Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

727K 20.2K 3.5K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaΓ±aque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Answered Prayer

8.8K 247 41
By AlbertLang

CHAPTER 37

"Lord, bigyan po ninyo ako ng tapang."

Parang mali ang dasal ko.

Si mama ang nagturo sa aking magdasal. Sabihin ko daw kay god ang gusto ko. Laruan, paborito kong ulam, madaling exam. Nabibigay naman sila. Nakukuha ko kinabukasan, o ilang araw lang.

Pero hindi ko pa sigurado kung nakarating na ang sagot sa dasal ko. Isang linggo na akong naghihintay dito sa bahay, hindi pala bahay, mansion pero hindi ko pa rin nagagamit yung tapang na hiningi ko. At tuwing may darating na sasakyan, may bubukas na pinto, parang nawawala yung tapang na binigay sa akin.

Isang linggo na pero wala pa rin si Jessie sa bahay na ito. Ang pinaghandaan kong paghaharap namin, hindi pa rin natutuloy. Pero hindi ibig sabihin na wala akong hinaharap.

Kahit na nagpapakahermetanyo na lang ako sa kwarto, hindi ko maiwasang lumabas kung may kumakatok. At bawat katok ay may kasamang kaba. Nandyan na ba siya? Siya na ba ito? Kaya ko na ba talaga siyang harapin.

Toktoktok. Sabi ng pinto.

Jugjugjug. Sabay ng puso ko.

"Sino yan?," tanong ko.

"Tawag po kayo ng mama mo," si Mabel pala.

Kaya't mga tanong muna ni Mama ang nakabangga ko.

"Nag-away ba kayo? First major LQ?" intriga ang salubong sa akin ni Mama.

Umiling ako. Agahan na kami nagkita ni Mama pagkauwi ko. May trabaho kasi siya. Iba na naman ang shift. Ayus din at wala si Tito Raul nun. Wala nga lang din ang anak niya. Nabalewala ang kaba ko.

"Kailangan lang namin siguro magpahinga," sabi ko. "Masyado yata kaming mabilis."

"Ay chinika ako ng anak ko," sabi ni Mama. "Yung totoo, huwag mo akong bigyan ng eklat na paliwanag."

"Yun na nga ma..."

"O sige, nabilisan. Sinong nabilisan, siya o ikaw? Pinalayas ka ba nya, gaga sya, nagbabayad tayo ng renta sa kanya," singit ni Mama nang tuluy-tuloy na salita.

"Ako ang umalis. Ako ang nabilisan."

"Ang junakis ko, kaka-out lang. Nag iinarte na. Ilang buwan na ba kayo?"

"Tatlo? Roughly."

"Ay, papatotoo na pala kasi yan. Requirement na nga ang major away. So, anung pinag-iinarte mo? Bakit ka nabibilisan, may dahilan ba para nagmabagal?"

"Hindi naman sa ganoon..."

"Anu yung ganoon na tinutukoy mong hindi?" parang elevator ang mga kilay ni mama. May hinihintay ba siyang isasagot ko. May tamang sagot ba?

"Ma, ako ang anak mo. Bakit hindi mo ako maintindihan na lang?" isang generic na sagot. Umiwas na lang ako.

"Ikaw ba, naiintindihan mo ang sarili mo?"

Hala. Wala na yata akong kawala. Hindi ako nakasagot. Hindi na lang ako nagsalita.

"Naiintindihan kita. Syempre may dahilan ka. At valid yan. Gusto ko lang na alam mo kung ano ang dahilan mo. Itago mo sa akin yan, i dont ker. Basta wag mo itago sa sarili mo. Hindi lang si Gabriel ang masasaktan. Pati ikaw. Masakit makasakit."

Si mama na ang nagsalita. Siya na ang umintindi sa akin. Kailangan ko siyang pasalamatan.

"Alam ko naman po. May kailangan akong ayusin sa sarili ko, Ma," paliwanag ko. "May tinatakbuhan ako nung pumasok ako sa relasyon. Ngayon, nabalikan ako nunhg tinatakbuhan ko."

"Utang ba yan?"

"Hindi naman, Ma. Puro joke pa eh."

"Anak, 'yang problema, parang utang yan. Hangga't hindi mo nababayaran, babalikan at babalikan ka ng maniningil," nag-hanash si Mama.

Hindi na ako nakapagsalita. Kaya nga ako nandito, magbabayad na ako. Haharapin ko na ang naniningil, kahit siya ang dapat may pagbayaran sa akin.

"So, yang maniningil, ano ba yan o sino?"

"Ako na munang bahala, Ma," sagot ko.

"Okay," ngumiti si mama kasabay nang pagtaas ng kilay. "Ikaw na ang empowered."

Thanks ma. Pero mukha kakailangan ko rin ng power. Dapat sinama ko na rin yun sa dasal. Nakahanda na ako sa pagharap kay Jessie nang marinig ko ang motor na paparating.

Toktoktok.

Jugjugjug.

Hindi ko pala nakandado ang pinto. Bumukas ang pinyo. Nanlaki ang mga mata ko. Pero hindi Jessie ang pumasok. Hindi ko rin alam kung ikatutuwa ko ito o ikatatakot. Si Tito Raul.

"Papasok na ako ha," paalam ni Tito Raul na mukha namang hindi magpapapigil kahit tumutol ako.

At na-finalize din ang nararamdaman ko. Takot. Hindi ako nakagalaw. Nanatili akong nakaupo, sa harap ng table ko, hawak pa rin ang pinsel na pinangkukulay ko sa plate ko.

"Sorry sa ginawa ko nung nakaraan. Alam kong natakot ka. Binato kita, nasakal kita, natakot ka," sabi ni Tito Raul.

Kung umaarte man siya, masasabing magaling siyang artista. Nakukumbinsi ako. Pero ang hindi natanggal ang kaba ko sa mga sinasabi niya gaano man iyun ka-sincere. Nanatili akong walang imik.

"Pero tingnan mo ngayon," pagpapatuloy ni Tito. "Dahil sa ginawa ko, tinigil mo na yang kaabnormalan mo. Nandito ka na ulit sa bahay natin. Makakasama mo na ang mama mo, kaming pamilya mo."

Mabuti na lang kumuha si Tito Raul ng isa pang upuan at tumabi sa akin. Hindi niya nakita ang mga pagbabago sa mukha ko. Mukhang nanlaki ang mata ko at napabuka ang bibig ko.

Umakbay si Tito Raul.

"Sabi ng Mama mo, hindi ka pa daw nagkaka girlfriend. Subukan mo lang. Mas masarap yun at tama. Sasabihin ko sana mas tama pero hindi tama yung dalawa kayong lalaki sa relasyon. Mali yun, Alex."

Napaisip ako. Si Mama, naikukwento ako kay Tito Raul? Nakumbinsi na kaya ni Tito ang Nanay ko na gawin akong straight?

"Siguro, isasama ka namin minsan ni Alex sa Quezon Avenue. Pero wag mo akong susumbong sa mama mo, ikaw lang ang kukuha namin, kung gusto ni Je-Ar, e di kayong dalawa. Pero hindi na ako. Masaya ako sa mama mo."

"Naku," gulat ko. "Wag na po."

"Para naman makatikim ka na. Makikita mo, tama ang desisyon mo. Experience lang ang kulang mo, eh, bata."

"Baka po magalit si Mama."

"Good," sabi ni Tito. "Kini-consider mo na. Ako nang bahala sa mama mo. Hindi naman niya kailangang malaman."

"Pero po wala akong pera."

"Niloloko mo ba ako. Syempre, sagot ko na yun," napansin niya na nagpapalusot ako. "Huwag ka nang tumanggi. Ito na rin ang pambawi ko sayo dahil sa pananakot ko sayo."

Mukhang hindi papatinag si Tito. Sige na nga. Sasakyan ko na lang muna siya. Ilang araw lang naman ako dito. Kakausapin ko lang si Jessie.
Isasara ko lang ang mga nararamdaman ko sa kanyang hindi ko naiintindihan. Babalik din ako kay Gabriel. Walang point ang makipagtalo pa ako.

"Pag-iisipan ko pong mabuti."

"Wag ka nang mag-isip. Paano, kailan ka pwede?"

"Sige po, tatapusin ko lang ang mga final plates ko."

"Ayos. Pangako, mae-enjoy mo yun. May mga babae dun, simbata mo lang din siguro. Sariwang sariwa pa."

Napatawa si Tito sa mga naiisip niya.

"Mabuti at sinama ka ni Jessie dun sa falls. Nakakalinis talaga yung lugar na yun...

"Alam po ninyo yun?" untag ko.

Bahagya akong napaatras. Inalis ni Tito Raul ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Oo naman," ngumiti si Tito Raul na parang kontrabidang may naisakatuparang masamang plano.

Tumayo si Tito Raul at nag-inat.

"O, paano, dito ka na lagi, hindi ka na babalik dun sa bahay ng bakla," paalam niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi na lang ako nagsalita. Pero dahil nandito na rin naman siya. Inipon ko na ang lahat ng tapang na binigay ni lord sa aking dasal.

"Tito," sabi ko. "Pwede po bang magtanong?"

"Oo naman."

"Ano po ang ibinulong ninyo kay Jessie nung nasa garahe tayo, nung nasa Pangasinan tayo?"

"Naaalala mo pa pala," sabi ni Tito Raul. "Wala naman, sabi ko lang siya na ang bahala sa iyo. Yung ginawa ko sa kanya noon, gawin na niya sa iyo."

Nagpaalam si Tito Raul. Lumabas ng kwarto ko. Akala ko, malilinawan ako, lalo akong naguluhan.

"And what's that supposed to mean?" tanong ni Gabriel.

Gabi-gabi pa rin naman kaming nag-uusap. Pag nagtext ako sa kanya dahil namiss ko siya. Magriring na ang telepono ko. Videocall. Eh gabi-gabi ko rin naman siyang namimiss. Gabi-gabi, gusto ko pa rin siyang makatabi, pero mahalaga sa akin ang pag-iinarte kong ito. Alam kong may mali pa akong dapat itama.

Nagkikita pa rin naman kami sa school. Pero hindi na ako nagpapahatid pabalik dito sa Paranaque. Ang totoo, may saya akong nararamdaman sa biyahe ko. Ang dami kong nakikita, at lalo akong nakakapag-isip. Siguro isa sa mga iisipin ko nga ay kung ano ang ibig sabihin ni Tito Raul.

"Dalawa lang naman," sagot ko kay Gabriel. "Inutusan niya si Jessie na halikan ako. O may iba siyang inutos. At hindi iyun sinunod ni Jessie."

Hindi ko mabasa ang mukha ni Gabriel sa maliit na screen ng telepono ko. Nakahiga lang siya sa kama. Hubad. Nakahanda nang matulog.

"Which would you prefer?" tanong ni Gabriel.

Hindi ako nakahandang sagutin yun. Anu nga ba ang mas gusto ko? Anuman ang piliin ko, masasaktan si Gabriel. Pero sa pag-iisip ko. Mayroon akong sagot na nabuo.

"Do not overthink, just say the first thing that pops," utos ni Gabriel.

"Wala," sagot ko. "Wala akong gusto dun. Parehas mali iyun."

Hindi ko kayang masaktan si Gabriel. Pero parang alam niyang nagsinungaling ako. Nararandaman ko.

Toktoktok.

Jugjugjug.

Kinabahan ako sa katok. Ito na banag hinhintay kong pagbabalik ni Jessie. Ito na ba ang isang linggo kong takot na matatapos na sa wakas. Alas dos nang madaling araw.

"Sino yan?" tanong ko.

"Sir, may bisita kayo," sabi ni Aling Rosa.

Agad akong nagbihis. Bumaba ng kwarto at hinarap ang bisita.

Mula sa pagkakaupo, tumayo si Gabriel nang makita ako.

Nagmadali ako at yumakap kay Gabriel.

"I miss you so much babe," sabay higpit ng yakap.

"Miss na miss din kita, Gab," sabi ko.

Pero kailangan kong tanggalin ang pagkakayakap namin. Tumingin ako sa paligid. May mga mata ba ni Tito Raul?

"Tulog na po," sabi ni Aling Rosa.

"Aling Rosa, salamat po. Huwag na po sana ninyong sabihin..." sabi ko.

"Wala pong problema," sagot ni Aling Rosa.

Dumeretso kami sa kotse ni Gabriel. At pagkasakay na pagkasakay ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Nagulat ako sa kanyang kasabikan. At sa bawat galaw ng kanyang mga labi, naalala ko ang kanyang pagmamahal. Bumigay ang aking pag-iisip at nagpaubaya na sa aking katawan. Namiss ko rin ang kanyang halik.

Inalis ni Gabriel ang kanyang mga labi, ngunit hinabol ko siya at pinantayan ang pananabik na naun aniyang ipinadama. I can't get enough of this kiss.

Pero si Gabriel na rin talaga ang bumitaw.

"We'll have more of this later," sabi ni Gabriel. "Iuuwi muna kita. If you want to go back here, ihahatid kita bukas."

Humalik muli siya. Isang simpleng halik at sinimulan nang paandarin ang kotse. Kaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan. Madaling araw na, at sa gitna ng mga nagmamabikis na mga kotse, ang sasakyan lang namin ang mabagal.

"I just can't let this week pass without you sleeping by my side," dugtong niya habang nagmamaneho. "People get used to sadness eventually, and i don't want to get used to this. I want to have some more, new memories that will pain me when we part again."

"Namiss kita, Gab," sabi ko. Nakangiti.

Nangingiti na lang ako sa mahaba niyang paliwanag. Hindi ko alam ang isasagot sa mga hanash niya.

Tumingin siya sa akin. Ngumiti din. Hinawakan niya ang hita ko. Ipinatong ko sa kamay niya ang kamay ko. Ipinasok niya sa mga daliri ko ang kanyang mga daliri. Iniangat ang aming kamay at hinalikan ang likod ng sa akin. Tumitig.

"I love you so much, Babe," sabi niya. "I can't let you go."

"Mahal na mahal din naman kita Gab ko," sabi ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sobrang intensity ni Gabriel. Una, kakausap lang namin, tapos hindi na siya nagpaumaga pa para sunduin ako. Nagkita naman kami sa videocall. Tapos, ngayon ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. At ang mga sinasabi niya, sa una, kinikilig ako pero ngayon, parang pinag-iisip ako. At mula sa utak, deretso sa bibig, nagtanong ako.

"Saan nanggagaling ang gabing ito, Gab," tanong ko.

"You find me acting crazy, don't you?"

"Ang totoo, oo."

"Nababaliw ako, oo. Forgive me. Pero miss na miss na kita."

"Miss na din kita."

"I know. And you just have to do this. Pero nababaliw akong hindi kita nakakatabi sa pagtulog. At kahit sabihin mong hindi pa rin umuuwi si Jessie dyan, eh natatakot akong baka umuwi siya at kung anong gawin niya."

"Wala siyang magagawa."

"Alam ko rin yun. And i trust you. Pero hindi ko maalis ang takot ko kapag hindi kita katabi. Iniisip kita. I want to stop, but i can't."

"Magkakatabi rin naman tayo ulit," sabi ko. Nadadala na ako sa mga sinasabi ni Gabriel. Para siyang sweet, pero nakakatakot din.

"I know, pero ang tagal na. One week na." sabi ni Gabriel. "Ayokong masanay ka na wala ako sa pagtulog mo."

"Hindi mangyayari yun, Gab."

Ginilid ni Gabriel ang sasakyan at huminto. Tinaggal niya ang seatbelt. Lumapit siya sa akin. Nabasa ko ang nasa mata niya. kumawala din ako sa seatbelt. Lumapit din ako sa kanya. Muling nagtagpo ang aing mga labi. At ang bawat paglalapat ay naging mas mainit kesa sa kanina. Nagsimula nang tumawid ag dila niya sa aking bibig. Itinulak ko ito ng akin, ngunit agad naman niyang sinipsip nang pumasok ang dila ko sa kanyang bibig.

Nagsimula nang humawak ang kanyang kamay sa aking braso, hanggang yumakap na siya sa akin.

Sabik na sabik kami sa mga yakap at halik ng isa't-isa. Naririnig ko ito sa kanyang mga singhal at mabilis na paghinga. Nadadala na kami ng init ng sandali.

Dahil na rin siguro sa dalang ng mga dumaraang sasakyan, naging kampante kami sa aming ginagawa. Wala namang papansin sa amin. Kahit gaani pa karubdob ang aming halikan.

Hanggang sa may maliwanag na ilaw ang pumasok mula sa windshield ng kotse. Napadilat ako, napahinto. Hindi napansin ni Gabriel ang ilaw dahil nakatalikod siya dito.

Nawala ang ilaw. Nanggagaling ito sa isang motor. At nang mapansin ng nakasakay na napansin ko na siya, na naabala na niya ang aming ginagawa, humarurot siya pabalik sa direksyon na pinanggalingan ng sasakyan namin ni Gabriel.

Naiwan sa akin ang mukha ng nakasakay sa motor. May lungkot, may galit. Nasa mga mata niya iyun bagi niya ibaba ang salamin ng helmet niya.

Tumigil na din si Gabriel sa paghalik.

"Is everything okay?" tanong ni Gabriel.

Napansin ni Gabriel ang paghinto ko. At ang pag-aalala ko.

"Are we okay?" tanong nya.

Ang tanong na iyun pala ang paggagamitan ko ng tapang na hiniling ko kay lord. Paano ko sasabihin kay Gabriel na kailangan ko nang bumalik.

Wala nang isip-isip. Ito siguro nga iyung tapang na iyun. Yung pagtalon na lang sa kung saan man babagsak.

"Oo. Oo naman," sagot ko. "Pero kailangan ko nang bumalik muna."

"May naiwan ka ba?"

"Gab," tumingin ako sa mga mata ni Gabriel. "Nasa bahay na si Jessie."

-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

160K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
16.9K 939 28
Looks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kula...
7.5K 348 25
COMPLETED | A BL STORY Have you ever felt the crushing weight of abandonment, the ache of being left behind? I was a solivagant. A solitary wanderer...
91.9K 2K 22
What do you do if one day, when you open the door to the person knocking, it turns out to be your ex-boyfriend, back with the baby of the woman he le...