Hindi ito ang gawain ni Jessie. Noong unang araw kasi niya, fifteen minutes bago mag alas nueve, hindi na tumitigil ang telepono ko sa mga messages niya. Pinapaakyat na ako sa kwarto para magkita na kami. Ngayon, siya ang late. Kahit limang minuto lang, alam kong hindi siya male-late.

Nagmessage na ako sa viber.

Isa.

Dalawa.

Tatlong messages.

Wala. Hindi man lang seen.

Tiningnan ko ang huling message niya, mga 10 hours ago na. "Goodluck sa pila sa enrollment," sabi sa message niya.

Reply ako ng "Thanks. Ingat ka dyan."

Tapos nun wala na? Anong nangyari kay Jessie.

Nagsimula na akong mag-alala. Malayo siya sa akin. Hindi na siya dito sa mansion nakatira. Kung may mangyari sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hanggang sa may kumatok sa kwarto.

"Sir, may ipinaaabot ang mama ninyo," sabi ng kasambahay naming si Mabel siguro.

"Di'ba umalis sina Mama?" ang alam ko kasi ay nagbubulalo sila sa Tagaytay mula pa kaninang hapon.

"BIlisan ninyo daw, kasi naghihintay si Sir Raul sa labas. May pupuntahan pa raw sila."

Bakit naman sila bumalik? Bakit naman inutusan ng mama si Mabel? Hindi naman namin ugali ang mag-utos sa mga kasambahay. Anung mali sa gabing ito?

Pinagbuksan ko si Mabel.

Laking gulat ko nang makita ko si Jessie. Agad niyang sinara ang pinto, iniwan si Mabel at ako, niyakap niya at dinala sa kama.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nadadala lang ako at nakabalik lang ako sa ulirat na nasisimsim na ang aking labi ng mga halik ni Jessie.

Ayoko ng ulirat ko. Muli kong kinalimutan ang lahat at nagpaubaya sa nararamdaman ko, sa kagustuhan ko, sa pagmamahal na umaagos sa aking katawan papunta sa mga labi ni Jessie.

Bumalik na lang ang aking pag-iisip nang nakahiga na ako sa kanyang matigas na dibdib at nakadantay sa matikas niyang katawan. Siguro, maganda kaming tingnan kung may salamin sa kisame, sa tapat ng kama ko. Kapwa kami naka boxers, at iyun lang ang aming suot.

Humarap sa akin si Jessie at hinalikan ako nang mabilis.

"Surprised?"

"Sobra," sabi ko.

"Parang hindi ka naman nagulat," sabi ni Jessie.

"Ayoko na lang magtanong kasi nandito ka. Iyun naman ang mahalaga," sabi ko.

"Ayoko lang magsimula ang klase na hindi mo ako nakikita," sabi ni Jessie.

"Iniisip mo pa rin bang makakalimutan kita?" tanong ko.

"Maaalis mo ba sa akin?" sabi ni Jessie. "Nasa Australia ako para kalimutan ka. Bawal tayo mag-usap. Bawal tayo magparamdaman, Pero ginagawa ko ang lahat para hindni kita malimutan. Gusto ko, ganun ka din sa akin."

"Mula nang una kitang makita, sa salamin ng banyo, habang umiihi ka," sabi ko. "Hindi na kita nakalimutan. Ngayon pa ba, na hini na takot ang meron ako sa iyo. Ngayon pa ba kita aalisin sa isip ko? Sa puso ko?"

Hinalikan ulit ako ni Jessie.

"May isip-isip, puso-puso ka pang nalalaman," sabi niya.

Mahirap naman kasing hindi mag-isip. Mahalagang desisyon ang ginawa ni Jessie para sa aming dalawa. 

Pagkauwi mula sa Batad, sinabi ni Jessie na aalis na siya sa poder ng kanyang ama. Malaki na siya, kaya na niyang magtrabaho. May call center na kukuha sa kanya, tutulungan siya ni mama. Habang ginagawa naman niya iyon, tatapusin niya ang pag-aaral. Ito pala ang plano niya. Ito ang bahala na plan.

Isang malakas na batok ang inabot ni Jessie kaya't agad siyang napahinto habang nagmamaneho.

Akala namin tulog si Mama habang pinag-uusapan namin iyun. Hindi pala.

"Kayo, ambabata ninyo kung magdesisyon kayong titigil para magtrabaho, akala ninyo andali-dali," sabi ni Mama. "Ako, yang kalandian ninyo, pinapayagan ko, pero hindi ko hahayaang masira ang kianbukasan ninyo. Bata kayo at ina-allow ko kayong mag-have fun, because we girls, of course, just wanna have fun. Pero fun lang. Hindi fun ang kahihinatnatan ng plano ninyo..."

Mahaba pa ang litanya ni Mama. Pero ang gist, hindi pwedeng tumigil sap ag-aaral dahil kapag nangyari iyon, pati siya, hindi na papaya sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Jessie.

"Ikaw, Alex," sabi ni Mama. "Mabubuting tao tayo. Hindi tayo masamang impluwensya. Kausapin mo yang... ano bang itatawag ko, Kuya mo o jowa mo? Jusko, pasalamat kayo, hindi kayo tunay na magkapatid, kundi, bakla na kayo, incest pa. Double murder na yan. Lagot kayo na kay Pacquiao. Kahit Nike hindi kayo susuportahan pag nagkataon."

Kaya naman sinabi ko kay Jessie, sundin na lang namin ang papa niya. Huwag na lang namin ipaalam.

Pero iba ang gusto ni Jessie.

Pag dating sa bahay kinausap niya ang papa niya.

"Dad, Mahal ko si Alex," sabi ni Jessie. "Higit pa sa gusto ninyong pagmamahal na maramdaman ko para sa kanya."

"Alam mo na ang mangyayari," sabi lang ni Tito Daddy.

Sumunod si Jessie sa kasunduan nila ni Tito Daddy. Kung higit pa rin sa pagmamahal ng isang kapatid ang nararamdaman ni Jessie para sa akin, kailangan niyang lumayo.

Lumayo si Jessie naman para makalimutan niya ako.

Para sa akin naman, walang hiling si Tito Daddy. Nirerespeto niya na hindi niya ako tunay na anak, at wala siyang ganap na karapatan sa buhay ko.

Mayroon isang taon si Jessie para kalimutan ako. Sa Australia na niya tatapusin ang kanyang pag-aaral.

Babalik si Jessie matapos ang isang taon at sasabihin sa tatay niya na mahal pa rin niya ako. At kung pabalikin siya sa Australia ulit para makalimot, susunod na lang ulit siya. Hanggang sa mapansin ng tatay niya na hindi Australia ang sagot. Dahil kahit anong layo, kahit anong tagal, hindi mapuputol ang tunay na pagmamahal.

Hindi kinaya ni Jessie na iwanan ako noong una. Kaya nga kahit desidido na siyang bumili ng ticket para sa earlier flight, e hindi na niya tinuloy. Instead, nagmaneho siya papunta sa Batad para sunduin ako. Pero sa sumunod na araw, kaming lahat na ang naghatid sa kanya.

Malungkot ang paghihiwalay, pero para saan naman ang technology. Parang ang lapit-lapit lang din namin. Viber-viber. Skype-skype. Iyun.

Matapos magbihis, hinila ako ni Jessie papunta sa swimming pool.

Maliwanag ang kapaligiran dahil sa malaki ang buwan sa gabing ito. Manilaw-nilaw pa nga na kung may aalulong na aso, parang nasa horror movie na ako.

Pero si Jessie ang kasama ko ngayon. At ang malaking buwan na ito ay nakadagdag sa pagiging romantiko ng pagkakataon.

Pero parang hindi naman yata tama kung las diyes na ng gabi, e lulublob kami sa tubig. Hindi yun nakakakilig, nakakanginig.

"Gabing-gabi na, malamig," sabi ko. "Ayokong sipunin."

"Hindi tayo lalangoy ngayon."

Sa pagkakasabi niyang iyon, biglang may umilaw na bahagi sa pool area. Isang gazebo ang hindi ko namalayang naitayo doon, kumpleto sa set up ng mga bulaklak, at may dining set na nakalagay.

Naku, nakanood na ako ng ganito. Magpo-propose ba sa akin ng kasal ito? Malabo. Hindi pa tanggap ang kasal ng parehong lalaki sa Pilipinas.

"Sana hindi ka pa kumakain," sabi ni Jessie.

Lumapit kami at itong si Jessie, sumosobra na, pinag-ayos pa ako ng upuan.

"Huwag kang mag-alala," sabi ko. "Hindi ka mapapahiya sa akin."

Umupo kami. Inalis ni Jessie ang takip ng pagkain.

Pickles.

"Inaral ko yan sa Australia," sabi ni Jessie. "Sa tingin ko, na-perfect ko naman."

"Amoy pa lang," sabi ko. "Mukhang masarap na."

"Bolero," sabi ni Jessie.

At doon nagsimula na kaming kumain. Masarap nga.

"Gusto mo?" tanong ni Jessie sa unang subo ko.

"Sobra," sabi ko.

Ngumiti siya, at doon lang siya sumubo rin.

Ang dami kong kwento sa kanya.

Pero may mga pagkakataong napapansin kong hindi siya nakikinig at nakangiti lang sa pagkakatingin sa akin.

"Kung yelo ako, natunaw na ako sa tingin mo," sabi ko.

"Kayang-kaya naman kitang patigasin ulit," sabi naman ni Jessie.

At mayroon siyang ngiting medyo nakakatigas nga.

Sa mga tanong ko naman, ang tipid niya sumagot.

"Yun na yun," sabi ko. "Malungkot sa Australia? Nami-miss mo ako?"

"Oo," sabi ni Jessie. "Kaya nga titig na titig ako sa iyo. Babawiin ko na ulit ang mga pagtitig ko sa iyong hindi ko magagawa kapag magkalayo na tayo."

"Sinong bolero sa atin ngayon?" sabi ko.

Nagtawanan kami.

"Gusto mo ba, mas mahaba ang mga sagot ko?" tanong ni Jessie.

"Hindi naman," sabi ko.

"Sabihin mo lang," sabi ni Jessie. "Ayoko lang magkamali. Ngayon lang tayo nagkita, maiksing oras lang. Kaya gusto, everything is perfect."

"Hindi," sabi ko. "Ang totoo, ngayon pa lang na nandito ka, ang perpekto na ng gabi ko. At kahit ngayon lang ito, dahil alam kong aalis ka na ulit, ayos lang. Aalis ka lang naman, hindi ka mawawala, at dahil doon, perpekto na rin ang buhay ko."

"You make my life perfect, too," sabi ni Jessie.

Matapos noon, may kinuha siya sa bulsa. Isang maliit na kahon.

Magpo-proppose nga yata talaga.

"I will not ask you to marry me," sabi ni Jessie. "Don't worry."

"Salamat naman," sabi ko. "Hindi pa ako handa."

"Pati naman ang Pilipinas," sabi ni Jessie.

Binuksan niya ang maliit na kahon, at mayroon doon dalawang singsing.

Kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang isa sa aking palasingsingan.

"Alex," sabi ni Jessie. "Hindi ako naghanda ng speech. Hindi rin ako luluhod. At ulit, hindi kita yayayaing magpakasal. Hindi pa sa ngayon. Pero ang sing-sing na ito ay para sa isang pangako. Hindi kasi madali ang tinatahak nating landas ngayon. Nasa magkaibang kontinente tayo. At kung nahihirapan ka na, pwede mo na itong hubarin. Pero pangako ko, hangga't suot mo ang sing-sing na ito. Iyong-iyo ako. Hindi kita malilimutan. Pero kung nabibigatan ka na, pwede mong hubarin. Hindi ko nga alam kung malilimutan kita, pero palalayain kita..."

Doon ko naman hinawakan ang kanyang mga kamay kaya naman natigilan si Jessie sa pagsasalita.

Kinuha ko ang isa pang sing-sing. Iniangat ko ang kaliwang kamay ni Jessie at isinuot ko sa kanyang palasingisingan.

"Hindi pa natin kailangang isipin ang pagpapalaya, Jessie," sabi ko. "Huwag muna ngayon. Kasisimula pa lang natin. Huwag muna tayong maging realistic."

Napangiti si Jessie.

"Pero kung yan ang pangako mo, mayroon din ako," sabi ko. "Sana isuot mo palagi ang singsing na iyan. Isusuot ko rin itong sa akin lagi. Masaya man tayo, malungkot. Magkasama man o magkahiwalay. Basta suot natin ito, alam natin, na kakayanin natin. At ito ang pangako ko. Hangga't may isa sa ating nakasuot ng sing-sing, hindi ako susuko."

Nakita ko ang isang luhang tumulo sa pisngi ni Jessie.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.

Tumayo din ako.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan.

Muli akong bumigay sa init ng kanyang yakap.

"Mahal na mahal kita Alex ko," sabi ni Jessie.

"Mahal na mahal din kita, Jessie ko."

END

~i-��F\y�

Continue Reading

You'll Also Like

1K 64 2
'But why must love be painful...?'-is something that Seamus kept on asking himself as he watched Leonid fall for someone else. He hated this feeling...
51.6K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
255K 15.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
9.9K 690 37
"Don't forget me, please. I will always love you and support you. Remember me. I love you." *** Gabbie, a 3rd year Tourism student from UP Diliman ha...