A wall in-between [QS#2]

By ZeeDee09

443K 10.2K 817

QUARTET SERIES #2 Lavender fontanilla ~ Lavender needs to find a wife to fulfill his grandfather's wish para... More

A Wall in-between
Chapter 1
Chapter 2
chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34 (last chapter)
EPILOGUE

chapter 26

12.7K 293 12
By ZeeDee09

Ang ganda ko---este ang saya ko. Kasi nababasa ko mga comments niyo na gusto niyo itong kwento ni badong. Haha. Solomoot talaga :)

***

"Nay, pasensya na po kayo at hindi ako makakapag padala ngayon katapusan, nagkulang po kasi ang pera dahil sa gamot ni Mira. Inatake na naman po siya."

"Ano ka ba anak, naiintindihan ko naman. Alam ko namang nahihirapan ka na dahil sa amin." Sagot ng nanay ni Jamie na kausap niya sa cellphone. Ilang araw niya na rin hindi nakakausap ang nanay at mga kapatid dahil sa pagiging abala sa trabaho.

Doble doble na ang kayod niya ngayon lalo pa't maaring mangailangan sila ng malaking pera sakaling kailangan operahan si Mira. Wala pa namang siyang nakukuhang resulta sa doctor pero mas maganda na ang makasiguro habang maaga. Iilang government facilities na rin ang pinuntahan niya para manghingi ng donasyon.

"Nay, wag niyo po isipin na pabigat kayo sa akin. Basta't hanggang kaya ko ay tutulungan ko kayo. Magdasal po tayo na malalampasan din natin itong mga pinagdadaanan natin."

"Salamat anak," Narinig pa niya ang pagsinghot ng nanay niya sa kabilang linya. "Kamusta na pala ang apo ko? Aba'y baka mawala na lang ako ng hindi man lang nayayakap ang apo ko."

"Wag naman kayo mag salita ng ganyan... si Mira po ay ayos lang, mabuti nga at bumalik na naman sa pagiging masigla pagkatapos atakihin. Hayaan niyo kapag nakaluwag luwag na tayo ay kukunin ko na kayo diyan."

Marami pa silang napag-usapan ng inay niya ng magpaalam na siya dahil may trabaho pa siya. Alas-otso pa lang ng umaga pero kailangan niya ng manguha ng mga 'kanin baboy' para sa alaga nilang mga baboy at biik.

May pinahiram sa kanya si tatay Claudio na bisikleta kaya naman kahit papaano ay gumagaan ang trabaho niya.

"Nay, aalis na po kayo?" Tanong ni Mira na bagong gising lang at pupungas pungas pa ang mga mata. "Sama po ako."

"Nak, dito ka lang. Hindi ka pa nga kumakaen ng almusal mo."

"Pero nay." Ngumuso pa ito at nagpaawa ang mukha.

Alam niyang nababagot na ito dahil nitong mga nakaraang araw ay madalas niya na itong iwan sa bahay dahil baka mapagod lang ito. Mabilis na kasi itong mapagod di tulad ng dati, tanda na humihina ang puso nito habang lumalaki. Pinapakiusapan niya lang sila nanay Silvia o tatay Claudio na tignan ang anak niya kung may pagkakataon. Malapit lang naman ang bahay nito sa kanila.

"Saglit lang ako, anak. Kukuha lang ako ng mga pagkaen nila pinay. Maligo ka na at kumaen para pagbalik ko ay dederetso na tayo tabing dagat para makapagbenta."

Kita pa niya ang pagtutol sa mukha nito pero wala nang nagawa kundi ang tumango.

Binilinan niya pa ito ng mga gagawin bago umalis. Nangulekta muna siya ng mga 'pagkaen ng kanilang alagang baboy bago daan ang pinagkukuhaan niya ng supply ng souvenir bracelet na kanilang binebenta.

"Dumagdag ng limang piso ang kada piraso, Jamie." Pahayag ng kanyang supplier.

"Bakit naman ho?"

"Aba'y nagmahal ang benta ng mga materyales. Alam mo naman ang mga iyon, sinasabayan ang pagtaas ng gasolina." Napailing pa ito.

"Inisip man lang sana nila na mahina na nga ang bentahan ngayon at magtataas pa sila. Aba'y lalo tayong malulugi."

Napakamot na lang siya ng ulo nang marinig ang iba't ibang reklamo ng kapwa niya tindera. Mukhang kailangan niya pang humanap ng isa pang raket. Sa gamot pa lang ng nanay niya at ni Mira ay kulang na kulang ang sahod niya sa resort pati na rin ang kita niya sa pagtitinda.

Laking tipid na nga nila na wala siyang binabayarang bahay at kuryente dahil libre ang bahay niya at gasera lamang ang gamit niya. Mismong pag chacharge nga ng cellphone ay pinakikiusapan pa niya kay nanay Silvia.

Matipid nga sila pero sa ibang paraan naman nauubos ang pera. Pati nga panty at damit niya ay di niya na nagagawang bumili ng bago. Lahat ng ginagawa niya ay para sa anak at pamilya niya. Makita niya lang masaya ang anak niya ay masaya na rin siya.

"Jamie, anak, sino ba yang bisita mo na lagi kong nakikita sa labas ng bahay niyo?"

Kasalukuyan siyang nakanila nanay Silvia at tinutulungan itong gumawa ng kakanin na kanilang binibenta. Sinundo niya na rin ang anak na abala ngayon sa panunuod na minsan lang nito magawa dahil wala silang TV sa bahay.

Nagtaka siya sa sinabi nito. "Ano pong bisita? Wala naman po kaming bisita na pumupunta sa bahay."

Saglit na natigilan ito at nagtatakang napatingin sa kanya. "Aba'y, nang minsan mapadaan ako ay nakita kong may sasakyan sa tapat ng bakod niyo mismo. Ilang beses ko nang nakita kaya akala ko naman ay may pumupunta sa inyong bisita."

Kinabahan siya bigla sa nalaman. Sino naman kaya iyon? Hindi kaya... imposible. Oo nga't nakita niya ito sa clinic ng isugod ang anak niya doon, pero yun na rin ang huli nilang pagkikita. Hindi naman maaaring nalaman na nito ang tungkol sa anak niya. Diba nga't hindi daw siya nito kilala?

Pero sino naman kaya iyon? Wala naman sanang taong may masamang itensyon sa kanila ng anak niya. Sino ba sila para pagkainterisan? Mahirap lang sila.

"Nakilala niyo po ba yung tao na lulan ng sasakyan?"

"Hindi eh, sarado ang mga bintana. Baka naman nagkamali lang ako na akala, baka napahinto lang ang sasakyan ng may-ari doon. Pero mas maganda na rin nag mag doble ingat kayo, mahirap na anak. Sa panahon ngayon walang pinipili ang mga kriminal."

"Opo nanay Silvia."

***

"Anak, kapag ba umaalis ako, may pumupunta ba sa bahay?" Tanong niya sa anak habang pauwi na sila galing sa bahay ni nanay Silvia. Kanina pa kasi bumabagabag sa kanya ang sinabi ni nanay Silvia tungkol sa nakikita nito sa tapat ng kanilang bakuran.

"Po? Bisita po?" Tila nag-iisip pa ito. "Opo, meron po."

Natigilan siya pati na rin ang anak niya na hawak ang kamay niya.

"Anak, bakit hindi mo agad sinabi sa akin huh?" May halong inis ang boses niya at pagkabahala. "Sino ang pumupunta sa bahay? Anong itsura niya? Ano daw ba ang gusto niya?"

"Eh nay, isang beses lang naman po siya pumunta. Hinahanap niya po kayo pero umalis din po bago pa kayo dumatin. Hindi ko rin po alam ang pangalan niya." Bakas sa mukha ng anak niya ang takot na mapagalitan. "Galit po ba kayo sa akin?"

"H-hindi anak, natatakot lang naman ako. Baka mamaya ay masamang tao pala iyon, buti na lang walang nangyari sa iyo. Sa susunod anak wag kang magpapapasok ng hindi mo kakilala. At kahit na kakilala mo pa, basta wala ako ay wag mong papasukin sa bahay. Maliban kay lolo at lola mo."

"Eh nay, hindi naman po siya masamang tao. Tsaka kilala ko po siya, tito po siya ng kalaro."

"Kalaro? Sinong kalaro?" Naguguluhang tanong niya sa anak.

"Si July po."

Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Alam niyang si July na kalaro nito ay ang anak ni Nammie Aldeguer. Kung tito nito ang pumupunta, ibig sabihin isa lang sa mga kaibigan ni Lavender ang taong iyon, o mismong si Lavender. Pero anong rason? Pakiramdam niya ay napaparanoid na siya sa kakaisip dahil lamang sa isang tao na pumapasok sa tahimik na buhay nila ng anak.

"Mira, yung pumupuntang lalake dito, sinabi ba niya kung ano ang pangalan niya?"

Sunod sunod ang ginawang pagtango ng anak niya. "Opo, Zion daw po."

Zion? Si Zion ang pumupunta sa kanila? Pero bakit? Anong pakay nito? Hindi kaya may alam si Zion tungkol sa tunay na ama ni Mira?

Pero kung ganung may alam na ito, tiyak na malalaman din iyo ni Lavender. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin sakaling malaman ni Lavender ang tungkol sa bagay na ito. Matutuwa kaya ito kapag nalaman nitong totoong may anak silang dalawa? o ipag sasapwalang bahala na lamang ang bagay na iyon.

May parte ng pagkatao niya na gustong malaman din ni Lavender ang tungkol kay Mira. Dahil alam niyang sa kalagayan ng anak ay tanging si Lavender lamang ang makakatulong sa kanila. Iyon ay kung matatanggap nito ang anak.

"Anak, kapag pumunta ulit si Zion, o kung sino pa man sa bahay, ipaalam mo agad sa akin, ha?"

"Opo nay! Sana nga po pumunta ulit siya para magkita kayo, kasi po hinahanap niya po kayo eh, tsaka mabait naman po siya, Nay."

Nginitian niya lang ang anak para itago ang kabang nararamdaman sakaling magkita sila ni Zion.

***

"Che, pwede bang mauna na ako? Mag-uundertime muna ako dahil masama talaga ang pakiramdam ko eh. Pakisabi na lang sana kay ma'am Ven." Pakiusap ni Jamie sa kaibigan na abala sa paglilinis ng comfort room.

Kanina pa kasi sumasakit ang katawan niya at parang gusto ng bumigay ng katawan niya, gawa ng ilang araw na pagbabanat ng buto para lamang sa extra income na kailangan niya. Kahit day-off niya ay hindi niya na pinalampas na kumayod sa trabaho niya.

"Naku, ikaw naman kasi, sinabi ko na sayo na wag na munang pumasok ngayon. kahapon mo pa nirerklamo iyang pagsakit ng katawan mo. Maghinay hinay ka rin dahil kapag ikaw naman ang nagkasakit ay kawawa ang pamilya mo."

"Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon."

Napailing na lang itn. "Oh siya na, umuwi ka na at ako na ang bahalang magpaliwanag kay Ma'am Ven."

"Salamat talaga, Che. Babawi na lang ako sa susunod." Alam niya naman kapag umuwi siya ay matatambakan ang mga kasama ng trabaho.

"Naku, ikaw talaga. Umuwi ka na. Kayang kaya namin ito. Hindi mo naman kailangan bumawi dahil kapag absent kami ay ikaw naman ang pumapalit sa amin."

Totoo iyon, sa tuwing may absent ay siyang tinatawagan para humalili dahil alam ng boss nila ay hindi siya tatanggi dahil na rin sa karagdagang kita.

Nagpaalam na siya rito at tinahak ang daang pauwi. Bumili na rin siya ng makakaen, tiyak ay hindi na siya makakapagluto dahil sa pagod at gusto na lamang niyang ipahinga ang katawan kapag dating sa bahay.

Palapit na siya sa bahay ng matanaw ang itim na sasakyan sa tapat ng kanilang bakuran. Pero hindi iyon ang nakatawag ng kanyang pansin kundi ang lalaking nakasandal mismo sa kotse habang nakapamulsa at nakatingin lamang sa kanilang bakuran.

Si Lavender.

Dobleng kaba ang naramdaman niya na mapagtantong hindi nga siya niloloko ng kanyang mga mata at ang lalaki na nakikita niya ay walang iba kundi ang dati niyang kasintahan, si Lavender.

Anong ginagawa nito dito?

Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Iisang daan lang ang madaraanan niya at tiyak makikita siya nito.

Magkaulit siyang napabuntong hininga bago nagawang humakbang ng kanyang paa.

Malapit na siya sa kinaroroonan nito ng mapalingon ito sa gawi niya marahil naramdaman na may ibang tao bukod sa sarili.

Nagsalubong ang kanilang mga paningin at bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng makita siya. Hindi siya umiwas ng tingin rito at wari'y napako ang mga mata niya sa gawi nito.

Kung ito ay nagulat siya naman ay puno ng pagtataka, takot at lungkot ang nangingibabaw na damadamin na makikita sa kanyang mga mata.

Maraming katanungan na gustong kumawala sa kanyang bibig pero wala siyang lakas na isatinig iyon. Para ano pa? Para masaktan na naman siya? Para masaktan din ang anak niya? Di bali siya na ang masaktan ng paulit ulit wag lang ang kanyang anak.

Nawala ang pagkagulat sa mukha nito at napalitan ng kaba. Kung bakit, hindi niya alam. Napalunok ito bago humakbang pero bago pa nito nagawa iyon ay tinalikuran niya na ito at nagtuloy tuloy ang lakad papunta sa kanilang bakuran, palayo rito.

At sa paglayong iyon ay siya rin namang paghinto niya ng marinig ang boses nito.

"Jamie..."

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 24.9K 64
QUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang...
149K 3.1K 32
❤️ Owl City Boys Series - 4 ❤️ Duchess Serene Agonzillio, the socialite queen, stern, and the only grand-daughter of the founder of the leading bank...
35.2K 1.8K 38
Someone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?
26.6K 1.2K 32
How hard is it to be loved?