Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

727K 20.2K 3.5K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaƱaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Game to Play

7.5K 223 89
By AlbertLang

CHAPTER51

"Nasaan ako?"

Naramdaman kong may mga daliring nakapagitan sa aking mga daliri. Malabo ang paligid habang unti-unti akong dumidilat. Medyo naguguluhan ako. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Naging pamilyar na lang ang lahat nang mapansin ko ang green na telang nakapalibot sa akin. Ang puting kama na may bakal na frame. At ang ilaw. Infirmary ito.

Tiningnan ko ang kamay ko. At ang kamay na may hawak dito. Si Jessie.

Agad kong binawi ang aking kamay. Napaatras din ako. Nakaramdam ako nang kaunting kaba. Minsan naaalala ko pa rin na binubugbog ako ng lalaking ito. Pero agad na rin iyong nawawala. Naalala ko rin kaagad na iba na ang dahilan kung bakit niya ako nilalapitan.

Sa ala-alang iyon, lalo akong lumayo. Pero hindi takot ang dahilan. Inis. Galit. Poot.

"Bakit ba ayaw mo na lang akong layuan?" sabi ko.

Mahina ang boses ko pero naramdaman kong nagtiimbagang ako. Naiiyak ako sa galit.

"Hinimatay ka," sabi ni Jessie.

"At ano?" sabi ko, habang unti-unting nagbabalik ang nangyari sa maiinit na kalsada. "Ikaw ang tagapagligtas ko? Hindi ikaw Jessie, hindi ikaw?!"

"Bakit ka ba galit na galit?" tanong ni Jessie.

"Lapit ka kasi nang lapit?" sagot ko. "Sinira mo ang buhay ko noon, piatawad kita. At ngayon, nandyan ka pa rin, sinisira mo pa rin ako."

Halata kong hindi naiintindihan ni Jessie ang mga sinasabi ko.

Hindi na ako nakapagpaliwanag dahil may humawi sa green na kurtina. Si Mama, lumapit sa akin at yumakap. Nakasunod sa kanya si Daddy.

"Sobrang init daw po, Ma... Tita... Ma'am," sabi ni Jessie. "Baka gutom daw siya o puyat o parehas."

"Doktor ka ba?" taong ni Mama. "Salamat sa pagtawag sa akin, Jessie. Pwede ka nang umalis."

"Ikaw si Jessie?" nakita ko ang galit sa mata ni Daddy.

Napaatras si Jessie. Pero maliit ang lugar namin. Nahawakan pa rin siya ni Daddy sa collar. Nakaambang sasapakin.

Nakita ko ang ngiti ni Mama.

"Daddy, huwag na po," mahina, pero may igting kong sinabi.

Binitawan ni Daddy si Jessie mula sa kanyang pagkakapitsara.

"Umalis ka na lang at huwag kang magpapakita sa akin," sabi ni Daddy. "Pagbubuhulin ko kayo ng tatay mo."

Lumapit sa akin si daddy.

"At ikaw Alex," sabi niya sa akin. "Hindi kita pinagsasabihan dahli alam kong wala akong karapatan. Pero pagagalitan kita ngayon. Kapag may nananakit sa iyo, huwag mong sasarilinin. Sabihin mo sa amin, o sige, kahit sa nanay mo na lang. Hindi namin kakayanin na may mangyaring masama sa iyo. At kung may taong gagawa nun sa'yo, mananakit sa'yo. Uunahan namin yung taong yun. Hinding-hindi kami papayag na masaktan ka nila."

Hindi ko napigilan ang luha ko . Ang haba ng speech ni Daddy. Sinubukan kong huwag pansinin pero hindi ko maiwasan. Tama siya. Pinilit kong hindi umiyak dahil ayokong tama siya. Pero ko kaya.

Tumango na lang ako.

Dumating ang doctor at kinausap ako at sina Mama at Daddy. Matapos ang ilang pirmahan, proseso. Pinalabas na kami.

Sa unang pagkakataon, kahit sa image lang, nakita kong buo ang pamilya ko. Ako ang nasa gitna habang nasa magkabila ko sina Mama at Daddy, naglalakad papalabas ng infirmary.

May isang imahe naman ang panandaliang gumulo sa aking ilusyon. Inabutan namin sa tapat si Jessie na nakatayo. May kausap siya, si Gabriel.

Hindi ko alam ang dahilan pero kinabahan ako.

Tumingin si Gabriel sa amin. Lumakad papalapit.

Si Jessie naman. Tumingin din, tapos lumakad papalayo.

Tumingin sa akin si Mama.

"Okay na po ako," sabi ko.

"Hello po, Tita, Tito," bati ni Gabriel.

Tumaas ang kilay ni Mama.

"Hindi pala sasaktan ang anak ko, ha," sabi ni Mama.

"Ma, ako na lang po," sabi ko kay Mama.

"Gabriel," sabi ni Mama. "Mag-ayos kayo. Babatukan ko kayong dalawa."

"Yes Tita," sabi ni Gabriel.

"Sige Alex," paalam ni Mama. "Una na kami ng Daddy mo."

Naglakad sila sa parking, sa sasakyan ni Daddy.

Naiwan kaming nakatayo ni Gabriel.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Gabriel.

"Jessie told me that you passed out and that you were here in the infirmary," sabi ni Gabriel. "What happened?"

"Iyun, hinimatay ako," sabi ko. "Kulang ako sa tulog. Hindi ako nakakain kasi... kailangan ko ba talagang magpaliwanag sa'yo?"

"Not necessarily," sabi ni Gabriel. "So where are you going now? Hatid na kita. At least, ako naman ang sasalo sa iyo when you pass out again."

"Gusto mo ba talaga iyun?" tanong ko.

"Of course," sabi ni Gabriel.

"Bakit mo ako nilaglag nung una?" tanong ko.

"Kasi gustong-gusto mo nang bumitaw," sagot niya.

Hindi ako nakasagot. Ibabalik na naman niya na lagi kong pinipili si Jessie.

"Kukuha ako ng classcards," sabi ko.

"Me, too," sagot ni Gabriel.

Naglakad kami papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto para sa akin. Tapos siya naman ang sumakay sa side niya.

Umandar ang sasakyan.

Walang usapan. Pangiti-ngiti lang siya na parang wala kaming nakaraan at walang puputahan. Gago ka. Alam ko na ito, ganito tayo nung nakipag-break sa akin eh. Ang taas ng level ng sweetness tapos bigla akong ibabagsak. Gago ka, diskarte mo bulok.

Galit pa pala ako. Galit pa talaga. Pero hindi ako papatalo sa galit ko.

Ngiti lang din ako. Hindi nya dapat makitang ipinagpalit ko ang pagkain at pagtulog sa pag-iyak.

"Anong ginagawa natin?" tanong ko.

"Getting our classcards," sagot niya.

Pinipilosopo niya ako. Ako na nga itong naglakas ng loob na magsimula ng usapan.

"Okay," sabi ko.

Tahimik ulit.

"Don't get me wrong," sabi ni Gabriel. "I was just worried when I got the call from Jessie. After all, we are still friends, right?"

"Of course we are," ay galit ako talaga, napapa-ingles. "You care pa pala."

"Of course I do," sagot niya.

Tahimik ulit.

Bumaba kami sa building ng college niya. Nagkataon na may mga subjects ako doon, at parehas kami ng department na pupuntahan. Sabay na kami. Kumuha rin siya ng classcards niya. Iyun lang naman. After nun, pwede na kaming maghiwalay.

Hindi ko alam ang nangyayari sa amin, pero nasasaktan ako. Para niya akong pinalalakad sa bubog, naka-tsinelas naman, pero yung tsinelas na kaaawaan ni Korina Sanche.

Yung tsinelas yung saya eh. Kasi nararamdaman ko na may saya pa rin kapag kasama ko siya. Pero kailangan kong alisin, kasi hindi na kami. Mahal pa namin ang isa't-isa pero ayaw na niya. Malinaw naman sa akin yun. Masaya, masakit. Hindi ko alam.

May kausap si Gabriel na kaklase niya nang lumabas ako sa room ng prof ko matapos kunin ang classcard. Iiwan ko na sana siya, kasama ng mga kung ano pang nararamdaman kong dapat nang kalimutan. Hindi ko naman kailangan ng closure eh. Malinaw naman sa akin ang lahat.

Tama na itong nagkita kami. Friends. Sige na. okay na.

Naglakad ako papalayo. Nang narinig ko ang pagtakbo ni Gabriel.

Oo alam kong si Gabriel iyung tumatakbo kahit hindi ko nilingon. Ayokong tiyakin. Masasaktan ako kapag nalaman kong hindi sa kanya ang mga paang nagmamadali para pigilan akong lumayo. Ipinagpatuloy ko ang paglakad.

Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Si Gabriel ito. Sana si Gabriel ito. Huminto ako.

"Wait up," sabi niya.

Napahinto ako. Napaiyak. Si Gabriel nga. Pinigilan niya ako.

"I was just talking to my groupmate," sabi ni Gabriel na tumuloy sa paglakad.

Napalakad din ako at sumabay sa kanya.

"We'll be staying in Bontoc, early in the first semester," sabi ni Gabriel. Hopefully we're done in a month or two. Too many preparations."

Tuluy-tuloy siya sa kwento niya.

"So are you heading to your college na?" tanong ni Gabriel.

"Oo," sabi ko.

Sasamahan mo ba ako?

"Okay," sabi ni Gabriel. "We'll be meeting our adviser in a while. Hintay lang kami ng text."

Ay busy pala. Paasa naman. Well. Ano ba naman ako? Ang hopia pagkain. Hindi ako.

"But if you want, we can get some hopia in the cafeteria?" sabi ni Gabriel. "Wala pa naman text eh. 'You in a hurry?"

"Nang-aasar ba yang hopia mo?"

"Hindi," at ngumiti si Gabriel.

Ito ang ex kong napakagwapo. Inaakit na naman ako.

"Come on," sabi ni Gabriel. "My treat. As friends. Hindi naman mawawala ang mga classcards mo sa college mo."

Pumayag naman ako. Kung bakit, hindi ko alam. Sinunod ko na lang ang... puso ko?

Pagkaupo, may dala ngang hopia si Gabriel. May dala rin siyang kape.

Pero hindi siya sa tabi ko pumwesto. Sa harap ko. Magkaharap kami. Hindi na mangyayari ang inaakala kong paglapat ng kamay niya sa hita ko habang kumakain kami.

"May sugar yan," sabi ni Gabriel. "Hindi yan bitter."

"Nang-aasar ka ba?" sabi ko. "Alam mong pwede kitang walk-outan. Tulad ng ginawa mo sa akin sa rooftop."

"Oy ha, I didn't walk out on you," sabi ni Gabriel. "I broke up with you, pero nagpaalam ako nung aalis na ako. We even sealed our goodbyes with a kiss."

"At proud ka pa na ikaw ang nakipag-break," sabi ko.

"Yuh, because I still love you," sabi ni Gabriel. "And I know that you are trying but you still love me. Maybe not as much as before, I don't wanna assume. But it is safe, I think if I say that you still have some love for me, your Gab."

"Alam mo, yung mukha mo, feel ko hanggang dito," sabi ko. "Ang kapal, hindi kayang harangan ng table."

Ngumiti lang siya.

Ngumiti rin ako.

"Okay, sige," sabi ko. "Mahal pa rin kita."

"Good that you acknowledge it," sabi ni Gabriel. "That's the first step. Acceptance of the problem. Because, Alex, you have to forget all those love that you have for me. You have to throw them all away. I cannot accept that anymore."

"Ayan ka na naman, ang gago mo eh," sabi ko.

"No cursing," sabi ni Gabriel. "We don't do that."

"No," sabi ko. "Yang ginagawa mo ang we don't do. Yung pasasakayin mo ako sa mga salita mo. Papa-feel mo sa aking mahal mo ako. Paaaminin mo ako ng nararamdaman ko, tapos dadalhin mo sa gaguhan. Gago ka, Gabriel."

Kahit ako, natakot sa sinabi ko. Na-feel ko ang galit ko. Ibang galit ito, hindi katulad ng naramdaman ko kay Jessie.

At napaisip ako. Bakit ko iniisip si Jessie? Bakit ko ngayong kinukumpara si Gabriel kay Jessie.

"I'm sorry," sabi ni Gabriel. "I deserve that gago."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"But that galit, is good," sabi ni Gabriel.

"Tantanan mo nga ako," sabi ko. "Lalo akong napipikon sa'yo. Wala kang point! Sasabihin mong mahal mo ako, tapos ako, dapat kalimutan ko yung mahal kita. Ano yan, Gabriel ha? Ano yan?!"

"Because I don't want your tainted love," sabi ni Gabriel.

Tahimik kami parehas.

Ang deep nun ha. Tainted love. Igu-google ko yun pag-uwi.

Hanggang sa magsalita si Gabriel.

"I talked to Jessie," sabi niya.

Yun pala yung inabutan namin na magkausap sila sa labas ng infirmary.

"I told him na wala na tayo," tuloy niya. "That he has a chance to win your love."

Hinintay ni Gabriel na magsalita ako. Kaya lang, wala naman akong masabi.

"He said that I was stupid for giving you up," tuloy ni Gabriel. "Dahil aagawin ka na daw niya. At kahit kaunti lang ang maibigay mo sa kanya, hindi na raw niya pakakawalan. Some of the words he actually used. Yet I told him, go for it. But I would not make it easy. Kasi I'll fight for you, Alex."

"You'll fight for me... Aagawin niya ako..." sabi ko. "Kung sa tingin mo, mapa-flatter ako, hindi. Gabriel, hindi ako bola. Huwag ninyo akong pag-agawan. May pakiramdam ako. Tao ako. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayong ipinapasa mo ako kay Jessie?"

"The same thing I felt nung pinaasa mo siya sa iyo," sabi ni Gabriel.

Natigagal ako.

"You gave him a chance. Kaya nga if you choose him, I'll be very happy for the two of you," tuloy ni Gabriel. "Wala naman akong magagawa. Pinili mo siya. But I'm not saying that I am giving up. Hindi ko aalisin ang pagmamahal ko sa iyo, Alex dahil itutuloy ko ito. Because I want you to love me again. Again, because I want you to unlove me first. And love me like the first time you fall in love with me. 'Yung ako lang. 'Yung walang kahati. 'Yung walang pinagkukumparahan."

"Pero mahal na mahal pa kita ngayon," sabi ko.

Naiiyak na naman ako. Napaka vulnerable ko sa situation namin.

"I don't want that love," sabi ni Gabriel. "I tried, pero nasasaktan ako. I know that loving can be painful, but we don't love to get hurt."

Nakikita ko rin ang hirap ni Gabriel. Bagsak din lahat ng walls niya. Kitang-kita ko ang lungkot niya sa mga mata. Kung gaano ko siya na-disappoint. Kung paanong mahal niya ako pero masakit.

Pero hindi sapat iyun para pglaruan nila ako ni Jessie.

"Ang dami ninyong drama," sabi ko.

Naririnig ko na si Sir Cabalfin na nagsasabing ay, nag-comment ang hindi maarte. Pero ang unfair. Ang unfair-unfair ng nangyayari.

"I'm sorry, Alex kung paglalaruan ka namin," sabi ni Gabriel. "But you also have the option of just leaving the game."

Hindi na ako nakapagsalita. Tumitig na lang ako kay Gabriel. Hinihintay na sabihin niyang joke lang ito. Pero wala na. Iyun na ang mga huling salita ni Gabriel.

Hindi na rin ako nagsalita.

Hindi ko alam eh.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Hindi ko na naman alam kung nasaan ako.


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

280K 17.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
334K 16.6K 49
(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified Public Accountant is his priority. He's p...
91.9K 2K 22
What do you do if one day, when you open the door to the person knocking, it turns out to be your ex-boyfriend, back with the baby of the woman he le...