Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

863K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 52

11.7K 734 140
By FGirlWriter

CHAPTER 52:

The Refuge

BLAIR sat on a loveseat in the business class lounge while waiting for her boarding time. Kumuha lang siya ng lemon grass iced tea at saka kinuha ang iPhone sa handbag.

Nagtipa siya ng mensahe para kay Jack.

Blair: I'm here at the airport already, babe. Just waiting for my boarding time. Is Santino still awake? :)

It's currently nine in the evening.

Nakita niyang nag-Seen na si Jack pero hindi agad nag-reply. Napanguso si Blair at nag-send pa ng tatlong heart emojis bilang pahabol.

He's watching TV, maikling tugon ni Jack.

Okay, let him enjoy. But sleeping time is 10 PM.

Copy. At isang thumbs up sign from Jack.

Blair opened her phone's front camera and took a selfie. Inayos niya ang buhok, um-anggulo sa kanang bahagi, bahagyang pinapungay ang mata, at ngumiti.

She sent her selfie to him: This is how I look tonight, babe. No make-up since I'll sleep after boarding. I feel a little haggard na. Dark na yung undereye ko. :(

Nag-Seen ito pero ang tagal mag-reply.

Sumandal si Blair at ininom ang iced tea habang nakatutok sa screen ng cellphone niya. Naghintay siya sa reply ni Jack.

She chuckled when he replied after ten minutes. Nakipagtalo pa siguro 'yung pakipot na Jack sa mabait na Jack.

Babe Jack: Get a good sleep for you and the baby. You're still beautiful.

Blair: Aww! Thank you, babe! I love you!!!

Babe Jack: You're welcome.

Napahalakhak na si Blair. Napatakip siya ng bibig nang mapansing siya lang ang maingay sa lounge.

Blair: I love you, Jack. I will update you once the plane landed in New York tomorrow. Video call tayo with Santino.

Malaking "thumbs up" lang ang reply nito.

Nag-send naman siya ng maraming kiss emojis. Are you going to sleep once Santino sleeps? Or magwo-work ka pa?

Napapangiti na lang si Blair habang naghihintay ng reply mula rito. Kahit maikli at ramdam ang tampo, tumutugon si Jack. Noong mga nakaraang taon kasi, nagsi-"Seen" lang talaga ito. But Blair understands him. Buti na lang, pinanganak siyang makulit kaya hindi niya tinitigilan mag-send ng kung ano-anong pagpapa-cute na chats sa asawa.

Hindi niya alam kung magre-reply pa si Jack pero online pa ito kahit hindi pa sini-"Seen" ang huli niyang chat. Ibinaba niya muna ang phone sa lamesa at kinuha ang pocket Bible na laging dala. She started reading where she left off. Eksaktong nakatapos siya ng isang chapter sa Proverbs ay tumunog ang phone niya.

Babe Jack: Sleep.

Blair: I see. Marami pa work tomorrow?

Babe Jack: Yes.

Blair: You can do it, babe! Matatapos mo rin lahat 'yon, excellently! Rest ka after, ha? Magbe-behave naman ang baby natin.

Babe Jack: Speaking of baby, magpa-check ka sa OB mo once you arrived in New York. Then send me the results, after.

Ang haba na mag-reply!

Blair: Yes, babe!!! Planned that! I hope we'll have a healthy baby girl this time. Para magamit natin name ng Lola Lass mo. You like that, right?

Matagal na matagal na nilang napag-usapan ni Jack na parang kung magkaka-babaeng anak daw sila, gusto nitong gamitin ang pangalan ng paboritong Lola nito. Sa panahon pa iyon na hirap silang magka-anak noon at kahit anong dasal ni Blair, sa tingin niya ay hindi na naman siya naririnig ng Diyos.

Pagkatapos maayos ng lahat sa kaso ni Blair at noong sa tingin niya'y payapa na dapat ang buhay nilang mag-asawa... Well, sadly, she became a very toxic wife to Jack...

***

Year 2017

BINATO ni Blair sa basurahan ang negative pregnancy test. "Damn it, why can't I get pregnant?!"

Lumabas siya ng banyo. At siguro, dahil sa ilang beses na negative ang pregnancy results niya, na-stress siya. Kung kailan, handang-handa na siyang magka-baby ay saka hindi siya mabuntis! Wala namang problema sa kahit sino sa kanila ni Jack. Kaya't bakit hindi pa rin sila magka-baby?!

Padabog na kinuha ni Blair ang tinatagong sigarilyo. She's not smoking always, tuwing ganito lang siya ka-iritable at ka-stressed. Lumabas siya ng bahay at pumunta sa maisan ng Hacienda Salamanca. Doon siya nanigarilyo para hindi um-amoy sa loob ng bahay.

It's been two years since Dr. Alicante cleared her from her psychiatric therapies. Isang malaking progress ang paggaling niya mula sa trauma at mga anxiety attacks. Since Wade's surrender, confession, and imprisonment, Blair's life became quiet and normal. Wala na rin siyang tinatago na kahit ano kay Venice, she felt freer.

Wala nang magulo. Wala nang nanggugulo.

Ang pagsasama nila ni Jack, normal na normal din katulad sa ibang mag-asawa. Blair could already perform her marital obligations while Jack keeps on reassuring her that her messy past wouldn't ever matter. They were living in a new chapter of their lives. Clean slate ulit. Bagong-bago ang lahat.

Bumuga si Blair ng usok at pilit pinakalma ang sarili.

Dalawang taon nang maayos ang lahat. God even gave her the first sign she was asking for. Kaya mas may gana siyang palagi na sumama kay Jack sa mga church activities. Kusa siyang nakikihalubilo at nag-aaral ng mga salita ng Diyos. Okay, sometimes it's all boring like that. Pero naisip niya, wala namang mawawala. Nakikita niya pang laging masaya si Jack sa paniniwala nito. So, she wanted that too.

At baka sakali ring ibigay na ang second sign na hinihingi niya. Just one embrace from Santino...

"Ah, Papa, how did you do it?" wala sa sariling nasambit niya, kasabay nang pagtingala niya sa kalangitan. "How did you surrender and wholeheartedly believed in Jesus like Tita Bella said? And why is that hindi enough lang 'yung pagsama ko sa church ng husband ko? At pagpe-pray ko?"

Dapat ba muna maniwala siya kay Jesus Christ bago siya mabuntis? Eh 'di, parang patunay lang iyon nang noon niya pang iniisip na may "bribe" for people to believe? Na may kapalit bago magbigay ng goodness si God sa isang buhay ng tao?

Nabasa niya naman na noon sa Bible ang mga sagot doon. But she's still a bit cynical whether to solely believe in that book.

Naubos na ang sigarilyo ni Blair at kahit papaano ay bumaba na ang frustration na nararamdaman. This was the nth time of trying to get pregnant. Yet still, negative! Two years na, negative pa rin. Blair's disappointed!

Bumalik na siya sa bahay pagkatapos itapon ang upos na sigarilyo sa basurahan. Mamaya pa naman uuwi si Jack mula sa bayan kaya may oras pa siya para maligo. Hindi siya mahuhuli nitong amoy—

"Saan ka galing, Blair?"

Napapitlag sa gulat si Blair. Her eyes also widened when she saw Jack inside the house! Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay ito agad ang bungad—nakatayo sa gitna ng sala.

"J-Jack! You're early!" Oh my god, amoy sigarilyo siya!

"Maagang natapos ang mga meetings sa Cronica," anito at humakbang na para lapitan siya. Jack would always kiss her whenever he comes home. Uh-oh! She's busted!

Napapikit si Blair at naghahanda nang mapagsabihan nito. Lalo na nang nasa mismong harap niya na ang asawa. Huminto si Jack sa paglapit at kumunot ang noo. Ugh, he smelled her already.

"Sorry, I'm just stressed. Gusto ko lang kumalma," paliwanag niya agad habang nakapikit. Hindi naman super magagalit si Jack. Pagsasabihan lang siya pero pinagbawalan na siya nitong manigarilyo. He must be disappointed.

"Stressed from what, babe?" he softy asked. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya. "May problema ba sa kompanya mo?"

Umiling siya. Hindi niya na naramdaman na humalik ito. "The company's fine..."

Kahit nagtalaga siya ng ibang taong mamamahala, kasali pa rin palagi si Blair sa meeting ng board of directors, at lagi pa ring mahalaga ang approval niya sa mga business moves ng SDCB. But yes, she's more on, just sitting pretty there. Kaya nga't malakas ang loob niyang umuwi ng matagalan sa Monte Amor at mamuhay na parang laging nasa bakasyon lang. Well, even before the tragedies that happened all at once in her life, ganito lang talaga ang lifestyle niya.

"Then what made you so stressed that you have to smoke, again?"

Lumabi siya at unti-unting dinilat ang mga mata. "I'm not pregnant, again."

Agad siyang hinawakan nito—hinapit sa baywang at humaplos ang isang kamay sa pisngi niya. Jack knew that this is a very sensitive matter to her. Blair's been very vocal that she's excited to have kids with him. Pangarap niya iyon na napakahirap abutin ngayon.

"Babe, maybe it's not yet our time..." bulong nito. "We can always try, again."

"I know, but can you blame me? Lahat ng nasa paligid natin, ang dami ng anak?" Lumayo siya rito at umupo sa sofa. "Look at your siblings. Tumawag si Kuya Izaak kahapon to tell us na buntis na naman si Celest. Pati si Raqi, buntis na ulit! Tapos, si Kuya Bari, may anak na rin. Si Patricia, buntis din ulit! To think, nag-quickie lang sila ni Kuya Sandro sa restroom ng jail!"

Lumabas na ang mga dumadagdag sa frustrations ni Blair.

"Blair..."

"Then, why not us, Jack? Sabi ng OB, walang problem sa 'kin since matagal naman na noong naoperahan ako for abortion. Sa 'yo rin. You're very healthy! So, why can't I get pregnant?! Kailan pa 'yung time natin?"

Huminga nang malalim si Jack. Umupo ito sa katapat niyang sofa, inabot ang tuhod niya. "Babe, listen. Hindi naman tayo nakikipag-unahan sa mga kapatid natin. This isn't a race—"

"But we're not getting any younger, too!"

Kinuha na ni Jack ang dalawa niyang kamay at pinisil iyon nang marahan. Hinuli nito ang mga tingin niya. "Blair, let's calm down first. I want another baby with you, too. Pero ito 'yung mga bagay na hindi na natin mako-kontrol. Lalo na, we've always done our part. Let's surrender this to our Lord God. Siya lang naman ang nakakaalam ng tamang panahon para magka-baby ulit tayo. Maybe, next month? Or next year. We must continue trying and praying, alright?"

"P-Paano kapag..." Napayuko siya. "Hindi na tayo bigyan ni God ng baby? Siguro ayaw akong bigyan ng baby kasi baka maging katulad ako ni... Bridgette?"

Agad na umiling si Jack. "No, don't say that."

"Right! Hindi naman ako magiging katulad ng nanay ko! Mas magiging mabuti akong ina! Alam naman siguro ni God kung anong mga plano ko once I have a child. I'm going to be the most loving mother, Jack! Maiinggit 'yung mga kalaro ng anak natin kasi ako ang mommy niya!"

Nakagat nito ang labi para pigilan ang matawa. "Oh, Blair... I know, I know."

"See! Hindi ako magiging pabaya! I will take care of our family! I'm so ready to be a mom na! So, bakit wala pa rin?" Biglang nangilid ang luha sa mga mata ni Blair. Matagal na matagal niya nang pangarap ang maging nanay, isang beses na pinagkait sa kanya ng sariling ina, at ngayon—wala na ngang pumipigil, nasa tamang edad na sila ni Jack, kasal, nagsasama ng payapa—pero bakit parang ang layo-layo pa rin?

Bakit parang hindi na matutupad ang pangarap niya?

"Blair, this is where we must trust God more. He knows your heart, your desires, your dreams... He's fully aware of our persistent prayers. He listens. Pero hindi natin puwedeng pangunahan at diktahan ang Diyos sa mga plano Niya. Because that's our common mistakes as humans. We always thought we know better than Him.

"Let's say, we're ready now. But do we know what's coming ahead while we're pregnant, Blair? Or once you gave birth? Yes, we're ready to get on the road of being parents. But what if God doesn't want us to go down the road because it's still rocky and dangerous for us? Paano kung pinapatag Niya pa ang kalsada para sa pagdaan natin, hindi tayo masusugatan, matatapilok, at madadapa?"

Napakurap si Blair at hindi na nakaimik. Jack always had a fine argument. Lalo na about this kind of topics.

Lumuhod sa harap niya si Jack, tiningala siya. Ngumiti pa ito nang marahan. "Babe, we're not waiting for nothing. Most especially if it's God who's telling us to trust His timing. Baka may inaayos pa Siya para sa pagdating ng susunod na anak natin, siguradong protektado ang baby.

"I can witness to you, Blair. Parehas kong naranasan 'yung hindi ako nakinig sa Diyos at pinangunahan ko Siya. At noong nakinig na 'ko at naghintay sa Kanya. There's a very big difference, babe. Hindi man natin maramdaman, at the moment, ang kalahagahan ng pagtitiwala natin sa Kanya, but it has a very big impact in our future. Mas alam Niya ang bukas kaysa sa 'tin, babe. Let's not get frustrated but be faithfully patient."

Napasinghot siya at napayapos sa leeg ng asawa. Binaon niya ang mukha sa gilid ng leeg nito. Jack gently stroked her back.

Palagi naman siyang in-e-encourage ni Jack na magpatuloy sa paghihintay at pagtitiwala sa Diyos. And every time, she would feel the boost of hope.

"Okay, I will wait again..." she surrendered. "Siguro, sobra lang ako naiinggit sa mga tao sa paligid natin. Even Venice told me she's going to have a baby number two. Naiinggit ako, Jack..."

Ngayon lang siya nainggit ng ganito sa mga kamag-anak at mismong sa matalik na kaibigan pa.

"I understand. Your feelings are valid, wildflower. Let's not just dwell on that for too long. We're going to make it. You're going to reach your dream to be a mother. God is faithful."

"Even to me na may mga doubts-doubts pa rin? Saka marami pang tanong sa Kanya?"

Tumango si Jack. "I'm always praying for you. Let us never underestimate God's love and power. Alright, babe? He sees things beyond what we can see. That's why He's very reliable to be trusted."

Ang mga sinabi nito, ilang beses nang sinasabi sa kanya. Pinapaalala sa kanya kada may ganito siyang pakiramdam. Good thing, Jack is very patient on reminding her. Hindi pa siya sinumbatan nito kahit paulit-ulit sila tungkol sa isyu ng pagbubuntis.

"That's your last cigarette. Okay? Alam nating pareho na hindi kita papayagan kapag alam kong makakasama sa 'yo." He softly reprimanded her.

Tumango siya. Una itong tumuwid ng tayo at hinila siya. "Go and wash up first. I'll be the one to set the dinner. At saka, ako naman ang maliligo."

"Paliguan mo na lang ako, Jack!" Tukso niya rito. "Sabay na lang tayo! Please!"

Napabuntonghininga ito. Kabisadong hindi pagligo ang habol niya!

"Ayaw mo?" She pouted.

Kahit pagod ay sumilay ang masuyong ngiti sa mga labi nito. Ganoon din ang pagkislap ng mga mata. "Sabi ko nga, mamaya na 'ko magluluto."

Jack always loved her and made her feel that she's like the most beautiful woman in the world--in their most quiet moments up to the most intimate nights.

Pero para kay Blair ay may kulang pa rin. Kulang hanggang wala silang anak.

"Ang bait talaga ng asawa mo," ani Venice. Nagkita sila nang lumuwas sila ni Jack ng Maynila. "Suportado ka hanggang sa pagfa-fangirl mo, ha?"

"I know, right! Basta hindi masama for me, he lets me do things that I want. Even attending Ariana Grande's concert tomorrow!" Blair excitedly said.

Iyon talaga ang pinakarason kung bakit sila pumuntang Manila. Aside from may gagawin si Jack sa trabaho at marami itong kailangang puntahan na board meetings ng Delos Santos Corporations. Then, they will also celebrate his husband's birthday by spending four days in Batanes.

"Si Kyle, pahirapan pang magpaalam sa kanya na magmo-mall ako ngayon kasama ka." Umikot ang mga mata ni Venice. Humaplos ang kamay nito sa wala pang umbok na tiyan. "Apela ko sa kanya, next time niya na 'ko pagbawalan kapag malaki na tiyan ko."

"Nasaan na pala 'yung inaanak ko? Bakit hindi mo sinama?" Madami pa namang binili na regalo si Blair para sa inaanak.

Blair loves spoiling her godchildren and nephews. Kahit walang okasyon, lagi siyang may regalo sa mga ito. She's the rich ninang and rich tita, okay?

"Aba, ginawang hostage ni Kyle si Jan-Jan at sinama sa trabaho! Para raw umuwi akong maaga dahil nasa kanya ang panganay. Eh, layasan ko kaya siya? Nasa akin naman ang pangalawa?" Halatang inis nga si Venice, pero nasa mata ang kaaliwan.

"Your husband's clingy!" Humagikgik si Blair. "Magiging ganyan lang siguro sa 'kin si Jack kapag may baby na kami. Kaya siguro ngayon, hinahayaan niya lang ako mag-enjoy muna."

"Naiinggit talaga ako nang pinayagan ka niyang magbakasyon mag-isa sa Maldives noon!"

"That was a fun solo travel!"

Madaming travels na magkasama sila ni Jack, basta't hindi ito abala sa trabaho. May mga travels naman na pinapayagan siya nitong mag-isang umalis. Dapat lang lagi siyang nag-a-update kay Jack. That's when Blair realized that Jack was slowly healing himself from the scare/trauma that she would leave him anytime.

Hinahaya-hayaan siya nitong umalis mag-isa na may tiwalang babalik siya. And every time she returns from a short travel vacation—Blair can feel Jack's relief. Until Jack was secured enough that she won't really go away without letting him know where she's going. At palagi naman siyang umuuwi sa sinasabi niyang araw.

She finally earned his trust again on that department. Kaya ngayon, hindi na parang natataranta si Jack sa tuwing magigising ito at nag-eempake siya ng damit o nakasuot siya ng pang-alis.

Bumabalik pa sa pagtulog si Jack dahil sa pagod sa trabaho. Minsan pa, si Blair na lang ang may gustong pigilan siya nito sa pamamasyal niya masyado.

"Hindi ka talaga napirpirmi sa isang lugar lang, ano?" Venice concluded. "Naaalala ko noong college pa tayo, lagi mo kong inaaya magbakasyon sa kung saan-saang beach. Tapos, kahit nang 'dark era' mo, inaaya-aya mo rin akong umalis, with a bribe na pwede akong magsulat lang sa kung saan man tayo pupunta."

"Magmula bata ako, mahilig akong magbasa ng books, right? I always love the adventure those stories were bringing me. Kaya nang puwede na at may sarili na kong pera para magpunta sa kung saan-saan, I indulged myself."

But a part of her was always running again that time too. Basta kapag may drama sa pamilya, nagpapakalayo-layo siya.

"Because of my case with Hank and Wade, ang tagal kong hindi nakakalabas na ako lang mag-isa. I always have bodyguards with me. Nito na lang talaga ako nakaramdam ng kalayaan ulit..."

And Jack is letting her enjoy that freedom. As long as she is safe and not bad for her, wala namang pagtututol mula sa asawa.

"Jack is such a cool husband. Don't abuse that, ha?"

Napangiti si Blair. "Of course! Medyo napapadalas lang ang paalam ko kapag nabo-bored ako at walang ginagawa. Sa palagay ko rin, ganyan pa siya kaluwag kasi wala pang baby."

Venice nodded in agreement. "Kaya ka rin ba bakasyon ng bakasyon? Para kapag nagkita ulit kayo, matindi ang pagka-miss niyo sa isa't isa? Higher chances na makabuo ng baby?" Seryosong sapantaha nito.

Blair laughed happily. "Bakit alam no ang technique ko!"

"Hay nako, Christeena Blair! Pilya ka talaga."

Nagtawanan silang magkaibigan. Marami pa silang pinag-usapan ni Venice hanggang sa kailangan na nitong umuwi dahil sinundo na ni Kyle.

Hindi pa dumiretso ng uwi agad si Blair pagkatapos. She drove to Patricia's house. Ibibigay niya ang regalo para sa pamangking si Noah at ang mga pinamili niya para sa hipag na buntis. Since nakakulong pa rin si Kuya Sandro, inutusan siya ng kapatid na tulungan si Patricia sa mga kailangan nito habang nagdadalang-tao.

Sandaling napatulala si Blair habang nakahinto ang kotse dahil sa traffic. Just last year, her first sign happened—she witnessed a person cursing God turned into a believer.

And that's her Kuya Sandro.

Feeling niya pa nga ay fake. O kaya ay nadala lang ng hype nang pagiging Christian ni Patricia. But lo and behold, Kuya Sandro's dead eyes turned very alive, again, At seryosong-seryoso ito sa pagbabago!

"I want that..." Blair whispered to herself. She wants that kind of transformation... That kind of belief. Una niyang nakita ang buhay na buhay na tingin sa mata ng Papa niya bago ito namatay. Ngayon naman, kay Kuya Sandro...

If she could name it, she'd call the spark in their eyes—renewed hope! Parang sa wakas, nakakita ang Papa niya at si Kuya Sandro ng pag-asa. Nakahanap na ng kanlungan ang mga kaluluwa...

Anong sabi ni Kuya Sandro sa kanya noon?

"I finally found my soul's refuge, Blair. I finally understand that it's not Patricia nor Noah... It's Jesus. My soul can rest in His forgiveness. I can finally hope, again."

Hindi niya alam kung anong eksaktong mararamdaman niya nang natupad ang unang sign niya. Again, she's still skeptical in a lot of concepts about Him. Pero mas malinaw na sa kanya na nangyayari talaga iyon—na may Diyos na kayang iparamdam sa 'yong napatawad ka at puwede kang magpahinga sa kanlungan Niya...

Will she ever feel that, too? Will she ever find the spiritual refuge?

"Give me the second sign, God..." she silently prayed. "Let me hug Santino, please..."

"Thank you, Auntie Blair!" malakas at masayang sabi ng pamangkin nang makarating siya at binigay agad ang mga regalo niya rito. "Lagi akong may new toys when you visit me! Kiss kita!"

Lumuhod siya para mapantayan ito. "Yes, please! I like a lot of kisses, ha!"

Binitawan ni Noah ang mga box ng laruan at yumakap sa leeg niya. Ilang beses siyang matunog na hinalikan ng pamangkin sa pisngi.

"Spoiled na spoiled naman sa 'yo ang mga pamangkin mo," sabi ni Patricia na nakaupo sa sofa at hinahaplos ang may umbok ng tiyan. Hindi katulad kay Venice kanina. "Sabi ni Czarina sa 'kin, nagpadala ka rin daw sa Tierra Fe ng mga laruan para kay Elijah. Sobrang dami raw na hindi pa malalaro ng baby!"

Pabiro siyang umirap at hinigpitan ang yakap kay Noah. "Hayaan niyo lang ako ngayon. I really love kids. Kapag nagka-anak na kami ni Jack, baby na namin ang lagi kong gagastusan."

"Hindi ka na maggi-gift sa 'kin, Auntie?" nakalabing tanong ni Noah.

Binulungan niya ito. "Bibigyan pa rin kita maraming toys. Love kita, eh."

Humagikgik sila ng maliit na pamangkin. She saw Patricia just shaking her head. Ibinigay niya na rin dito ang mga pinamili para sa pagbubuntis nito.

"Wait! Ang dami masyado..."

"Si Kuya Sandro ang nag-utos sa 'kin na bilhin lahat iyan for you and your baby. Since hindi nga siya makakabili."

Lumambot ang buong mukha ni Patricia. "Kaya pala nang binisita ko siya kanina, sabi nang sabing agahan ko ang uwi dahil pupunta ka rito." Napangiti ito habang isa-isang tinitignan ang mga vitamins. "Alessandro could be really thoughtful."

"Auntie, can I play na with this?"

"Go ahead. Open your new toys na."

"Noah, no. May bago ka pang toy na hindi nalalaro. Itatabi na muna natin iyan," mahigpit na sabi ni Patricia.

"Pat, naman. Let this pogi little boy, play."

Umiling ito at pinalapit ang anak. Lumapit naman agad si Noah kay Patricia. "We will open Auntie Blair's gifts once you completed going to your Kindergarten class this month. You understand Mama?"

Kahit mukhang nalungkot, tumango si Noah at yumakap kay Patricia. "Yes, Mama. Kiss na tayo!"

Ngumiti naman ang hipag at pinaulanan ng halik ang masunuring anak.

Tumitig lang si Blair sa mga ito. Bumalik sa kanya si Noah, nakangiti nang malaki. "Thank you for the gifts, Auntie Blair! I will save it for later." Malambing na yumakap ulit ito sa kanya.

Pagkauwi ni Blair ng condo ay nandoon na si Jack. Nakaupo ito sa sofa at tahimik na nagbabasa ng libro.

"I'm home."

Napalingon ito sa kanya at ngumiti. "Welcome home, babe. Do you want something to eat?"

Umiling siya dahil nag-dinner na siya kina Patricia. Lumapit siya rito at kumandong. "I'm happy and sad at the same time."

"Oh? Why?" Sinara na ni Jack ang librong binabasa para nasa kanya na ang buong atensyon nito. Niyapos siya nito sa baywang. "Did something happen today?"

"Happy ako for Patricia and Venice. Pero naiinggit din ako sa kanila, that's why I'm sad. Patricia can't be with Kuya Sandro every time, but she's happy raising Noah and handling her pregnancy. Si Venice, hindi man siya nakakalabas palagi kasi mahigpit si Kyle sa kanya, super saya niya naman to stay home with their son. Tapos buntis na nga ulit siya."

While Blair always has Jack with her. And when she wants to travel solo, he would permit her without second thoughts (with few conditions). She loves Jack for holding her right. Very.

Pero kung anong wala kina Venice at Patricia, mayroon naman ang mga ito ng gustong-gusto niya. Iyong pinaka-pinapangarap niya...

Anak.

Napasubsob si Blair sa balikat ni Jack. "Sorry, but I'm really envious of them." Mas nadarama na niya ang pait ng inggit sa dibdib. "Kasalanan 'to ni Mama, Jack! Kung hindi naman niya pina-abort ang baby natin, eh di sana, hindi ako nakakaramdam ng ganito ngayon! Sana may anak na tayo. Sana buo na tayong pamilya!"

Hindi umimik si Jack, bagkus ay yumakap lang sa kanya nang mahigpit.

"Naiinggit talaga ako! I want to have a child. Bakit ang tagal-tagal? Ayaw ba 'ko bigyan ni God kasi galit pa rin ako kay Bridgette?!" nagtunog batang nagta-tantrums ang tono ni Blair.

She doesn't know how Jack can still patiently handle her. Iyak siya nang iyak hanggang sa napagod na lang siya at kusang tumahan.

Napatingala siya sa asawa na nabasa niya na ang suot na shirt dahil sa kaiiyak niya. "I'm sorry for my petty outburst..."

Umiling ito at mabait siyang nginitian. "Minsan naiisip ko, siguro kailangan nating malayang maramdaman ang mga ito. Kahit gaano kapangit sa dibdib; 'yong mainggit, hindi makontento, magalit, manisi... Until we get so tired, that there's no other way but to seek the Lord and rest in Him.

"Kapag pagod na pagod na tayong umiyak para sa mga pangarap na ang hirap abutin, we can come to Him. Because He's our refuge and strength."

Lalong naningkit ang mga mata ni Blair sa kabila nang pamamaga na nga niyon mula sa pag-iyak. "Bakit lagi mong nasasali si God dito?"

Hinaplos nito ang ilalim ng mga mata niya. "Kasi lagi siyang kasali sa buhay natin kahit ayaw natin. I just want you to never forget He's faithfulness in our lives. Walang ibang rason kung bakit wala pa tayong baby ngayon kundi, iba pa ang plano ng Diyos para sa 'tin. Again and again, your dream to become a mother could be far away from now, but it doesn't mean it will never happen. As long as we're consistently praying and trying, and continuously trusting everything on His hands, God won't disappoint."

Jack became bolder and bolder in his faith as the years went by. Sometimes, it inspires her. May mga oras naman na ayaw niyang marinig.

Ngayon, na-kalma siya nito. She was boosted again to hope. Sige, she'll trust God's timing again. Kahit papaano, hindi napapagod ang asawa niya sa kabibigay sa kanya ng mga ganoong klaseng encouragements na kung siya siguro, binatukan niya na ang sarili dahil paulit-ulit na lang siyang napu-frustrate, nalulungkot, naiinggit dahil hindi pa rin siya mabuntis-buntis.

And so, Blair continued to hope and hope... And hope. Jack continued to encourage her to never stop praying, to trust God's plans, to cry but never lose hope...

Pero kung buwan-buwan na lang ay laging negative ang pregnancy results, kung napapaligiran ka na ng mga taong mayroon ng pinapangarap mo at ikaw na lang ang wala, at kung palagi na lang na naririnig mong huwag susuko sa pagdadasal pero wala pa ring nangyayari...

Soon enough, Blair grew tired of waiting. That no matter how Jack would inspire her to keep waiting and praying, she was too frustrated and mad and sad to even listen to him...

One rainy day in September 2018, Blair felt that everything is hopeless. It's the day after her birthday. Kasabay nang pag-alala niya sa unang anak na hindi nagkaroon ng tiyansang mabuhay, mas tumindi ang kahungkagan sa puso na nararamdaman niya dahil lumipas na naman ang isang buong taon na hindi siya mabuntis-buntis. Uminom siya nang uminom. Nagpakalasing habang may inasikaso sandali si Jack sa trabaho.

Kaya't pagkauwi nito ay nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nakasiksik sa gilid ng pader habang nakakalat ang ilang pregnancy sticks na puro negative lahat ng results. Then there were also bottles of wine and other alcoholic drinks...

"Baby, what's happening? Did you get drunk? Do we have a problem?" maingat na tanong nito habang unti-unti siyang nilalapitan.

"I'm still not pregnant! I'm not pregnant! Bakit wala pa rin, Jack? Why can't we have a child?"

Lumuhod ito sa harap niya. "Babe..."

Sinubukan siyang abutin ni Jack ngunit pumiksi si Blair. "No, don't touch me! Paniniwalain mo na naman na may magandang plano ang Diyos at may hinahanda Siya para sa 'tin. Just tell me the truth! Alam mong parusa na sa 'kin 'to ni God, right? Dahil sabi mo, marami na Siyang ginawa for me. Tapos, ayaw ko pa ring mag-full surrender! This is my punishment, Jack! Galit sa 'kin ang Diyos dahil ayokong yumuko sa Kanya ng buo! Your God is power tripping me!" bulyaw niya habang humahagulgol.

"Trust God's time? Trust God's plan? Hay'an na naman tayo, Jack! Paulit-ulit! Paulit-ulit ka lang! I'm so sick of it! Sick of hearing you that it's okay to continue waiting. But not for me!"

Halata na sa buong mukha ni Jack ang pag-aalala. "Blair, let me hold you..."

"No! No!" Tinulak-tulak niya ito. "You're going to tell me na naman na it's okay. It's not, Jack! Sa 'yo siguro, okay lang. Pero sa 'kin, hindi! You know how much I want a child." Nasabunutan niya ang sariling buhok. "It's not okay, Jack. Kung walang problema kahit isa sa 'tin, bakit hindi pa rin ako mabuntis? Kasi si God ang humaharang, right? Ayaw Niya! Ayaw Niyang matupad ang pangarap ko! Do you know, Jack, how sad it is to fail again and again in reaching your dreams?!" palahaw niyang iyak.

Bumagsak ang balikat nito. "Blair, baby, let me hold you. Come to me..."

"No!" Marahas siyang tumayo at tinuro ang mga plaques at trophies ni Jack na nakuha nito sa nakalipas na mga taon bilang isang magaling na negosyante at publisher. Blair's proud of him. Lagi siyang kasama sa pagkuha ng mga awards na iyon ni Jack sa stage.

But not today... "Hindi mo 'ko naiintindihan, Jack! Because you always achieve your dreams! Lagi mong naaaabot ang mga pangarap mo. Habang ako, isa na nga lang ang pangarap ko, lagi pang failed. Lagi pang negative. Bakit ayaw ako bigyan ni God ng anak? Baka noon Niya pa 'ko ayaw magka-anak, am I right? Kasi hinayaan Niyang patayin ni Bridgette ang unang baby natin!"

"Blair, babe... Baby, let me hold you," pakiusap pa rin ni Jack. Nakatayo na rin ito at sinusubukang lumapit sa kanya.

Marahas na tinabig ni Blair ang lahat ng awards ni Jack. Nabasag ang mga plaque at nasira ang mga trophies. Napapitlag si Jack. Tinignan lang nito sandali ang mga iyon bago muling bumaling sa kanya.

"Blair, please..."

"Ayaw sa 'kin ni God! Ayaw niya sa 'kin!" Blair felt like she's a child all over, again. Ayan na naman, naririnig niya sa ulo ang mga boses... 'Yung lagi niyang naririnig na mga bulong sa kanya noong bata pa siya...

"Ayaw sa 'kin ng Diyos kasi kasalanan ako! My mother took advantage of my father. Anak ako sa kasalanan!" patuloy na hagulgol ni Blair. Napatakip siya sa tainga dahil lumalakas ang bulong ng mga boses na naririnig niya. Those voices, they are back...

"Kasalanan ako, Jack! God doesn't want me to have my one and only dream because I'm a sin! I'm dirty! I'm not pure! God doesn't want me to have a child. God hates me. He hates me!"

"That's not true, Blair. Walang totoo sa lahat ng sinabi mo!" Lumakas ang boses ni Jack. "Blair, hindi ka kasalanan. God doesn't hate you. Please, babe, let me hold you...

"I love you, Blair. Our child is coming soon. Believe me, God would bless us when it's the perfect time." Tagumpay na siyang nahawakan nito sa magkabilang braso.

Napatingala siya rito. Nakaramdam ng pagkahilo si Blair dahil sa tama ng alak sa sistema. "J-Jacquin... What if God knows I'm going to be like Bridgette in the future? Kaya ayaw Niya 'kong maging mommy?" natatakot niyang tanong.

Pumikit si Jack at kinabig siya ng yakap. "You're different, Blair. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. For now, let's continue to wait. Nandito ako palagi, Blair. Kasama mo 'kong naghihintay at nagdadasal para matupad na ang pangarap mo na pangarap ko na rin..."

Suminghot-singhot si Blair. Nagpatuloy ang mga luha niya sa pagbuhos. At ang mga boses sa isip, humina ngunit bumubulong-bulong pa rin.

Mas humigpit ang yakap sa kanya ni Jack at kinintilan siya ng halik sa sentido. "We're going to have children, I claim that in Jesus' name. You're going to be a mother, Blair. And I, a father. We're going to take a lot of family pictures. For now, tayo munang dalawa. Apat na taon pa lang na magkasama tayong walang gulo, walang umaalis, walang naiiwan... Maybe, God wants us to enjoy each other first. You are enough for me, wildflower..."

Mahina niya itong tinulak sa dibdib. Napayuko si Blair. "I won't be complete without a child."

"Blair, it doesn't make you any less of a woman if you're still without a child."

Umiling siya. Tumigil na siya sa pag-iyak. Tiningala niya si Jack. "Other women would be glad to hear that. But it's my dreams we're talking about, Jacquin. Hanggang sa wala akong anak, laging kulang. Laging hindi sapat!"

There's always going to be a hole inside her chest that she can't determine. It felt like, she'll only rest if she would get to hold her own child.

"Am I... not enough?"

Napaatras si Blair sa tanong ni Jack.

"Is waiting with me... not giving you enough happiness for now?" maingat nitong tanong. Diretsong nakatingin sa kanya ang malungkot nitong mga mata.

"I understand your doubt in my spiritual beliefs. I respect the time you need to learn more about the faith that I strongly hold onto. But... how about me being your husband? Am I not... enough to make you happy for now?"

It felt like Jack doesn't want to ask those questions, but he was left with no choice.

Napaiwas ng tingin si Blair. "Y-You're different, Jack... Having a baby is different..."

"Natupad na 'yung pangarap mong makapag-asawa ng magaling. Tapos na, nakuha mo na. So, wala ng thrill?"

Napasinghap siya at napatingala dito. "Jacquin! Ano bang sinasabi mo?"

Binitawan siya nito at matapang na sinalubong nito ang mga niya. "Am I not enough for you now? Na lagi ka na lang magwawala sa tuwing hindi ka mabuntis?

"Did you ever think of me, too, Blair? How it hurts me to see you so sad, frustrated, and too desperate like today, because I can't still give you a child?"

Napakurap siya.

Lumayo si Jack. "Okay, go ahead. Drink all you want. Lament all you want. Cry all you want. Pero mamaya-maya o bukas, kapag kalmado ka na, babalik pa rin tayo sa Diyos. Pag-uusapan pa rin natin 'to. And I'm always going to tell you that God has a plan and a purpose because He truly does. We're going to wait, again, on His timing. Dahil kahit magpaulit-ulit at magpaikot-ikot tayo dito ng usapan, Blair, hinding-hindi ko babawiin ang mga sinabi ko tungkol sa Diyos. Dahil iyon ang totoo kaysa sa mga pinaniniwala mo sa sarili mo."

Bago siya talikuran ni Jack ay nakita niya ang munting luhang pumatak sa mata nito. Tumalikod ito at diretsong umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto nila.

Naiwan si Blair na mag-isa sa ibaba. And when she was expecting to calm down from Jack's words, Blair felt more bitterness inside her. Lumakas na naman ang mga naririnig niyang boses sa isip.

Nakita niya ang mga nakasabit na paintings na may nakasulat na Bible verses. Kinuha niya ang mga iyon at basta lang binato sa sahig. Nang hindi pa nakuntento ay binuhusan niya ng alak iyon para masira.

Blair hated God so much for depriving her of the thing she wants most.

Nang hindi na alam ni Blair kung ano pang gagawin, kumuha siya ng papel at ballpen. Nagsulat ng mensahe para sa asawa.

Still a bit intoxicated, she went out from their little house in Monte Amor. Dala lang niya ang susi ng kotse at wallet...

***

Year 2023

BLAIR: Hi, babe! I sent to your email the OB's evaluation about my pregnancy. The baby is healthy. 7 weeks na!

Babe Jack: I'll check. Take a rest.

Blair: Yes, babe! I'll video call later pala, ha. Bago matulog si Santino. Aasikasuhin ko lang si Mama ngayon.

Babe Jack: Okay. Don't overdo it.

Blair: I love you!

Natawa si Blair nang nag-reply si Jack ng thumbs-up. Napailing-iling siya at tinapos na ang niluluto. When the food's ready to eat, she took it to her mother's room.

"Hello, Mama. Dinner's ready!" malambing niyang sabi pagkapasok ng kuwarto nito.

Hindi umimik ang kanyang Mama at nanatiling nakatingin sa TV. When Bridgette was still young, she loves taking videos using her video cam. Lahat ng recordings naitabi nito ng maayos. At nang napa-convert lahat ni Blair ang mga naipong video recordings ni Bridgette mula pagkabata nito sa ilang USB, lagi nang iyon ang pinanonood ng Mama niya.

"Mama, I cooked your favorite carbonara. May pineapple juice rin dito. Tapos, strawberry muffin for your dessert. Yummy, right?"

Ni hindi siya nilingon nito. Napabuntonghininga si Blair at inilapag ang tray sa bedside table. Umupo siya sa gilid ng kama.

Tahimik na yumakap si Blair sa Mama niya.

Forgiveness is indeed possible, only in Christ. When Blair finally found refuge in Him, nagawa niyang bitawan ang sakit at poot upang mas maging malaya na nang totoo.

Nang nakauwi na siya sa kanlungan ng Ama, at tinanggap ang kapatawaran ng Anak, pinalibutan si Blair ng Espiritu upang makapagpatawad at mahalin ulit ang kanyang ina.

It is indeed a miracle to forgive and still care for the one who deeply scarred you for life. But a supernatural kind of love—a radical love, was only possible if you truly believe in the one and only supernatural God.

Hindi pa rin gumalaw at umimik ang ina. "What are you watching, Mama?"

Pagtingin ni Blair sa TV ay napakurap siya. Oh, it was her on the TV! When she's still four years old! Very small, round, and plump!

"Mama, what is that?" little and fat Blair asked. Pointing her chubby finger at the camera.

"Mama's taking a video of you, baby. Your Papa can't watch your school performance. I will record it. So, he can still watch it in the future."

"I like that, Mama! Hi, Papa!" little Blair waved at the camera. "Papa! Look, I'm a pretty fairy!" Umikot ang batang Blair at iwinasiwas ang hawak na wand na may malaking star sa dulo. "When ka ulit mag-visit sa 'kin, Papa? Hindi na ako palaging sick!"

Napangiti si Blair sa napapanood. Pagtingin niya sa Mama niya ay nakatingin pala ito sa kanya!

"That's my daughter..." biglang sabi nito. "She's beautiful and sweet."

Napalunok si Blair. Ah, hindi na naman siya kilala ng Mama niya ngayon. "Really?"

Tumango-tango ito. Ngumiti nang tipid. "But I always made her cry because I'm not a good mother."

"I think, she forgives you." Hinaplos niya ang namumuti na nitong mga buhok.

"I want to give her a perfect home, a bright and big future... I want to give her the world, but I failed... It's sad..." bulong nito habang nakatingin pa rin sa TV.

"I failed her. It's sad..." ulit nito. "It's sad to fail as a mother. Hindi ko kasi namalayan, naipasa ko na pala sa kanya lahat ng mga sugat ko...."


***

Connect with me ❤️

Official FB Pages: FGirlWriter & C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Patreon: FGirlWriter

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 54.1K 48
No sane woman can resist the fast-rising actor, Julius September. Though commitments aren't his thing, when a pregnant Yuna comes and asks for his he...
1M 29.6K 42
He's all danger, scarred and bruised. I found myself in, I fell in love with a monster.
10.3K 1.2K 20
06/13/2023 - 06/16/2023
320K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022