Mafia Series 1: Guarding The...

Galing kay snoophye123

1.1M 31.1K 2.9K

[ Published under IMMAC ] Cathalina Frances Valeria is a well-known superior agent in Italy. She was well tra... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
AUTHOR'S NOTE:
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT (2)
Announcement (3)
NOTE
SPECIAL ANNOUNCEMENT

Chapter 47

14.4K 324 13
Galing kay snoophye123

[The Bloody Battle]

Cathalina's POV:

Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to, wala akong ideya sa nangyayari ngayon. Basta ang alam ko ay tinawagan ko na ang mga tauhan ko, alam kong anong oras man ay nandito na sila. Ang dad ni tristan, hindi ko alam kung saang pinto ba sila nandun pero ang sabi sa'kin ng dad niya, maduming maglaro si Zeus. Iba kung mag-isip, kaya hindi ko na alam ang uunahin ko, nawawala ang buong angkan ng Valeria at si Noemie. Hindi ko alam kung nasaang pinto ba sila, mamaya at patibong lang pala.

Isa pa ang mga anak ko, once na maputol ang tali deretso sila sa transparent box na nasa ilalim nilang tatlo. Nakakainis lang na hindi pa nga tapos ang plano ko at ng dad ni Tristan ay eto ngayon, nandito ako. Sana naman lumabas s'ya sa pintuan na 'yan diba? Kanina ko pa nga kinakausap ang sarili ko gamit ang earpiece. Wala pa rin talaga sagot, baka knockout ang isang 'yun.

"Mr. Martinez!" singhal ko na talaga nagtataka na nga ang kalaban ko. "Kung tulog ka man, gumising ka na! Lumabas ka na sa pintuan na 'yan!" saad ko pa at sinuntok sa mukha ang isa.

Tinapik ko ang balikat at tyan niya at siniko ang lalamunan ng isa, yumuko ako at pinatid ang dalawa at tyaka tumapak sa dibdib nila. Dahil naka high heel boots ako ay sumusuka na sila ng dugo. Tumambling ako patalikod at hinagis ang kutsilyo at sapul ang dalawa, umikot ako at agad na sinapak sa panga ang isa pang nasa harapan ko. Hinawakan ko ang dulo ng baseball bat at agad na hinatak kaya nadala s'ya at sumubsob sa pader. Hinawakan ko ang baseball bat at hinampas sa ulo niya, hindi ako nakailag sa sipa sa likod ko.

[Cathalina..] boses ni Mr. Martinez ang narinig ko. [Teka, nakatali ako, bigyan mo lang ako ng ilang minuto. Gusto ko na rin tapusin ang laban na ako naman ang nagsimula.] seryosong saad niya at nakarinig na ako ng iilang kalabog.

Sinipa ko sa tagiliran ang isa at sinalag ang dalawang suntok sa akin. Gamit ang baseball bat na hawak ko ay hinampas ko sa hita ang isa at ang isa ay sa leeg kaya tulog! Umikot ako at sinipa ang isa sa mukha, ayoko sana na pati sila stella ay mapanood ang kung ano man ang ginagawa namin. Pero nang tignan ko sila, nakatulala lang sila at kunot ang noo while si Kent matalim ang mata. Kung nakakamatay lang ang tingin ng anak ko, malamang duguan na ako ngayon.

[Mag-iingat kayo sa nakasaradong pintuan, naka konekta ang tali sa baril. Once na buksan mo ang pintuan patay ang nasa loob.] rinig kong saad ni Mr. Martinez. "Wala akong kasama dito, baka nasa ibang pinto ang asawa ko. Lalo na ang ilang angkan ninyo. Parating na din ang mga tauhan ko.] imporma niya na ikinatango ko.

Naubos na pero kada mauubos ang kalaban ay s'ya din dagdag ulit. May dugo na sa labi ang asawa ko, kunot na ang noo at halata na ang galit sa mga mata niya. Tumalon ako patalikod at kaagad hinampas ng dalawang baseball bat ang apat na nasa harapan ko. Nakita ko pa ang paa ni Tristan na sumisipa seryoso lang ang mata, alam kong galit si Tristan sa mga oras na 'to. Nagiiba kasi ang pwersa niya kapag galit s'ya, mas marahas at gigil sa pakikipaglaban. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at kaagad na sinuntok sa lalamunan ang isa.

"Ano, pagod na kayo?" natatawang saad ni Zeus. "Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa inyo.. lalo na sa'yo.." saad ni Zeus.

"Tss. Magpakita ka nalang ng matapos na 'to." maangas na saad ni Tristan. "Pakawalan mo ang pamilya ko, tayo nalang ang magtutuos." saad niya pa at inilibot ang paningin.

"Matapang ka na porke't nakapag ensayo ka ng matagal? Patpatin ka lang para sa'kin! Kaya h'wag kang magmatapang.." saad ni Zeus.

[Cath, nandito na kami.] saad ni Jack sa linya. [Dilim dito ha? Nakapwesto na ang mga pana sa gilid. Kami na ang bahala sa mga tao.] saad niya.

Napangiti nalang ako sa isip ko at tinuon ang pansin sa harapan ko, ang mga anak ko. Ngumiti sila sa akin kaya parang uminit ang puso ko sa ginawa nila, parang sinasabi nila na 'kaya mo 'yan mommy!'. Nabura lang ang ngiti ko ng may lumabas na benteng katao sa dilim, mga nakaangkas sa motor. Tumaas naman ang kilay ko ng bumaba sila na may dala dalang malalaking kahoy sa palad nila, malalaki ang katawan at ang dami pang tattoo.

[Nakalabas na ako Cathalina, kasama ko na ang mga tauhan ko..] saad ni Mr. Martinez. [Papunta na kami diyan.] saad pa niya.

"Copy.." saad ko ang atensyon ay nasa harapan ko.

Naramdaman ko ang mga yabag sa likuran ko, hindi ko na dapat tignan dahil kilala ko na naman sila. Tinapik ni Mr. Martinez ang balikat ko, nanlaki pa ang mata ni Tristan. Pumunta s'ya sa harap namin at tinignan ang mga tao sa harapan, nakita kong napaatras sila. Maski nga ako ay ganun rin, para kasing nababalutan ng itim na aura si Mr. Martinez. Ngayon ko lang s'yang nakitang ganun sa tanang buhay ko.

"A-aba't paano ka nakatakas?!" saad ni Zeus. "Sugurin niyo na ang mga 'yan!" sigaw niya pa.

"Tapusin na na'tin 'to Zeus. Sagad na sagad na ang pasensya ko sa'yo. I told you not to involved my family here, ginagalit mo ako at pigtas na rin ang pasensya ko sa katulad mo!" malamig na saad ni Mr. Martinez.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Pinatay mo ang mga magulang ko! Pinatay mo ang kapatid mo! Kaya bakit ako titigil na patayin ka?! Bakit ako titigil?! Gusto kong lumuhod ka sa harapan ko kapag nagkita tayo!" gigil na sigaw ni Zeus sa kung saan.

"Wala akong kasalanan sa'yo, 'yan ang tandaan mo! Ang mga magulang mo ay may atraso sa'kin. Pinatay nila ang mga magulang ko!" puno ng hinagpis na saad ng senyor. "Wala kang karapatang magalit dahil dapat ako ang magalit! Walang awang pinatay ang mga magulang ko, walang laban! Kaya hindi ko na maatim na gumawa ka ulit ng kasamaan! Tigilan mo na ang lagat ng 'to at magbagong buhay ka na." mariin na saad ng senyor.

"Bakit ako titigil huh? Papatayin kita! Tayo ang magtutuos!" he said. "Sugurin niyo na ang Mafia King na 'yan!" sigaw niya.

Isang tingin palang ng senyor ay hindi gumalaw ang mga nasa unahan, nakatingin lang ako sa kanila. Walang gumagalaw at ang nakakagulat ay yumukod pa sila sa senyor. Napasinghap ako at tinignan ang senyor na hindi man lang kumibo.

"Bibilang ako ng isa hanggang tatlo.." makapangyarihang saad niya. "Isa.." malamig na saad niya.

Nagmamadali silang sumakay sa motor nila, naiwan pa nga ang mga kahoy. Napailing ako at agad tinignan ang mga anak ko na unti unti napapalapit doon sa box. I saw my bunso, tinataas ang paa at papaiyak na.

"Stella, don't move!" sigaw ni Tristan sa anak namin. "Just..just stay and don't move.." kabadong saad ni Tristan.

"Akala niyo ba makakaisa kayo sa'kin! Tangina! Lumabas kayo diyan at patayin niyo ang mga taong 'yan!" sigaw na ni Zeus at nagsipaglabasan ang mga tao na pawang mga nakaitim.

"Leave it to me. Hanapin na ninyo ang mga magkapatid at sila Prince Arthur." saad niya sa akin at nginitian ako.

Tumango ako at kaagad na hinanap ang pinto, nandoon si Tristan at tinutulungan ang ama. Dahan dahan kong binuksan at nakita ko agad si Amara at si Noemie, umiling sila sa'kin at nanlalaki ang mata. Tumango pa ako sa kanila, tinignan ko ang pader, kinatok ko pa 'yun at luma na nga. Kumuha ako ng bakal at kaagad tinapon sa bintang kahoy at nasira nga. Napa-yes ako sa utak ko, pumasok ako doon at nakita ko sila dahan dahan ang lakad ko.

Tinignan ko isang maling tapak ko ay patay silang dalawa dahil sa ulo nakatutok. Huminga ako ng malalim at pumunta sa likod ng upuan nila. Tinanggal ko ang tape at tinignan sila, huminga ako ng malalim.

"Kapag sinabi kong yuko, yumuko kayo.." seryosong saad ko habang tinatanya ang baril na na nakatapat sa ulo nila. "Yuko!" sigaw ko at kaagad kong tinulak ang upuan nila.

Putok ng baril ang narinig ko at tinignan ko sila na nakapikit at tikom ang bibig. Matapos nun ay kinalagan ko silang dalawa, at sinipat ang pwesto nila. Huminga ako ng malalim. Muntikan na nga 'yun.

"Tumakbo kayo doon sa tunnel, nandoon si Kath na naghihintay sainyo. Maki Sila Arkin ay nandun rin.." paliwanag ko sa kanila. "Wag na kayong lumingon basta deretso ang takbo. Now. Go!" sigaw ko at agad silang hinarangan gamit ang baril ko.

Nakikipagbuno na nga sila nakita ko pa si Tristan doon. Pumunta ako sa kabilang kwarto, sinubukan kong buksan kaso ang putok ng baril ang narinig ko at tinamaan ako sa braso. Nakatapat sa'kin ang baril pagka bukas ko, kaya nagtago ako sa gilid hawak ang braso ko at ang tagiliran ko. Huminga ako ng malalim, madumi nga maglaro si Zeus. Umiling ako kay Tristan na napatingin sa'kin, ayan nasuntok tuloy! Tinignan ko ang dalawang kwarto, isa diyan ay ang pamilya ko. At ang isa ay si Tita. Tinignan ko sila tito, may nagpapalipad na ng palaso sa kanila. Kailangan ko ng matapos ang lahat ng 'to para na rin sa katahimikan ng lahat at ang buhay namin.

[The Finale]

Tristan's POV:

Whoo! Madami na akong sugat na natatamo dito. Maski nga rin si Dad, madami kasi talaga ang mga tao naman ni dad ay tama at sakto lang. Kada mauubos may pumapalit, may nakikita pa nga akong nagpapalaso sa gilid. Hindi ko naman kilala 'yun, natutumba naman ang mga kalaban namin dito. Napatingin lang talaga ako sa asawa ko na napapikit doon at hawak ang tagiliran. Lalapitan ko sana ng may sumapak sa tiyan ko at mukha ko, kaya ito ako ngayon nakikipagbuno na naman ng hindi ko malapitan ang asawa ko na nandoon.

"Dad, hindi ba masyadong marami?!" sigaw ko kay daddy na prente lang doon kahit bugbog na rin. "Argh! Ang dami at napapagod na ako!" reklamo ko pa.

"Madaming tauhan si Zeus, ang iba ay sindikato kayo malalaki ang katawan! Kaya kailangan mo mag-ingat, Tristan." paalala niya at napaluhod na dahil hinampas ng kahoy sa binti.

"Dad!" sigaw ko at sinipa ang may gawa nun. "Stand up!" saad ko sa kanya at sinuntok sa mukha ang isa.

"Kaya ko pa, ang alalahanin mo paano mo makukuha ang mga anak mo sa itaas." saad ni dad at tumayo.

Tsk! Matanda na si dad nakikita ko na nga ang wrinkles sa gilid ng mata niya at noo. Mahina na rin si dad, pero kapag suntukan ang usapan ang lakas lakas. Ang katawan ay kasing lakas pa ng kalabaw, huminga ako ng malalim at sinipa ang isa gusto kong makalapit sa mga anak ko at iligtas sila. Tumalon ako at isa isang sinipa ang dalawa, lumipad ang kahoy kaya sinambot ko agad at pinalo sa mga paharang harang sa daan ko. Tinignan ko ang mga anak ko medyo malapit na sila sa kahon, umiiyak na nga ang bunso ko at ang dalawa kong anak ay seryosong nakatingin sa ibaba.

Sumampa ako sa podium at tinignan silang tatlo. Hindi ko pa rin sila maabot, tinignan ko ang box mukhang mabigat. Inurong ko ang box pero hindi ko naman maurong, kahit anong urong ko sa box. Napadapa ako ng may sumipa sa likod ko, napatingin ako doon at nakita si Zeus naka ngisi sa'kin.

"Ano?! Titignan mo lang ako?!" saad niya at sinipa ang tiyan ko.

"Wag mo akong yabangan tanga! ngayon ka lang nagpakita. Duwag ka ba?" nang aasar na saad ko sa kanya at tumayo.

"Wag mong pigtasin ang pasensya ko! Baka ihulog ko ang mga anak mo!" saad niya sa'kin at hinila ang tali na nasa gilid pala niya.

"Fuck!" i hissed at narinig ko ang pagtawa niya.

Sinipa ko s'ya sa tiyan at kaagad naman s'yang sumugod sa'kin, at hindi kami masyadong nakikita dito. Bahala na! Umilag ako ang bilis ng galaw niya! Hindi ko halos masundan! Naduduling pa ako sa galaw niya. Nakakailang suntok na s'ya sa'kin, inagaw ko ang kamao niya at pinilipit sa braso at sinipa ang likod niya na ikinainit ng ulo niya. Sinuntok ko pa s'ya sa mukha, umilag lang s'ya ng umilag hannggang sa pwersahang sinipa niya ako sa tyan na ikinaatras ko. Tumalon pa s'ya at dinamba ako sa likod ko.

"Tristan!" rinig kong saad ni dad at sinipa sa ulo si Zeus na natumba. "Wag na wag ang anak ko!" he hissed.

Tumayo si Zeus at nakipagbuno kay daddy, habang busy sila dun ay kinuha ko ang tali sa gilid. At kung minsan naabot ako ni Zeus at nasusuntok ako, hawak ko ang tali at sinipa s'ya sa tiyan na ikinailag niya. Hinayaan ko s'ya at inabala ang sarili ko sa mga anak ko inaabot na ako ni stella the cutie. Umiling ako sa kanya at inayos ang tali, binaba ko ang tali ng kaunti at ng maabot ko si stella ay kaagad kong pinutol ang tali. Muntikan ko ng hindi maabutan si kent, nagpagulong gulong kami yakap ko silang tatlo at tinakpan ang ulo nila.

"Daddy..daddy.." saad ni natasha at sumiksik sa'kin. "Daddy.." saad niya at umiyak na naman. Aw, parang si Cathalina..

Nakita ko si Levi na nakikipagbuno doon, nakita niya ako agad kong pinakarga sa kanya ang mga anak ko. Nagkatanguan pa kami at hinalikan ko ang mga anak ko. Tumakbo si levi sa likod at karga ang tatlo kong anak na nakatingin sa'kin. Hinanap ng mata ko si Cathalina at doon i saw her may kalaban pa madami na sila. Napatingin ako kay dad na nakikipagbuno na rin kaagad kong sinipa si Zeus at sinipa ang kutsilyo. Sinuntok ko s'ya sa mukha at sinipa sa lalamunan at binigyan ng sapak sa panga.

"Wala si Mrs. Martinez sa kwarto!" maya maya sigaw ng asawa ko.

Narinig ko ang halakhak ni Zeus na parang nababaliw na. Agad akong natigilan at napatingin sa kanya, maski si dad ay kinuwelyuhan s'ya at galit na galit ang mata.

"Nasaan ang asawa ko, Zues?!" galit na saad ni daddy.
"Nasaan?!" gigil na sigaw niya halata na rin ang dugo sa damit.

"B-bakit ko sasabihin sa'yo kung nasaan?" natatawang saad niya pa at sa gigil ko pinagsusuntok ko ang mukha niya. "Whoo!" saad niya pa at tumawa bago pinitik ang kamay sa ere.

Napatingin kami sa baba at nakita ko agad si Mom, kaladkad ng dalawang malaki ang katawan ang isa, nakasumbrero pa at may sigarilyo. Ang isa parang donnyo pa ang dating, nakita ko ang pasa sa kaliwang pisngi ni mom kaya kaagad akong lumapit. Pero agad ring natigil ng may nagkasa ng baril sa sentindo ko mariin ang tingin ko sa kanila.

"Hay! Ang tagal ninyo!" rinig kong saad ni Zeus. "Hoy Belinda! Lumabas ka na diyan!" sigaw ni Zeus.

Napatingin naman ako doon at hawak niya si Cathalina sabunot sa buhok. Mas lalo akong nagalit hindi kaagad ako nakagalaw sa nakikita ko, may tinurok kay mom at nangisay ang katawan niya. Napasinghap ako at lalapit ng idiin ang baril sa sentindo ko ng kung sino man.

"Let her go!" sigaw ni dad na nakayukom ang kamao. "Pakawalan ninyo ang asawa ko!" sigaw ni daddy na hawak na ni Zeus.

"Tsk. Tsk." saad ng isa sa kanila at sinabunutan ang mom ko. "Ito pala ang Lady Fox. Kakatwang napakaganda pa rin kahit may edad na.." saad niya pa at agad pinasadahan ng tingin si mommy.

"Wag niyong idamay ang asawa ko dito! Wag na wag!" madiin na saad ni daddy sa kanila.

"Sino na ngayon ang pipiliin mo, Mafia King? Ang anak mo, o ang asawa mo?" saad niya at may kung anong tinurok sa'kin kaya nangisay ang katawan ko.

"Tristan!" sigaw ng asawa ko na hawak ng limang katao kasama si Belinda na nakangisi lang.

Nagpupumiglas si daddy pero maski s'ya ay tinuturukan rin ng electrical flashlight kaya maski s'ya ay nangingisay ang katawan. Hindi ako makagalaw, kitang kita ko ang asawa ko na pilit rin na tinatanggal ang kapit sa kanya ng mga tao. Nakita ko kung papaano nila kinawawa ang papa ko na panay ang salag ng suntok kahit na panay ang turok sa katawan niya.

"Giovanni!" si mommy na umiiyak na at pilit na kumakawala. "Tama na! Giovanni!" sigaw niya pilit na inaalis ang kamay sa mga hawak sa kanya.

"Sige, lumaban ka lang ng makita mo ang magagawa ko sa asawa mo!" gigil na saad ni Zeus at panay ang sipa kay daddy. "Buhay ang kinuha ninyo sa'kin! Buhay rin ang kapalit ng lahat! Buhay!" saad niya at naglabas ng baril.

Parang nagslow-motion sa'kin ang lahat, si mom tumakbo at hinarang ang katawan kay papa at doon, bumulagta si mama. At parang nagunaw ang mundo ko sa nakita ko nakayakap lang si mama kay papa, habang nakita ko kung papaano s'ya ngumiti sa akin at kasabay nun ay ang pagsuka niya ng dugo. Nanghina ako, napaluhod ako sa sakit ng nakita ko.

"Mom!" sigaw ko sa kanila at sinuntok ang nasa gilid ko. "Mommy!" sigaw ko at kaagad na sinipa ang isa.

Nanginginig ang mga kamay ko sa nangyayari, hindi ko na makontrol ang luha sa mga mata ko. Maski si dad ay nanghina na pero nagawa pa ring sumuntok sa kalaban namin. Sinipa ko sa ulo ang isang humawak kay mom at sinipa sa tagiliran ang isa, nakita ko ang asawa ko na gigil na nakipagsuntukan sa mga nandito. Wala na akong pakielam sa mukha ko! Sa luha ko! Fuck them all!

"Tarantado ka!" sigaw ni dad at sinuntok si Zeus sa mukha gigil na gigil si dad. "Gago ka! Sinabihan na kita! Wag na wag mong gagalawin ang pamilya ko!" sigaw niya pa at sinaksak si Zeus sa leeg.

"Tristan!" narinig ko sigaw kaya humarap ako nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"A-anak.." si dad na yumakap sa akin nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dugo sa bibig niya. "A-a-alagaan mo ang pamilya na mayroon ka..w-wag mo na kaming intindihin ng m-m-mama mo.." saad niya at ngumiti sa akin.

"D-dad!" saad ko at parehas kami napaupo sa sahig. "D-dad pati ba naman ikaw! No, daddy!" saad ko sa kanya.

"B-b-be happy okay? D-d-don't you ever blame yourself. Masaya akong nailigtas ka.. a-a-at gusto kong a-alagaan ninyo ang isa't-isa ni c-c-cathalina..m-mahal kita Tristan...m-mahal ka namin ng mama mo.." that was the last words that i heard from him and he slowly close his eyes and slowly letting go in my arms.

My daddy and mommy.. who s-saved me.. from d-death.. from our enemies..

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

83.7K 4.4K 43
Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love even to her own flesh and blood. And then...
394 91 32
Do you believe in love? Do you believe that when your heart beats for someone, you can do nothing without following it? Meet Lovely, a woman who doe...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
15.1K 1.2K 56
A whirlwind love story of an idol and a fan. _ In every story, books, film and movies gain someone's eyes and ear. An eye to watched every movement...