Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

862K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 30

13.3K 768 261
By FGirlWriter

Chapter 30:

The Apology

He must admit that ten years ago, Jack was too young to understand the difference between attraction and love...

"Huh? G-Gusto mo 'ko?"

Yukong-yuko si Jacquin at nanginginig ang mga kamay. He just confessed to Athena—his classmate, the first girl who didn't look down at him...

Hindi ito nahihiyang madikit sa kanya. Lagi ring hinihingi ang tulong niya sa paggawa ng assignments at projects... Lagi siyang nginingitian at kinakausap. Athena's the most beautiful girl in their school. Everyone likes her. Boys and girls were her fans...

Kasama na siya siguro doon. His a fan, an admirer... Dahil mula pagkabata, pulos pambu-bully lang ang nakukuha ni Jacquin sa mga kaklase niya. Lalaki at babae parehas.

Pero, hindi naman siya galit. Nagsasabi lang ng totoo ang mga ito. Pangit at lampa naman talaga siya. Nagtataka lang siya kung bakit siya sinasaktan? Kapag pangit ba, talagang sinusuntok? Tinatapunan ng tubig, juice, o sabaw? Kapag lampa ba, puwedeng pagtawanan sa tuwing natatapilok, nahuhulog, at nadadapa?

Halos every year ay kailangang lumipat ng school ni Jacquin para maiwasan ang mga bullies. Ngunit ganoon din naman. Kada bagong school, bagong bullies. Masuwerte na kung magtatagal siya ng isang school year. Minsan, kalagitnaan na ng school year, saka pa siya ililipat.

Ang konsolasyon na lang sa kapangitan niya ay matalino naman siya. Kaya kahit ilang school ang lipatan niya ay agad siyang tinatanggap dahil laging perfect scores ang nakukuha niya sa entrance exams...

"A-Ahm... Y-You're b-b-beautiful. You're a-a-always k-k-kind to me..." kinakabahan at mahinang dagdag niya.

Gusto niya si Athena. Para itong Mommy niya. He's one of her many fans. He's an admirer. Kinakabahan siya sa tuwing nasa malapit ito. Nakakaramdam siya ng panghihina sa tuwing ngingitian siya nito...

Sa usap-usapan na naririnig niya, sa kanya lang daw ganoon si Athena. Hindi daw ito ganoon sa ibang classmates nilang lalaki o sa kahit sinong lalaki sa school nila...

Kaya sa dibdib ni Jacquin, may pumapadyak. Sa utak niya, may nagpupumilit, umaasa...

So, he gathered up all the courage he can get to confess today. Kuya Izaak even cheered him on before he left for school. Bago mag-Christmas break, nagba-baka sakali si Jacquin na sana...

"Y-Y-You're v-very... ahm... s-s-special to m-me, A-Athena... I... I like you..." Napalunok siya. Inayos niya ang salamin sa mata dahil dumudulas na 'yon sa namamawis niyang ilong. Nagpapawis na rin ang mga kamay niya... Ang mga tuhod niya nagsisimula na ring manlambot dahil sa labis na kaba.

"C-Can I-I d-date... you?" he finally asked.

For the first time in his fifteen-years of existence, Jacquin was hoping so bad that Athena likes him, too. And although his Dad advised to better not date in high school, he can't just let this pass by.

"Jacquin..."

Nag-angat siya ng tingin dito. Si Athena na ang nakayuko.

"Sorry," she said. Matigas at malamig. "Wala akong gusto sa'yo."

Bago pa makaramdam si Jacquin ng sakit mula sa mga sinabi na nito ay may narinig siyang malalakas na tawanan ng mga lalaki.

Napalingon siya at nakita ang isang pamilyar na grupo na palapit. Lima ang mga ito. Ang isa ay may hawak na video camera, nakatututok sa kanya. Ang tatlo ay hindi mahinto sa kakatawa habang tinuturo siya.

May humablot sa baywang ni Athena... the leader of the group. He's good-looking and the most popular boy in their school.

"Saan ka kumuha ng lakas ng loob para magtapat sa girlfriend ko, Valleroso?"

Napasinghap si Jacquin at nanigas sa kinatatayuan.

"Vince, please..." Narinig niyang bulong ni Athena, sabay pigil sa dibdib nito.

"Ang kapal ng mukha mong puno ng tigidig, Valleroso!" sabi ng lalaking may hawak ng video camera. "Isa kang malaking joke! Ang ganda-ganda ni Athena at inaaya mong makipag-date sa'yo? May plano ka pang agawan ng girlfriend si Vince?"

Napakurap siya at napasulyap kay Athena. Umiwas ito ng tingin. She has a boyfriend... H-Hindi... hindi niya alam!

"Utak na nga lang maipagmamalaki mo, hindi mo pa nagamit!" pambubuska ng isang kanina pa tumatawa. "Dapat alam mong ang magaganda, para sa mga magaganda lang din. Ang mga pangit, sa mga pangit! Know your place!"

"Kundi mo lang kami pinatawa sa mga sinabi mo kay Athena, binugbog ka na namin ngayon!"

Napaatras si Jacquin.

Ngumisi si Vince. "Siguro, hindi din kita masisisi, Valleroso. Mabait at maganda naman talaga si Athena. Lahat nagkakagusto sa kanya. Pero sana hindi mo na binuka 'yang bunganga mo. You put her in a very awkward position."

"I'm s-s-sorry..."

Nagtawanan na naman ang mga ito.

So, Athena's kind gentures... All those times they spent doing classroom activities... Her smiles, stories, and laughters...

Ah. He's the one who just assumed... Jacquin assumed that it was something more... Because no one treated her before like Athena did...

"Athena, baby, tell this Valleroso the truth," malambing na sabi ni Vince. "You were carried away with being nice to him, nabigyan niya tuloy ng ibang kulay."

"Akala nitong panget na 'to, may pag-asa na siya sa'yo!" tawa ng apat.

Nakagat niya ang ibabang labi. Nararamdaman niya ang pag-init ng gilid ng mga mata... Alam ng mga ito ang nararamdaman niya? Ang iniisip niya? Was he that transparent? That naive?

They're right. Where did his brain go? Iyon na nga lang ang mayroon siya...

"Go on, baby, say it," himok pa ni Vince kay Athena. "Hindi ba nagpaalam ka sa'kin ng maayos na sasamahan mo lang palagi si Jacquin kasi tinutulungan ka niya sa mga assignments at projects mo? Dahil mas malaki ang chance na tumaas ang grades mo? Makakabawi ka this year at hindi na magre-repeat?"

Natulala si Jacquin...

"You used him, right? For your grades?"

Used... Ginamit...

"Sabihin na natin para magising sa katotohanan si Valleroso. If you have flirted a little with him, mapapatawad ko naman," dagdag pa nito. Hinaplos nito ang buhok ni Athena. "Kailangan talaga 'yon. Para din sa ikabubuti mo 'yon. Hindi maling gumamit ng mga katulad niya. Iyon naman ang purpose nila."

Niya... nila... Ng mga panget na katulad ni Jacquin... puwede lang... g-gamitin? Hanggang doon lang ba talaga ang halaga ng isang tao? Hanggang sa panlabas na anyo lang?

Napabuntong-hininga si Athena. "Umalis na tayo, Vince. Ayoko na dito, please."

Ngumiti si Vince at ang nang-aasar na mga tingin ay muling tumutok sa kanya. Jacquin saw Vince kissed Athena on the lips, right in front of him...

Akala niya makakaramdam siya ng sakit. But he's numb because of everything he had heard...

The girl he admired so much only used him for her benefit... And his bullies, their are her allies...

"Walang magkakagusto sa'yo, Valleroso. Kung mayroon man, ka-lebel mo lang din." Tumalikod na si Vince habang hawak sa kamay si Athena. "Kayo nang bahala," huling sabi nito sa mga kaibigan.

The last thing Jacquin could remember was watching the back of Athena getting farther and farther away. Yumakap pa ito sa nobyo at tila nagmamadaling makalayo sa kanya...

Then hands grabbed him in a corner with no other students or people. One, two, three punches... hindi na alam ni Jacquin.

The more he cried, the louder they punched and laughed. The more he asked for help, the more they tell the worst things about his appearance.

Sa bahay, hindi naman ganito. Jacquin was never physically hurt. Hindi siya napapalo para disiplinahin dahil masunurin siyang anak. His mother is always gentle and sweet. His father, although strict, is kind and encouraging. Ang mga kapatid niya, kahit tinutukso-tukso siya, hindi naman masakit ang mga sinasabi ng mga ito. Kahit nagtatalo sila ng Kuya Izaak niya minsan, hindi ito nagbubuhat ng kamay. Raqi has some tantrums, too. But she's the cutest little sister that would always hug him.

His family and relatives constantly reminded him of his best qualities. That what matters most is what's inside his heart, not outside. He's not ugly. He's not weak.

He's Jasiel Jacquin Valleroso. He's gentle like her mother. He's kind like her father. He's helpful. He's level-headed. He's loved...

He was fearlessly and wonderfully made. He was born for a purpose.

But sometimes, Jacquin ponders. Aside from his family and his faith, may iba pa bang handang magprotekta at magtanggol sa kanya? May iba pa bang nakakakita ng nakikita ng mga magulang at kapatid niya?

Would someone other than his family, cry for him when his hurt? Would someone else defend him bravely in front of his bullies?

Sa muling pagbukas ng mga mata ni Jacquin, nasa ibang school na ulit siya. He was transferred after the Christmas break. Kahit patapos na ang school year, may tumanggap pa rin naman sa kanya. Because he got a perfect score in the new school's aptitude test. The principal was glad to take Jacquin in. Nilagay pa siya sa star section ng third year.

But bullying didn't stop. Parang katulad pa rin dati. After every physical and verbal bullying he got from his classmate Walter and his friends, Jacquin tried to endure. He still cries silently. He does not have any friends because he's just the new boy in school.

He cried alone. He prayed alone. He's just... Dapat sanay na siya, eh. Since kindergarden, ganito naman talaga sa school... Sa bahay lang may nagmamahal sa kanya, paglabas wala na...

Until Blair...

One day, Jack found himself being dragged by Walter, Tyrone, and Raul inside the boy's toilet. The three were very angry because he was close with Blair...

Nanginginig sa takot si Jack. Lalo na ng buhusan siya ng kung ano-ano. Dirty water? Tomato Sauce? Paint?

Hindi niya alam. Wala na siyang makita dahil nabuhusan din ang salamin niya. Naubo siya sa amoy. Nadulas siya...

"Pangit na, lampa pa!"

"Inangkin mo lahat, gago!"

They were very angry at him because of Blair's attention...

Si Blair... mas maganda ito kaysa kay Athena.

Christeena Blair Delos Santos... The most beautiful girl in school. She has the most dazzling smile, too. And her eyes always sparkled like the stars... She's playful, but empathetic. She's a little gloomy in the inside but shines brighter than the sun outside.

Her image filled Jack's whole mind. She's really, really beautiful... Hindi nakapagtatakang madaming nagkakagusto dito.

Dumating ang sunod na sunod na mga padyak...

Masakit... Nakagat niya ang ibabang labi at napaigik. He tried to hold his tears.

Hindi siya iiyak...

Hindi na siya iiyak...

Pagod na pagod na siyang umiyak na lang sa pananakit ng mga ito dahil pangit siya, lampa siya, ilusyunado siya...

Pumikit siya. Dear God, I don't want to cry, anymore. Let me endure the pain without crying... Sana po matapos na agad 'to...

Will a security guard or a teacher come to rescue him? Madalas ganoon sa mga dati niyang school. May pinapadala ang Diyos para tumigil ang lahat ng pananakit...

"No! Stay away from him!"

"Jack!"

Blair...

"Ang sama niyo! Ang sama-sama niyo!"

He recalled his questions before. Kung may iba bang taong iiyak para sa kanya sa tuwing sinasaktan siya? Kung may isang tao maliban sa pamilya niya ang ipagtatanggol siya?

Tumigil sina Walter sa pagsipa sa kanya. May mga kamay na umalalay sa kanya para makabangon mula sa pagkakasubsob sa sahig. Someone gently removed his eyeglasses.

Isang tao lang ang gumagawa niyon...

Sa pagdilat ni Jack, naiintindihan niya na ang pagkakaiba ng attraction at love... "Blair...?"

"S-Sorry, Jack..." Blair sobbed and shouted at Walter's gang.

Tumibok ang puso niya.

Blair cried. For him.

She... rescued and defended him.

This is the answer to his questions. Aside from his parents and siblings, someone saw him beyond his looks. Someone was brave enough to share a tear and stand up for him.

The difference between attraction and love is...

Jack only liked Athena. He only admired the beauty and attention she gave him, no matter her reasons. It was not true love. She hurt him and he's not a fan of her anymore.

However, Blair... The wildflower... Jack is attracted and in love. He admires and loves her. Gusto at mahal niya ito.

Sa lahat ng humahanga kay Blair, Jack's the greatest one. Even though he's been shy to express it, he's been silent to admit it...

Blair is Jack's first love.

First kiss.

First touch.

First friend. First lover. First everything.

And when she chose to hurt him... When Blair left him...

Love never left.

Sa unang pagbukas ng mga mata at diwa ni Jack para sa umagang 'yon, ang maamo at mapayapang mukha ni Blair ang bumungad sa kanya. He voluntarily smiled at the wonderful sight.

Maingat niyang hinaplos ang pisngi nito upang hindi magising. He inhaled and closed his eyes.

Dear God, please let me take care of her.

May pakiramdam na siya. Hindi magiging madali at mabilis bago niya makita ulit ang tunay na lakas at ligaya sa mga mata ni Blair.

But what is love if he can't wait?

***

"YOU'RE going out today?"

Tumango si Blair. Inubos niya na ang nilutong agahan ni Jack. "My lazy days are kinda over. Wala lang akong trabaho, but I'm a very busy person." Tumayo siya at inubos ang hot chocolate sa mug.

"Want me to drive you? Puwede kitang samahan. I'm still on a break from work."

Blair wanted to ask why he's taking a break from work. Jack loves his work and she thought he won't live without it. But then, dapat wala siyang pakialam.

"Now that you offered it, then okay." Kibit-balikat niya. Tumalikod na siya at naglakad palabas ng dining, "We'll leave at nine. Be ready by then."

"Where are we going by the way?"

Nilingon niya ito. "Club Punta Fuego."

"In Batangas?"

"Yes. I have to attend an event."

"I see..." Tumango-tango si Jack. Ngumiti. "I'll get ready then. Huhugasan ko lang 'to."

Jack gathered the plates and went inside the kitchen. Ilang segundo niya pa itong tinignan bago siya umakyat sa kuwarto niya.

Something's different with him. Hindi niya lang mapangalanan. Pero may nagbago talaga...

Napailing na lang si Blair. She has no time to think about that. Though, she got a very good sleep last night. Thanks to him, yes. She felt peaceful and... contented? She does not really know if that's the right term.

Basta pagkagising niya kanina, parang ang gaan ng pakiramdam niya. She felt refreshed, too.

Still, something's different with Jack. Parang may bago sa kung paano siya tignan at kausapin nito. Well, he's got more confidence (yet still reserved in many ways) since college. Mas nadadagdagan pa 'yon sa bawat paglipas ng panahon. Pero nang bigla itong hindi nagparamdam ng ilang araw at pagbalik ay...

She stepped under the shower. Bumuhos ang maligamgam na tubig sa katawan nya.

Stop thinking about him, Blair. He's just there temporarily. You got other more important matters to think about!

Pagdating ng alas-nuwebe, nakahanda na siya para umalis. Ganoon din si Jack.

Blair lost interest in checking out guys anymore. But today, she found himself surveying Jack.

Nakasuot ito ng gray polo-shirt, khaki shorts, at loafer para sa paa. His eyeglasses' a bum, though. It's too big for his face, thick, and round like Harry Potter's. Mamasa-masa pa rin ang buhok nitong nasa batok na ang haba.

"You should get a haircut," hindi niya na napigilang komento. "And why are you not wearing your stylish glasses, instead? Or don't you wanna try contact lenses?"

Napalingon ito sa kanya bago pumasok sa loob ng driver's seat. "Do I look ugly?"

She shrugged. "I'll still have sex with you."

He chuckled. "What a compliment."

Napanguso siya. Sumakay na siya ng kotse at nagpadala ng text message sa caretaker ng bahay. Pati na sa personal assistant niya. Hindi niya alam kung doon pa siya uuwi. Baka puntahan na naman siya ni Kuya Bari o Kuya Sandro. She needs to leave and hide, again. Para may thrill.

Napalingon siya sa bahay nang umaandar na palayo ang kotse. Oh, she loves that house. That's her favorite hiding place because of her daisy garden. Bakit kasi nahanap 'yon ng mga kapatid niya? She's been very careful about that place. Siniguro niyang walang nakakaalam na doon siya nakatira maliban kay Jack. But now, it's not a secret hiding place anymore. She silently groaned.

Binuksan ni Jack ang car stereo. Mukhang wala naman kasi silang pag-uusapan at tahimik lang sa loob ng sasakyan. Blair does not like to converse as well, kaya hinayaan niya lang ito na magpatugtog.

Kalalabas pa lang ng kotse mula sa village nang tumunog ang cellphone niya. It's a call from her mother's personal assistant. Naikot niya ang mga mata bago sagutin 'yon.

"What does she want this time, Vivien?" bungad niya sa pagkasagot ng tawag. Hinanaan ni Jack ang tugtog.

"M-Miss Blair... Good morning. Madam Bridgette asked if you're attending the all-female business summit today in Batangas..." mahinang sabi nito. Nahihiya. Natatakot. Bago pa lang kasi sa trabaho.

"No," sagot niya kahit doon naman talaga siya papunta ngayon.

"Ahm, i-if that's the case, Miss Blair, she wanted you to go... Para d-daw po magkita na kayo. She really wanted to see you because she misses you a lot."

Pinaghandaan niya naman ang araw na 'yon. Alam niyang laging uma-attend sa mga business summit ang Mama niya. Magkikita at magkikita sila ngayong araw, ngunit wala siyang planong ipaalam dito ang pagpunta niya din doon. Bahala na itong magulat mamaya.

"Why are you the one calling me?"

"H-Hindi niyo daw po kasi sasagutin kung siya ang tatawag."

She smirked. "Is this your number?"

"Y-Yes, Miss Blair."

"You should address me as 'Madam', too. I'm richer than your boss anyway." Binaba niya na ang call at nilagay sa blocklist ang number.

Napasulyap sa kanya si Jack. "You sounded... not nice."

She chuckled. "I'm not nice." Inilagay niya na ang cellphone sa dalang handbag at tumingin na sa labas ng bintana. "Ilang oras ulit ang biyahe?"

"Three hours, expected. Four hours, max." Lumiko ang sasakyan sa isang malaking gasoline station. "I'll just double check the tires' air."

Blair just shrugged. Bumaba si Jack para mismong i-check ang mga gulong. May isang gasoline boy na lumapit para mag-assist.

Nilakasan niya ang volume ng radyo para mas marinig ang kanta. Then, she heard a bell sound. Parang galing sa phone. It's not hers for sure.

Tumunog ulit 'yon.

Nahagip ng mga mata niya ang cellphone ni Jack dahil umilaw din iyon. Nakapatong pala 'yon malapit sa kambyo.

Hindi niya gawaing tignan ang cellphone ng iba. But somehow, Blair's curious who's texting Jack. Is it Tita Wana? Tito Josias? His siblings? From work? An ex-girlfriend?

Sumulyap muna siya sa labas ng sasakyan. Nasa likuran si Jack at ang ang gasoline boy. Abala sa gulong.

Pasimple niyang binuksan ang phone ng hindi inaangat. Jack got the newest iPhone in the market. Hindi pa ganoon ang model ng kay Blair pero alam niya kung paano gamitin 'yon. She tried to swipe to unlock. It opened without asking for any passcode.

She can view the sender's name without the need to read the text message.

Mommy sent a message.

It's Tita Wanna, like she suspected first. Siguro nagpaalam si Jack dito. She scanned some more. Pulos magulang at kapatid lang nito ang nasa inbox. Some text from work, she guessed. Wala bang kaibigan si Jack dito sa Pilipinas?

Well, he's not really a friendly person. Hindi dahil snob ito, pero dahil likas na mahiyain. Jack's very quiet, too. An introvert. Pero approachable naman. At saka lang ito magsasalita at ngingiti. Dahil sa gentle personality nito, campus crush si Jack noong college sila.

Oh, the torture during that time. Kahit saang sulok siya ng campus pumunta noon, lagi niyang naririnig ang pangalan nito.

Jasiel Jacquin Valleroso. 'Yung iba ay hindi pa alam paano bigkasin ng tama ang pangalan nito. It's not "jey-shel" or "ja-shel", it's "ja-zee-yel". It's not "wakin" or "jakin", it's "hakin"!

Napapaikot na lang siya ng mga mata noon sa tuwing naririnig ang mali-maling tawag kay Jack. Parang name-murder ang pangalan nito!

Puwede ba, bago kiligin, alamin muna paano bigkasin ng tama ang pangalan nito? No one's deserving until Jack's complicated name can be pronounced right!

Carried away, aren't we?

Napakurap si Blair at bumalik na sa "normal state". Napansin niyang patapos na ang pag-check ng mga gulong at may sinasabi na lang ang gasoline boy kay Jack. She's about to lock his phone when it notified, again.

Napahinto ang kamay ni Blair sa nakita.

Bridgette Salamanca sent a message.

***

"I'VE noticed, you don't keep helpers around your house?"

"Yup," maikling sagot ni Blair sa tanong niya. Walang paliwanag.

"Not even a driver or a bodyguard?"

Umiling lang ito.

Tumikhim si Jack. Dalawang oras na silang nasa biyahe at tahimik lang. Wala naman siyang problema doon. He loves the air of a peaceful silence. But theirs, isn't. It's cold and awkward. Tila biglang naging malamig si Blair. Hindi alam ni Jack kung saan nagsimula.

Walang kahit anong emosyon ang mukha nito habang nakatingin ng diretso sa harap. She looks like thinking but also not. Isang tanong, isang sagot lang din ito. Jack tried to pick up some conversation, however, Blair would easily end it.

"Do you want some snacks?" maingat niyang tanong dito. Baka gutom na ulit dahil kanina pa silang nasa kalsada lang.

"Not hungry."

Mabilis siyang sumulyap dito bago ulit binalik ang tingin sa kalsada. "A drink? Coffee? Frap?"

"No."

He sighed. "Are you pissed at something?"

"Yup."

"What happened?"

"Don't like to talk about it."

Sumuko na lang muna si Jack. Wala naman siyang magagawa kung wala na sa mood si Blair. He gave her space. Nilakasan niya na lang ang car stereo para mas marinig ang mga kanta. He hummed with all the song he knew. Hanggang sa makarating na sila sa Club Punta Fuego—an exclusive and membership resort club.

Nagkakutob na siya na isang business meeting or conference ang pupuntahan ni Blair dahil sa suot nito. She's wearing a white lady coat over a body-hugging yellow dress. Naka-kulot ulit ang mahaba nitong buhok. Jack's just uncomfortable with her curtain bangs. Natatakpan ang mga mata ni Blair... But maybe, that was her intention?

They were assisted by the staff. Alas-dos pa mag-uumpisa ang meeting kaya naman hinatid muna sila sa kuwarto na para kay Blair. They got the pool side and seaside view.

"Dito ka ba matutulog mamaya?" tanong niya. He got to go home, though. Kailangan niyang ihatid bukas ng maaga ang mga magulang at kapatid sa airport. Nakapagpaalam na siyang hindi sasama sa Monte Amor para sa death anniversary ng lola nila ngayong taon. He needs to be with Blair.

"Depends." Pumunta ito sa bar side ng kuwarto, nagsalin ng red wine sa isang kopita. "If I happen to stumble upon Levi here, I might stay for the night."

"Levi?"

She sipped the wine and smirked. "Ex-boyfriend."

Tumango-tango siya. Humarap siya sa sliding door papunta sa balcony. Binuksan niya 'yon at sinalubong siya ng preskong hangin. "He's supposed to be in the meeting?"

"No. But he's always here."

Umupo si Jack sa balustre at pinag-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Gaano kayo katagal?" pasimple niyang tanong.

"Nine months." Sumunod si Blair sa balcony. Tumanaw sa dagat. "He's my fifth boyfriend. A billionaire at thirty. Very generous. A gentleman." Mapaglaro itong ngumiti. "He's not as obsessed as Hank. When we broke up, he's cool with it. Hindi desperado. Hindi naghahabol."

Ang haba na sumagot ni Blair ngayon. Dahil lang napag-usapan 'yung Levi...

"I just don't date guys and sleep with whoever's available," patuloy nito. "Marunong akong mamili. My line of ex-boyfriends' not bad like Levi. Sadly though, may mga katulad din ni Hank. But nevertheless, mas maraming katulad ni Levi." Sumimsim ulit ito ng wine. Nanatili ang ngisi. "I only sleep with rich and beneficial boyfriends. Sa mga nanligaw at hindi nakapasa, I'd play a little, then I'd break their hearts, and I'd laugh at them after."

Lihim siyang napangiwi. Blair sounds like those evil characters in a book narrating their sinister ways.

"You didn't play with Levi..."

"He became my boyfriend because he accepted my rules."

Rules...?

"Have you found out that she's the one who turned down my companies?"

"... my last company, she successfully shut off just last year. That's why her ex-boyfriends were all powerful businessmen. She got them wrapped around her fingers."

Is that what Blair meant when she said rules? Did those men like Levi agree to help her tear down Bridgette's companies?

"Why did you break up?"

"It's a mutual decision. Natikman niya na 'ko, natikman ko na siya. It was fun while it lasts," she chuckled.

Pumitik ang sentido ni Jack. Bakit pa ba siya umasa ng seryosong sagot sa tanong niya?

He sighed. "Were you... at least, happy while you're still with him before?"

Hinaplos nito ang dibdib niya. "Baka umiyak ka kapag sinagot ko 'yan." Inubos na ni Blair ang wine at tumitig sa kanya. Pagkuwa'y ngumiti at saka tumalikod pabalik sa loob ng kuwarto.

"I'll meet with my colleagues in advance. Didiretso na rin ako sa meeting after," anito. "Entertain yourself, Jacquin."

"Blair—"

Malakas na sumara ang pinto. Napabuga ng hangin si Jack at hindi na lang humabol. Umupo na siya ulit sa balustre, inalis ang salamin, at tumitig sa kawalan.

Huminga siya ng malalim at saka marahang pinakawalan iyon.

Ginawa niya ulit. At ulit...

At isa pa ulit...

Nahilamos niya ang mukha ng mga palad.

Naisip niyang kunin ang cellphone para sana tawagan si Kuya Izaak. Pero nang kinapa niya ang mga bulsa ay wala doon. Oh, right! He left it inside the car. Napatayo siya at mabilis na sinuot ang salamin sa mata.

Kinuha niya ang susi ng sasakyan at kuwarto. Ngunit, pagbukas niya ng pinto ay may tao sa labas. Isang babae na mukhang kakatok pa lang base sa nakaangat na kamay nito.

"Oh, sorry!" anito at mabilis na binaba ang kamay.

"May I help you?" Jack kindly asked.

"Ahm..." Napatingin ito sa room number. "Mali ba 'ko ng natandaang number...?" narinig niyang bulong nito sa sarili.

Lumilinga-linga ito sa iba pang mga pinto na katabi. Parang sinisigurado na tama ang room number na kakatukin sana.

Napatitig si Jack sa mukha ng babae dahil parang pamilyar ito... He blinked and froze for a moment.

Athena?

The woman bit her lower lip and looked at him, again. "I'm sorry. I think I got the right room... uhm, do you happen to know 'Jacquin Valleroso'?" tanong nito.

"Ahm—"

"My grandmother's joining a business event here. Kanina na nagsusulat ako sa guest list, nakita ko ang pangalan ni Jacquin na nakapirma. It's his penmanship and signature, I'm sure. I'm an old classmate!" mabilis na paliwanag nito.

"S-Sorry, I'm sure I look weird right now. But I just want to know kung siya ba talaga 'yung nakapirma doon. Are you his friend? Relative?" Sumilip-silip ito sa likod niya. "Is h-he there?"

Ngumiti siya dito. "Athena Bacero."

Napahinto ito at gulat na binalik ang tingin sa kanya. "Huh? Y-You know m-me?" Namilog pa ang mga mata nito.

He quietly chuckled. She still looked the same after ten years.

"I'm Jacquin," pakilala niya na dito. "It's nice to see you, again."

Nanlaki ang mga mata nito. Hindi makapagsalita. Kaya hinayaan muna niya ito sa pagkagulat. Medyo nasasanay na si Jack na ganoon lagi ang reaksyon ng mga dati niyang kakilala sa tuwing nakikita siya ngayon.

"I was about to say that I'm Jacquin since earlier, but you kept on explaining. I don't want to interrupt you," Jack gently said. "How are you, Athena?

Malabo na sa alaala ni Jack ang mga nangyari noon. Medyo na-trauma din siya dati. But he's not mad at her completely. They were all immature and young back then. Kaya kung ginamit man siya ni Athena para makakuha ito ng mataas na grades, tapos naman na 'yon. Hindi naman nagtatanim si Jack ng sama ng loob sa kahit sino.

"J-Jacquin...?" sambit ni Athena. She got over the shock. "J-Jacquin?!"

Tumango siya at mabait na ngumiti dito.

Napasinghap ito at tinuro siya. "That kind smile..." She blinked, again. Thrice this time. "J-Jacquin... Jacquin!!!"

Nanlaki ang mga mata ni Jack nang bigla itong bumulalas ng iyak!

"A-Athena, why are you—"

Niyakap siya nito. "I'm sorry, Jacquin! I'm sorry! I know it's ten years too late but I'm sorry! I'm sorry I was not able to protect you from Vince and his friends before! I'm sorry! I don't want to hurt you like that!"

Mas lumakas ang hagulgol nito.

***

IBA ang gustong makita ni Blair, kaya naikot niya ang mga mata nang si Hank ang bumungad sa kanya. Paano niya bang nakalimutan na magkaibigan nga pala ito at si Levi?

"So, Levi's not here," aniya. "Bye," sabay talikod.

"Blair," habol ni Hank. Pinigilan siya nito sa kamay. "I'm sorry, okay? I know I've been hard, stubborn, and cruel to you. I've said things I never meant. I'm very sorry..."

There's no danger in Hank's touch this time. Mahinahon din ang tono nito. And Blair knows him. When he says his sorry, he truly is.

Hinarap niya ito at binawi ang kamay. Pasimple siyang luminga sa paligid. Siniguradong wala masyadong tao.

"Tell me what you know," she bluntly said.

Hank looked at his left and right. "Let's talk inside the room."

Nilagpasan niya ito at nauna na siyang pumasok sa kuwarto. "Where's Levi?"

"He's doing business outside the country." Napabuga ito ng hangin. "You really like him."

"Mas matino siya kaysa sa inyo ni Wade." Blair shuddered a little.

"Wine?" alok nito.

"Done already." She sat on the high stool and crossed her legs.

Umupo ito sa tabi niya. "I saw you arrived with that... man."

Ngumisi siya. "Don't go near him, Hank. He's above all of you."

"I'm jealous." Dinantay nito ang ulo sa balikat niya. "Anyway, I'm sorry again. I shouldn't have said what I said back on that bookstore. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay Wade. But I know, he's the one at fault. Hindi ko lang siguro matanggap na magagawa niya 'yon sa'yo."

"He's Walter's cousin."

"I know." He offered a cigarette stick. Kinuha niya 'yon. Hank lighted it for her.

"But I played with them. So, they wanted revenge." Blair can't call herself the victim, fully. Para sa kanya, maybe she deserved that.

"I still want you," he whispered.

Binugahan niya ito ng usok mula sa sigarilyo. "I'm dirty."

"I am too," parang proud pa ito. He even chuckled. "We're a perfect match, Blairy. We should be together instead. That Valleroso is too pure for you."

Ngumiti siya ng mapait. "I know." Tumayo na siya at pinasa dito ang hindi pa ubos na sigarilyo.

"You know we're a perfect match?"

Humarap siya sa full-length body mirror at pinagpagan ang damit. "I know that I don't deserve to have him."

"Do you have plans to get him out of your life for good?" Marahan siyang hinapit ni Hank sa baywang.

Tinignan ni Blair ang repleksyon nilang dalawa sa salamin. Hank is a classic Latino hottie. Tall, muscular, moreno, and ruggedly handsome. He's the one oozing with too much sex appeal, it's overflowing. And Hank never disappoints in bed.

Hank is a genius on how to touch women... and also, men.

"I still don't know where Wade's body is," bulong nito sa tainga niya. Bahagyang kinagat 'yon.

"Ask my brother."

"Your family's evil." But he laughed in amusement. Hank sniffed his scent. "God, I want to take you right now."

Marahan niya itong tinulak at saka tumalikod. Binuksan niya na ang pinto para lumabas.

"Why can't we ever reach you, Blair? Why can't I ever have your heart?"

Tuloy-tuloy lang siya sa paglabas at hindi na ulit ito nilingon. Hindi na din humabol si Hank. He's sincere with his apology afterall.

Dumiretso si Blair sa function room kung saan nagsisimula na ang registration.

After signing, she went inside. Blair was not surprised to see her mother talking with Tita Bella.

Umupo siya sa pinakadulong upuan, sa hindi masyadong pansinin at pinanood lang ang dalawa. They are very civil with each other. Parang hindi nagtagisan sa mismong burol ng Papa niya...

"Inagaw mo lang sa'kin si Santino, Ysabella."

"She's never yours, Bridgette. Magaling ka lang mag-ilusyon."

"This is unfair... You have him all his life."

"Do you want to take him now? Go on. Sumama ka sa hukay kung ikasisiya mo."

How Blair wanted to laugh so bad at that time. Kaso burol nga ng Papa niya.

"Oh, that's Bridgette Salamanca and Ysabella Delos Santos talking, right?"

"In fairness, the two are very professional when it comes to business."

"But during Mr. Delos Santos' wake..."

Tawanan ang kasunod.

Ah, ito ang isa sa gusto ni Blair sa mga ganitong business functions... The chismosas...

"Hindi ba't kalmado lang si Ysabella habang pinakamalakas na humagulgol si Bridgette noong huling araw ng burol?"

"Parang siya pa ang legal wife. Hindi man lang nahiya." Mahinang tawanan ulit.

Lihim siyang napangiti. Ah, entertainment starring her family.

"Wait, is that Blair Delos Santos?"

"She's here?"

"What company is she representing?"

"Oh, my god! The rumors must be true that she's the real owner of that... that newest skin care development company."

"No way! SDC's products are so good! That's what I'm using now, amiga. I look younger, right?"

"Ah! Kaya pala parang nabawasan ang wrinkles mo."

"Yes!"

"If the rumors are proven to be true, hahanga na 'ko sa mga anak ni Mr. Delos Santos. Lahat ay successful sa kanya-kanya nilang kompanya!"

"Siyempre anak sa labas ang dalawa," bulong ng isa pang babae. "Kailangang may mapatunayan."

Nilingon niya ang mga nag-uusap. Apat na middle-aged women.

Natigilan ang mga ito nang ngumiti siya nang matamis. But Blair never said anything. Napayuko sa hiya ang mga ito. Nagtayuan at lumipat ng ibang puwesto.

The plenary started immediately after. Tatlong oras lang ang summit. Pagkatapos ay isang oras para sa small group meeting. Of course, she's placed with her mother and Tita Bella's group. Sinadya niya 'yon.

Kaya paglapit niya sa mga ito ay halata ang gulat sa mukha ni Bridgette. While Tita Bella jumped from her seat and hugged her.

"Blair! I'm glad to see you here. I miss you much!" tuwang-tuwang sabi nito.

Hinalikan nito sa pisngi. "Same here, Tita! Let's catch up later over tea!" she said, matching her energy level.

"Look, Bridgette, Blair's here." Tita Bella excitedly said, stating the obvious.

Her mother already composed herself and smiled with poise. "Hello, darling. Come sit beside me."

Bumeso siya dito bago umupo sa tabi nito.

Umupo si Tita Bella sa harap niya. Parang bata na pumalakpak ito. "We're on the same group, I'm so glad!" Her stepmom's smiles are big, her eyes twinkling. "What company are you representing pala, hija?"

"I'm representing just myself, Tita," makahulugan niyang sabi, nakangiti ng matamis sa madrasta.

"Oh, fantastic."

"Ikaw, Mama?" baling niya sa ina. "What are you still representing for? Kinuha na nila Uncle Apollo ang natitirang kompanya nina Lolo, right? You have... nothing anymore, right?"

Inangat nito ang noo at sinalubong ang tingin niya. "Like you, my darling, I'm representing myself."

Blair chuckled. Nambubuska. "Shame. Where's your originality, Miss Salamanca?"

Tumikhim si Tita Bella. Pasimple nitong pinaalala sa kanya na may iba pa silang kasama sa grupo. Three more businesswomen of different age bracket, na mukhang nararamdaman din ang animosity sa pagitan nina Blair at Bridgette.

"Oh, sorry, Tita." Malambing na ulit ang boses ni Blair. "Let's start now. Baka hindi lang ako masyado makasunod because business talk bores the hell out me."

"Ganyan talaga kapag bata pa, naiintindihan ka namin," sabi ng isa nilang kasama sa grupo. Probably, in her thirties. "What catches your interests, Miss Delos Santos?"

"Boys and men," she candidly answered and giggled.

Naaaliw din ang tawa ng mga ito maliban sa Mama niya. Parang bloke ng yelo ang katabi niya.

"I saw you with a man earlier when you entered the club, Miss Delos Santos, " sabi ng isang matandang babae na mukhang nasa 70s na, ngunit halata sa postura ang pagiging corporate leader. "Your novio?"

Ramdam niya ang sabay na pagbaling sa kanya ni Tita Bella at Mama niya. She smiled at the old woman. "A good friend."

"Oh. But you look good together."

"I always look good whoever I'm with, Madam."

Tumango-tango ang mga ito in agreement.

"Ladies, let's begin?" Tita Bella initiated. Everyone in their table approved. Tumahimik na si Blair at nakinig na lang.

Nang nasa kalagitnaan na nang pagdidiskusyon, napansin niyang hindi na umiimik masyado ang ina.

Sumandal si Blair sa upuan. Pasimple siyang bumulong kay Bridgette. She made sure, silang dalawa lang ang makakarinig.

"Whatever you're planning together with Jacquin, I'll make sure the both of you will never ever succeed."

***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Instagram: fgwstories

Continue Reading

You'll Also Like

4M 72.5K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...
4.9M 160K 49
The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, gre...
346K 11.8K 54
"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and becam...
1.6M 54.1K 48
No sane woman can resist the fast-rising actor, Julius September. Though commitments aren't his thing, when a pregnant Yuna comes and asks for his he...