Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

862K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 43

10.1K 704 225
By FGirlWriter

Chapter 43:

Push and Pull

HALOS hindi makatingin si Blair kay Jack pagkatapos humupa ng lahat.

It's the first day of the new year and everything was calm outside that early morning. But not inside her head. Hindi na niya naririnig ang mga mala-demonyong boses, pero may matitinis na tinig na sinisisi siya.

Nasaktan niya ang asawa. Ngayon, pisikal na. She's the worst wife ever!

"Blair... Babe, I'm fine now..." soothed Jack. "Hindi naman ganoon kalalim ang ilang kalmot at sugat. Wala lang ito."

Umiwas si Blair nang aabutin siya nito. Kanina pa niya iyon ginagawa. Natatakot siya sa kanyang sarili. What if she can't control herself again once Jack touched her? What if masaktan niya na naman ito?

Lagi na lang itong nasasaktan sa kanya, nasasaktan sa mga bagay na wala naman itong kinalaman...

She kept her hands together. Pinagsalikop niya at idinidiin sa kanyang hita para hindi makapanakit.

Jack sighed and sat in front of her, leaving a safe distance between them.

"Do you still hear their voices, baby? Can you remember anything now...?" maingat na tanong nito.

Umiling si Blair. She can't still remember anything, actually. She just heard the voices, the evil laughter. Iyon lang. Hindi kaya nang nangyari iyon ay natutulog din siya?

Blair shivered as she even fantasized about doing it with Jack. What are the odds that she was molested or raped, or both, while sleeping because of the drug? That she was half-conscious?

"I already called Dra. Alicante. She'll call us back once she's available for an online session..."

Hindi na umiwas si Blair nang mas lumapit si Jack pero nanatiling hindi siya nito hinahawakan. The truth is, she wanted to be held by her husband. Gusto niyang magpakulong sa mga yakap nito pero natatakot siya sa sarili ngayon. Jack is not safe with her.

Jack was never safe when with her...

Kahit nanatili siyang nakayuko, kabisado niya ang itsura nito pagkatapos nilang umiyak. Ginamot ni Jack ang sarili dahil kumpleto ito ng first aid at mga kagamitan sa apartment.

May kalmot ito sa noo, sa magkabilang pisngi, at pati na sa leeg. Muntikan pa ang sa mata nito...

The minor scratches were healed after an hour or two. Ngunit kita pa rin ang marka. Ang ibang kalmot sa leeg nito, nagsugat-sugat.

Pero 'yung malalim at nagdugo pa ng sobra ay malapit sa may kaliwang pisngi nito, doon mismo sa dimple nito... Ngayon, may malaking square gauze si Jack sa parteng iyon ng mukha nito. Awang-awa si Blair sa asawa.

Jack does not deserve this. Jack's gentle and handsome face was now scarred all over. Anong ipapaliwanag niya sa mga biyenan pagkauwi nila sa susunod na linggo? At saka magagalit na naman si Raqi...

"This is not your fault, Blair," masuyong bulong nito. "Mali ang ginawa ko. I'm sorry..."

"I w-was the one who told you to d-do that," napapaos niyang sabi. "I thought I'd be a-aroused. Wala kang kasalanan, Jacquin. Pinagbigyan mo lang ang kalokohan ko... Pinagbibigyan mo na nga ako pero... Pero..."

"It's not your fault."

Tumingala na siya rito "Nasaktan kita!"

"It's not your fault. You were triggered. I shouldn't have touched you... I'm so sorr—"

"No! No, Jacquin! Don't apologize! You're my husband. Ako ang nag-convince sa 'yo. Ikaw lang puwede gumawa sa 'kin niyon. Ikaw lang ang papayagan ko! Ikaw lang ang pinayagan ko!" Sumisigaw na si Blair. "Kaya 'di ko alam bakit inakala kong ikaw sila! I was not in my right mind! Nababaliw ako! Baliw ako, Jacquin!"

Umiling ito. Nanatiling kalmado para sa kanya. "It's not your fault, Blair. It was a natural response..."

"No! My natural response when you touched me shouldn't be like that! I should enjoy it! I fantasized about it! With you, Jack! I only want you to do it! Ikaw lang ang gusto ko pero nasaktan pa kita!"

Pumikit ito. "Babe, calm down... It's not your fault. You're still in trauma."

Umiling-iling siya. "I was able to make love to you after our wedding! Bakit hindi ngayon? Bakit wala akong nararamdaman? Nang mayroon naman na, palpak pa! Hindi ko maintindihan, Jack!" Napasabunot si Blair sa sariling buhok at napaluklok sa sahig.

"I cannot understand! I love you, I want to feel you! But I only hurt you! I hurt you, Jack! What if you touch me, again, and I'm just going to hurt you, again?!"

Lumuhod si Jack sa tabi niya. "Blair..."

"Huwag ka na lang lumapit sa 'kin! Maghiwalay na lang tayo! I'm fucked up! I'm damaged!"

Nahabol bigla ni Blair ang hininga nang parang nagsasara na naman ang lalamunan niya. Nakagat niya ang dila at hindi na makapagsalita pa.

Napansin agad ni Jack iyon at mabilis siyang binuhat at inupo ng maayos. May kinuha ito sa sidetable, nandoon na agad ang gamot pampakalma at isang basong tubig. Agad nito iyong napainom sa kanya. Muntik pang masamid si Blair dahil sa tingin niya ay hindi niya malulunok ang gamot.

Hinaplos-haplos ni Jack ang kanyang likod. Ang isa pa nitong kamay, nakapalibot sa baywang niya.

"It's not your fault, Blair. Wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan..." paulit-ulit na bulong nito hanggang sa umepekto ang gamot.

Nakakahinga na ulit ng maayos si Blair pero nanatili siyang walang imik at mas nanghina.

Pinatay na ni Kuya Sandro ang mga lalaking iyon... Pero wala pa ring katahimikan para sa kanya. Hank was still trying to twist her truths and make her look like the one at fault...

Hank was always telling her she'll never be happy...

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at tinignan si Jack. Nakatingin din ito sa kanya at iniwas niya ang mga mata rito. Ang benda at mga marka ng kalmot niya sa mukha nito ang pinagtuunan niya ng pansin.

"Sa tuwing magkalayo tayo, masakit..." Napalunok siya. "Pero kapag magkasama tayo, sandali lang ang saya kasi masakit na ulit... Whatever I do, whether I push or pull you, it hurts you."

"Huwag kang magsalita ng ganyan," saway ni Jack, tumitigas na ang tinig.

"What's less painful, babe?" Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "With or without me?"

Tumigas na rin ang buong mukha nito. He was like ready for defense. "May balak ka bang layuan ako dahil lang sa nangyari ngayon?"

Parang lasing ang pakiramdam ni Blair. Siguro dahil sa gamot. Inangat niya ang kamay sa mukha nitong pulos sugat. Tapos ay hinaplos niya ang benda, napapiksi ito. Mahapdi pa rin iyon...

"I'm dangerous, Jacquin..."

"Pain is bearable when I'm with you, Blair! Don't try to push me away!"

Nabasag ang pagkakalmante nito.

"But you always survive without me..."

"Because I always have hope that we'll be together again. Lumalaban ako para makabalik sa 'yo, Blair."

Pumikit siya at lumayo rito. But Jack didn't let her. Pagdilat niya, para na itong galit na batang ayaw bumitaw sa paboritong laruan. Salubong ang kilay at matalim ang titig sa kanya.

It's still their anniversary... She can't break-up with him in their wedding anniversary...

"Huwag na huwag mong isiping hiwalayan ako, Blair," pagbabanta nito.

Napakurap siya. Paano nitong nalaman ang iniisip niya?!

"Kapag tinulak mo ako palayo ngayon, mahihirapan ka nang pabalikin ako."

Napalunok siya. He's so sexy when he threatens her like that.

Nais niya itong sunggaban ng halik pero wala siyang sapat na lakas at... Kapag ganito bang galit si Jack, marahas itong manghalik? Marahas siyang hahapitin? Itutulak nang madiin sa kama, pupunitin ang mga damit niya...

Napapikit si Blair nang mariin. Her sexual fantasies... They are disgusting, almost cruel... It was not romantic at all. Katulad sa pantasya niya habang natutulog...

Nanginig ang buo niyang katawan. Biglang lumambot sa pag-aalala ang mga mata ni Jack.

"Huwag mo 'kong iiwan, Blair. Please... Malalagpasan natin 'to. Hihintayin at ipagdadasal nating gumaling ka."

"Paano kapag nasaktan kita ulit? Mas mabuting huwag mo muna akong hahawakan o lumayo ka na lang..."

"I won't touch you or anything, basta magkasama pa rin tayo..."

Tinitigan niya ito nang matagal. Kaya ni Jack ang hindi siya hawakan kahit magkasama sila?

Napababa ang tingin niya sa braso nitong nakahapit sa kanya. Mukhang nakuha nito ang gusto niyang iparating.

Dahan-dahan, lumayo ito sa kanya. Sumandal si Blair sa backrest ng sofa at pinikit ang mga mata. Mahihirapan din siya, panigurado...

"Since we tried again, ang dami ng unfair sa 'yo..."

"I don't even care as long as I have you."

Napabuga siya ng hangin. "Ang unfair..." Napalunok siya. "You don't deserve this."

"Take a rest. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano hanggang sa hindi mo nakakausap si doktora. Please? Please, say a little a prayer, too..."

Naramdaman niyang tumayo si Jack. Lumayo pero hindi naman lumabas ng apartment. Naririnig niya ang kalansing ng mga kagamitan sa kusina. Maghahanda na siguro ito para sa tanghalian...

"You don't deserve me..." aniya na siya lang ang nakakarinig, habang nakatanaw sa likod ni Jack.

Alam niyang ayaw nitong naririnig sa kanya ang mga salitang iyon pero kahit ganoon, iyon pa rin ang totoo. No matter how much he assures her, this relationship is still difficult for someone as good as him.

Hindi ito ang iniisip niyang gagawin nila for their wedding anniversary. Pero wala na, nasira niya na ang maganda sanang araw nila! This is their first time to celebrate after six years, but it was worse than those years that they were apart!

God, I know You are listening. This is unfair. You're just unfair to me and Jack. We deserve to be happy together, not like this!

Tinawag siya ni Jack nang magtanghalian. Tamad na hinila ni Blair ang sarili at mabibigat ang mga paang humakbang palapit sa hapag.

Hindi siya nakakaramdam ng gutom. But Jack prepared a delicious baked spaghetti with toasted garlic bread. There's even a very expensive, signature wine for them to enjoy.

Tinignan niya si Jack. Pero napayuko rin siya nang makita ang mukha nito. She still felt guilty for scarring such an innocent face.

"I know you're not in the mood anymore to celebrate. But I just want you to know that I'm still happy we're together. Again. And I want more anniversaries with you, wildflower."

Parang pinipiga-piga ang puso ni Blair. Gusto niya rin naman, eh. Gustong-gusto niya rin...

She thought that love could brave all the fears that comes along the road. But what if, siya mismo ang mahina? Baka umabot silang mag-asawa sa puntong makita pa ni Blair kung paanong hirap na hirap si Jack sa pag-aalaga sa kanya... Masakit na makitang nagtitiis ito dahil panigurado, susubukan nitong huwag dumaing at umangal...

Katulad ngayon, wala siyang narinig na kahit anong daing mula sa mga tinamo nitong kalmot at sugat. May hangganan lang ang isang tao... Ayaw niyang sagarin si Jack...

Imbes na isatinig ang mga nasa isip ay tumango at pilit na ngumiti si Blair kay Jack. Ayaw niyang masayang ang effort ng asawa na isalba ang araw na iyon.

Jack said the graces before they started to eat together. He put an effort to strike a normal conversation. Blair just went with the flow. Pero hindi niya maiwasang, matahimik na lang minsan sa kalagitnaan nang pinag-uusapan nila.

Halatang-halata kung paanong pilit binubuhay ni Jack ang araw na iyon...

Patapos na sila sa tanghalian nang tumunog ang doorbell. Sabik na tumayo si Jack at nakangiti pang nagpaalam sa kanya saglit.

Pagbalik nito, napasinghap sa gulat si Blair nang may dala na itong isang basket ng fresh daisies. White and yellow oxeye daisies... May maliliit na ribbon at heart balloon pa na kasama sa loob ng basket. Then, a stuffed toy. It's a pink pig with fluffy daisy petals around its face.

"Happy anniversary, Blair..."

Totoong napangiti na siya at tinanggap ang regalo nito. Mabilis niyang niyakap ang stuffed toy at inamoy-amoy ang daisies. "Thank you, babe..."

Mukhang gusto siya nitong yakapin at halikan pero nakapagpigil si Jack. Umupo na lang ito sa tabi niya at pinanood ang pag-e-enjoy niya sa mga regalo nito.

Kahit papaano, nakalimutan ni Blair ang mga negatibong iniisip. Parang batang ayaw bitawan ni Blair ang laruan at mga bulaklak buong araw. Umidlip siya sa hapon na katabi ang mga iyon. At nang dumating ang gabi kung saan ka-Skype na nila si Dra. Alicante ay dala-dala niya pa rin ang mga regalo ni Jack.

"It's an expected reaction, Blair. You came from a traumatic experience. Naipaliwanag ko na ito sa 'yo noon," Dra. Alicante patiently explained. "Your sexual fantasies, your violent response... They are both a trauma response. Linggo-linggo nating binabalikan at hinahalukay ang mga nangyari, Blair. And it's your first time to be intimate with someone, again, after all these years."

Diretso lang ang tingin ni Blair sa laptop screen at nakikinig nang maigi sa sinasabi ng doktor. Nasa likod niya lang si Jack at tahimik lang din sa pakikinig.

"Bakit po noon..."

"Iba ang response mo noon dahil pilit mong iniignora at sinisisi ang sarili mo sa nangyari. Actually, you didn't consider yourself a victim before. Pero hindi ba ay gusto mong magpakalayo-layo noon? Iwanan nang lahat dito? You married your husband to be able to do that, right?"

Napalunok siya.

"That was your response to the incident before. Kung tatanungin mo ako kung bakit wala namang problema nang nag-honeymoon kayo, dala din marahin ng labis na kasiyahan sa pagpapakasal niyo ni Jacquin, kaya't normal kang tumugon noon bilang asawa niya.

"But that was just once, right? After that, Hank triggered everything back."

Malungkot siyang tumango.

"Your medication for the past years helped you to respond properly to everything that wasn't processed carefully before, Blair. I already told Ysabella years ago, that more responses or triggers would likely happen if you began to have a partner. Positive or negative responses, we don't know."

So...

"Am I a bother to my wife's medication, doktora?" Jack asked before she could. Kahit hindi siya lumingon rito, parang nakikita niya ang lungkot sa tono pa lang nito.

Tumikhim ang doktora. "Noon siguro nang nag-uumpisa pa si Blair ay oo. Maraming mga bagay na siya lang ang mag-isang dapat maghilom...

"After years of therapy, she was able to cope up with her other issues like grief over her baby, her father, her grandparents, and even Blair's horror when she witnessed her mother attempted suicide twice. Hindi niya alam noon na nakasugat din sa kanya ang pangyayaring iyon."

Blair sighed heavily.

"Ngayon, ayos lang na nandyan ka, Jacquin. Lalo na para sa development ng kaso. You can help Blair overcome some things that therapies can't. Can I talk to you separately if you have time?"

"Yes, doktora."

"You, too, Blair. Once you came back here in the Philippines, we'll continue your individual sessions, again."

Napayakap nang mahigpit si Blair sa stuffed toy.

"Blair, are you sure what happened earlier didn't trigger back the memory of the incident?"

Umiling siya. "I just heard voices, doktora. Now, I can't even remember what exactly was said... It felt like a hallucination now."

May parang sinusulat ito habang nakayuko. "What did Jacquin do while you're sleeping?"

Napalunok siya. She narrated what she can remember and what she felt. Nakalimutan niyang kasama niya pala si Jack kung hindi niya lang ito narinig na bumuntonghininga sa likod niya.

"Was it your idea, Blair?"

Tumango ulit siya.

"Would you like to try it, again?"

"No!" magkasabay pa nilang sambit ni Jack. Ayaw niya na! Kahit may paliwanag na at malinaw na sa kanya ang inakto, ayaw niyang masaktan pa ulit si Jack.

Nagkamali pa ng hinala ang mga bodyguards niya kanina dahil sa pagsigaw-sigaw niya. Paano kung nabaril talaga si Jack?

She shivered at that thought. Hindi niya makakaya iyon. She needs to talk to Ivan. Hindi puwedeng ihilera ng mga ito si Jack bilang threat katulad kina Hank at Bridgette!

"Did you have another sensual thought after what happened, Blair?"

"Y-Yes..." pag-amin niya.

"What?!" pabulong na bulalas ni Jack sa likod niya. Parang naiinis pa.

Humarap ng diretso sa camera ang doktora. "What is it, Blair?"

Ngayon, dama niya na ang diin nang titig sa kanya ni Jack mula sa likod.

"Nagagalit kasi siya kanina... I just wondered what if he'll roughly fuck me because he's angry? Will he tear my clothes off? Choke me?"

"Blair!" Galit na si Jack sa likod niya. Na-e-eskandalo na yata.

"From your past, was he ever that rough to you?"

"No. He's passionate but not to the point that he can hurt me. Jack is always considerate as a bed partner."

"How about your ex-boyfriends? Were they ever rough to you?"

Napakurap si Blair. Bigla siyang nailang dahil nandyan ang asawa. Ang tagal niyang hindi makasagot.

"Go on," Jack whispered. "I won't mind."

Napapikit siya. "Y-Yes, doktora... A couple of my ex-boyfriends were aggressive."

"Did you like it?"

"No."

Tumango si Dra. Alicante. "But you like Jacquin to do it now. This can be a trauma response, too, hija..." anito habang may sinusulat.

"He's always an exception to everything, doktora. Kung sasaktan ako ni Jack ngayon, siya lang ang papayagan ko na hindi ako aangal. Hindi ako maghihiganti. Kung papatayin niya nga ako ngayon, hindi ko siya mumultuhin!"

"Christeena Blair!" saway na ni Jack sa likod niya.

Lumingon siya rito. "I know it's brutal, but that's my truth!"

Napatikhim si Dra. Alicante. "Blair, Jacquin... please calm down. I advise to be more careful when you get intimate. Hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam sa atin kung ano ba talagang eksaktong nangyari kay Blair. We're still discovering what are the things that can trigger her. At ang nangyari kanina sa inyo ay isa na roon."

"Yes, doktora..."

Marami pang ipinaliwanag at ibinilin sa kanila ang doktora bago natapos ang dalawang oras na session.

Nakaramdam nang pagkahapo si Blair pagkatapos. Sa dami ng sinabi ng doktora, isa lang ang tumanim kay Blair, she got to get aware of her thoughts. She got to catch them and acknowledge her response to a trauma that she can't barely remember.

More so, if she can risk getting intimate with Jack, again, it could help her. Help her to retrieve the incident, maybe. Not a hundred percent sure... Ganoon din kung babalik sa normal ang gana niya sa pakikipagtalik...

Pinagmasdan niya si Jack na inaayos ang kama para komportable niyang matulugan.

Napalunok siya at napatitig na naman sa mga sugat nito sa mukha... She can't...

She can't risk to heal while Jack might suffer...

"Sa sofa na lang ako matutulog," aniya rito. Nakapagpalit na siya ng pajamas at yakap niya ang pig stuffed toy.

Napahinto si Jack sa pag-aayos ng kama at napatingin sa kanya nang matagal. May dumaang emosyon sa mga mata nito pero pumikit ito.

Jack sighed. "Dito ka na. Ako na lang doon."

"B-But this is your bedroom..."

"Sleep here. I'll sleep on the sofa," pinal nitong sabi.

"I'm sorry," bulong niya habang kumukuha ito ng kumot at unan na gagamitin.

"Stop apologizing just because you cope and heal differently, baby."

Napalunok siya. Nasa isip niya ay mas mabuting hindi muna sila magtatabi. Para lang safe ito.

Because she's really tired mentally, she was able to fall asleep without Jack by her side. Pero panatag pa rin siya dahil nasa sofa lang naman ito sa labas. Niyakap na lang nang mahigpit ni Blair ang ibinigay nitong stuffed toy.

Pagkagising niya kinabukasan, wala na siyang gana kumilos o ano pa man. Matiyaga na lang siyang dinadalhan ni Jack ng pagkain at kinukumusta habang nakahiga lang siya sa kama buong araw.

Natulog lang nang natulog si Blair. Hindi masyado umiimik.

"I'll just go out for a while," paalam ni Jack kinabukasan ng umaga. "Nagpapatulong lang ulit si Athena at Stephen sa kompanya habang nandito pa 'ko..."

Tumango siya. Mas mabuting may ibang ginagawa si Jack habang hindi siya functional.

"Please, don't leave me while I'm gone."

Wala naman siyang ganoong iniisip. "I won't."

"Okay." Lumuhod ito sa gilid ng kama para magpantay ang mga mata nila. "Do you want anything? Bibilhin ko..."

"I'm okay. Just... be home safe. And behave."

Medyo napangisi ito. "Behave?"

"May kasama kang maganda..." Tinago niya ang ibabang parte ng mukha sa likod ng yakap na stuffed toy.

"Mas maganda ka, babe." Akmang hahaplusin siya nito pero binawi agad nito ang kamay. Jack just kissed the stuffed toy where she's hiding her lips.

Pagkaalis ni Jack, nag-isip-isip si Blair. Hindi naman puwedeng ganito na lang sila hanggang sa gumaling siya...

"Kapag tinulak mo ako palayo ngayon, mahihirapan ka nang pabalikin ako."

Nakagat niya ang ibabang labi. Matagal pang nakahiga si Blair bago niya pinilit ang sariling tumayo para makaligo. Hindi siya nakaligo kahapon kaya dapat makaligo na siya ngayon.

Habang nakalublob sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig ay kinuha niya ang iPhone at nagbukas ng Facebook. Ang dami palang bumati sa chat ng Happy New Year sa kanya. Mula kay Venice, kay Ninong Aalto at Nala, pati kay Patricia at Tita Bella.

Matiyaga siyang nag-reply sa mga ito. Pagkatapos ay nag-scroll scroll siya sa News Feed.

Patricia posted a picture of Noah being carried by Kuya Sandro while in the jail's visitor area. Mukhang hindi alam ng kapatid niya na kinuhanan ito ng camera dahil abala ito sa anak.

The caption: The boys and their own world together. Praying for a more peaceful new year.

Nag-post din si Tita Bella ng picture kasama si Kuya Bari. Tipid ang ngiti ng kapatid niya habang nakayakap dito si Tita Bella.

New Year with my dearest love! the caption said.

Mahigit isang daan ang Likes niyon. Tapos ay maraming comment.

Patricia Delos Santos: Happy New Year, Mama and Kuya! We love you!

Agatha Monteverde: Happy New Year Auntie and Kuya Bari! See you sa family reunion!

Charles Lyndon Ditangco: Auntie, sugar daddy mo po yan? >:)

Johann Lawrence Anderson: Pakilala mo naman po kami sa sugar daddy mo, Auntie Bella! Hahaha!

Blair chuckled at his brother's cousins' quirky remarks. Wala siyang pinsang buo kaya hindi niya alam ang pakiramdam nang nakikipabiruan ng ganoon.

Sandali lang nag-enjoy si Blair dahil ang sunod niyang nakitang post ay mula sa account ni Nala. Napahinto siya nang makita ang picture na p-in-ost ng bata.

Built a snowman with Ninang Bridgette. Thank you for visiting me this holiday! I love you so much, Ninang!

Nakaupo sa snow ang Mama niya habang kandong nito si Nala. Nakangiti ang dalawa kahit halatang nilalamig ang mga ito. There's a small snowman beside them.

Napalunok si Blair. Her mother never built a snowman with her before. She was always busy with work...

"Pathetic," naibulong niya sa sarili. There's no sense getting jealous. Wala naman na siyang pakialam sa ina. At mas ayos ngang maganda ang trato nito sa anak ni Ninong Aalto. Nala is innocent and craving for a motherly affection.

Sana matutunan na talagang maging nanay ni Bridgette kung ano mang intensyon nito sa pakikipaglapit sa anak ng Ninong Aalto niya. Blair wished the intention was pure since the two are best friends and sometimes, lovers.

Although, her mother's character remains inconsistent, as always. Bridgette was very consistent at being a complex woman. Akala ba nito ay hindi niya alam kung anong ginawa nito recently kina Tita Bella at Bari?

Kung hindi lang nagsumbong sa kanya si Vivien at luhaang umalis ang babae, hindi niya pa alam na hindi pa pala tapos sa paghahasik ng lagim si Bridgette sa pamilya ni Santino. Wala na ang kanyang ama pero ganoon pa rin ang ina...

Nag-log out na lang si Blair dahil tuluyan nang sumama ang timpla niya. May iba pa siyang problema at wala siyang ganang idagdag pa ang ina sa mga alalahanin.

Pumikit siya at hinayaan ang sariling ma-relax sa tub. Siguro hindi pa siya aahon kung hindi niya narinig si Jack na kadarating lang at hinahanap siya.

"Blair? Blair!"

"I'm here!" agap niya dahil mukhang nataranta agad ito base sa tono ng boses.

Bumukas ang pinto ng banyo.

"Bakit ang bilis mo lang?" nagtataka niyang tanong. Kinuha niya ang sponge at sinimulan niyang kuskusin ang katawan.

Iniwas nito ang tingin. "Wala naman akong planong iwan ka nang matagal dito..."

"Wala kang tiwalang hindi ako aalis."

Napalunok ito. "I'll wait for you outside." Sinara na nito ang pinto.

She let out a heavy sigh and finished her bath as fast as she can. Siguro kalahating oras pa ang lumipas bago siya makaharap kay Jack na nakaayos na.

Hanggang sa huling araw ng bakasyon nila ay ganoon lang sila. Wala na siyang ganang mamasyal. Blair was usually asleep or reading books. Si Jack, lumalabas-labas saglit para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin nito.

Si Athena ang naghatid sa kanila ni Jack sa airport nang pauwi na. Nagprisinta daw ito bilang pasasalamat sa lahat ng tulong ni Jack sa business ng mga ito.

"It's sad I was not able to bond with you, Blair. Sana pagbalik mo rito o pagbisita ko sa Pilipinas, makapag-spend time tayo together," mabait na sabi pa nito sa kanya.

Ngumiti lang si Blair at tumango. She felt like bitching, pero wala namang ginagawang masama si Athena.

"Thank you, Athena. We better get going," nakangiting paalam ni Jack sa kaibigan. "Call me if you need help, again."

"Aabalahin talaga kita, Jacquin! I'll see you around. Have safe flight!"

Tinitigan ni Blair ang dalawa at napaka-normal lang talaga ng body language ng mga ito para sa magkaibigan. Hindi naman na siya naghihinala. Pero ang ganda, hinhin, at bait pa rin ni Athena... Bagay kay Jack.

Sa eroplano pauwi ng Pilipinas, nasa first business class sila ni Jack kaya talagang hindi sila magkatabi. May tig-isa silang small private cubicle sa eroplano. Hindi pa rin siya hinahawakan o hinahalikan nito. Laging nakaalalay pero katulad ng dati, alam nito ibigay ang sapat na distansya para sa kanya.

Madilim na nang mag-landing ang eroplano sa Pilipinas. May sumundo sa kanilang mga bodyguards at diretso na silang umuwi sa tinitirhang condo ni Blair.

She was so exhausted from the flight, kahit na natulog lang naman siya buong oras na nasa himpapawid sila at gumigising lang kapag inaaya siyang kumain ni Jack o kaya ay lumilipat sila ng connecting flight.

Tinanggal lang ni Blair ang suot na rubber shoes, denim jacket, at mom jeans bago nag-dive sa kama.

Pumikit na siya at hinayaan na lang muna ang paligid. Naalimpungatan siya sa kalagitnaan ng gabi. Naka-ayos na siya sa kama habang natatakluban ng comforter.

Nahigit niya ang hininga nang makita si Jack na sa sahig natutulog! Naglatag ito doon ng manipis na kutson na galing siguro sa kabilang kuwarto. May isang unan at comforter din ito...

Napabuga siya ng hangin at marahang inabot ang pisngi nitong may malaking marka ng kalmot. Iyon ang nakabenda at natuyo na pero halata ang marka. Baka mag-peklat iyon. Napaungol si Blair. Jack does not deserve to have that scar forever. He will always be reminded of their failed attempt to have an intimate anniversary... and her violent response...

"I'm sorry, I love you..." bulong niya bago bumalik sa pagkakahiga at pinilit ang sariling matulog.

Kinabukasan, naunang nagising si Jack dahil una itong babalik sa trabaho. Siya ay sa susunod pang linggo papasok.

"Babe, huwag kang matulog sa sahig mamaya. Bakante naman ang kabilang kuwarto at mas komportable roon..."

Tahimik na tumingin ito sa kanya habang kumakagat ng wheat bread. Hindi ito nagsalita hanggang sa tumango na lang sa sinabi niya.

For that week, Blair cleaned the condo all by herself, went to her therapy session twice, resumed to her pole dancing class, and attended a church event for women. Habang ginagawa niyang lahat iyon ay naka-distansiya sila ni Jack sa isa't isa, physically. Pero hindi nawawala ang pag-aasikaso nito katulad ng paghatid-sundo nito sa kanya sa pupuntahan kahit may pasok pa ito, pagsisigurado kung nakakain na ba siya ng maayos, at pagpapadala ng mga text message na may "take care" at "I love you".

Their "lambingan" or "clingy" moments were gone since the start of the year, though. Nahihirapan si Blair pero mas safe na ganoon muna sila...

"Chrisee! Happy New Year! Napahaba yata ang vacation leave mo, ah?"

"Uy, wala ka bang bagong porma diyan? Taon-taon, pa-manang ka nang pa-manang, ah?"

"Naku, sige ka, Chrisee! Baka ipagpalit ka ng asawa mo."

Eh, ang mga ito kaya ang palitan niya sa kompanya ng asawa niya?

Blair gave them a sarcastic smile. "Kayo? Kailan pa kayo magbabago? Taon-taon, pagaling kayo nang pagaling sa pangingialam at pagtsi-tsismisan, ah?"

Akala siguro ng mga ito ay nagbibiro siya dahil nakuha pang magtawanan ng mga ito. Can't they hear the sarcasm? 'Yung isa, hinampas pa siya sa braso. Ah, feeling close?

"Mrs. Valleroso, in my office, please," malakas na tawag ni Jack mula sa opisina.

Nahinto bigla sa pagtatawanan ang mga babae.

"Yes, Sir..." sagot niya at saka tinapos ang pagta-time in.

Paalis na siya nang hinila siya no'ng lider sa tsismisan.

"I-o-orient ka lang muna namin, Chrisee," bulong nito.

"Huh?" Orient saan?

"Si Sir Jacquin parang nagbago bigla... Last week pa lang pagbalik niya, parang tumahimik si Sir. Hindi masyado kumikibo at hindi na nakikihalubilo."

"Parang ang lungkot nga, kasi hindi na rin siya nakikipagkuwentuhan pagkatapos ng mga department meeting. Kahit lunch break, may trabaho."

"Ngumingiti pa rin naman siya. Nakikitawa rin kapag may nagbibiruan, pero parang... matamlay?"

"Baka stressed sa bahay nila? Baka na-stress sa misis niya? Napansin niyo 'yung parang mahabang kalmot sa may pisngi hanggang dimples ni Sir?"

"Nag-away kaya sila ng misis niya?"

"Kawawa naman si Sir Jacquin!"

"Galingan mo ang pag-assist kay Sir Jacquin, Chrisee, ah! Nako, sana hindi na madagdagan kung ano mang pinagdadaanan ni Sir ngayon. Huwag mo siyang bigyan ng stress."

Si Blair ang na-stress pagkarinig niya sa sinabi ng mga ito!

Nang makapasok siya sa pribadong opisina ay nakasubsob na si Jack sa lamesa nito, kabi-kabila ang mga binabasang papel.

"Please, photocopy this file immediately. Two copies each page, back to back," utos agad nito sabay abot ng isang makapal na folder. "Thank you."

Maingat niyang binaba muna ang mga gamit at saka sumunod agad sa utos nito. Nang matapos ay bumalik siya sa loob ng pribadong opisina at nakasubsob pa rin si Jack sa seryosong trabaho. May tina-type na ito ngayon sa computer nang pinatong niya ang mga papel sa lamesa nito.

Tumikhim siya. "Ipagtitimpla kita ng kape... May iba ka pang gusto?" She softly asked him.

Tumingala ito sa kanya. Matagal na nakatitig lang.

"Jack..."

He blinked. "I'm good with just coffee, thank you."

Naglakad na siya papunta sa small pantry nito. While preparing his coffee, Blair could feel the difference of not having Jack's usual sweet touches and light kisses now. Pero dapat kayanin niya...

Bumalik siya dala ang kape. Ipinatong niya iyon sa harap nito. "Mag-uumpisa na 'ko magtrabaho, kapag may kailangan kang iutos, sabihan mo lang ako..."

Tumingin ulit ito sa kanya at tumango. Nang ngumiti ito ay saka niya napansin ang sinasabi ng mga ka-opisina sa labas...

Matamlay at walang buhay ang mga ngiti at mga mata ni Jack ngayon.

Nahihirapan na rin siguro ito sa sitwasyon nila. But if she'll let Jack touch and kiss her again, what are the odds that she wouldn't hurt him like the last time, again?

What are the chances that she won't be drawn too much and ask him, again, to do something kinky with her? Tapos ay siya ang mananakit sa dulo?

Takot na takot na si Blair na masaktan ito ng ganoon ulit. Paano kung hindi na lang kalmot sa susunod?

Seryoso si Jack buong araw sa trabaho kaya nagpaka-abala na lang din si Blair. Hindi sila masyadong nag-iimikan kundi lang may iuutos ito. During lunch, Jack joined the Delos Santos Corp. executives for a luncheon meeting. Siya naman ay mag-isa lang na kumain sa opisina nito.

The remaining hours of the day, nagtrabaho lang ulit sila ng tahimik. As usual sa uwian, nauuna siyang lumabas at naghihintay sa basement parking para kay Jack.

Another whole week had passed na ganoon lang silang mag-asawa. Blair started to feel unmotivated, too. Pero dapat hindi, dahil nagawa niya naman ng normal ang mga bagay na ginagawa niya bago pa bumalik si Jack sa buhay niya...

O mas mahirap ngayon dahil nandyan ito at magkasama sila pero hindi normal ang mga kilos nila?

That Sunday, after they went to church, Blair faced Jack, bravely.

"Umuwi ka na lang muna sa inyo, Jacquin."

Napakurap ito at napahinto sa pagsisilbi sa kanya ng pagkain. "What?"

"For a moment lang naman..." She bit her lip. "Don't worry, I still love you. I just think, less awkward lang para sa 'tin kung maghihiwalay na lang muna ulit tayo ng tinitirhan..."

Napakariin ng titig sa kanya ng asawa. Napabuga ng hangin si Blair.

"Babe, I know you can understand me..." lambing niya rito.

Napatuwid ito ng upo. "Blair, naiintindihan ko kung ayaw mong magpahawak, magpayakap, o magpahalik. Kung ayaw mong magtabi muna sa kama...Ginagalang kong lahat iyon. Pero ang pabalikin ako sa bahay at iiwan kitang mag-isa dito, I see no point. Mag-asawa tayo."

"H-Hindi ba mas madaling magpigil kung magkalayo tayo—"

Pinisil nito ang pagitan ng mga mata. "Babe, I know what you're trying to do. Don't save me from anything. Mahirap ang sitwasyon natin ngayon pero hindi natin kailangan maghiwalay!" His voice is now pressed with frustration.

Umiwas siya ng tingin. "H-Hindi naman ako nakikipaghiwalay... Pinapauwi lang kita saglit kasi gusto kong mapag-isa."

"Wala ka na pagbalik ko..." gumaragal bigla ang boses nito.

Napakurap siya at napatingala rito. "Jacquin, hindi ako aalis!" She assured him. She just wanted to make things easier for them while she's trying to sort things out.

Nagdikit nang mariin ang mga labi nito at hindi na nagsalita pa. Marahas na tumayo ito ng upuan at pumasok ng kuwarto.

Napalunok si Blair. Gusto niyang sundan ito pero nanatili lang siya sa puwesto. Lumagpas na ang oras ng hapunan, hindi pa rin lumabas si Jack.

Kinatok niya na ito. "Babe, please let's not fight. I just want some time to be alone, again. Please, hindi ko lang gusto maulit 'yung nangyari no'ng anniversary natin. Marami na kong kasalanan sa 'yo, at hindi pa 'ko nakakabawi ng buo, pero baka madagdagan ko pa. I don't deserve your pain in exchange of my relief..."

Bumukas bigla ang pinto. "Blair, I don't mind if it's the only way for you to heal."

"Jack, awang awa na 'ko sa 'yo!" singhap niya. "Kung maayos na babae lang ang minahal mo, hindi ka mahihirapan ng ganito. Kung si Athena na lang sana, hindi ganito ang buhay mo!"

Lumamlam ang mga mata nito. "Hindi ako kontento kung hindi ikaw ang mahal ko, Blair."

Napalunok siya. "Please, trust me. Umuwi ka muna sa inyo. Hindi ka na rin nakakapag-isip ng tama, eh. People in the office are so worried about you. Please, Jack, don't lose yourself for me. I don't deserve it!"

Tumalim ang tingin nito sa kanya. "Ito na naman ba tayo, Blair? Naririnig ko na naman sa 'yo 'yan?"

Nakagat niya ang ibabang labi.

Huminga ito nang malalim. "Ano bang dapat para maging karapat-dapat tayo sa isa't isa? Can we not mind that 'deserving' thing? And let's just be with each other through thick and thin, like what we vowed in our wedding?"

"You won't entirely understand me because you've been a good person your whole life, Jack."

"So, should I sin against you? Dapat ba magkaparehas tayong may mga maling ginawa? Should I lie? Should I hurt you, too? Tell me!"

Umiling-iling siya at sinapo ang noo.

"Jack, umuwi ka muna. Mag-usap ulit tayo kapag nakapag-isip isip na tayo nang mas malinaw. Please? Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan basta!"

Humugot ito ng malalim na hininga. Tatlong beses. Pumikit ito at napasandig sa hamba ng pintuan. "Hanggang kailan?" mahinang tanong nito.

Napalunok siya. Hindi niya rin alam...

"Hanggang kailan bago ako puwedeng bumalik sa 'yo dito?" tanong ni Jack sa mas malinaw pero sa mas madamdaming paraan.

Parang piniga ang puso ni Blair. Hindi siya makasagot. She couldn't think about it...

Huminga nang malalim si Jack. Pagkuway, kinuha lang nito ang susi ng kotse sa loob ng kuwarto at saka lumabas na rin.

Tumabi siya sa gilid para makadaan ito.

"Jacquin, I love you," bulong niya nang lagpasan siya nito.

Huminto ito pero hindi lumingon. Hindi sumagot. Nagpatuloy na ito sa paghakbang, dire-diretso hanggang sa makalabas ng unit.

He quietly closed the door.

Natulala si Blair nang matagal sa nakasarang pinto. Her heart ached as seconds ticked fast...

Mali ba? Mali bang paalisin niya muna itong saglit? Mali bang pinoprotektahan niya lang itong huwag mas masaktan sa tabi niya?

Minutes passed by...

Nakatingin pa rin siya sa nakasarang pinto... Did she just push the love of his life away? Again?

"Kapag tinulak mo ako palayo ngayon, mahihirapan ka nang pabalikin ako."

Kumilos ang mga paa ni Blair. "J-Jack!"

Tumakbo siya palabas ng pinto. "Jack!"

Tila nagulat ang mga bodyguard. Umalerto ang mga ito sa biglang paglabas at pagtakbo niya.

"Jack!" Tumakbo si Blair sa pasilyo patungo sa pasilyo ng mga elevator. Wala na si Jack doon. Nakababa na agad ito?

Nang bumukas ang isang elevator ay agad na pumasok si Blair at pinindot ang Basement button. At saka lang niya napansin na wala siyang suot na tsinelas.

Pagdating niya sa basement, tinakbo niya ang usual na parking space ni Jack.

"Babe, I'm sorry! I've changed my mind! Don't leave! This is your home! I'm your home, don't leave me!" sigaw niya sa buong basement parking.

Pero wala na ang sasakyan nito... Wala na...

Jack already left.


***

Connect with me ❤️

Official FB Pages: FGirlWriter & C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Patreon: FGirlWriter

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
11.9K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
1M 29.6K 42
He's all danger, scarred and bruised. I found myself in, I fell in love with a monster.
49K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...