Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaΓ±aque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Without an End

8.3K 222 61
By AlbertLang

CHAPTER60

Parang totoong isang emosyon lang ang pwedeng maramdaman ng tao sa bawat pagkakataon.

Ngayon, sobrang lungkot lang itong nasa dibdib ko. Sobrang lungkot. Ang sakit-sakit na.

Kahit anong lingon ko sa tulay, wala na akong takot. Wala na ring lula. Mayroon lang sakit. Mayroon lang luha. Ang sakit lang na iyon ang pumipigil sa akin na kumilos at tumawid pabalik sa mataas, makitid, at nakakalulang tulay.

Naupo ako sa isang sa gilid ng poste ng tulay kung saan nagpaalam sa akin si Gabriel. Kanina ay nakatayo ako ditto habang pinapanood ko siyang lumalayo. Sumandal ako, nakatalikod sa tulay, at nakaharap sa papataas na mga hagdanang taniman paakyat sa mas mataas pang langit.

Iniikot ko ang aking mata sa napakalawak na mga kabundukan at inisip kung gaano ako kaliit at ang aking pinagdaraanan sa lahat ng ito. Napakaganda nito para malungkot. Marami pang magagandang bagay sa mundo.

Pinilit kong ibahin ang aking nararamdaman. Na baka mawala ang sakit kung susubukan kong tabunan ito ng nakabibighaning paligid ko ngayon.

Pero hindi sapat. Hindi mawala-wala ang sakit. Hindi kayang ibsan ng kahit ano ang nararamdaman ko.

Wala nang maganda.

Wala na ang lahat.

Wala na si Gabriel. Mahal ko siya. Pero hanggang ganun lang. Hindi kasi sapat iyon para sa kanya. Hindi ko siya sinisisi. Hindi rin kasi sapat ang pagmamahal kong iyon para unahin ko siya.

Ang tunay na tinitibok kasi ng puso ko, wala na.

Kasabay nito, tuluyan ko nang tinanggap na mas mahal ko nga si Jessie. Maganda naman ang katotohanang iyon. Siya naman kasi talaga pala. Kaya lang huli na. Wala na siya. Gusto ko man siyang habulin, hindi ko na magagawa. Nasa magkaibang kontinente na siguro kami.

Hindi lang bundok, hindi lang dagat ang naghihiwalay sa amin.

Bakit kung kailan maari nang maglapit ang aming mga puso, doon pa kami nagkalayo? Kung kailan alam ko nang mahal ko siya, doon siya nagpakalayo para kalimutan ako.

My god, napakalungkot ko na yata talaga para ganito na ako mag-isip. Para na akong tumutula.

At muli, isa pang luha ang naramdaman ko sa aking pisngi. Ganun na lang kasi, isa-isang pumapatak.

Isang luha para sa nakaraang ala-ala. Tulad nang halikan niya ako sa falls, pati na rin sa kama.

Isang luha para sa mga bagay na hindi na mangyayari. Tulad nang pitong araw na hindi na matatapos.

Iyun na lang.

Marahan ang pagpatak, singrahan ng pagkawala ng nararamdaman ko.

Nakaupo lang ako. Nakatulala, minsan, nililingon ang tulay. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Sabi naman nila, natatapos ang lahat. Matatapos din siguro ito. Pakshet, ang sakit.

Pinahid ko ang mga luha ko. Tama na muna ang pagda-drama. Hindi ko man kayang matanggal ang sakit, kaya ko naman itong takpan muna, para hindi makita ng iba. Ng mga magsasaka, ng mga taumbayan, ng mga local dito sa Batad.

Higit sa lahat, hindi ko kakayaning ipaliwanag ito kay Mama. Nakakahiya. At kahit alam kong mauunawaan niya, malulungkot akong makita siyang masasaktan para sa akin. Hindi niya iyon mapipigilan, sinabi na niya. Anak niya ako. Ang nararamaman ko, doble para sa kanya.

Tumayo ako. Isang tapak papalayo kay Gabriel, isang hakbang papalapit sa katotohanan.

Nakakatakot ang katotohanang ito. Una, ang tulay na mataas na kailangan kong tawiring mag-isa. At ikalawa, ang katotohanang ang paglampas sa tulay ay patungo sa kawalan. Wala na akong babalikan. Ako na lang, wala si Jessie. Ako na lang.

Hanggang sa mapahinto ako sa pagring ng telepono ko.

Jessie, ikaw ba ito, nasaan ka?

"Hello?"

"Kumusta, Anak? Nagkita ba kayo ni Gabriel?" tanong ni Mama.

Bumilis ang paghinga ko. Hindi na ako muling nakahakbang pa. Nanghina ang tuhod ko at muli akong napaupo.

Isang malakas na iyak.

Hindi ko mapigilan. Ang iisa-isang patak ng luha, parang falls na sa pagbagsak. Lumalakas. Ang paghinga ko ay naging paghikbi. Gusto kong magsalita, ngunit hindi ko makontrol ang aking sarili. Iyak lang ang kaya kong gawin.

"Anak," nagtataka ang boses ni Mama. "Sabi ni Ronald, okay ka daw kasama si Gabriel..."

"Ma, wala na si Gabriel," sabi ko. "Wala na kami..."

Tapos ay iyak na lang ulit.

Sinubukan kong pigilan, dahil baka nakakahiya para sa ibang tao. Pero naisip ko lang ang hiya, hindi ko maramdaman. Itong sakit lang. At ang sinasabi ng sakit, wala silang pakialam, hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko.

At tumuloy lalo ang pag-iyak ko.

"Pinagtabuyan ka ba niya? Pinahiya ka niya sa harap ng maraming tao? Inayawan ka ba niya?" tanong ni Mama

"Opo," sagot ko naman.

"Aba, ang gagong baklang iyan..." nauntag ko si Mama.

"Ma, kasalanan ko..." sabi ko. "Hindi ko pala siya ganun kamahal."

"Ay ang aarte ninyong dalawa," sabi ni Mama.

"Ma naman," sabi ko na hindi pa rin singlinaw ang mga salita dahil umiiyak pa rin ako. "Suporta naman dyan. Mamaya na ang sermon. Ang sakit-sakit pa."

"Masakit talaga yan," sabi ni Mama. " O sige, sige, nasaan ka ba? Hintayin mo na ako."

Hindi ako nakasagot.

Naramdaman ko ang pag-aalala ni Mama.

"Huy, Anak," sabi niya. "Salita ka naman. Relax ka lang. Hinga lang nang malalim. Wait ka lang, darating ako dyan. Ano?"

Hindi na muli ako nakapagpigil.

Ganito pala kapag masakit na masakit. Kung ano ang naisip, sasabihin aga ng bibig. Wala nang sala-sala ng sasabihin.

"Ma, si Jessie naman ang puntahan natin," sabi ko.

"Lumipad na iyun," sabi ni Mama. "Hindi ka na niya matutulungan."

"Pero Ma," sabi ko.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. May parang nakabara sa lalamunan ko kaya't nahihirapan akong banggitin ang susunod kong sasabihin. Pero kinaya ko.

"Siya pala ang mahal ko," sabi ko. "Ma, si Jessie ang mahal ko. Pero wala na siya. Ma, wala na si Jessie."

"Jusko naman, Alex," sabi ni Mama. "Napaka Cliché mo naman. Nare-realize mo ang halaga ng isang tao pag nawala na."

Lalong hindi ko napigil ang sakit. Lalong napalakas ang aking mga hikbi.

Nagsisimula na muli akong tumingin sa paligid para pansinin kung may nakakapansin. Nababawasan naman ang sakit para magbigay daan sa kahihiyan, pero hindi iyun sapat para mapatahan ako.

"Sige," sabi ni Mama na nagkakaroon na ng tunog ng concern sa kanyang boses. "Iiyak mo nang lahat iyan."

Umiyak na muli ako.

"Mama," sabi ko. "Maling-mali ako. Ang sakit din palang magkamali."

"Masakit talaga yan," sabi ni Mama. "Yang mga ganyang pagkakamali, pagsisisi. Pero nangyayari talaga. Iiyak mo na lang. Puntahan na kita."

"Sige Ma, pero huwag mong ibaba ang phone," sabi ko. "Mukha akong tanga dito, umiiyak ako sa palayan."

"Ay, kawawa naman ang anak ko," sabi ni Mama. "Sige na, lakad na. Papasama na ako kay Ronaldo. Hintayin mo ako sa hindi ko na kailangang mag trek. Mataas-taas daw ang aakyat-babain."

Taas? Akyat-Baba. Naramdaman ko ang mga ugat ko sap aa na hindi naman laging nararamdaman. Para kasing nagmamadali ang mga dugo ko papataas sa aking ulo. At nagesisyon ang ulo ko na paikutin ang mga nasa loob ng tiyan ko.

Napalitan ng takot sa taas ng tulay ang aking nararamdaman. Natapos ko na kasi ang mga desisyon sa puso. Kakalimutan ko na si Gabriel. Hindi ko na iisipin si Jessie. Kailangan ko lang makita si Mama. Nagpaalala lang ang tulay at ang takot ko sa heights.

Paano ko ito tatawirin?

Isa na namang pagsisisi sa huli ito. Dapat kasi, nagpahatid na ako kanina kay Gabriel nung niyaya niya ako. Pero hindi. Hindi ko na kailangan ang pagtulong niya. Tama kasi siya, ang mga pagtulong niya sa akin ang dahilan kung bakit ako nalilito sa nararamdaman ko sa kanya.

Tama na, haharapin ko itong mag-isa. Ako lang. Kaya ko ito. Tulay ka lang, tao ako. At taong nasaktan, kaya im stronger. What doesn't kill me makes me stronger. At sobrang sakit nitong nilalampasan ko ngayon. Ang strong-strong ko na dapat. Pwede na akong superhero. Ako na si the Hulk!

Napangiti ako sa naisip ko. Pero naisip ko rin na nagpapanggap lang ako. Ganito baa ng nasaktan sa pag-ibig? Bawal talagang maging masaya? Pag may moment na mapapangiti ako, maaalala kong malungkot ako, may sakit akong nararamdaman?

At ang reasoning naman ito, pinatungan ng isa pang issue. May tulay. Hindi ko alam kung paano ko ito malalampasan.

Takot pa rin akong tumawid.

Sa gitna ng takot at sakit na nagsasalitan, isang pamilyar na tinig ang aking narinig.

"Alex!"

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses.

Gusto ko ang boses na iyon!

"Nasaan ka?" sabi kong naiiyak na naman. Hindi sa lungkot, hindi sa sakit, kundi sa saya sa pagkakarinig ng pamilyar na boses.

Mula sa mga pilapil na binaybay ko para makarating sa tulay na ito. Mula sa bahagi ng bundok kung saan ilang sandal lang ako ay sumisigaw, nakita ko ang taong kukumpleto sa kagandahan ng kanina lang ay walang kahulugang kapaligiran. Paakyat sa bundok ang langit, ngunit bumababa ngayon, palapit sa akin ay ang anghel ng aking kaligayahan.

Ang ulap ay nagmukhang pinto ng langit na nakayakap sa hagdan ng bundok pababa sa akin. May dalang liwanag si Jessie, pinatitingkad ang luntiang mga palayan. At ang asul na tubig ay singlinaw na aking nararamdaman ngayon.

"Jessie," mahina kong nasabi. "Jessie ko."

Sa kanya lang ako nakatingin. Inaabangan ang kanyang paghawak sa akin. Ngunit hindi ko na iyon mahintay.

Hindi ko na tinanggal ang pagkakatingin ko sa kanya. Baka ilusyon lang ito, na kapag pumikit ako, mawawala. Nasa Australia si Jessie. Wala siya dito.

Sa kanya lang ako nakatitig. Sa kanyang ngiti, at sa mga matang may pananabik. Natumbasan ko ang pananabik na iyon. Tumakbo ako, Gusto ko na ang init niyang magtatanggal sa lamig na bumabalot sa akin.

Bawat hakbang papalapit sa kanya, ay mabilis, ngunit bumabagal dahil nagkakaroon ng ibig sabihin ang aming paglalapit.

Matagal ko na itong alam, ngunit hindi ko kinikilala. Iniwasan ko pa nga. Tinangka ko pang ayawan. Ngunit ngayon, narito na. Ang paglapit kay Jessie ay pagsuko sa pagmamahal. At taas kamay ko iyong tatanggapin.

Sa aming paglalapit, hindi na kami nakapagpigil na magyakap. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Natunaw ang yelo ng kalungkutan na kanina lang ay nakatarak sa akin.

Sabik na sabik ako kay Jessie. Iyon lang ang aking naramdaman. Bahagyang napalitan lang iyon ng takot nang makita kong malayo na ako sa tulay. Natawid ko ang tulay na hindi ko namamalayan.

Ang kinatatakutan ko, nalampasan ko nang ahil kay Jessie.

"Mahal na mahal kita," sabi ni Jessie. "At hindi ko iyon kayang kalimutan. Ayoko iyong malimutan."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Masaya akong marinig ang mga iyon, pero iniwan niya ako. Akala ko wala na siya. Biglaan ito. Wala akong masabi.

"Nandito k aba talaga?" tanong ko.

Hinawakan ko siya. Baka tumagos ang mga kamay ko sa katawan niya. Pero hindi.

"Buhay ako," sabi ni Jessie. "Hindi ako multo. Hindi ako ilusyon."

"Saan ka pumunta? Akala ko..." tanong ko na lang.

"Akala ko rin," sabi ni Jessie. "Akala ko kaya ko. Pero hindi eh."

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung iniwan mo ako," sabi ko. "Kasi alam kong hindi lang ako ang masasaktan. Nasaktan mo rin ang sarili mo. At ginawa mo iyon dahil masakit ang ginawa ko sa iyo. Hindi kita pinili. Akala ko kasi si Gabriel eh."

Napatigil ako. Napahikbi. Naiiyak na naman ako.

"Ikaw pala," tuloy ko. "Ikaw pala talaga."

"Alam ko naman iyun," sabi ni Jessie.

Ngumiti siya. Ang yabang. Pero gusto ko ang yabang na iyon.

"Pero huwag mong sisihin ang sarili mo," tuloy niya. "Dahil hindi ako umalis dahil nasaktan ako. Pinili kasi kita eh. Akala ko hindi iyon tama."

Hindi ko nauunawaan ang mga sinasabi ni Jessie.

"Nagkasundo kami ni Pa," paliwanag ni Jessie. "Kung mamahalin kita, masisisira ang pamilya natin. Malulungkot siya. Tapos malulungkot ang Mama mo. Tapos malulungkot ka. At kapag nalungkot ka, malulungkot ako. Makasarili ang pagmamahal ko. Kaya dapat kong kalimutan ang nararamdaman ko sa para iyo."

Iyon pala ang tinutukoy ni Tito Papa na desisyon ni Jessie.

"Pero bago ko iyon kalimutan, kailangan ko munang ibigay," sabi tuloy ni Jessie. "Sinabi ko kay papa, bigyan ako ng pitong araw para ubusin ang kung anomang pagmamahal ang meron ako sa iyo. Para na rin wala akong pagsisisi."

"Pero anim na araw pa lang tayo?" sabi ko.

"Alam ko," sabi ni Jessie. "At yung fifth day pa, nagpamiss ako. Inasikaso ko ang Visa ko sa Australia. Doon na ako magtatapos. Titira ako sa mga Tita ko doon. Doon ko kakalimutan ang kahibangan ko sa iyo."

"Kahibangan?"

"Oo," sabi ni Jessie. "Nahihibang ako sa iyo. Nababaliw ako sa pagmamahal sa iyo. Binago mo ako, Alex. Gusto ko iyon. At patuloy mo akong binabago. Kaya umalis na ako. Dahil ang inakala kong mauubos na pagmamahal kapag binuhos ko sa iyo, sa anim na araw pa lang ay lalo pang dumarami. Umalis ako hangga't kaya ko pa. "

Doon siya tumigil.

"Pero hindi ko na kaya," sabi ni Jessie at muli niya akong niyakap. "Hindi ko kinaya."

"Hindi ko rin alam ang gagawin ko nang malaman kong wala ka na," sabi ko. "Kung kailan ko nalamang mahal kita, akala ko, mawawala ka na."

"Bahala na," sabi ni Jessie. "Pero huwag kang mag-alala. Alam ko na ang gagawin ko."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Pero nang hinatak niya ako, hindi na ako pumalag.

"Halika," sabi ni Jessie. "Dahil nandito na naman tayo, may pupuntahan tayo."

Tumakbo kami ni Jessie, at matapos ang pagpapalam ko kay Mama, si Jessie naman ang nagtanong sa mga nakakasalubong namin tungkol sa kung anong lugar na hindi ko alam.

"Saan ba iyan?"

"Surprise," sabi ni Jessie.

Nagpadala na lang ako sa kung anomang sorpresa meron ngayon.

Nalampasan namin ang bahagi ng kabundukan na may taniman. Sa pagpapatuloy namin sa bahaging ito ng mga bundok, nakakita ako ng ilog na lumiliko na. Matanda na siguro, pero hndi ko na naalintana dahil sa pagmamadali ni Jessie.

Hila-hila niya ako, nagsasabing magmabagal sa mga matatarik na bahagi, inaalalayan ako nang buong puso. At kahit na patag naman ang daraanan, hindi niya binibitawan ang aking kamay.

Hindi malambot ang kanyang kamay, at ang tigas nito ang nagbibigay sa akin ng seguridad. Katulad ng pagmamahal niyang matigas ngunit mapagkalinga.

Sa pag-iisip na iyon ko siya napansing huminto. Napahinto rin ako. Nakita ko ang nakahuhumaling na pagbagsak ng tubig sa pagitan ng mga kabundukan.

Sumabay dito ang aking mga mata.

"Jessie, napakaganda" hindi ko napigilang sabihin.

"Alam ko," sabi ni Jessie.

Isang falls sa gitna ng kabundukan. Sa gitna ng taas ng bundok ay ang kataasang talon din. Makitid lang ito, hindi kalat ang bagsak ng tubig, at ang lagaslas nito ay parang nangangako ng kapayapaan.

Nagtanggal ng damit si Jessie. Nagtanggal ng sapatos. Naiwan ang maong na pantalon.

Hindi nagpatalo ang kakisigan si Jessie sa buong paligid.

Kaya't hindi na rin ako nagpahuli. Tinanggal ko na ang aking sapatos at damit. Tinira ko rin ang aking shorts. Nakita ko ang paghihintay ni Jessie at ang kasabikan niya nang makita ang aking katawang handa na sa pagsuong sa tubig.

Ang aking katauhang handa sa pagsuong sa kanyang pagmamahal.

Sa mga mabatong daan, maingat kaming tumapak patungo sa tubig.

Malamig ang tubig sa aming paa. Hindi ko na iyon naalintana. Masarap ang lamig kasabay ng mainit na trek sa ilalim ng araw. Sa mainit na pag-alalay ni Jessie.

At nang makarating kami sa tubig. Sa may lalim na bahagi. Muli akong niyakap ni Jessie.

"Sa ganitong lugar ko unang inamin sa aking sarili na mahal kita, sana hindi ako mabigo ngayon," napatigil si Jessie. "Alex, mahal na mahal kita. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko."

"Mahal na mahal din kita Jessie," sabi ko. "Hindi ko na nakakalimutan ang nangyari sa atin noong gabing iyon."

"Huwag," sabi ni Jessie. "Huwag mo iyung kalimutan. Doon mo na lang unahing buuuin ulit ang ala-ala mo sa akin. Sana makalimutan mo na ang mga mali kong nagawa. Mayroon akong mga bagong ala-ala para sa iyo. Ito ang isa pa."

Hinawakan niya ang aking mukha at idinikit ang labi niya sa aking mga labi.

Wala nang pag-iisip, gumalaw ang aking bibig kasabay ng sa kanya. At ang aming mga halik ay sumayaw kasabay ng ritmo ng pagbagsak ng tubig sa talon. Hindi natatapos. Na sana ay katulad din ng aming nararamdaman ngayon. Na kung may isang bagay na lang akong mararamdaman habang buhay, ito ay ang pagmamahal. Pagmamahal kay Jessie na sana ay walang katapusan.

D�d

-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 659 27
Looks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kula...
339K 12.1K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...
1.6K 226 45
UNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking ca...
33.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...