The Possesive Man (Del Fauric...

By MsGishLin

786K 14K 149

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... More

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 30

11.9K 218 2
By MsGishLin

(A/N: My next update will be on next week after my midterm. As you can see I have also other story which is Steal her Innocence (Del Faurico Series #2) that story is for Leanne which is yong bestfriend ni Sariah. Excited na 'kong mag-update don so abang abang hahaha)



Kabanata 30

Reveal

Hindi ko nakitang nagulat si nanay sa ginawa niya sa akin dahil galit pa rin itong nakatitig sa akin.

"N-Nay, m-may ginawa po ba ako sainyo?" Humahagulgol kong sabi at tinuro niya ako.

"Akala ko ba mabuti kang bata? Ngayon ka lang sumaway sa amin ng tatay mo!" Galit nitong sabi kaya napakunot noo ako sa tinuran niya sa akin.

Wala akong maalalang nagawa ko sa pamamahay ni Auntie kanina, nag-uusap lang naman kami ng mga pinsan ko.

"A-Ano pong sinuway ko kayo? Wala naman po akong ginawa kanina." Tugon ko sa kanya at nagulat ako ng hinaklit niya ang braso ko kaya napa-aray ako sa sakit.

"Tumigil ka na! Nasasaktan na ang anak natin!" Sigaw ni tatay at nilayo niya ako kay nanay pero tila ang lakas ni nanay ngayon dahil tinulak niya lamang si tatay kaya nag-aalala akong tumingin sa kanya.

"Wag ka sabing makialam! Kung hindi mo kayang pagsabihan 'tong anak mo pwes ako ang gagawa!" Galit nitong sabi.

"NAY ANO BANG PINAGSASABI MO? GULONG-GULO NA AKO DITO! NI ISA WALA AKONG MAALALANG SINUWAY KO KAYO! ANO BANG NANGYAYARI SAI---" Napatigil ako ng makatanggap ako ulit ng malakas na sampal kay nanay.

"SINUNGALING! MAY BOYFRIEND KA NA PALA!? NALAMAN KO PA SA IBA ANG PINAG-GAGAWA MO!" Sigaw nito na tila kulog ng marinig ko ito. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at hindi ko mapigilang mapaiyak ulit.

"YONG DEL FAURICO PA TALAGA!? NABABALIW KA NA BA SARIAH!? PARA AKONG TANGANG NAGKWEKWENTO SA MGA AUNTIE MO KUNG GAANO KA MASUNURIN AT PURSIGIDO SA PAG-AARAL TAPOS MALALAMAN KONG MAY GINAWA KA SA LIKOD NAMIN AT ITINAGO MO PA HA!" Galit nitong sabi kaya napayuko na lamang ako. Nahihiya ako kila nanay dahil sa mga ginawa ko pero nagmahal lang naman ako eh, mali ba ang mag-mahal?

Parang tumigil ang mundo ko at winawasak ang puso ko sa sakit ng marinig na humahagulgol si nanay.

"Anak, ano ka ba? Hindi mo ba nakikita yong effort namin para mapasaya ka tapos ito lang yong isusukli mo sa amin? Hindi naman kami nag kulang sa pag-aaruga sayo, diba?" Humahagulgol nitong sabi at napasinghot na lamang ako ng hindi matigil ang pagbuhos ng luha ko.

"N-Nay..." Tawag ko dito at nakita kong pinunasan nito ang luha sa pisngi.

"Ayoko ng makikipagkita ka pa diyan sa Del Faurico na yan kung ayaw mong magkasiraan tayo." Seryoso nitong sabi at umalis na ito sa harapan ko.

Tila namanhid ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Agad akong dinaluhan ni tatay.

"Anak, pag pasensiyahan mo na ang nanay mo, ako na ang humihingi ng tawad sa mga ginawa niya sayo. Naging masama rin ako dahil hindi kita tinulungan." Malungkot nitong sabi kaya agad akong napailing at ngumiti ako ng pilit habang may luha pa sa aking pisngi.

"H-Hindi p-po t-totoo yan tay, tinulungan niyo nga ako kanina, diba?" Nakangiti kong bigkas sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay kaya napangiti na lang ito sa tinuran ko.
"Gamutin mo nalang yong pamumula ng pisngi mo sa kusina at pupuntahan ko lang ang nanay mo." Sabi nito at inalalayaan niya akong tumayo.

"Salamat po tay." Sambit ko at tumango na lamang ito. Tumalikod na ito sa akin pero tinawag ko siya ng papaliko na siya sa kwarto nila.

"Tay" tawag ko dito kaya agad itong napalingon sa akin.

"May sasabihin po ako sainyo bukas." Sabi ko at nakita kong napangiti ito. Masaya na akong makita siyang nakangiti sa akin at alam kong may pagtatampo rin siyang nararamdaman sa akin dahil hindi ko manlang sinabi sa kanya ang mga nangyayari sa akin.

"Sige anak, matulog kana." Nakangiti nitong sabi at tuluyan ng tumalikod sa akin.

Napabuntong-hininga ako at unti-unti kong pinunasan ang luhang natira sa pisngi ko.

Masakit man ang mga nangyari sa akin ngayon ay kailangan kong harapin ito bukas at maipaliwanag ko kila tatay na mahal na mahal ko si Grayson at ayokong makipaghiwalay sa kanya, alam kong nasaktan ko sila dahil sa paglilihim ko pero matatanggap naman nila si Grayson kapag naipaliwanag ko sa kanila ang lahat, diba?

Ayokong mawalan ng pag-asa sa relasyon namin ni Grayson dahil ayokong bumitaw unless... S-Siya na ang tuluyang bumitaw sa relasyon namin pero agad ko itong winaglit sa isip ko.

"Hindi mangyayari 'yon Sariah, hindi." Paulit-ulit kong bulong. Alam kong hindi niya ako sasaktan dahil mahal niya ako.

Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng yelo para gamutin ang namumula kong pisngi at ng matapos ko na itong gamutin ay bumalik na ako sa kwarto.

Napahiga ako dahil sa pagod at kahit nararamdaman ko ng tutulo na naman ang luha ko ay pinigilan ko ito dahil ayoko ng umiyak magdamag. Pagod na pagod na ako.

"Sariah, matulog ka nalang." Nakapikit kong bulong.

Nagising akong wala na sa bahay sila nanay. Maaga ata silang umalis at siguro ayaw akong makita ni nanay ngayon kaya nalulungkot ako sa isipang 'yon.

"Hays" napabuntong-hininga nalang ako at pinagpatuloy ko na ang paglalakad papasok sa department namin. Napalinga linga ako sa paligid dahil hindi ko nakita ko si Leanne, palagi naman kami non nakakasabay pero ngayon nakakapagtaka dahil wala siya ngayon.

Nagkibit balikat nalang ako ng maisip na nandoon na 'yon sa room at hindi manlang ako hinintay kaya nagmadali na akong naglakad papunta sa room.

Nang makapasok na ako ay agad kong nilingon ang upuan namin ni Leanne at hindi ko siya nakita 'don, late ba siya?

Unti-unti kong nilapag ang bag ko at naupo na rin. Nasaan na kaya si Leanne? Papasok ba 'to o hindi? Wala naman siyang sinabi sa akin na may gagawin siya ngayon.

Naputol ang pag-iisip ko ng pumasok na ang guro namin para sa first subject kaya tumahimik na kami.

Palingon-lingon ako sa bintana at pintuan baka biglang pumasok si Leanne pero ni anino niya ay hindi ko nakita kaya napabuntong-hininga nalang ako at tinuon ko na lamang ang atensyon kay Ma'am.

Natapos na ang tatlong subject namin ngayon pero hindi nagpakita si Leanne kaya nag-aalala na ako sa kanya.
"Stacy, pumasok ba si Leanne kanina?" Tanong ko sa harapan ko.

"Hindi ata.. Ayy wait parang nakita ko siya kanina. Nakasabay ko nga sa gate kanina." Sabi nito kaya napangiti ako. Sabi na eh, pumasok 'yon pero bakit hindi siya pumasok sa subject namin ngayon?

"Nagkasabay ba kayong pumunta dito sa department? Bakit wala siya ngayon?"

"Hindi eh, Hindi nga ako pinansin. Pansin kong nakatulala siya kanina." Sabi nito at ng pagkarinig ko sa sinabi niya ay agad kong kinuha ang bag ko.

"Salamat, Stacy," sambit ko at kumaripas na ako ng takbo dahil hahanapin ko si Leanne. Siguradong nandito lang 'yon.

Pumunta ako sa mga bakanteng classroom namin at sa tambayan pero wala ito kaya tinakbo ko ang canteen namin baka kumakain 'yon pero bigo ako ng hindi ko manlang ito nakita.

Napahawak sa noo dahil hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Pinuntahan ko na ang lahat ng lugar na madalas namin pinupuntahan pero ni isa don ay wala.

Napatingin ako sa taas ng maisip na ito nalang ang hindi ko napupuntahan at napangiti ako ng maisip 'yon dahil sigurong nandoon si Leanne kaya agad agad akong tumakbo papasok ulit sa department namin.

Nasa 5th floor ang rooftop namin kaya hinihingal ako ngayon pero wala lang itong pagod kung mahahanap ko na sa wakas si Leanne.

Nang makaapak na ako sa 5th floor ay tumigil muna ako para makahinga ng maayos dahil sa pagod.

"Relax lang, Sariah." Bulong ko at ng makasagap ako ng sapat na hangin ay pinagpatuloy ko na ang paglalakad papasok at napangiti ako ng makita si Leanne sa isang sulok habang tinitingnan ang kalangitan.

Tinakbo ko ang pagitan namin at lumapit sa kanya.

"Leanne!" Nakangiti kong tawag sa kanya pero tila hindi ito nagulat sa presensya ko at inaasahan niya atang mapupunta ako dito.

Napansin kong napayuko ito kaya napakunot-noo ako sa ikinilos ni Leanne.

"M-May problema ka ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. May dinaramdam ba ito?

"I'm a liar." Bigla nitong sabi kaya mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Bakit niya 'to sinasabi sa sarili niya.

"A-Anong p-pinagsasabi mo, Leanne?" Nauutal kong tugon dahil kahit ako ay nagugulat sa sinabi niya.

"I lied to you." Ulit nito kaya hinawakan ko ang balikat niya.

"I-I don't know how to say this to you but I don't want to keep it anymore." Sambit nito at napatulala ako ng makitang nagsimula na itong humagulgol.

"Ano bang pinagsasabi mo Leanne!? Ano bang nangyaya---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"I lost my virginity." Bigla nitong sabi na nagpatigil ng mundo ko. Ang kamay kong nakahawak sa balikat niya ay unti-unti bumitaw. Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya ang katagang 'yon at napaatras ako sa gulat.

Naramdaman kong may butil na luha ang pisngi ko, gusto kong magsalita pero hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Nilakasan ko ang loob ko at tumingin ako sa kanya.

"H-How c-come... W-Why.." Nauutal kong sambit pero nanatiling nakayuko lamang ito habang humahagulgol.

Hindi ko mapigilang mapaupo ng makaramdan ng sakit ng makita si Leanne. Lord, bakit nangyayari 'to kay Leanne? Hindi niya 'to deserve.

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sinapit ni Leanne. She was a victim of rape at wala ako sa tabi niya sa mga panahon na 'yon kaya hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.

Ni isa samin ay walang nagsalita at naririnig ko lang ang hagulgol naming dalawa dito sa rooftop.

Continue Reading

You'll Also Like

67.9K 480 36
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
157K 5K 96
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...