The Possesive Man (Del Fauric...

Por MsGishLin

758K 13.6K 148

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... Mais

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 34

10.4K 195 0
Por MsGishLin

Kabanata 34

Confession

Wala namang masyadong nangyari kahapon. Ganun pa rin, sinusundo ako ni Grayson tuwing hapon kapag tapos na yong klase namin at nagpapababa ako sa kanya sa may kanto at never naman siyang nag-tanong kung bakit kaya wala rin namang naging problema.

At ngayong araw ang napag-usapan namin ni Luis na magkikita kami ngayon since, tapos naman ang klase namin.

Nandito ako ngayon sa may lounge namin at hinihintay siya kasi dinaanan niya muna yong mga kaibigan niya para sabihing wag na siyang hintayin dahil sasabay daw siya sa akin.

Habang naghihintay kay Luis ay biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag kaya tiningnan ko agad ito. Nakita ko ang pangalan ni Grayson kaya sinagot ko ito ka agad.

"Hi!" Bati ko

"Hey, are you done with your class?"

"Yes and you don't need to come here to fetch me kasi may gagawin pa ako."

"Okay, I have also a meeting later kaya hindi kita masusundo diyan ngayon, next time nalang." Sabi nito.

"Sige, okay lang 'yon at palagi mo namang akong sinusundo, right?" Natatawa kong sabi at narinig kong napatawa ito ng bahagya.

"Yeah but where are you going?" Tanong nito at ngayon ko lang naalala na hindi ko pala sinabi sa kanya na magkikita kaming dalawa ni Luis and for sure magagalit ito kapag sinabi ko kaya hindi na ako nagtangkang sabihin ito sa kanya.

"Ahm... May gagawin lang ako for our project." Sagot ko at buti nalang ay hindi ako nautal.

"Okay, I'll call you later."

"Okay, take care." Sagot ko at binaba ko na rin ang tawag niya. Sakto namang dumating si Luis.

"Hi, natagalan ka ba?" Nahihiya nitong tanong kaya agad akong umiling sa kanya.

"Hindi no, okay lang." Nakangiti kong sabi.

"So, let's go?" Anyaya nito at tumango ako sa kanya. Sabay na kaming naglakad at habang papalapit na kami sa gate ay lumingon ako sa kanya.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Saan mo gustong pumunta? doon nalang tayo."

"Kahit saan, okay lang. Mag-uusap lang naman tayo." Sabi ko sa kanya.

"Sa mall nalang." Nakangiti nitong sabi kaya naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit kami pupunta sa mall? Akala ko ba may pag-uusapan kami?

"Sa mall?"

"Yes, merong restaurant 'don na hindi ko pa napupuntahan at gusto kong kumain tayo 'don." Masaya nitong sambit at ayoko man sa ideya niya ay napilitan akong napatango sa kanya.

Mauubos na naman ang ipon ko pero okay lang, isang beses lang naman 'to.
Pagkarating namin sa labas ay sumalubong agad sa amin ang sasakyan nila Luis at pinauna niya akong pinasakay at tumabi ito sa akin.

"Manong, sa mall muna tayo."

"Okay po"

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana ng pinaandar na nito ang sasakyan.

Nakalimutan ko nga palang magpaalam kay Leanne na sasama ako kay Luis dahil nagmamadali rin itong lumabas ng room namin. Ewan ko ba 'don sa babaeng 'yon, palagi nalang nagmamadali at nararamdaman kong may tinatago itong sekreto sa akin na hindi sinasabi sa akin.

Minsan masaya ito at minsan naman nakikita kong nakatulala ito sa malayo.

Dahil sa pag-iisip ko kay Leanne ay hindi ko namalayang nandito na pala kami sa mall at kung Hindi lang ako tinapik sa balikat ni Luis ay patuloy lamang akong tulala at nag-iisip kay Leanne.

"Are you okay?" Nag-aalala nitong sabi.

"Yes, I'm sorry."

"Are you tired? Pwede naman nating ipagbukas nalang." Sabi nito kaya agad akong umiling sa kanya.

"Hindi, marami lang akong iniisip tungkol kay Leanne. Nandito rin naman tayo kaya wag na nating ipagpabukas."

"Okay, let's go." At sabay na kaming pumasok sa mall.

Akala ko dito lang sa first floor ang restaurant na tinutukoy ni Luis pero hindi dahil nasa 3rd floor pa ito kaya sumakay kami ng escalator para makapunta sa 3rd floor although meron namang elevator pero ako yong nag-yayang dito nalang dahil magandang pagmasdan ang naghihilerang mga stall dito sa mall.

Pagkarating namin ay tumingala ako upang pagmasdan ang pangalan ng restaurant na Ito. Hindi pa rin pala ako nakakain dito kasi tuwing pumupunta kami ni Leanne dito ay sa ibang restaurant kami kumakain.

"Let's go, Sariah." Napukaw ang atensyon ko ng tawagin niya ako. Hindi ko pala namamalayang kanina pa ako nakatingala kaya nahihiya akong tumango sa kanya at lumapit na.

Pagpasok namin ay may sumalubong saming isang waiter para igayak kami sa lamesa namin na tila inaasahan nila kaming pumunta dito. Nakapagreserve ata si Luis dito ng hindi ko namamalayan.

"Okay lang ba na kumain tayo dito?" Nahihiya kong bulong sa kanya ng pagkaupo namin.
Nakangising lumingon sa akin si Luis.

"Okay lang, ano bang iniisip mo?" Natatawa nitong sabi.

"Para kasing ang mahal ng mga pagkain dito." Bulong ko para hindi marinig ng waiter na nakatayo sa tabi namin.

"Don't worry, It's my treat."

"Oh.. No, ako na ang magbabayad nong sa akin." Agad kong sabi pero nakita kong sumeryoso ang mukha dito.

"I'm the one who invite you here so, it's my treat, okay?" Seryoso nitong sabi kaya napatango na lamang ako. Nakakahiya man sa kanya pero ayoko naman siyang magalit sa akin kaya pinayagan ko na lamang.

"What do you want to eat?" Tanong nito sa akin habang ang mga tingin nito ay nasa menu.

"Pwede bang ikaw nalang ang pumili ng para sa akin? Okay lang sakin ng kahit ano." Nakangiti kong sabi kaya tumango ito.

Pagkatapos nitong makapili ay sinabi na nito ang order naming dalawa at nang ma settle na lahat ng order namin ay umalis na ang waiter kaya dalawa nalang kaming natira sa pwesto namin.

Meron namang ibang kumakain dito pero nasa gilid kasi kami kaya hindi kami gaanong nakikita.

At nagustuhan ko naman 'yon dahil nahihiya ako tuwing may mga matang lumilingon dito sa loob sa restaurant.

"Ahmm.. Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya nakita kong parang nagiba ang timpla ng itsura nito at tila kinakabahan.

"M-Mamaya ko nalang sasabihin after nating kumain." Tugon nito kaya napatango na lamang ako.

Nagkwentuhan nalang muna kami tungkol sa sarili namin pati na rin ang tungkol sa pamilya namin.

Naputol lamang ang pagkwekwentuhan namin ng dumating na ang order namin.

"Enjoy your meal Sir and Ma'am." Sabi ng waiter na naghatid ng pagkain namin at umalis na rin ito.

"So, let's eat?" Sambit ni Luis kaya nakangiting tumango ako sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain at ng lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami. Kasalukayan, kaming kumakain ng dessert at naisipan kong tanungin na siya kung ano ang kanyang sasabihin kasi ayoko ng magtagal kami dito baka mapagalitan pa ako ni nnanay

"Hmm.. Luis, ano nga pala ang sasabihin mo sana sa akin?" Tanong ko sa kanya kaya sumeryoso ang mukha nito.

"Ahmm.. Nahihiya akong sabihin ito sayo pero kailangan mong malaman ang nararamdam ko. Hindi ko alam pero tuwing kasama kita iba yong pakiramdam ko eh, palagi akong masaya sa tuwing nakikita kita." Sambit nito na nagpakaba sa akin. Tama ba ang iniisip ko sa kanya?

"I like you, Sariah and I want to court you." Seryoso nitong sabi kaya bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tuluyan na akong bumigay at buti nalang nakaupo ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Kung alam ko lang na magkakagusto siya sa akin edi sana lumayo na ako.

"I-I'm sorry, Luis but I like you as a friend at 'yon lang ang kaya kong ibigay sayo." Nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako sa kanya.

"So, it's true? Kayong dalawa ni Sir Grayson?" Bigla nitong tanong kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang seryoso.

"Y-Yes.." Nauutal kong sambit, ayoko namang isekreto 'to sa kanya dahil gusto kong malaman niya na may naglalaman na ng puso ko at si Grayson lang ang lalaking mahal ko.

"Alam ko namang wala talaga akong pag-asa sayo, sinubukan ko lang." Nakangisi nitong sabi pero nakikita ko ang kanyang mata na tila nasasaktan siya.

"I'm sorry" ulit kong sabi dahil pati ako ay nasasaktan para sa kanya.

"Okay lang, alam ko namang meron na diyan sa puso mo. Gusto ko lang malaman ng galing sayo kung totoo ba 'yon." Nakangiti nitong sabi kaya unti-unti na lamang akong tumango.

Pagkatapos ng confession niya sa akin ay nagkwentuhan na lang ulit kami tungkol sa klase namin at ng dahil sa pag-uusap namin ay nawala ang ilangan namin kanina dahil sa sinabi niya.

Ako na ang nag-yayang umuwi na kami dahil gabi na at tiyak na naghihintay na sila nanay sa akin.

Malapit na kami sa bahay at pinipilit ko siyang ibaba na lamang ako sa may kanto para hindi na siya mapalayo sa pagbiyahe. Wala kasi si manong dahil inutasan ng daddy niya kaya siya nalang ang nag drive.

"Luis, dito mo nalang ako ibaba pls..." Pagmamakaawa ko pero tiningnan niya lang ako.

"Malapit na tayo sa bahay niyo kaya doon nalang tayo." Tugon nito kaya wala na rin akong nagawa kundi hayaan siya.
Nang papalapit na kami ay nakita ko sila nanay at tatay na naghihintay sa labas ng bahay namin.

Sabay silang tumingin sa gawi namin ng ihinto ni Luis ang sasakyan nito sa harap ng bahay namin.

"Nanay at tatay mo." Sabi ni Luis at nakita kong tila galit ang mukha ni nanay kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"S-Sige Luis, bababa na ako, thank you sa paghatid." Sabi ko sa kanya at hindi ko na siya nilingon dahil agad na akong lumabas.
Kinakabahan akong lumapit kila nanay at tatay. Mag-sasalita na sana ako ng marinig kong bumukas ang sasakyan nito kaya napalingon ako sa likod.

Nakita kong lumabas si Luis at lumapit sa aking tabi.

Napansin kong nag-iba ang timpla ng mukha ni nanay at bigla itong napangiti.

"Magandang gabi tita at tito." Magalang na bati ni Luis.

"Oh.. Hijo, ang gwapo mo naman at mabait pa." Magiliw na sambit ni nanay kaya biglang nanikip ang dibdib ko dito.

Bakit pag sa ibang tao, ganito si nanay? Pero bakit kapag si Grayson, ayaw nito? May mali ba kay Grayson?

Lumungkot ang mukha ko at parang nanghina ako.

Narinig kong humalakhak si Luis at nahihiya itong napakamot.

"Ahh.. H-Hindi naman tita." Nahihiya nitong sabi.

"Nahiya ka pa hijo! Kasama mo ba tong anak ko kanina?" Nakangiting sabi ni nanay.

"Opo, pasensya na po kumain lang po kami sa mall at hindi po namin namalayan na gumagabi na pala."

"Okay lang 'yon, ikaw lang naman ang kasama ng anak ko. Gusto mo ba ng maiinom? Pasok ka muna."

"Ah.. Hindi na po, aalis na po ako. Hinihintay na rin po kasi ako nila mommy."

"Ah.. Sige, Ingat nalang sa pag-drive." Sabi ni nanay at pagkatapos ay nagpaalam muna sa akin si Luis at tumango ako sa kanya.

Hininhintay muna namin siyang makaalis bago pumasok sa loob.

Agad akong sumunod kaya nanay dahil gusto ko siyang makausap.

"Nay kailangan nating mag-usap."

"Ang bait ng kasama mo at bagay na bagay kayo." Masaya nitong sabi na nagpairita sa akin.

"Nay naman pakinggan niyo naman ako." Pagod kong sabi kaya humarap ito sa akin.

"Nanliligaw ba 'yon sayo o boyfriend mo na?" Pag-iiba nito.

"Nay! Hindi ko siya boyfriend at hindi ko siya gusto kaya wag niyo kong ipilit sa lalaking hindi ko naman gusto." Naiinis kong sabi kaya galit itong tumitig sa akin.

"Ah.. Yong Del Faurico ang gusto mo? Diba ang sabi ko hiwalayan mo na 'yon!?" Sigaw nito sa akin

"Hindi ko siya hihiwalayan nay! At ano 'tong nakikita ko nay, ba't ang bait bait niyo sa kanya? Pero pag dating kay Grayson, ayaw niyo?"

"Sumusuway kana sa akin ha! Yan ba ang tinuturo niya sayo!?"

"Hindi niyo kasi ako naiintindihan nay eh.. Mahal na mahal ko po siya at nasasaktan ako tuwing pinapakita niyong ayaw niyo sa kanya." Hindi ko na mapigilang mapahagulgol dahil sobrang sakit na hindi niya ako naiintindihan.

Tumalikod lamang sa akin si Nanay.

"Kapag hindi mo 'yan hiniwalayan, mabubulok ka dito sa bahay at kapag nakita ko kayong dalawa, papalayasin kita dito at magkalimutan na tayo. Wala akong anak na suwail." Galit nitong sabi at umalis na sa harapan ko kaya napatakbo ako sa kwarto ko.

Doon na tuluyang bumuhas ang luha ko. Ayoko na, ang sakit sakit na. Parang pinupunit ang puso ko sa mga sinabi sa akin ni nanay. Bakit ang hirap sa kanilang inintindihin ang nararamdaman ko. Ano bang mali kay Grayson? Nag-aalala ba silang baka saktan lang ako ni Grayson?

Bakit hindi nalang sila magtiwala sa akin na hindi naman magagawa sa akin ni Grasyon dahil mahal na mahal niya ako.

Masakit lang dahil ayaw nila sa lalaking gusto ko. Gusto kong itigil na ang kakaiyak ko dahil bukas siguradong namumula pa rin ito pero hindi ito tumitigil.

Dahil sa kakaiyak ko ay naramdaman kong unti-unting pumipikit ang talukap ng mata ko at tuluyan na nga akong nakatulog.

Continuar a ler

Também vai Gostar

99.7K 6.8K 22
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
2M 55.2K 46
"I dont do love, Maddy. I do fucking." Nagulat ako sa sobrang bulgar ng mga salita niya ngunit hindi ako nagpahalata. "Then atleast make love to me."...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...