Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.

By prettylittlemiss

1.2M 19.1K 1.6K

( Suplado Trilogy - Book III) We started with nothing. You're the snob guy who changed my life. In a snap, I... More

Ang Suplado Kong Asawa
ASKA - 2
ASKA - 3
ASKA - 4
ASKA - 5
ASKA - 6
ASKA - 7
ASKA - 8
ASKA - 9
ASKA - 10
ASKA - 11
ASKA - 12
ASKA - 13
ASKA - 14
ASKA - 15
ASKA - 16
ASKA - 17
ASKA - 18
ASKA - 19
ASKA - 20
ASKA - 21
ASKA - 22
ASKA - 23
ASKA - 24 (PART I)
ASKA - 24 (PART II)
ASKA - 25
ASKA - 26
ASKA - 27 (PART I)
ASKA - 27 (PART II)
ASKA - 28
ASKA - 29
ASKA - 30
ASKA - 31
ASKA - 32
ASKA - 33
ASKA - FINALE
EPILOGUE
HIDDEN CHAPTER I
HIDDEN CHAPTER II
Story of Raphael

ASKA - I

58.1K 673 47
By prettylittlemiss

Chapter  1

 [ SEKSI ]

Naalimpungatan ako sa isang malambot na bagay na dumampi sa aking noo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napangiti sa aking nakita. Hindi ko maipaliwanag, basta ang alam ko lang otomatik nang nagmumulat ang aking mga mata kapag naramdaman ko na at narinig ang pamilyar na boses at pakiramdman na ginagawa nya sa akin tuwing umaga.

Pagkatapos ng isang nakakahalinang halik sa noo, ay tyaka nya bibigkasin ang mga katagang

“ Gising na, seksi.” at pagkatapos ay hahalik naman sa aking labi.

“ Sarap talaga ng laway mo.” sabay punas sa may gilid ng labi ko. Tyaka sya nagpakawala ng isang ngisi na tila ba nang-aasar nanaman.

Tuwing umaga ganito ang ginagawa nya, gigisingin ako sabay aasarin ng kung anu-anong bagay. Teka lang ha, alam ko yang iniisip nyo. Paglilinaw lang po, hindi na ako nagtutulo ng laway ha! Binibiro lang ako nitong gwapong nilalang na to. Minsan kasi, isang umaga mas maaga akong nagising sa kanya kaya ayun tinitigan ko sya. Eh bakit ba? kung kayo rin naman ang nasa kalagayan ko. Ewan ko nalang kung ano ang gagawin nyo. Biruin nyo sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Syempre asawa ko na sya, kahit sa huwes lang kami kasal. Asawa parin! Katabi sa pagtulog, kayakap sa mga gabing malamig at syempre kasiping sa kama. Oh biro lang hihi! Bigla syang nagsalita na kinagulat ko,

“ Aga-aga pinagsasamantalahan mo na ko agad sa utak mo, maya-maya naman pwede?” sabay yakap nya sakin. Hala, akala ko pa naman tulog sya nun. Hindi lang yan dinagdagan nya pa. “ Wag masyadong halataan. Yung laway mo, tumutulo na.” tapos dun ko napansin na nakatingin na pala sya sa akin. Tyaka sya sumubsob sa leeg ko at para bang batang sabik sa pagsiksik rito.

Agad ko namang pinunasan ang laway raw na tumutulo. At oo nga! Susmaryosep naman, kahit asawa ko na sya at sanay na sya sa akin. Di ko mapigilang mahiya sa nangyari. Ganun ba ako kahalata na patay na patay ako sa nilalang na to? Pero kasi naman eh, di lang ako makapaniwala na sya ang kasama ko ngayon sa buhay.

Agad ko namang itinanggi yun at nagkunwaring hindi yun totoo.

“ Hoy a-ah, panis na laway kaya yun.” Nahihiya ko pang sabi.

Naramdaman ko lang nanapapatawa sya sa may bandang leeg ko. Kasi naman eh, ano ba namang palusot yung panis na laway? Eh samantalang pag sinabi mong panis na laway dapat tuyo, eh yung kanina? Talagang nagtutulo ang laway ko sa kanya. Sa gwapo ba naman nyang yun! At isama nyo na ang katotohanang hindi po sya marunung magsuot ng pantaas na damit kapag natutulog. Oo! Hubad ang itaas na part. Kaya patawarin nyo ko dahil sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, nagkakasala ako. Ayun nga, dyan nagsimula yung pang aasar nya sa akin tuwing umaga.

…………………..

“ Poy naman eh, wala namang tulong laway oh. Ikaw lagi mo nalang yang ginagawa.” pasimpleng sabi ko, medyo naasar ako pero parang nakasanayan ko narin kasi. Aba eh tuwing umaga, yan ang ginagawa nya eh.

“ Di naman mabiro tong si seksi” niyakap nya ulit ako galing sa likod, tumalikod kasi ako kasi nga tampo epek kunwari ang lola nyo. “ Halika nga dito,” sabay iniharap nya ako sa kanya. “ Kahit naman panay panis na laway ka, o kaya panay tulong laway dahil sa pagpapantasya mo sakin” kumunot ulit ang noo ko, kasi naman eh minsan tarantado din tong asawa ko. Feeling siguro napaka hot nya, pero HOT naman talaga.

“ Ih, Poy naman eh. Tabi nga aalis na ko.” Tapos pilit kong tinatanggal yung pagkakayakap nya sa akin.

“ Subukan mo lang.” pagkasabi nya nun napatingin ako sa kanya. Hala, ayan na. Siryoso nanaman yung muka nya. Kaya wala na akong nagawa, hindi na ako naglikot at hinayaan lang na yumakap sya sakin. Mas hinigpitan nya pa. Hmmm, hingahan ko kaya to sa muka? Di biro lang hehe.

Maya-maya pa bumalik na ulit sa kalmadong ekspresyon ang muka nya. Kapag kasi hindi na ako naimik, bigla yang lalambot.

“ Hindi pa kasi ako tapos, magtatampo na agad.” Mas inilapit nya ako sa bisig nya. Magkalapat ang mga noo, at tyaka sya muling nagsalita.“ Kahit naman kasi ano pang itsura at amoy mo, ikaw parin ang babaeng gusto kong unang masilayan ng mata ko kada gigising ako sa umaga.”

Yieh! Batukan nyo po ako. Sobrang kilig ang nararamdamn ko ngayon, to kasing Poy ko eh masyado akong pinapatay sa kasweetan. Ang swerte ko lang talaga sa kanya.

Agad ko siyang hinalikan ng padampi at tyaka ko sinagot yung banat line nya ngayong umaga. “ Poy naman eh. Di naman ako tampo, sa katunayan nga sanay na ako. Tyaka ako rin naman, ikaw lang ang gusto kong kasamang gumising tuwing umaga. Choosy pa ba ako? Eh saksakan kaya ng gwapo ang asawa ko.” sabay pisil sa matangos nyang ilong. Yun naman ang pangbawi ko, lalo kasi syang gumwagwapo kapag kumukunot yung noo nya eh.

At muli isa pang halik ang natanggap ko mula sa kanya. Tumayo na sya at nagsuot ng damit. Nang makarating sya sa pintuan.“ Mag-ayos ka na. Baka malate pa tayo.” At tuluyan na syang lumabas sa kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas nya agad kong kinuha ang unan sa ulunan ko at itinakip ito sa muka ko, sabay impit na sigaw.

“ Yaaaaaaaaah!” oo, hanggang ngayon kinikilig parin ako. Kahit araw-araw ganito, hindi ko parin maiwasan. Bumangon na ako sa kama kahit sobrang kinikilig pa ako. Nagmumuka na nga akong tanga kasi hindi ko rin mapigilang sumayaw, kahit parehas kaliwete ang paa ko. Alam nyo yung sayaw ng mga inlab? Oo yan ang sinasayaw ko ngayon, pakiramdam ko kasi may bells na tumunog habang papunta ako sa banyo.

O teka lang, tama na sa kagagahan ko. Baka maging dahilan pa yun ng pagkadulas ko, alam nyo naman diba? May pagkatanga ako sa mga ganyang bagay, lapitin ng disgrasya. Naligo na ako at nagbihis. Paalis kasi kami ngayon. Saan papunta? Ayieh! Susunduin namin sina Papa ( father ko), Mama, Kuya Enzo at si Dad ( father ni Poy) sa Airport. At isa lang ibig sabihin nyan. Tuloy na tuloy na ang kasalan namin sa simbahan.

Kung sa akin nyo kasi tatanungin okay na, na kahit sa huwes lang kami kasal. Basta sya ang kasama ko, kuntento na ako. Pero sabi nya ni Poy. “ Ang babae hindi lang sa pamilya pinapakilala, mas maganda kung pati sa KANYA ihaharap kita.” Oh diba? O yung mga inggit dyan sa tabi-tabi, bahala kayo haha!

Si Poy kasi yung tipo ng lalaki na hindi palapag usap, pero pag nagsalita na mapapanganga ka. Kasi minsan hindi ko rin ma-absorb yung mga sinsabi nya. Biruin nyo, kahit pala nagmamadali sya noon na pakasalan ako at yun nga eh sa huwes ang naging last option nya, talaga palang gusto nya rin akong pakasalan sa simbahan at iharap sa Panginoon. Kaya hindi nyo ako masisisi kung gaano ako kathankful sa kanya. Bihira na kasi sa mga lalaki ngayon ang ganun diba? Yung iba pag nakuha na nila ang gusto nila sa babae, wala na. Iiwan na nila sa ere. Hindi ko nilalahat, pero hello? Totoo naman diba? Sadyang iba lang talaga ang Poy ko sa kanila. He’s one of a kind.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita kong nagluluto sya. San ka pa diba? Gwapo na maasikaso pa. May mga araw kasi na gusto nya sya ang mag a-asikaso sakin, tulad ngayon. Nasa mood syang maging cook for the morning. Kahit naman scramble egg at hotdog lang ang lagi nyang niluluto para sakin masaya na ako, yung effort kasi nya ang nakikita ko tyaka yung fact na sya yung kasabay ko sa pagkain. Take note ha, hindi sya sunog magluto. Tyaka alam na alam nya na ang gusto kong sawsawan kapag may hotdog, ano pa edi sukang may sili. Dati hindi nya matake yun, kasi hindi sya mahilig sa suka, pero ng dahil sakin natutunan nya.

Sya rin ang nagsalin sa pinggan ko ng kanin at ulam, pero ako ang nagtimpla ng kape namin. Yun kasi yung bisyo nya eh, nababaliw daw sya sa timpla ko. Hindi nya alam nilagyan ko yun ng gayuma haha! Biro lang hehe. Yung totoo? Masyado akong kinikilig sa kanya, sya kasi yung tipo ng lalaki na tahimik pero mas lamang sa paramdam. Hindi sya nagsasawang pagsilbihan ako, pinapatunayan nya sakin na ako ang Prinsesa nya at sya naman ang magiting kong Prinsipe. Ang korni ko na ba? Ei hayaan nyo na, Inlab eh. SOBRANG KINIKILIG AKO EH, kekkek ♥

Matapos naming kumain naligo na rin sya at nagbihis habang ako naman ang naghugas ng pinggan. Hinintay lang naming mag alas-nuebe tyaka kami umalis. Mga alas onse kasi ang lapag nina papa eh. hanggang makarating kami ng kotse magkahawak lang kami ng kamay, ultimo pagmamaneho nya. Sabi sa inyo eh ginayuma ko talaga tong gwapong ire! Maniwala, inggitera haha!

Buong byahe para lang akong gagang sobrang lawak ng ngiti, eh bakit ba? Edi gumaya kayo! May pagkakataong bigla nyang hihigpitan yung hawak sa kamay ko, tapos mapapalingon ako sa kanya. At ang gagawin nya? Siryoso ang muka -__- pero biglang magsasalita ng..

“ Ba’t ang ganda mo. Pakiss nga!” tapos bebent sya at ikikiss ako, yieh! Taeroy! Naiihi na ata ako sa kabaliwan nitong asawa ko aba.

“ Ninakawan mo nanaman ako ng halik ha, ang dami mo ng utang!” yan naman ang isasagot ko.

“ Edi gumanti ka.” opo yan ang sasabihin nya. Para-paraan din ang kumag eh no? Gustong gumanti ako para may kiss ulit sya, eh kung nginungudngod ko kaya to ngayon? Wag hihi, sayang ang fes!

Hindi nalang ako gumanti kahit gusto ko hihi, baka kasi kung san pa matuloy. Eh nitong mga nakaraang araw nagiging madumi ang isip naming dalawa eh. Ayaw kong gawin yun dito sa kotse, tyaka ih basta! >.<

Tumingin nalang ako sa bandang bintana, pag kasi hindi ko ginawa yun baka makita nyang sobrang namumula ako.

Nga pala, paglilinaw ulit. Hindi ako buntis. False alarm lang pala hehe. Si Bessy  kasi eh kung anu-ano na iniisip agad. Naalala ko kasi nung araw nayun, kumain ako ng manga at uminom ng softdrinks bago pumunta sa bahay nina Bessy para bisitahin si bebe Ayann. Kaya ayun, medyo naghalo-halo daw yung mga kinain ko. Katakawan kasi eh. Tyaka kung iniisip nyo kung bakit ganun. Simula nung gabing ikinasal kami ni Poy sa huwes ilang beses palang naming ginawa yung ano, yung alam nyo nayun. Hindi naman sa ayaw pa namin dalawang magka anak. Ang sabi nya, mas mabuti raw na mabuntis ako kapag kasal na talaga kami sa simbahan. In that way, legitimate yung magiging baby namin.  Naalala ko tuloy nung unang gabi namin.

Naputol yung pag alala ko ng bigla nyang katukin yung bintana ng kotse. Hala, nandito na pala kami. Ni hindi ko man lang napansin. Nakakunot nanaman yung noo nya. kaya dali dali na akong lumabas ng kotse.

“ Kung anu-ano nanaman iniisip mo, kanina pa kita tinatawag. Ang init-init kaya dito sa labas.” Ayan nanaman sya. Kaya naman pala hindi nanaman maipinta ang muka eh. Kanina nya pa pala ako hinihintay. Ayan tuloy pawisan na sya, di bale na ang hot nya naman tingnan kapag ganun eh hihi. Diyos ko naman Eli, yang utak mo naman aba!

“ Wag nang sumimangot, lalo kang nagiging gwapo eh.” paglalambing ko sabay kapit sa braso nya.

“ tssts. -_-“ inalis nya lang yung pagkakakapit ko sa braso nya tapos hinawakan ulit ang kamay ko. Yun yun eh! gusto pala eh holding hands! Yieh, pasimple pa eh.

Ayun, inabangan nalang namin sina Papa sa Arrival Section.

“ Pa, Ma!” sabay yakap ko sa kanila. Namiss ko talaga sila.

“ O iha, mas gumaganda ka ata ngayon ah. Kamusta buhay may asawa?” Biro ni Mama.

“ Syempre, mukang alagang-alaga ka ni Seth eh. Tarantadong to, pinagpaalam lang sakin tong bunso namin, yun pala papakasalan na agad!” dagdag pa ni Papa habang pinapagalitan si Seth, pero hindi naman sya galit, slight lang.

“ Pa naman eh.” pagpout ko sa kanila. Ih namiss ko talaga sila. Lalo na si Papa, Papa’s girl raw ako eh, sabi ni Mama.

“ Pasensya na po, patay na patay kasi talaga tong anak nyo sakin eh. Nga po pala, kamusta naman po ang byahe Pa?” tanong nya kay Papa sabay mano sa kanila ni Mama. Nagtawanan lang sila nina Papa tyaka sinabing naging okay naman daw ang byahe nila. Siniko ko nga, patay na patay raw. Eh sya nga bumubuhay sakin! Nyeyeye, ang corny! Haha.

Hangang sa napansin namin sa may bandang likuran si Dad ( papa ni Poy). Sinalubong rin namin sya at tyaka nagmano.

“ Teka, mukang nagkakatuwaan na kayo dyan ah. Ano bayan ha?” pagtatanong ni Dad. Medyo nahuli kasi sya eh, natagalan daw sa pagkuha nung bagahe nya.

Medyo nahihiya akong kumilos sa harap nya, kasi alam nyo naman. Hindi pa kami ganun magkakilala, minsan ko pa lang sya nameet at yun eh nung Graduation pa namin, kitam tagal na no? pero palangiti naman sya di kagaya nitong si Poy, wala nanamang expression ang muka. Magkasalungat na magkaslaungat sila ni Dad.

“ Ay Ma, si Kuya Enzo nga pala ba’t di nyo kasama?” kasi abay yun no! Tyaka miss ko na rin sya.

“ Ah baka sa makalawa umuwi. May inaasikaso pa kasi eh, pero wag ka magalala anak. Uuwi yun, yun pa eh alam mo namang paboritong paborito ka ng Kuya mong yun.”

Medyo nalungkot ako, kasi akala ko makikita ko na si Kuya. Napansin yun ni Poy. Agad nya akong hinawakan, at sa pamamagitan nun biglang naiba ang pakiramdam ko. Kilala nya na talaga ako, alam nya siguro ang iniisip ko kaya bigla nya akong hinawakan. At tumingin na parang bang sinasabing  “ It’s alright.”

Biglang nabaling ang atensyon ko kay Dad. Bigla kasi syang nagsalita na lalo pang ikinakaba ko.

“ Mabuti pa sa bahay na tayo mag dinner mamaya. Para makilala rin naman ng mga kapatid mo ang asawa mo.” Sabi ni Dad kay Seth, sabay tingin din sa akin. My God! Nandito narin ang mga kapatid nya? Anong gagawin ko? Syete mas lalo ata akong kinabahan eh. Ih bahala na mamaya. Hindi naman siguro ako gigisahin nung mga kapatid nya diba? Eh kasi naman eh, naaalala ko yung ginawa nina Kuya Third at Kuya Lex kay Poy. Paano kung gawin din nila sakin yun? Oh LORD, gabayan nyo po ako huhu.

AFTERWARDS…

 •••

prettylittlemiss♥

Continue Reading

You'll Also Like

956K 32.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.8M 24.2K 85
[UNEDITED] Arranged Marriage. Not everyone is pleased with this agreement but there's this one girl who experienced the true meaning of HAPPINESS an...
6.7M 66.7K 76
In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy wa...
54.2K 1.3K 57
This is the usual story of a public student who transferred to private school together with her relatives. Your usual story where they see each other...