The Possesive Man (Del Fauric...

By MsGishLin

763K 13.7K 148

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... More

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 35

10.4K 176 1
By MsGishLin


Kabanata 35

Dinner

Tama nga ang hinala ko dahil paggising ko kanina ay namumula ang mata ko sa kakaiyak kagabi at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa mga taong makakakita sa mukha ko.

Nag-ayos na muna ako at linapatan ko na lamang ito ng concealer para hindi mahalata pero medyo halata pa rin ang pamumula nito kaya hinayaan ko na lamang.

Paglabas ko sa kwarto ay dumiretso na ako sa kusina.

Hindi ko inaasahang nandito pa pala si nanay at kumakain sila. Nahihiya akong sumabay sa kanila pero malalate ako kapag ginawa ko 'yon kaya lumapit na ako sa kanila.

"Oh.. Anak, buti nakapag-handa kana. Kumain kana." Sabi ni tatay ng pagkakita niya sa akin kaya umupo ako sa harap ni nanay.
Habang kumukuha ako ng pagkain ay tumingin sa akin si nanay.

"Anong oras matatapos ang klase mo ngayon?" Agad nitong tanong kaya nag-isip muna ako kung gagabihin ba kami ngayon pero naalala kong wala nga pala kaming dalawang subject ngayon kaya 4:00 pm palang ay tapos na ang klase namin.

"4pm po" tugon ko.

"4:30pm palang ay dapat nandito kana at baka gabihin kami ng tatay mo." Sabi nito kaya tumango na lamang ako. Alam ko naman kung bakit niya 'to sinasabi kasi baka makipagkita ako kay Grayson.

Nang matapos na akong kumain ay agad na akong gumayak papalabas ng bahay namin at nakapag-paalam na rin ako sa kanila.
Nakasakay rin naman ka agad ako ng tricycle kaya nakadating ka agad ako sa university namin.

Nakasabay ko si Luis papasok sa gate at naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon. Nakaramdam ako ng hiya at awkard kay Luis dahil sa sinabi nito pati na rin ang pag-tugon ko sa kanya.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya ng sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Good morning" bati nito sa akin.

"Good morning rin" tugon ko.

"Ahmm.. Sariah, yong tungkol kahapon, sana hindi nagbago ang pagtingin mo sa akin." Mahina nitong sabi.

"Don't worry, hindi naman nagbago ang pagtingin ko sayo, medyo nahihiya lang ako sayo." Nahihiya kong sabi sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"Ako nga dapat ang mahiya dahil sa ginawa ko hahaha" natatawa nitong sabi na tila tinatakpan lang ang awkwardness naming dalawa kaya napangiti nalang ako.

Parang bumalik na ulit yong pakikitungo ko sa kanya dahil sa mga biro at hirit nito sa akin.
Tumatawa tawa lang kami hanggang sa marating na namin ang room. Humiwalay na ako sa kanya at dumiretso sa pwesto ko.

Nagulat ako ng biglang tinapak ni Leanne ang balikat ko.

"Uyy.. Anong namamagitan sainyong dalawa ni Luis? Bakit magkasama na naman kayo?" Usisa nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Sinabi ko na sayo diba? Walang namamagitan sa aming dalawa. Kaibigan slash classmate natin siya."

"Hindi eh.. Parang may nangyari kahapon ng hindi mo sinasabi sa akin." Ang kulit naman ni Leanne, mamaya ko sana sasabihin sa kanya yong mga nangyari kahapon pero hindi na ata 'to makakapaghintay.

"Okay,okay sige na sasabihin ko na." Suko ko sa kanya kaya excited itong tinuon ang atensyon sa akin.

Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si ma'am kaya nag sibalikan ang mga kaklase kong nasa labas.

Nakita kong umirap si Leanne kaya napangisi na lang ako.

"Mamaya nalang." Nakangisi kong bulong at nanatili pa rin ang inis sa mukha nito kaya pinabayaan ko na lamang.

Pagkatapos ng klase namin ngayong umaga at lunch break na rin naman ay nag decide kaming mag take out nalang ng pagkain sa canteen dahil sa may garden nalang kami kakain.

Maganda 'don dahil tahimik at wala ring masyadong pumupunta 'don lalo na ngayong lunch break dahil yong iba ay sa labas kumakain at yong iba naman ay nasa canteen.

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang ikwento ang mga nangyari sa amin ni Luis kahapon. Hindi rin naman makapaghintay si Leanne kaya nasabi ko na agad sa kanya.
Kweninto ko sa kanya yong pagtatapat sa akin ni Luis at ayoko na sanang maalala 'yon pero nakaukit na yon sa isipan ko at maalala at maalala ko pa rin ang mga nangyari.

"What? Binasted mo agad!?" Hindi makapaniwalang sambit nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nagtapat sa akin si Luis dahil akala nito ay magiging torpe lang ito.

Matalim ko siyang tiningnan ng sabihin niya 'yon sa akin.

"Eh.. Anong gusto mo? I-entertain siya? May Grayson na ako no." Naiinis kong sabi sa kanya at humagalpak ito ng tawa kaya napakunot noo ako.

"Oo nga naman, may Grayson kana. Alang naman dalawa ang maging boyfriend mo hahaha" natatawa nitong sabi kaya mahina ko siyang kinutungan.

"Nababaliw kana Leanne!"

"Jinojoke ka ngalang eh but anyway tama rin naman 'yong ginawa mo para hindi na siya umasa."

"Nahihiya nga ako sa kanya eh. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin. Kung alam ko lang na aabot sa ganito ay lumayo na sana ako sa kanya para hindi maging malalim yong nararamdaman niya para sa akin." Malungkot kong kwento kay Leanne.

"Sinabi ko naman 'yon sayo diba? Ikaw lang 'tong hindi nakakapansin tsk."

"Hays, pero okay lang. Nangyari na kaya hindi ko na maiibalik 'yong mga bagay na nangyari noon. Magkaibigan pa rin naman kami ni Luis."

"Yon naman pala eh."

"Iisipin ko nalang na parang walang nangyari." Sabi ko pa at tumango naman ito.

Pinagmasdan ko si Leanne habang kumakain ito. Bakit parang nararamdaman kong ang layo na niya sa akin.

"Leanne, may tinatago ka ba sa akin?" Seryoso kong tanong sa kanya kaya unti-unti itong tumingon sa akin.

"B-Bakit?" Kinakabahan nitong sabi.

"B-Bakit parang ang layo layo ko na sayo, nag-aalala ako na dadating ang araw na lalayo kana sa akin." Malungkot kong sabi at naramdaman kong may pumatak na luha sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung bakit pero ito yong nararamdaman ko eh.

"Bakit mo naman yan natanong?" Nakangisi nitong sabi pero kita ko pa rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

Itinabi nito ang pagkain at saka ako niyakap.

"Wag mong isipin 'yon okay? Baka nga ikaw pa ang lumayo sa akin." Natatawa nitong sabi kaya gumaan ang loob ako.

"Hindi ko magagawa 'yon."

"Lalong lalo na ako, hindi na ata ako makakahanap ng kaibigan na katulad mo." Sabi nito at kumalas na sa yakap.

Pinunasan nito ang luha ko.

"Ang drama mo ngayon, Sariah! Si Grayson ba ang nagtuturo niyan sayo?" Biro nito kaya umirap ako sa kanya. Natawa kaming parehas.
Hindi na rin kami nagtagal sa garden dahil magtitime na rin naman para sa subject nami ngayong hapon.

Natapos na rin sa wakas ang tatlo naming subject ngayong hapon kaya uuwi na ako.
Nagmamadaling umuwi si Leanne dahil may emergency daw sa bahay nila kaya kailangan na niyang umuwi.

Nasa paradahan na ako ng trycycle at sasakay na sana ako ng mahagip ng tingin ko ang kotse ni Grayson na papaliko sa university kaya agad akong tumakbo sa kabilang kanto para salubungin siya at hindi na siya pupunta sa university.

Agad kong winagayway ang dalawa kong kamay ng dadaan na siya dito. Ramdam kong nakita niya ako kaya unti-unti niyang binagalan ang sasakyan hanggang sa huminto na siya sa banda ko.

Ako naman ay hinawakan ko ang dalawa kong tuhod dahil hinihingal ako sa ginawa kong pagtakbo.

"Did you run?" Agad nitong tanong ng pagkababa nito sa sasakyan at nilapitan ako.

"A-Ah.. Oo eh.."

"Why did you do that?" Medyo galit nitong sabi.

"Nasa paradahan na kasi ako at bigla kong nakita ang sasakyan mo kaya dito na kita inabangan." Agad kong tugon sa kanya.

"Bibisita sana ako sa university since, ang tagal ko ng hindi nakapunta 'don." Paliwanag nito.

"No!" Agap ko kaya napakunot noo ito dahil sa sinabi ko.

Para akong nanghina sa sinabi ko. Ang tanga mo naman Sariah! Parang sinasabi mong ayaw mo siyang papuntahin 'don.

"Why?" Naguguluhan nitong sabi kaya tinatagan ko ang loob ko para sagutin siya.

"W-Wala naman, masyado pang busy ang mga teachers namin 'don kaya sa susunod ka nalang bumisita." Pagsisinungaling ko at kumagat naman ito sa sinabi ko dahil tumango ito sa akin.

"Why are you here? Bakit hindi mo 'ko tinext na pupunta ka pala dito." Sabi ko.

"Nag text ako pero baka hindi mo lang nakita." Masungit nitong sabi kaya kinuha ko agad ang cellphone ko at tama nga may isa siyang text sa akin.

Unti-unti akong lumingon sa kanya.

"Sorry na please.. Na busy lang kanina." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Okay, you're forgiven." Sabi nito kaya napangiti akong kumapit sa braso niya.

"Where are we going?" Tanong ko sa kanya ng nasa loob na kami ng sasakyan at sinumulan na nitong paandarin.

"Mag-didiner tayo." Tugon nito.

"Okay" sabi ko at tumango sa kanya.

Wala namang masyadong nangyari sa pagdidiner namin ni Grayson. Agad rin kaming umuwi dahil nag-yaya na akong umuwi na kami.

Hindi na rin ako nagpahatid sa kanya dahil baka makita pa siya nila nanay kahit na alam kong wala pa sila doon. Sabi nga ni nanay baka gabihin sila kaya hindi ako nag-aalala baka pag-uwi ko sa bahay ay wala pa sila.

Huminto na ang trycycle na sinasakyan ko at nagbayad na ng pamasahe.

Nilingon ko ang bahay namin at nakitang may ilaw na sa loob kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagkamali ako dahil nakauwi na sila nanay, nauna pa sila kaysa sa akin.

Huminga ako ng malalim at hinawakan na ang doorknob para buksan ito pero nabigo ako dahil nakalock ito.

Pilot kong binubuksan ito pero wala pa rin kaya tatawagin ko na sila ng biglang bumukas ng pintuan namin.

Nagulat ako ng hinagis nito sa tabi ko  ang malaki kong bag na dinadala ko tuwing bumibista kami sa iba naming pamilya na nasa malayo.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinutuban na ako. Matalim itong nakatitig sa akin at tila nagpupuyos ito ng galit.

"N-Nay..." Nauutal kong tawag. Hindi ko na alam ang agagawin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
7M 141K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
372K 11.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...