Good Riddance (DS #2)

FGirlWriter tarafından

864K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... Daha Fazla

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 39

10.5K 733 220
FGirlWriter tarafından

Warning: This chapter may contain sensitive topic and/or triggering scenes.
Please be guided.

***
KABANATA 39:

The Deserving

MAS MABUTI nga sigurong hindi na nila pinag-uusapan ni Jack ang estado ng kanilang relasyon dahil mas maayos at nagtatagal sila.

       Apat na buwan agad ang matuling lumipas. Sa mga buwang iyon ay laging maayos, masaya, matamis, at mapayapa ang mga naging araw nilang magkasama—sa trabaho o personal man.

       "You're filing a three-day leave?" nakakunot-noo si Jack habang nakatingin sa request niya.

       Tumayo si Blair sa harap ng lamesa nito. "Dadating kasi si Ninong Aalto next week. Kasama ang daughter niya. Nakapangako akong papasyal ako kasama sila."

       Sabi ni Ninong Aalto, gusto daw ng anak nitong si Nala mag-beach. Kaya magbo-Boracay sana sila. Apat na araw. So, she filed a leave from Wednesday to Friday para tuloy-tuloy hanggang weekend.

       "I made sure I won't leave any heavy load of work. And you don't have meetings naman next week..." dagdag niya para makumbinsi si Jack.

       Kinagat nito ang ibabang labi at saka sumulyap sa kanya. "I can take care of work. It's just that..."

       "What?"

       "Hindi kita makikita ng ilang araw."

       Blair's jaw dropped. Seryosong-seryoso ito!

       "But it's just four days..."

       Napakunot-noo lalo si Jack. Tumayo na rin ito at lumapit sa kanya. Sumandig ito sa lamesa, hinila ang kamay niya, at kinulong siya sa pagitan ng mga binti nito.

       "Would you call me while you're on vacation?" he softly asked, tucking her hair behind her ear.

       Napatukod siya sa dibdib nito. "I will call you, of course. At saka... uuwi namin ako ng Saturday night. We can see each other by Sunday."

       Napapikit ito at pinagtama ang mga noo nila. "That's still four days without you, babe."

       Tinago ni Blair ang mga ngiti. "Gusto mong matulog sa condo habang wala ako?"

       Dumilat ito at sinalubong ang mga mata niya.

       "I'll leave the keys to you. Doon ka muna. Hintayin mo akong umuwi?" Now, she smiled and stroked his arm. "Let's have a sleepover ng Saturday pagkauwi ko?"

       Matagal na tumitig lang sa kanya si Jack, hindi nagsasalita.

       "Hey..." Pinisil niya ang pisngi nito. "Para namang hindi ka nag-o-overnight sa condo kung makatingin ka riyan..."

       "I will miss you so much that time." Kiniling ni Jack ang ulo nito pakaliwa, pumungay ang mga mata. "Paano kung hindi ako makapagpigil, huh?"

       Napayuko si Blair. "Bakit ka kasi nagpipigil?" She traced the buttons of his long-sleeved polo using her fingers.

       He quietly chuckled. "You've been unresponsive with anything sexual for the past years. Nothing turns you on and it was related to your therapies right now, you said." Naramdaman niya ang labi nito sa pisngi niya.

       Napabuntonghininga siya. He's right. Hindi pa rin alam ni Jack ang buong detalye kung bakit siya nagte-therapy, pero minsan nasasabihan niya ito ng mga nagiging epekto sa kanya niyon.

       Sometimes, after every session, she's very drained. Quiet, uninterested, cold, irritated... Her sexual appetite was lost in the long run, too.

       Tinignan niya na ulit si Jack. "But if we try maybe I can... perform well?"

       Napangiti ito at kinabig ang ulo niya sa dibdib nito. "I was just kidding. Doon ako matutulog sa condo mo, sige. I would love your scent to get all over me while you're away."

       Napapikit siya at mas sinubsob ang ulo sa dibdib nito. "Maglinis ka doon, ha."

       "Yes, babe."

       Isang katok sa pinto ang nagpatuwid ng tayo ni Blair. Napalayo siya kay Jack at patakbong bumalik sa sariling lamesa.

       Ngumisi si Jack at napailing-iling. Ito na mismo ang nagbukas nang naka-lock na pinto. Lagi na silang nagla-lock dahil madalas siyang yakapin ni Jack sa gitna ng trabaho, katulad kanina!

       "Good afternoon, Mrs. Solero," magalang nitong bati sa editor-in-chief. "Please, come in."

       Nagpanggap si Blair na may ginagawang trabaho sa sariling desk kahit kanina niya pa natapos lahat ng task na pinagawa ni Jack sa kanya sa araw na iyon.

       "Sir Jacquin, I would just like to follow-up the request of our department about the upcoming interns this August..."

       Umupo si Jack sa likod ng lamesa nito at nakinig mabuti sa matandang babae.

       Hindi na naintindihan masyado ni Blair ang pinag-uusapan ng mga ito dahil may notification na pumasok sa phone niya.

       Another email from her mother. Naikot niya ang mga mata. Hindi pa man nababasa ay binura niya na agad iyon. Wala na talaga siyang pakialam sa ina. Ninong Aalto had been asking her to talk to her, but Blair was serious not to be associated with Bridgette, anymore.

       Tutal ay hawak niya na ang iPhone, she started to open her Facebook account and chatted Venice. Ang tagal na nang huli nilang pag-uusap. Mukhang nasa sariling mundo na naman ito. Nilamon na naman siguro ng mga fictional characters nito.

       She quietly sighed and looked at Jack. May sinusulat na ito sa papel habang patuloy pa rin si Mrs. Solero sa sinasabi nito.

       Gustong-gusto niya nang sabihin kay Venice lahat. Para makuwento niya na rin si Jack dito. Blair knows her friend. Kaya naman dapat ay mapagtapat niya na ang tungkol sa komplikado ngunit kontentong love life niya ngayon.

       Kaso naman, ang hirap makausap ng kaibigan niya magmula nang sumikat sa ibang bansa! Siguro, hihintayin niya na lang ang pagbisita nito next year nang masabi niya na ang katotohanan. Tutal, may plano naman talaga siya. At ang ikukuwento niya na muna ay ang tungkol sa kanila ni Jack. Doon sa hindi makaka-trigger ng panic attacks niya. Blair believes that Venice would understand her.

       Tumagal ng ganito pero mas mabuti na kaysa habambuhay itong walang alam. Lalo na sa relasyon nila ni Jack. Ayaw niya nang itago si Jack at hindi fair kay Venice na marami itong hindi nalalaman sa kanya. They don't deserve that from her.

       "Yes, babe? Bakit mo ako tinutunaw ng titig?"

       Napakurap si Blair at napatuwid ng likod. Paglinga niya ay wala na ang kausap ni Jack. Nakatingin na ito ng diretso sa kanya. Nakangisi.

       "Matagal ba 'kong nakatulala? Sorry..." Nasapo niya ang noo.

       Tumayo ito at may inalagay na papel sa ibabaw ng mesa niya. "Do this tomorrow. Let's go home."

       Blair nodded and fixed her things. Una siyang lumabas at nag-time out. Dire-diretso siya sa elevator hanggang basement kung saan tanging executives lang ang nagpa-park. Lumapit siya sa Lexus ni Jack at binuksan iyon. Siya na rin ang nag-start ng makina. Nasanay na siya dahil ganoon sila halos araw-araw.

       After ten minutes, Jack was already with her. Hindi sila nagsasabay nang pag-alis sa opisina para hindi mapansin ng mga empleyado. Lalo na iyong mga tsismosa sa dati niyang department.

       Ayaw niya nang itago si Jack. Pero ayaw niya ring pagpiyestahan sila ng mga empleyado kaya mas mabuti nang lowkey lang sila sa ibang tao. Basta sa mga importanteng tao sa buhay niya katulad ni Venice, dapat ay malaman na nito.

       "I was just thinking about telling Venice about us."

       Nasa condo na sila at nagsisimula na siyang magluto para sa dinner nila.

       "That's good. Finally?" ani Jack. Nakatukod ang isa nitong kamay sa gilid ng lababo habang pinapanood siyang magluto.

       "Paano ko kaya uumpisahan? 'Hey, best friend, your ex is my husband now'." She chuckled. "Or 'Actually, before Jack dated you, we dated first back in high school. So, you actually dated my ex-boyfriend first'."

       Nakatitig lang sa kanya si Jack, kagat ang ibabang labi na pinipigil ang mapangiti.

       "What do you think?" baling niya rito.

       Humaplos ang kamay nito sa likod niya. "Just tell her the truth without those playful remarks. She'll understand from there and won't really mind whose ex-boyfriend was I first."

       Napataas ako ng kilay. "Kilalang-kilala mo si Venice, huh?"

       "Hmm?" He's now behind her and snaking his arms around his waist. Giving her a warm back hug. "Mas kilala kita. You're good at picking understanding friends, babe."

       Hinanaan niya ang kalan. "Did you love Venice more than me?" she randomly asked.

       Lumapit ang bibig nito sa likod ng tainga niya. "You know the answer to that. You know why I tried entering relationships before... And it only proved how I wouldn't get over you. Ever..."

       Hinawakan pa nito ang kamay niyang may hawak ng sandok. Sabay nilang hinalo-halo ang pumpkin soup na niluluto.

       Sinandal niya ang likod sa dibdib ng asawa at napangiti sa posisyon nila.

       "Jack."

       "Yes, babe?" Inagaw na nito ang sandok sa kanya at ito na lang ang mag-isang naghahalo.

       "Alam ba nina... ahm, Raqi na nandito ka?"

       "They do."

       Napalunok siya at yumapos sa braso nitong nakayakap sa kanya. "Anong s-sabi nila?"

       "Wala naman."

       "Galit... sila?" mahina niyang tanong.

       Hindi sumagot si Jack bagkus ay binigyan lang siya nito ng halik sa balikat. "Mag-ihaw na tayo? You like grilled fish for dinner, right?"

       Tumango siya. Pinilit ngumiti. "Palit ka munang damit. Para hindi mangamoy ang polo mo."

       "Okay." Pinisil siya nito sa baywang bago pumasok ng kuwarto para makapagpalit.

       Nag-iiwan na palagi si Jack ng ilang damit sa kuwarto niya para kapag bigla nitong naisipan na doon matulog ay may mga gamit na ito roon. Ibinili na rin ito ni Blair ng sarili nitong toiletries. She bought his own toothbrush and shaver, his favorite brand of toothpaste, shower gel, shampoo, deodorant, shaving cream, perfume...

       Maliban sa tsinelas, may ilang pairs na rin ng sapatos doon si Jack—loafers, crocs, rubber shoes, walking shoes, at leather shoes.

       Pagkalabas ni Jack ay nakapambahay na ito. White shirt at gray cotton shorts.

       Nilabas ni Blair ang dalawang tilapia na tinimpla at binalot niya sa foil wrapper. Pagkatapos ay si Jack na ang nagbukas ng electric griller para masimulan na ang pag-ihaw. Hindi naman masyado nagtagal at nakumpleto na ang dinner nila.

       After eating, they ate frozen yoghurt for dessert while watching T.V.

       "Dito ka matutulog?" she asked Jack, kahit hindi weekend. Usually, Friday ng gabi ito nag-o-overnight.

       Tumingin ito sa kanya. His thumb brushed off something from the side of her lips. "May gagawin ako sa bahay pero... kung gusto mo, dito lang ako."

       "Ah, may gagawin ka pala. Unahin mo na lang muna iyon. Sa Friday na lang." Binalik niya na ang atensyon sa pinapanood.

       Jack sighed and rested his forehead over her shoulder. "Bukas hanggang next week bago ka mag-take ng leave, dito muna ako."

       Napabaling siya rito. Blair likes that. "Really, Jack?"

       Nag-angat ito ng tingin at hinaplos ang pisngi niya. "Ayoko talagang naiiwan kang mag-isa rito."

       "May mga bodyguards naman ako, if you're concerned about my safety."

       Hindi lang siya tradisyonal na binabantayan. Her bodyguards—put up by Kuya Bari, were usually merged within her surroundings. Laging nasa sapat na distansya palagi sa pagbabantay sa kanya tuwing nasa labas. That's why she's comfortable doing her own groceries and going to her pole dancing classes and therapies.

       Sa tuwing nasa opisina naman siya o ngayong nasa condo, nasa labas lang ang mga ito. They were tasked to guard her 24/7. Nakakabawas iyon sa anxiety at panic attacks niya. Kaya rin hindi siya madaling nalalapitan ng Mama niya. Pati ni Hank.

       "I just don't like the idea that you're living alone when you have me..."

       Ibinaba niya ang kinakain at humarap na rito. Nakatitig sa kanya si Jack na may determinadong mga mata. Now, that he has no eyeglasses, laging bumubungad sa kanya nang harapan ang damdaming nakaangkop doon.

       Hinaplos niya ang panga nito pababa sa leeg. "Sometimes I think, I deserve to be left alone forever..."

       Nagsalubong agad ang mga kilay ni Jack. Handang-handa nang kumontra. Blair softly blew air towards his intersecting eyebrows. Napakurap-kurap ito.

       "But you don't deserve that, Jack. Som we have to be together, right? Because you don't want to be with anyone else than me."

       Nakipagtitigan sa kanya si Jack. Hinihintay ang mga sasabihin niya pa.

       "After my vacation with Ninong Aalto and Nala, let's... move somewhere... together..."

       Napaawang ang mga labi nito. "Magkasama na tayo sa isang...?"

       Tumango siya. "Yes, let's plan that. Dapat naman talaga magkasama tayong nakatira sa iisang bahay..."

       He sighed in relief. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil ang wedding ring na suot niya. "I like that, babe. I like that so much..."

       And Jack deserves everything he likes!

       Yumapos siya sa leeg nito. Jack hugged her by the waist and let his back lie down the sofa. Blair cuddled with Jack the whole time until he needs to go home.

       Kinabukasan, nagtitimpla si Blair ng kape sa small pantry ng private office nang dumating si Jack. Very fresh in his cream polo-shirt and brown tailored slacks, he walked directly towards her and gave her a lip kiss.

       "Good morning, babe," he huskily greeted. Nakahawak din kaagad ang mga kamay nito sa balakang niya. "How was your sleep? Did you dream of me?"

       Natawa siya sa lambing ng boses nito. Umagang-umaga, sinugod agad siya ng ganoon! Hindi naman umaangal si Blair. Jack is usually sweet and calm. But right now, he's extra sweet and eager!

       "Eksakto lang... I got a bad hair day." sabay turo niya sa buhok na naka-ponytail pero madaming tikwas. "I ran out of hair serum."

       Tinignan siya nito, kiniling pa ang ulo pakaliwa. "You're still beautiful, Blair."

       "I know naman. Hindi ko lang gusto ang hair ko today."

       He chuckled and kissed her hair.

       "You're so happy today, Jack," she suspiciously said.

       He chuckled. "I'm just excited to live with you. Nagre-research na 'ko ng mga lugar na puwede nating lipatan."

       May kung anong humaplos sa puso ni Blair na ganito kasaya si Jack, wala pa man. She felt so good making him happy like this.

       Tinuloy niya ang pagtitimpla ng kape sa kanilang dalawa habang kinukuwento ni Jack ang mga properties na kino-konsidera nitong tirhan nila.

       Blair kept on smiling and nodding at everything he said, feeling the anticipation of, finally, living with Jack and be as normal married couple as they were supposed to be.

       Parehas silang ganado sa trabaho ni Jack buong araw. Nang kailangan niyang mag-submit ng monthly executive report sa opisina ng kapatid ay nakasabay niya si Patricia sa elevator.

       Nakapalibot dito ang mga unipormadong bodyguards nito.

       "Blair," nakangiting bati nito at nakipag-beso sa kanya. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kasama ang limang bodyguards.

       "Pupunta ka rin kay Kuya Bari?"

       Umiling ito. "Kay Mama Ysabella. Magpapa-consult lang ako tungkol sa business."

       "Where's Noah?" hanap niya sa pamangkin.

       "Uhm, Sandro was in a bad mood nang dumalaw ako kahapon sa kulungan... Ayaw niya 'kong pansinin kaya si Noah muna ang ipinadala ko roon kasama ang yaya at bodyguards..." Napayuko ito at pasensyoso ang ngiti. "He's still... cold and hard."

       Napahugot siya ng hininga at hindi na lang kumibo.

Blair is "okay" with her brothers now. Naiintindihan niya na ang mga ito katulad nang pag-intindi ng mga ito sa kanya. But she still has issues against Kuya Bari and Kuya Sandro that were hard to settle. Iniignora na lang muna niya 'yon sa ngayon.

       Tumikhim si Patricia. "How are you and your... husband?"

       "We're okay," tipid niyang sagot. "Nagkakasundo naman."

       Masayang napangiti ito. "That's good to hear. You look happy. Si Kuya Bari rin, nakita ko isang araw na kasama niya 'yong wife niya."

       Napataas siya ng kilay. "Akala ko ay on-going ang annulment nila?"

       Tumango ito. "Yes, it's still on-process. Pero ewan ko, magkasama sila, eh. Baka nagkakaayos na rin sila?"

       Blair shrugged and waved goodbye to Patricia when they arrived at her floor. Pagbaba niya ay dumiretso na siya kaagad sa opisina ng kapatid. Hinayaan lang din siya ng sekretarya nito.

       "I heard something from Patricia," bungad agad niya sa kapatid na ang buong atensyon ay nasa monitor ng computer nito.

       "Where's Mr. Valleroso's monthly report?" Inumang nito ang palad nang hindi tumitingin sa kanya.

       "You were caught spending time with your soon ex-wife!" sabi niya at saka ibinigay rito ang dalang folder. "Kayo na ulit?"

       "We're just helping my cousins," Kuya Bari shortly and vaguely answered. Kalmado at walang emosyon ang tono.

       "You're so desperate," nakangising tukso niya rito.

       Doon ito nag-angat ng tingin sa kanya. Matalim ang tingin ngunit mahinahon pa rin nang nagsalita.

       "At anong narinig kong nagpa-plano kayo ng asawa mo na magsama sa iisang bahay? Nakalimutan mo na ba, Blair, na hindi ka puwedeng magdesisyon ng mga ganoon nang sarili mo lang?"

       Napatuwid siya ng tayo at nawala ang ngisi.

       "You are mentally unstable that's why Mama is your legal guardian. She's the only one who can make big decisions for you."

       Kuya Bari's words unexpectedly pierced her painfully.

       She's mentally... unstable...

       Napayuko si Blair. Napahawak siya sa mga kamay at pinigilan ang panginginig niyon.

       "Jack and I just want to l-live n-normally like n-normal m-married couples do..."

       "Sa tingin mo ba hinayaan ni Mama na bumalik si Jacquin sa buhay mo para magsama na kayo ng normal?

       "Hinahayaan lang namin kayong ituloy kung ano mang naudlot sa inyo noon, but you're not going to live with him until we say so. Kung ipipilit mo'y sabihin mo muna sa kanya ang lahat para maipasa na sa kanya ang custody mo. Ano? Kaya mo na ba? Huh?"

       Matalim niya itong tinignan. "You're so cruel, Ibarra!"

       Matalim din ang pagsalubong nito sa mga mata niya.

       "You are not capable to make major decisions in your life right now, Blair. Hanggang sa hindi natatapos ang kaso mo, si Mama lang ang puwedeng magdesisyon para sa 'yo.

       "At paano ka magiging asawa kay Jacquin sa ganyang estado mo? Mahihirapan sa 'yo 'yung tao!"

       Parehas silang natigilan ni Kuya Bari sa mga sinabi nito.

       Tears started to form in the corner of her eyes. Napatayo naman ito at agad na lumambot ang mukha. Akmang lalapitan siya ng kapatid pero agad siyang nakalayo rito.

       "Kaya ka pala iniiwan ng asawa, Kuya. Kasi ganyan ka."

       Napapikit ito at napabuntonghininga. "I'm sorry, I didn't mean to—"

       Tumalikod na si Blair. Tinanggal niya ang salamin sa mata at mabilis na pinalis ang mga luha. Taas noo siyang naglakad ng mabilis at hindi nilingon ang kapatid hanggang sa makabalik na siya sa sariling office building.

       Uminom si Blair ng gamot pampakalma bago bumalik sa opisina.

       Agad na napatingin sa kanya si Jack pagkapasok niya. "Natagalan ka..." nag-aalalang sambit nito.

       She softly smiled at him. "Nakasalubong ko si Patricia, nagka-kuwentuhan pa kami. Na-submit ko na ang signed report mo kay Kuya Bari."

       Nagtataka pa siya kanina kung bakit hindi na lang i-fax o i-email ang report. Pero mukhang sinadyang iutos ng kapatid niya kay Jack na papuntahin siya para makausap at mapagsabihan siya.

       Bumalik na siya sa sariling puwesto at nakasunod pa rin si Jack ng tingin sa kanya.

       "Did you mention we're planning to live together to Kuya Bari?"

       Umiling ito. "I never told anyone yet. Kagabi pa lang naman natin napag-usapan." Napatayo na ito at lumapit sa kanya.

       Hinawakan ni Jack ng isang kamay ang sandalan ng upuan niya, ang isa ay nasa armrest. Madali siya nitong naikot paharap rito. He crouched a little to meet her eyes.

       "You look like you cried. What happened, babe?" he asked in deep worry. Ganoon ba siya kahalata?

       Umiling siya at nginitian ito. She caressed Jack's face and neck. "I'm okay, babe. Magta-trabaho na 'ko kasi ayokong may hindi matapos ngayon. Magba-bakasyon pa naman ako next week."

       Ayaw pa rin nitong pakawalan ang inuupuan niya. Titig na titig pa rin at tila ayaw maniwalang walang problema.

       "Jack... Let's work na. Office hours pa..." Sinubukan niya nang ikutin ang upuan paharap sa lamesa. Hinayaan naman nito iyon.

       But Jack remained beside her. Sumandig ito sa lamesa niya, humalukipkip, at pinanood ang ginagawa niyang trabaho.

       Buti at may kailangan talaga siyang gawin kaya hindi niya kailangang magpanggap na busy. Kahit naiilang kay Jack na nasa tabi niya pa rin, nag-focus na si Blair sa harap ng computer.

       Tumunog ang telepono sa lamesa ni Jack. Umalis saglit ito. Akala niya ay babalik na ito sa trabaho.

       "I'm currently in the middle of something. Bukas na lang," mabilis nitong bungad sa kausap. Hindi nawala ang galang pero nandoon ang agad na pagdi-dismiss sa tono nito.

       Ibinaba ni Jack ang telepono nang hindi maayos. Inilabas din nito ang sariling phone at may pinindot-pindot doon bago iniwanan sa ibabaw ng lamesa basta.

       Pagkuwa'y humila ito ng upuan at bumalik sa tabi niya.

       Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. "Jasiel Jacquin Valleroso!"

       "Present," ngisi nito.

       Hinampas niya ito sa braso. "Go to work, Jacquin! Nakakalimutan mo yatang ikaw ang boss dito? Hindi mo 'ko kailangang bantayan!"

       Tumitig ito nang matiim sa kanya. "Tell me the problem first, Blair."

       Nag-iwas siya ng tingin. "There's no problem." Nilagay niya ang mga daliri sa keyboard at nagtipa. "Please, let me work if you don't want to work."

       "At paano ka magiging asawa kay Jacquin sa ganyang estado mo? Mahihirapan sa 'yo 'yung tao!"

       Napalunok siya. Sana talaga hindi na ito balikan ng asawa nito kahit kailan! 'Yung Ibarra na 'yon! Naiinggit siguro sa kanila ni Jack!

       Mariin niyang kinagat ang labi para mapigilan ang emosyon. Paano ba kasi nito nalaman ang tungkol sa plano nilang mag-asawa kung kagabi pa lang nila napag-usapan ni Jack iyon?

       And how can she hate and still love her brother at the same time? Ayaw niya talaga. Ayaw niya talaga ng ganitong emosyon!

       Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Jack. Then he leaned his forehead against her shoulder. "Let me hear you, babe. Please?"

       "N-Nagkapikunan lang kami ni Kuya Bari. Our usual sibling fights. No big deal, Jack." Pigil na pigil niya ang panginginig ng boses.

       "That's a big deal for you, Blair. Don't invalidate your own feelings."

       Napahinto siya sa ginagawa.

       "Whatever happened, whether it's a petty fight or a big one, your feelings are important. You were hurt and that's valid, baby."

       Parang may kung anong pumuno sa dibdib ni Blair. Dahan-dahan siyang bumaling kay Jack.

       "Ang sakit lang magsalita ni K-Kuya... B-But, it was partly my fault because I think I made a bad joke," parang batang paglalahad ni Blair. Her lower lips pouting. "But he still hurt my feelings..."

       Tumango ito at humagod ang palad sa likod niya.

       Napayuko siya. "And uhm, is it okay if we postpone muna our plan to get a new place and live together? L-Let's do some sleepovers na lang pala. H-Hindi pa kasi advisable sa 'kin to leave the condo..."

       Hinawakan ni Jack ang armrest at inikot ang upuan niya paharap dito. Nagtama ang mga tuhod nila kaya't napatingin siya rito.

       Their eyes met and he gave her a comforting smile. "Okay. Whatever's best for you at this moment, Blair, we'll do that. Marunong naman akong maghintay."

       Napalunok siya. This is the man deserving of every good and beautiful thing right now but is always willing to wait... Just for her.

       Mabilis siyang nakalipat ng upo, doon sa ibabaw ng kandungan nito. Blair cupped Jack's face and gave tiny kisses over and over his lips.

       Humaplos ang mga kamay nito sa baywang niya. Tiningala siya. "Are you feeling better?"

       Mapagmahal na niyuko niya ito at hinaplos ang pisngi nito. "You're the only one who can make me feel better... Who can make me better... Ikaw lang palagi, Jacquin."

       Napapikit ito sa sinabi niya. Napalunok. Kinabig na siya nito payakap, mas malapit sa katawan nito.

       Gusto na rin naman ni Blair sabihin ang lahat. It's just she can't literally speak it out loud. If she'll try, she'll end up panicking or worst, collapsing. Kaya nga siya nagpapapagamot, ilang taon na.

       And she's not sure if Jack deserves to hear everything that happened. Ang ibig niyang sabihin, karapat-dapat si Jack sa katotohanan. Ngunit paano ang sakit na kalakip niyon?

       When the weekend came, Jack stayed overnight. Ang ulo niya'y nakahilig sa braso nito nang nasa kama na sila at nagpapa-antok na lang. Ipinulupot niya rin ang braso sa baywang nito, at ang isa niyang binti ay nakapatong sa binti nito.

       They were both smiling and laughing as they imagined their future house together. Ayon dito, mag-plano lang muna sila. Kahit hindi muna lilipat.

       Maybe next year, she'll be better. Blair thought to herself. Sabi naman ni Dra. Alicante—her psychiatrist, maganda ang progress ng therapies niya. She'll hold onto that.

       Saturday morning, Jack drove her to the pole dancing class studio.

       "Bye-bye!" Blair cutely waved her fingers pagka-park nila sa harap niyon.

       "Susunduin kita pagkatapos. Doon lang ako sa coffeeshop sa tapat, magbabasa ng libro."

       "Okay, babe." She leaned and kissed his cheeks. Bumaba na siya ng kotse nito at pumasok na sa loob ng studio.

       Nang nakita siya ng instructor ay agad siyang pinapuwesto sa isang pole at nagsimula na ang klase.

       Pagkatapos ng tatlong oras ng pole dancing lessions, pawisan na siya at parang may mga nabanat sa kanyang buto. She was spent but felt great. Marami na siyang moves na natutunan!

       She can do the "hello boys" and "chopper" moves perfectly! Malaking achievement iyon para sa kanya.

       Sa class recital daw nila, they can invite family to watch them dance. Wala siyang naiisip na ayain noon kundi si Tita Bella. But Jack said he's interested to watch her pole dancing!

       Ngingiti-ngiti si Blair habang papasok ng shower room. Binati siya ng ilang kasama sa klase. She smiled and waved back. Pagkatapos mag-shower, kinabit niya ang bathrobe at saka napansing mag-isa na lang pala siya sa locker room.

       Suddenly, she felt uneasy. Luminga-linga siya. At ganoon na lang ang sigaw niya nang makita sa isang glass window si Hank!

       Tumakbo palayo si Blair at kinuha ang cellphone. Pagtingin niya sa bintana ay wala na si Hank! But she swore, she saw him there!

       "Ivan!" tawag niya sa kanyang head bodyguard over the phone. "I saw Hank here in the locker room's window! Please, alert your men!"

       Wala pang isang minuto ay pumasok na ang apat na bodyguard ni Blair sa locker room para palibutan siya. The manager of the studio was alerted also. Sinundo siya ng ginang at doon na siya pinagbihis sa opisina nito.

       Nanginginig si Blair at halos hindi matapos ang pagbibihis. Kinuha niya ang pampakalma sa bag at agad na ininom iyon.

       Nasa labas na si Ivan pagkatapos niyang magbihis.

       "Si Jack... n-nasa c-coffeeshop sa labas," natatakot niyang sambit.

       "He's safe, my men got him covered."

       Napapikit siya at huminga nang malalim. "I swear I saw Hank earlier, Ivan."

       Matagal na matagal na mula nang huli niyang nakita ang dating nobyo. Kaya sigurado siyang hindi lang siya nag-i-ilusyon.

       "My men reported to me and saw some shoe prints outside the women's locker room. We'll report to you once confirmed."

       Nanuyo ang lalamunan ni Blair. Ano na naman bang gusto ni Hank? She already filed a restraining order against him. Dapat ay hindi na ito nagtatangkang lumapit!

       Paglabas ni Blair ng studio ay nakabantay sa kanya si Ivan sa harap habang apat na bodyguards ang nakasunod sa kanya sa likod. May tig-isa rin sa gilid niya.

       Nang pinuntuhan niya si Jack sa tapat ay napakunot-noo ito sa nakita. Pero hindi na nagtanong.

       "U-Uwi na tayo..." Blair tried to smile. Kinuha niya ang kamay ni Jack. "Sorry, marami akong bodyguards ngayon..."

       Tumango lang si Jack at mabilis na tumayo. Pinalibutan sila ng mga tagabantay pero hindi naman ito umimik o umangal.

       Pag-uwi sa condo unit, dalawa na lang sila ni Jack sa loob. Pero sabi ni Ivan ay sa labas lang mismo ito ng pinto magbabantay.

       Dumiretso si Jack sa kusina at paglabas ay may dalang isang basong tubig. "Drink first. Namumutla ka mula pa kanina."

       Napaupo si Blair sa sofa. Nanghihina rin siya. Ininom niya ang tubig hanggang sa maubos iyon.

       Umupo si Jack sa tabi niya at kinabig siya sa dibdib nito.

       "What alerted your bodyguards?"

       "Si H-Hank n-nakita ko kanina..." Napalunok siya. "He's a trigger to my condition right now... And a threat..."

       Nais pa niyang magpatuloy sa pagpapaliwanag kay Jack. But Blair felt like collapsing if she'll continue.

       Kaya ganoon na lang ang ginhawa niya nang tumango lang si Jack at buong araw ay hindi siya iniwanan. Tumawag si Tita Bella dahil nakarating dito ang balita. Kinumusta siya nito. Sumunod ay si Kuya Bari naman.

       "They're in full alert until next week. Sa bakasyon mo sa Boracay, dodoblehin ko ang bodyguards mo."

       "Okay..."

       Kuya Bari sighed from the other line. "I'm sorry about what I've said the other day, Blair..."

       She pouted. "I'm sorry, too. But you're still desperate to have your wife back."

       "Yes. And you're not living anywhere else with Jacquin. Not yet."

       "Okay..." She sighed. "Pero masakit pa rin ang sinabi mo. So, you owe me an extra allowance for my Boracay trip, Kuya."

       Napabuga ito ng hangin. When she checked her bank account, Kuya Bari already transferred more money.

       Okay, bati na sila!

       Nang sumunod na araw, maayos na ang pakiramdam ni Blair. Ivan reported that Hank was out of town. So, was that just an illusion?

       Hanggang sa simbahan kung saan sila nagsisimba ni Jack ay nakapalibot kay Blair sina Ivan. Jack didn't seem to mind. Tila mas panatag pa itong napapalibutan siya ng mga tagabantay.

       "Hindi ba... nakakahiya?" bulong niya kay Jack habang naglalakad sila papasok sa worship hall.

       Takaw pansin kasi sina Ivan habang naglalakad kasama nila. Matatangkad ang lahat at iisa ang suot na black shirt, black pants, at black boots!

       "Mayroong nagsisimba rito na mas marami pang bodyguards kaysa sa iyo. This is just right. Hindi rin naman ako papayag na lumabas ka kung wala sila."

       Kumapit siya sa balikat nito at inayos ang Rayban na suot sa mga mata. "N-Nasa malayong lugar naman daw pala si Hank. I think, guni-guni ko lang 'yung kahapon."

       "Whatever it is, you're scared and this shouldn't be taken lightly." Seryosong-seryoso ang mukha ni Jack.

       She nodded and held to him tighter. Nang nag-umpisa naman na ang worship service ay nasa likod nila ang mga bodyguards. Kahit papaano, mas kumalma ang pakiramdam ni Blair.

       Mula nang mas naging komportable na sila ni Jack sa isa't isa ay niyaya na siya nito magsimba. Sumasama naman si Blair. She likes going to church if she's with Jack. Sa tingin niya rin naman kasi, kahit ganito siya, walang masama kung aasa pa rin siyang pakikinggan na siya ng Diyos at patatawarin.

       Blair prayed for a peaceful life with Jack. Maybe this time, it would come true. Ginagawa naman niya lahat para maging mabuting tao na. Baka sakali namang pagbigyan na siya ng Diyos ngayon.

       She just wanted to live normally like other people do. Na kung hindi pa siya naging 'Chrisee' sa opisina, ni hindi niya pa malalasap iyong regular na buhay.

       She wanted to set her life straight.

       Sana matapos na ang drama sa buhay at pamilya niya, para hindi laging nasasagasaan si Jack. Napatingala siya rito pagkatapos niyang magdasal. Nakatingin na pala ito sa kanya kanina pa.

       She smiled and tiptoed to kiss him. He smiled and kissed her cheeks, too.

       After the worship service, umalis na rin sila kaagad ni Jack. Nakasunod sa likod nila sina Ivan. Mas lie-low na ang mga ito sa pagbabantay dahil cleared ang buong vicinity.

       Habang palabas sila ng asawa ay nahagip ng tingin ni Blair ang pamilya nito. Napahinto siya at kinalabit si Jack.

       Itinuro niya sina Tito Josias, Tita Wana, at Raqi na nasa hindi kalayuan. Sinundan ni Jack ang tinuro niya at napakurap ito.

       "Lapit ka muna sa kanila..." aniya rito. Alam niyang galit pa sa kanya ang pamilya nito kaya kahit maiwan muna siya roon kasama ang mga bodyguards ay ayos lang.

       "No need. They know we're here." Naglakad na ulit si Jack habang hawak ang kamay niya.

       Napakurap siya. "Hindi mo sila babatiin? But that's your family..."

       Hindi umimik si Jack. Inalalayan siya nito sa siko nang pababa na sila ng hagdanan.

       "Jack... nag-aaway ba kayo dahil... sa 'kin?" nag-aalalang tanong ni Blair. The Vallerosos are very loving. Hindi niya maisip na nag-aaway ang mga ito dahil lang sa kanya.

       Jack's family has all the right to get mad at her. Tanggap ni Blair iyon. At kahit ganoon, she still adores Jack's family.

       "Jack."

       "No. We don't fight because of you. May hindi lang kami pagkakaintindihan nina Daddy sa ibang bagay."

       "Baka kasi nagtrabaho ka sa company ng family namin, when in fact you could build your own? O kaya sa lagi mong pagsama sa 'kin. Or 'yung halos sa condo ka na nakatira?"

       "You're my wife," lingon nito sa kanya. "You're my top priority since I married you, Blair. My family comes second now."

       Sobrang seryoso ng mukha at boses nito. Walang makababali ng bawat salitang binitiwan nito.

       Inakbayan siya nito. Lumapat ang labi sa kanyang sentido. "Don't worry, babe. I'm okay with them in general. On my birthday, we'll celebrate with them in our house. Isasama kita."

       Lumingon pa ulit si Blair kung saan niya nakita ang pamilya nito. She quietly caught her breath when she saw Raqi looking directly at her. She's not smiling, but not scowling at her either.

       Napayuko siya at tinignan na lang ang nilalakaran.

       Imbes na kumain sa labas ay dumiretso na lang sila ulit ng uwi sa condo unit niya. Nagpahinga na lang sila ni Jack buong araw dahil may trabaho na ulit bukas.

       Ninong Aalto texted her that night. Nasa Manila na ito at ang anak. Nag-stay muna ang mga ito sa bahay ni Bridgette.

       "Tutuloy ka pa?" ungot ni Jack habang nag-e-empake siya ng mga gamit na dadalhin sa beach that Tuesday evening.

       Bukas na ng umaga ang flight. Ngayon pa lang siya nakapag-empake pagkagaling nila sa trabaho.

       "Ginawa na'ng sampu ni Kuya Bari ang bodyguards ko. I'm going to be safe, babe," malambing niyang konsula rito.

       Umupo ito sa likod niya at pinulupot ang mga braso sa baywang niya. Jack rested his chin on her shoulder and quietly watched her packing.

       "Sasama na lang ako..."

       Natawa siya sa parang pambatang tono nito.

       "Ang dami mo kayang trabaho. Uuwi din naman ako ng Saturday night. Mabilis lang iyon, Jack. Sunduin mo na lang kami sa airport. Sinabihan ko naman na si Ninong."

       Hindi na umimik si Jack. Maya-maya ay tinulungan na siya nito sa pag-e-empake. Nang matapos ay inaya niya na itong matulog.

       "Call me every night," bilin pa nito pagkahatid nito sa kanya sa airport kinabukasan. Nakapang-opisina na rin ito para diretso na sa trabaho.

       "Chat me," extra demand pa nito. "Send pictures."

       Blair chuckled but nodded at her husband's requests.

       "I'll send you nudes?" bulong niya.

       "Subukan mo lang talaga."

       Napahagikgik siya at yumakap sa leeg nito. Tumingala siya at tumingkayad para maabot ang mga labi nito.

       After their soft kiss, Blair entered the boarding gate since she was able to check-in online. Her bodyguards were back in their regular places. Nakahalo ang mga ito sa tao pero mataktikang nakapalibot pa rin sa kanya.

       Pagdating sa assigned gate ng flight ay naghihintay na roon ang Ninong Aalto niya.

       Napatakbo si Blair para salubungin ng yakap ang ama-amahan. Napapikit siya nang yakapin din siya nito nang kasing higpit.

       "Ang anak ko... I'm very excited to spend time with you, darling."

       Suddenly, Blair missed Santino. Well, she misses her father every day.

       "Hello, Ate Blair!"

       Kumalas siya ng yakap kay Ninong Aalto at napayuko sa batang babae na may yakap na iPad.

       "Anala!" Lumuhod si Blair para magkapantay sila. Ibinuka niya ang mga bisig. "You're a big girl na! Pero kiss mo pa rin ako!"

       Agad itong nagpayakap sa kanya at binigyan siya ng matunog na halik sa pisngi. "Ate Blair, you have longer hair already. Like a mermaid!"

       Nilugay niya ang buhok ngayon dahil maganda ang kulot niyon sa dulo.

       "Thank you, baby. Ang haba na rin ng hair mo." Hinaplos niya ang nakalugay din nitong buhok. She tucked Nala's long bangs behind her ear. "You didn't tie your hair?"

       "Yaya did not come with us, eh. Daddy does not know how to tie my hair."

       Ninong Aalto chuckled. "I'm sorry, pumpkin. Maybe your Ate Blair knows."

       Magkatabi silang umupo ni Ninong Aalto at kinandong ni Blair si Nala para matalian ang buhok nito. May hair ties at hairclips naman sa maliit na bagpack nito.

       Walang patid ang pangangamusta sa kanya ni Ninong Aalto habang naghihintay sila ng boarding announcement.

       "I look pretty!" Nala said while looking at herself on the mirror.

       Tinirintas niya ang buhok nito sa magkabilang gilid at itinali iyon sa gitna.

       "Ninang Bridge did this to my hair yesterday, too!" Ngumiti si Nala at nilingon siya. "Thanks, Ate Blair!"

       Binuksan ni Nala ang iPad nito at may nilaro roon.

       "Nala, what did I tell you about your screen time?" saway dito ni Ninong Aalto.

       "Five minutes only, Daddy. I'm just gonna feed my baby puppy here."

       "You heard that, Ate Blair? Five minutes lang daw."

       Niyakap niya ang kinakapatid at binulungan ito. "Okay lang kahit ten minutes."

       "Christeena Blair!"

       Sabay silang humagikgik ni Nala.

       "Chill, Ninong. Kapag nasa beach na tayo, hindi na mahahawakan ni Nala ang iPad niya, because I prepared lots of activities for us!"

       "We will play in the sand, Ate, ha? You promised me that."

       "We will fly also." Nagpa-book siya ng parasailing activity at marami pang iba.

       "Your mother misses you," Ninong Aalto said out of nowhere. Kanina pa ito nakatitig sa kanila ng anak.

       "Please, let's not talk about her, Ninong," she softly pleaded. "I'm trying to fix my mess. I can't afford to be entangled in hers. She's on her own now. Pagod na 'ko sa sarili ko pa lang, Ninong. Hindi ko na obligasyon na samahan pa si Mama."

       Napabuga ito ng hangin. "You're the only family she has. Alam mo iyan, Blair. Ikaw na lang ang mayroon sa buhay niya."

       "You're still there, Ninong. Hindi sa pinapasa ko sa 'yo ang burden, pero ikaw lang naman ang pumipili palagi kay Mama. Ikaw lang ang kayang magtiis at umintindi. Maybe you're enough for her."

       Because Jack is enough for her, too.

       "Wala ako palagi rito, Blair... And Anala is my priority now. Since my wife's death, I promised I'll give my all to our daughter."

       "Look, Ate Blair!" May tinuro si Nala sa iPad nito. Pagsilip niya roon ay natigilan siya.

       Nala is sitting on Bridgette's lap. Nakasandal ang bata sa dibdib nito. Nala was smiling widely, with a 'peace' sign in both hands. Her mother's smiling sweetly while hugging Nala, too.

       "You're beautiful like Ninang, Ate Blair. We're all beautiful!"

       Ngumiti lang si Blair dito. "Play ka na ulit. You can earn coins if you'll teach your puppy new tricks."

       "Okay!"

       "Baka puwedeng stepmother si Mama," nasambit niya bigla. "Since nagkamali siya nang pagpapalaki sa 'kin, maybe Nala could be her redemption."

       Napailing-iling na lang si Ninong Aalto. "She's very repentant about the past, Blair. Hindi ko sinasabing kalimutan mo na lang lahat. But she's still your mother."

       "Ninong, I want to spend this whole vacation happily with you and Nala. Please, let's not talk about her."

       Hindi niya alam kung alam ba ni Ninong Aalto ang lahat ng ginawa ng Mama niya. Lahat ng dumi at kasalanan. Because if he does, ang tatag naman ng sikmura at puso nito para maging kaibigan pa rin si Bridgette Salamanca.

       But should she be the one to talk?

       May sasabihin pa sana ang Ninong niya pero nag-announce na for boarding. Pumila na silang tatlo at sa loob ng eroplano ay iba naman na ang pinag-usapan nila nito. Tungkol na lahat kay Nala.

       Hanggang sa makarating sila sa hotel resort sa Boracay ay hindi pa nauubos ang kuwento ng Ninong niya tungkol sa anak nito.

       "I want to sleep in your room, Ate."

       "Nala, anak, tayo ang magkasama sa room," Ninong Aalto said to his daughter.

       Nala pouted. Yumakap ito sa binti ng ama. "Daddy, please? I want tabi kay Ate Blair. Like kay Ninang? Gusto ko girl katabi, eh. Nami-miss ko si Mommy!"

       Lumamlam ang mga mata ni Ninong Aalto at napatingin sa kanya. Nakakaintinding tumango si Blair. Ayos lang din sa kanya. She loves children, anyway. And Nala will always look for a mother-figure since her mother's gone.

       For the first day, they rested first and played in the sand before sunset. Hindi na nakasama sa kanila si Ninong Aalto dahil sumakit daw ang likod nito. Blair availed a full body massage for her godfather to his delight.

       "You have a boyfriend, Ate Blair?" tanong ni Nala habang magkatabi sila sa lounging chair pagkatapos gumawa ng dalawang sandcastle.

       "I have a husband," kindat niya rito.

       "Husband?"

       Tinaas niya ang kamay na may singsing. "Like your Mommy and Daddy."

       "Ah! You kiss husbands! Sabi ni Daddy, husband lang pwede i-kiss. Kapag boyfriend, no!"

       Natawa siya. "Ang strict naman ng Daddy mo."

       "Where is your husband, Ate?"

       "Nagwo-work."

       "You kiss, too? Uyyy!"

       Kiniliti niya ito. "Ikaw, ha. Saan mo nalaman iyan?"

       Tumakbo ito sa buhanginan at naglaro-laro ulit. "Si Ninang and Daddy, nag-kiss sa lips. Nakita ko!"

       Napa-facepalm si Blair. Hanggang ngayon ba, hindi marunong magsara ng pinto ang dalawa?

       "Magagalit ba si Mommy sa heaven because Daddy kissed Ninang?"

       Lumapit siya sa bata at umupo sa tapat nito. Her butt is now covered with sand but who cares. "I don't know but I think your Mommy's kind. Baka hindi naman..."

       "I miss Mommy. Sometimes, I cry nga, eh. But Daddy said he'll never leave me." Naghuhukay na ito ng malalim sa buhangin.

       Napatingin siya sa nakalubog nang araw. Pero may kaunting liwanag pa ring natira. The waves are calmer at that side of the shore, too.

       "I miss my Papa, too. I cry, also. But Jack comforts me. He'll never leave me, too"

       "Who's Jack?"

       "My husband."

       "Ah, you kiss Jack, Ate Blair? Uyyy!"

       Nakipagkulitan at nakipaglaro lang si Blair kay Nala hanggang sa dumilim na. Sa kanya nga ito tumabi matulog.

       She called Jack and sent pictures to him of Nala playing in the sand. She also took a picture while Nala was sleeping beside her and sent it to Jack before she fell asleep

       The next day, their whole day was full of activities for them. She texted Jack good morning and their itinerary. He acknowledged it and told her to enjoy and to take care.

       Nag-island hopping at snorkeling sila buong araw. Ninong Aalto was taking endless pictures of Nala. Hindi niya nga alam kung na-enjoy din ba ng Ninong niya ang activities dahil wala itong ginawa kundi kunan ng pictures at videos ang anak.

       Pagbalik sa hotel resort ay mabilis na napansin ni Blair ang mga bodyguards niyang nakahalo sa mga tao.

       "What do you want for dinner?" tanong ni Ninong Aalto. "I will order in advance."

       Buhat nito si Nala na nakatulog sa bangka pa lang pagkatapos nang buong araw na island hopping.

       "Seafoods ulit, Ninong." Para kasing nabitin siya sa lunch na unli-seafoods kanina. Parang gusto niya pa ulit!

       "Alright, hija. Magpahinga ka muna. Ako nang bahala kay Nala."

       Gusto ngang umidlip muna ni Blair kahit isang oras lang. Kaya pagdating niya sa hotel room ay agad siyang nagbanlaw ng katawan. Pagkatapos ay humiga na siya ng kama kahit basa pa ang buhok.

       Agad siyang nakatulog. Ngunit naalimpungatan nang may marinig na kaluskos. Napabangon siya at napatingin sa bintana. Nakasara naman ang balcony door. Baka hangin lang...

       Ipipikit niya na sana ulit ang mga mata nang mapansin ang isang anino na malapit sa banyo.

       Akmang kukunin niya ang cellphone para tawagan si Ivan pero natigilan siya nang lumabas si Hank mula sa banyo!

       Sa pagkataranta ay nabagsak ni Blair ang phone. Mabilis na lumapit si Hank at sinipa iyon palayo.

       "Calm down, Blair. You know I can never hurt you, honey," malumanay na sabi nito. Tumabi pa ito sa kanya sa kama.

       Umatras siya hanggang sa tumama ang likod sa headboard.

       "What are you doing here, H-Hank?" Nakalayo siya hanggang sa makatayo na mula sa kama. But she's still far away from the door.

       "I can see you're living your best life, Blair. Not just today. But since your favorite noy came back..."

       He chuckled in sarcasm. "Siya pa rin, huh? Nandyan pa rin siya dahil hindi niya pa rin alam kung anong ginawa mo? Kung anong mga kasalanan mo? Kung gaano ka kadumi? Huh, Blair?"

       "Sisigaw ako kung hindi ka pa aalis dito, Hank!"

       Tumayo na rin ito at dahan-dahan siyang nilapitan. "Pinaniniwala mo na naman ba ang sarili mo na kapag kasama mo ang lalaking 'yon, ayos nang lahat? Suddenly, you're clean, again? Sinless? Pure?

       "Bullshit, Blair. Mahal ka lang nu'ng tao kasi ang galing mong magtago ng mga dumi at kababuyan mo."

"I didn't do anything..." Blair started to shake; her hands were uncontrollable behind her back.

Paliit na rin nang paliit ang boses niya. Na gusto niyang sumigaw ngunit parang sumasara mag-isa ang lalamunan niya! Nandito na naman siya... Nandito na naman...

"Blair, honey..." Hank caressed her hair and shoulders. "Just tell everyone that you killed Wade and his friends, matatapos nang lahat ito. Na ikaw ang nag-utos sa sindikato mong kapatid. That brother of yours kept on owning the murder alone. Pero alam ng lahat na ikaw ang mastermind niyon."

Umiling-iling si Blair. Hindi siya! Hindi siya! Wala siyang kinalaman! Siya ang biktima!

"Nagsumbong ka sa sindikato mong kapatid. Nagpaawa... Anong sabi ni Alessandro Delos Santos? You were gang raped? Oh, please!"

Hinawakan ni Blair ang leeg at desperadong naghabol ng hangin. Her chest started to rise and fall heavily.

Hindi siya makahinga! Hindi siya makahinga!

"Everyone's waiting for your testimony... pero nagtago ka na naman sa likod ng isa mo pang kapatid. Now, Ibarra delos Santos was able to shelter you. Nagawang i-hold ang kaso dahil kailangan mong magpagamot? Psychological needs, my ass!

"Baliw ka talaga, Blair! We all know how you framed up your mother to lose all her companies. Tinulungan ka namin ni Wade na pabagsakin iyon lahat at ito ang igaganti mo sa amin? Sa kanya? How can you accuse him and his friends of rape and get them killed?!"

Tears stated to fall from Blair's eyes. Hindi na siya makapagsalita habang pilit hinahabol ang paghinga.

Images of that inhumane night filled her head. How those bastards drugged her...

"Nagamit mo naman na 'yang katawan mo para lang mapabagsak ang nanay mo, hindi ba? If Wade shared you with his friends, anong kawalan sayo niyon, eh. napagpasa-pasahan ka naman na?

"Anong kawalan pa sayo kung apat silang sabay sabay kang tinikman? Eh, puta ka naman talaga! Crying justice like a virgin victim?

"Your vagina was always open, Blair! Kahit ako, naangkin ka na nang ilang beses! You love fucking, Blair!

"Kaya anong pinagsasabi ng kapatid mong rape? Ginusto mo rin yon, puta ka!"

Napaluhod si Blair sa sahig nang umikot ang paningin. Napahawak siya sa tablecloth. Hindi sinasadyang nahila niya iyon at lumikha nang malakas na ingay ang mga nagbagsakang gamit na nakapatong.

"Tingin mo, Blair, dahil nandyan pa ang lalaki mo, kamahal-mahal ka pa rin? No, woman! You are never deserving of any love at all! Puta na, mamamatay-tao pa! Walang utang na loob! Umamin ka na sa kasalanan mo nang matapos nang lahat ito!"

Napasinghap siya at bumagsak na ang buong katawan sa sahig. She opened her mouth, but no words came out from it. Her whole body shook. Parang pipi na hindi makapagsalita, napaiyak na lang si Blair.

Niyuko siya ni Hank at nilapit ang mukha sa kanya. "I can't wait until your husband found out about all of your sins. I can't wait to see you suffer as he leaves you. Gusto mo nang masaya at payapang buhay? Puwede ibigay mo muna iyon sa pamilya ng mga pinapatay mo?!"

Bago nawalan ng malay si Blair ay sinampal pa siya nang malakas ni Hank sa mukha.

Pagkadilat niya ulit ng mga mata, pinapalibutan na siya ng mga bodyguards niya. He can hear Hank screaming in pain from a distance.

Napaungol si Blair nang naramdaman ang pag-angat mula sa sahig. Nakakahinga na siya nang maayos pero nanatiling magaan ang ulo at nangangapal ang pisnging sinampal ni Hank...

"Ivan?" Tawag niya sa head bodyguard. Ngunit pagtingala niya ay hindi si Ivan ang nagbubuhat sa kanya.

Blair gasped. "Jack!"

The only one who deserves to judge her and walk away from her is Jacquin Valleroso.

He's the only one deserving to hate her, to get even, to make her suffer... But he never did.

Nagkakamali si Hank kung iniisip nitong takot siyang malaman ni Jack ang katotohanan. Hindi.

It's just that she knows he'll get hurt.

He'll be scarred too.

Dahil noon pa man, pinatunayan na ni Jack na lahat ng sumusugat sa kanya, sumusugat din dito.

Jack was able to bring her inside a different hotel room. Umupo ito sa gilid ng kama at kinandong siya. Sumuporta ang isa nitong braso sa likod niya, habang ang isa'y humahaplos-haplos sa braso niya.

"I was not able to protect you, again..." His voice full of guilt. Tila sinisisi ang sarili.

She flinched when Jack lightly touched the cheek slapped by Hank. Mahapdi na iyon...

Jack gritted his teeth.

She tried to smile to comfort him. Wala itong kasalanan.

Kahit kailan, wala.

"Jack..."

Niyakap siya nito, sinubsob ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya.

"Hindi na kita iaalis sa paningin ko. Kahit saan ka pumunta, susundan kita. Kahit nasaan ka, nandoon din ako, Blair!"

She quietly chuckled, a tear fell from her eye. "Mahal na mahal kita, Jack..."

Pumikit siya at sinubsob ang sarili sa dibdib nito. He's the only one deserving to hurt her because he will never try.


***

Connect with me ❤️

Official FB Pages: FGirlWriter & C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Patreon: FGirlWriter

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

4M 72.5K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...
320K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
687K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...