Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

863K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 59 (Part 2)

11.4K 750 347
By FGirlWriter

(Part 2)

Year 2023

PAGKATAPOS ng umagang quiet time ni Blair ay excited siyang nagluto ng breakfast para sa kanyang dalawang "baby".

"One for my cute baby Santi. And here's two for my pakipot baby Jack." Nakangiti niyang wika habang pinaghihiwalay ang tatlong french toast sa magkaibang plato.

Pagkatapos ay naglagay din siya ng sliced fruits. Strawberries and banana for her son. Avocado for her husband. Nagdagdag pa siya ng cream cheese at natirang vegetable salad kahapon sa malaking plato ni Jack.

Pinagtimpla niya na rin ng warm chocolate milk si Santino. Kape naman para kay Jack.

Isang linggo na sila mula nang makabalik sila sa Pilipinas. Naka-adjust naman ang body clock niya, although there's still a little jet lag. Maayos din naman ang pagbubuntis niya. Katulad sa pagbubuntis kay Santino noon, hindi siya maselan. Wala rin siya masyadong pinaglilihian.

Nang nakontento na siya sa plating at set-up ng lamesa, sabik siyang bumalik sa kuwarto para gisingin ang mag-ama.

Santino always sleep with them. Laging nasa gitna nila ni Jack. Buong gabi ay nakayakap sa kanya ang anak, pero ngayo'y nakadapa na ito sa dibdib ni Jack. At mukhang hindi naman nabibigatan ang huli. Parehas na mahimbing sa pagtulog ang dalawa.

She reached for her phone camera and captured two shots. Pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama at hinalikan ang pisngi ng anak. Nilapit niya ang labi sa tainga nito.

"Santino Pierre, wake up na. It's breakfast time," malambing niyang bulong rito. Hinaplos-haplos niya ang likod nito. "Wake up na, anak."

His little voice groaned. Santino moved his head and tried to open his eyes. Pero isa lang ang bumukas, mapungay na tumingin sa kanya. "Mommy... Sleep pa 'ko, eh."

"Let's eat na... Para makasama tayo sa office ni Daddy today."

The whole week, nasa bahay lang sila ng anak. Habang nag-a-adjust ng body clock ay nag-ayos sila ng mga gamit. Nasa Maynila pa sila at hindi pa makakauwi ng Monte Amor sa dami ng nagpile-up na trabaho ni Jack. Hindi naman niya gustong umuwi sa probinsya na hindi kasama ito.

Actually, walang planong pumunta sa kahit saan si Blair kung hindi kasama si Jack. Kung nasaan ito, nandoon lang sila ng anak.

Kinusot ni Santino ang mga mata nito, humikab ang maliit na bibig. Gumulong ito paalis sa dibdib ni Jack at bumangon na.

"Do you want me to carry you?"

Umiling ang anak. "No more carry na, Mommy. You have baby on your tummy and I'm heavy."

"Okay lang naman."

Umiling ulit ito at kahit namumungay pa ang mga mata ay umalis na sa ibabaw ng kama. Kinulong niya ito sa pagitan ng mga binti niya at hinalikan ito sa bumbunan. "Good morning, Santino."

Humikab pa ito at sumubsob sa dibdib niya. "Good morning, Mommy. Wake up Daddy, please."

Mas napangiti siya at nilingon ang asawa. Hinagod niya ang dibdib nitong pantay na pantay pa sa paghinga. Marahan niyang tinapik-tapik iyon.

"Jack..." Mas malakas ang boses ni Blair pero mas malambing din. "Babe, wake up na."

Mabilis namang gumalaw ang ulo nito.

"Daddy, good morning!"

Humikab si Jack at kinusot din ang mga mata. Dumilat ito at mabilis na nakabangon.

"Good morning, babe." Hinuli niya ang mga mata nito. She smiled sweetly when their eyes met. "Breakfast is ready. Kain ka na before you prepare for office."

Kumurap-kurap ito hanggang sa tumango. Bumaling ito kay Santino at saka lang ito ngumiti! "Good morning, anak."

"Good morning, Daddy! Sama ako sa office mo today!"

Tinapat ni Blair ang ulo kung saang direksyon nakatingin si Jack. "Where's my good morning, babe?" nakanguso niyang tanong.

"Morning." Inalis na nito ang kumot sa katawan.

"How about a good morning kiss?" Ngumuso siya. Iniwas ni Jack ang mga tingin. Blair rolled her eyes and smirked. Araw-araw pakipot pa rin. Sige lang. She's not Christeena Blair Delos Santos if she's not makulit.

Tumayo na si Jack mula sa kama. Mabilis na lumapit si Santino dito at nagpakarga. Nang nasa lamesa na silang lahat ay nagkukuwento si Santino tungkol sa panaginip nito. Hindi na ito nagpapasubo ng pagkain. Matagal lang ngumuya dahil ang daldal nga.

"What should I wear later?" she asked Jack. "Excited akong makita ulit ang Delos Santos Corp. It's been years. Buo pa ba ang opisina nina Papa at Tita Bella?"

Tumango si Jack habang inuubos ang pagkaing hinanda niya. Kahit hindi ito masyado nagsasalita, kitang-kita niya naman kung gaano itong nasasarapan sa mga hinahanda niyang pagkain araw-araw.

"Sometimes, I take small meetings inside your father's office. Ang kay Tita Bella, si Patricia ang gumagamit kapag may araw na tinutulungan niya 'ko."

"Ang galing niyo ni Patricia. Ilang taon niyo na 'tong ginagawa. Now that I'm back, I'm willing to learn kung saan mo 'ko ilalagay na trabaho."

"You mentioned that you like to work again in Cronica Publishing?"

"Yes. Doon ako sinanay ni Kuya Bari. At saka naging secretary mo rin ako noon, right? Kaya mas gamay ko ang operations."

Again, hindi maselan si Blair sa pagbubuntis. At kahit forty years old na siya, maganda at malakas ang kapit ng baby. Her new OB even praised her because she's one of those rare patients na late nang nagbubuntis, pero wala masyadong hirap o komplikasyon. Thank You so much, God!!!

She's only four months pregnant now. Puwede pa siyang magtrabaho ng apat na buwan pa. Kahit papaano, mababawasan ang workload ni Jack.

May day care na rin sa loob ng Delos Santos Corp. para sa mga empleyadong may mga anak na walang mag-aalaga sa household ng mga ito. Nag-e-enjoy raw si Santino roon sa tuwing dinadala ni Jak, dahil marami itong kalaro. Kaya habang nagta-trabaho sila ng asawa, puwede roon ang anak.

Si Patricia ang nag-initiate na magkaroon ng daycare sa loob ng kompanya. May mga ganoon naman na sa ibang kompanya as part of the employee's benefits. Technically, "single" mom muna si Patricia habang nakakulong pa rin ang Kuya Sandro niya. At kahit may mga yaya ang mga bata, kapag kailangang magtrabaho ni Patricia ay sinasama nito ang maliliit pang anak.

"Pero kung may trabaho kung saan mas kailangan ng help ko, doon mo na lang ako ilagay. I won't mind. I'll do my best," masigla niya pang suggestion.

"You said you don't like corporate jobs. You even sold your own skincare company..."

"Ibinenta ko kasi mas may karapat-dapat na magpatakbo niyon. At saka sa mga pinsan mong professional dermatologists naman napunta. Mas panatag akong it would prosper more. Now, we're talking about the Delos Santos multimedia companies. Kung si Kuya Sandro, nakakatulong kahit nakakulong, mas lalo dapat siguro ako. Si Kuya Bari rin, kahit nag-aaral ulit ng bagong course, active business consultant pa rin ng kompanya."

Tumingin si Jack kay Santino na nakangiting iniinom-inom ang chocolate milk. Masayang pakainin ang anak nila dahil nakikitang enjoy na enjoy sa kahit anong ihain dito. Lalo na kung spaghetti at hot choco.

"Make sure you really want to assume a position. Kapag inilagay kita roon, dapat magtagal ka roon," seryosong sabi ni Jack. "However, you're not forced to work just because you feel obligated. Sinabi na ng mga kapatid mo, mas gawin mo ang nakapagpapasaya sa 'yo."

Napangiti si Blair. Tinukod niya ang mga siko sa lamesa at nangalumbaba. Pinapungay niya ang mga mata. "Gusto kong magtrabaho kung saan ka nagta-trabaho, Jack. Gusto ko, kung nasaan ka, nandoon din ako. Gustung-gusto kong gawin 'to. Because aside from, it's for the family, I know I'll be the happiest to work side by side with you."

Napatingin sa kanya si Jack. Gumalaw ang Adam's apple nito at saka inalis ulit ang mga mata sa kanya. "Ngayon, gusto mo nang nandoon ka kung nasaan ako palagi?"

"Yes! Wherever you go, I'll go! You're forever stuck with me, with us." Bumaling siya kay Santino. "Right, baby? Simula ngayon, kung nasaan si Daddy, nandoon din dapat tayo?"

Mabilis na tumango si Santino, ngumiti nang malapad. "I don't want to go anywhere without Daddy."

Ngumiti si Jack at ginulo ang buhok ni Santino. "Don't worry, anak. Hindi ako ang mahilig umalis-alis dito."

Napanguso si Blair. "Hindi na 'ko aalis, babe. Mahigpit ka na ngayon, eh. Kapag nagpaalam akong aalis, alam ko ipoposas mo na 'ko sa kama."

"What?"

"Ganoon kapag dominant!" sabay hagikgik niya.

"What?" Tila nalito ito sa sinabi niya. Maya-maya'y napapailing na lang. "If I know, you just want to come to work with me the whole week, so you have another excuse not to meet with your brothers first."

Napakurap siya at napatuwid ng likod. "O-Of course not!" Napalunok siya. "Nag-iipon lang ako ng energy dahil nag-a-adjust pa 'ko ulit sa time at weather dito sa Pilipinas. Pupuntahan ko naman sila Kuya Bari at Kuya Sandro."

Diretso na ang titig sa kanya ni Jack, istrikto. "You're ignoring Czarina and Patricia's chats to you. Ilang beses silang nagtanong sa group chat kung kailan ka available to meet them. Why won't you meet with your sisters-in-law first?"

Napalabi siya. "Kailangan kong buuin at ituwid ang ibinigay kong reasons kay Czarina and Patricia before kung bakit itinago namin ni Mama sina Kuya Bari at Tita Bella noon. Ibig sabihin, pati 'yung sa half-brother ni Papa, kailangan kong banggitin. Eh 'di ba, it's better if I talk with my brothers about it first before their wives?"

"Hindi ka naman nagsinungaling nang sinabi mo ang dahilan ni Mama kung bakit pati sa kamag-anak ay tinago sina Tita Bella."

Napasimangot siya. Hanggang sa ngayon, hindi na nalinaw ni Bridgette sa kanya ang rason kung bakit na kahit sa mga pamilya nina Kuya Bari ay naglihim sila noon. At dahil nagtuloy-tuloy na ang pagkalimot ng Mama niya, wala ng pag-asang malaman pa ni Blair kung talaga bang iyon lang ang rason ng Mama niya. Because of grudge, still?

Blair wanted to believe it's for the protection of many people. Nahihiya lang sigurong umamin ang Mama niya noon dahil buong buhay yata nito, galit ito kay Tita Bella.

"Well, kailangan kong aminin na hindi ko naman talaga pinasok si Mama sa kahit anong mental institution at lagi ko siyang kasama after all these years."

"I think they'll understand. Wala namang nagalit sa inyo, kahit ang mga kamag-anak ni Tita Bella noon. What more if you tell them about Mama's true condition now?"

Actually, may point.

"If you're nervous and scared, pray for it. Don't prolong your agony," payo ni Jack, matatag na may hinahon ang boses.

"Nagpe-pray naman ako. I'm just waiting for the right timing."

"Sometimes, you don't wait for the right time. You make it happen by God's guidance. And what kind of truth needs more delay?"

Two points for Jack.

"And also, your brothers long deserved to know what you've been secretly keeping. Sandro deserves to know about his mother's truth.

"Ganoon din kay Bari. Ang alam lang ng lahat, hindi na nagising si Tita Bella based on your stories. At least, Bari deserved to know that his mother was able to wake up before resting in peace. You heard Tita Bella's goodbyes for him. It's time he'd hear it, too."

Three points for Jack!

Pahaba na rin nang pahaba ang nguso ni Blair dahil sa kaka-pout. She really can't argue with someone as smart as him, huh? Lalo na sa ganitong mga ka-seryosong bagay.

Napabuga siya ng hangin. Nang bumaling siya sa anak ay nagpapalipat-lipat lang ang tingin nito sa kanya at kay Jack. Parang gusto nitong magsalita pero wala namang naiintindihan sa usapan.

"Tapos ka na palang kumain, Santino. You want to choose the clothes you'll wear in Daddy's office?" tanong niya rito.

"Yes, Mommy!" Tango agad nito. Tinulungan niya itong makababa sa upuan pagkatapos niyang punasan ang bibig nito.

"I'll choose my clothes, Mommy, Daddy. Wait for me, okay?" Pagkuwa'y tumakbo ito papasok ng kuwarto.

Habang sinusundan niya ng tingin ang anak ay may kumalabit sa puso ni Blair. If her son was in her brothers' places, ayaw naman niyang maitago ng matagal sa anak kung sakaling may mga kailangan itong malaman tungkol sa kanya.

Napabaling siya kay Jack. "I'll reply to the family group chat. Magpapa-schedule ako na kitain silang apat. Sabay-sabay na lang para isang paliwanag lang..."

Tumango ito bilang pagsang-ayon sa ideya niya. "I'll take a bath." Paalam nito. Hindi na ulit siya tinignan pagkatayo at pumasok sa banyo.

Hinawakan niya ang kamay nito nang mapadaan sa gilid niya. "Wala talaga akong morning kiss? One week na? Sa New York naman, you greet me with a quick kiss. Pinauwi mo ba 'ko para pagsungitan pa rin, Jack?" nagtatampo niyang tanong.

"Pinauwi kita dahil iyon ang dapat."

Nasaan na ba ang mga ngiti nito para sa kanya? Miss na miss niya na ang dimples nito! Sa anak lang nila ito laging ngumingiti.

"One week without a morning kiss, umaangal ka na?" he softly said. "Can you imagine the years you're far away and how many good morning kisses I never received?"

Hinalikan niya na lang ang kamay nito. "Sorry, babe. I won't complain na. Babawi ako..."

Mahabang-habang suyuan pa talaga ang magaganap sa kanila ni Jack, ano? Alright, alright.

Mukhang hindi na ito marupok basta't hindi siya umiiyak.

Alright. More genuine effort, Blair!

"Mommy, why do you look like that?" Humahagikgik na tanong ni Santino nang nasa kotse na sila at papunta na sa opisina.

Nasa backseat silang lahat habang nagmamaneho ang personal driver at bodyguard ni Jack. May kausap naman ang asawa niya sa telepono kaya't nasa labas ng bintana ang tingin nito.

Inayos niya ang salamin sa mata. Of course, just to complete her classic "Manang Chrisee" look from before.

"Why are you laughing? You don't like it, good love?"

"You don't look like my mommy, Mommy."

"I'm not pretty?"

Humagikgik ulit si Santino. "Gagalit ka, Mommy, kapag nag-answer ako ng 'yes'?"

Mahina siyang natawa at pinisil ang magkabilang pisngi nito. Anyway, hindi naman sa tinatago niya pa rin ang identity niya bilang Blair Delos Santos sa mga tao sa opisina. It's just that, she does not want to get too much attention for her sudden appearance today.

She remained private and unseen for years now. Mas gusto niyang ituloy-tuloy iyon. She had lived years where she was famously known wherever she went, and she also lived years of no one knew about her. She enjoyed the privacy and peace that came with it more.

Ngunit oras na ipakilala na siya ni Jack sa kung saan man siya itatalaga nito, she'll carry her name loud and proud. She's Mrs. Christeena Blair Delos Santos-Valleroso after all!

Pagdating nila sa building ay hinatid muna nila si Santino sa daycare at pagkatapak na pagkatapak pa lang nito ay nakalimutan na sila nito. Sabik itong nakakita ng ibang bata at agad na nakipaglaro. Nagbilin lang si Jack sa mga nag-aalaga sa daycare at nag-iwan ng isang bodyguard para sa anak nila. Babalik na lang sila mamaya para kuhanin ito for lunch.

Dumiretso na sila sa opisina ni Jack. Napapangiti siya habang naglalakad sila dahil wala naman masyadong nagbago. Nag-repaint at refurnish lang pero nasa dating puwesto pa rin ang mga gamit.

"This is Papa's office!" Natutuwa niyang bulalas pagkalapag ng elevator sa mismong floor kung saan siya madalas "manggulo" sa Papa niya noon. Walang mga empleyado roon maliban sa lalaking secretary ni Jack na agad silang binati.

Lumapit si Blair sa pinto na gawa pa sa original na narra at tunay na ginto ang ginamit sa doorknob.

She touched the engraved name of her father on the office's door.

Santino Pierre O. Delos Santos

Wala nang nagtanggal niyon kahit ilang taon nang patay ang Papa niya. Wala nang may gustong magtanggal niyon...

"Sir Jacquin, the late president's office is currently occupied."

Napalingon siya sa sinabi ng assistant. Napaatras tuloy siya dahil may mga tao pala sa loob...

Napakunot-noo si Jack. "Sinong nagpapa-meeting? Is Patricia here?"

Nanlaki ang mga mata ni Blair. Wait. Nandoon si Patricia ngayon? Sandali, hindi niya pa na-set ang mind niya na makita ang hipag.

"Wala po si Ma'am Patricia, Sir."

Nakahinga ng maluwag si Blair.

"Pero nandyan po si Sir Bari."

Oh, my goodness! Nanlaki ang mga mata niya at biglang dumagundong ang dibdib. Even worse!

Mas hindi niya kayang makaharap muna ang kapatid niya! Kaya naman niyang makipagbatian dito at makipagkuwentuhan, but she'll be very uneasy because she's hiding something! At malakas makahalata ang panganay na kapatid.

Mula nang matapos ang nangyari sa Amerika noon, hindi na ulit sila nagkita ng kapatid. Oo, nag-uusap sa chat at telepono. Because it's easier to hide something online! Iba ang personal!

Napalunok siya at napatingin sa nakasarang pinto. Nandoon na ang kapatid niya sa loob...

Inisip niyang mabuti na kung ngayong araw niya na sasabihin ang totoo, bukas ay wala na siyang iisipin.

But that also means, she got to tell it all over again to Kuya Sandro when she visits him in jail. Tapos kay Czarina at Patricia—

Bumukas bigla ang pinto at lalong nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita si Czarina buhat ang anak nitong babae. Mukhang nagulat din ito, bumilog ang mga mata.

"Auntie Blair!"

Napayuko siya at nakita naman ang pamangkin na si Elijah. "Hello, Auntie! You're wearing eyeglasses!" nakangiting pansin nito habang nakatingala sa kanya.

"Blair?"

Umangat ulit ang tingin niya at nagsalubong na ang mga mata nila ng kapatid.

"K-Kuya Bari..."

Tipid itong ngumiti. "Jacquin didn't say you'll come with him today."

Nasa likod niya na ang asawa at hinawakan siya sa baywang. "Good morning, everyone. I'm sorry, hindi ko rin alam na bibisita kayo ngayon. Are you inspecting around? Ipinapasyal ang mga bata?"

"Oo, pinapasyal namin ang mga bata." Si Czarina ang sumagot. "Ngayon lang kasi kaming hindi abalang mag-asawa."

Iniwas muna ni Blair ang tingin sa Kuya niya. She smiled at Kuya Bari's little daughter na ilang months pa lang. "Hello, baby girl." Hinawakan niya ang kamay ng bata.

Binawi nito iyon at tinago ang mukha sa leeg ni Czarina.

Blair chuckled. "Ang sungit naman ng baby."

"Oo, mana kay Bari," tawa ni Czarina.

Natawa siyang lalo. Okay, Blair was able to calm her nerves now.

"Hello, Uncle Jacquin!" Kumaway pa si Elijah.

Lumuhod si Jack para makapantay ang panganay ni Kuya Bari. "Hi, big boy. You're taller now."

"I take naps in the afternoon po."

"Very good of you! Can you tell that to Santino, so he'll take his afternoon naps, too?"

"Why are you dressed like that, Blair?" biglang tanong ng Kuya niya. "Are you going to work here already?"

Inayos niya ulit ang salaming dumudulas na sa ilong niya. Suddenly, her nose got sweaty!

"H-Hopefully, Kuya Bari. Ahm, sumama ako kay Jack para ma-refresh niya 'ko sa mga t-trabahong puwede kong maitulong..." Hindi siya makatingin ng diretso rito!

"I see. Hindi ka pa magsisimula ngayong araw kung ganoon?" diretsong tanong ulit nito.

"H-Hindi pa naman." Napatingin lang siya sa kapatid nang inalis nito ang mga mata sa kanya at bumaling kay Jack.

"Can I take Blair with us?"

"H-Huh? W-Where are we g-going?" Lalo siyang kinabahan!

Hinuli ni Czarina ang mga mata niya. "Bibisitahin namin si Sandro mamaya. Kasama rin namin si Patricia. Iiwan muna namin ang mga bata sa bahay kasama ang mga yaya. And Noah volunteered because he's old enough na raw to look after his siblings and cousins. Nakakatuwa, hindi ba?"

Sabagay. Ten years old na rin si Noah at ang pinakapanganay sa magpipinsan.

"Matutuwa si Sandro na makita ka, Blair," dagdag ni Kuya Bari. "He's anticipating your visit when we told him you're already back here in the Philippines."

Oh, my goodness! So, Blair has to unveil everything today because suddenly, an opportunity just opened wide!

Kanina lang ay pinag-uusapan nila ni Jack ang "right time" and indeed, you don't wait for it. Because sometimes, it's now and you'll know it!

Napatingin siya sa asawang nakatayo na ulit ng tuwid at saka siya napakapit sa braso nito. Tahimik na nanghihingi siya rito ng tulong—

"Sure, you can take Blair," agad nitong pagpayag!

Napalabi siya nang balingan ulit ni Jack. "Sama ka..."

Marahan itong umiling. "Marami akong kailangang tapusing trabaho ngayong araw," seryosong sabi nito. "Go with them. Take Santino so he can spend time with his cousins."

Napalunok siya. "Jack..." ungot niya pa.

He gently pulled his hand away. "This is your last... role..." he whispered.

Sa isang iglap, wala na si Jack at natagpuan na lang ni Blair ang sarili na nasa harap na ng bahay nina Patricia at naririnig niya na ang tawanan ng mga bata.

"Akyat tayo sa playroom! Mas maraming toys doon," aya ni Noah kina Elijah at Santino.

"Noah, you help them climb the stairs," utos ni Patricia sa anak. "Lalo na si Santino."

"Yes, Mama!" Hinawakan ni Noah ang kaliwang kamay ni Santino.

"Elijah, you help too!" Czarina urged while passing her sleeping daughter to the nanny.

"Yes, Mommy! Kuya Noah, help din ako!" Hinawakan naman ni Elijah ang kanang kamay ni Santino.

"Thank you, Kuya Noah! Thank you, Kuya Elijah! Hindi ako mahuhulog sa stairs!" Lumingon ang anak sa kanya. "Mommy, ba-bye! See you later! Balikan mo 'ko, please!"

"Of course, Santino. Enjoy, good love!"

As Blair watched the three boys climbed the stairs slowly while giggling, she suddenly felt emotional. They are the next generation they need to disciple, love, and protect. The next set of Delos Santos...

"Mama, what time are you going home? Why can't I come to visit Papa?" Mysa—Patricia's daughter, asked.

Lumuhod si Patricia sa harap ng anak. "We will visit Papa tomorrow. Today, adults lang muna. You take care of baby Ahava here. Look."

"Come, Mysa," nakangiting tawag dito ni Czarina. "You can tell Yaya if you want to hold Ahava. She will assist you."

Napangiti na si Mysa at lumapit sa baby. "Okay, Auntie!"

"She'll wake up later. Help Yaya feed her some milk, ha?"

Mysa enthusiastically nodded and sweetly left a kiss at Ahava's baby plump cheek.

Napahawak si Blair sa nagsisimula na niyang umbok na tiyan. She's going to have a daughter soon! Mas nasabik siya!

"Nasaan pala ang triplets?" naalala niyang itanong kay Patricia.

"Natutulog pa sa boy's room. You want to see them?"

"Yes, please!"

Patricia and Kuya Sandro went through an IVF procedure two years ago. Gusto pa kasing magka-anak ng mga ito, pero hindi na gustong ulitin kung paanong nabuntis kay Mysa. They resorted to IVF and it resulted to three healthy baby boys! Nakalimang anak agad ang mga ito. God's so faithful in Patricia and Kuya Sandro's life after everything was surrendered.

"Ito, kamukha na naman ni Kuya Sandro. This one, too. Oh, this one's a fusion of you both!"

Tuwang-tuwa si Blair sa triplets, muntik niya nang makalimutan ang misyon na dapat niyang tapusin sa mismong araw ding iyon.

Buti at lagi niyang dala ang USB.

Hinarap niya si Patricia. "Can you bring a laptop. May gusto kasi akong ipakita mamaya sa inyo..."

"Sure thing! Kunin ko lang sandali."

Pagkakuha ni Patricia ng laptop, umalis na rin sila nang tinawag na sila ni Kuya Bari. Katatapos lang daw magbilin nito sa mga bodyguard na magbabantay sa mga anak nila. They left with one bodyguard driving the vehicle, Kuya Bari seated in front. Nagkasya naman silang tatlong babae sa likod.

Paulit-ulit na ng dasal si Blair sa isip niya. She's asking for all the strength and courage she needed to have later. Parang nabibilisan siya, pero hindi naman kailangang mas patagalin pa.

Napatingin siya sa Kuya Bari niya. Jack's right, the truth was long overdue. Good riddance to these family's secrets!

"Blair, you really look different with that get-up! Para kang mahinhin diyan," biro ni Czarina.

"I know! Maraming hindi nakakakilala sa 'kin kapag ganito ang suot ko. Kaso hindi yata bagay sa 'kin."

"It looks good naman. Hindi lang kami sanay na ikaw ang nagsusuot," sabi pa ni Patricia.

Blair grinned. "Ganito na ang nakasanayan ko sa tuwing magtatrabaho sa Delos Santos. It's hard to catch unwanted attention kasi. Baka ma-distract ko lang ang mga empleyado kapag pinakita ko ang normal na itsura ko."

Napapalakpak si Czarina. Patricia laughed while covering her mouth.

"Why?" Takang-taka siya.

"Ikaw ang epitome ng confidence, Blair! Ganyan nga!" Czarina praised. "Para masuyo mo na rin ang asawa mo, galingan mo pa lalo. Mukhang nagtatampo pa rin sa 'yo. Ang cold kanina, eh. Ako na 'yung nilamig for you."

"Really? Nagtatampo pa rin si Jacquin kahit nakauwi ka na?" tanong pa ni Patricia. Minsan niya nang na-chat sa mga ito ang status ng marriage nila ni Jack habang nasa ibang bansa pa siya noon.

"Oo... Nag-start na nga akong bumawi. Hindi ako tumitigil sa pagkilos at pag-iisip." Kung wala lang silang anak na clingy, nang-akit na siya sa kama.

"Hey, what about a surprise wedding? Magaling si Bari riyan!" Czarina suggested

Namilog ang mga mata ni Blair. "Yes, we can do that! I want to renew my vows with Jack!"

"I think that's a good idea. Nagtatampo lang si Jacquin dahil mahal na mahal ka lang naman niya." Patricia encouraged.

Totoo naman!

"Kuya Bari, can you help me—"

"No," tanggi agad ng kapatid, hindi pa man niya tapos ang tanong.

"But why not?" Simangot niya.

He shrugged. "I'm done with that surprise weddings anymore. Maria Clara, stop putting nonsense in Blair's head. Siya ang umalis, siya ang gumawa ng paraan para makabawi."

"Sungit," sabay-sabay pa silang tatlong babae sa pagsambit. Pagkuwa'y nagkatawanan.

"Czarina, I want that surprise wedding idea! Hindi maganda ang memory ng after wedding namin ni Jack. So, I want to marry him again!"

"Ay, sige go—"

"Maria Clara, you don't have time," paalala rito ni Kuya Bari. "You're running your family's business, you're writing, and we're taking care of the children. Ahava's still a baby."

Napanguso si Czarina. "Ay, oo nga..."

"Pat?" Baling niya sa isang hipag.

Tabingi ang ngiti nito. "Ahm, my hands are kinda full as well with the Delos Santos Corp, managing my own business, looking after the kids, and visiting Alessandro every day. I'm sorry..."

Napahalukipkip siya. "Well, I can pay for people naman to help me with the wedding stuff. I just don't know how to execute it successfully. I mean, how can I keep a surprise?" Mabubuko agad siya ng asawa kapag napansing abala siya! Malakas pa naman ang pakiramdam nito.

Isa pa, nangako nga siyang lagi nang sasama kay Jack maliban lang ngayon dahil ito mismo ang nagtulak sa kanya na sumama na kina Kuya Bari. Para matapos na ang kailangan niyang gawin...

Napalunok na naman si Blair. Czarina and Patricia kept suggesting other things to make up for her husband. Tumatango-tango lang siya kahit wala talaga siyang naiintindihan.

Sandali lang siyang na-distract pero naiisip niya na ulit ang sadya kung bakit siya nagpahila ngayon sa mga ito.

Pagkarating nila sa visitor's area ng kulungan, kumaway lang si Patricia sa warden at agad na ipinatawag si Kuya Sandro.

Natigilan si Blair nang lumabas ang Kuya Sandro niya. He's wearing a simple blue shirt and faded maong, with a clean haircut. Pero kamukhang-kamukha talaga ito...

"Hello, mahal! Blair's finally here to visit you!"

Kuya Sandro smiled and went straight to her.

Napatayo si Blair at yumakap rito. "Kuya, you look exactly like Papa!"

Matagal na nilang alam na ito talaga ang carbon copy ni Santino Delos Santos. It's just that seeing Kuya Sandro in his forties, this is also the exact age of Santino when Blair's in high school. She feels like she's seeing her father, all over again!

"I'll take that as a compliment now."

Yumakap ulit siya rito. "It's like hugging Papa!"

Kuya Sandro chuckled and patted her head. "I'm just a little fairer. Namana ko kay Mama ang kulay ng balat ko."

Napalunok siya. Now that Kuya Sandro mentioned his own mother, Blair knew she got to do this fast.

Umupo si Blair sa mahabang bench na katapat kung saan nakaupo sina Kuya Sandro at Patricia. Katabi niya si Czarina at sa kabilang gilid nito ay si Kuya Bari. Habang may sinasabi si Kuya Sandro kay Kuya Bari, kinuha niya na ang USB mula sa bag.

Huminga siya ng malalim.

Tumikhim siya ng malakas kaya't napatingin sa kanya ang apat.

"It's good that we're all together here. Kahit biglaan ang pagsama ko rito, I believe that God knew this has to happen... today."

Napayuko siya at napatitig sandali sa itim na USB. Pagkuwa'y inangat niya iyon at inilagay sa sentro ng lamesa. Napatingin ang dalawang kapatid niya roon.

"What's that, Blair?" Patricia innocently asked.

Pumikit si Blair. Pinagsalikop niya ang mga kamay. "I just want to start by asking for forgiveness from all of you. I lied before when I said that I put Mama in a mental institution..."

Dumilat siya at tahimik na nakatitig lang sa kanya ang apat. Halata ang pagkalito kina Patricia at Czarina.

"I'm sorry! I'm sorry for not telling the whole truth before..."

Inumpisahan ni Blair ang paglalahad ang tunay na nangyari sa aksidente noon. Mula sa tumalon siya palabas ng sasakyan, nakita ang buong aksidente, nakita ulit si Summer na tumulong sa lahat ng medical procedures na mabilis nagawa, kasama ang heart transplant ni Kuya Bari, at ang pagpapalit ng identity nito at ni Tita Bella.

Hanggang sa inilahad niya rin ang mga sinabi ni Jack sa kanya tungkol sa kapatid ng Papa nila—na walang nakakaalam. Kahit mismo si Santino delos Santos.

"The full detail about Eligor Bustamante Delos Santos is saved in that USB. Ang naintindihan ko ay mas matanda siya kay Papa. Mas una siyang naging anak ni Lolo Sancho. Kung alam ni Lolo o hindi, hindi na nakalagay sa report. But no one knows about his existence. Papa lived all his life knowing he's the only son and heir of Sancho delos Santos."

"Kapatid..." Nasambit ni Kuya Sandro, salubong ang mga kilay.

"I know it's too much to absorb. He's an unknown enemy. An invisible foe. Kahit kailan, hindi siya lumitaw sa mga buhay natin.

Pero malakas ang palagay namin ni Jack na baka mas ikinapahamak nina Kuya Bari at Tita Bella kung nalaman ng lahat ang nangyari sa kanila. That Eligor might take advantage of that. Because he once threatened Jack's life for our family's multimedia companies. Aside from his interest to take over the corporation, matagal na rin siyang kabilang sa isang malaking sindikato..."

Napatingin siya kay Kuya Sandro. "Kuya, are you familiar with him?"

Blanko ang ekspresyon nito. "Eligor Bustamante... He was Uncle Herald's friend."

Kaibigan ng mga Octavio, mahal?" Tanong pa ni Patricia.

"I'm not so sure, but we've done a couple of deals with him before. Wala siyang... Wala akong nahalata sa kanya. He never mentioned he's ever related to Papa..." Kinuha nito ang USB. "Let me know more about him."

Agad na kinuha ni Blair ang laptop na ipinahiram sa kanya ni Patricia at binuksan iyon. Isinaksak niya ang USB at pagbukas ay bumungad ang napakaraming folders.

"Sandali, sandali. Si Tita Bella ang naka-imbestiga ng lahat ng ito?" Namimilog ang mga mata ni Czarina. "Bari, alam mo ba 'to?"

Umiling si Kuya Bari. "May usap-usapan lang noon sa mga Delos Santos na may iba pang anak si Lolo Sancho. Pero hindi pinapansin ni Papa dahil wala naman siyang pakialam kung totoo o hindi." Napahilot ito sa sentido. "Walang pakialam si Papa sa mga magulang at kamag-anak namin, basta't siya ang namumuno sa lahat. He's on top of the empire. Kaya niyang pitikin lang ang susubok na umagaw ng korporasyon. He's one of the richest and most powerful..."

"That's probably why Papa's kidnapped and tortured before."

"Kidnapped?!" Magkasabay na bulalas ng mga hipag niya. Nakakuha na tuloy sila ng atensyon mula sa ibang bisita ng ibang inmates.

She glanced at her brother Sandro once again. Blair saw that she doesn't have to say more...

"Alam mo na ba, Kuya? Ang nangyari kay Tita Andrea?"

Marahan itong tumango.

"Who told you?"

Sumulyap si Kuya Sandro kay Kuya Bari.

Their eldest sighed. Napahalukipkip ito at nagyuko ng ulo. "Nakalagay ba sa USB kung napatunayang hindi talaga kasabwat si Tita Andrea sa pagkidnap kay Papa, Blair?"

"M-Matagal nang sinasabi ni Tita Andrea na hindi siya kasabwat. Pinanigan siya ng korte. Pero matindi ang paniniwala ni Papa kasabwat si Tita dahil narinig niya raw ito na makipag-usap sa mga kidnappers. Pero totoong hindi kasabwat si Tita. T-the... t-the... live sex show..." Ni hindi niya mabanggit ang tatlong salitang 'yon.

"Tita Andrea just d-did that to save her life and Papa's... Si Tita Andrea ang nagsasabi ng totoo, all along. Si Papa ang hindi naniwala."

Nakita niya ang pagkuyom ng kamay ng Kuya Sandro niya. Patricia caressed it.

"Pero naloko ulit si Papa ng hindi niya nalalaman. Naka-infiltrate pala minsan si Eligor sa security at investigation team ni Papa noon. When Tita Andrea died, binigyan ng false report si Papa ng imbestigador... Na sinadya daw talagang magpabuntis ni Tita para maperahan si Papa. Kaya mas nagalit si Papa kay Tita kahit p-patay na. That anger..."

"Tumagos hanggang sa 'kin," Kuya Sandro whispered. "Kaya ako itinakwil."

Nilakasan ni Blair ang loob kahit gusto niya nang tumigil. She could slowly see the pain in her brothers' faces.

"Kuya, nagsisisi si Papa..."

"I know. Napatawad ko na lahat. It's just that... those lies fed to Papa caused a lot of harm..." His voice cracked. "One lie can harm more than one life. Nadamay lang si Mama... Nadamay ako..."

Napahawak si Kuya Sandro sa dibdib nito. "Hindi manloloko ang Mama ko..."

"Mahal, hindi. Hindi manloloko si Mama Andrea... Her name's all cleared now." Niyakap ni Patricia si Kuya Sandro. "At sigurado, alam na rin 'to lahat ni Papa Santi. Pinatawad niya si Mama Andrea ng buo noon pa. And Papa was very repentant. Nag-sorry din daw si Papa sa puntod ni Mama Andrea..."

Tumango si Sandro. Yumakap pabalik sa asawa.

"Truth, it always comes out no matter how we conceal it," Kuya Bari said. Nakatungo ito at tila malayo ang iniisip. "Everything we'll be put into the light. At kahit wala na ang mga taong involved dito, nalaman pa rin natin ang totoo. Ibig sabihin, para ito sa 'tin.

"While we cannot turn back time and change the past, we must remember what happened to our parents and teach it to our children. Hence, they shall never forget, and they can avoid to repeat the same thing in the future."

Blair nodded in response. "Before Eligor died, he was asked why he did all of that. He just said he just wanted to have the same life Santino had because he's a Delos Santos too..." Iyon ang huling report nina Ivan kay Jack noong nakaraang taon.

Napayuko si Blair. Hindi ba't iyon ang madalas nilang iniisip ni Kuya Sandro noon? That's why they hated Kuya Bari. Pero hindi dumating si Blair sa punto na gusto niyang saktan ang kapatid. Hanggang pang-iinis lang siya noon.

Alessandro admitted he once wanted Ibarra to die but for a different reason—Inakala kasi nitong tinalikuran ito ni Kuya Bari noon at hindi tumupad sa pangako na tutulungan ito kahit anong mangyari.

Kaya't wala na lang siyang masabi nang nalaman ang rason ng kapatid ng Papa niya. Blair exactly knows where anger and revenge can take you.

"Kung alam lang ng Eligor na 'yon kung anong pinagdaanan ni Papa Santi. And Papa used to hate his life," Czarina commented. "Hindi niya alam na may naiinggit pala sa kanya..."

Natahimik silang lahat. Blair prayed a little more inside her head.

Kaunti na lang...

Nasaktan man si Kuya Sandro, pero nalinis na ang pangalan ni Tita Andrea sa kanilang lahat. And wherever she is right now—hopefully in heaven, too—Blair prayed that Kuya Sandro's mother was happy that her truth was finally heard.

Ang sabi naman ni Kuya Sandro noon, maaga mang nawala ang Mama nito, Tita Andrea gave all her love to Kuya Sandro on her last days. Pinaramdam daw talaga nito ang pagmamahal sa anak kahit hindi na nasabi ang tungkol sa "kidnapping" incident. O baka hindi na lang talaga binanggit ni Tita Andrea sa pag-asang lalabas din ang katotohanan kahit wala na ito. Hindi nila alam.

"Since I surrendered my life to Jesus, every prayer I used to pray was being answered now," sabi ni Kuya Sandro. "I got to watch Papa's last message for me years ago, and I saw his genuine repentance. He loves me. Hindi niya binanggit doon ang tungkol sa "kidnapping" dahil gusto niyang ma-i-preserba ko kung ano mang magagandang alaala na iniwan sa 'kin ni Mama. Then, when I learned about it, I was heartbroken. Ayokong maniwala na ganoong klaseng tao si Mama. However, I was ready to forgive and accept it if once, Mama was truly blinded by money. But no, we found out now that she never betrayed Papa..." Huminga nang malalim si Kuya Sandro.

"Tingin ni Tita Bella, kaya raw siguro nang pinanganak ka, Kuya, nagagalit na lang din si Tita Andrea kay Papa. Masakit daw kasi talaga magsalita si Papa noon. And Tita Andrea was just reacting in pain. Paikot-ikot. Katulad sa kanila ni Mama. Kaya nagkasakitan na silang lahat..."

Nakakaintinding tumango si Kuya Sandro. Kumuha si Patricia ng panyo at pinunasan ang magkabilang pisngi nito.

Sumisinghot na rin si Czarina sa tabi niya. Kuya Bari simple squeezed his wife's hand.

"Praise God we're freed from those chains and broke the cycle," marahang sabi ni Patricia. "Let's make sure, by God's grace, that we'll never going to pass any pain and trauma to our children."

"Let's close the lies and secrets of the past. Let the truth always prevail. Let's be transparent and accountable, most especially to our spouse and children." Alessandro added.

Kuya Bari gently nodded. "The next generation of our family is now depending on us. And it's our duty to give our children true love and exemplify the faith that broke the cycle. At nang hindi na nila kailangang maranasan kung anong naranasan natin."

"May our children grow with hope, love, and faith. May they have a genuine relationship with Christ. Let's pray that they won't stray away as they grow up," Czarina whispered, still in between tears.

"Para hindi na sila 'yung mahirap mahalin," aniya. "Sa susunod, sila na 'yung magbibigay ng pagmamahal sa mahirap mahalin."

It's hard to love difficult people. But we need to. Because we were difficult people, too. And only through the humbleness in faith, we get the power to love that kind of love...

The likes from Tita Bella, Kuya Bari, Patricia, Jacquin...

Dumaan ulit ang mahabang katahimikan sa kanila. It's heavy at first until they've felt the grace. They processed gradually, with peace and surrender.

Maya-maya'y nagsalubong ang mata nila ni Kuya Bari.

"You mentioned earlier... Nakagising pa si Mama sa comatose bago siya mamatay..."

Blair nodded.

Ito na ang pinakahuli.

"She entrusted the USB to me and told me to win Mama's soul for Jesus... And she said her farewell to you..."

Gumalaw ang lalamunan nito. "What... What did she say?"

Inabot niya ang laptop. Blair saved a document in the USB where she typed Tita Bella's goodbye to Kuya Bari—word per word. Tinandaang mabuti ni Blair dahil kung siya ang anak ni Tita Bella, gusto niyang marinig ng tama at eksakto ang mga huling sinabi nito.

Alam din ni Blair na hindi niya masasabi ang mga iyon ng eksakto at hindi nababasag ang tinig. So, she wrote it before she could forget.

Hinarap niya ang laptop kay Kuya Bari.

"I'm sorry I have to keep this first until you're fully okay, Kuya. Hindi basta-basta ang naging grief mo kay Tita. She asked me not to tell you until you're settled down..."

She focused her eyes on Kuya Sandro and Patricia. Dahil hindi niya kayang panoorin ang magiging reaksyon ni Kuya Bari sa mababasa.

"Forgive me for lying before just to cover this up for a while. I don't really know how to handle all of these, plus taking care of Mama... Pasensya na kung hanggang sa ngayon, hindi nagpaliwanag ng mabuti si Mama..."

Napailing si Blair at mapait na napangiti. "Or maybe, like Tita Andrea, I just want to believe there's something inside Mama that's still good. That she was able to get out from the thirst of revenge..."

Blair lived her life knowing her mother was a villain in her own story. Pero baka may parte sa kanyang umaasang hindi ito ganoon hanggang sa pagwawakas. That's there redemption for Bridgette Salamanca, too...

Nahinto siya sa iniisip nang marinig ang malalim na buntonghininga ni Kuya Bari. Napatingin dito si Kuya Sandro.

"Thank you."

Gulat siyang napabaling rito.

Kuya Bari's tenderly smiled at her. "Thank you. Thank you, Blair. Salamat sa pagtupad ng mga huling habilin ni Mama. Sa matapang na pagkipkip ng mga ito hanggang sa k-kaya ko na... H-Hanggang sa kaya na naming matanggap ang mga ito ng maluwag sa mga puso..."

Kuya Sandro nodded, affirming her.

Napatakip siya ng mga labi nang mapahikbi. Blair never thought this kind of response. Akala niya ay baka magalit pa ang mga kapatid sa pagsisinungaling at pagtatago niya.

"Thank you, Blair," Kuya Sandro thanked her too, with a kind smile. "You carried all these well. Tita Bella trusted the right person."

Sa pagpikit niya ng mga mata ay tumulo ang mga luha roon.

Then slowly, Blair realized something heavy inside her being lifted up. Hindi niya akalaing mabigat dahil hindi niya naman alam na nakadagan pala.

No, it's not just carrying the Delos Santos family's secrets...

It's because Tita Bella gave her the chance to feel trusted.

Santino didn't trust Blair. The trust that although she's Bridgette's daughter, she's different from her.

Bridgette didn't trust Blair. The trust that although young before, she could have endured and persevered through the hard consequences of being a young mother, just to keep her first baby...

God used even Tita Bella's death to soothe the part in the deepest corner of her heart she didn't know needed healing and closure.

How good is our God who is mindful even of our tiniest scar.

"W-We'll just get the food and drinks. Hindi pa pala natin nababa." Suminghot-singhot na tumayo si Czarina. "N-Nagutom ako! Patricia, kunin m-muna natin sa sasakyan..."

Agad na tumayo rin si Patricia at sumunod kay Czarina. Hanggang sa silang tatlo na lang magkakapatid ang natira sa visitor's table.

Matapang na inabot ni Blair ang kamay ni Kuya Bari gamit ang isa, at kamay ni Kuya Sandro sa isa pa.

"T-Thank you so much, too... T-Thank you so much..." she wholeheartedly thanked them.

"Let's pray!" Blair even initiated.

Sabay-sabay silang napangisi. Humigpit ang hawak ng mga ito sa mga kamay niya.

The warmth of their holding hands crawled right through her heart and soul.

Blair connected with her siblings even more—not just because they are Santino Delos Santos' children. But because they all fought through different battles and claimed victory as children of the Father up above.

***

"THAT'S IT."

"Yeah... It's finally over..." Blair whispered.

Nakahiga na sila sa kama ng asawa, nasa gitna ang natutulog na anak. Kinuwento niya rito ang lahat ng nangyari sa kanila kanina nang binisita si Kuya Sandro.

"It wasn't the proper place because we're trying hard not to go all out in crying. Napapansin na kasi kami ng ibang visitors and police.

"Sa tingin ko rin, ina-absorb pa rin nilang apat ang lahat. But we prayed all together! And it felt so nice, Jack. Pagbalik din ni Patricia, we prayed for Tita Andrea, Tita Bella, Mama, and Papa." Nakangiti siya habang nakahiga patagilid—nakabaling kay Jack na hinahaplos-haplos ang buhok ni Santino.

"It's possible pala, ano? To pray for our parents all together no matter how painful their relationships were in the past. Ang daming nagkasakitan, nagagantihan, nagtaguan ng katotohanan dahil napagod na lang mapakinggan...

"And here we are now, their children that found harmony and peaceful relationship with each other. Madami rin kaming misunderstanding, but God is good, Jack!"

Napangiti ng sobrang tamis si Blair. "I love my brothers. Wala na pala akong favorite."

"Wala naman siguro talagang paborito dapat?"

"Isa lang talaga paborito ko. Name starts with letter J!"

Tinignan lang siya ni Jack. Parang ayaw sa hirit niya.

Kinurot niya ang pisngi nito. "Akala mo ikaw? Si Jesus kaya! Paborito ko si Jesus lang."

"Amen."

Natawa siya dahil sobrang seryoso pa rin ng mukha nito.

"I love you, Jack." Pumikit na siya nang mapahikab. "You're my favorite."

The next day, Blair woke up not feeling well. Nawala muna ang pakipot na Jack ng kailangan siya nitong asikasuhin. Okay naman naman daw ang baby nang ipatawag ang OB-GYN. Baka kailangan niya lang daw magpahinga.

Thinking about the emotional energy Blair spent yesterday, this could have been the aftermath of it.

Pinayuhan siyang magpahinga buong araw. Kaya't natulog lang siya para mabawi ang energy.

Hindi pumasok sa trabaho si Jack pero naririnig-rining niyang may mga kinakausap ito sa phone. Naririnig niya ring tumatawa at nagsasalita si Santino sa tuwing naalipungatan siya. She whispered a little prayer of protection for the baby in her womb.

Dumating ang gabi, mabigat pa rin ang pakiramdam niya pero hindi na katulad kaninang umaga.

"You don't look fine," Bridgette commented over the video call.

"Yes, I was not in a good shape when I woke up. How are you, Mama? I heard you choke while eating breakfast earlier. Please, be more careful."

Bridgette squinted her eyes, as if looking closer to the screen to see her. "Hija, in this angle, you look like my daughter."

Kahit papaano ay biglang sumigla ang pakiramdam ni Blair. "Really, Mama? Kamukha ako ng anak mo?"

"Yes. When she has a fever."

Natawa siya. "Tuwing may sakit lang?! Pero maganda pa rin po ako?"

"My daughter's more beautiful but you'd pass"

Natawa na naman siya. "Okay, Mama. Thank you."

"Blair," tawag pansin ni Jack. "You need to rest."

Napanguso siya. "Okay, babe..." Pagkabaling niya kay Bridgette ay kumaway siya rito. "I got to go, Mama. Thank you for talking to me."

Bridgette squinted her eyes again. "You're starting to look like my daughter. Or maybe I just miss her so much..."

"She misses you too. For sure! And she loves you," malambing niya pang sabi.

Bridgette sighed. "Thank you. Salamat sa pagtitiyaga sa 'kin, hija. Kahit nasa malayo ka na, nag-aabala ka pa ring tawagan ako kahit hindi ka na ang nurse ko. Nandito naman si Nala at Smiley."

Blair laughed some more. "Are you happy, Mama?"

"Well, better than my days in the past when I'm just alone. Smiley always make jokes. I laugh sometimes."

Blair was so gratified for Ninong Aalto's all-out effort to make her mother happy.

"I'm happy that you're happy, Mama! Mas sasaya ka pa when you accept Jesus Christ."

Ngumiti ito. "Thank you for reminding me that, hija. You're a sunshine. Get well soon and goodbye."

Blair's heart is shining. Hindi masungit ang Mama niya ngayon. "Bye, Mama! See you tomorrow!"

Subalit minsan, hindi na dumadating ang bukas sa isang tao.

Maybe that's the risk with goodbyes. Hindi mo alam kung kailan ang pinakahuli....

Blair woke up the next morning. She's feeling better than yesterday. Yet she was greeted by a tragic news that her mother passed away.


***

Chapter 60: The Beautiful (Final Chapter) - June 18, 2022

***

Hello, love!

Do you like this story? Did you enjoy the update today?

If you find it in your heart to support me in my writing journey, you may donate through my GCash or Paymaya Account.

GCash / Paymaya

0995 156 5320

You may give a peso, 5 pesos, or any amount that your heart willingly wants to share.

Thank you so much for your generosity! I hope you keep reading my stories! God bless you.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 29.7K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.
1M 29.6K 42
He's all danger, scarred and bruised. I found myself in, I fell in love with a monster.
11.9K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
49K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...