Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

863K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 42

10.8K 694 228
By FGirlWriter

Content Warning: Some lines and/or scenes may bring discomfort. Please be guided. Thank you.

***

Chapter 42:

Friend and Fantasy

HINDI NA nakatiis si Blair sa paghihintay

Kinuha niya ang phone at nag-text na kay Jack. Nagdasal ng kaunti si Blair na sana bumalik naman ito. This is their first fight after they got back together. Baka nagpapakalma lang din.

Habang nakatitig sa pagkain ay naisip ni Blair kung gaanong hindi niya na kaya ngayon na hindi kasama si Jack. That she still felt undeserving, but she selfishly wanted him to stay by her side.

Hindi niya na kayang itulak ito katulad noon. Hindi niya naman talaga kaya mula noon na malayo kay Jack, pinipilit niya lang. She succumbed to revenge, darkness, and rebellion before, but Jack has always been that persistent tiny light...

Kinulong niya na ang sarili dati sa kadiliman pero sumisingit ng pilit ang liwanag nito.

Kilala lang ni Blair ang sarili kaya hindi niya pa rin talaga alam kung anong nakita ni Jack para mahalin pa rin siya ng ganito...

Nakipagtitigan si Blair sa pagkain hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata niya. Humiga muna siya sa sofa at hinintay na makauwi si Jack.

Naalimpungatan lang siya nang tumunog ang phone niya. Nag-reply na ito!

I'm sorry, Blair. Dito muna ako sa bahay matutulog. Babalik ako bukas ng umaga. I promise. I love you.

Agad siyang nag-reply rito. At least, he's safe.

Okay, babe. I will wait for you tomorrow. I love you, too. :(

Pinilit kumain si Blair kahit walang gana dahil baka magalit si Jack kapag nalaman nitong hindi nabawasan ang pagkain. Pagkatapos, sinubukan niyang makatulog pero, tila alam ng katawan niyang hindi makakatabi ang asawa ngayong gabi. Kaya naman hindi na siya nakatulog hanggang sa sumikat ang araw kinabukasan.

Nanonood lang si Blair ng TV sa sala nang marinig niyang bumukas ang pinto. Napatayo siya at nakita si Jack na halos kasinglalim niya ang mga mata! Mukhang hindi rin nakatulog!

Jack closed the door and gave her an apologetic smile.

Tinakbo niya ito at patalon na niyakap. Nasalo naman siya nito. Pinulupot niya ang mga bisig at binti rito.

He chuckled a little. Sinuportahan siya nito sa pang-upo para hindi siya malaglag.

Sinubsob niya ang mukha sa leeg nito. "Hindi ka na... galit?"

Marahan itong bumuga ng hangin. "I'm sorry for my outburst... Just please, never say you don't deserve anything from me just because of the past. Let me love you the way you should be loved, the way I know how... You know that, Blair. Alam na alam mo kung gaano ko kabisado kung paano ka mahalin."

Napalunok siya at napatango. "Yes, babe."

"And I never regretted the money I spent. But, yes, it was not a wise financial decision. I won't spend that much money, again..." bulong nito.

Tinignan niya ito. "Don't throw away your dreams, again, just because of me..."

Umiling ito. "I can dream again... I want to dream together with you. Hindi ba, pagkatapos ng kaso, we will have twins? Bray and Ian? Then a baby girl..."

Agad siyang tumango. "Sabihin mo sa 'kin kapag pagod ka na, please. Puwede kang magalit sa 'kin. Katulad kahapon. I want that part of you, too. I want your raw feelings. I want your truths. Wala akong hindi tatanggapin sa 'yo, Jack. Kaya kong tanggapin kahit ano mula sa 'yo..."

Ganitong ganito kayang eksakto ang nararamdaman nito sa kanya kaya siya pa rin ang lagi nitong pinipili?

It's too intense and scary, but her heart will brave it. Basta si Jack... Si Jacquin Valleroso lang.

Tinititigan niya ang buong mukha nito. His clear and gentle face that she memorized and evolved for over fifteen years...

She still misses that shy Jack back in high school. Napangiti siya. But this version of him of now...

"Mr. CEO, your secretary wants to give you some holiday service..." she playfully whispered, kissing his ear.

Nanlaki ang mga mata nito nang nakuha ang ibig niyang sabihin. Matalino pa rin talaga.

"Blair!"

Humagikgik siya at hinalik-halikan ang mga labi nito. She still finds it hard to get turned on, but she can still give Jack pleasure in many ways! Kahit ito na lang muna!

Umiling si Jack at niyakap siya nang mahigpit. "Mr. CEO just wants to be with his wife over the holidays."

"Ah, his wife will give the service instead!"

Tumawa si Jack at naglakad papasok ng kuwarto habang nakapulupot pa rin siya rito na parang tarsier.

"Wala pa 'kong tulog, Blair. Mukhang ikaw rin. Kaya matulog na tayo."

"Kapag gising mo, isusubo ko na?"

"Subukan mo lang," seryosong pagbabanta nito.

"Alam kong mabait ka, Jack. Pero hindi ka naman anghel. Huwag mong sabihing tatanggihan mo ang blowjob ko?"

Hiniga siya nito sa kama at napatili si Blair nang ni-rolyo siya ni Jack sa loob ng kumot!

"Babe!" angal niya. Hindi siya makagalaw! Para na siyang lumpia!

Napahikab ito at pumungay ang mga mata. "Hindi talaga ako anghel, pero marunong ako maghintay. I can wait until we can both enjoy the pleasure. Until you're comfortable to make love, again."

"Try to touch me and lick me, baka mag-work na! Or finger! Jack, na-miss talaga kita kagabi! At baka ma-turn on na 'ko kasi galing tayo sa away! Di ba, sex after fights is so much good daw?"

Humiga ito sa tabi niya at napahikab. "Tulog na tayo, baby."

Nakawala naman si Blair sa ni-rolyong kumot sa kanya. Paglingon niya sa asawa, tulog na agad ito! Totoo pala ang antok nito!

Napalabi si Blair pero nainggit na siya rito. Sumiksik siya sa dibdib nito at pumikit.

She's so happy. He's home with her, again!

"Ibalik mo na lang kasi, Kuya!" Blair demanded when their father's death anniversary came.

"Blair, we don't do that in business. Walang nagpilit sa asawa mong bumili ng ganoon kalaking stocks sa kompanya," Kuya Bari answered calmly as Noah quietly slept inside his arms.

Lumingon si Blair kina Tita Bella at Patricia na nagse-set up ng picnic blanket malapit sa puntod ni Santino. Umalis muna si Jack dahil nagboluntaryo itong bumili ng kandila at bulaklak. Nakalimutan daw kasi ni Tita Bella magdala.

"Kung hindi niyo naman kasi ako tinago ng sobra..." nasambit niya. "It's unfair for my husband!" mahinang singhal niya para hindi magising ang pamangkin.

Kumunot ang noo ng kapatid niya. "Hindi mo ba alam gaano kaganda ang kita ng publishing company nang si Jacquin na ang nagpatakbo? Hindi mo ba alam gaano kalalaking business tie-ups and investments ang naisasara niya?"

Blair guiltily pouted. Hindi talaga siya nakikinig masyado kapag may ka-meeting si Jack. It bores her. Binubuksan niya lang ang voice recorder at kapag i-e-encode niya na ay mechanical lang ang pakikinig niya. Para lang ma-transcribe iyon. Hindi niya rin na-absorb talaga. Basta magawa lang ang trabaho niya.

"Wala pang isang taon, Blair, pero kung magpapatuloy si Jacquin, mababawi niya ang investment ng doble, in two to three years' time."

"What? That fast?!" Medyo napalakas ang boses niya kaya't napakislot ang pamangkin.

Lumayo si Kuya Bari at marahang tinapik-tapik ang hita ng bata.

"Assistant ka niya, hindi ba? Hindi ka ba kasama palagi sa mga meetings? Hindi mo ba binabasa ang monthly reports niya sa akin?"

Lumapit si Tita Bella. "You know, Vallerosos in Southern Cebu are known to be good businessmen and politicians back in 1800s. Dahil galing sa pamilyang yata na iyon si Jacquin ay naturalesa sa kanya ang pagiging negosyante at lider. Ni hindi iyon ang pinag-aralan niya, pero magaling talaga siya."

"Really, Mama?" singit ni Patricia. "Pero kapag may naririnig akong Valleroso, puro doktor na sila."

"Yes, that's also true now. Valleroso ang mga doktor ng Delos Santos. But they were businessmen and public servants first. Kapag pumunta kang Southern Cebu, madami sila."

"Jack's a genius, Tita! He can do anything! Puwede rin siya mag-doktor kung gugustuhin niya lang!" pagmamalaki ni Blair sa asawa. Nakataas pa ang noo. "Gusto niya rin minsang maging professor!"

Tita Bella nodded. "Yes, he looks very intelligent. Kaya huwag kang mag-aalala sa investment ni Jacquin. Mukhang pinag-aralan din naman niya kung paano siyang hindi malulugi sa laki ng inilabas niyang pera. Gamay na gamay niya rin ang publishing industry. Nagulat akong nag-top one ang newspaper natin by this year's third quarter. Tumaas lalo ang stock value natin. Kung buhay pa ang Papa niyo, tuwang-tuwa iyon kay Jacquin panigurado. Delos Santos Corp. gets all the praise and recognition, eh."

Okay, fine! She rests the case! Mababawi naman pala ni Jack ng doble ang pamana rito nang mabilis. Akala niya kasi ay aabutin pa ng isang dekada.

Si Athena na lang ang kailangan niyang tanungin kay Jack pero tinatantiya-tantiya pa ni Blair ang asawa. At pati ang sarili niya.

"Babe, pagdating ba natin ng New York, will we meet your friends there?" pasimpleng tanong ni Blair habang nakaupo siya sa picnic blanket katabi ito. Kandong na niya si Noah na gising na at nilalaro-laro ni Jack.

Patricia and Tita Bella are having their own conversation near her father's tomb while eating. Maaga namang umalis si Kuya Bari dahil may trabaho pa raw itong kailangang tapusin.

"Gusto mo ba silang makilala?" Kumuha si Jack ng laruang kotse at pinaandar-andar sa binti ng bata. Noah giggled.

"Siyempre!" Tumango siya kaagad. "I'm your wife, so, gusto ko ring makilala ang friends mo."

"Okay... Akala ko kasi hindi mo masyado gustong pinapaalam na mag-asawa tayo."

"That's not true!" apela niya agad nang makarinig ng tampo sa boses nito. "Sasabihin ko na nga kay Venice ang lahat pag-visit niya rito next year! Tapos ihaharap kita sa kanya as my husband. Sa office lang talaga ayoko, kasi maraming tsismosa roon!"

"Okay," Tango ni Jack nang hindi siya tinitignan dahil nilalaro pa rin nito si Noah.

Napatingin siya sa pamangkin na kanina pa tawa ng tawa habang kalaro si Jack.

"Kiliti! Ako!" Noah mumbled and laughed, tuwing pinapaandar-andar ni Jack ang laruang kotse sa binti at braso ng bata.

Jack chuckled and kept on playfully teasing her two-year old nephew.

"Babe, friend mo rin si Athena sa States, right? So... makikilala ko rin siya pagpunta natin doon?" sa wakas ay naipasok niya na sa usapan.

Napatingin ito sa kanya. Huminto sa paglalaro kay Noah. Napaangat din tuloy ng tingin sa kanila ang bata.

"Sure, if she's available," sagot ni Jack. Nakatitig pa rin sa kanya.

"Sana may time siya to meet us. I really want to meet all of your friends," she sweetly said.

Nakatitig pa rin sa kanya ang asawa.

Inagaw na ni Noah ang laruang kotse mula kay Jack, at ito na ang nagpaandar niyon sa braso naman ni Blair. "Vroom-vroom!"

"May iba pa bang sinabi si Raqi sa 'yo maliban sa binili kong shares at pagbebenta ng kompanya ko abroad?" Jack suddenly asked suspiciously.

Napakurap si Blair. "Ha? Ano ka ba, tigilan mo nga kakasisi sa kapatid mo! Kawawa naman si Raqi. Pinaiyak mo pa last time."

Napailing-iling si Jack. "Ayoko sa lahat ay ang nangingialam sa relasyon ng iba. Pinalaki kaming tinuturuan na huwag nanghihimasok at magbigay respeto. Kaya tahimik lang sina Dad. Kaya hindi nagsasalita si Kuya. But Raquel crossed the line."

"Concerned siya sa 'yo. Come on, I would like to have a sister like her!"

"Concerned saan? At anong gusto niyang palabasin sa pagsasabi sa 'yo ng mga ginawa ko mahanap ka lang? She can be concerned for me without intentionally hurting your feelings."

Napayakap siya sa pamangkin na masayang naglalaro pa rin.

Salubong na ang kilay ni Jack at mariin na ang tono, kaya tumahimik na lang siya.

Kapag nasa New York na sila at nakita niya si Athena, saka siya mag-o-obserba kung gaano katotoo ang sinasabi ni Raqi.

Baka naman kasi naghiwalay naman ng maayos si Jack at Athena kung nagkarelasyon nga ang dalawa? Kasi magkaibigan pa, eh!

Kay Jack ba mismo galing ang info na alam ni Raqi? Kung hindi, baka mali lang nang nasagap na tsismis nito?

Pagdating nila sa New York ng asawa ay dumiretso sila sa sang maliit na apartment na pagmamay-ari nito. Sobrang traffic na inabot sila ng tatlong oras kaya naman gutom na gutom sila pagkadating doon.

They just left their baggage and walked to a nearby pizza house.

"May aasikasuhin lang ako bukas. Gusto mong sumama?"

Sa sobrang pagod at haba ng biyahe, may jetlag pa si Blair. Naisip niyang matutulog siya buong araw bukas para sa New Year's Day na anniversary din nila ni Jack ay marami siyang energy!

"I think, I'll skip. Ang aasikasuhin mo is 'yung company na binenta mo, right?"

Kumagat ito ng pizza at tumango.

"Publishing company rin ang na-start mo dati?

"Digital publishing..." anito habang nginunguya ang pizza.

Pinunasan niya ang gilid ng labi nitong may bahid ng catsup. "Kanino mo binenta pala ang company?"

Lumunok ito. "Kay Athena," kaswal na sagot nito.

Napatigil siya sa pagpupunas ng labi nito. Seriously? Si Athena!

Sumilay ang mapaglarong ngisi ni Jack. "At sa iba pa naming kaibigan. Tatlo silang nag-acquire. Sina Athena, Stephen, and Tobias."

Hindi pinahalata ni Blair ang panunulis ng nguso. Pero napadiin yata ang punas niya ng tissue sa gilid ng labi ni Jack.

"Ouch..." daing nito pero nakangisi pa rin.

"Kaya pala sa 'yo nagpapa-consult si Athena?"

"Iyon ang itinawag niya sa 'kin noon. Medyo nahihirapan sila sa pag-take over, lalo na sa mga permits at contracts."

Titig na titig na naman sa kanya si Jack. At saka lang napansin ni Blair na bakit ba parang binabantayan ni Jack ang magiging reaksyon niya sa tuwing babanggitin si Athena?

She never showed any sign that she's jealous of Athena or something like that.

Kumagat siya ng pizza. "Oh, so the company she's putting up was yours. Tinutuloy niya na lang ang naumpisahan mo, tutal nandyan naman na. That's good." she casually said, too.

Wala naman siyang nakikitang problema. Kung magaling naman talaga ang ex-girlfriend—este, ang friends ni Jack para ituloy ang iniwan nitong negosyo, then it's good naman talaga.

"Siya ang kasama mo bukas?" Kumagat pa ulit siya ng pizza.

Tumango ito, nakatitig pa rin sa kanya. "Gusto mong sumama? Para mapakilala na rin kita sa kanya."

"So available pala ang schedule niya, first day pa lang."

Ngumisi si Jack, parang may narinig o nakitang nakakatawa. "Hahabol si Stephen after an hour."

Nginitian niya ito ng matamis.

"Sige, mag-asikaso muna kayo ng business. I will get bored lang for sure. Kaya matutulog na lang ako buong araw tomorrow. Kasi, I want na maraming energy sa New Year's Eve and anniversary natin."

"You have something in mind? May gusto kang puntahan o gawin?"

"Secret muna! Baka kapag sinabi ko ang plan ko, hindi ka makapag-focus sa trabaho niyo ni Athena..." she playfully said. "... at Stephen..."

"Hindi ka talaga sasama bukas? Baka hindi na ulit maging available si Athena after tomorrow. Hindi kita mapapakilala."

"Ganoon siya ka-busy?"

"Yes."

"Is she married?" na-curious bigla si Blair.

Umiling si Jack. Umiinom na ito ng root beer habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

"Boyfriend?"

Umiling ulit si Jack.

"Bakit wala pa siyang boyfriend? Hirap siyang maka-move on sa last niya?" medyo tumalim ang tono ni Blair, hindi niya napansin.

Nagkibit-balikat si Jack. "She's a busy person. She's very career-oriented, goal-driven. She didn't do well in school before, so she just wanted to prove to herself that she can still be successful by reaching her dreams. And that her low grades before could never limit her."

Kilalang-kilala, ah!

"Wow, she's inspiring," malambing niya pang sabi. "Sige, I'll try to get up tomorrow. But if hindi ako magising kapag need mo na umalis, try kong humabol kahit by lunch time."

Kinabukasan, mas nauna pang nagising si Blair kaysa kay Jack!

Pero nagtulug-tulugan siya. Nang tumunog ang alarm sa cellphone ni Jack ay mas pinikit niya nang mariin ang mga mata. Gumalaw ito at in-off ang alarm.

Nang babangon na ito ay sinadya ni Blair na padapang daganan ito. Kunwari, tulog pa rin siya...

"Blair...?" Marahang panggigising nito. "Babe, let's wake up?"

Umungol siya kunwari at nanatiling nakapikit. Mas binigatan niya ang sarili habang nasa ibabaw nito.

"Blair..."

"Still... sleepy..." she murmured; her eyes still closed.

"Okay." Naramdaman niya ang halik nito sa tuktok ng ulo niya. Sinubukan ulit nitong bumangon pero mas diniin niya pa ang sarili rito.

She heard him sighed.

"I need to start preparing... Ayokong paghintayin si Athena."

Nagtulug-tulugan pa rin si Blair sa ibabaw nito. Tumahimik si Jack at hindi kumilos nang ilang minuto.

Nagtataka na si Blair. Hindi na ito aalis?

Napigilan niya ang mapasinghap ng malakas nang bumangon si Jack at payakap siyang hiniga, patihaya sa kama!

Whoa! Kailan pa ito naging ganoon kalakas?!

She continued acting asleep. Ngunit nagtayuan ang balahibo niya nang maramdaman ang kamay ni Jack na humaplos sa gilid ng kanyang leeg... pababa sa gitna ng kanyang dibdib...

His thumb even lightly brushed her nipple! Pero mabilis lang dahil bumaba na ulit ang kamay nito sa kanyang tiyan... at sa puson...

For the first time, Blair felt something tickled inside her! She felt a rush of excitement that Jack can touch her while she's sleeping! It was like a thrill awakened inside of her...

Lalo na nang dumapo ang kamay nito sa binti niya, paakyat sa hita... Paloob ng sleeping dress... Hanggang sa umabot ito sa garter ng panty niya.

Oh, Jack! Kaya siya nitong hawakan ng ganoon habang natutulog siya?

Nagpipigil na pala ng hininga si Blair. Lalo na nang dalawang daliri ang naramdaman niyang pumapasok sa underwear niya... She started to shiver in excitement... But it stopped!

Jack stopped! Inalis nito basta ang mga daliri!

Why?!

Napadilat si Blair. "Jack!"

Nakatingin sa kanya ito ng diretso. Nakangisi. "Kanina ka pa gising," siguradong-siguradong sabi nito.

Natigilan naman si Blair at napabangon. "B-Bakit hindi mo tinuloy...?" angal niya.

"May lakad pa tayo. Gising ka na kaya sasama ka na sa 'kin." Tumayo na ito paalis ng kama. "Get up now, babe. Huwag nating paghintayin si Athena."

Napalunok si Blair.

Unang pumasok sa loob ng banyo si Jack. Naiwan siyang tulala. Napahawak siya sa mainit na mga pisngi.

Did she just get turn on to the idea that Jack can sensually touch her while she's sleeping? Well, she's acting like sleeping, but did it really turn her on?

Finally, she's turned on!

Bakit gusto niyang maulit ang ginawa ni Jack? Pero gusto niya ring totoong tulog siya habang ginagawa nito iyon!

Nasapo niya ang noo. Her brain is fucked up, again! Kailangan niya bang tawagan ang psychiatrist niya? Did she unlock a sexual fetish?!

Umiling-iling si Blair at sumunod sa loob ng banyo. Hindi ba puwedeng ma-turn on siya habang sabay na naliligo kasama si Jack?

The answer was no. Dahil nang sumabay siya kay Jack maligo, parang wala lang.

Magkahawak kamay na silang naglalakad ni Jack papunta sa isang restaurant pero lumilipad-lipad ang isip niya sa ibang bagay.

"Babe, the meeting will just take two hours. Hindi ka naman maiinip. Masaya naman kausap sina Athena at Stephen," sabi ni Jack na hindi niya masyado naiintindihan.

She's suddenly in her own world of fantasy...

Na-imagine niya kasi ang sariling tulog na tulog sa kama habang hinuhubaran siya ni Jack. He touched, kissed, and licked her all over. Akala niya ay panaginip lang kaya mapapa-ungol siya. Pero nakikiliti at naalimpungatan na siya nang unti-unti sa ginagawa nito sa kanya.

She would fully be awakened once she felt Jack penetrating! And because he's already thrusting inside, she can't do anything! Pero imbes na magalit sa kapangahasan nito, kikiligin pa siya! Half-awake lang siya habang kikilos na si Jack. Tapos, nasa kalagitnaan siya ng panaginip at reyalidad habang inaangkin siya ng asawa.

Oh, that would feel so good... So, fucking good!

Napahabol siya ng hangin sa naisip. That's crazy but she wanted Jack to do that to her! Oh, she wanted that! Pero papayag ba si Jack na gawin iyon habang natutulog siya?

"Blair? You're turning red!" alalang-alala si Jack. Tumigil bigla ito sa paglalakad at hinila siya sa isang gilid.

"Ang init mo rin..." Habang dinadama nito ang noo at leeg niya. "Masama ba ang pakiramdam mo? Should I just let you rest more instead? Blair—"

"Jacquin! Jacquin, hi!"

Blair's pervert thoughts suddenly popped at the sight of a very beautiful woman approaching them...

Natigilan si Blair at parang biglang na-guilty at nandiri sa mga naisip habang nakatingin sa babae....

Napaka-among mukha, inosenteng mga mata, maputi, makinis, mahaba ang brown na buhok...

The woman wore a vintage casual dress cut in a conservative yet very fashionable manner. It's sleeveless and the skirt's flowing. It's just plain sky blue, na terno sa headband sa buhok nito... Naka-strappy heels din ito na bagay sa paa nitong maganda ang hubog.

Napakurap si Blair, para siyang binuhusan ng holy water at nagising mula sa makamundo niyang pantasya!

"Hello, Athena. I'm sorry, hindi kita agad napansin. I'm checking my wife's condition." Inakbayan siya ni Jack. "Speaking of, this is Blair, my beloved wife."

Athena turned to her. Masaya itong ngumiti. "Blair! Finally, I met you. Jacquin can't stop talking about you since forever!"

Blair eyed the woman from head to toe... And Athena screamed of one thing that made Blair stopped from her dirty imagination...

That made her dropped her usual confidence. That her heart ached because, she finally found a woman very fit for her selfless Jack...

Athena is purity and innocence personified. Her beauty is heavenly! Blair wanted to repent and cry like she saw an angel of forgiveness in front of her.

She felt sick by her own thoughts!

"Blair, babe... This is Athena, a very trusted friend."

Inalok ng babae ang kamay nito. "Matagal na kitang gustong makilala, Blair. I'm Athena," mabait pa nitong sabi.

Ngumiti rin siya rito. They shook hands. "Hi..."

"Blair, do you want me to take you home first? Please, tell me you're alright..." nag-aalala pa rin si Jack sa kanya.

"I-I want to take a rest..." sabi ni Blair kahit ayaw naman niya talaga umalis.

Pero sumama na rin talaga ang pakiramdam niya dahil sa tingin niya ay sobra siyang makasalanan kapag katabi ang mga ito...

Napatingin ulit siya kay Athena na ngayo'y mukhang nag-aalala na rin sa kanya.

Sumubsob siya sa dibdib ni Jack. Pumikit ng mariin. The friend looks like the woman Blair is very much afraid to meet...

Ito ang ayaw niyang mangyari... Ang makakilala ng babaeng mas nababagay at mas nararapat para sa isang Jacquin Valleroso.

Mali si Raqi. Kung naging si Athena at Jack man talaga, sigurado siyang hinding-hindi iiwan ni Jack ang ganitong klaseng babae! Hindi ipagpapalit...

"Athena, I'm sorry. Babalik ako pero aasikasuhin ko lang ang asawa ko."

"It's alright! I can wait, no trouble! Please, make sure she's fine first."

Napalunok si Blair nang mapansin ang mga bodyguards niyang nakahalo sa mga tao, mukhang handa na rin siyang lapitan.

"Ivan can take me home, Jack... A-Ayokong maabala kayo ni Athena..."

Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. "Ako ang asawa mo, ako ang mag-aalaga sa 'yo."

Napatingin ulit siya kay Athena. Mabilis itong tumango na nagpapakitang sang-ayon sa pahayag ni Jack.

Burado na sa isip ni Blair na naging ex-girlfriend or ex-lover ito ni Jack. Dahil ang naiisip niya na ngayon, kung wala siguro siya, si Athena ang asawa ni Jack! Ito ang soulmate!

Napahikbi siya at lalong nag-alala si Jack. Mabilis itong nakatawag ng taxi at sinakay na siya sa loob niyon.

"I'm sorry, I'm sorry, babe." Niyakap siya nito. "Hindi na sana kita pinilit sumama. Kahapon mo pa sinasabi na gusto mong magpahinga..."

Nanghina na talaga si Blair at sumiksik lang sa katawan ni Jack. "Ang ganda-ganda ni Athena..."

"Huh?"

Kumapit nang mahigpit si Blair kay Jack. Nang makarating agad sila sa apartment ay parang bata na nagpabuhat pa siya rito. Hindi naman ito umangal at agad siyang binuhat hanggang sa maibaba siya nito sa ibabaw ng kama.

Dinama nito ang noo niya. "Hindi ka na namumula at ganoon kainit." Sabay salat sa leeg niya. "I'm sorry. Hindi ko pinansin na baka na-jetlag ka nga. Ang importante lang sa 'kin, kasama kita kahit saan..."

Napatingala siya kay Jack at nakita sa mga mata nito ang nakita niya noong Pasko.

"Hindi ako biglang aalis. Hindi kita iiwan," she assured him. Mahirap siyang pagkatiwalaan pero hindi niya na talaga kayang gawin iyon ngayon.

"B-Bumalik ka na kay Athena... Para mabilis din matapos ang trabaho niyo." Itinaas niya ang comforter sa katawan.

"Please, tell me, you're going to be fine. Babalik ako pagkatapos ng isang oras."

"Akala ko dalawang oras ang meeting?"

"Paiikliin ko."

Umiling si Blair. "Please, do what you have to do. Don't let your friends down, lalo na't kailangan nila ng help mo..."

Marahan niya itong itinulak sa dibdib. "Huwag mong paghintayin si Athena. Ahm... n-next time mo na lang ako pakilala sa friends mo..."

Tinitigan pa siya ni Jack bago ito naglagay ng mga gamot at tubig sa bedside table.

"I will buy lunch for us later. Huwag kang aalis..."

Tumango siya. "Maayos lang naman talaga ang pakiramdam ko, kaso parang ayoko lang makipag-socialize sa mga mababait."

"Huh?" litong-lito ito.

She smirked and looked up to him. "Namumula ako kanina because I have this sexual fantasy about you and me."

Napapikit ito at sinapo ang noo. "You got to be kidding me!"

"Kaso, napahinto ako sa pag-i-imagine kasi parang bumukas 'yung heaven tapos bumaba si Athena. Nahiya ako bigla... Ang pervert ng thoughts ko, babe." Pabiro ang tono ni Blair, pero sumasakit ang dibdib niya.

Nakatingin na lang si Jack sa kanya ngayon na parang hindi makapaniwala sa pinagsasabi niya. Napabuntonghininga ito. "I will ask your bodyguards na hindi ka palalabasin hanggang sa makabalik ako. Give me an hour. Magdasal-dasal ka diyan."

Napalabi siya. "Babe, puwede namang ipag-pray kay God na maging active na ang sex life natin, hindi ba? Kasi mag-asawa naman tayo. Puwede kong ipag-pray na makapag-perform na 'ko at saka pumayag ka sa gusto ko?"

"What?! Anong gusto mo?" salubong na ang kilay nito. Ang sungit naman agad!

Napabuga siya ng hangin. Napayuko. "Pagbalik mo na lang... Ano, doon ka muna kay angel Athena."

Jack shook his head and kissed her forehead. "Huwag kang aalis..."

"I won't, babe. I promise."

Tinitigan pa siya ulit nito nang matagal.

"I love you," mapaglaro niyang sabi rito, sabay ngiti.

Lumambot ang mga mata nito. "You're so beautiful, Blair. I love you."

Napanganga siya. A part of her heart that ached because of how beautiful Athena was felt healed and relieved... It felt like Jack knew where she doesn't feel secure.

Hanggang sa makaalis si Jack ay nakatulala pa rin si Blair. Humiga lang siya sa kama nang makita ang sarili niya sa full-sized body mirror na nasa gilid niyon.

If she'll be honest enough, she still looks younger than her age. Her face still holds the quiet temptress that everyone talked about before. Maamo ang mukha, matamis at inosenteng ngiti, pero nanghahalina ang mga mata...

Napapikit siya at kinagat-kagat ang comforter.

Athena's beauty is a blessing. Kapag may nakakita rito, mabilis maniniwala sa existence ng anghel, ng langit, ng Diyos...

While Blair's beauty was a curse.

Naaalala niyang bata pa lang siya, ayaw na siyang tantanan nina Walter, Raul, at Tyrone sa panliligaw. Because Blair delos Santos was the most beautiful girl in school.

Even Wade was very drawn to her. Si Hank, kahit kakaiba ang preference, laging naaakit sa kanya noon.

All her ex-boyfriends easily agreed to take down her mother's companies just to display or taste her beauty. It was very convenient... It was her strongest weapon.

But the same beauty failed her. She was assaulted resulting to Kuya Sandro killing her abusers, and Jack had to suffer, too...

It was a curse... Sometime, she prayed to God to take away her beauty because she's sick of seeing a beautiful face, while she knows deep inside, it's not as beautiful and innocent and pure as before.

Mahirap nang tignan ang sarili niya sa salamin. Lalo na nang mas nagiging kahawig niya na si Bridgette... She can only appreciate her eyes that she inherited from Santino.

Habang si Athena, tila may liwanag na dala. Katulad kay Jack...

Nakatulog na pala si Blair na ganoon ang iniisip. Naalimpungatan lang nang marinig na bumubukas ang pinto. Pagtingin niya sa orasan, isang oras din siyang nakatulog.

Eksaktong bumangon siya nang pumasok si Jack. May bitbit na paperbag na may tatak ng isang malapit na restaurant.

"Tapos ka na?" humihikab na tanong niya sa asawa.

"Sabi ko sa 'yo, babalik ako agad. Let's have lunch. I already gave food to your bodyguards, also."

Tumango siya at bumangon nang hinila siya nito sa kamay. Lumabas sila ng kuwarto at agad na tumungo sa kusina.

Pinaghila siya nito ng upuan sa tapat ng island counter. Hinain na nito ang biniling pagkain.

"Natapos mo talaga ang kailangan mong gawin?"

"Athena and Stephen can manage already."

"Baka lang ma-defeat 'yung purpose ng pagpunta mo rito. Sana hindi na lang ako sumama. Nakaabala yata ako."

Umiling ito at binigyan siya ng pinggan na puno na ng pagkain.

"Ang purpose ko ay madala talaga kita rito at makapag-anniversary tayo malayo sa Pilipinas. Kahit sandali lang, gusto kitang maalis doon."

Napangiti si Blair at nangalumbaba. "For the past years, what do you do kapag dumadaan ang wedding anniversary natin?"

"Umiiyak," walang kagatol-gatol na sagot nito.

Natunaw ang mga ngiti ni Blair.

Napalabi siya at inabot ang kamay nito. "Ako rin. Umiiyak ako habang nanonood ng fireworks, babe."

Hinalikan nito ang kamay niya. "Hindi na tayo iiyak ngayon," he softly said.

She sighed. "Depende iyan kung hindi ka magagalit sa susunod kong tanong."

Binitawan nito ang kamay niya para magsalin ng juice sa mga baso nila. "Siguraduhin mong maayos na tanong iyan para hindi ako nagagalit."

"Nagkagusto ka kay Athena?"

"Dati," agad na sagot ni Jack. He was not even surprised! "Noong high school. Don't you remember my story why I transferred?"

Napakurap-kurap si Blair. Nabanggit na nga ni Jack na kaklase nito si Athena noong high school sa eskuwelahan bago ito lumipat sa school nila...

Ah! Nabugbog si Jack ng mga bully sa dating school! May girl kasi na ginamit ito para tumaas ang grades at nagkagusto si Jack. Umamin ito ng feelings kaso narinig ng boyfriend ng girl. Na siyang bully rin ni Jack...

Napasinghap siya. "Si Athena 'yung crush mo? Si angel Athena, ginamit ka lang noon? What!"

"Why do you call her an angel?" parang natatawa si Jack sa kanya. "Crush mo ba siya?"

"Wait, hindi, eh. Wala sa itsura niya ang manggagamit!"

"She was young and she repented about it. Na-guilty siya nang maging close kami noon habang tinutulungan ko siya sa assignments and projects. Ang bait ko daw kasi. She wanted to stop using me. Kaso, hindi niya agad naamin sa 'kin dahil takot siya sa boyfriend niya. I think, we met again by 2008. We talked and she asked for my forgiveness. Nagkita na lang ulit kami dito, around 2011 or 2012? Nag-trabaho siya sa kompanya kung saan ako bagong lipat, kami nina Stephen at Tobias. Doon kami naging magkakaibigan because we share the same goals."

"Ang ganda-ganda ni Athena, hindi mo siya nagustuhan ulit nang magkita kayo ulit?" diretsang tanong na ni Blair para matapos na.

Matiim na namang nakatitig sa kanya si Jack. Kinagat nito ang ibabang labi na parang pinipigil ang ngisi.

"Kasal na 'ko sa 'yo, paano pa 'kong magkakagusto sa iba?"

"Jack, matagal akong wala. Maiintindihan ko kung nag-girlfriend ka muna. Example, si Athena kasi may history na pala kayo noon pa! Plus, I can feel she's nice and very beautiful! Heavenly beautiful! Na-fall ka na sa kanya before kaya baka lang naulit?"

Hindi umimik si Jack pero nakatingin sa kanya ng matagal. Kumagat ito ng pagkain. Parang tahimik na tumatawa ang mga mata nito o ano.

"Hindi ako magagalit. Kasi alam mo, kung guy ako, liligawan ko si Athena!"

"Kasal ako sa 'yo."

"So, hindi mo naging girlfriend?"

Umiling ito. "Hindi ko alam kung magagalit akong ayos lang sa 'yo na magkarelasyon ako sa ibang babae kahit kasal ako sa 'yo. At hindi ko alam kung magagalit ako na iniisip mong kaya ng konsensya kong makipagrelasyon sa labas ng kasal na 'to."

Mahinahon ang tono ni Jack... pero... nagtatampo...

She pouted. "Nagtanong lang ako, babe. Maniniwala naman ako sa lahat ng sagot mo."

Sumandal si Jack sa kinauupuan at tinitigan siya na parang alam nito kung magsisinungaling siya.

"Saan mo nakuha ang ideyang iyan tungkol kay Athena?"

Napalunok siya. Ayaw niya nang sabihin na kay Raqi dahil baka mapaiyak na naman ni Jack. Mali lang siguro talaga ang nasagap na tsismis ni Raqi...

"Nang nakita ko si Athena, ang hirap paniwalaan na hanggang friends lang kayo. Bagay kayo, Jack! Parang kulang na lang ay pakpak at halo niyo, tapos puwede na kayong lumipad sa heaven! Magpakasal kayo doon, ganoon. Magsama kayo roon ng masaya, kasi hindi ko naman kayo mahahabol doon!"

Napataas bigla ang boses ni Blair para hindi mahalatang nagsisinungaling siya, pero iba yata ang lumabas sa tinig niya sa kagustuhan niyang mapagtakpan si Raqi.

Napabuga ng hangin si Jack. Parang naubos ang pasensya. "I never get involved with any woman for the years you were missing, Blair. I was busy looking for you."

Napakurap siya. "I know na... I just want to double check lang..." Napalunok siya at napayuko sa pagkain.

"Jack, you were a hurting man, and I would definitely understand if you sought comfort when I was gone. Kasi masakit talaga ang nangyari..."

"At sa tingin mo habang nasasaktan ako, sa ibang babae ako nag-seek ng comfort?"

"Hindi naman pero... Athena looks like a safe place, a person you can come home to."

"Ikaw lang ang alam kong uwian, Blair."

Napaangat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata nilang mag-asawa. Sobrang seryoso ng titig sa kanya nito na may kalakip na inis at lambing para sa kanya. Halo-halo...

"Okay, kung hindi mo naging girlfriend ni Athena, bakit kilala siya ng family mo?"

"Sinong nagsabi sa 'yong nakilala na ng pamilya ko si Athena?"

Pasimpleng uminom si Blair ng juice. "Bakit? Hindi ba?" balik tanong niya rito.

Napakunot-noo ito. "Last holiday, the whole family came here for a vacation. Pinakilala ko sina Athena, Stephen, at Tobias sa kanila. Because they are my friends. Sumama sila sa thanksgiving dinner namin."

Napakurap siya. "Hindi mo... pinakilala as girlfriend si Athena?"

Lalong hindi na matimpla ang itsura nito. "Hindi. Bakit ko gagawin iyon?"

"Okay... Kahit fling, hindi?"

"Itatakwil ako ng pamilya ko, if I'm having an affair outside of marriage, Blair," matigas at mariin na ang boses ng asawa pero nanatiling kalmado naman ang pagsagot.

"H-Hindi ba mas, ahm... convenient sa inyong lahat na you were able to move on from me by having Athena instead?"

"Move on? From you? Tingin mo, kaya ko?"

"Jack..."

Mas naging mariin ang tingin nito sa kanya. "We were raised to value the sanctity of marriage. Kahit ano pang sirkumstansya ng pagsasama. I would be a hypocrite, again, if I don't hold steadfast to my faith and beliefs."

"Okay, okay! Pero baka napaasa mo si Athena without you knowing it?"

"No."

"Jack, baka hindi mo alam, ang daming nagkakagusto sa 'yo!"

"Alam ko pero hindi si Athena. She's a friend. We've never crossed any line because aside from the fact that I am married, they obviously know how I am unwaveringly in love with you, Christeena Blair."

Tumalon-talon ang puso ni Blair at gusto niyang manginig sa kilig.

Kaso naman, ang itsura ni Jack, mukhang kaunti na lang ay baka mag-walk out na naman! New Year's Eve pa naman mamaya at salubong rin sa wedding anniversary nila. God, please! She does not want to cry anymore on the first day of January.

"I believe you naman. Just checking for my peace of mind. Ang ganda-ganda kasi ng friend mo..."

Kakausapin niya si Raqi pagbalik nila ng Pilipinas at lilinawin ang maling info na nakarating rito.

Sarap na sarap si Blair sa kinakain nang mapansin niyang hindi kumikibo si Jack at nakatitig pa rin sa kanya. Seryoso. Pinapanood nito ang magana niyang pagkain.

"Why aren't you eating, babe? Sabayan mo ako..." lambing niya rito.

"I don't like people implanting lies on your head, Blair. Ilang taon na ganyan ang ginagawa ng mga taong trumaydor sa 'yo at ayokong mauulit iyon. Hindi ngayong kasama mo na ako. Maliwanag ba?"

Napainom ng juice si Blair. Dati, kapag kumakain lang ng biko nagkakaroon ng kakaibang dominating and authoritative power si Jack. Ngayon, kahit saan, kahit kailan... mabait ito pero marunong nang mag-utos at mang-intimidate!

Ano kayang pinagdaanan ni Jack sa five years na wala siya? Anong ginawa nito sa sarili? He just became better and better every time they meet.

Pa-guwapo nang pa-guwapo. Pabait nang pabait... Kayang kaya nang dalhin ang sarili kahit saan! Palaki nang palaki ang katawan, pataas nang pataas ang tiwala sa sarili...

"You're so hot, babe," napalakas ang iniisip niya lang sana.

Nagsimula na itong kumain. "Para hindi na maiwanan."

Napaungol siya. Nilapitan niya ito at niyakap sa likod. If Jack doesn't get tired of reassuring her that she's still worthy, then she won't stop reassuring him that she'll never ever leave him, again, too.

"Hindi na kita iiwan. Kapag umalis ako, magpapaalam ako. Kapag umalis ako, ibig sabihin alam ko naman paano bumalik sa 'yo."

"At may balak ka pang umalis?" May tampo na ang tono nito.

"Baka kasi kailangan kong mag-CR sa females minsan. Hindi ka naman puwedeng sumama doon!"

"Nagbibiro ka pa." Ayaw siyang lingunin ni Jack.

Lumipat na siya sa harapan nito. She spread his legs and sat at the space between it. "Hindi na kita iiwan, Jack. Unless ikaw ang aalis."

Sumandal siya sa dibdib nito. "Tapos ako naman ang maghahabol sa 'yo. Gagastusin ko lahat ng pinamana ni Papa sa 'kin mahanap ka lang!"

Yumakap na ang mga bisig nito sa ilalim ng dibdib niya. "Let's not talk about who's gonna leave and find who. I don't like it. Ayoko nang may aalis. Please, ayoko na, Blair..."

She's so sorry that she scarred Jack like this. Mabilis siyang humarap rito at inangkin ang mga labi nito. Hindi niya alam paanong aalisin ang takot nito kung nabubuhay rin siyang puno ng kinatatakutan.

But isn't the purpose of love exactly like that? To learn to walk-through the fears lurking alongside them?

Kinagabihan, habang lahat ng tao yata sa New York ay nasa labas para sa kabi-kabilang New Year's Eve party, tahimik lang sila ni Jack na umiinom ng wine at naghihintay ng fireworks sa may balkonahe.

Literal na tahimik sila dahil hindi na ito nagsalita mula nang sabihin niya ang tungkol sa "pantasya" niyang gawin nila!

Kasi baka mag-work out naman. She got horny earlier just imagining it. Unang beses na lang ulit na nangyari sa kanya iyon!

"Babe..." Hawak niya sa kamay nito.

"I can't do it, Blair..." mahinang sabi nito, nakatingin sa malayo.

"But, Jack, what if it's effective?"

"Ingat na ingat ako sa tuwing tulog ka. Tapos gusto mong..." Napabuga ito ng hangin. "I can't even say it..."

"Come on, you have my consent. Kahit tulog ako, pumapayag akong gawin mo lahat iyon sa akin. Jack, we're married now. You have all the reason to be wild! Because I'm giving you full access to my body! I'm yours. Legally, bindingly, and spiritually! It's not even against your faith to make love to your wife! Please!"

Parang sumakit ang ulo nito. Napahilot ito sa sentido. "I can't make love to you while you're sleeping, Blair. It's like taking advantage of the situation."

"Kaya nga binibigay ko na ang consent ko ngayong gising ako para hindi magmukhang ganoon! At isa pa, magigising naman ako sa sarap!"

"Oh, Blair." Parang tumanda ng ilang taon ang itsura nito bigla.

Yumakap na siya sa braso nito, nagmamakaawa. "Jack, please! Let's just try... Baka mag-enjoy tayong mag-asawa!"

Nahilamos nito ang palad sa buong mukha. "Alam mo ba kung anong itsura mo habang natutulog, Blair? Alam mo bang mula pagkabata natin, hindi ko alam paano ka gigisingin dahil tuwing tulog ka, doon ka lang payapa? Doon ka lang hindi nakakaramdam ng sakit? Then you want me to wake you up in a lewd manner?"

"You're going to wake me up in a sexy manner."

Ang tigas ng iling nito. "No."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Blair habang nakatingala sa asawa. Napasulyap sandali sa kanya si Jack. Nang magsalubong ang mga mata nila ay kumurap siya para eksaktong tumulo ang luha.

"Babe, make my fantasy come true naman..." Blair begged softly, pouting his lips and making sure her tears won't stop from flowing.

Lumambot na ang itsura ni Jack. Inalis nito ang tingin sa kanya pero bumalik din pagkatapos.

She sobbed. "I want to make love to you so bad. Now that I finally found out where I can get turned on, I'm so excited to try it with you. Please, Jack. Hindi mo na kailangang magpigil..."

Umiwas ulit ito ng tingin. Nakikita niya sa ekspresyon nitong pahirap nang pahirap na rito ang tumanggi.

Mas ginalingan ni Blair ang pag-iyak. "Jacquin..." Kumandong na siya rito at sumubsob sa leeg nito.

Umingay nang umingay ang paligid. They can hear people shouting the New Year's countdown...

Isang mahabang buntonghininga bago siya masuyong hinarap ni Jack rito at pinunasan ang mga luha niya.

"No crying in our anniversary," he whispered while wiping her tears away from her cheeks.

"P-Payag ka na?"

Pumikit ito. Parang nagbilang. Bago unti-unting dumilat at hinuli ang mga mata niya. "If it didn't work fine, Blair, we won't repeat it, again."

Mabilis siyang tumango. Napangiti na si Blair at niyakap ito nang mahigpit.

The fireworks started to light up the night sky and everyone is happily cheering, cars and trumpets honking non-stop.

"Happy New Year, Mr. Valleroso," malambing niya bati at saka humalik sa mga labi nito.

"Happy anniversary, Mrs. Valleroso..." He kissed her back sweetly and gently.

Pagkatapos nilang kumain at magkuwentuhan, totoong inantok na si Blair. Bumigat nang kusa ang katawan niya at kahit maingay pa rin sa labas dahil sa mga kabi-kabilang street parties, totoong nakatulog siya.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal natutulog nang makaramdam siya ng panlalamig sa buong katawan. It felt like she's naked in the middle of North Pole.

Nakaramdam siya nang kiliti nang parang may gumagapang na mga kamay sa kanyang binti. Pero hindi makadilat si Blair para makita kung kaninong kamay iyon. She tried to close her legs when it was suddenly parted wide by those same hands!

"Pakipot ka pa nung high school, bibigay ka rin pala ngayon!"

Napaungol si Blair sa takot. The hand is now between her thighs, cupping her sex! Humaplos ang daliri nito sa gitna...

"Basa na agad ang puta!"

"Ahhh!" malakas na sigaw ni Blair at biglang napabangon. She pushed the hands away so hard. "Lumayo kayo, hayop! Hayop!"

"B-Blair!"

Kahit nakadilat na ay walang makita si Blair kung hindi demonyo! Sumigaw siya at kinalmot ang mukha nito!

"Blair, it's me!"

"Hayop ka! Hayop! Hayop!" Patuloy siya sa pagkalmot. May narinig siyang pagbukas ng pintuan.

"B-Blair, calm down..." The man cried. Hindi lumalaban sa mga hampas at kalmot niya. "This is J-Jack, wildflower..."

Natigilan bigla si Blair at kumurap-kurap. Pagdilat niya ulit ay biglang luminaw ang lahat!

Walang demonyo...

Nakayakap lang sa kanya si Jack--nakahubad, habang nakapulupot ang comforter sa katawan niya.

Napaawang ng labi ni Blair nang makitang nakapasok na ang bodyguards at nakatutok kay Jack ang mga baril!

"Ibaba niyo 'yan!" agad niyang utos sa mga ito! "Ibaba niyong lahat iyan!!!"

"Miss Blair, we were ordered to shoot even him, if he hurts you."

Hinding-hindi siya sasaktan ni Jack sa kahit anong paraan!

"Get out, Ivan! Get out! All of you! Get out!!!"

Agad na nagsunuran naman ang mga ito at sinara ang pinto.

"Jack." Agad niya itong hinarap.

Her heart ached at his falling tears. And there were nail scratches on his gentle face...

Napasinghap siya. Did she do that to him?! Hindi niya alam kung saan hahawakan ang asawa...

"I'm sorry, Jack! A-Akala ko... A-Akala ko..."

Napahagulgol ng iyak si Blair nang makitang may tumulong dugo mula sa malaking kalmot na nasa kaliwang pisngi ni Jack!

"I'm s-sorry! I'm sorry! Mahal na mahal kita!" iyak ni Blair. Hindi matanggap na nagawa niyang saktan ng ganito ang asawa!

She hurt him! Jack was just doing what she asked him to do... He was just trying to fulfill her fantasy. But she hurt him! She hurt him!

"Jack, I'm sorry! I love you! I'm sorry!" paulit-ulit siya. Wishing so bad that her words could soothe the physical pain away from him.

"Natakot ako, natakot lang ako! Naririnig ko sila! Naririnig ko mga boses nila!" Nagsimulang manginig ang buong katawan ni Blair habang humahagulgol.

Niyakap siya ni Jack at umiyak kasabay niya.


***

Connect with me ❤️

Official FB Pages: FGirlWriter & C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Patreon: FGirlWriter

Continue Reading

You'll Also Like

11.9K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
10.3K 1.2K 20
06/13/2023 - 06/16/2023
320K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...