Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

727K 20.2K 3.5K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Where

8K 240 45
By AlbertLang

CHAPTER 36

"Saan?"

Iyun ang unang salita ni Gabriel. Mahaba-habang oras at byahe rin ang hinintay ko bago lumabas ang salitang yun sa kanyang bibig.

Pero may mga narinig naman ako sa bawat niyang kilos. Mula sa paghawak pa rin niya sa kamay ko habang pababa ang elevator. Sa pagbukas niya ng pinto ng kotse at pagpisil sa aking hita habang umaandar kami. Hinawakan muli niya ang kamay ko habang pabalik sa bahay niya. At ngayong nakaupo na kami, magkatabi, magkahawak pa rin ang mga kamay, binigay na niya ang aking hinihintay.

Pero hindi 'saan' ang pinaghandaan kong tanong. 'Bakit' dapat ang itatanong niya. Dahil iyun ang tanong na alam ko ang sagot.

Kaya nanatili akong tahimik. Nag-iisip.

"Saan ka na uuwi?" tanong ulit ni Gabriel. Humigpit nang bahagya ang hawak niya sa kamay ko.

"Hindi ko alam, Gab," sagot ko. "Pero hindi muna sana dito."

"Did I do anything?"

"Wala."

"Babe, please don't use the "it's not you, it's me" excuse. That's unacceptable."

Hindi ako nakasagot. Dahil wala naman talagang problema sa kanya. Nasa akin ang mali. Ako ang may pag-iinarte sa katawan na hindi ko makayanan. Kailangan ko munang mailabas ang pag-iinarteng ito.

Pero parang hindi na kinaya ni Gabriel ang kawalan ko ng reaksyon.

"Don't you like my friends?

"Do I drink too, much? Don't you want me drinking?

"Did you hear anything, because whatever that is that you heard, just tell me, para malaman mo kung may katotohanan iyun."

Tuluy-tuloy ang mga tanong niya. Pero bakit ayaw niya na lang itanong kung bakit gusto ko munang umalis sa tabi niya. Kung anu-ano ang tinatanong niya tungkol sa kanya, eh wala naman akong masabi, pero hindi pwedeng hindi ko sagutin.

"Wala akong narinig. Gusto ko ang mga kaibigan mo. At bilib ako sa iyo na nakakainom ka na hindi nalalasing. Gabriel, walang problema sa'yo. Ako ang may problema."

"Then sabihin mo. Let's talk about it. Let's fix it. Huwag naman yung magdedesisyon kang iiwan mo ako."

"Hindi kita iiwan. Uuwi lang ako sa amin."

"But you said before, ako na ang iyong inuuwian."

Patay. Nasabi ko nga iyun. Pero hindi ko na kayang makatabi si Gabriel.

"Huwag kang tumahimik please. Sabihin mo na lang sa akin ang nasa isip mo."

"Pero hindi ko na kayang makatabi ka," patay na talaga, deretso ang nasa isip ko sa bibig ko.

Napatahimik si Gabriel. Marahil may mga script na rin siya sa utak niya, kaya nagugulat sa mga biglaang maririnig. Tapos, nagsalita na siya.

"Hindi mo na ba gusto ang ginagawa natin. We can stop that. We can change what we do. We can do whatever. Sabihin mo lang maiintindihan ko naman."

"Naiintindihan mo kasing lahat. Kahit hindi na dapat," at iyun talaga ang nararamdaman ko. Naiintindihan niya ako kahit sa mga pagkakataong ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Because I love you," mahina niyang sinabi. Hindi pa rin siya humaharap sa akin. Pero nakikita ko ang kaamuan ng mukha niya sa reflection sa at TV.

"Mahal din kita," sagot ko.

"But you wanna leave me."

"Dahil napakamaunawain mo."

"When has being a maunawain become a reason for leaving someone?"

Hindi ako nakasagot. Siya na ulit ang nagsalita.

"Then I won't be maunawain na. Aawayin na kita. Gusto mo ng away, aawayin kita. But please, dont leave me babe."

Binitawan ko ang kamay ni Gabriel. Kumuha ako ng unan at niyakap.

Tumingin lang si Gabriel. Hinayaan ako.

Tahimik habang naghihintay siya. Hindi ko na kailangan ang tanong niya.

"Hinalikan ako ni Jessie. Sa Pangasinan..."

Narinig ko ang pagbabago sa paghinga ni Gabriel. Mas lumalim. Mas bumilis. Mas lumakas.

"Fuck that Jessie!"

"Oo, tinakot niya ako. Pero hindi talaga ako natakot kaya hindi kita sinasagot. Gusto kong malaman kung saan kami papunta ni Jessie. Dinala niya ako sa isang falls doon. Tapos. Hinalikan niya ako."

Tuluyan nang tumayo si Gabriel. Iniwan ako sa sofa. Nagmadali siya sa pagpunta sa bag, kinuha ang telepono niya.

"Give me Jessie's number," naguutos na si Gabriel.

"Gab, huwag na. Kasalanan ko ito. Issue ko to."

"Your issues are mine. Sinasaktan ka man niya o hinahalikan, anuman ang gawin niya sayo, issue ko. Boyfriend kita. Now give me his number."

"Hindi ko rin alam ang number niya."

"Give me your phone."

"Hindi ko nga alam. Kahit na halughugin mo dyan."

"He has been calling you, di'ba? So his number would still be in your call logs."

"Bahala ka," sabi ko sabay abot ng telepono.

Hinawakan niya ang telepono. Kinuyom sa palad. Tapos ay ibinalik na lang niya sa akin. Tumalikod siya. Naglakad patungo sa kwarto. Ibinalibag ang pinto. Ito ang unang beses na kinabahan ako sa aming relasyon.

Nakakulong si Gabriel sa kwarto nang matagal. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Ito na ito. Nasabi ko na. Tuluy-tuloy na. Gusto ko lang naman mawala itong nasa loob ko, itong sikreto ko. Kung magkakahiwalay kami dahil dito, kasalanan ko naman, pagtitiisan ko na lang. Pero kung magtitiis ako. Ngayon na, simulan ko na.

Tumayo ako. Binuksan ang pinto ng kwarto. Wala si Gabriel.

Pumunta ako sa banyo. Nandoon siya. Basag ang salamin. Nakaupo si Gabriel sa bowl. May dugo sa kamao.

Nanatili akong nakatayo sa pinto ng banyo
Hindi tumitingin si Gabriel. Pero narinig ko siya. May hikbi. Tapos nagsalita.

"You pushed him, right. You pushed him away. He forced you, pero lumaban ka, di'ba?"

"Oo, pinilit niya ako. Lumaban ako. Naisip kita, eh."

Humarap si Gabriel sa akin.

"Pero sa pagpipilit nya," tinuloy ko. "Nakuha niya ang gusto nya."

"Pero gusto lang naman niya yun, diba?"

Hindi ako nagsalita.

"Fine. You liked it, too. Pero you came back to your senses, right. It was a quick kiss. A lapse in judgment..."

"Tama na Gabriel."

"Why tama na?"

"Huwag mo muna akong maintindihan, please. Huwag mo na akong ipagtanggol sa sarili mo dahil lalo akong nagi-guilty. Napakaperpekto mo."

"I'm not," sabi ni Gabriel.

"You are. I'm the one who's not."

Tumayo siya. Niyakap ako.

Yumakap din ako. Nagsimula na akong umiyak. Na kahit na nagsabi na ako ng kasalanan ko, natanggap pa rin niya ako.

"We all make mistakes, babe. I make mistakes. But we forgive each other. We try to understand each other. Because I believe that our love is greater than our mistake," sabi ni Gabriel na mas humigpit ang yakap sa akin.

Napailing ako. Patuloy ang pagpatak ng luha ko. I don't deserve his love. Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinayaan niya ako.

"Natalo na ba ako?" tanong ni Gabriel.

"Hindi, Gab," sagot ko.

"Thanks."

Yumakap ulit ako sa kanya. Mahigpit. Mas mahigpit sa yakap niya kanina. At sa pagbitiw ko, nagtapat ang aming mga mata. Naglapat ang aming mga labi. Iba ang mga halik na ito. Marubdob ngunit may hinahon na parang kinakabisado ang bawat galaw.

Huminto siyang sandali at bumulong.

"Mahal na mahal kita, Alex ko," tapos ay bumalik sa paghalik.

Napadilat ako at nakitang pikit na pikit si Gabriel. May kakaibang ritmo ang paghinga niya. Hanggang sa may tumulong luha tungo sa kanyang pisngi, ngunit hindi niya alintana iyun. Patuloy ang paghalik niya sa akin na para bang ito na ang huli naming halik.

Napapikit na muli ako. Sinabayan kong muli si Gabriel. Ang kanyang labi, ang kanyang paghinga, maging pati kanyang pagluha.

-------

Nasa kama kami, nakaupo. Katabi ko si Gabriel. Ang ulo ko, nasa kanyang balikat. Sa kabilang bahagi ko, katabi ko ang tsquare, drafting board, canister, bag sa school at ang aking mga damit.

"As much as i dont want you to leave," sabi ni Gabriel. "I want you to start moving forward."

Tumungo ako. Sumang-ayon.

Tumayo na kami. Dinala ko na ang mga gamit ko. Yung iba, si Gabriel ang bumuhat.

Magkahawak ang aming mga kamay sa elevator. Pababa. Sa pagbukas nito, nagbitiw na kami. Naglakad sa lobby hanggang sa labasan. Naghintay ng taxi.

"Alam kong mahal na mahal mo pa rin ako, babe," sabi ni Gabriel. Nakangiti siya. Mukhang maluwag ang loob niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman," sagot ko.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Ang ngiti niyang nakakatanggal ng problema sa mundo. Ang mga mata niyang nawawala kasabay ng mga issues ng lipunan. At ang labi niyang hindi ko na malilimutan.

"Mahal na mahal kita, Gabriel," sagot ko sa kanyang ngiti.

At doon na iyun natapos kasabay ng pagdating ng taxi. Ipinasok namin ang gamit ko sa likuran. Mga archi stuff at bags.

Bago ako sumakay sa unahan ng taxi, yumakap muna ako kay Gabriel.

"Alam kong ito ang issue ko sa'yo, pero salamat sa pag-unawa. Sa pag-intindi," sabi ko.

"Oo naman," sagot ni Gabriel.

Pagkabitaw namin sa yakap, siya naman ang nagsalita.

"Babalik ka naman sa akin, di'ba?" tanong niya naman.

Oo naman, ang sagot na pumasok sa utak ko. Pero iba ang lumabas sa aking bibig.

"Bakit naman hindi?" sabi ko.

Parang hindi niya nagustuhan ang sagot kong iyon. Nabawasan ang ngiti niya, na alam kong pinigilan lang niyang mawala.

"Oo naman," bawi ko kaagad.

At pagbukas ko ulit ng taxi, narinig ko si Yeng Constantino na kumakanta sa radyo.

"...Sarili ay di maintindihan. Hindi ko malaman, kung ano ba ang dahilan. Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan. Minamahal kita, pero kailangan ko lang mag-isa..."

Napangiti ako. Humarap kay Gabriel.

"Bye, Gab. Salamat."

"Bye, Alex. I love you."

"I love you, too."

Umupo ako, sinara ang pinto. Nakatingin pa rin si Gabriel. Hanggang sa umandar ang taxi.

Tama si Gabriel. I have to move forward.

"Boss, saan po tayo?" tanong ng driver.

"Parañaque po."


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

196K 7.6K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
19.7K 662 23
You Love him and he's uninterested about you--No rephrase he doesn't even know your existence! for pete enriquez sake. STORY STARTED: JUNE 2019 STORY...
278K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...