Good Riddance (DS #2)

By FGirlWriter

859K 50.2K 17.1K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos j... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (Part 1)
Chapter 28 (Part 2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part 1)
Chapter 59 (Part 2)
Chapter 60
Epilogue
Special Part

Chapter 19

10K 639 108
By FGirlWriter

Chapter 19:

The "Best" Way

"BLAIR, ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa nagre-review? Malapit nang dumating si Miss Gocon para magpa-quiz."

Nanatili lang si Blair sa nakasubsob ang ulo sa desk.

Kinalabit na siya ni Summer. "Nakapag-review ka na ba? Hey, Blair..."

"I don't want to take the quiz..."

Sinipat nito ang noo niya. "Wala ka namang lagnat or sinat. Pero kanina ka pa matamlay. Do you have a problem?"

Bakit ba kasi pumasok pa siya ngayon? Dapat nanatili na lang muna siya sa apartment at nag-isip ng paraan kung paano bang mas mako-confirm kung talagang... kung talagang... b-buntis siya.

Hindi naman siya makabili ng pregnancy test kit dahil baka may makakita sa kanya. Hindi siya makapuntang OB clinic dahil baka may makakita rin sa kanya. At kapag may nakakita sa kanya, pag-uusapan siya... makakarating sa Mama niya...

Blair can imagine now the punishment if ever she's really pregnant. Oh, why? Why does she have to get pregnant? Isang beses lang naman nilang ginawa ni Jack, ah? And then, now?

Now, she's pregnant?! Hindi niya alam ang mararamdaman! Kagabi pa siya tulala. Hindi niya nagawa lahat ng assignments niya. Hindi siya nakapag-aral sa mga quiz. Wala. Wala siyang ginawa kagabi kundi matulala na lang.

"Blair, review na lang tayo. Blair..." kalabit pa rin sa kanya ni Summer.

Napilitan tuloy siyang iangat ang tingin, ituwid ang upo, at tumingin dito. "K-Kasama ba sa quiz natin ngayon 'yung experiment na ginawa natin k-kahapon...?"

"About the bleach and urine? I don't think so. Energizer lang ni Miss 'yon, eh," iling ni Summer.

"Ah, okay." Napayuko siya at tahimik na inilabas ang Science notebook. "So, hindi naman tatanungin kung accurate or hindi ba 'yung test na ganoon?"

"Hindi naman siguro." Binuklat-buklat nito ang sariling notebook. "Ito, review-hin natin, may time pa—"

"Pero gaano ba 'yon ka---ahm, accurrate?" pasimpleng tanong niya. Sabay tikhim ng kaunti. "I-In case it will be asked randomly..."

"Hindi naman daw ganoon ka-accurate kasi home test lang 'yon. Mas maganda pa rin daw 'yung actual pregnancy test kit o 'yung pagpunta daw sa OB," sagot lang ni Summer, mukhang hindi naman siya nahalata.

Blair sighed. Gusto niyang isipin na hindi accurate 'yung test na ginawa niya kahapon. Pero para mapatunayan niya 'yon, kailangan niya pa ring kumuha ng real pregnancy test pero paano...

Sasabihin niya na ba kay Jack? Paano kung mag-aalala rin ito? Matulala? Ang dami pa naman nitong ginagawa at inaaral. Ayaw naman ni Blair na maging dahilan iyon para mawala ito sa focus...

"Blair, review na tayo," hikayat ulit ni Summer. "May five minutes na lang..."

Tumango siya at pinilit mag-focus sa pagre-review kasama si Summer. Nagtanungan sila base sa notes na isinulat kahapon. Pero habang nasa kalagitnaan, nakatingin sa kanya si Summer.

"W-Why?" kinakabang tanong niya rito.

"Namumutla ka." Dinama ulit nito ang noo niya. "G-Gusto mo bang pumunta ng clinic? Hindi talaga ako sanay na matamlay ka. Usually, wala ka lang talagang pakialam sa mga quiz-quiz pero hindi ka ganito katamlay."

Napalunok siya. Napayuko. "I'm okay, r-really. Tinatamad lang akong pumasok ngayon. Dapat mag-a-absent ako kaso ayaw ni Jack na hindi ako pumapasok dahil lang tinatamad ako."

Tumango-tango si Summer pero hindi pa rin siya inaalisan ng titig.

"Let's continue asking each other. Ahm..." Tumingin siya sa sarili niyang notebook. "What is—"

Pero dumating na ang teacher nila at tumayo ang buong klase para bumati. After the morning greeting, pinakuha na agad sila ng papel para sa quiz.

Itinago nila ang mga notebook at nag-umpisa sa pagkuha ng quiz. And as expected, kahit may kaunting nasagot, bagsak si Blair.

She didn't care, though. Iniisip niya pa rin ang tungkol sa kondisyon niya. She can't... she can't do this alone...

By lunch time, sa canteen lang sila kumain ni Summer. Abala pa kasi si Jack kasama ang team nito sa pagbuo ng school magazine. Sa buong araw sa eskuwela, hindi sila nagkausap. Pero nagkakasalubong-salubong sila minsan sa hallway.

Napapayuko na lang si Blair sa tuwing nagkakasalubong sila o kaya ay sinasadya niyang tumingin sa ibang direksyon. Unang beses siyang nakaramdam nang hiya na salubungin ang mga mata ni Jack.

Pagkadating nang uwian, hindi niya na hinanap si Jack. Umuwi nang diretso si Blair sa apartment at natulala na lang ulit. She felt... alone. She does not know what to do. She does not want to tell anyone. She felt like her "pregnancy" would create chaos or what. She does not know!

Sa kabilang parte ng puso niya, gusto niya sanang maging masaya. Kasi magkaka-baby na siya... Sila ni Jack! They are a family now! But how...

Nakagat niya ang ibabang labi. Think, Blair, think. You're not that smart, but you can find a way. Think, think, think...

"Blair? Are you home? Blair?"

Literal na napatalon siya mula sa kinatatayuan. Kumatok pa ulit si Jack sa pinto.

"Blair?"

Napalunok siya. Ayaw niyang buksan ang pinto. It's the first time that Blair's not excited to see Jack.

"Blair?" pagkatok ulit nito. Malumanay ang boses. "H-Hindi pa tayo nakakapag-usap ngayong araw... Y-You won't even glance at me earlier... Ahm, n-nagtatampo ka ba sa'kin? Kasi hindi ako nakatawag kagabi?"

Hindi pa din umiimik si Blair. Nakatitig lang siya sa pinto.

"I'm sorry, Blair... Madaming ginawa kahapon para ma-finalize na lahat ang content sa magazine bago iyon ipa-print. Pagkauwi ko, nakatulog na agad ako sa sobrang pagod. I'm sorry, Blair..."

Bakit salita pa rin nang salita si Jack? Ganoon ito kasigurado na nasa loob siya ng apartment?

"Blair?" katok ulit ni Jack. "Blair, please answer. I'm worried about you. Sabi ni Summer, ang tamlay mo daw buong araw... I know you're not sick... Ahm... M-May ginawa na naman ba si Tita Bridge? O ang P-Papa mo? Did they upset you, again?"

Napalunok siya. He knows her very well...

"Blair?" pagkatok pa rin ni Jack.

Sa huli, ikinilos ni Blair ang mga paa at inabot ang doorknob ng pinto. When she opened the door, Jack was patiently standing there. Mukhang walang kabalak-balak umalis.

"Why are you so sure that I'm here?" she asked, plain curious.

Napakurap ito. "I... I can feel you..." Parang nahihiyang napayuko ito. "I don't know... I just know when you're around, when you're close to me..."

For the first time that day, Blair was able to smile. "You have that power?" she teased.

Nagkibit-balikat ito, dahan-dahang nag-angat ng tingin. "N-Nagtatampo ka ba s-sa'kin?"

Umiling naman si Blair. "It's just me. I just feel off today. May mga iniisip ako." Niluwagan niya ang pinto. "Come in."

Jack roamed his eyes around her apartment. Ngayon na lang ulit ito papasok doon after their first intimate encounter.

Huminga ito nang malalim at saka pumasok sa loob, marahang isinara ang pinto.

Umupo si Blair sa sofa at niyakap ang isang throw pillow. Umupo ito sa tapat niya.

"Anyway, hindi ako nagtatampo sa'yo," Blair cleared right away. "Buti nga hindi ka na tumawag kagabi kasi may iba din akong ginagawa. Actually, w-wala naman akong problem s-sa'tin."

Jack noticed her stutter. "Hindi ka nagtatampo, puwede. Pero may problema..."

Ngayon gustong magsisi ni Blair kung bakit kumuha siya ng matalinong-matalinong boyfriend. Can Jack sense everything?

"Wala, ah," tanggi pa rin niya. Sabay iling. But maybe she overdid it.

"You can tell me everything..." Jack said. "You know you can tell me everything..."

"M-May iniisip lang talaga akong iba. I want to keep it to myself muna. P-Pero there's nothing to worry about us. S-Sasabihin ko sa'yo kapag gusto ko na ring i-share."

Tinignan lang siya ni Jack. She was able to give him a reassuring smile. Sa huli, tumango lang ito. "I'll respect that but make sure it's not, ahm... bad for you... I don't want you hurt."

Gusto niya itong yakapin, pero nanatili lang si Blair sa kinauupuan. She just hugged the throw pillow tighter... "Thank you, Jack."

Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Matagal. Nakaupo lang sila ng tahimik. Magkatapat pero halata ang distansya. Maybe Jack wanted to get closer, but he's just controlling himself, so they won't end up in a compromising situation, again, that's against everything he believes in.

Tumikhim siya. "Okay na ang contents sa school mag? Tuloy na ang pagpi-print?"

Mabilis itong tumango. "Tapos na. Wala na 'kong extra-curricular. Hihintayin na lang namin na ma-distribute iyon sa buong school at mabigyan ang America Junior Press..."

"Oh, yes. About the sponsorship sa New York. I hope you'll get picked. Naisip ko nga hindi naman ganoon katagal ang two weeks. Mabilis lang 'yon."

"Hindi naman sure kung makukuha kami."

"Baka sila hindi makuha. Pero ikaw, makukuha." Blair giggled. "You're so magaling kaya as the editor-in-chief."

Napangiti ito. "We're a team. Dapat lahat kami. Kapag ako lang, I won't go."

"Okay... Eh di, lahat kayo makukuha!"

He chuckled. "I think I'm sure now what I'll take up in college. I'll go for Journalism," pag-iiba na lang nito ng usapan.

"Wow!" Sandaling nawala na ang isip ni Blair tungkol sa problema niya. "I want to take Language and Literature naman kaso Mama and Papa obviously wants me to take up business management."

"Maybe you can talk to them about it. Pagbibigyan ka naman siguro nila, if they know you'll be doing what you love to do."

Sana nga makapag-college pa siya. Kung positive nga talaga ang pagbubuntis niya, hindi niya na lang gustong pumasok. Aalagaan niya na lang muna ang baby nila ni Jack...

Napakurap si Blair at napatitig dito. Right, Jack has a lot of dreams... What if he'll become a father this early? Won't it affect his plans for his future?

"Let's have dinner outside?" biglang aya ni Jack. Tumayo ito at inilahad ang palad. "I want to take you out for a dinner date. I know I've been very busy because of the school mag, but now, I have more time to be with you, again."

She reached his hand. Pagkaabot niya ay agad na hinawakan ni Jack iyon nang mahigpit.

At iyon lang pala. Iyon lang pala ang kailangan niya. Just one touch from him so she won't feel scared, anymore.

Napangiti si Blair at kinalimutan muna ang mga isipin. She'll confirm her condition first before telling anything to Jack. Ayaw niyang madamay ito sa hindi pa naman siguradong sitwasyon. She does not want to cause him the "tulala" and bothered moments she had.

Blair can do this. Blair will find a way to undoubtedly confirm her condition. Sa ngayon, kailangan niya munang ibalik ang sigla at enjoy-in ang relasyon nila ni Jack habang nag-iisip siya ng paraan.

Kaya naman sa mga sumunod na araw, bumalik sa normal si Blair para hindi na masyado mag-alala si Jack.

Nasa isip niya pa rin na baka buntis siya kaya maingat na lang siya. Pero patuloy pa rin siya sa paghahanap ng paraan kung paanong makakauha ng PT o makapunta sa doktor nang palihim. She's also wishing that she's not really pregnant...

Pero palabo nang palabo ang wish niya. Lalo na nang hindi dumating ang monthly period niya.

"Christeena Blair, are you listening?"

Bumaling siya sa ina. It's a Saturday night. Umuwi siya sa bahay nito at sabay silang nagdi-dinner ngayon. "Yes, Mama?"

Napabuga ito ng hangin. "I said, do you still want a grand party for your sixteenth birthday? Tatlong araw na lang at hindi ka sumasagot sa mga tawag ko nitong nakaraang linggo."

Umiling lang siya at itinutok ang mga mata sa pagkain. "I don't want a party already, Mama. Wala naman akong masyadong friends na pupunta. I mean, I only have Jack and Summer. I think I'll just treat them na lang on my birthday."

"Don't you want to spend your birthday with me?" maingat na tanong ng Mama niya. Parang may halong paawa ang tanong.

Pero hindi na lang 'yon pinansin ni Blair. Nagpatuloy siya sa pagkain.

"You gained weight," komento ng Mama niya, out of nowhere. "I told you to watch your diet, right?"

Kusa siyang napahinto sa pagsubo. "S-Sorry, Mama... Madami kasing ginagawa sa school, I think I'm—" Napatigil siya sa pagsasalita nang parang may kumuyom sa sikmura niya at ang lahat ng laman niyon ay umakyat sa lalamunan niya...

"Blair!"

Napatayo siya at tumakbo sa kusina. Napatabi ang mga katulong na nasa lababo. Blair started to vomit everything---everything that she ate.

Hanggang sa wala na siyang maisuka, ngunit patuloy siya sa pagduduwal kahit laway na lang.

"Baby, what's happening to you?" Nasa likod na pala ang Mama niya. Hindi niya napansing sinundan siya. "Did you eat something bad?"

Sasagot sana siya pero may umakyat ulit mula sa lalamunan niya hanggang sa bibig. At inilabas niyang lahat iyon sa lababo. Parang nanlalabo na rin ang paningin niya.

"Blair, what's happening?" Parang natataranta na ang Mama niya. Sinimulan na nitong singhalan ang isang katulong para kumuha ng tubig at ng gamot.

Kahit nanghihina, binuksan niya ang gripo. Nagmumumog at naghilamos si Blair. Nawala na nang kaunti ang pagkahilo, pero pumipitik ang sentido niya.

"I want to rest..." mahinang sabi niya.

Agad siyang inalalayan ng Mama niya hanggang sa makaakyat sa kuwarto niya. Then one maid entered, holding a tray of one glass of water and medicine tablets.

Mabilis na umiling si Blair nang inabutan siya ng Mama niya ng gamot. Humiga siya, nagkumot hanggang leeg at pumikit. "I don't need to drink any medicine, Mama... I'll just s-sleep..."

Latang-lata ang buong pakiramdam ni Blair. Parang kasama sa sinuka niya ang energy ng buo niyang katawan.

"Are you sure, baby?" hindi bumaba ang lebel nang pag-aalala na naririnig niya sa boses ni Bridgette. "My god, you're scaring me! You never vomited that much before. I'll take you to the hospital now."

Ang tigas nang iling ni Blair. No, no! NO! Not in a hospital with her mother. If ever she's really pregnant, hindi si Bridgette Salamanca ang dapat unang makaalam! Anyone, but not her. Puwedeng ang Papa niya, pero hindi ang Mama niya.

"Mama, please. I'll take a rest. Let me be for now. I know my body; I just need to rest... Please?" Blair begged. Huwag lang siyang dalhin nito sa ospital. "I'll be okay. I just want to rest now."

"Anong nararamdaman mo ngayon? Masakit ba ang tiyan mo? Do you feel vomiting again?" her mother was overly concerned now, it's close to panic.

Kung hindi niya lang alam ang tunay na ugali nito, mata-touch sana siya... "Mama, I'm going to rest. I just want to sleep now. Iyon na lang ang nararamdaman ko..."

Tinitigan siya nito nang matagal. Pumikit si Blair at gumilid nang higa, patalikod dito. She thought her mother's going to leave but suddenly, Blair felt her mother's arms around her. Then, Bridgette left a light kiss on her cheek.

Ito na naman ang pakiramdam niyang gusto niyang yakapin pabalik ang Mama niya. Kahit alam niyang hindi naman talaga genuine ito. Ito na naman si Blair sa pakiramdam na bibigay sa kaunting lambing ng Mama niya na parang hindi siya nasaktan nito.

Why is she weak when it comes to her mother? Bakit kahit anong alam niya sa totoong ugali nito, love niya pa rin ito?

Hindi umalis si Bridgette hanggang sa makatulog si Blair. Pagkagising niya, mas maayos naman ang pakiramdam niya. Wala na ang Mama niya sa tabi niya pero halatang tumabi ito sa kanya sa pagtulog...

Napahawak siya sa tiyan. If there's really a baby in there... will she be a better mother than Bridgette?

Bumangon si Blair at dumiretso sa banyo. Pauwi siya ngayon sa bahay ng Papa niya kaya naghanda na lang siya kaagad. Pagbaba niya ay dala niya na ang gamit.

"Where's Mama?" tanong niya kay Mang Tony habang inilalagay nito ang gamit niya sa likod ng sasakyan.

"May emergency daw po sa trabaho kaya umalis na sila kanina pa ni Jaime."

Oh. Nagkibit-balikat na lang si Blair at sumakay ng kotse. Pagdating sa bahay ng Papa niya, natulog lang ulit siya sa kuwarto. Bandang tanghalian na siya nagising.

Wala naman ang Papa niya at si Tita Bella dahil nasa isang business summit daw sa ibang bansa. Kaya ang kasama niya lang ay ang Kuya Bari niya.

"You look... not you," her brother commented while they joined together for lunch.

"Not me?" she asked back.

He quietly looked at her.

She pouted. "I'm still Blair..."

"Something's different. Do you have a problem?"

Agad siyang umiling. "Inaantok lang ako."

"Kagigising mo pa lang."

"Inaantok ulit ako, eh!" Inirapan niya ito. "Saka weekend naman, I'm allowed to be sleepy anytime."

Tinignan lang ulit siya nito at hindi na kumibo. Pagkatapos kumain, nagkanya-kanya na lang ulit sila ni Kuya Bari. Nagkulong ito sa kuwarto nito, ganoon din ang ginawa ni Blair.

Sa kuwarto, nakatulala na lang siya sa telepono. Tatawagan niya ba si Jack? Sasabihin niya ba dito ang tungkol sa kondisyon niya?

Will she be braver to face this if Jack knew about this also? Will he still hold her hand to make her feel at peace? Will he still take her away?

"Jack..." she whispered in the air.

The phone rang. Napakurap siya at sinagot naman iyon.

"Hello?"

"B-Blair..."

Natigilan siya. "J-Jack? Are you crying?"

Suminghot ito mula sa kabilang linya. "Our grandmother... she d-died."

Napasinghap siya at napatakip ng mga labi. "Your grandmother? The one you're close with?"

"Y-Yes... Daddy's Mama... She died in her sleep last night."

"Oh, Jack. I'm sorry to hear that..." Napapikit si Blair. She can't stand to hear Jack's voice in despair like this.

Huminga nang malalim si Jack. Halatang nagpipigil nang mga luha. "We need to go to Monte Amor immediately to attend her wake..."

"P-Paano ang school...?" tanong niya pero napahawak siya sa tiyan.

So, she can't say this to him right now... Things will be too much for him...

"I w-will be g-gone for a w-week. Tatawagan na lang ni Mommy ang class adviser ko..." Pumiyok si Jack. Tila hindi na mapigil ang mga luha. "I'm sorry, Blair. I won't be here for your birthday..."

"Don't think about my birthday! I know how much you love your Lola, Jack. Go, okay? Huwag mo 'kong isipin."

"I want to see you before we leave tonight. C-Can I visit you?"

"Yes, yes. Magkita tayo sa park nitong village. You know that. right?"

"Y-Yes."

"I'll wait for you there!"

Pagkatapos ng tawag ay agad na nag-ayos si Blair. Inalis niya muna sa isip ang tungkol sa pagbubuntis. Mas kailangan siya ni Jack. Kahit sandali, bago umalis ito kasama ang pamilya ay maparamdam niya ang pakikiramay niya rito.

Hindi na nagpaalam pa si Blair kay Kuya Bari. Basta lumabas siya ng bahay at agad na nag-abang sa village park. Mga kahating oras siguro ang lumipas bago dumating si Jack. Bumaba ito mula sa kotse ng kapatid nito.

Blair waved at Kuya Izaak who's driving. Munting ngiti lang ang ibinigay nito, kita din sa mata ang lungkot.

"Jack..." Nagsalubong sila sa gitna ng park gazebo at mahigpit niya itong niyakap.

Jack hugged her tighter. "I talked to Lola a lot of things about you, Blair. She wanted to meet you. S-Sabi niya, pupunta siya dito para makilala ka... But she's gone..."

Napalunok siya. "I'm sorry, Jack." Nangilid na rin ang luha sa mga mata niya. Lalo na nang yumugyog ang mga balikat ni Jack.

He started to cry. Napasinghot-singhot si Blair at nagpakatatag para dito. Blair knows how Jack loves his whole family, lalo na ang mga kapamilya nito sa Monte Amor.

Noong lagi pa silang nagtatawagan tuwing hatinggabi, maraming kuwento si Jack tungkol sa grandparents nito. He's very close with his Lola. Lahat silang magpipinsan, malapit na malapit daw sa Lola Lass ng mga ito. Because she was the sweetest and kindest grandmother, Jack adoringly said before.

Mga ilang minuto lang silang magkayakap habang tahimik na umiiyak si Jack. Blair didn't mind standing in the middle of an empty park with him crying. Wala siyang pakialam sa kahit na ano, basta kay Jack lang.

Mas niyakap niya ito nang mahigpit. Hanggang sa tumahan na ito, ngunit nanatiling nakayakap sa kanya.

"Thank you, Blair..." he whispered. "I think I can't cry once I saw Lola's body in the casket. So, I wanted to cry now. Thank you... thank you for just being here..."

"I love you, Jack. You can cry anytime you want whenever you're with me." Dahil ganoon din naman siya at matiyaga siyang dinadamayan palagi nito.

Humarap na ito sa kanya. Hinubad niya ang salamin nito sa mata na nabasa ng mga luha. She wiped the glasses using the edge of her shirt.

"I'm going to miss you, but you'll be back naman after a week. At saka na lang natin i-celebrate ang sixteenth birthday ko together," Blair understandingly said. "Ang mahalaga, you'll get to see your Lola kahit one last time."

Blair also wiped away the tears in Jack's eyes and cheeks using her hands. Pagkuwa'y isinuot niya dito ang salamin nito. "Don't worry about me much. I'll be okay, babe."

Tumango si Jack. "C-Can... can w-we... hug, again?" he shyly asked.

Imbes na sumagot ay ibinuka ni Blair ang mga braso at ikinulong ito sa loob niyon. "I love you, Jacquin!"

"I love you more, Blair. If only I can take you with me today..."

Sana nga puwede. But her parents won't let her for sure. "Give my condolences to your family."

"JJ! We need to go!" Kuya Izaak called from his car.

Lumayo na si Jack sa kanya at nilingon ang kapatid nito. "Just a minute, Kuya!"

"Go na. Baka naghihintay na sa inyo sina Tita Wana. You can't miss the plane."

Tumingin sa kanya si Jack. Sinalubong ang mga mata niya. "I know that something's bothering you, Blair. Please, hold on until I return. I know you're not ready to tell me now, kung ano man iyan."

"J-Jack..." Siya pa rin ang iniisip nito?

"But please, hold on. Biglaan lang ang kay L-Lola ngayon... But wait for me, okay?"

Agad siyang tumango. "I will wait, Jack. I promise... pagbalik mo at saka ko sasabihin." Napalunok siya. Kahit hindi na yata siya bumili ng pregnancy test or magpa-OB, sobrang linaw na ng katotohanan. Blair's passed the in-denial stage.

"For now, please don't mind me. I know your whole family's grieving. Focus on that. I'm going to be okay, Jack," matatag na sabi niya. Maybe, she can be mature and selfless, too.

Jack's brother beeped.

"Take care for me, Jack."

Hinawakan siya nito sa magkabilang baywang at niyuko ang ulo. Blair smiled a little when his lips landed on hers. It lingered for a while before Jack let go.

"I love you, babe!"

"I love you more, wildflower."

Kuya Izaak beeped, again.

Hinila na niya si Jack pabalik sa kotse. Blair told the brothers goodbye. Siya na ang unang tumalikod at bumalik sa bahay ng Papa niya dahil parang ayaw pa rin umalis ni Jack.

Pagbalik niya sa kuwarto, napahawak siya maliit pang tiyan. Kailangan pagbalik ni Jack, may hawak na siyang accurate proof about her pregnancy. At saka dapat... makaipon na siya nang maraming lakas nang loob.

This will be hard for both of them. But when they are together—katulad kanina—they can be strong for each other.

***

"HAPPY BIRTHDAY, Blair!" bati ni Summer sa kanya at inabutan siya ng regalo.

"Thank you!" masiglang pasasalamat niya rito at kinuha ang regalo. "Next time na tayo mag-celebrate, ha? Hintayin lang natin makabalik si Jack."

"No problem! I'm sad about his grandmother's death. But partly, I'm happy na hindi ka na matamlay."

"May iniisip lang talaga ako last week," aniya at inilagay ang regalo nito sa loob ng locker. "Kain na tayong lunch sa labas. My treat!"

Excited silang lumabas ni Summer at ito na rin ang pinapili niya kung saan sila kakain. She chose a Japanese restaurant near their school. Ngunit pagpasok pa lang ni Blair sa loob ng restaurant ay bumaliktad na agad ang sikmura niya.

Natutop niya ang bibig.

"Blair?" Napalingon sa kanya ang kaibigan.

Tumalikod siya at nagmamadaling lumabas ng pinto ng restaurant. She's gonna puke!

Sa paglabas niya ay nakabangga niya pa si Faye at Chanel na mukhang doon din magla-lunch. Pero hinawi niya lang ang dalawa at pagdating sa labas ay sumuka siya sa pinakamalapit na kanal.

"Blair!" sumunod sa kanya si Summer. "What's happening to you?!"

"Oh, my god. Are you okay?" Si Faye iyon.

Patuloy pa rin siya sa pagsusuka. Napaluhod na si Blair sa lupa at nagpatuloy pa rin sa pagsuka.

"What's happening to her?" tanong ni Chanel kay Summer. "Let's bring her to the clinic!"

Hinimas ni Summer ang likod niya. "Blair, what's happening? May kinain ka ba kaninang morning break? Kaninang breakfast?"

Pinalibutan siya ng tatlo para hindi siya makita nang ibang mga dumadaan na tao at mga estudyante.

Nang wala nang maisuka, inabutan siya ni Summer ng tissue. Pero bago niya pa maabot iyon ay naging dalawa na ang tingin niya dito at nagsimula nang lumabo ang paningin niya.

"Blair? Blair!"

Parang lumayo na din ang boses ng mga tao. Sinubukan niyang labanan ang nararamdaman. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay tumayo siya habang nakakapit kay Summer.

Ngunit sa pagtayo niya, tuluyan nang dumilim ang lahat. Sa sumunod na nakakita siya ng liwanag, nakahiga na siya sa isang kama. Nasa loob siya ng isang malamig na kuwarto at... nandoon ang Mama niya.

Napakurap siya. Napabalikwas ng bangon. "M-Mama?" She looked left and right. Dumagundong ang dibdib niya nang mahalatang nasa ospital sila... "W-Where's Summer?"

Tumayo ang Mama niya. Walang emosyon sa mukha. "Is this your birthday gift to yourself?" Hinablot nito ang braso niya. "A baby?!"

Blair's eyes widened. "M-M-Mama..."

"Oh, let me ask again. Is this Jacquin's birthday gift to you?" sobrang hina ngunit puno ng galit ang boses nito. "What did I tell you before? Why didn't you listen to me, Christeena Blair?!"

Napapitlag siya sa biglang pagtaas ng boses nito. "Mama, I'm sorry..."

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya "Ilang beses kitang sinabihan. Ilang beses kitang..." Napalunok ito. "Blair, I told you! Huwag na huwag na huwag kang gagaya kay Ysabella!"

Blair can't hold her tears. Hindi niya kayang magpakatatag. Hinang-hina siya. "M-Mama..."

"Alam mo ba ang kahihiyan na ibibigay sa'yo nito?! Alam mo ba kung anong kayang sabihin ng tao na masasakit patungkol sa'yo?!" Binitiwan siya nito na parang napaso. Nagpalakad-lakad ito sa kuwarto. Nasabunot ang buhok. "Christeena Blair, what have you done?!"

Natakpan niya ang mukha nang mga palad at saka napahagulgol nang iyak.

"Alam mo bang hindi si Jacquin ang titignan pababa ng mga tao pero ikaw? Ikaw, Christeena Blair! Ikaw ang kukutyain dahil ikaw ang babae!!!"

Hindi na makapagsalita si Blair. Natignan na siya ng doktor panigurado. Nasabi na ang totoong kalagayan niya. So, it's medically confirmed now, too.

"You just turned sixteen!" Her mother's hysterical. "Sixteen, Blair! Bata ka pa! How can a child raise a child?!"

Narinig niya ang pagbukas nag pinto.

"The whole hospital can hear you, Bridgette."

Napasinghap si Blair at nanigas. Sa gitna ng mga luha, napabaling siya sa bagong dating. "P-Papa..."

Isinara nito ang pinto. Ngunit nanatili lang na nakatayo doon. "Can't you talk to Blair in a less scandalous manner?"

Umismis ang ina. "Of course, you don't freaking care that your daughter's pregnant. That your sixteen-year-old daughter is pregnant," her mother kept emphasizing. "Well, hindi nga pala bago sa'yo 'yon, ano? You got a minor pregnant before!"

Wala lang reaksyon ang Papa niya. Bumaling ito sa kanya. "How long did you know, Blair?" ang tono nito, walang pakialam kung sasagot siya o hindi. Basta lang mawala ang atensyon sa Mama niya.

"J-Just last week..." Blair kept crying. "I'm not sure also... I-I can't... I c-can't buy a PT or go to the doctor to really confirm, Papa..."

"Does the father know?"

Umiling siya at lalong napaiyak. She can't call Jack now. He's still grieving far away with his family. Ayaw niyang makadagdag. Baka hindi kayanin ni Jack.

"Don't let him know," biglang sabi ng Mama niya.

Gulat na napaangat siya ng tingin dito. Natigil din ang pag-iyak niya. "M-Mama?"

"I think that boy needs to know," her father disagreed. "Who'll save Blair's reputation?"

Marahas na napalingon dito ang Mama niya. "What are you assuming, Santino? Na ipakakasal ko ang anak ko dahil lang nabuntis siya?"

Her father crossed his arms. "And what are you thinking? File a case against the boy instead?"

Nanlaki ang mga mata ni Blair. No! Not Jack! "Mama, please don't do that! Please!" Umiling-iling siya. "We can talk to him. Talk to his family. M-Mama, I don't care about what people will say. Or kahit pag-usapan ako sa school. I'll endure that!"

"No! Hindi mo alam ang sinasabi mo, Blair!" Napapikit ang Mama niya. "I've been protecting you! I've been shielding you from the public eye. But did you think na makakalusot ito at hindi ka pagpipiyestahan ng lahat ng kalaban ko sa negosyo? Pati ng mga taong ayaw sa Papa mo?"

Napatingin siya sa Papa niya. Nakasandal lang ito sa pinto. Wala pa ring kahit anong reaksyon. Parang walang pakialam talaga sa kanila. Tila napilitan lang pumunta...

"I can pay the media," her father simply said. "I can manipulate the news."

"But not the gossips in social gatherings!" sumbat ng ina. "Kung wala kang maitutulong dito, Santino, ay umalis ka na lang."

Tumalikod ang Papa niya at binuksan na ang pinto.

"Papa..." Blair called him. "Papa, I'm s-scared..." kusang lumabas sa bibig niya.

Blair's scared in a lot of things now. Ayaw niya nang magpanggap. Without Jack to hold her, to take her away, she's nothing... She's weak.

She's been weak from the very start.

Humarap ulit si Santino sa kanila habang sinara ulit nito ang pinto. "What's your solution, Bridgette? You don't want Blair's boyfriend to know, you don't want the media to know. You literally don't want any other people to know. And that's impossible."

"Blair's only five weeks pregnant," her mother said. Matigas at malamig ang boses.

Napahawak siya sa tiyan. So, there's really been a baby inside her for five weeks now... Sa kanila ni Jack.

Baby nila ni Jack...

"Five weeks, Santino..." ulit ng Mama niya. "It still safe for Blair to get rid of it."

Nanlamig ang buong katawan ni Blair at natulala sa sinabi ng Mama niya.

"What?" Santino's shock was obvious.

"Blair's still young. Marami akong pangarap at plano para sa kanya. She does not need the baby."

Hindi na... hindi na makilala ni Blair ang Mama niya. Her heart sank as Bridgette continued...

"The best way is abortion."

Umiling si Blair. Umiling nang umiling. Lumingon siya sa ama.

"Papa!" she cried for help. "I don't want that! Please tell Mama, I don't want that! I don't want that!"

Ngunit walang reaksyon ang Papa niya. Lagpas-lagpasan ang tingin nito. Is he... considering to agree with Bridgette?

Napahagulgol nang iyak si Blair. Malakas na malakas. Napayakap siya sa sariling tiyan.

Sino... sinong kakampi niya?! Her parents want to hurt her and her child!

Jack! Please, take me away!

But her life is not like the books she loves to read. Heroes don't always come to save their heroines... Just like Jack wasn't there to rescue her.

***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Instagram: fgwstories

Continue Reading

You'll Also Like

24.1M 706K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.8M 138K 50
Her ex-boyfriend told her she's boring. Her ex-boss told her she's incompetent. Even her ex-landlord claimed she's uninteresting. At 33, Tonya is l...
672 105 62
He is the coldest person I've ever met but he is also the hottest man I've ever see with my two eyes. He is unpredictable but he is invincible and hi...
3.1M 73.4K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...