Law of Love

By lostruss

115K 4.4K 908

"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay ma... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Final Note

Chapter 6

1.9K 63 5
By lostruss

"Congrats Julie!" Sabi ng mga kaklase ni Julie habang palabas ang mga ito.

"Ah salamat." Sabi nalang nya. Nakita nya na nakatingin sakanya si Elmo at nakangiti.

"Congrats." Sabi ni Elmo nang malapitan sya nito at naglahad ng kamay.

"Salamat, Elmo." Tugon naman nya sa lalaki at tinanggap ang kamay nito.

"Next time, babawi ako." Sabi pa ni Elmo na natatawa. Tanggap nya. Tanggap niya na si Julie ang nanalo sa debate. 

"Sana hindi na tayo magkatapat next time no?" Ani Julie habang inaayos ang laptop nya sa laptop bag.

"Oo nga eh. Ang anghang kasi ng palitan natin ng salita kanina." Sabi naman ni Elmo na nagkakamot ng ulo.

"Tsaka hindi. Medyo awkward kasi na tayo ang magkalaban kanina. E diba nga, first day natin to as a friends?" Sabi ni Julie.

"Hayaan mo na, Attorney. Basta wala akong ibang masabi kundi ang galing mo." Sabi ni Elmo at ngumiti.

"Salamat. Ikaw din. Ang galing mo kanina. Yung team mo lang talaga ang walang pakisama." Totoo naman eh. Yung team talaga ni Elmo ang naglaglag sakanila kanina. Bukod kasi sa hindi nila pinag aralan ang ihahain nilang topic ay hindi ito marunong magsalita on the spot kaya lagi silang nahuhuli ni Attorney San Jose.

Hindi naman pwede na si Elmo lang ang magtanggol sa topic nila dahil by group ang presentation.

"Oo nga. Nakakaasar kasi si JL sabi ko sakanya aralin nya muna. Hindi naman ata nireview." Naiinis na sabi ni Elmo.

"You should be the captain of your group next time. Alam mo na gagawin sa susunod, wala kang maasahan sa kanila. Hahaha."

"Well. Tama ka. Pero San Jose ha. Ni porke't friends na tayo. Hindi ako babawi sa Finals and Bar Exam." Sabi ni Elmo

"Hahaha. Oo na. Basta, we'll do our best para sa finals and bar exam. After finals mga dalawang buwan magtetake na ko ng bar exam eh. Ikaw?"

Napaisip naman si Elmo. "Sige mga after 2 months din. Sabay tayo." Sabi ni Elmo kay Julie.

Nang maiayos ni Julie ang gamit nya ay binuhat na nya yon. Pero kinuha ni Elmo ang iba. "Tulungan na kita." Sabi nito.

"Salamat. Tara na uwi na tayo. Padilim na din eh." Ani Julie.

"Oo nga. Asan pala si Attorney Farr?"

"Ah oo nga pala. Nag c.r lang. Sasabay sya umuwi. Pero may dala rin syang car." Tugon ni Julie.

Naglalakad sila papuntang parking lot.

"San Jose!" Sigaw ni Maqui. Napalingon naman si Julie at si Elmo.

"Oh?"

Palipat lipat ang tingin nya kila Julie at Elmo na parang nagtataka na magkasama ang dalawa. "W..what's the meaning of this?"

Natawa naman si Elmo. "Hi Frenchfries! We're now friends!" Pagmamalaki ni Elmo.

"At kelan pa ko naging patatas? Nako Hulyeta ha! Wag mo sabihing na-inlove ka jan habang nasa selda kayo? Ay nako! Sinasabi ko na nga ba. Deny deny ka pa nung una. May pasabi sabi pang---"

"Maqui. Kalma. Friends lang." Sabi ni Julie na natatawa.

"Ahhhh! May bago tayong friend!" Sabi ni Maqui ng mag sync in sakanya ang sinabi ni Julie.

Tumakbo pa ito kay Elmo at nakipag fist bump. "Ayos!" Sabi nito.

"Guys. Medyo padilim na eh. Hahaha. Baka gusto nyong umuwi muna?" Pigil ni Julie.

"Anong uuwi!? Iinom tayo! Sa condo ko." Sabi ni Maqui at excited na excited.

"Ah eh. Teka lang, Maq. May pasok tayo bukas diba?"

"Hoy San Jose ha. Wag mo ko luyahin at 9:00 ang first class natin bukas." Sabi ni Maqui at bumaling kay Elmo.

"Diba blockmates tayo? Pareho tayo ng sched diba? Ano ano? Inom tayo!"

Tinignan naman ni Elmo si Julie at parang nagtatanong kung papayag ito pero pinanlakihan sya ng mata ni Julie.

"Ah eh. Ano Frenchfries, pagod ata si Attorney 2." Sabi ni Elmo. Tumingin si Maqui kay Julie.

"Pagod? Saan? E ang haba ng free time kanina ah."

"Nag mall kasi kami." Sabi ni Julie.

"Tangina nyo din eno. Nakahanap lang ng bagong friend kinalimutan na ko. Hawkudyu!"

"Hahaha. Sorry na. Bukas sama ka samin. Mag aaral kami ni Elmo. Tara sa mall after."

"Anong mag aaral? May I remind you Attorney Julie Anne Peñaflorida San Jose- Magalona." Pinanlakihan naman sya ng mata ni Julie. Napatawa naman si Elmo.

Magalona..Julie Anne Magalona..bagay..

"I mean San Jose pa lang pala. Hindi ka naman nag aaral ng may kasama ah! Ano ka nakulong lang, nagkaamnesia na? Siguro dinrugs ka ng mga bilanggo don noh? Ano umamin ka! Nagbabato ka no!?"

Tawa lang naman ng tawa si Elmo. "Puta di ko kinakaya si Maqui." Sabi ni Elmo na tawa ng tawa .

"Hayaan mo na yan. Nakalimutan uminom ng gamot. May saltik talaga yan." Sabi ni Julie at binuksan ang kotse nya.

Inilagay naman ni Elmo yung gamit ni Julie sa backseat.

"Linis ng kotse natin ah." Puri ni Elmo kay Julie. Wala kasing makikitang dumi dito.

"Syempre. Bagong car wash."

Narinig naman nilang bumukas din ang kotse ni Maqui. Natawa si Elmo. Kasi kung gaano kalinis ang kotse ni Julie ay dugyutin naman ang kotse ng bestfriend nito. Mukhang galing rough road. Hahaha.

"Frenchfries, car wash din pag may time!" Sigaw ni Elmo.

"Heh! Tinatamad ako. Bukas nalang." Sigaw nito pabalik.

"So paano? Bukas nalang ulit. Ikaw na bahala magpapayag kay Maqui." Sabi ni Elmo.

"Oo. Ako bahala jan. Sabay na tayo. Tutal malapit lang bahay mo sa condo ko diba? I assume same way tayo."

"Oo. Sige. Ahmm. Ano." Hinalikan ni Elmo si Julie sa pisngi.

"Ingat tsaka thanks for today." Sabi ni Elmo at hindi na hinintay ang sagot ni Julie.

"Hoy! Malalandi kayo! Uwi na tayo. Natatae ako!" Sigaw ni Maqui kaya sumakay na si Julie sa kotse nya.

Hinawakan nya ang pinsngi nya. "He kissed me." Mahinang sabi nya at inistart ang makina. Tinodo din nya ang aircon ng sasakyan nya. Baka sakaling magising sya. Para kasi syang naka high.

--

"Ano bang ginawa ko? Baka mamaya mailang saakin yon bukas." Sabi ni Elmo sa sarili nya habang nasa loob ng kotse. Tumingin sya sa right side nya at nakita nyang nandon pa rin ang kotse ni Julie. Nakailaw na ito at nakasindi pero hindi pa rin umaalis.

Bumusina muna sya at nagpatiuna na. Naguguluhan na sya. Halos wala pang dalawang araw na hindi sila nag aaway ni Julie. Pero posible ba yon? Na agad agad ka mahuhulog sa taong alam mong kaaway mo dati?

Nash Calling..

"Hello?"

"Pare."

"Oh ano?"

"Si Attorney Justine. Nakita ko may kasamang babae."

Agad nagulat si Elmo. "Baka naman kaibigan lang?"

"Kaibigan? Dude nakita ko nagsusubuan. Magkaibigan. Depota."

"Niloloko nya si Julie?"

"Parang ganon na nga. Pero pre, puzzled talaga ako eh."

"Bakit?"

"E kasi nga. Baka ginagamit talaga ni Attorney San Jose si Justine."

"Ha? Hindi. Hindi ganon si Julie."

"Im not against her, pare. It's just a piece of advice. Mag iingat ka pa din."

"Nash. Pwede ba? Not now. Kung may ginagawang katarantaduhan yang boyfriend ni Julie. Labas na tayo don." Sabi ni Elmo at pinatay na ang tawag ni Nash.

Niloloko ni Justine si Julie? Sht.

--

Kinabukasan..

Nagkita kita sila Maqui, Julie at Elmo sa cafeteria ng school nila.

"Ano gusto mo Jules?"

"Gusto ko ng coffee." Sabi ni Julie kay Elmo.

"Ah sige. Hot o cold?"

"Cold." Sabi nito at ngumiti.

Umalis si Elmi para bilhan ng kape si Julie. Kailangan magpa impress eh.

"Ang asikaso pala ni Magalona sa mga friends nya no?"

"Oo. Lalo na sa babae." Sabi ni Maqui at nagtext sa Kuya Justine nya na sunduin sya mamaya. Wala kasi syang dalang kotse ngayon.

"Sino ba katext mo?"

"Si Kuya. E nagpapasundo ako mamaya. May ginagawa naman daw. Kaya baka magtaxi nalang ako."

"Hatid na kita." Sabi ni Maqui

"Wag na bes. Out of the way yung bahay ko."

"Ano ka ba. Kesa naman magtaxi ka. Hindi mo naman kilala driver don. E kung killer yon? Ay bes! Cannot be. Hindi pa kayo nagkaka kyotalet ni Elmo. Sayang lahi mo."

Binato naman sya ni Julie ng chocolate na maliit.

"Dugyot mo, Julie!" Reklamo ni Maqui.
"Mas dugyot ka. Magkaibigan lang kami ni Elmo okay?"

"Sus. Ganyan ganyan naman talaga eh, magkaibigan sa una pero sa huli, kulang nalang hindi mapaghiwalay!"

"Ewan ko sayo. Basta magtataxi ako mamaya."

Hindi nila namalayan na nakabalik na pala si Elmo. "Magtataxi? Sino?"

"Si Julie daw. E hindi pala dala yung kotse nya. Sabi ko ihahatid ko na eh ayaw naman pumayag."

"Paano nga gagawin Maq. Out of the way. Hassle sayo yon. Tsaka ang last class natin ay 7:00 pm. Gagabihin ka."

"Yun yung point ko. Gabi na tayo uuwi ngayon tapos magtataxi ka? E kung ma rape ka ng driver. Sana kung kasing gwapo ni Elmo ang mang rerape sayo! E kaso hindi eh. Malay mo may putok pa yung driver. Ewww ka." Mahabang paliwanag nito.

"Ako nalang maghahatid." Sabi ni Elmo kay Maqui. Agad namang nanlako ang mata ni Julie.

"Hoy hindi na. Ayos lang saakin."

"I'll let you drive." Simpleng sabi ni Elmo.

"Ah eh. Sige."

"Madali ka pala kausap eh."

Napatigil naman si Maqui. "Nako! Pag si Elmo ang nagyaya maghatid, isang salita lang keri na? Pag ako waley? Tangina mo, Julie. Lumalandi ka lang eh."

"Hoy! Ang balasubas talaga ng bibig mo." Sabi ni Julie at sinaksakan ng sandwich ang bibig ni Maqui.

"Nakakaasar talaga. 7pm tayo uuwi." Sabi ni Julie kay Elmo.

"Ayos lang yan, Julie. Masaya nga yon. Hindi masyadong mainit sa kalsada. Hahaha."

"Oo kasi nung lumabas tayo nahilo talaga ako non sa init eh."

"Ako din naman."

"San pala yung mga friends mo?" Tanong ni Julie kay Elmo.

"E andon pa ata sa gym nagbabasketball."

"Ah okay. Marunong ka ba magbasketball?" Tanong ni Julie.

"Anong basketball ba? Gabi o umaga?" Sabi ni Elmo at nagtaas baba ng kilay

"May pinagkaiba ba ang basketball sa gabi at umaga?" Pagtataka ni Julie. Narinig naman sila ni Maqui.

"Hahaha. Tangina ka, Elmo. Manyakis ka. Hahaha." Sabi ni Maqui na tawa ng tawa.

"Hoy. Maqui ha! Green minded ka." Sabi ni Elmo habang si Julie naman ay wala pa ring idea.

"Ano ba yang pinagsasabi nyo?" Naguguluhang tanong nito.

"Hahaha. Lika bes. Ibubulong ko sayo." Sabi ni Maqui at binulong kay Julie.

Agad namang namula si Julie. "Hoy Elmo! Ang bastos mo talaga!" Sabi ni Julie at kinurot si Elmo.

"Arouch!" Sabi ni Elmo.

"Hahaha. Ang bakla talaga ng aray mo. Hahaha."

"Bakla!? Baka gusto mong masampolan ng basketball sa gabi!?" Sabi ni Elmo.

Agad namang tumigil si Julie katatawa. "Titigil na po."

"Good girl." Sabi ni Elmo

"Hoy! Narinig ko yon. Hahaha." Sabi ni Maqui.

"I thought mag aaral tayo? E inaasar nyo lang ako eh." Sabi ni Julie at akmang tatayo na.

"Yung bestfriend ko naman. Tampo tampo na. I love you Julie." Sabi naman ni Maqui at pinigilan sya.

"Oo nga. Napakamatampuhin naman ni Juliebabe."

"Juliebabe!? Ewww." Sabi ni Julie kaya napahagikgik si Elmo.

Tawanan lang sila ng tawanan nang may babaeng pumunta sa table nila. Julie knows the girl, she's a law student too na insecure sakanya. This girl didn't even made it to be on top 40 outstanding students of Adilet Law School.

"Hi Elmo." Landi nito kay Elmo. Napataas naman ang kilay ni Maqui at si Julie naman ay nakatahimik lang.
"Ah eh. Hello. Kilala mo ako?"

"Hi. Yes. Law Student din ako. I'm Leah." Pakilala pa nito at naglahad ng kamay. Halos matawa si Julie sa sagot ni Elmo.

"Ahmm. Law Student? Ahmm number ano ka na kasi sa ranking?" Tanong ni Elmo hindi kasi nya matandaan ito. Ang madalas kasi nya makasalamuha ay ang mga Top 40 outstanding students.

"Ah eh ano number 203 ako." Sabi nito kaya napatawa na talaga si Maqui.

"HAHAHAHAHAHA. Pffft. Ang yabang yabang kay Julie e 203 lang pala." Naguguluhan namang tumingin si Elmo kay Julie.

"You know her?"

"Ako na sasagot, Moe. Yes. Yan yung laging namumuwisit kay Julie. Akala mo kagandahan. Shupii!" Sabi ni Maqui.

"Im not talking to you, Maqui." Sabi nito.

"Maqui? Hahaha. Close tayo teh? Maka-Maqui ka ah."

"As I was saying, Im not talking to you. I'm talking to my baby Elmo. Bakit ka nga pala nakasama sakanila? Alam mo don ka nalang sa group namin. We're cooler than Julie." Sabi naman nito.

Medyo nainis si Julie sa tono ng salita nito at ganun din si Elmo at si Maqui.

"Flirt." Isip isip ni Elmo.

"Im sorry, miss ha? Hindi kasi ako nakikipagfriends basta basta."

"Why not?" Julie interrupted her. "You're cooler than me? That means, i'm hotter than you." Sabi nito at hinila na si Elmo.

"Boom panes!" Sabi ni Maqui at inayos pa ang glasses nitong si Leah.

"Ayusin mo. Mukhang peke eh. Feeling genius teh?" Sabi ni Maqui at sinundan ang dalawa.

"Hahaha. That was nice one!" Sabi ni Elmo at nakipag apir pa kay Julie.

"Sorry ha? Bwisit kasi talaga yung si Leah. Hindi ko ba alam bakit ang init ng dugo nya sakin." Sabi nito.

"Kasi matalino ka. Ganun kasimple."

"E pinaghihirapan ko naman ang ranking ko ah."

"Kaya nga sya galit kasi rank 2 ka."

"Elmo..."

"Hmm?"

"Pwede bang lagi nalang tayong ganito? Diba friends naman na tayo? Ewan ko ba. Basta gusto ko lagi na kita kasama." Napangiti naman si Elmo. Nakakabading.

"Oo naman, Julie. Andito lang ako lagi sa tabi mo okay? I'm not going anywhere."

"Promise?"

"Promise na promise." Sabi ni Elmo at ngumiti.

"Malalandi talaga. Umalis alis tapos sasabihin lang. 'Gusto kita lagi kasama.' Hmp!" Narinig nilang sabi ni Maqui mula sa likod.

"Frenchfries naman napaka bipolar. Hahaha. Hayaan mo, iinom tayo mamaya. Kila Julie tayo. Sa condo nya." Sabi ni Elmo. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Maqui.

"Depota. Totoo yan?" Tumango lang naman si Elmo at ngumiti naman si Julie.

"Ayaw mo ata. E di wag nalang." Kunwaring sabi ni Julie.

"Ay ay! Hindi joke lang. O sige. Sino taya?"

"Syempre ako." Sabi ni Julie. "E bahay ko yon eh. Alangan kayo patayain ko."
"Ay hindi. Ako ang lalaki. Ako ang tataya." Sabi naman ni Elmo at ngumiti.

"Isama din natin si Nash." Sabi ni Elmo

"Si Nash? Nash Aguas?"

"Yung gwapong kaklase natin!?" Tanong ni Maqui.

"Yup."

"What about JL?"

"Hindi sasama yon." Sabi ni Elmo.

"Elmo!" JL called out.

"Oh? JL?" Napatanga ito ng makita si Maqui.

"Ah eh ano. May..may klase na kasi tayo." Sabi nito at nahihiyang tumingin kay Maqui.

"Ah hello Julie, Maqui." Sabi nito. Ngumiti naman si Julie at Maqui.

"H..hi JL." Sabi naman ni Maqui na malagkit din makatingin dito.

Elmo and Julie thinks.. "Maybe they like each other?"

And JL thinks. "Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing kaharap kita Frencheska Farr."

"Bro. Gusto mo sumama? Sa condo ni Julie iinom kami." Anyaya ni Elmo.

"Oo nga JL." Sang ayon naman ni Julie.
"Ah eh. Okay lang ba? Kasama ba si Nash?" Tumango naman si Elmo.

"Kelan?"

"Mamayang gabi."

"Sige pre. Call." Sabi nito at tumingin naman kay Maqui at Julie.

"Okay lang ba Julie?"

"Oo naman." Sabi naman ni Julie.

"Kasama boyfriend mo?" Tanong ulit ni JL.

"Ah ano. Wa---"

"SAN JOSE! DELA ROSA! MAGALONA! FARR! Kanina pa ko nasa classroom nyo pero wala kayo! Pumasok kayo sa loob or else you will be mark absent!" Sigaw ni Attorney Racho sakanila at naglakad na.

Napatawa naman silang apat. "Nagmemenopause." Sabay sabay nilang sabi at nagsitawanan.

"Elmo's right. Julie's different. Different from what I think." JL said to his mind.
---

To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 168 13
Totoo nga kayang wala ng makapapantay sa pag-ibig na inialay natin para sa taong una nating minahal? Dumaan man ang napakatagal na panahon siya pa ri...
36.3K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
24.2K 2.5K 42
May bagong trabaho si Midnight: ang maging assistant ni Laurence Sequera. At bilang dakilang Marites, handa siyang suungin ang lahat para lang makapa...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...