Still the One

By dannananana

1.3K 105 3

Bestfriends? Lovers? Bestfriends turned lovers? Wehhh? Baka nga. Or not... More

Excerpt
-Ryched 1-
-James 1-
-Ryched 2-
-James 2-
-Ryched 3-
-James 3-
-Ryched 4-
-James 4-
-Ryched 5-
-James 5-
-Ryched 6-
-James 6-
-Ryched 7-
-James 7-
-Ryched 8 & James 8-
-Ryched 9-
-James 9-
-Ryched 10-
-James 10-
-Ryched 11-
-James 11-
-Ryched 12-
-James 12-
-Ryched 13-
-James 13-
-Ryched 14-
-James 14-
-Ryched 15-
-James 15-
-Ryched 16-
-James 16-
-Ryched 17-
-James 17-
-Ryched 18-
-James 18-
-Ryched 19-
-Nathan 19- (woo! special chapter din with POV ni Nate!)
-James 19-
-Ryched 20-
-James 20-
-Ryched 21-
-James 21-

-Shaun 19- (woo! special chapter sa POV ni Shaun)

4 0 0
By dannananana

  Glasses. Check.

  Uniform:

    White shirt, polo, underwear, shorts, gray pants, white socks (not necessarily in that order ang pagkakasuot). Check.

    Tuck-in. Check.

    Shiny black shoes. Check.

    ID. Check. 

       Lace under collar. Check.

  Backpack. Check.

  Laman ng backpack: 5 books para sa subject ngayong araw: check; 2 novels na binabasa ko: check; 5 notebooks, at may 1 extra notebook: check; 6 ballpen (2 red, 2 blue, 2 black) at 6 pencil and a sharpener: check; pad papers (yellow pad, intermediate pad, 1/2 lengthwise, 1/2 crosswise, 1/4 paper) : check; rulers, compass, protractors: check; reviewers: check; correction fluid: check; payong: check. Kumpleto pala lahat ng gamit ko.

  Wallet. Check. Laman ng wallet: dalawang P500, limang P100, limang P50, limang P20, walong P10, sampung P5, at benteng P1. Sabi kasi ni Mama dapat daw magdala ako lagi ng P2, 000. Pera at barya daw. Di ko alam kung bakit pero sinusunod ko na lang din.

  Cellphone. Check. Load: ay post-paid nga pala ako. Kaya, check.

  Watch. Check. Anong oras na ba? Hala! Sa kaka-check ko sa gamit ko, di ko namalayan na 6:15am na. Male-late ako neto. Dadaanan ko pa si Ryched. Kailangan ko ng lumakad. Ay! Yung roses pa pala. Ok na. Ready na ako.

*naglalakad na papunta kela Ryched si Shaun*

  Dahil 6:15am na, makakarating ako kela Ryched ng mga 6:40am. Kung ready na sya pagdating ko, makakaalis din kami agad at maaabot ang school at approximately 6:53am. Kaya pa. Abot pa. Di pa kami late neto.

  Bakit 25 minutes ang lakad ko papunta kela Ryched? Ang totoo kasi nan, di talaga kami parehas ng daan ni Ryched papunta ng school. Galing sa school, mas mabilis ako makakauwi pag sa left ako dumaan. Kaso sa right ang daan ni Ryched kaya sinasamahan ko na sya. Pagkagaling sa bahay nila Ryched,  maglalakad pa ako hanggang sa susunod na kanto para kumanan at maglakad pabalik sa amin. So bale, parang umiikot pa ako pauwi imbes na derecho na lang. Ok lang. Wala namang problema sakin yun.

  Di ko ba alam kung bakit nung first day nagsinungaling ako kay Ryched at sinabing parehas kami ng daan. Siguro kasi after a long time, ngayon na lang ulit ako namangha. Namangha ulit sa babae. Namangha ako kasi kahit nakikita kong hindi nakikinig si Ryched sa mga klase, kapag nagku-quiz, halos magkaparehas kami ng score, minsan nga mas mataas pa sya eh. E ako, lagi akong nakikinig. Naga-advance study pa nga ako eh. Nung isang araw, tinanong ko sya kung pati din ba sya naga-advance study, sabi nya hindi. Lalo akong namangha. Tanda ko din nung first day nya, recite sya ng recite. Natuwa ako. Bukod sakin, halos wala ng ibang nagre-recite eh. Star section na yan ha. Kaya kahit marami akong lapis, nanghiram pa rin ako sa kanya para lang makausap sya at makipagkilala. Nung after lunch break nga eh, tapos di sya nakapunta sa English, nag-alala ako. San kaya sya napunta nun. Talagang hinanap ko sya. Tapos nung nakita ko sya sa library, di ko napigilan sarili ko at natawa ako. Natutulog kasi sya. Di ko nga alam kung gigisingin ko ba sya o tititigan na lang (ok, medyo creepy to kaya ginising ko na lang sya). Gusto ko nga din sana na ako na lang maging tutor nya sa Physics eh. Kaso ang dami kong extra-curricular activities eh. Bakit ko ba kasi tinanggap ang pagiging President ng The Blahnian Green Project(gardening club) at ng Blah Blah Black Sheep (support group para sa mga Blahnians na tinuturing na Black Sheep sa pamilya nila). E di naman ako marunong sa garden at di naman ako tinuturing samin na black sheep. Kung wala lang siguro yun, baka ako na tutor ni Ryched ngayon at di na si Nathan. Hay, si Nathan. Ano na nga ba nangyari samin? Dati naman bestfriends kami. Parehas pa nga kaming pinanglalaban sa mga quiz bee eh. As a team pa nga madalas eh. The Unbeatable Duo. Pero natalo ang friendship nung 3rd year. Dahil lang sa isang..

  Ui, ayun na si Ryched. Hayy, ganda talaga.

"Good morning Ryched!"

"Ui, Shaun! Good morning din. Medyo natagalan ka ata ngayon ah. Dati naman maaga ka."

"Ha? A, kasi tinanghali ako ng gising."

"Ahh, ok. Pati pala ikaw tinatanghali ng gising. Haha."

"Oo naman. Tao lang din naman ako eh."

"Sorry naman. Tara, lakad na tayo."

  Gusto ko na sana ibigay tong roses sa kanya. Kaso nahihiya ako. Gusto ko din sya i-ask na maging date sa Basket Ball kaso pano kung may date na sya? Hindi. Siguro wala pa. Bukod sakin, si Nate lang naman ang isa nya pang kakilala na lalaki sa Blah Blah Academy eh di naman nag-a-ask ng date si Nate eh. Either ako pa papatanong nya o kaya sya lalapitan ng babae. Di ko ba alam, eh mas gwapo naman daw sya sakin. Sabi nila yun ha. Heartthrob si Nate sa school eh. Ay nandun din si James na pwedeng date ni Ryched. Pero matapos nung ginawa nya, I doubt na papayag si Ryched. At nasa Batangas si James eh, pano nya naman matatanong si Ryched. Ay, may fb pala. Pwedeng dun nya tanungin si Ryched. Ok. Panic mode na ako.

*nakarating na sila sa classroom nila* 

"Ryched!"

"O, Shaun, bakit?"

"Ah, kasi eto may dala akong--"

"Hi Shaun!"

  Si Gabby. Yung 2nd honor namin. Ano naman kaya itatanong neto sakin. Lagi kasi syang nagtatanong tungkol sa mga lessons eh mukha namang gets na nya.

"Hi Gabby."

"Shaun, congrats pala sa pagkapanalo mo sa quiz bee ha. Ang galing galing mo talaga."

"Ah, e, maraming salamat Gabby."

"Sige Shaun, iwan ko na muna kayo ni Gabby para mag-usap."

"A, Ryched saglit lang. Eto kasi may--"

"Ui! May roses ka pala Shaun. Kanino mo ibibigay yan?"

"Ha, a, ano kasi, para kay ano to--"

  Bakit mukhang nage-expect si Gabby na sa kanya ko ito ibibigay? E para kay Ryched to.

"Wag ka na mahiya Shaun. Bigay mo na kay Gabby!"

  Epal naman tong si Joy na bestfriend ni Gabby oh. Panira ng diskarte.

"Di ba Ryched? Dapat ibigay na ni Shaun kay Gabby yung roses?"

"Ha, a, oo. Para parehas na tayong may date sa dance Shaun."

  Haaaa?! May date na si Ryched sa Basket Ball? Whew. Buti na lang nalaman ko na bago ko pa ibigay tong bulaklak.

"Ah, eto Gabby oh. Para sayo tong roses."

"Talaga Shaun?! Baka naman napilitan ka lang ibigay sakin to."

"Ha? Hindi ah. Gusto ko talagang ibigay sayo yan. Tatanong ko nga din pala, Gabby, will you be my date sa Basket Ball?"

"Whaaat?!? Yes! Of course Shaun I'll be your date. I've been waiting for this moment simula nung 1st year pa lang tayo! *niyakap ni Gabby si Shaun*"

"Hehehe. Thanks??"

"*umalis na sa pagkayakap tapos hinawakan sa kamay si Shaun* Tara Shaun. Pagusapan natin magiging outfits natin. Dapat matching color tayo."

  Matching color? Ano ba naman to. Tiningnan ko si Ryched pero nakangiti lang sya sakin. Para bang ine-encourage ako na makisama na lang. Di ko pala talent ang pagsisinungaling Ryched ha. Tingnan mo nga oh, napapaniwala ko si Gabby na gusto ko talaga syang maging date. At napapaniwala kita na hanggang kaibigan lang tingin ko sayo.

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 285K 65
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
575K 4.9K 28
Written by: 4reuminct Gwy Saludes.
8.7K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...