The Possesive Man (Del Fauric...

By MsGishLin

758K 13.6K 148

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... More

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 40

11.5K 198 0
By MsGishLin

Kabanata 40

Visit

Pagkapasok namin sa restaurant na ito ay iginaya kami ng isang waitress sa isang bakanteng lamesa at doon kami umupo.

"This is our menu Sir and Ma'am." Nakangiting sabi ng waitress at tinanggap namin ang binigay nitong menu.

Natakam agad ako sa pagkaing nakita ko sa menu.

"Nakapunta ka na dito?" Tanong sa akin ni Grayson habang ako naman ay tumitingin sa menu.

"Oo, noong nakaraang araw, kasama ko si Luis." Sabi ko habang abala ako sa pamimili ng makakain ko.

Bigla akong napaharap kay Grayson ng maalalang may nabigkas akong pangalan. Hindi ko mapigilang mapatakip ng bibig ng makita ang mukha ni Grayson.

"What did you say?" Seryoso nitong sabi kaya binalik ko ang atensyon ko sa menu at nagmadaling pumili.

Nang makapili na ako ay sinabi ko agad ang order ko.

"How about you, sir?" Tanong ng waitress.

"Ganon rin po yong sa kanya." Nakangiting sabi ko sa kanya at ngumiting tumango ito sa akin.

Umalis na rin ito kalaunan.

"Sariah" tawag sa akin ni Grayson kaya unti-unti akong tumingin sa kanya.

"A-Ah.. Isang beses lang naman kaming nagpunta dito." Kinakabahan kong sabi at tumaas ang kilay nito.

"Who?" Masungit nitong tanong kaya kahit na ayokong sabihin sa kanya ay mapipilitan ako ngayon.

"Si Luis," sagot ko sa kanya at napatingin ako sa kamay nito ng mahigpit na kumapit sa lamesa.

Kinakabahan na ako dito dahil sa reaksyon niya, alam kong nagseselos na ito pero pinipigilan niya lang dahil nandito kami sa restaurant.

"K-Kumain lang naman kami, Grayson at hindi na nasundan 'yon, okay? Sorry na..." Kinakabahan kong pahayag sa kanya.

"Alam kong hindi lang ang pagkain ang nangyari, Sariah. Ano pa ang ginawa niya?" Sabi nito na may halong galit.

"N-Nag-usap lang naman kami." Nakatingin kong sabi sa kanya habang yong kamay ko ay nanginginig na sa kaba.

"About what?" Masungit nitong sabi kaya bumuntong-hininga ako.

Wala akong choice ngayon kundi sabihin na sa kanya ang totoo.

"Okay, sasabihin ko na sayo. He confessed to me. Gusto niya daw ako." Pag-amin ko sa kanya.

"F*cking sh*t" narinig kong bulong nito at pinigilan nitong sumigaw ng biglang dumating na ang order namin kaya naibaling ko ang atensyon sa pagkain namin.

"Enjoy your meal sir and ma'am." Nakangiting sabi ng waitress at umalis na rin ito.

"Sinasabi ko na nga ba, diba sabi ko sayo lumayo ka na 'don?" Galit nitong sabi. Nagpatuloy ito sa pagsasalita nong umalis na si ateng waitress.

"Bakit ka ba nagagalit? I already rejected him and I said that I already have a boyfriend." Sabi ko sa kanya.

"Then what's his reaction?" Tanong nito.

"He was sad but eventually, natanggap na niya na friend lang ang kaya kong ibigay sa kanya." Sagot ko sa kanya.

"What did you say? Friend? Hindi ako papayag. Lumayo ka na sa lalaking 'yon." Masungit nitong sabi kaya masungit ko rin siyang tiningnan.

"Kaibigan lang naman, Grayson. Nasaktan na nga 'yong tao. Wag mo na ngang pairalin ang selos mo." Masungit kong sabi sa kanya.

"Bagay lang sa kanya 'yon at hind ka niya maaagaw sa akin." Sabi nito kaya pinigilan kong ngumiti dahil sa kilig sa mga sinabi nito.

"Kumain na nga tayo. Hindi tayo matatapos dito kung puro siya 'yong pag-uusapan natin." Medyo masungit kong sabi. Slight lang naman para matakpan yong kilig na nararamdaman ko hahaha.

Lumabas na kami sa restaurant ng matapos na kaming kumain at sabi niya ay pupunta daw muna kami sa department store dahil may bibilhin siya.

Pagkapasok namin ay hinila niya ako sa girl clothes section kaya napatingin ako kay Grayson.

"What are we doing here? Akala ko ba may bibilhin ka?" Naguguluhan kong sabi.

"I want to buy you clothes." Sabi nito kaya pinigilan ko siya.

"What did you say? I don't need it, okay? Marami akong damit kaya hindi ko 'yan magagamit." Pigil ko sa kanya.

"Sariah, don't be stubborn, okay?" Sabi nito at siya na ang pumili.

"Grayson, please... You can't do this... You are wasting your money." Natataranta kong sabi dahil ilang damit na ang nakuha niya.

"This one suit you." Nakangiting sabi nito habang itinapat sa akin ang isang dress.

I admit, it's a nice dress but the price is so expensive.

Para akong tanga dito sa kakasalita, hindi niya naman ako pinapansin kaya huminto na rin ako sa pagpipigil sa kanya.

"Hmm.. How about this? Magugustuhan kaya 'to ng mama mo?" Sabi nito habang pinapakita sa akin ang isang maroon dress.

"W-What?" Naguguluhan kong sabi sa kanya. Bakit napasok sa usapan namin si nanay?

"I want to buy her a new dress." Seryoso nitong sabi.

"H-Hindi n-na kailangan, Grayson." Kinakabahan kong sabi.

"Bibisitahin natin sila mamaya." Sabi nito na nagpagulat sa akin. Tama ba ang pagkakarinig ko?

Bigla itong umalis at pumunta naman sa men's clothes.

"B-Bakit pa tayo pupunta 'don?" Kinakabahan kong sabi at natataranta na ako dito dahil baka totohanin niya. "N-Ngayon b-ba? Susunod nalang kaya? Grayson." Natataranta kong sabi kaya hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya.

"Just relax, okay? Ayaw mo talagang bisitahin sila?" Tanong niya sa akin kaya agad akong umiling. Hindi sa ganon, gustong gusto kong bisitahin sila nanay pero iniisip ko ang reaksyon ni nanay.

Malungkot akong napayuko.

"G-Gustong gusto ko silang bisitahin." Mahina kong sabi sa kanya.

"Then, pupunta tayo 'don mamaya." Masaya nitong sabi kaya napatingala ako sa kanya.

"Pero Grayson..." Malungkot kong sabi.

"Don't worry about me, okay? I also want to talk to your parent especially your mom." Pahayag nito.

"O-Okay..." Sabi ko at iniwan na niya muna ako para makapili siya sa ibibigay niya daw kay tatay.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinitingnan siya.

Sana hindi magalit si nanay na dadalhin ko si Grayson sa bahay at sana hindi na rin sila galit sa akin pero malabong mangyari 'yon, Sariah. Galit na galit si nanay sa akin kaya malabo.

Pagkatapos nitong bayaran lahat ay pumunta naman kami sa grocery at bumili lang kami ng kakailanganin namin sa pang-araw-araw.

Kalaunan ay nakalabas na kami sa mall at nandito na kami sa loob ng kotse niya.

"Grayson, sigurado ka bang pupunta tayo sa bahay?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, I want to meet them." Sabi nito kaya pinilit ko na lamang ngumiti kahit na nalulungkot ako na baka magalit sa kanya si nanay.

"Gusto kong patunayan sa kanila na seryoso ako sayo kaya gusto ko silang maka-usap." Seryoso nitong sabi at pinaandar na nito ang kotse. Napangiti ako sa sinabi nito.

"Thank you.."  Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I love you, you can rest for a while at gigisingin na lang kita mamaya pag nakarating na tayo sa bahay niyo." Sabi nito kaya masaya akong tumango sa kanya.

Sumandal ako at hindi ko nalamalayang nakatulog na ako.

Naramdaman kong may kumakalabit sa akin pero hindi ko ito pinansin kasi sobra pa akong naaantok.

Bigla akong napadilat ng biglang may humalik sa akin at nakita ko ang malapit na mukha ni Grayson sa akin.

"Grayson!" Gulat kong sabi at inilayo ko siya sa akin. Nakakahiya.

"Baby, kanina pa kita ginigising. Halik ko lang pala ang magpapagising sayo." Nakangiting sabi nito kaya tinakpan ko ang aking pisngi sa kahihiyan.

"Nakakahiya..." Mahina kong sabi at narinig kong humalaklak ito.

"Let's go, nandito na tayo, by the way you are so cute when you blush." Natatawa nitong sabi at tila nang-iinis ito sa akin.

Wala na akong nagawa kundi lumabas na sa kotse nito.

Pagkalabas ko ay bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina.

Napatingin ako kay Grayson ng matapos nitong kunin ang pinamili namin na ibibigay kila nanay.

"Let's go.." Nakangiting sabi nito kaya sumunod na rin ako sa kanya.

Nang nasa  harap na kami sa pintuan ay kumatok muna ako.

"Teka lang!" Narinig kong sabi ni tatay at naramdaman kong binuksan na nito ang pintuan.

"Sino---" naputol ang sasabihin ni tatay ng makita niya ako.

Gulat ang namutawi sa mukha nito at ako naman ay nagsisimulang tumulo ang luha ko. I miss you tatay.

"Tay!" Masaya kong sambit at niyakap siya.

"A-Anak..." Gulat pa rin nitong sabi at doon na bumuhos ang luha ko ng tinawag niya akong 'Anak' ibig sabihin hindi nila kinalimutan.

"Sino yan!?" Humiwalay na ako kay tatay ng marinig ko ang boses ni nanay na galing sa kusina.

"A-Anak mo!" Tugon ni tatay pero tila hindi nito narinig.

"Sino!?" Ulit nito at naramdaman kong may papalapit sa amin.

Nakita ko si nanay na lumapit sa amin.

Tila nagulat ito sa presensya ko at kalaunan ay nag-iba ang timpla ng mukha nito ng makita kung sino ang kasama ko.

"N-Nay..." Tawag ko kay nanay pero tinalikuran niya kami at pumunta na sa kusina.

Hindi niya naman kami itinaboy, diba? Ibig sabihin, okay lang na nandito kami? Kahit na ganun ay napangiti pa rin ako.

"Pumasok muna kayo anak." Masayang sambit ni tatay at pinapasok niya kami.

"Salamat, tay.." Nakangiti kong sabi at hinila si Grayson papaupo sa sala namin.

Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...