Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

864K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 48

8.8K 661 127
By FGirlWriter

Hi! Thanks for waiting this long. 

A little life update: After my complicated dental problem, I'm finally healed. Also, starting next week, I'm a full-time writer! Yey! I don't know if where this will lead me (actually, may plans naman hehe) but I'm still going to ask for your support as I start my freelance writing journey.

I'm going to update most of the time, kaya sana makasama ko pa kayo hanggang sa ending ng Good Riddance. I know lagpas one year na 'tong on-going, but thank you for always patiently waiting. <3 Hindi na tayo mabibitin ng matagal for the next updates.

For those who were asking, until Chapter 60 pa po ito. Thank you! See you on the next update! God bless!

-FGW


***

Chapter 48:

Silence and Signs

"MA'AM Blair, magpahinga muna kayo. Kanina pa po kayo nagbabalat ng mais. Baka po mag-alala na naman ang senyorito."

Nilingon ni Blair ang nagsalita. "I'm okay, Manang. Nakaka-87 na corns pa lang naman ako."

Nanlaki ang mata ng matandang namamahala sa mga bagong tabas na mais. Tinuro ang kamay niyang nagsisimula nang mamula. "Ma'am!"

Blair just chuckled and continued peeling the newly harvested corns. Masyado lang maingat ang mga tauhan sa kanya dahil alam ng mga itong asawa siya ng "senyorito". Pero araw-araw naman niyang ginagawa iyon.

For the past three months she's living in Monte Amor—specifically in Hacienda Salamanca, she got bored eventually. Wala siyang mahanap na pagkakaabalahan. Kaya minsan, nang makita niya sa tapat ng bahay ang mga dalagang nagbabalat ng mais, naisip niya, kaya niya rin sigurong gawin iyon.

And yes, she could! Nakaka-arm exercise pa siya dahil may kasamang puwersa ang paghihiwalay ng mais sa balat. Pagkatapos ay tatanggalan nila ng mga hibla. Ibebenta ang mga iyon sa merkado o kalapit na mga bayan ng Monte Amor. Kung maramihan at malakihang export, iba naman ang process para roon.

"Kapag naka-200 ako today, may 400 pesos ako," nakangiting sabi ni Blair kay Manang.

"Ma'am, ano naman pong gagawin niyo sa 400 pesos?" singit ng dalagang katabi niya.

Nagkibit-balikat lang si Blair at pinagpatuloy ang pagbabalat ng mga mais. Nangangati at medyo mahapdi na nga ang mga kamay pero nasanay na yata siya. Okay na 'tong pampalipas ng buong maghapon kaysa hihintayin niya si Jacquin na matapos sa trabaho.

"Hindi ka ba binibigyan ng pera ng senyorito, Madam?" singit ng isa namang dalagita, na katorse pa lang pero nagtatrabaho na para sa pamilya nito at pag-aaral.

"Hindi," ngisi niya.

Pero bakit naman kasi ito magbibigay kung lahat ng kailangan at ipabili niya ay binibili na nito? Sobra pa sa kumpleto ang mga gamit at pagkain nila sa bahay. Tuwing Linggo rin, pagkatapos nilang magsimba, pupunta sila sa country mall sa kabilang bayan at hinahayaan siya nitong mag-shopping ng kahit ano.

"Pero hindi naman po madamot ang senyorito, hindi ba po?"

"Of course not. He provides in a different way. He's very generous."

"Lagi ngang bago ang damit niyo, Madam! Ang ganda-ganda niyo po palagi. Bagay kahit ano..."

"Thank you," ngiti niya sa mga kasamang dalaga.

"Baka hindi kayo binibigyan ng pera, Ma'am, kasi baka gamitin niyo para umalis-alis nang wala ang senyorito," biro ni Manang na tinawanan ng mga nakarinig.

Nakitawa si Blair sa mga ito. Exactly!

But anyway, Blair has access to her personal money online. Ibinigay naman ni Jack sa kanya ang karapatan sa perang namana niya. At may iba-iba pa siyang resources ng pera. Marami talaga siyang pera, wala lang cash!

Nang naka-100 na mais na si Blair ay huminto muna siya saglit at uminom ng tubig. Tumitig siya sa ekta-ektaryang maisan. Malapit nang lumubog ang araw at nakikita niyang ang ibang tauhan ay naghahanda na sa pag-uwi.

Si Jack din siguro pauwi na. Sa munisipyo pa ito pumupunta para makapagtrabaho ng maayos araw-araw. Kamag-anak ni Jack ang Mayor ng Monte Amor. Kaya't nakapag-renta ito ng maliit na opisina roon.

Mas malakas kasi ang signal ng internet sa bayan. It's a challenge for Jack to manage the publishing company online. May mga trabaho at meetings na hindi nakukuha ng calls lang sa cellphone kaya kailangan na talaga nito ng full internet access.

Pero sino ba kasing CEO ang malayo sa kompanyang pinagta-trabahuhan? Minsan, naaawa si Blair at gusto na lang pabalikin si Jack sa mga responsibilidad nito sa Manila. Dati, ayaw niyang paalisin ito, pero mukhang ayos naman na siya sa Monte Amor. Naka-adjust na siya. She was able to settle and mingle with people.

Puwede na siyang maiwan kumbaga. Tapos, umuwi na lang ito sa kanya kapag hindi abala sa trabaho. Marami namang mag-asawa na ganoon ang set-up. They have the privilege and resources to live that way, too.

"It's not practical," Jack disagreed when she opened the topic once.

"We should live within our means. Hindi pa natin kaya ang weekly na uwian from Manila to Cebu. We're not that rich, Blair."

"I'm rich! Gusto mo, araw-araw ka pang umuwi ng Manila to Cebu! I will shoulder that."

Pinisil nito ang magkabila niyang pisngi. "Babe, I know you could spend that much. But it doesn't mean you should. I don't want to compromise my health, also. Imagine going from Manila to Cebu, back and forth, weekly or every day?"

She pouted. Ah, right.

"Pupunta lang ako sa Manila kapag may mga bagay na kailangan ng presensiya ko. At kapag pupunta ako, sasama ka. Hindi kita iiwan dito."

Naikot niya ang mga mata. "Hindi naman kita tatakasan habang wala ka!"

Kumunot ang noo nito. "I'm not thinking about that. But since you mentioned it, mas lalong nadagdagan ang rason ko para isasama talaga kita kahit saan ako magpunta."

"Why? What's your main reason ba sa pagdadala rin sa 'kin sa Manila once you need to go there?"

"So, you could visit your family. Sina Tita Bella, your nephew Noah, your brothers... You even mentioned that Venice is coming home soon. Dahil buntis?"

Oo nga pala. When Blair turned on her phone, again, ang unang message na natanggap niya ay galing kay Venice. Sa lahat pala ng social accounts niya ay nag-message ito sa kanya na buntis ito at gustong sorpresahin si Kyle sa pag-uwi nito. May mga tinatapos lang ito sa Amerika para hindi makalabag sa mga kontrata nito bago umuwi.

"Kung uuwi na si Venice, kailangan mo na ring sabihin ang totoo sa kanya. We can't continue to pretend we're not married, right?" mariing sabi ni Jack kahit maamo lang ang ekspresyon.

"I will tell her, alright? Pero kasi, babe, buntis siya. Baka ma-stress sa life story ko!"

Si Jack na ang mukhang stressed. Napahilot ito sa sentido. "Blair, just tell her about us. Eventually, the other things that you need to tell her, pwedeng unti-untiin."

That's how the topic about his work shifted and ended.

"Madam, bakit sa maliit na bahay lang po kayo nakatira ng senyorito? Bakit hindi po sa mansyon?" tanong ng dalagita. Siguro dahil bata at ngayon lang naging komportable sa kanya, nagtatanong-tanong na.

"Dalawa lang naman kami ng husband ko, eh. We don't need a mansion. We're planning to buy a land and build our own big house, though. Soon." Kapag maayos na ang mga bagay-bagay at nakapagdesisyon na talaga sila kung saan magse-settle down.

Hindi lang maiwan ni Jack ang Cronica pero may plano pa rin silang pumunta ng US at tignan kung mas maayos bang doon na lang silang dalawa.

"Madam, hindi po ba kayo napapagod lagi dito sa maisan?"

"Oo nga, Ma'am Blair. Baka hindi kayo magka-baby ng senyorito dahil lagi ka pong nagta-trabaho rito!" ani Manang.

Hindi pa sila magka-baby ni Jack dahil hanggang sa ngayon, wala namang nangyayari sa kanilang mag-asawa.

Blair still has a problem in the intimacy department. If it's still related with Wade and her abusers, she needs to go back to Dra. Alicante...

Bumalik si Blair sa pagbabalat ng mga mais. "Don't worry, I'm just entertaining myself. Wala kasi akong skill or talent kaya wala akong ibang alam na trabahong gawin."

"Nako, Madam! Ang galing niyo nga pong sumayaw! Ang lambot po ng katawan niyo," hagikgik ng dalaga sa tabi niya.

"Really?" Natutuwa naman si Blair! May good results din pala ang pole dancing class niya dati. "You said that, ha. Magaling ako sumayaw."

"Magaling po talaga kayo, Madam. Nang makita namin ang pagsayaw niyo sa kasal nina Don Samson at Ma'am Raquel, hindi na namin maalis ang tingin sa inyo. Sayang at mahiyain ang senyorito, hinila agad kayo paalis."

Natawa si Blair. Nagpakasal noong nakaraang buwan si Raqi sa Monte Amor. Hindi dapat siya invited pero ayaw ni Jack na hindi siya kasama. So, in-invite siya ni Don Samson kahit nag-a-attitude si Raqi. Tahimik lang naman sa isang tabi si Blair habang kasama si Celest at ang mga bata. Pero may naging maliit na problema pagdating ng reception.

Raqi and her husband should perform a swing dance for their visitors. Pero biglang sumama ang pakiramdam ni Raqi, kaya't para maisalba ang dance number at hindi mag-alala ang mga bisita, Blair offered to dance on their behalf. Dinamay niya na si Jack.

The swing dance turned out great although improvised! Pinalakpakan si Blair ng mga tao habang nahihiyang nagpapasalamat si Jack. So, mukhang good points siya kay Raqi. Hindi na siya sinusungitan after that. Pero hindi pa rin siya kusang pinapansin.

"Totoo po, Madam! Ang galing niyo pong kumembot! Kakaiba pumitik ang baywang mo, Madam!"

"Nako, Ma'am Blair! Nasayawan niyo na po ba ang senyorito? At nang magka-baby na?" tukso ni Manang.

Nagtawanan ang mga kababaihan. Napahagikgik si Blair at tinuloy na ang ginagawang pagbabalat.

Nakalubog na ang araw nang matapos siya sa target na 200 na mais. Binayaran sila isa-isa at pagkatapos ay umuwi na rin si Blair. Wala pa si Jack pagpasok niya ng bahay kaya't katahimikan ang sumalubong sa kanya.

She turned on the lights and the electric fan. Umupo siya sa sofa para magpahinga at pinikit ang mga mata.

True enough, silence does not necessarily mean peacefulness. Puwedeng tahimik lang ang labas pero walang kapayapaan sa loob.

Naririnig ni Blair ang sariling paghinga at unti-unting dinilat ang mga mata. Agad na bumungad sa kanya ang naka-frame na painting ng mga daisies. Tapos ay may bible verse na nakasulat doon;

"Bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone.

Forgive as the Lord forgave you."

-Colossians 3:13

Blair sighed and closed her eyes, again. Parang nanadya talaga si Jack na iyon ang isabit sa living room area nila. Kaya naman, araw-araw, nababasa niya iyon kahit ayaw niya.

Forgive as the Lord forgave you...

Mas napapikit si Blair nang mariin at naalala ang araw na nagkasakit siya months ago...

"It's your mother who found you there."

Nanlaki ang mga mata ni Blair. Nakaramdam siya ng panghihina at pagkahilo dahil siguro may lagnat pa rin siya. But she managed to punch Jack's chest.

"That's impossible! Bakit mapupunta dito si Mama?! Jacquin, stop kidding me!"

Hinuli nito ang mga kamay niya at pinigil siya. "Blair, I don't know either. Walang paliwanag si Tita Bridgette. Habang hinahanap kita, nakita ko siyang lumabas ng mansyon at nanghihingi ng tulong dahil inaapoy ka na agad ng lagnat."

"No, Jack! Imposibleng si Bridgette!" Napailing-iling siya. She would never consider her mother doing a good thing for her. "B-Bakit wala ang mga bodyguards ko?"

Sandaling hindi nakasagot si Jack. He sighed after. "Pinatanggal na ang mga bodyguards, Blair. You're safe..."

"Hindi pa!" Naubo siya nang sumakit ang lalamunan sa pagsigaw. "H-Hank and Wade could be together now and planning something against me!"

Umiling-iling ang asawa. "That's not happening, Blair. Wala nang mananakit sa 'yo." Siguradong-sigurado ang tinig ni Jack na gusto niyang magtaka kung bakit ganoon ito kakampante.

Subalit napapikit ng mariin si Blair nang pumintig ang sentido. "Hindi puwedeng si Mama ang tumulong sa 'kin... W-Walang ginagawang tama si Mama, Jack!"

Blair started to cry. Her head wouldn't stop from aching, and she couldn't breathe properly. Jack hastily relieved her. Pinapakalma siya nito sa pamamagitan ng paghaplos sa likod at pagsabay sa paghinga niya.

Nakatulog ulit siguro siya dahil nang buksan niya ang mga mata, nakasubsob siya sa dibdib nang asawa habang hinihintay siguro nito ang paggising niya.

"Mas bumaba na ang lagnat mo," bulong nito, mabait na nakangiti habang nakatunghay sa kanya. Bahagya itong bumangon habang inaalalayan ang ulunan niya. Maayos nitong naipatong ang ulo niya sa unan.

"I will give you a sponge bath and change your clothes. Okay?" paalam nito.

"Okay..." mahinang sambit niya. Wala pa siyang sapat na lakas pero naramdaman nga niyang hindi na ganoon kabigat ang ulo niya. Pinainom siya ni Jack ng tubig para matanggal ang panunuyo ng bibig at lalamunan. Mas nakakahinga na rin siya ng maayos gamit ang ilong.

Lumabas ng kuwarto si Jack at pagbalik ay may dalang maliit na palanggana at bimpong pamunas. Siya na ang kusang bumangon para tanggalin ang damit.

"Did I catch a bad cold?" she asked in a raspy voice.

"You did. But it's under control now. Hindi ka naman kailangang dalhin ng ospital. Once, I thought you caught pneumonia. Pero hindi naman daw sabi ni Kuya Izaak at ni Tita Bri—" Kusang tumigil si Jack at tahimik na pinagpatuloy ang pagpupunas sa katawan niya.

Nanghihinang umangat ang gilid ng labi niya. "Totoo pala talagang nandito si Mama?"

Jack sighed. "The truth is, I know you don't want to see her, so, I asked her to leave when you were settled and brought back here. Pero..."

Napatingala siya rito. "Pero?"

Tinignan siya ng asawa sa mga mata. "Nang paalis na siya, bigla mo siyang tinatawag habang natutulog ka. At nang nagdeliryo ka, tinutulak mo 'ko at tinatawag ang Mama mo..."

Napalunok siya. So, it was not a dream...

"Hindi ko na muna pinaalis si Tita dahil lagi mo siyang hinahanap..." pagtatapos ni Jack sa paliwanag. Sinuotan siya nito ng malinis at mas preskong damit. Pagkatapos ay ang mga hita at binti naman niya ang pinunasan nito.

"When... did she leave?"

"The moment you went stable and your body temperature's slowly wnet down. Alam niyang magagalit ka kapag nakita mo siya. She voluntarily left before you could wake up."

"N-Nandito pa ba siya? Sa Monte Amor?"

Umiling si Jack. "She said, she needed to continue finding something. Wala daw siyang nahanap dito kaya umalis na siya. She, honestly, didn't know that we're here in Monte Amor."

Hindi alam ni Blair kung relief o panghihinayang ang nararamdaman. Pero bakit naman siya manghihinayang na hindi niya naabutan si Bridgette?

Napailing-iling si Blair. "I'm not myself when I'm sick."

Sumulyap sa kanya si Jack pero hindi umimik.

"Si Papa ang tinatawag ko noon kapag may sakit ako. But since he's dead, maybe I just called my mother out of... habit since I was a child. Si Mama na ang tinatawag ko noon kapag alam kong imposibleng puntahan ako ni Papa."

Tumango lang si Jack.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "I hate my mother, Jacquin."

Tumango ulit ito. Nagpapatuloy sa pag-aasikaso sa kanya.

"You don't believe me..." Tinulak niya ito palayo sa kanya. "You don't believe me!"

Jack patiently sighed and looked at her. "I understand your hate, your anger, your pain... But I can also see the love you still have for her. You don't have to convince yourself and to convince me. It's okay, baby. It's okay to still love the unlovable. It's okay..."

"It's not! It's not! It's toxic! It kills you! No love should remain for the people who made you suffer! No love should be given to the people who hurt you intentionally! Over and over! Forgiveness should not be an option!"

"But you forgave your father."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jack. Binawi ni Blair ang kamay. Parehas silang nagulat ng asawa.

Napalunok siya. "Ikaw kasi! I told you not to compare them! Iba si Papa..."

Hinaplos ni Jack ang nasaktang pisngi. Kalmado pa rin ito ngunit gumuhit ang sakit sa mga mata.

Inatake naman ng guilt si Blair. Hindi dapat si Jack ang sumasalo ng galit niya. "I'm sorry, you keep using Papa against me..."

Tahimik na umupo sa gilid ng kama si Jack. "Before your father died, you told me the same things."

She bit her lip. Paulit-ulit na sinasabi nito iyon...

"I'm not using him against you. I'm reminding you. Dumaan ka na sa parehong sitwasyon noon, Blair. Your father reaching out, but you continued to ignore. Now, your mother was doing the same. And you're responding the same..." maingat ang tono ni Jack. "At anong nangyari nang mamatay si Tito Santino? You were wrecked so bad, Blair. You grieved and regretted so hard for not forgiving early. So hard you turned to hardcore drinking and drugs."

Gulat na napabaling siya rito. Natulala siya sa likod nito. "J-Jack..." Alam... Alam nito iyon?

His shoulder started to shake. Narinig niya ang mahina nitong pagpipigil ng luha. "Blair, please. You don't have to lie to me. You hate your mother because she's horrible. You hate Hank and Wade because you once trusted and treated them as your real friends. Nasaktan ka kasi mahal mo sila. It's understandable. At hanggang ngayon, mahalaga sila sa 'yo. It's okay. You don't have to act hard in front of me. I know you, Blair. I know your heart."

"I'm not the fifteen-year-old girl anymore, Jack!"

Nilingon siya nito. "But you're still Blair. You love deeply!"

Umiling siya. "Mahina ang Blair na iyon! Mahina!" Umiling nang umiling. Sinubukan siya nitong abutin ngunit puro hampas at sampal ang binigay niya rito.

"I love how you love, wildflower. No matter how this world hurts you, you still love. Walang sayang sa pag-ibig, Blair. Kahit hindi mo nakuha pabalik, kahit nasaktan ka, kahit walang nakaintindi..."

Slowly, Blair stopped from hitting and shoving him away. Her tears quietly flowed from her eyes. Pabalik-balik sila sa usaping ito, at ganitong-ganito rin palagi ang kanyang reaksyon at emosyon...

Matagumpay na siyang naabot ng asawa, walang ininda sa lahat ng natamo nitong pisikal na sakit. Jack kindly and patiently smiled at her as he held her inside his arms.

He gently wiped her tears away.

"Nakita ko. Nakikita ko, Blair... Nakikita ko ang pag-ibig mo sa kanila. At hindi ka mahina," masuyong bulong nito. "Hindi mahina ang nagmamahal."

It takes a lot of courage for Blair to finally admit to herself that her anger and vengeance were only her defense mechanisms... for all the disappointments and pain she experienced from the people she loved.

She was so drawn to revenge and chose to break Jack's heart over and over before, right? She was so damn sure her life's ruined, at ayaw niyang madamay si Jack. Ngunit palagi na lang... palaging kung kailan tanggap niya nang sira na ang lahat, magbibigay pag-asa ang presensiya ni Jack para maayos iyon.

Ilang beses nang pinatay ni Blair pero laging binubuhay ni Jack ang pag-asa.

Tiningala niya ito at hinaplos ang nasampal niyang pisngi nito. "I'm sorry..."

Pumikit ito at pinagtama ang mga noo nila. "You're always, always forgiven, wildflower."

If Jack's hope and light is Christ, then let her see more. Let her see until she can fully believe.

Nang magaling na siya ay hindi pa rin siya sumubok na makipag-usap sa ina. Pero minsan, nako-consider niya na sa isip iyon.

Forgiveness... Of course, she wanted to try that. Nang magsimba sila ni Jack, nanalangin si Blair. Hindi niya sinabi kay Jack pero nanghingi siya ng "signs" na madalas ay nababasa niya sa mga libro.

Although Tita Bella mentioned years ago that God don't answer in "signs" most of the times, sumubok pa rin si Blair.

She asked for just two signs.

First, God should show her someone who curses the Lord suddenly became a believer. Right in front of her eyes! Dapat 'yung hinding-hindi niya aakalain na tatanggapin pa ang Diyos. She wanted to witness it in the flesh!

Second, God would allow her to hug Santino, again. Hindi sa panaginip. Dapat sa totoong buhay. Since God is powerful as all of the believers proclaimed, then He could do a miracle like that!

The first sign, reasonable. The second sign, impossible, right? But if these happens, Blair will surrender her life to Jesus. Fully. No more doubting. No more questions!

And she'll forgive.

Ibinalik ni Blair ang isip sa kasalukuyan at tinignan muli ang painting.

Forgive as the Lord forgives you...

Huminga siya nang malalim at hinila ang sariling maligo at magpalit ng damit. Para pagdating naman ni Jack ay fresh siya. Nag-text ito kanina na mag-uuwi daw ito ng hapunan, huwag na siyang magluto.

After taking a bath, she wore a very pretty dress. Spaghetti strapped, pure white, and flowy. Nagmumukha siyang innocent and virgin! Mukha siyang alay ng mga kulto.

Natawa si Blair mag-isa sa naisip. Habang nagsusuklay, sinubukan niyang mag-check ng emails sa phone. Nakakasagap naman siya ng data signal kaya may access pa rin siya sa internet kahit mabagal at mahina.

Ang karaniwang bungad ng email niya ay si Ninong Aalto, nangangamusta. But Blair froze when she saw an email from a familiar company—her company.

Si Hank at Wade ang namahala noon pero lagi siyang kasama sa desisyon. Kapag ayaw niya, hindi gagawin nina Hank at Wade sa kompanya. Kapag gusto niya, ang mga ito ang gagawa ng paraan para maging posible iyon sa kompanya.

She was young, studying in college, and since she acquired so much from tearing down Bridgette's companies, naisip nina Hank na magtayo ng kompanya para sa kanya. Hanggang sa tinuruan din siya ng mga ito kung paano ang pagdedesisyon at kung paano patatakbuhin iyon...

Blair learned a lot from them.

Pero dahil sa nangyari kay Wade at sa galit ni Hank, nagkawatak sila at inangkin lahat iyon ni Hank. Pinatalsik siya nito sa sarili niyang kompanya...

But now...

From: SDBC Skin Development Company

Subject: Leadership Position

Good day, Ms. Delos Santos. We would like to inform you that Mr. Hank E. Silverio recently withdrew his position as chairman of the board and CEO of the company.

Mr. Silverio transferred his 49% shares under your name. Your 2% percent share together with Mr. Silverio's decision acquired the majority share of 51%, making you the highest shareholder of SDBC Skin Development Company, again. Under the law of our good office, the highest shareholder will automatically be the Chairperson of the Board and President of SDBC...

Huminto sa pagbabasa si Blair nang marinig ang pagdating ni Jack. Pinatay niya ang cellphone at pinatong lang sa side table. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan.

"I bought your favorite spaghetti, babe," salubong agad sa kanya ni Jack, nakangiti. Parang hindi pagod mula sa buong araw na online meetings nito.

She smiled back. "Thank you, babe!" Kinuha niya ang paperbag dito na galing sa nag-iisang restaurant sa Monte Amor. Masarap ang mga pasta doon at lagi nilang binabalikan. Dinala niya iyon agad sa kusina.

Habang inililipat sa malinis na plato ay naramdaman niya ang halik ni Jack sa kanyang pisngi.

"May problema tayo?" tanong agad nito kahit wala naman siyang sinasabi! Hinding-hindi talaga siya makakapagtago kay Jack kahit five minutes lang.

"Wala naman..."

Pilit nitong sinasalubong ang mga mata niya. "There's something bothering you?"

Napalunok siya. "Ahm, r-remember what you told me last week?"

"About Wade Armedilla?"

Sumuko sa awtoridad si Wade at inako ang lahat ng kasalanan nito at ng mga "pinatay" na kaibigan. Nagsampa ng kaso si Kuya Bari. Tinanggap lahat iyon ni Wade.

The families of her abusers became silent, also. Walang kahit anong sinampang kaso laban sa kanya, kahit kay Kuya Sandro pa!

Gusto daw siyang makausap ni Wade kahit sa harap ng maraming pulis bago nito isalaysay ang buong nangyari. But Blair refused because it might trigger her once she saw and hear him, again.

But what Hank did...

"At b-binalik ni Hank sa 'kin ang kompanya... Buo..." halos hindi mabigkas ni Blair ang mga salita. She hates a part of her that's becoming softer, again... A part of her that remembers how Hank and Wade took care of her while on revenge...

"B-Bakit nila ginagawa 'to ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Why... why are they giving me back what they have taken away from me? For repentance? Para mapatawad ko sila?"

Wade just cleaned her name and reputation.

Ibinalik ni Hank ang kompanyang minsang naging simbolo na natalo niya si Bridgette, na napaghiganti na niya ang anak. Iyon ang kompanyang gusto niya sanang ipagmalaki sa ama bago ito namatay.

But it was an honest company, authentic to the consumers... It developed a trusted skin care brand, locally. Walang nakaalam na siya ang may-ari niyon. There were rumors but Blair wanted to keep a low-profile. Yet that company gave her glory, a boost of confidence... A proud moment where Blair can truly say she's a true Delos Santos, because she's a good businesswoman, too.

Humugot ng hininga si Jack bago marahang pakawalan iyon. Kasama sa hangin ang pasensya at pag-intindi nito.

"Do you want to go back and face them?"

"Nananahimik na tayo dito, Jack..."

"Hindi ko naman sinabing hindi na tayo babalik dito. Maybe it's time, Blair."

Nagsalubong ang mga kilay niya at bahagya itong tinulak. "Time for what?"

"Time to stop running away."


***

Connect with me ❤️

Official FB Pages: FGirlWriter & C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Patreon: FGirlWriter

Continue Reading

You'll Also Like

11.9K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
687K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...
1M 29.6K 42
He's all danger, scarred and bruised. I found myself in, I fell in love with a monster.
320K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022