I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

276K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 27

386 12 2
By Eccedentisiann

Inusog ko ang aking upuan dahil kanina pa itong si Mateo na hindi makapakali sa kan'yang upuan at panay pa ang pagsipa sa upuan ko.

"So, turn your books into page 201 activity 6," ani ni Ma'am Carol, ang Prof namin sa income taxation kaya kinuha ko na ang libro ko sa bag at agad iyon binuklat.

Habang nagsusulat si Ma'am sa blackboard ay binabasa ko ang pinapagawa nilang activity ng magvibrate ang cellphone ko, napatingin ako kay Ma'am na busy pa rin nagsusulat kaya agad kung kinuha ang cellphone ko at tinakip ang libro doon para walang makakita.

Mateo:
Do you have ballpen? Can I borrow please?

Napakunot noo ako, ballpen?

Mabilis ko siyang nireplayan.

Ako:
Wala akong ballpen.

Kahit na ang totoo ay meron talaga, baka mamaya ay magtaka ang iba kung bakit ko siya aabutan ng ballpen.

Humarap na si Ma'am kaya agad kung tinakpan ang cellphone ko gamit ang libro.

Nakinig lamang ako sa discussion ng maramdaman kung muli ang pagvibrate ng cellphone ko.

Mateo!

Inilibot ko ang tingin ko at seryoso silang lahat na nakikinig, gamit ang kanang kamay ay kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng libro at agad iyon inilagay sa lap para buksan ang mensahe niya.

Mateo:
Damot : (

Muntik na akong matawa buti nalang ay agad ko iyon napigilan dahil sa reply niyang may emoji pang nalalaman.

Napailing iling ako sa aking sarili at pinigilan ngumiti dahil sa pinaggagawa niya. Hindi na ako nagreply sa kan'ya para tumigil na  siya kakakulit sa akin at nakinig nalang.

Lumipas muli ang ilang araw ay mas lalo na ang kulit ni Mateo sa akin, minsan ay may pakiramdam kung may nakakalahata na sa amin dahil lagi niya akong kinukulit sa klase, hindi ko lubos akalain na ganito pala siya. Natatawa nalang ako minsan sa pinaggagawa niya.

Kahapon lang ay nagkaroon ng biglaang recitation at siya ang natawag, sa pag aakalang hindi niya masasagot ang tanong ni Ma'am ay nagulat ako ng masagot niya iyon ng maayos, buong akala ko ay sa pangugulo niya sa akin ay hindi siya nakikinig.

"Ang talino mo pala eh bakit hindi mo ako turuan sa income natin, baka 'yun ang dahilan para hindi ako makagraduate sa third year," biro ko habang nasa rooftop kaming dalawa dahil nasaktuhan namin na walang tao dito ngayon.

"I can teach you, but I don't know if I can make it right because I am distracted into your beauty," hinampas ko ang kan'yang braso.

"Saan ka ba natututong magsabi ng ganyan?" natatawa kung sabi.

Ngumisi siya. "Secret."

Muli kung hinampas ang braso niya at pinagmasdan ang mga estudyante sa baba.

Inilabas ko ang cellphone ko ng may maalala na gawin, pumunta ako sa contacts at pinindot ang pangalan niya at binura ito, kinagat ko ang aking labi habang pinapalitan ito ng bago.

"What are you doing?" tankang tanong niya kaya agad kung ipinakita sa kan'ya ang ipinalit kung pangalan niya.

"My boyfriend," banggit niya at mas lalong lumawak ang ngisi niya at inilabas niya rin ang kan'yang cellphone at ipinakita ang pangalan ko doon.

Uminit ang pisngi ko ng makita ang nakalagay.

"Say it," aniya pero umiling ako dahil nahihiya akong sabihin iyon. "Come on." mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Naningkit ang mata ko sa kan'ya dahil hilig niya na talaga akong asarin.

"Bumaba na tayo at next class na natin," sabi ko.

"Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi," napanguso ako at umiling pa rin.

Natawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Mateo!" at tinanggal ang kamay niya.

"Okay baby."

Agad akong tumalikod dahil ramdam kung pulang pula na ang pisngi ko ngayon, kailan ba ang araw na hindi niya ako aasarin. Mahina kung tinapik tapik ang aking pisngi at baka mahalata pa nila Klea at Angel ito. Sabi ko kasi na may kukunin lang ako sa library na 'yun talaga ang totoo pero nagulat ako ng bigla akong ginuyod ni Mateo papuntang rooftop.

Tumakbo siya papalapit sa akin at pinagsaklop ang kamay naming dalawa, pinabayaan ko lamang siya total ay wala naman tao.

"Bilisan niyo naman pagod na ako!"

Nanlaki ang mata ko ng may tao palang papaakyat kaya agad kung tinanggal ang kamay ni Mateo at walang anumang naunang bumaba.

Napaiwas ako ng tingin ng makitang tatlo silang papaakyat.

"Si Mateo ba 'yun?" ani ng kasama nilang babae.

"Saan?" tanong naman ng isa.

"Oo nga si Mateo bilis! Anong ginagawa niya dito sa rooftop?" bigla nalang silang nagsitakbuhan.

Napatigil ako at napahawak sa railings.

Kita ko sa gulat sa mga mata ni Mateo ang ginawa ko na halos itulak siya para matagal lang kamay naming magkasaklop.

"Let's go," halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Mateo na nasa tabi ko na pala.

Saglit niya akong tinitigan at agad nag iwas ng tingin. Ramdam kung galit siya sa ginawa ko.

Nauna akong naglakad pababa samantalang siya ay nasa likudan ko at malayo ang distansya sa akin, minsan ay nililingon ko siya para makita kung ayos lang ba siya.

Sumenyas ako kay Mateo na dito na ako sa library para kunin ang libro na dapat kanina ko pa kinuha, tumango siya at dumiretso na sa aming klassroom.

Halos wala akong gana na kunin ang libro na kakailanganin ko at ang pinapakuha ni Angel, nang mapatingin ako sa kabilang shelves ay nanlaki ang mata ko ng makita si Jacob na diretso ang tingin sa akin.

"Aray!" sabi ko ng mahulog ang libro sa ulunan ko.

Hinimas ko ang aking ulo habang pinipulot ang librong nahulog.

Kanina pa ba siya andyan?

"Nakita mo lang ako nafall ka na," muli akong napatingin sa kan'ya.

Wow!

"Ang lakas mo naman! Hindi ba 'yung libro 'yung nafall?" sabi ko habang papunta na sa librarian.

Binalik niya ang binabasa niyang libro at sinundan ako.

"I can see that you are happy while you are with him."

Napatigil ako at napakunot noo. Umiwas siya ng tingin at walang sabing iniwan ako.

Umirap nalang ako at dumiretso na sa librarian para iwan ang id ko dahil sa kinuha kung libro at dumiretso na rin sa klassroom.

Pagkarating ko doon ay inabot ko ang isang libro na pinakuha sa akin ni Angel.

"Thanks! Bakit natagalan ka ata? Mahirap bang nahapon itong libro ko?" tanong niya.

"Marami kasing tao sa library kaya natagalan ako."

Tumango siya at tumingin na sa harapan. Umupo na rin ako at saglit sinulyapan si Mateo na tamad na nakaupo sa kan'yang upuan habang pinaglalaruan ang kan'yang ballpen at saktong pumasok narin si Sir Fred.

Saglit lamang ang discussion ni Sir Fred dahil may biglaang meeting sila kaya maaga kaming makakuwi ngayon.

"Tara na," mabilis kung inayos ang gamit ko at sumunod na kila Klea at Angel na naghihintay sa akin sa pintuan.

"Kain muna tayo diyan sa labas total ay maaga pa naman, kahit siomai lang," si Angel na kinawit ang magkabilang braso sa amin ni Klea.

"Libre mo?" sumimangot siya.

"Joke lang," tawa ko pero inirapan niya ako habang natatawa rin.

"Nga pala anong balak niyo sa bakasyon natin? Two months tapos na ang klase."

Napaisip ako roon, ang bilis talaga ng panahon dalawang buwan nalang ay bakasyon na pala, anong balak kaya ni Mateo.

Uuwi na ba siyang Canada?

"Siguro hahanap ako ng part time job, ayaw ko naman na nasa bahay lang ako, gusto ko naman tulungan si Mommy sa trabaho," sabi ko.

"Alam ba ni Tita na magpapart time job ka?"

Umiling ako, hindi ko pa iyon nasasabi kay Mommy, hindi ko rin alam kung papayagan niya ba ako sa balak kung gawin, matanda na si Mommy at gusto ko naman tulungan siya kahit papaano ay hindi siya mahirapan sa babayarin.

"Ikaw Klea? magbabakasyon ka ba ulit sa canada?"

Nagkibit balikat siya. "I am not sure about it. Pero mas gugustuhin kung dito nalang ako."

Nagkatitigan kami ni Angel dahil sinabi niya.

"Himala samantalang dati ay excited kang umuwi ng Canada pag bakasyon na natin para makita ulit si..ano ulit pangalan nun? Mark? Matthew?"

"Mat, Angel. Wala siya sa Canada ngayon at andito siya sa Pilipinas. I'll ask him kung saan siya magbabakasyon," sagot niya.

Nagkatitigan kaming dalawa pero agad siyang nag iwas ng tingin.

Nang tumigil na kami sa nagbebenta ng siomai ay  nakinig lamang ako sa usapan nilang dalawa habang bumibili.

"Tatlo po kuya," sabi ko.

"Talaga? Puwede mo ba siyang ipakilala sa amin? Puro ka naman kuwento sa kan'ya bakit hindi mo ipakita picture niya," kuryosong tanong ni Angel.

Napatingin ako kay Klea at napang sang-ayon kay Angel, hindi ko pa rin nakikita ang itsura ni Mat.

"Soon," sabi niya sabay tingin ulit sa akin at nawala ang kan'yang ngisi.

"Ito Miss," nabaling na ang tingin ko kay Kuya ng inaabot na sa amin ang siomai.

Habang inuubos namin iyon ay tinabihan ako ni Klea.

"May pangtawag ka ba Samantha? Tatawagan ko sana si Manong na wag akong sunduin at makikisabay ako sayo, alam mo na namiss kita ulit na kasabay."

Nanlaki ang mata ko, makikisabay siya? Kinuha ko ang cellphone ko at inabot sa kan'ya.

"Thank you, saglit lang tawagan ko lang si Manong," aniya at lumayo ng kaunti.

Kinagat ko ang aking labi dahil kailangan ko agad tawagan si Manong na sunduin kami at sabihin kay Mateo na hindi kami magsasabay na uuwi ngayon.

"Ang daya niyo naman hindi niyo ako isasabay? Tatawagan ko rin si Manong na wag akong sunduin at sabay sabay tayong tatlo," sunod na sabi ni Angel at inilabas din ang kan'yang cellphone.

Napahawak ako sa aking noo at napatingin kay Klea na nakatalikod sa akin. At mas lalong nanlaki ang mata dahil baka makita niya sa contacts ang number ni Mateo o di kaya biglang magtext siya at makita niya iyon. Boyfriend pa naman ang nakasulat doon.

Halos hindi ako mapakali habang hinihintay na ibalik sa akin ni Klea ang cellphone ko.

"Sinabi ko na kay Manong na wag akong sunduin," humarap na sa akin si Angel kaya muli akong napatingin kay Klea na hindi pa rin tapos gamitin ang cellphone ko.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na dalian niya at magtaka pa siya.

"Ayos ka lang Samantha?"

"Hah? Oo naman," pilit akong ngumiti kay Angel dahil pinagpapawisan talaga ako ng malamig ngayon.

"Here, Samantha, thank you again."

Inabot na sa akin ni Klea ng cellphone ko nang hindi ako tinitignan at tila parang galit ito na hindi ko maintindihan. Hindi ko muna siya pinansin at agad itinext si Mateo.

Ako:
I'm sorry pero hindi ako makakasabay ngayon, gustong sumabay kasi sa akin nila Angel at Klea.

Matapos ay sinunod kung itinext si Manong Nald na sunduin ako ngayon, ilang beses ko iyon inulit ulit para makita nila ang text ko.

Nakita ko ang reply ni Mateo at agad ko iyon binuksan.

My Boyfriend:
Okay, text me pag nakauwi ka na.

"Samantha, paparating na ba si Manong?" mabilis kung pinatay ang cellphone ko at tumingin kay Klea.

"Papunta na daw siya," sagot ko at mabilis na inubos ang siomai ko.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin si Manong Nald, napahinga ako ng maluwag dahil buti nalang ay nabasa nila ang text ko.

Umupo sa front seat si Angel at kaming dalawa naman sa likod ni Klea.

Inuna namin ihatid si Angel dahil may kalayuan pa ang bahay nila Klea.

"Bye!" paalam ni Angel ng makarating na kami sa kanilang bahay at muling pinaandar ni Manong ang sasakyan.

Napatingin ako kay Klea na nakatingin lamang sa labas ng bintana, sobrang tahimik niya ngayon.

Umiwas nalang ako ng tingin at isinandal ang ulo sa bintana hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Lumabas na siya kaya binaba ko na ang bintana ko.

"Thank you," malamig niyang sabi at diretso ang lakad papasok sa kanilang bahay.

Napakunot noo ako habang pinagmamasdan lamang siya na isarado ang kanilang gate. May problema ba siya? Kanina lang ay maayos naman siya.

Nang muling pinaandar ni Manong ang sasakyan ay isinarado ko ang ang bintana ko at kinuha ang cellphone ko para tignan kung may text ba si Mateo pero wala kaya nagtext ako sa kan'ya.

Ako:
Nakauwi ka na ba?

Napangiti ako dahil agad din siyang nagreply.

My boyfriend:
No, I am infront of your house.

Nanlaki ang mata ko, anong ginagawa niya doon? Magrereply sana ako ng tumatawag siya.

I cleared my throat bago sinagot ang tawag niya.

"Hello," bungad ko.

"Naihatid mo na ba sila?" parang paos niyang tanong.

"Oo, pauwi na rin ako. Anong ginagawa mo diyan sa labas? Akala ko nakauwi ka na?"

"I am waiting for you. I want to see you before I go home."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at kinilig sa sinabi niya.

"Sam," tawag niya.

"Hmm?"

"I think you're blushing right now."

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kung nakangisi siya habang sinasabi iyon.

"Hindi nuh!"

Nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay nakitang nasa tapat na pala kami ng bahay.

Binaba ko saglit ang tawag at tumingin kay Manong.

"Mauna na po kayo Manong, kakausapin ko lang po saglit si Mateo," sabi ko at bumaba na.

Hinahanap ko ang sasakyan niya at nakita iyon malapit sa lamp post. Kita kung nakasandal siya sa kan'yang sasakyan pero ng makita ako ay tumayo siya ng tuwid.

Muli kung inilagay sa aking tenga ang cellphone at dahan dahan lumapit sa kanya.

"Galit ka ba?" tanong ko ng maalala ang nangyari kanina.

"Give me a reason why would I be mad at you."

Tumigil ako nang makalapit sa kan'ya at pinatay na ang tawag.

"Ramdam kung galit ka dahil sa ginawa ko kanina."

Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "I am not mad because of that," at inayos ang buhok kung nagulo dahil sa biglaang lakas ng hangin.

"Bukas na bukas ay sasabihin ko na kila Angel at Klea ang tungkol sa atin para kahit papaano ay hindi na natin kailangan magtago kung kasama natin sila."

Tumango siya at tinitigan lamang ako na tila minemoryado ang mukha ko.

"I am lucky to have you," napangiti ako sa sinabi niya.

Lumapit ako sa kan'ya at tumingkayad para maibulong ang gusto kung sabihin.

"I love you," sabi ko at agad umayos ng tayo.

Natawa ako ng manlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Agad niyang ginuyod ang kamay ko at yinakap ng mahigpit.

"I love you. I love you too."

Napapikit ako ng hinalikan niya ang noo ko. Wala na akong mahihiling pa, ako na ata ang pinakaswerteng babae na minahal ng lalaking tulad niya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 1.4K 40
(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
Deal By Hiraya

Fanfiction

19.2K 816 13
Hi, Mark Lee! Iscreenshot ko 'to, kapag umabot ng 50K likes, shares, comments 'to magiging girlfriend mo ako. Deal? Date started: October 21, 2016 Da...
4.6K 422 33
Shaniah Kaye Javier, a girl who achieved her dream to be a doctor and at the same time continue her grandfather's legacy of being a military officer...