The Possesive Man (Del Fauric...

By MsGishLin

758K 13.6K 148

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... More

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 28

10.5K 197 6
By MsGishLin

Kabanata 28

Quarrel

Napalingon ako sa kanya ng itinigil niya ang sasakyan sa may gilid at napansin kong malayo pa ang bahay namin kaya bakit dito niya pinarada ang sasakyan niya?

"Grayson?" Tawag ko sa kanya pero hindi niya 'ko pinansin bagkus ay inalis niya ang seatbelt niya at lumabas. Ganon rin ang ginawa ko dahil tila gusto niya kaming mag-usap sa labas.

Pagkalabas ko ay hinarap ko siya at ganun pa rin ang timpla ng mukha niya.

"May problema ka ba Grayson?" Tanong ko sa kanya at nagulat ako ng itinapon niya sakin yong mga pictures na dala-dala niya pala kanina.

"A-Ano 'to Grayson?" Tanong ko sa kanya at unti-unti kong dinampot ang mga larawang itinapon niya sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makitang picture naming dalawa ni Luis, nanginginig kong inisa-isa ito.

May picture na magkasama kami sa Library and worst pati doon sa Cr na magkalapit kaming dalawa ni Luis na muntik na akong madulas.

"W-What's the meaning of this Grayson?" Nanginginig kong tanong sa kanya.

"Don't ask me like that because I'm the one who needs an explanation from you!" Galit nitong sabi na nagpakaba sa akin.

"A-Ano b-bang i-eexplain ko sayo? Magkaibigan lang kami ni Luis, okay?"

"That's not what I want to hear from you!" Sigaw niya.

"Ano ba Grayson! You are shouting me! Tinutulungan niya lang ako sa school service ko, okay?"

"What are you saying? School service?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalalang nadulas ako sa sinabi ko, hindi niya pala alam na nagkaroon ako ng school service dahil nga sa issue na lumabas na may relasyon kaming dalawa ni Grayson.

"Y-Yes..." Nauutal kong sabi.

"As far as I know, wala ng ganyan sa department niyo kahit na isa kang schoolar, right?" Tanong nito kaya kinabahan ako sa pagdududa niya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Alam niya kasing nawala na yong sistemang school service kahit na schoolar ka sa department niyo.

Noon, oo ginagawa pa yon pero nitong taon wala na kasi hindi makakafocus yong mga mag-aaral kapag gagawin pa yong mga gawain dito sa university at doon na lamang sila nag babased sa grades kaya todo ako sa pag-aaral para hindi ako bumagsak at ma-maintain ang grades ko.

"N-Nag volunteer lang naman ako." Nauutal kong sambit.

"What the hell, Sariah! May tinatago ka ba sa akin?" Galit nitong sabi.

"Wala akong tinatago sayo, okay!? Nag volunteer lang naman ako, may masama ba 'don!?" Sigaw ko sa kanya.

Ayoko man 'tong gawin sa kanya pero kailangan dahil ayokong malaman niya na nalaman ng university ang relasyon namin ni Grayson dahil alam kong lalaki lang ang gulo at ayokong mangyari 'yon.

"Sabihin na nating nag-volunteer  kalang pero anong ginagawa ng lalaking yan? Bakit ka niya tinutulungan?"

"Nag-mamagandang loob lang ang tao sa akin, okay? May malisya ba 'don sa pagtulong niya?"

"N-No, I think there's something wrong with that boy!"

"Ano ka ba Grayson! We're just only friend!" Sigaw ko sa kanya, wala na akong paki kung may makarinig sa pag-aaway namin dahil sobra na siya, sobra na yong pagka-possessive niya, hindi naman ako nasasakal pero sumusobra na siya eh.

Tumingin ako sa kanya at nilahad ang mga larawang itinapon niya sa akin.

"What about this? You hired someone to follow me, wherever I go? Ganun ba Grayson!?" Tanong ko sa kanya at tila nanigas ito sa kinatatayuan niya. Bigla akong nasaktan dahil parang wala siyang tiwala sa akin.

"W-Wala k-kang tiwala sa akin, Grayson?" Nauutal kong sambit.

"No, I trust you pero sa lalaking yan, wala akong tiwala!"

"H-Hindi eh.."

"Bakit mo ba iniiba ang usapan? Sabi ko bakit ka niya--"

"Tumigil kana Grayson! Alam kong wala kang tiwala sa akin kaya may tao kang pinapasundan sa akin, diba?" Sigaw ko sa kanya at tila tinutusok ng paulit ulit ang puso ko ng maisip na wala pa rin siyang tiwala sa akin. Siya lang naman ang lalaking minahal ko.

"Walang patutunguhan itong pag-aaway natin kaya tigilan na natin!" Dagdag ko at ng makitang may dadaang taxi ay agad kong pinapara ito at tumakbo ako papalayo sa kanya.

"Sariah!" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon at agad na akong sumakay sa taxi. Doon bumuhas ang luhang pinipigilan ko kanina. Ayokong umiyak sa harapan niya.

"Boyfriend mo ba 'yon ineng?" Biglang tanong ni manong kaya nakaramdam ako ng hiya ng makita niya akong umiiyak.

"O-Opo..." Umiiyak kong sabi.

"Hays kayo talagang mga bata kayo, normal lang yong pag-aaway sa isang relasyon kaya palamigin niyo muna ang mga ulo niyo dahil magkakasakitan lang kayo kapag pinagpatuloy niyo lang yong pag-aaway niyo." Payo nito sa akin kaya lalo akong napahagulgol dahil sa sinapit ko kanina.

I know, may kasalanan ako dahil hindi ko sinabi sa kanya yong totoo pero natatakot akong sabihin yon sa kanya dahil baka pumunta pa siya sa university namin at ayokong mangyari 'yon.

"D-Dito n-nalang m-manong..." Nauutal kong sambit at hininto naman nito sa harapan ng bahay namin. Ibinigay ko na ang pamasahe ko at nagpaalam na kay manong.

Tumayo muna ako sa labas ng gate namin at inaayos ko muna yong mukha ko kung may luha pa bang natuyo sa pisngi ko, napansin kong namumula ang mata ko kaya napapikit ako sa inis.

Siguradong mapapansin ito nila nanay at hindi ko alam kung anong sasabihin ko, magsisinungaling na naman ba ako? Huminga muna ako ng malalim at pinilit kong ngumiti.

Pagkapasok ko ay nakita ko agad si tatay na nasa sala at nanonood ng TV.

"Tay.." Tawag ko dito at sumulyap naman ito sa akin.

"Nandito ka na pala, pumunta ka muna sa kusina dahil nandoon ang nanay mo." Sambit nito at ibinalik na nito ang tingin sa TV, nakahinga naman ako ng hindi naman nito napansin ang mata kong namamaga.

"Sige tay." Tugon ko at naglakad na papunta sa kusina. Nakita kong abala si nanay sa pagluluto kaya lumapit ako sa kanya.

"Nay," tawag ko dito at tinuon naman nito ang tingin sa akin.

"Oh Sariah, tila late ka na, may ginawa ka ba?" Tanong nito.

"Namasyal lang po kami ni Leanne, sorry po hindi na po ako nakapagpaalam sainyo ni Tatay."

"Okay lang 'yon anak, kasama mo naman pala ang kaibigan mo." nakangiti nitong sabi at napakunot noo ito ng may mapansin sa mukha ko.

"Bakit namamaga ang mata mo?" Seryoso nitong sabi kaya kinabahan ako, sinasabi ko na nga ba, mapapansin ito ni nanay. Bumuntong hininga ako at ngumiti kay nanay.

"Wala lang 'to nay, sa sobrang saya namin ni Leanne kanina, napaiyak po kami." Natatawa kong sabi kaya napangiti na rin ito sa tinuran ko.

"Sos, kayo talaga, punta kana sa silid mo at magbihis dahil maya maya kakain na tayo. Paglabas mo mamaya tawagin mo na rin yong tatay mo at kakain tayo." Sabi nito kaya napatango nalang ako at lumabas na sa kusina namin.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at napahiga na lamang ako dahil sa pagod.

"Sariah, wag mo nalang munang isipin si Grayson." Bulong ko at inalis ko na sa isipan ko si Grayson. Ayoko muna siyang isipin sa ngayon dahil alam kong magkakabati rin kami non. Nagpalit muna ako ng damit ko at lumabas na rin saka ko tinawag si tatay para kumain na.

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si nanay.

"Bukas pupunta tayo kila Auntie Betty mo, dumating na daw si Auntie Grace mo galing sa ibang bansa. Magkakaroon ng konting salo-salo at inimbitahan tayo doon." Sabi nito kaya napasimangot ako.

Pinsan ito ni nanay at ayoko talagang pumupunta sa relative ni nanay dahil hindi namin sila ka level, sobrang yaman nila tapos kami hindi.

Hindi ko naman minamaliit sa kung ano kami ngayon pero nangliliit ako sa tuwing nandoon kami, parang ang awkward hindi kami makasabay sa kung ano ang ginagawa nila.

Yes, they are my relative pero ang awkward dahil na rin sa mga usap-usapan na minamaliit nila kami dahil mahirap lang kami. Masakit sa pakiramdam na minamaliit nila kami at naiiyak ako sa tuwing naiisip ko 'yon.

"Kailangan ba nating pumunta doon nay?" Tanong ko ulit dahil ayoko talagang pumumta pa kami doon.

"Oo naman, inimbitahan tayo nila at saka makikita mo 'yong mga pinsan mo doon." Masayang sambit ni nanay.

"Nay, siguro wag nalang tayong pumunta doon dahil baka sabihin nila pera lang ang habol natin sa kanila." Diretso kong sabi at napansin kong napahinto si nanay pati sa tatay at seryosong tumingin sa akin si Nanay.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Sariah, hindi ganyan ang itinuturo ko sayo. Galangin mo sila." Galit nitong sabi.

"Totoo naman, diba? Hindi niyo ba naaalala kung anong pinagsasabi nila sa atin? Ayokong maulit 'yo--" napahinto ako sa pagsasalita ng binagsak ni nanay ang kutsara niya at galit na tumingin sa akin.

"Tama na Sariah! Lumipas na 'yon! Wala ka na bang galang sa kanila!?" Galit nitong sabi at kahit na kinakabahan na ako dito ay ayokong huminto dahil inaalala ko lang naman sila eh. Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita sa tatay.

"Anak, tama na, pupunta tayo bukas. Tapusin na natin ang kinakain natin." Mahinahon nitong sabi kaya napatahimik na ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. May masama ba sa tinuran ko?

Sila lang naman ang inaalala ko eh, ayoko silang masaktan sa sasabihin nila dahil sobra pa akong nasasaktan sa tuwing may hindi silang magandang sasabihin sa amin.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko, alam kong kasalanan ko na naman at pinagsisihan ko sinabi ko kanina kila nanay. Siguro, dahil sa inis ko kay Grayson ay naibaling ko sa kanila.

Napahiga na lamang ako sa higaan ko at tumingin ako sa gilid ko ng biglang umilaw ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Grayson.

Napapikit ako sa inis kaya inooff ko ito, ayoko muna siyang kausapin dahil gulong-gulo na ang utak ko kung bakit ganito nalang ang galit nito sa akin.

Wala naman siyang ipagseselos sa amin ni Luis dahil magkaibigan lang talaga kami ni Luis at ni konting paghanga manlang kay Luis ay wala akong nararamdaman. Kaibigan at kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya at hanggang doon na lamang 'yon.

"Hays nakakainis ka talaga Grayson!" Bulong ko at huminga muna ako ng malalim para maibsan itong inis na nararamdaman ko kay Grayson.

Dahil na rin sa pagod ko ay unti-unting pumipikit ang talukap ng mata ko at mahimbing na akong nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...