Game of Love [ PUBLISHED ]

By JeraldineTanL

8.4M 71.5K 6.2K

PUBLISHED BOOK. Book 1 (128 pages) Book 2 (256 pages) Book 3 (104 pages) Book 4 (160 pages) Book 5 (160 p... More

GAME OF LOVE
[ 1 ] First Kiss
[ 2 ] Jin Charel Tan
[ 3 ] First day
[ 4 ] Gabriel Vincent Teppei
[ 5 ] Detention
[ 6 ] First time
[ 8 ] Sorry
[ 9 ] Breakup
[ 10 ] Consequences
[ 11 ] Crush
[ 12 ] Rumor
[ 13 ] Anniversary
[ 14.1 ] Birthday Surprise
[ 14.2 ] Drunk
[ 15 ] Birthday Gift
[ 16 ] In Love
[ 17 ] Mika and Zeke
[ 18 ] Confession
[ 19 ] Lucky
[ 20.1 ] Like
[ 20.2 ] Surprise
[ 20.3 ] Reminisce
[ 21 ] I Love You
[ 22 ] Realize
[ 23 ] Goodbye
[ 24.1 ] Wake Up
[ 24.2 ] Classmate
[ 24.3 ] Misunderstanding
[ 24.4 ] Move On
[ 25.1 ] New Friend
[ 25. 2 ] Help
[ 26 ] Letting go
[ 27.1 ] Lost
[ 27.2 ] Helpless, [ 27.3 ] Numb
[ 28.1 ] Officially Yours, [ 28.2 ] Chicks
[ 28.3 ] Choice, [ 28.4 ] Anklet
[ 29 ] KL's Birthday
[ 30 ] Stranger
[ 31 ] Confused
[ 32 ] Unknown Number
[ 33 ] A Big Change
[ 34 ] The Promise
[ 35.1 ] Dream Come True
[ 35.2 ] Photoshoot
[ 36 ] Bad News
[ 37 ] Decision
[ 38 ] Goodbye
[ 39 ] Competition
[ 40 ] Explanation
[ 41 ] Love Triangle
[ 42 ] Date
[ 43 ] Back to Normal
[ 44.1 ] Privacy
[ 44.2 ] Judge
[ 44.3 ] Explanation
[ 44.4 ] Trust
[ 45 ] Answer
[ 46 ] Christmas Party
[ 47.1 ] Sweet
[ 47. 2 ] Yes
[ 47. 3 ] Picture
[ 48 ] Surprised
[ 49 ] Special
[ 50 ] Wrong Person
[ 51 ] Half-brother
[ 52 ] Chance
[ 53 ] Jealous
[ 54 ] Game
[ 55 ] Career
[ 56.1 ] Serenade, [ 56.2 ] Revenge
[ 56.3 ] Sadist, [ 56.4 ] Rebound Love
[ 56.5 ] Clumsy, [ 56.6 ] Childish
[ 57.1 ] Awkward
[ 57.2 ] Hurt
[ 57.3 ] Scared
[ 58 ] Unexpected
[ 59 ] Reason
[ 60 ] Memories
[ 61 ] Extra
[ 62 ] One Last Chance
[ 63.1 ] Misunderstand
[ 63.2 ] Graduate
[ 64 ] Proposal
[ 65 ] Plan
EPILOGUE
Author's Note :)
Game of Love Softcopy :)
Game of Love Book
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)

[ 7 ] Truth or Dare

119K 1.2K 51
By JeraldineTanL

CHAPTER 7: Truth or Dare

"Sige guys, kuha muna ako ng bote at ng makakain" -KL

Pumunta sina Jin at KL sa kusina at naiwan silang mga lalaki doon. Napansin ni Steven na may kakaiba sa kaibigan dahil simula nang dumating si Jin ay nanahimik na ito. Noong wala kasi ito ay nakakausap siya ni KL kahit na ayaw na nakikipag-usap ni Gab sa mga babae kaya napaisip siya kung may gusto ba si Gab kay Jin.

"Pre, okay ka lang?" tanong niya

"Oo"

Bumalik sina KL na may dalang bote at makakain.

"Ganito ang gagawin. Kung kanino tumapat yung takip ng bote, siya yung tatanungin at papaikutin ulit yung bote para malaman kung sino ang magtatanong. Bawal magpahabol ng tanong at gagawin. Lahat ng mangyayari at sasabihin natin hanggang dito lang, okay ba yun sa inyo?" - KL

"Oo na. Ang dami mo pang sinasabe" reklamo ni Spencer

"Tigilan mo ako Spencer kung ayaw mong mabatukan!" -KL

"Tama na nga yan KL at Spencer, simula na tayo" -Jin

Pinaikot ang bote at tumapat kay Jin at pinaikot nila iyon ulit at kay KL naman tumapat.

"Bessy, truth or dare?" tanong ni KL

"Truth" mabilis na sagot ni Jin

"Tutal hindi ko pa natatanong ito sayo, ngayon na lang. Sino ang first kiss mo?" -KL

Nanlaki ang mata ni Jin sa tanong ni KL. Alam niya na si Gab ito at nahihiya siyang aminin sa kanila kung paano iyon nangyari.

"Kasi.. dare na lang pala" -Jin

"Daya! Bawal magpalit" - Spencer

"Oo nga naman Jin, bawal" -Steven

"Ayaw ko sabihin kung sino" -Jin

"Ang dami mong arte. Magsasabi ka lang ng pangalan. Simpleng tanong pero hindi mo pa masagot" -Gab

"Gusto niyo talaga malaman? Si Gab" naiinis na sinabe ni Jin

Nagulat silang lahat ng marinig iyon. Ngayon naiintindihan na nila kung bakit ganun magtratuhan ang dalawa. Hindi lang nila maintindihan kung paano nangyari iyon.

"Seryoso ka ba bessy? Bakit ngayon ko lang nalaman ito?" tanong ni KL

"Mahabang kwento bessy. Paikutin na natin ulit yung bote" -Jin

Pinalagpas na lang nila iyon dahil ayaw magkwento ni Jin. Tumapat ang bote kay Steven at si KL ang magtatanong.

"Dare para may thrill" malakas na loob na sinabe ni Steven

"Kumain ka ng tatlong sili. Sandali, kukuha lang ako" -KL

Madaling kumuha ng sili at tubig si KL saka bumalik doon. Agad na kinain iyon ni Steven kahit na hindi siya mahilig kumain ng maanghang.

"Shit! Ang anghang!" reklamo niya

Napatayo doon si Steven at pumunta sa kusina para uminom ng mas marami pang tubig at kaagad na bumalik. Pinaikot ang bote at kay KL tumapat habang si Steven ang magtatanong. Natuwa si Steven dahil gusto niyang bawian ito sa pinagawa nito sa kanya

"Dare" -KL

"Lagot ka sakin ngayon! Gawin mo din ang pinagawa mo sakin" utos ni Steven

"Yun lang ba? Sandali, kukuha ako" -KL

Kumuha ulit ng sili at tubig si KL at madali niya iyong kinain. Sanay siya kumain ng maanghang kaya walang problema sa kanya ang pagkain noon.

"Hindi ka man lang ba naanghangan?!" tanong ni Steven

"Naanghangan pero sanay ako kumain ng maanghang kaya okay lang" -KL

Pinaikot nila ang bote ulit. Tumapat iyon kay Gab at si Steven pa din ang magtatanong.

"Truth" -Gab

"Sabihin mo samin kung bakit ayaw mo sa mga babae" -Steven

"Ayaw mo sa mga babae?! Bakit hindi ko ramdam? Haha" -KL

"Ramdam na ramdam ko yun, bessy" -Jin

"Pwede bang dare na lang?" tanong ni Gab

"Sige ba" -Steven

Agad na pumayag si Steven dahil gusto niya talaga na mag‘dare’ si Gab.

"Ang daya! Dapat bawal magpalit!" reklamo ni Jin

"Hindi kasi pumayag yung magtatanong sayo" pagdadahilan ni Steven

"Ang daya niyo Steven!" -Jin

"Sorry ka babes. Haha! Pre, walang bawian to ah?" -Steven

"Oo, sige. Ano ba ipapagawa mo?" -Gab

"Ligawan mo ang babaeng gusto mo at dapat maging girlfriend mo siya bago matapos ang school year" -Steven

 "Ayos yun pre! Galing mo talaga" sabi ni Spencer at umapir kay Steven

"Hirap naman nyan pre!" -Gab

"Sabi mo walang bawian hindi ba? Walang basagan ng trip dude. Haha!" -Steven

"Sige, payag na ako" -Gab

Pinaikot nila ang bote at tumapat kay KL at si Spencer ang magtatanong.

 

"Dare! Yung mahirap ah? Ang dali ng pinagawa niyo kanina" -KL

"Halikan mo sa pisngi ang lalaki dito na crush mo" -Spencer

"Ang daya! Para na akong nagtruth at nagdare nyan ee!" reklamo ni KL

"Kaya mo yan bessy!" -Jin

"Madali na nga yan" -Spencer

"Oo na, gagawin ko na" -KL

Tumayo at umikot ikot si KL at saka niya hinalikan sa pisngi si Steven. Nagulat doon si Steven dahil baka magselos ang kaibigan niya. Alam niya kasi na gusto ni Spencer si KL. Nagsinungaling naman si KL na si Steven ang gusto niya dahil ayaw niya na magkailangan sila ni Spencer.

"Kadiri! Haha!" -KL

"Akala ko tomboy ka? Bakit hinalikan mo ako? Mas kadiri ka!" -Steven

"Nakakatawa kayong dalawa. Paikutin niyo na yan ulit" pagiiba ni Spencer sa usapan

Kay Spencer tumapat ang bote at si Gab ang magtatanong.

"Dare ako pre" -Spencer

"Gawin mo din ang pinagawa mo kay KL" -Gab

"Walang ganyanan pre!" -Spencer

"Gawin mo na lang" -Gab

Tumayo si Spencer at hinalikan si KL sa pisngi at agad na bumalik sa pwesto niya.

"Bessy! May nagkagusto na din sayo!" masayang sinabe ni Jin

"Wala lang akong mapagpilian. Paikutin niyo na ulit" pagpapalusot ni Spencer

Pinaikot nila ang bote at kay Jin tumapat habang ang magtatanong ay si Steven.

"Truth" -Jin

"Ayaw mo ba magdare kahit isang beses?" tanong ni Steven

"Ang hirap niyo mag-utos kaya truth na lang" -Jin

"Kung sakaling ligawan ka ni Gab, papayag ka ba maging girlfriend niya?" tanong niya

"Pre, anong klaseng tanong ba yan?!" naiinis na tanong ni Gab

"Ayaw ko nga maging boyfriend yang panget na gangster na yan!" -Jin

"Asa ka namang liligawan kita. Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako gangster?! Akala mo kung sino kang maganda para sabihan akong panget. Wag ka managinip ng gising dyan, hindi ako magkakagusto sayo" naiinis na sinabe ni Gab

"Whatever!" -Jin

"Laro lang to guys, wag masyadong mainit ang ulo" -Spencer

"Tama na nga to. Umuwi na lang tayo" pagyayaya ni Gab

"Wag kayo ganyan. Nagpaluto ako ng hapunan para satin. Kumain muna kayo" -KL

"Ako na lang ang aalis bessy. Hinahanap na din ako ni kuya. Bye guys!" -Jin

 

Madaling kinuha ni Jin ang gamit niya at umuwi.

 

"Tara guys, kumain na tayo para makauwi na din kayo" pagyayaya ni KL

Tahimik sila na kumain.

"Masarap ba yung pagkain?" tanong ni KL

"Oo naman. Pwede ba na dito kami lagi tumambay at kumain? Mabubusog kami palagi nito"  -Steven

"Oo naman! Kayo pa" -KL

"KL, salamat sa pagkain. Kailangan na namin umalis. Pasensya sa nangyari kanina" -Gab

"Oo nga, salamat" -Spencer

"Sige KL, sa susunod na lang ulit. Bye!" pagpapaalam ni Steven

"Sige, ingat kayo" -KL

Naintindihan ni KL kung bakit ang tahimik nila. Alam niya na badtrip ang mga kaibigan niya kaya hinayaan na lang niya sila. Pagkaalis nila ay pumasok siya sa kwarto niya at nagpahinga. Hindi niya mapigilang isipin ang nangyari kanina. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maalala ang ginawa sa kanya ni Spencer. Ngayon lang siya ulit nakaramdam ng ganun kaya naguguluhan siya pero isa lang ang sigurado niya, gusto niya si Spencer.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 100K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
23.3M 463K 56
PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfriend ni Gab si Gatorade at ni Dominique...
46.5M 533K 83
(Wag kayong malito kung ano ang pagkakasunud-sunod ng PH books.) Simple, top student and role model for many - she's Alexa. A girl who has everythin...
1.3M 14.1K 40
(Semi jeje-version included) COMPLETED: Sobrang adik ni Christine sa umuusong laro(noong 2014) na Flappy Bird, nakikipagkompetensya pa siya sa boyfri...