Still the One

By dannananana

1.3K 105 3

Bestfriends? Lovers? Bestfriends turned lovers? Wehhh? Baka nga. Or not... More

Excerpt
-Ryched 1-
-James 1-
-Ryched 2-
-James 2-
-Ryched 3-
-James 3-
-Ryched 4-
-James 4-
-Ryched 5-
-James 5-
-Ryched 6-
-James 6-
-Ryched 7-
-James 7-
-Ryched 8 & James 8-
-Ryched 9-
-James 9-
-Ryched 10-
-James 10-
-Ryched 11-
-James 11-
-Ryched 12-
-James 12-
-Ryched 13-
-James 13-
-Ryched 14-
-James 14-
-James 15-
-Ryched 16-
-James 16-
-Ryched 17-
-James 17-
-Ryched 18-
-James 18-
-Shaun 19- (woo! special chapter sa POV ni Shaun)
-Ryched 19-
-Nathan 19- (woo! special chapter din with POV ni Nate!)
-James 19-
-Ryched 20-
-James 20-
-Ryched 21-
-James 21-

-Ryched 15-

2 1 0
By dannananana

  Thursday na ngayon. Wala sina Nathan at Shaun ngayon kasi sinali sila sa mga quiz bee. Si Shaun ang pinanglalaban ng school sa MATHira MATHibay Competition na ginaganap sa Biñan, Laguna at si Nathan naman para sa Let's Get PHYSICScal Quiz Bee sa Sta. Rosa, Laguna. Elimination Round pa lang kaya next week pa malalaman kung nakapasok ba sila sa susunod na round o hindi. So alone ako ngayon. Kaya stay muna sa library for lunch. For some  reason, wala pa akong ibang nagiging kaibigan bukod sa kanilang dalawa. Oo, nakakausap ko yung iba kong classmates, pero wala pa yung as in friends talaga. Siguro kasi bawat isa sa kanila may sari-sarili ng circle of friends, at nakakahiya namang biglang papasok na lang ako. Naaalala ko tuloy friends ko sa Cavite. Di ko na sila madalas makausap kasi mas nagiging busy sa schoolwork. Siguro mas maganda kung mag-aral na lang ako para sa Physics exam ko bukas. Binigay na din sakin ni Nate yung ginawa nyang reviewers para sakin. Nakakainis nga lang kasi akala mo kung sino sya kung makapanlait ng sulat e panget din naman sulat nya. Di ko masyado maintindihan.

  Di ko pa din naiintindihan kung bakit sila nagkagalit ni Shaun. At kung ano kinalaman ni James dun. Ayoko na ulit tanungin si Nate kasi baka magalit lang sya at ayoko na ding ipakwento kay Mon, kasi magagalit lang din si Nate. Ayoko ng ipilit, ayokong mapagkamalang chismosa.

"Hi!"

  Speaking of chismosa, eto na naman si Marga na kinausap ako dati tungkol kay James.

"Hi Marga. Di ko alam, napunta ka rin pala dito sa library."

"What's that suppose to mean? Ako? Di napunta sa library? Fave place ko kaya to. Anyways, musta ka na?"

"Ok, sabi mo eh. Ayos lang naman ako. E ikaw, bakit mo pala ako pinuntahan dito?"

"Me and my friends are studying kasi when I saw you. Gusto sana kita i-invite sa table namin, if you don't mind."

  Wow. Eto na yung hinihintay ko oh. Mga pwede kong maging friends. Puro babae pa. Pero para bang may nagsasabi sakin na wag ako sumama sa kanya. E ano ba naman magagawa nya sakin, high school student lang din naman sya.

"Ah, hindi na lang. Baka maistorbo ko lang pag-aaral nyo."

"No, I insist. Sama ka na sakin."

"Ah, eh, busy din ako dito eh. Mahirap pang ilipat ko mga gamit ko."

"Naku naman Ryched. This is a once in a lifetime opportunity na i-invite kita tapos tatanggihan mo lang."

"Sige na nga. Sama na ako sayo."

"Yay! Tara, dun kami sa may dulo nakaupo."

*paglipat na dun sa table*

"Hi girls! Eto pala si Ryched oh. Ryched, this is Jasmine, Lianna, and Kyla."

"Ah, hello sa inyong lahat."

"Sige na Ryched upo ka na. So girls, ano na ba subject natin?"

"E ano pa ba Marga? E di ang basketball team pa rin. Grabe si Papa P., super gwapooo!!!"

"Oi Lianna tumahimik ka. Akin sya."

"Oi ka din Jasmine, asa ka. Nung send-off party kaya nag-smile sya sakin tapos nag-wink."

"E kami naman may picture together na inakbayan nya ako."

"Girls stop it. Wala pa ring tatalo sa kagwapuhan kay.."

"Oo na Marga. Gwapo na si James Luna. Sayong sayo na sya."

"Anong James Luna, Kyla? Si Mart Antenorio kaya ang type ko. Di ba Kyla, di ba? Bakit ko naman sya magugustuhan matapos ng ginawa nya sa bestfriend ko?"

"E kasi di ba lagi mo naman sinasabi dati na si James ang--"

"Shhhhh! Wag ka ng maingay Kyla ha. Nandito si Ryched."

"Ha? At ngayon ka pa nahiya. Teka, kunin ko na lang pics ng basketball team para ma-rank natin kagwapuhan nila."

  So eto pala definition nila ng studying. Grabeng ka-urban ng dictionary nila kasi ang alam ko talaga ang studying eh nag-aaral ng may mga libro or notes man lang, hindi yung nag-aaral ng bawat features ng mukha ng buong basketball team. Di ko pa rin maintindihan bakit ako pinapunta ni Marga dito.

"So Ryched, sa tingin mo, sino pinakagwapo sa basketball team? Si James no?"

"Ha, a, e, Marga kasi technically sya palang kakilala ko sa team eh.."

"Don't worry. Eto pictures oh. Tingnan mo lahat."

"Di ko maintindihan. Ano ba point neto?"

"Everyday kasi we do something in honor of the basketball team. And since Thursday ngayon, we do a Rank Attack. Lalapit kami sa a bunch of girls tapos tatanungin namin kung sino 1 nila."

"Bakit naman inassume mo na si James ang una ko?"

"I had a feeling lang."

"Ano nga pala ginawa ni James nun sa bestfriend mo?"

"Ha? Ano? Anong bestfriend? Ah, tungkol kay Pearl. Grabe, super sad nun para sakin. Tara lipat tayo ng table tapos ikwento ko."

"Ah, sige."

  Lipat na naman ng table? Ano ba to. At this rate, lahat na ng table sa library mauupuan ko.

"Nung 1st year kasi kami, gustung-gusto ni Pearl si James. As in. At eto naman si James, you can tell na gusto nya rin si Pearl--"

"Pano mo naman nasabi na gusto sya ni James?"

"Kasi tingin ng tingin tapos pag nag-a-eye contact, nag-smile sya lagi. At may iba ding nakarinig na crush nga nya. Anyways, one day, nag make-a-move na si James kay Pearl at kinuha number nya. Pinakuha pa nga nya sa friends nya kasi nahihiya daw. Then lagi silang nagkatext nun at niligawan na. Tuwang-tuwa syempre si Pearl at todo kwento sya sakin. Pinapakita nya pa nga yung mga texts eh. Kilig kilig sya to the highest level nun. Tapos, kada sinusubukan nyang kausapin sa school si James, hindi sya pinapansin. Dedma to the max si James. So syempre hurt hurt si friend. Pero lagi na lang magtetext si James ng "sorry di kita pinansin sa school. mahirap na pag nalaman pa ng iba eh. baka agawan ako. luv u.", at matutuwa na si Pearl. Nung isang araw, nakatanggap si Pearl ng letter with matching flowers and chocolates galing kay James na ina-ask sya na maging date nya sa Founder's Day Formal Dance. Ang saya-saya ni Pearl nun. Sabi din kasi ni James na susunduin daw sya. Bumili din sya ng bagong dress just for the occasion. Ginamit nya ang lahat ng savings nya. Binalak nga din ni Pearl na sagutin sya sa October 4, sa araw ng Dance. Nung day of the dance, hindi sumipot si James sa bahay nila. Naghintay sya for 2 1/2 hours bago sya nag-decide na pumunta na lang mag-isa. Nung nakarating na sya, nakita nya si James sa gitna ng dance floor so nilapitan nya. Tinanong nya syempre bakit di sya sinundo ni James. Nagtaka si James tapos sinabing "Bakit naman kita susunduin? Sino ka ba?" tapos sinabi ni Pearl na "Ako yung date mo, binigyan mo pa nga ako ng letter at bulaklak pati chocolates eh. Di bale na James, sinasagot na kita. Tayo na." Then gulat na gulat na sinabi ni James na "Sagot? Anong sinasagot e di naman ako nanliligaw. Sorry Miss. Nagkakamali ka. Wala din akong binigay na letter sayo at di rin kita binilhan ng bulaklak at tsokolate." Tapos biglang lumapit si Krista and sinabing "Sorry Pearl pero ako date ni James ngayong gabi eh." Nagulat din si Pearl dun. At napahiya sya. Dahil nga nasa gitna ng dance floor sila, narinig yun ng lahat ng tao. May masasamang upperclassmen na binuhos yung laman ng punch bowl kay Pearl. Na-shock si Pearl dun at nakatayo lang habang sinasabihan nila siya na "Ikaw? Liligawan ni James? Tingnan mo nga itsura mo. Ang panget panget mo tapos ikaw lang matitipuhan ni James? Ang dami mong pimples, naka-salamin ka pa tapos may braces. At ang itim-itim mo pa tapos lakas ng loob mong mag-yellow. Ano din kayo, kape at gatas? Tama na pangangarap mo." Tumakbo na si Pearl paalis dun sa venue. Umuwi sya sa bahay nila at umiyak na lang ng umiyak.

  Nung Monday na, naglakas-loob pumasok si Pearl nun. Anong nakuha nya? Puro pang-aasar. Si James pa nga nangunguna eh. "Pearl the Ambisyosa Girl" ang tawag nila, at pag nagkakasama sila ni James sa isang room, lagi na lang may magsasabi ng "James! Japanese ka pala e! Pinasabog mo puso ni Pearl Harbor. Hahaha!" o kaya ay "Para kayong Beauty and the Beast at si Pearl yung beast." Meron din yung "Si Pearl na mukhang Bakekang o, naghahanap ng Prince Charming." Tapos di lang yung kay James pinang-aasar nila, pati kulay nya at itsura nya, inasar na din. Meron yung usual nilang pang-asar na "Black Pearl". And madami pang iba na black jokes. Di ko na tanda. Kinalimutan ko na. Araw-araw nila ginawa yun. The moment na pumasok sya hanggang uwian aasarin sya. Sabi ko wag sya magpaapekto pero di pa rin. Lumipat pa rin sya ng ibang school by January. And ever since din nun, di na kami nagkausap. *umiiyak na si Marga dito*"

"Ouch. Grabe naman yun. Di ko alam na sobrang affected ka sa paglipat ni Pearl."

"Syempre naman! Bestfriend ko yun eh. Bakit naman ako di maaapektuhan? At gusto ko syang ipaghiganti. Kaya nga ako bumalik dito eh."

"Ha? Anong bumalik? Umalis ka ba dito? At di ako makapaniwala na gagawin ni James yun."

"Wala. Nagkamali lang ako ng sabi nun. At akala mo din kilala mo dati si James di ba? And look what happened to you. Nasaktan ka. Looks like there's a lot of things you don't know about James."

"Mukha nga. Sige Marga, alis na ako. Parang malapit na din mag-time eh."

"Wait, di ka pa tapos mag-rank nung--"

  Di ko na to kaya. Umalis na lang ako. Feeling ko nagsinungaling lang si Marga eh. Sana nga nagsinungaling lang si Marga. Tama na yung ako na lang sinaktan ni James. Wag na pati yung ibang tao sinaktan nya din. Di sya ganung tao. Alam ko yun.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 6.9K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
48.2K 3.5K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
392K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 86.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...