A wall in-between [QS#2]

By ZeeDee09

443K 10.2K 817

QUARTET SERIES #2 Lavender fontanilla ~ Lavender needs to find a wife to fulfill his grandfather's wish para... More

A Wall in-between
Chapter 1
Chapter 2
chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34 (last chapter)
EPILOGUE

Chapter 10

9.9K 227 5
By ZeeDee09

***

"So you're back huh?" Nakangising tanong sa kanya ni Zion habang tahimik lang siyang binabasa ang monthly report ng business ng kumpanyang pinamamahalaan ng lolo niya.

Dahil hindi pa ito pwedeng magtrabaho ay siya muna ang pansamantalang umaasikaso sa lahat... pero kung siya ang papapiliin ay mas gusto niya nang manatili na lamang sa bahay ang Lolo niya para hindi na lumala ang sakit nito. He's the only one he have.

"As for now, I don't have any plan going back to my previous setup."

"Eh, paano yung kundisyon ni Lolo mo?"

"May naipakilala na ako sa kanya. Alam mo namang hindi siya aalis dito kung wala pa akong naipapakilala sa kanya. Hahayaan ko muna siyang makuntento sa ngayon. Basta wag niya lang pipilitin ang sarili niyang magtrabaho. I'm fine with it."

Napapalatak ito. "Naku bro, lagot ka niyan pag nanghingi na ng Apo ang Lolo mo. Instant kasalan agad ang magaganap."

He sighed heavily. Yun din ang kinakatakot niya. sa nakikita pa niya naman, mukhang close na agad si Jamie at ang Lolo niya. Si Jamie kasi ang nag-aalaga ngayon sa Lolo niya.

And he's sure that sooner or later, his Lolo will be demanding for marriage.

"Let's not talk about that matter. Ang mahalaga sa akin ngayon ang kalusugan ni Lolo."

"Hmm, pero diba ok naman si Jamie? Niligawan mo pa nga eh. Why don't you just marry her?"

Hindi agad siya nakasagot at muling napabuntong hininga. "I don't know, Zi. To tell you honestly I'm starting to doubt her."

"What do you mean?"

"When I first met her, I thought she could be the one. pero habang tumatagal ko siyang nakakasama, umiiba na eh, lalo na ngayong alam niya nang mayaman ako..."

"I still don't get it."

"I don't want to put it in a word, but you see... her attitude is kinda bit of a gold digger."

Napaisip ito saglit. "How can you say that?"

"Through observation, simula nung nalaman niyang mayaman ako ay napapadalas ang pag-request niya ng mga bagay bagay. And now she even decided to live in my house, para daw maalagaan ang Lolo. At first I thought it was okay, but these past few days she's starting to act like my wife and the boss in the house. Pati nga si nanay pinagalitan niya dahil lang kulang ang nabiling ingredients sa lulutuin niya..."

"And you know what's the worst part? Gusto niya pang malaman ang mga business namin ni Lolo at kung magkano ang mga kinikita... hindi na ako magtataka kung isang araw ay sa amin na lahat nakatira ang pamilya niya at umaasa sa yaman namin."

Biglang natawa si Zion sa sintemyento niya.

"Damn, wala pa palang kasal, nasasakal ka na."

"Tsk."

"Anong plano mo ngayon?"

"I really don't know... ayoko naman hiwalayan agad siya at paalisin sa bahay."

"Man, you've got a really big problem. Pero sa totoo lang the only solution you have is find someone again. Baka kasi pag tumagal ang sitwasyon ikaw din ang mahirapan."

"Yeah... you are right."

***

Isang malawak na ngiti ang sinalubong ni Jamie nang dumating si Lavender sa bahay galing trabaho. Pakiramdam niya talaga ay tunay silang mag-asawa sa ganitong setup nila.

"Ang aga mo atang umuwi?" Tanong niya dito habang tinutulungan ito sa mga dalang gamit.

"Maagang natapos ang meeting eh." Paliwanag nito. "Nasaan si Gran?"

"Ayun, nagpapahinga na. Napagod ata kanina kasi niyaya ko siyang mag-lakad lakad. Kailangan daw kasi niya yun sabi ng doctor."

"Thank you, Jamie." Binigyan siya nito ng isang tipid na ngiti. "Sa kwarto muna ako, marami pa akong kailangan tapusin."

Pagkatapos siya nitong iwan ay saka lang nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Ang dating 'mahal' na tawag nito sa kanya ay bumalik sa pangalan niya. Hindi naman siya tanga o manhid para hindi mahalata ang panlalamig sa kanya ni Lavender. Noong una ay akala niyang busy lang talaga ito sa trabaho sa kumpanya, kaya nga kapag umuuwi ito ay kinukulit niya itong magkwento tungkol sa trabaho para lang magkaroon sila ng oras sa isa't isa.

Nami-miss niya tuloy ang dating badong na makulit at laging nakangiti. Iniisip niya na lang na busy lang talaga siguro ito kaya hindi siya napaglalaanan ng oras.

Haay.

Ayaw niya man maramdaman ay nangliliit siya sa sarili ngayong nakikita niya ang malaking agwat sa pagitan ng estado nila sa buhay. Pinangarap niya pa man din noon na magkaroon ng asawang mayaman pero ngayong malapit na siya sa pangarap na iyon ay saka naman siya nag aalangan.

Kaya naman gumagawa siya ng paraan para makibagay sa mundong ginagalawan nito para hindi siya nito ikahiya.

Nakita niyang papaakyat ang isang katulong na may dalang tasa ng kape.

"Para kay Lavender ba yan?"

"Opo, Ma'am."

Lihim siyang napapangiti kapag tinatawag siyang 'Ma'am' ng mga kasambahay, ang sarap kasi sa pakiramdam.

"Ako na lang ang magdadala."

Kinuha niya ang tray mula rito at nagtungo sa kwarto ng kanyang kasintahan. tatlong beses siyang kumatok bago bumukas ang pintuan nito.

"Mahal, ako na ang nagdala ng kape mo."

"Hindi ka na dapat nag-abala." Sabi nito bago binuksan ang pinto para makapasok siya ng tuluyan.

"Aysus, maliit na bagay, gusto lang naman kitang pagsilbihan." Inilapag niya ang dala sa lamesa sa kwarto nito saka ito nilapitan sa desk kung nasaan nagkalat ang mga papeles nito at laptop na ginagamit sa trabaho. "Tambak ata ang trabaho mo?"

Binasa niya ang ilang mga nakasulat pero ni isa ay wala siyang maintindihan.

"Yeah..." umupo ito sa swivel chair katapat ng mesa. "Hindi pa naman kasi ako ganoon kagaling kagaya ni Gran kaya madalas matambakan ako ng trabaho."

"Ahh, hayaan mo't magagamay mo rin yan." Umikot siya dito at pumwesto sa likuran nito. "Para may maitulong naman ako mamasahiin na lang kita."

Inilapat niya ang mga daliri sa noo nito at inumpisahang masahiin iyon. Andyang napapapikit ito sa ginagawa niyang pagmamasahe kapag dumidiin.

"Mmmm..." mahinang ungol nito ng lumipat ang kamay niya sa balikat nito at doon naman siya nag concentrate.

Nang maramdaman niya ang pagrerelax ng mga muscles nito ay pinag-igian pa niya hanggang sa mangalay na rin siya at ipinulupot na lamang ang mga braso sa leeg nito. Yakap niya na ito mula sa likuran at nakadikit ang mukha niya sa mukha nito.

"Narelax ka na ba?" tanong niya dito at bahagya pang idinampi ang labi niya sa tenga nito. Hindi niya alam pero gusto niyang maglambing dito ngayon.

"Yeah, thank you." Lumingon ito sa kanya at hindi niya inaasahan ng gawaran siya nito ng isang halik sa kanyang labi.

Simpleng halik lang iyon pero hindi parin niya mapigilan pamulahan ng mukha. Ang kaninang bilis ng tibok ng kanyang puso ay dumoble pa.

Saglit siyang natulala sa gwapong mukha nito bago sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Tapusin mo na yang ginagawa mo, baka naaabala na kita."

"No, dito ka muna." Sabi nito at hinila siya. Muntikan na siyang mapatili ng bumagsak siya sa kandungan nito.

"Badong ano ba!" Sita niya dito ng pumulupot bigla ang braso nito sa bewang niya.

Tumawa lang ito saka inamoy amoy ang leeg niya. Ito yung badong na namimiss niya, yung makulit na badong.

"Dito ka lang muna habang nagtatrabaho ako."

"Ano? Balak mong paupuin ako hanggang mamaya sa kandungan mo? Siraulo ko talaga. Paano ka makakapag trabaho niyan?"

Ngumisi ito. "Trust me, I can work in this situation. Basta wag ka lang maglilikot... baka may magalit."

"Badong!"

***

Continue Reading

You'll Also Like

648K 23.5K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.5M 24.9K 64
QUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang...
11.3K 480 44
Mawawasak ang dalawang taong huwad na katahimikan. May magbabalik na pamilyar na mukha mula sa nakaraan. Ang mukhang kinabaliwan niya noon ay siya ri...