Good Riddance (DS #2)

Galing kay FGirlWriter

872K 50.3K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... Higit pa

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 36

10.8K 895 454
Galing kay FGirlWriter

Chapter 36:

The Boss

"MGA mare, naka-announce na sa bulletin kung sino papalit sa guwapo nating boss!"

"Oo nga, mare! Nabasa ko kanina. 'Jasiel Jacquin Valleroso' daw!"

Naikot ni Blair ang mga mata nang marinig na mali ang pagkakabigkas sa pangalan. Pero hindi na umimik para itama pa. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa sa harap ng computer.

"Valleroso?"

Kahit abala si Blair sa ginagawang trabaho ay naramdaman niya ang pagtitinginan sa kanya.

"Ka-ano ano kaya ni Chrisee?"

"Sus! Baka ka-apelyido lang. Search mo nga sa internet kung ano itsura. Tignan natin kung kayang tapatan si Sir Bari."

"Sige, sandali...." May narinig siyang mabilis na pagtipa sa keyboard at pagpindot sa mouse. "Ay, shet!"

"O, bakit? Bakit?"

Sunod ay ang singhapan.

"Siya 'yan?!"

"Jacquin Valleroso, oo! Galing sa pamilya ng mga doktor... Shet, ang sarap!'

"Huy, bunganga naman! Nasa opisina pa tayo."

"Tignan mo kasi 'tong pictures!"

Malakas na singhap. "Hoy, ang sarap nga!"

"Sabi sa'yo, eh."

"May karapatang palitan si Sir Bari! Shet 'yan, ang hot! Kaso mukhang... good boy?"

"Oo nga, ang amo ng mukha."

"Pero baka marunong naman mambalibag sa kama?"

"Ang halay mo naman! Pero baka gentle lover. Dadahan-dahanin ka sa sarap."

Naghagikgikan ang mga ito.

Lihim na napanguso si Blair. Inayos niya ang suot na salamin sa mga mata at tahimik na ipinagpatuloy ang trabaho.

"Hala, ang guwapo at hot ng bagong boss natin! Magbabaon na 'ko ng extra panty simula next week. Baka tignan pa lang ako nito, mapipigtasan na ko ng garter palagi!"

"Shhh!" Hagikgikan ulit.

"Uy, anong meron diyan?"

"Tignan mo itsura ng bagong boss natin."

"Oh my god! Ang guwapo!!!"

"Tignan mo ang katawan."

"Hala, ang sarap!"

"Balot na balot pa 'yan, ah."

"Bakit kayo nagkukumpulan diyan--shuta! Sino 'yang sa picture? Bakit ang sarap?"

Mas lumakas ang hagikgikan.

"Magiging bagong boss natin."

"Seryoso? 'Yan 'yung Valleroso? Grabe mga boss sa kompanyang 'to. Requirement yata na mga diyos at diyosa dapat."

"Na-excite na tuloy ako! Next week na daw mag-start."

"Hindi pala natin masyado mami-miss si Sir Bari."

"Mas maganda pa rin siguro kung dalawa sila rito. Si Sir Bari para sa breakfast. Si Mr. Valleroso, ang lunch!"

Malanding hagikgikan na naman.

"Chrisee, ang tahimik mo naman diyan! Alam naming kasal ka na, pero wala naman ang asawa mo rito. Maki-kilig ka naman sa'min."

"Tignan mo 'tong picture ni Mr. Valleroso, o. Magsisisi kang nagpakasal ka kaagad!"

Umilling si Blair at nilingon ang mga ito. Nasa lima o anim na babaeng officemate na pala ang nagkumpol sa harap ng isang monitor. "Loyal ako sa asawa ko."

"Yung asawa mong di pa namin nakikita?"

"Sus! Mas hot ba rito kay Mr. Valleroso ang asawa mo?"

Bitches, that's my husband you've been feasting and verbally harassing!

"Pero kakilala mo ba 'to? O ng asawa mo? Kasi parehas ng apelyido sa inyo."

She shrugged. Tinalikuran niya na ang mga ito at bumalik sa trabaho niya.

"Uy, tignan mo muna pictures ng bagong boss."

Hindi na kailangan. Araw-araw niyang tinitignan ang mga 'yon.

"Ay, mga mare, may asawa na!"

"Sino? Si Mr. Valleroso?"

"Oo! Shet, may nakalasap na ng sarap!"

"Patingin, patingin. Saan nakalagay?"

"Tignan niyo 'tong picture, o. Kuha pa sa New York. May singsing sa daliri. Wedding ring 'yan."

"Zoom mo pa nga... Ay, oo nga! Ano ba 'yan, ligwak na tayo kaagad!'

"Hala, totoo ba 'yan?"

"Baka katulad lang din 'yan ni Sir Bari? Nakasuot ng singsing kahit hindi kasal, para hindi dumugin ng mga babae?"

"Huy, kasal daw talaga si Sir Bari. Hiwalay lang sa asawa."

"Ay, totoo ba 'yung chika sa main building? Akala ko, tsismis lang 'yon?"

"Ano ba 'yan! Mga may sabit na pala mga pinagpapatansyahan natin. Ang unfair naman. 'Di na tayo makakatikim."

Tawanan. "Gaga, hindi magpapatikim sa 'tin yang mga bigating boss na 'yan."

"Malay mo... Chrisee, may tanong ako."

"Hmm?" Hindi siya lumingon.

"Lagi kang pinapatawag ni Sir Bari tapos ang tagal mo lagi sa opisina niya... Anong ginagawa niyo?" Parang ang tagal-tagal ng gustong itanong iyon ng mga ito.

Kinilabutan si Blair sa tono na ginamit. Halatang may malisya.

"Madami siyang ipinagbibilin at inuutos," totoo namang sabi niya. "Hindi niyo ba nahahalata na ang dami kong trabaho palagi pagkatapos?" May kasamang totoong angal ang boses niya.

"Oh? 'Kala namin type ka, eh, kahit mukha kang manang."

Lihim niyang nagusot ang ilong. Kadiri talaga ang ma-link sa sarili niyang kapatid. Magbalik na lang ang mga ito ng pagpapantasya sa bagong boss, mas tanggap niya pa.

"Iba type niyon." Naalala niya ang asawa ni Kuya Bari. "Type niyon, bata."

Nagsinghapan ang mga ito. "Choke me, Daddy!"

Lihim siyang napangiwi sa mahalay na tawanan.

"Si Sir Bari parating!"

Napahinto ang mga ito. Narinig niyang nagtakbuhan ang mga babae pabalik sa sari-sariling station.

"Good morning, Sir."

"Good morning, Sir Bari!

"Good morning, Sir! Kape po tayo."

Biglang naging mahinhin at mabait ang boses ng mga officemates niyang babae.

"Good morning," kaswal na bati pabalik ng kapatid niya sa mga ito. He also gave a reserved and professional smile. Pagkuwa'y bumaling sa kanya.

"Mrs. Valleroso, follow me to the office right now," Kuya Bari commanded in a smooth, but firm voice while walking passed her.

"Yes, Sir." Tumayo siya agad at sumunod sa likod nito. Ramdam na ramdam niya pang sinundan siya ng tingin ng mga tsismosa.

Pagkapasok ng opisina nito, agad niyang sinara ang pinto at ni-lock. Tinanggal niya ang salamin sa mga mata. "Ang tagal-tagal mo naman dumating, Kuya. Naririndi na 'ko sa mga empleyadong tsismosa rito."

Sinulyapan siya nito bago umupo sa swivel chair. "Puwede ka nang maglipat ng gamit mo rito simula bukas."

"Dito?" Umupo siya sa harap ng lamesa nito. "Why here?"

"Mr. Valleroso requested his new assistant's station to be here inside the office. Malaki nga naman ang espasyo at mas madali kang mauutusan kaysa nasa labas ka."

"Kuya, may intercom naman. O telepono. Wala akong nakitang sekretarya na nasa loob ng opisina kasama ang boss. Unless sa mga small space offices..."

But the Delos Santos' publishing company is a big enterprise! At kanila ang buong building kaya napakalaki ng space sa palapag nila.

"It's the new boss' request." Umangat ang gilid ng labi nito. "At siguro hindi masama kung gusto niyang nakikita ang kanyang asawa habang nagta-trabaho?"

Napataas siya ng kilay. "What happened to the policy about office romance?"

"Walang ganoong polisiya sa kompanya. Pinatanggal daw ni Papa mula nang dito niya pinag-trabaho si Mama noon."

"So, ano? Babantayan ako ni Jacquin?"

Nagkibit-balikat ito. "Baka may trauma sa mga bigla-bigla mong pagkawala kaya gusto nang lagi kang nasa paningin?"

"Kuya!" Para namang hindi nito alam ang totoo!

He quietly chuckled. "Mr. Valleroso works that way, according to him. Kahit noong sa New York pa siya nagta-trabaho ay kasama niya sa iisang opisina ang assistant."

Blair imagined Jack and her past assistants in one room. For the past six years, she never heard about him having girlfriends nor flings. Pero sa pagkakakilala niya nga kay Jack, hindi naman ito mahilig makipag-fling. At dahil kasal pa rin sila kahit matagal nang walang communication ay imposibleng mag-girlfriend ito. Pero kung may kasama itong assistant araw-araw sa isang silid, posible kaya na hindi ito na-develop sa iba?

But then, if he did, why is still there no annulment case against her? Ganoon pa rin ba si Jack hanggang ngayon? Mabait at matiyaga... sa kanya?

"Your new desk and chair will be delivered tomorrow morning. Magsimula ka nang mag-isip kung saan ka banda pupuwesto." Ang mga mata ng panganay na kapatid ay nakatutok na sa laptop monitor. Tumahimik na ito at mukhang nagsimula na sa trabaho.

Umirap siya at pasimpleng nilibot ang tingin sa malaking opisina ng office director ng Cronica Publishing Company. This is a newly acquired company by the Delos Santos. True to the Delos Santos' expansion plans to be the number one all-media corporation in the Philippines, nagkaroon na rin ng publishing company ang mga Delos Santos.

Cronica was bought five years ago. Kaysa malugi ang dating publishing company ay isinalba ni Kuya Bari. Ngayon, kaparte na ng mga kompanya ng Delos Santos.

Since 1880, their great-great grandfather Severino Delos Santos envisioned one business that can serve information and entertainment in all forms of media. At that time, diyaryo, radyo, at TV pa lang ang pinaka-popular. Kaya itinayo ang Delos Santos Radio Broadcasting Center.

When their great grandfather--Samuelito Delos Santos lead the companies, ipinagpatuloy nito ang misyon ng amang si Severino. Samuelito gambled in producing television shows and other variety shows that became a hit to the masses. Dumagdag ang television network company sa nauna na'ng radio station na pag-aari. Hanggang sa nag-invest na rin si Don Samuel sa telecommunication business. Since madami-dami na ring tore ang napatayo sa iba't ibang panig ng bansa kaya't makakatulong kung meron na ring sariling linya ng telepono. So, they have two companies now--the Delos Santos Television and Communication Company and the radio broadcasting center.

Nang namuno na ang kanilang Lolo na si Sancho Delos Santos--Santino's father, doon na tuluyang mas lumawak at lumaki pa ang mga negosyo. Under Sancho's management, nakapagpatayo rin ng movie producing company at recording company to cater more talented artists in the Philippines. Because of Sancho's brilliance in business and investment, lumaki nang lumaki ang apat na kompanya ng sabay-sabay. Hanggang sa mahirap nang tapatan ang apat na kompanya ng mga Delos Santos.

Nakasama na rin sa top richest business family sa buong bansa ang mga Delos Santos. The peak was when the Delos Santos topped number three next to the Monteverdes and Loaldes as the richest business clan in the Philippines.

Nang si Santino Delos Santos na ang namuno, mas dumami ang investors ng mga kompanya. The companies were always number one against the competitors based on official and legit surveys. It became a trusted corporation that can bring all types of media in high and unbeatable quality. Sa pamumuno rin ng kanilang ama nagsimulang mag-rebrand ang apat na kompanya. Mas ginawa pang malawak at intensyonal para sa mga Pilipino ang vision at mission.

Santino Delos Santos was the only Delos Santos who let his wife manage the other companies with him. With Tita Bella's talent in business management (given that she's an Anderson), sabay pinamunuan ng dalawa ang mga kompanya. Tig-dalawa ang mga ito. Blair's father focused more on Delos Santos Television and Communication Company and Red Carpet Films. Ysabella Delos Santos, on the other hand, lead the Sola Fide Music and Radio Station and the Selah Recording Company. Although, ang final approval sa mga big business decisions ay laging sa Papa niya pa rin nanggagaling.

After Santino's death, Tita Bella continued with Ibarra Delos Santos. And well... ayaw man aminin ni Blair pero si Kuya Bari ang unang Delos Santos na naging successful pasukin pati ang publishing business. Since it's the only type of media that was left to complete the vision of Severino Delos Santos to have all forms of media in one company, it was now accomplished.

It took five generations before a long-term vision was completed... Wala na si Severino, Samuelito, Sancho, at pati si Santino... But the vision was still fulfilled and the mission carried on. Hindi pa yata humihinto itong kapatid niya at pinasok na rin pati ang talent and artist management.

"Hmm. We have a publishing company for newspaper and business magazines... Will you also venture with publishing books and other entertainment readings?"

Nasa laptop lang ang atensyon nito habang may tinitipa. Pero nakikinig pala ito at sumagot. "We're looking more into online publishing. E-books and E-mags... That way imbes na mag-invest tayo sa papel at printer, we will hire programmers and build a website and/or mobile app were we can publish it instead."

"Iba pa rin kapag physical copies..."

"Can't argue with that. But I'd like to take the Delos Santos' in a business that will be big in the future. It's already 2014 and things are starting to be more convenient if online. Kung sa entertainment, magandang simulan ang pagpa-publish ng mga... let's say romance novels, online. Fashion magazines, online. Tipid sa papel. And besides, mobile phone is just an option before, but now smartphones are necessary."

Umirap si Blair at naglakad sa puwesto ng opisina na maluwag. Puwedeng doon siya pumuwesto sa pinakagilid. Para hindi siya masyado nakikita ni Jack kapag nagta-trabaho. Palalagyan niya rin siguro ng mini-divider doon... "Well, online is indeed the future. Pero baka ayaw mo lang kalabanin ang mga publishing companies na nagpa-publish ng mga katulad sa sinusulat ng asawa mo?"

Napaangat ito ng tingin sa kanya. Hindi nagsalita.

Ngumisi siya. "Kaya pala sa newspaper at business magazine ka lang nag-invest, Kuya? Nalaman mo na ang mga Uno ay kamag-anak nina Czarina Flores, ano? Uno Publishing is the leading publishing company when it comes to entertainment books." She chuckled. "Pakakasalan sana ng best friend ko ang mag-ari niyon. Kaso umatras siya. Stupid Venice."

Hindi matanggap ni Blair na apektado pa rin siya sa sinapit ni Kyle at Venice. Iyon ang unang pagkakataon na naging totoong masaya siya para sa kasiyahan ng ibang tao. Given that Venice was her best friend and she saw how she got out from her own "blackhole" because of Kyle. Magpapakasal na sana ang mga ito. Pero ang gaga niyang kaibigan, naging best-selling author lang sa New York, mas pinili ang career kaysa sa mabuting tao na nagtiis, umintindi, at nagmahal ng lubos dito!

Kumuyom ang mga kamay niya. It is frustrating that Venice had a choice. At kahit mali ang choice nito ay kailangan na lang respetuhin. Sana nga may ganoon din siyang choice noon... kaso wala...

Hindi siya nakapili.

She hates and loves Venice at the same time. Ito na lang ang kaibigan niya pero ang selfish ng life choices nito! Nakakainis!

"Nakapili ka na ng pagpu-puwestuhan?" tanong ni Kuya Bari, completely ignoring her hypothesis. Kasi tama siya!

"Here." Sabay lahad kung saan na siya nakatayo. "Can we put a piece of frosted-glass divider also, Kuya?"

"Bakit ang layo mo sa pintuan? You're going to be a secretary now, so all work would require in and out errands."

Oh. "Pero ayoko naman diyan dahil katapat na katapat ako ng bagong boss?"

"I think Mr. Valleroso won't mind. Baka maging masaya pa," tuya nito.

She pouted and crossed her arms. "Jacquin knows I'm going to be his assistant, right? Okay lang sa kanya iyon?"

Kiniling nito ang ulo. "He's cool with it."

"Baka malaman ng mga fans mo sa labas na siya ang asawa ko. Hindi pa naman marunong magsinungaling 'yung si Jacquin. Paano kung may tsismosang magtanong kung bakit parehas kaming Valleroso at diretsong sumagot iyon?"

"May problema ba kung malaman ng buong opisina na ikaw ang asawa ng bagong boss."

"Yes! They will start to bug me. Gusto ko nga ng peace of mind kaya pumayag akong magtrabaho rito kahit ayokong maging empleyado. And what if they will start to discover that I'm not just Chrisee Valleroso but the Blair delos Santos?"

"Your life is not in danger now, dear sister. No need to hide anymore. Isa pa ay inako nang lahat ni Alessandro ng krimen pati iyon, hindi ba?"

Kuya Sandro is in jail, again. Now, it's for real. Mas matibay na rin ang mga ebidensya laban sa sindikato na pinamunuan nito at lahat ng krimen na kinasangkutan ay inamin din... Tatlong kaso laban dito ay "guilty" ang hatol. Habambuhay ang sistensya. Two more cases against him are on-going.

"There's still no final court decision about the case..."

"Hindi ka na guguluhin ng ex-boyfriend mo, Blair."

Hindi niya dapat pinagkatiwalaan si Hank... Katulad nang hindi niya dapat pinagkatiwalaan si Wade noon. Naging mabuti sa kanya ang dalawa dati, tinulungan siyang pabagsakin ang kompanya ni Bridgette Salamanca, at nangangako palagi ng pagmamahal sa kanya.

But still, they did things unforgivable just like what her mother did. At dahil doon, nadamay na naman si Jack. Nasaktan niya na naman. So... she's equally unforgivable just like them.

"My mother is still lurking around," makahulugan niyang sabi. Hinuli niya ang mga mata ng kapatid. "By the way, ingatan mo ang asawa mo, okay? Balita ko, madalas na naman kayong nagkikita..."

Umangat ang gilid ng labi nito. "I just need a lot of help from her lately..."

Tumango siya. "Basta, mag-ingat ka lang, Kuya. My mother's good at hurting people that Papa loves." Siya, si Kuya Bari, si Kuya Sandro, lalong-lalo na si Tita Bella.

Umiling ito. "She can't hurt me."

"And all the people we love." Ang dapat ay first baby niya, si Jack... Kay Kuya Sandro, si Tita Andrea... And maybe right now, although she's not sure but her mother's targetting Kuya Bari now.

Tapos na kasi siyang sirain kaya iba na ang napagdiskitahan ng baliw niyang nanay.

"Is my wife in danger?" kalmadong tanong, pero nasa mga mata nito ang alarma.

"She wrecks trust and relationships more on. Kaya kung nagkabalikan na kayo ng asawa mo, ingat na lang."

Napakunot-noo ito.

Itinuro niya na ulit ang puwestong napili. "Anyway, doon ko ipapa-set-up ang table at chair ko. Put a divider, Kuya, please?"

Kinabukasan, dumating na ang bagong office desk at chair para kay Blair. Ipinasok iyon sa opisina at sinet-up. Pero napansin niyang wala ang divider.

Paglabas ng mga nag-deliver at set-up ay mabilis niyang sinara ang pinto. Hinarap niya ang kapatid.

"Kuya! Nasaan ang request kong divider?"

"Hmm. Mr. Valleroso does not like the divider idea."

Nalaglag ang mga panga niya. "You told him?!"

Nagkibit-balikat ang kapatid. "Nagtanong siya kung anong napili mong puwesto sa opisina. Sinabi ko at sabi niya ay hindi siya sang-ayon sa divider."

She raised an eyebrow. "Bakit ka sumusunod sa kanya, Kuya? Ikaw pa rin ang pinaka-boss. Dapat--"

"Your husband is the most qualified person to handle this company. Siya ang kailangan natin kaya hanggang sa hindi masama ang mga demands ay walang problema." He pursed his lips. "At gusto mo rin ba talaga ang divider? Ayaw mo rin bang mabilis na nakikita ang asawa mo?"

Napalunok si Blair at hindi pinahalata ang kalabit sa puso. Iyong kalabit na sabik.... Inirapan niya ang kapatid. "Where is he anyway? Kung next week na siya mag-uumpisa ay nasa Pilipinas na ulit siya kung ganoon?"

"Still in New York. Wala siyang nabanggit kung kailan siya uuwi. Basta ang usapan, sa araw ng pagpapakilala sa kanya sa buong opisina ay nandito na siya."

Hindi na umimik si Blair at nagsimula nang ayusin ang mga gamit niya sa ibabaw ng table. Mula sa kinauupuan niya, kaharap niya ang tall glass wall. Tanaw ang cityscape ng Metro Manila. Sa kanan niya ay ang pintuan. Sa kaliwa ay ilang mga hakbang at lamesa na ng "boss".

Lihim siyang humugot ng hangin at napabuntong-hininga. Sinulyapan niya ang kapatid na nagta-trabaho. Sa susunod na linggo, si Jack na ang nandoon... Araw-araw ay ganito...

Isang lingon niya lang sa kaliwa, si Jack na ang makikita niya. Isang lingon niya lang, kaya niya nang abutin ito...

"Kuya Bari, what about the days I need to go home early for my therapy?"

"Before finalizing all of these, Mr. Valleroso approved your half-day schedules twice a week."

Napakurap siya... "Does he know...?"

Umiling ito. Ang mga mata ay tutok lang sa laptop. "He did not ask anything. Simpleng nilagay lang namin ang available hours mo ayon sa employment contract mo na pinirmahan mo two years ago."

"Oh." Napatango-tango siya. Maybe, Jack's thinking it was one of her perks as a Delos Santos. Mas mabuti na siguro iyon kaysa... "He's like that. He does not ask. He waits for people to tell him things as respect to their personal space. Unless it's necessary to ask."

"What a patient man," ngisi nito. "Bihira na ang mga taong ganoon ngayon."

Inirapan niya ang kapatid. Sumandal niya sa malambot na upuan pang-opisina. Mas mataas ang backrest sa likod. At may headrest pa. Nilibot niya ulit ang tingin sa malaking opisina. Dalawang taon din siyang walang sariling opisina at nagta-trabaho lang sa isang maliit na station. Araw-araw niya pang tinitiis iyong maiingay at malisyosang tsismosa sa labas.

Maganda na rin nga sigurong nandito siya naka-puwesto ngayon... Siguro, araw-araw lang niyang iisipin kung paano pakakalmahin ang damdamin kapag katrabaho na si Jack...

Will I also drool over him everyday? Hay...

That whole week, pilit in-adjust ni Blair ang mindset na makikita at makakasama niya na ulit si Jack simula next week. But it's nothing personal. All business as he's going to be her boss.

Kung may mauungkat man na personal na bagay, handa naman siguro si Blair magpaliwanag. Pero kung pulos trabaho lang, kayang-kaya niyang maging professional kay Jack.

Pero posible ba iyon? Na hindi ma-discuss ang marriage nila? Gayong hanggang sa ngayon, kasal pa rin sila at walang kahit isa ang kumikilos na ipawalang bisa iyon pagkatapos ng mahabang panahon na walang communication?

That Saturday, after Blair's pole dancing class, dumiretso na siya ng uwi sa condo unit. Habang nagluluto ng kakainin sa lunch, nag-video call si Venice via Skype.

"Uuwi kami ni Mommy next year diyan sa Pilipinas. Magbabakasyon siguro..."

"Bakit parang hindi ka pa sigurado?" tanong niya pa sa matalik na kaibigan. "Better make it sure para ma-plot ko ang leave ko from work."

"Mmm, last installment na ng adventure series na sinusulat ko. Mataas ang pressure and I need the whole year next year to write it. So I don't know..."

Inikot niya ang mga mata at saka tinapos ang pagluluto. Hinarap niya ang iPad. "Sabihin mo, ayaw mong umuwi kasi malaki ang possibility na may makasalubong kang poging publisher dito. Iyong sinayang mo?"

"Chrisee!" saway nito sa panunukso niya. Magkasalubong ang mga kilay,

She just chuckled and flipped her hair.

"By the way, ikaw diyan? Kumusta? Wala ka pa ring love life?"

Umiling lang siya. Ito pa ang isa sa hindi niya kayang bitawan, ang katotohanan na dapat malaman ni Venice. Hanggang ngayon, wala itong alam sa tunay niyang pagkatao o kung anong nangyari sa kanila ni Jack.

Blair only feeds what Venice can handle. Natatakot siyang ipasok ito sa madilim niyang nakaraan, sa buong katotohanan. Hindi naman sa niloloko niya ito, but she only tells her light details about her personal life. Basta alam nitong Delos Santos siya, anak siya sa labas, nagta-trabaho siya sa kompanya ng kapatid, at kung ano-ano pang hindi masakit malaman.

Baka kapag na-involve si Venice sa mas malalim pang detalye, masaktan din ito. Ayaw niya... Ang dami niya nang hindi na-protektahan. Sana kahit si Venice na lang, ma-save niya...

Although her psychiatrist said it might not good for their friendship if she continues this...

Napatitig siya sa screen ng iPad kung saan nakikita niya si Venice. Nakatingin din itong diretso sa camera na para bang tinitignan siya ng diretso sa mga mata. Kung uuwi ito para magbakasyon sa susunod na taon... baka, maaari niya nang sabihin lahat. Mula sa umpisa... and she hopes... Blair hopes they can still be friends. Sana matanggap pa rin siya nito. Mapatawad sa pagtatago.

And how she wish her mother won't involve Venice in anyway.

"Hanggang sa hindi mo binabalikan si Kyle, hindi ako magla-lovelife."

Venice groaned. "Come on, Christeena Blair! You can't do that."

She shrugged.

"And aren't you pressured? Or hindi ka pa pine-pressure ng pamilya mo? You're already thirty-one."

"No one can pressure me," nakangisi niyang sabi.

"Ano naman kung palagpas na tayo ng kalendaryo? Mahalaga, maganda at sexy pa rin!"

Nagtawanan silang magkaibigan.

Nang buong araw na iyon, nag-usap lang sila ng kaibigan. Medyo na-relax si Blair sa napipintong pagkikita nila ni Jack sa Monday. And when the day of welcoming the new boss came, Blair's heart is in her throat! Sumiksik siya sa pinakadulong pader.

Habang iyong mga officemates niyang "takam na takam", naghihilahan kung sino ang tatayo sa harapan.

Blair kept pinching herself when one girl officemate shrieked in excitement. Bumukas na ang pinto.

"Ladies and gentleman, the new Office Director and Executive Publisher of Cronica Publishing, Mr. Jasiel Jacquin Valleroso," she heard Kuya Bari formally announced.

Sabay-sabay na nagsalita ang mga empleyado katulad ng pina-practice kanina. "Welcome aboard, Mr. Valleroso!" magiliw na pagsalubong ng mga ito at kasunod at mga palakpakan.

Nakagat ni Blair ang mga labi. Yuko na yuko ang ulo niya. Hindi niya alam kung anong silbi nang ginagawa niyang pagtatago kung mamaya naman ay kasama niya ito para sa private meeting kasama si Kuya Bari sa loob ng pribadong opisina nito... opisina nila.

"Ah, ganoon pala bigkas sa pangalan ni Sir," narinig niyang bulong ng isang lalaking ka-opisina.

"Lalong ang guwapo pakinggan!" komento naman nung babae na katabi niyon. "Napaka-perfect niya!!!" impit na tili nito.

"Good morning, everyone. Thank you so much for the warm welcome. I'm more than excited to work, learn, and grow with you all."

It's Jack and his kind and ever-gentle yet manly voice.

Nagsimulang manginig si Blair pero nilabanan niya iyon. Many people brought her trauma, but never Jack... Never him, so there's no reason to panic, to be afraid.

But maybe her body is not shaking out of panic or fear. Maybe, her whole system wanted to run to him, to hold him... To feel his warmth and be home in his arms again...

Ayaw niyang maging ganito kasabik dahil sa tingin niya, wala na siyang karapatan...

"Let's proceed to the conference room for a little welcome feast for Mr. Valleroso," utos ni Kuya Bari.

"Treat mo na rin iyon Sir Bari dahil paalis ka na po?

"I'm afraid, yes. This is my last day today as the office director."

"Sapat na treat mo na sa 'min si Mr. Valleroso, Sir!" bulgar na kantiyaw ng isa doon sa malisosya at tsismosa na officemate. "Busog na po kami!"

Nagkatawanan. She heard Jack's laughter, too.

Nagsimula nang magpuntahan sa conference room ang mga tao dahil binuksan na iyon at may naka-set up na roong buffet lunch para sa lahat. Hindi gumagalaw si Blair sa kinatatayuan. Hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin.

Nakipagtitigan siya sa sahig. Will Jack still recognize her if she looks like a "manang" right now? Naisip niyang mag-bestida sana at ilugay ang buhok. Then she'll curl it and put some make-up on. Kaso, baka siya naman ang pagpiyestahan nung mga tsismosa. Mahalata pang mayaman siya.

Nakikita niya ang mga paang naglalakad papasok ng conference room dahil sa pagkakayuko.

"Grabe mas hot sa personal. Ang lakas na ng aircon natin dito pero nang pumasok siya, pinagpawisan agad ako!"

"Feeling ko, kulang 'yung extra panty na dala ko. Parang mapuputol ang kahit ilang garter sa tingin ni Mr. Valleroso. Maamo mukha pero nakita mo kung paano tumingin kanina?"

"Natunaw ako, mare! Shuta, ang ganda ng mga mata!"

"Walang panama ang pictures sa internet. Mas masarap in person!"

Hagikgikan na naman.

Muntik nang kusang humablot ng buhok ang mga kamay ni Blair, ngunit natigilan siya sa pag-aangat ng tingin. Lalo na nang may dalawang pares ng black leather shoes ang nakita niya sa sahig... Sa harap niya.

His scent was instantly registered and acknowledged by her system. She swallowed back her sob. She can't let her tears fall down...

"Hello, there."

Unti-unti nag-angat siya ng tingin. And his beautiful eyes met hers.

Jack smiled kindly at her.

You know, it's never his looks and eyes that melted Blair's heart. It was always his kindness that made her believe in goodness, his gentle voice that can soothe every painful cracks in her heart...

"H-Hello... b-boss."

He chuckled a little. He put his hands at his back.

Parang may pinipigilan hawakan o abutin. Tinignan siya nito ng sapat na sandali bago may makapansin sa kanilang dalawa.

Napakurap siya sa titig nito.

"What did you call me?" he softly asked.

"Boss..." Umiwas siya ng tingin. "Y-You're my boss now, Mr. Valleroso."

"Oh, right." He chuckled. "Eh di, susunod ka sa lahat ng utos ko?"

"If work-related, of course..."

"Kapag hindi work-related?" marahang subok nito.

"Depends..." Ha? Tama ba ang sagot niya?

Tumango-tango ito. He stepped a little closer and his mouth leaned towards her right ear.

"Don't worry," he whispered. "If not work-related, you're my boss, Mrs. Valleroso."

***

Next update: November 14, 2021

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

3.3M 85.9K 63
Sa isang pagwawakas, hindi maaaring walang masasaktan. Isa man sa inyo, o kayong dalawa pareho. Sa bawat mga hakbang palayo, ay ang unti-unting pagka...
49.6K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
159K 5.8K 50
A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never noticed her not until she became his per...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy