Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Where Summer Starts

7.7K 245 53
By AlbertLang

    CHAPTER52_

"Bakit laging kahit iwanan mo ang feelings mo, nakakagawa ito ng paraan na makahabol?"

Nagsimula naman ako sa wala. Pero nung nagkaroon ako, bakit ang hirap-hirap mag-adjust pabalik sa dati? Sinubukan ko naman. Sinusubukan. Iyun lang pala ang solusyon. Subukan hanggang sa makayanan.

Pero umiiyak pa rin ako kapag gabi. Bago matulog. Hanggang sa pag-gising, iiyak pa rin. Para ngang walang chance ang luha kong maging muta. Matutuyo pa lang, mababasa na ulit ng bagong batch ng tears.

Pero sa ilang araw na nagiging habit ko ito, nababawasan naman. Hanggang sa isang araw, pagbangon ko, si Kuya Albert, nakapaghain na ng agahan.

Hawak ko ang telepono ko, magte-text kay Gabriel ng good morning, pero hindi ise-send. Or pag-iisipan kung ise-send o hindi, pero sa mga nakaraang araw, hindi naman nase-send. Parang ngayon lang din. Lalo pa't bumabati na si Kuya.

"Kumusta na ang kapatid ko?" bati ni Kuya.

"Oh Kuya, napadaan ka," sabi ko. "Okay naman."

Lumapit sa akin si Kuya at tinaggal ang muta sa mata ko.

"May muta ka pa," sabi niya. "Hindi ka ba magsa-Summer? Sabay ka na sa akin, kukuha na ako ng subjects. Agawan ngayon sa subject na kailangan ko. Ayoko nang magpa-prerog."

Tiningnan ko ang muta sa kamay ni Kuya. Binilot, bago pinitik. Napangiti ako.

"O kung makatingin ka, muta 'yun, hindi kulangot," sabi ni Kuya.

Napangiti ako bago balikan ang tanong na iniwan niya.

"Hindi muna," sabi ko. "Nag-usap na kami ni Mama."

"Where's Tita, by the way?" hanap ni Kuya.

"Ma," sigaw ko.

Walang sumagot.

"Baka pumasok na," sabi ko.

Naupo na ako at sinamahan si Kuya sa pagkain. Tocino at itlog lang. May friend rice. At syempre, nagtimpl ana ako ng kape.

Kwentuhan tungkol sa grades ko. Ayos naman. May incomplete ako, pero nagkamali lang ang prof ng nailagay na grade 1.75 naman. Other than that, ayos naman.

Wala ring masustansyang usapan ang naganap hanggang sa mabanggit ni Kuya si Gabriel.

"Friends naman kami," sabi ko.

"Sakit ba 'tol?" tanong ni Kuya.

"Okay lang," sabi ko.

"Tiisin mo yan, makakasanayan mo rin."

"Wow naman si Kuya," sabi ko. "Naging hobby mo ba ang masaktan?"

"Hindi naman," sabi ni Kuya. "Sapat na yung isang beses para matuto. Pero sabi nila, iba rin daw sa bawat relationship. Buti nga, friends kayo ni Gabriel."

Gusto kong itanong kay Kuya kung ano ang kwento ni Gabriel tungkol sa akin. Hindi naman kasi ako nagku-kwento kay Kuya.

Ano kaya ako sa pananaw ni Gabriel? Nasabi kaya niya kay Kuya ang plano niya? Para alam ko kung paano ako kikilos. Para alam ko kung ano ang aasahan.

Oo, umaasa pa rin ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Iyun na lang. Tapos tumayo ako.

"Kuha lang akong tubig," sabi ko.

Pero ang totoo, ayokong makita ni Kuya na may lhang namugto sa mata ko. Nakakahiya.

Habang nasa ref ako, tumuloy sa pagkwento si Kuya.

"Tuluy na tuloy na yata si Gabriel sa Bontoc," sabi ni Kuya. "Bago mag-start ang summer classes, bibisita na yata siya. Mauuna na sa mga ka-group niya."

"Hindi naman niya naikwento sa akin," sabi ko.

As a matter of factly lang ang pagkakasabi ko. Yung parang wala akong pakialam, pero nalungkot talaga ako. Aalis pala si gago, hindi man lang nagpaalam. Mahal pala, ah. Gago.

Parang hindi kayang palamigin ng ref ang ulo ko. Nagbabalik lahat ng galit ko. Nakakainis naman. Kung kalian nakakatuyo na ako ng luha, mukhang mababasa na naman.

"Hindi naman naikwento," sabi ni Kuya. "Kinukuha kasi namin siyang director sa play. Tumanggi. Baka daw hindi niya kayanin dahil nga sa thesis niya."

Iyun naman pala. Akala ko pa naman makakapagtanong ako kay Kuya.

Matapos kumain, nag-ayos na si Kuya. Dumaan sa kwarto niya na kwarto ko na ngayon at may kinuha.

"Try ko dumaan mamaya," sabi ni Kuya.

Nagpaalam si Kuya at naiwan ako sa bahay niya. Mag-isa. Iniisip ang mga gagawin kay Gabriel. Pupunta pala sa Bontoc. Hindi man lang nagpaalam friends pala.

Naligpit ko na ang kinainan nang bumukas ang isa pang kwarto. Nagulat ako. Si Mama, biglang lumabas. Ngayon ko lang naabutan si Mama sa bahay. Magulo ang buhok niya. Mukhang bagong gising.

"Sinong bisita mo kanina?" tanong ni Mama.

"Si Kuya, dumaan, nagbreakfast bago pumunta sa school," paliwanag ko.

Nagbalik ako ng pinggan at inalis ang takip ng ulam. Naupo si Mama. Tahimik kami. Nagtimpla ako ng kape, dalawa, isa sa kannya, isa pa ulit para sa akin.

Umupo muna ako sa harap niya.

"Ayaw mo talgang mag-summer?" tanong ni Mama. "Baka mabagot ka dito sa bahay. Wala ka pa namang jowa, wala kang hahanapan ng pagkakaabalahan."

"Kahit naman may jowa ma, hindi ko naman maaabala yun, pupuntang Bontoc," sabi ko.

"Parang naiba ang ihip ng hangin," sabi ni Mama. "Mukhang si Gabriel ang iniisip mo ngayon. Ano? Nauntog ka na? Tinantanan mon a si Jessie? Wala ng lalaki one?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Ganyan talaga, kailangang mawala muna ang isang bagay sa iyo para maisip mo rin na may pinupunan siya sa iyo."

Parang may sariling hugot si Mama sa pagkakasabi niya. Mukhang may sakit pa ring naiwan ang huling niyang relasyon. Doon ko lang napansin na kahit gulu-gulo ang buhok ni Mama, kahit amoy gutom pa ang hininga niya, wala rin siyang muta.

"Sorry, Ma," sabi ko.

Umiling lang si Mama.

"Kaya ko pa namang i-extend ang ganda ko," sabi niya. "Makakabingwit pa ito ng true love."

Nakatitig lang ako kay Mama. Alam kong nagpapakatatag lang din siya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Unahin mong ayusin yang puso mo, ako na dito sa nasa dibdib ko," sabi ni Mama, at inayos ang suso niya. "Ayan, konting balik-alindog program pa."

Pero dahil sa pag-galaw niya, napigtas ang strap ng bra niya.

"Di'ba masamang matulog ng nakabra?" tanong ko.

"Eh wag ka nang matanong? Marunong ka pa sa suso ko," sabi ni Mama. "Pakikuha yung isa pang strap sa bag ko sa kwarto."

Tumayo ako at sumunod kay Mama. Alam ko, siya nagsabi nun, hindi komportable, at pwedeng maka-cancer, pero mukhang mas maraming inuuna si Mamang isipin bago ang bra niya. Mag-nanay nga kami. Mana ako sa kanya.

Sa kwarto, pagkakuha ko ng strap sa bag niya, napansin kong nagba-vibrate ang isang bahagi ng kama. Cellphone ni Mama. May tumatawag Kinuha ko para iaabot sa kanya kasabay ng bra strap. Pero hindi ko naiwasang basahin ang pangalan ng caller. "Raul Kupal."

Naubos ang ring. Matapos noon, may nag-pop na message.

Magkita na tayo. Hirap na hirap na ako. Pag-usapan natin ito.

Binitawan ko na lang ang telepono at iniwan sa kama.

Pagkaabot ko ng bra strap ni Mama ay bumalik ako sap ag-inom ng kape. Inayos naman niya ang bra niya sa harap ko. Lagi naman niya itong ginagawa. Sanay na ako. Sanay ako sa itsura ni Mama na ganito.

Doon ko lang naisip, na ganito lagi siya kapag nakaharap sa akin. Pero alam kong may problema siya. Alam kong nasasaktan siya. Ayaw rin niyang makarating sa akin ang mabigat niyang dinadala.

Gusto ko sanang pabayaan siya. Desisyon naman niya, pero paano kung may magagawa ako?

"Ma," sabi ko. "Mahal mo pa ba si Tito Raul?"

"Anak, hindi ako necromaniac," sabi ni Mama.

"Ha, bakit?" binili ko naman ang kung anomang joke ang sine-set up ni Mama.

"Mas mahal kita anak," sabi ni Mama. "At yung ginawa niya sa iyo, yung ginawa nung magtatay na iyun sa iyo, hindi kapata-patawad. Kung baga kay Lord, deadly sin na iyon, kamatayan lang ang katapat. Kaya naman patay na siya sa akin. At wala akong planong magmahal ng patay."

"Ma, andami mong nasabi," sabi ko.

Tahimik kami.

"Ma, napanood mo yung Sarah," sabi ko.

"Sino, yung batang babaeng papatas?" tanong ni Mama.

"Opo," sabi ko.

"Bakit, ganun k aba inapi nung magtatay? Pinaghanap k aba nila ng patatas sa ulan?" tanong ni Mama na biglang nanlaki ang mga mata. "Pinagbalat ka ba nila ng patatas?"

"Hindi po," sabi ko. "Iniisip ko lang kasi, si Sarah kaya at saka si Gertrude, nagkabati?"

"Sino si Gertrude?"

"Yung bestfriend ni Lavinia."

"Sino si Lavinia?"

"Yung kontrabida."

"Di'ba si Miss Minchin ang kontrabida? Si Miss Minchin yung nagpapabalat ng patatas?"

"Opo, pati rin si Lavinia. Si Lavinia yung classmate niya na bully. At bestfriend ni Lavinia si Gertrude. Pero sa tingin ko, kung wala si Lavinia, pwedeng naging magkaibigan siya Gertrude at Sarah."

"O bakit ko kailangang makilala si Gertrude?"

"Kasi galit din siya kay Sarah, pero yung galit niya, dahil kay Lavinia. Sa ending, nagkabati si Sarah at si Lavinia, hindi ko alam kung nagkabati rin si Sarah at Gertrude."

"E malamang nagkabati din yun, damay lang naman si Gertrude sa away nina Lavinia at Sarah," sabi ni Mama habang sumusubo ng pagkain. "So, ano naman ang magandang dulot ng usapan na ito sa pamilya ito? Ikaw ba si Sarah? At yung magtatay sina Lavinia at Gertrude mo?"

"Ako po si Lavinia," sabi ko.

"Ay ang taray ng name ng anak ko," sabi ni Mama. "Shume Chery Gil."

"At kayo po Ma si Gertrude," sabi ko. "Napatawad ko na po si Tito Raul. Sana po, mapatawad na rin ninyo siya."

"Bakit ka affected?"

"Sorry po kung martyr ako," sabi ko. "Pero tama lang pala na hindi ko sinabi sa inyo ang mga pinagdaanan ko sa magtatay. Kasi yung saya mo nung nakatira tayo sa mansion, iyun yung pinakamasaya kang nakita ko."

Doon napansin kong mamugto ang mga mata ni Mama. Itinikom niya ang kanyang bibig. At hindi niya naawat ang pagpatak ng luha niya.

Tumayo na lang ako at niyakap si Mama.

Matapos ang ilang sandal, pinunasan ni Mama ang mga mata niya. Humingan nang malalim. Niyakap ako pabalik at bumitaw.

"Mag-Summer ka na Anak," sabi ni Mama. "Kung anu-ano ang naiisip mo kapag wala kang ginagawa."

Sinunod ko na lang ang payo ni Mama. Kumuha ako ng subject. Comm 3 at Hum 2. Dalawang subjects lang. Mabilis lang naman akong naka-enlist. Hindi muna ako nagbayad dahil nagdidilhensya pa si Mama. Medyo biglaan kasi ang desisyon naming mag-aral ako ngayong bakasyon.

Ayun. Simula na ng klase.

Umaga ang Comm 3 ko. Ayos naman. Mga bagong mukha. Wala sina Arvin at Jobi. After lunch naman, mga bagong mukha rin ang nasa class. Pagpasok ng prof nagpakilala siya. Matanda na pala ang prof namin sa Hum 2. Tinawag ang mga pangalan ng nakalista sa klase niya. Taasan kami ng kamay.

Maluwag ang klase niya. Kaunti lang ang kumuha ng course. Kaya naman bukas pa sa mga hahabol na students.

Habang naghihintay, sinubukan kong magtext kay Gabriel.

'Nag-enroll ako this summer. Pag nakita mo ako, huwag ka magulat. Iyun ay kung nasa campus ka rin at wala sa Bontoc, pupunta ka pala doon ngayon, kay Kuya ko pa nalaman...'

Ise-send ko ba ito o hindi?

Nagsisimula na ang klase. Ibinibigay na ang mga requirements nang may kumatok.

"Ma'am, prerog po?"

Pamilyar ang boses. Ayokong tingnan.

"Sure," sabi ng prof. "Just have a seat, mamaya na natin ayusin."

Narinig ko ang paglapat ng mga paa sa lupa ng bagong dating.

At sa kung anomang sumpa ang dumating sa akin, ang sa tabi ko pa ang napili niyang upuan.

Sa kaba ko, kinuha ko ang telepono ko para magbusy-busy-han. Hindi ko napansin na nakabukas pa ang message ko kay Gabriel. Nasend.

Magre-reply kaya siya, yung ang iniisip ko, pero nadi-distract ang pag-iisip ko sa text sa lalaking alam kkong nagnanakaw ng tingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinapansin. Ayokong tingnan ang mukha niya dahil baka masigurado kong siya ang kaklase ko, ang katabi ko.

Hindi ko tinitingnan ang katabi ko. Naka-focus lang ako sa prof na nagsasalita, at sa telepono kong hinihintay ko kung may magre-reply.

Hanggang sa may lumapag na kapirasong papel sa arm chair ko.

'Can we start over again?'

Gusto kong lamukusin ang papel, pero sobra naman yata iyung statement. Hindi ko na lang pinansin.

Kinuha niya ang papel.

Mabuti naman.

Bumalik ang papel. Sinilip ko ulit.

'Please, give me a chance?"

Hindi ko pinansin.

May sumunod na ballpen sa papel.

Kinuha ko ang ballpen. Ibabato ko ba ito?

Sumulat na lang ako.

'No.'

Tumayo ako at lumipat ng upuan.

Hindi pinansin ng prof ang ginawa ko.

Natapos ang klase namin. Nagtayuan ang mga kaklase ko, pati ang katabi ko kanina, agad na lumapit sa prof.

"O, yung iba pang mga prerog, maiwan, Jessie Reyes?"

Nagmadali na akong lumabas dahil imi-meet ko lang si Mama sa cashier para magbayad.

"Yes, ma'am," sabi ni Jessie na alam kong humahabol pa ng tingin sa akin.

"Okay, bayaran mo na, good ka na sa class ko," sabi ng prof.

Mabilis na sumunod si Jessie sa lakad ko.

"Huwag mo nga akong sabayan," sabi ko.

Naiinis na kasi ako talaga.

"Hindi kita sinasabayan," sabi ni Jessie. "Pero kung sa Cashier ka pupunta, okay lang ba na sabay na tayo?"

"Hindi ako pupunta doon," sabi ko.

Lumiko ako at nag-iba ng direksyon, papalayo sa cashier kahit doon din naman ang punta ko.

"Okay," sabi niya at hindi naman niya ako sinundan.

Medyo tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa cashier. Buti na lang at wala pa rin doon si Mama.

Ang masama, nandoon si Jessie. Papalabas na, mukhang tapos nang magbayad.

Nakita ako ni Jessie. Nag-iba ang tingin niya. Kung kanina ay gusto niya akong samahan. Ngayon, gusto niya akon gpaalisin sa daraanan niya.

Pero hindi si Jessie ang nagpaabog sa dibdib ko.

Sumunod sa kanya ang tatay niya. Napatingin din si Tito Raul sa akin. Hindi pala Tito, Mang. Mang Raul.

Gusto kong umurong. Aalis na muna ako at iiwas, pero may tao sa likod ko na bumangga.

"No, Anak, hindi ka aalis, sasalubungin natin sila, taas no, chin up, stomach in, chest out," sabi ni Mama.

Lumakad kami papalapit sa kanila. Patuloy ang kaba ko, pero mas secured ako na katabi ko si Mama.

Hindi naman umiwas ng daana ng magtatay.

Pero walang galit sa mukha ni Mang Raul ngayon.

"Veronica," sabi ni Mang Raul.

"Raul," sabi ni Mama.

"Alex," sabi ni Mang Raul.

"Jessie," sabi ni Mama.

Nagkatinginan lang kami ni Jessie. Parehas naming hindi alam kung paano kikilos sa paligid ng dalawang matanda.

Hanggang sa may isang mabilis na lalaking humabol sa aming apat. Nakita ko na lang si Mang Raul na nakahiga sa sahig. Isang sapok ang inabot niya mula sa aking Daddy.

Bumangon si Mang Raul para harapin ang sumapak sa kanya.

Mas malaki si Mang Raul kaysa kay Daddy. Batak sa gym si Mang Raul at walang laban ang mga braso ni Daddy sa kanya. Pero kahit na lean lang si Dad, mas malaki kay Mang Raul ang kanyang determinasyong itumba ang kalaban niya.

"Tarantado ka," sabi ni Daddy. "Ang laki-laki mong damulag, pumapatol ka sa bata. Gago ka, ako ngayon ang harapin mo."

"Pare, sorry," sabi ni Mang Raul. "Gago ako."

"Gago ka talaga," sabi ni Daddy.

"Miguel! Tama na yan," sigaw ni Mama. 

Papalapit na rin ang guards sa amin.

"Daddy, huwag na po," sabi ko.

"Alex, sorry," sabi ni Mang Raul.

Umakto na silang aalis ni Jessie. Pero si Mama ay may pahabol.

"Mamaya, same place," sabi ni Mama. "Isama mo si Jessie."




-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 866 152
"Let's stay in each other's lives forever, shall we? Because my late nights aren't complete anymore without you." Started: May 20, 2019 Finished: Apr...
59.2K 2.7K 45
UDMC Boys Series #3 Three months after the incident that ruined his image on campus, Westley Morris begins his special internship at Miller Farm, whe...
254K 14.1K 49
(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified Public Accountant is his priority. He's p...
1.6K 226 45
UNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking ca...