Under The Twilight Sky (KOV #...

By xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... More

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

Burn So Bright

33 0 0
By xxxSerenityxxx22


* 1 month later*

**************************


Jared Vincent Chavez


During these past weeks, I really did had fun hanging out with everyone even if it made me a little upset because I didn't get to spend time with Lauren after a long time. Everything in our lives is a reflection of choice we have made, if you want a different result then make a different choice but Thor and Eros didn't do so.





They can chose not to accept the mission but they still did and now? Everything is falling through. Their aircraft crashed somewhere in London, we're on our way to check everything and even if this is real? I don't how how to handle it. Both of them are a part of lives, Eros and Thor are not just our best friends but they are also our brothers. Accepting something like this is not something I can do.




"Trinity? Hindi ka ba sasabay sa'min?". I asked.





"I won't, I have to inform Aurora myself. That way, I'd be able to make sure that she's safe. Thor will haunt me if he found out that I didn't took care of his wife". Sagot niya naman sa'kin.





"Let's go, we have a flight to catch". Pag anyaya ni West sa'kin.





"My car is ready, I'll drive". Aniya ni North. Pare-parehas kaming wala pang pahinga dahil kakagaling lang namin sa walang sawang byahe netong mga nakaraang linggo tapos bigla kaming makakarinig ng ganitong balita.






Hindi ko ugaling lumiban sa klase pero hindi ako pumasok ngayon at mukhang madagdagan pa ito, pwede naman akong pumasok kahit wala ako doon ng pisikal pati makaka habol ako kahit na anong mang yari. Kaunting tiis na lang ay magiging abogado na ako, ngayon pa ba ako susuko?






Sabay-sabay kaming lumabas mula sa mansyon ng mga Alvarez dahil sumugod kami dito matapos namin marinig ang balitang hindi namin nais malaman, mauuna na kami mag tungo sa London. Utos rin iyon ni Vice Commander sa'min, kausap ko siya kanina habang pinapatahan namin si Trinity dahil mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.






Eto ang unang beses na umiyak siya ng todo, ngayon lang din namin siya nakitang naging ganito. Nasasaktan din naman si Thor noon pero binabatukan niya pa kapag naka balik na galing sa misyon katulad na lamang noong nahuli sila at natorture ng tatlong araw, ngayon? Kapwa na kami nasa loob ng sasakyan ni North. Wala kami sa sarili kaya hindi kami maaaring maneho ng sasakyan.






"Sa hotel ko lang kayo ihahatid, may sarili akong lakad ngayon kaya hindi na ako maka kasama sa pag punta niyo sa pinang yarihan ng aksidente". Paalala ni North.





"Huh? Where are you going instead of coming with us?". Tanong ni West sa kakambal niya.



"I have a new mission, Vice Commander just gave me a new one before we arrived at Trinity's place a while ago". Paliwanag naman ni North kay West. Hindi niya na ipinaliwanag kung saan tungkol iyon pero nagmaneho na siya, papunta na kami sa Airport ngayon.





Halos isang buong araw din ang byahe patungong London kaya makakapag pahinga kami kahit sandali, nasa sasakyan pa lang naman kami ngayon pero hindi na maganda ang pakiramdam ko dahil sa mga nang yayari.





"Ano sa tingin ninyo ang nang yari kay Thor at Eros?". Tanong ni North sa'min.




"Both of them became fried human beings? What else?". Hindi ko alam na may pagka gago rin pala si West. Siya ang second choice siya sa misyon pero hindi niya rin ito tinanggap dahil ayaw ni North at noong mga panahon na yon ay girlfriend niya pa si Cece.





"Those two will be fine, I know they can make it". He added.






"Tama na yang drama mo Jared, buhay pa yung dalawang yon at alam kong may alam ka rin sa bagay na iyon. I'm tracking them now as we speak". Sagot ni Thor. Bigla tuloy akong natawa, seryoso pa naman na ang itsura ko tapos bigla niyang sasabihin ang bagay na yon?




"Nasaan na sila?". I asked.





"Malabo pa yung signal, pawala-wala pa kaya baka parehas silang lumalangoy? O napadpad sila sa remote area kaya nahihirapan pa ako". Tugon niya sa tanong ko.





"Huwag muna kayong maingay, inaantok pa ako. Mga istorbo kayong lahat eh". Reklamo ni West sa'min. Nag salubong na lang ang kilay ko dahil sa sinabi niya, pagod rin naman ako ah? Pero eto ako ngayon, gising pa rin at kasama ninyo.





Hindi ko pa nakakalimutan ang kalokohang ginawa nilang lima sa'kin noong nakaraan, bigla nila akong pinuntahan ng hindi man lang nag sasabi tapos dadalhin lang pala nila ako sa isang isla dahil babantayan namin si Thor at Aurora. Hindi ako nag paalam kay Lauren dahil alam kong mag kikita pa naman kami sa mga susunod na araw, hindi man ngayon pero ayos lang.






Isa pa, hindi ko talaga gusto yung impaktong Avelino na iyon. Napaka yabang tapos feeling gwapo pa, nakakapang init ng dugo at pasalamat siya dahil may ibang tao sa harapan namin tapos nandoon pa si Lauren. Kung wala? Tatamaan talaga sa'kin ang hayop na iyon, masyado na siyang maraming atraso at hindi ko na iyon papalagpasin sa susunod.






Nag iwan naman ako ng sulat kay Lauren, napansin ko kaseng malungkot siya at alam niya namang hindi ko gustong nakikitang ganon ang reaksyon niya. Umalis siya sandali para iwasan ako at hindi para lumanghap ng sariwang maalikabok na hangin o kung ano pa man, kabisado ko si Lauren kase mahal ko siya pero hindi ibig sabihin non ay gagamitin ko ang kahinaan niya laban sa kaniya.






Pag dating namin sa Airport, agad kaming dumiretso sa pribadong eroplano na pag aari ng pamilya nina Thor pati Trinity at sa hindi inaasang pag kakataon ay isa si Cece sa mga stewardess. Automatiko kaming tumingin kay West, wala namang bago sa reaksyon niya eh. Ganon pa rin, Biyernes santo plus senti mode.






Nagulat kami ni North dahil nilagpasan niya lamang si Cece na akala mo ay wala siyang nakita pero naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon, hindi ito ang oras para mag drama kami o mag inarte tungkol sa buhay pag ibig namin dahil nasa kalagitnaan kami ng gulo.





Hindi ko alam kung sino ang kapitan, bahala na si Batman ngayon dahil wala si Thor. Sa totoo lang? Ayokong sumasakay ng eroplano kapag hindi si Thor o kapitan Light ang piloto. Wala naman akong trauma sa mga ganito pero wait lang? May naalala ako kaya meron pala!





Ibang airlines ang sinakyan namin kaya hindi kami pamilyar sa mga taong namamahala at sa nagpapatakbo ng sasakyang pang himpapawid, kinse anyos pa lang kaming apat non at kami-kami rin mismo ang mag kakasama. Nag malfunction bigla yung makina ng eroplano, hindi ma-contact yung Airport kung saan kami pupunta kaya kaylangan namin mag emergency landing sa gitna ng dagat.





"Good morning! Ladies and Gentlemen. Welcome to on-board this flight to London. My name is Leonel Perez and I'm your in-flight service Director. Your cabin crew are here to ensure you have an enjoyable flight to London this afternoon". Sambit ng isang lalaking crew.





Katabi ko si North habang nag iisa naman si West sa upuan niya, mukhang natutulog ata ang gago dahil alam niyo na kung bakit at ano ang sagot. Tangina netong kaibigan ko, talaga bang nag mumukmok siya?! Seryoso? Tol, pupunta tayo sa pinangyarihan ng aksidente.





May tiwala akong buhay pa yung dalawa kaya lang, hindi rin mawawala ang posibilidad na talagang natuluyan silang parehas at kapag nagka totoo iyon? Sasabog si Trinity at tita Thalia tapos isama mo pa si Dawn. Goodluck na lang sa direktor ng Cielo dahil siguradong humanda siya sa tatlong amazona na iyon pero kung babae siya, cat fight lang yan.





"Yung kakambal mo, malungkot". Bulong ko kay North. Tinawanan niya lang ako, hindi ba siya nag aalala kay West? Ayan oh? Naka senti mode nanaman.





"Mahal niya kase yung babae Jared, ikaw rin naman ganiyan noon diba? Mas malala ka pa nga eh. Palagi kang nireregla". He reminisced. Gago ba to? Babae ba ako?




"Kung nireregla ako, ipapahid ko yon sayo para mawala yung masamang espiritu sa katawan mo". Sagot ko sa kaniya.





Habang nag uusap kami tungkol sa bagay na yon, hindi na namin namamalayan na nakikinig pala ang mga stewardess na kasamahan ni Cece kaya kapwa sila nag bubulungan at tila pinag iisapan pa kami ng masama. Mag sasalita pa sana si North kaso bigla kong tinakpan ang bibig niya, baka isipin pa ng mga ito na rapist kami o kung ano.





"Tangina mo North, pahamak ka". Bulong ko sa kaniya.





Hindi siya makapag salita kase yung palad ko ay nasa bibig niya pa rin, baka kase bigla nanaman siyang mag ingay eh. Buti pa tong si West, tahimik na natutulog o nag tutulog-tulugan lang siya para hindi niya makita si Cece kase baka hindi siya makapag pigil at bigla niya itong iuwi sa condo niya ng wala sa panahon.




Maya maya ng kaunti, lumapit na ang mga stewardess at may dala silang pag kain para sa'min. Pag aari ng mga Alvarez ang eroplano kaya malamang, si Trinity ang nagpa handa neto para sa'ming tatlo. Medyo malungkot pala kapag kaunti lang kami sa loob ng eroplano, mas sanay kase ako na mag kakasama kaming lahat kaysa sa ganitong sitwasyon.





"Would you like something to drink? We have soda, coffee and tea as well as alcoholic beverages". Aniya ni Cece sa'kin.





"Sure, how much are the drinks?". Sabat ni gagong North. Kupal talaga tong kakambal ni West kahit kailan, gusto niya pa atang makipag basag ulo sa kapatid niya bago kami bumaba ng eroplanong to.





"Non-alcoholic beverages are free of charge, Alcoholic drinks are five dollars each". Sagot sa kaniya ni Cece.





"Okay, I'd like to have a glass of champagne". Parang nang aasar ang tono ni North ngayon, hindi ko alam kung pinariringnan niya ba si West o talagang trip niya lang mang trip ngayon?





Nag sasalin na si Cece ng inumin sa isang champagne glass at halatang-halata na naso-suffocate na siya sa sitwasyon pero wala siyang magawa dahil parte ito ng trabaho niya, kahit gusto ko siyang tulungan? Ayokong makialam dahil siguradong madadamay pa ako. Mas kabisado ko si West kaysa kay North dahil palagi kaming mag kasama.





Akma nang iaabot ni Cece kay North yung baso na may laman na champagne kaso biglang tumayo ang patay este si West pala tapos biglang inagaw kay Cece yung baso at siya ang uminom non, medyo bastos pero nag seselos lang yan. Siyempre, ex-girlfriend niya si Cece tapos si North ay dating may gusto kay Cece.





Hindi mo rin masisisi yan si Bangkay este West pala, mahal niya pa rin yung tao eh pero kung ako tatanungin? Mali pa rin yon kase tingnan niyo na lang ako. Bago kami mapadpad sa ganitong sitwasyon, nagkita kami ulit ni Lauren tapos nandoon yung lalaking pumuporma sa kaniya.





Si Reece Impakto Avelino, yang kupal na yan? May naka reserve na bala para sa kaniya pero hindi ko muna ibibigay. Next time na lang, kapag hindi na ako busy. Masyado pang puno ang schedule ko ngayon, sunod-sunod na misyon tapos yung pag aaral ko pa. Hindi ako si Naruto okay? Napapagod din ako.






"North, don't do this. Not right now, I'm begging you". Malamig na sambit ni West.






"Ako Cece kahit Margarita na lang". Masyado akong lutang kaya nasabi ko iyon, wala nga pala ako sa Pandora at hindi naman bartender si Cece!





"Jared? Sira ka ba? Hindi to Pandora, nasa eroplano ka". Pabulong niyang paalala sa'kin. Natawa na lang ako dahil sa sarili kong kalokohan. Ewan ko ba kung bakit ko sinabi yon, masyado rin siguro akong depress katulad ni West kaya kung ano-anong sinasabi ko.





"Sabi ko nga po, tubig na lang". Natatawa kong sagot sa kaniya.




"Sir? Would you like something to eat?". Tanong ng isa pang flight stewardess kay North. Ganito ang mga gusto ni Gago, yung pinagkaka guluhan siya ng mga babae. Maalala ko lang ah? Hindi kasali doon si Cece.





"Uh no thanks, I'm good now". Kalmadong sagot ni North sa babaeng katrabaho ni Cece. Hindi na nila nilapitan si West dahil naka yukom ang kamao niya, ako ang nag sabi na huwag na silang mag abala dahil badtrip yan ngayon.






Kapag nagka sakitan, pwede nilang idemanda si West. Kapag nang yari iyon? Maaaring mabunyag na miyembro siya ng isang sekretong organisasyon at patay na kaming lahat. Advance lang ako mag isip, tangina kase tong bangkay na to eh! Hmp! Masyadong mainitin ang ulo, hindi naman nireregla! Tsk..





Siyempre hindi naman sinasadya ni West kung sakaling masasaktan niya si Cece o ang isa man sa mga kasamahan niya kase nga? Mainit lang ang ulo niya. Kumbaga sa nilagang baboy o manok, kumukulo na siya. Para siyang bulkan na sasabog na pero nag pipigil, hindi niya pa mailabas ang inis niya kaya ayan tayo ngayon.




"Alam mo North? Gago ka talaga eh no?". Sambit ko.




"Nang aasar lang naman ako, kasalanan ko bang pikon siya?". Diretsahan niyang pag amin sa'kin. Oh diba? Sinasabi ko na nga ba eh!





Napailing ako. "Hindi mo kasalanan pero alam mo naman ang tungkol doon diba? Bakit mo pa siya aasarin?". Muli kong tanong sa kaniya.






"Jared, sa magka kapatid? Talagang may tarantado. Tingnan mo na lang ikaw atsaka si Riane diba?". Napangiwi ako ng labi dahil ginawa niya pa kaming example sa kalokohan niya. Parang sinasabi niya na ako ang gago sa'min ni ate Riane.






"Palibhasa wala kang love life eh, napaka bitter ng buhay mo. Dapat ikaw na lang ang nag tuloy ng m-". Hindi ko itinuloy dahil hindi pwede, alam niyo na kung bakit bawal. Basta alam niya na ang tinutukoy ko, si North pa ba?





"Ang kapal naman ng mukha mo, marami naman akong babae. Araw-araw? Iba-iba rin kaya sinong mas kawawa sa'tin? Para kang si West, Eros pati si Thor". Aniya ni North. Ngumiti ako ng malawak sa kaniya kase totoo ang sinabi niya, siyempre! Water is not thicker than blood!





"Ikaw siguro ang nawawalang lider ng 'hindi nangangagat squad' kaya umamin ka na sa'kin". Tanong ko sa kaniya.






"Hindi ako nangangagat, lumalangoy lang ako kaya huwag mo kong igaya sainyong apat pwede?". Walang paalinlangan niyang sagot sa tanong ko





Kapwa kami tawa nang tawa dahil sa mga kalokohan namin sa buhay, masyado kaseng negative ang nang yayari ngayon at kung dadagdag pa kami? Aba naman, edi magiging positive pala ang sagot non!





Maya maya ng kaunti, habang nag tatawanan at abala kaming nag bibiruan ay biglang tumunog ang relo ni North. Eto ang ayoko sa relo na iyan eh, napaka ingay masyado!





Yan ang isa sa mga imbensyong ginawa ng team one, napaka laki rin ng ambag nila sa organisasyon pero mas gwapo pa rin kami sa mga miyembro nila. Nasa grupo namin si Thor, Primo, Light, Trinity, atsaka Reidly at etong mga binanggit ko ay ang pinaka delekadong agent na nabuhay sa henerasyon na ito. Ah! Isasama ko na rin pala si Dawn, nakaka takot rin siya.





Speaking of Dawn, mukhang malala ang depression non sa mga oras na ito. Biglaan ang balitang wala na si Thor at Eros dahil sa isang aksidente, gustuhin ko mang sabihin sa kaniya ang binabalak namin ay hindi ko maaaring gawin iyon. May kinalaman kami ni West, kasama kami noong mga panahon na pinag uusapan pa lang namin ang plano.





Ngayon ko lang naalala at napag tanto ang bagay na ito, alam ni Vice Commander na ang pusong tumitibok sa loob ng katawan ko ay hindi ko naman pag aari. She knew that I won't accept the mission no matter what, so she tried to offer it to me rather than to Eros but in the end? It wasn't me who took it.





Matagal pa ang oras bago kami makarating sa pupuntahan namin kaya nag pasya muna akong matulog, bahala na si North sa buhay niya. Basta ako? Gusto ko ring mag pahinga dahil may pasok pa ako sa mga susunod na araw. Buti nga hindi nag tataka ang nga guro ko eh, sabagay? Hindi niyo ba alam?





Halos lahat ng estudyanteng nag aaral sa St. Valentine ay mga miyembro ng Cielo pero ang iba ay mga guro, siguro nasa forty-five percent ng estudyante tapos twenty percent naman sa mga guro at iba. Curious ako kung bakit at papaano nang yari ang bagay na iyon, wala namang alam si Psyche sa Cielo.





Siya ang may ari ng St. Valentine kahit ang bata niya pa, hawak niya rin ang Classico Hotel. Buti nakakapag pahinga pa iyon ng maayos, o baka hindi naman siya natutulog? Makaka tulog ka pa sa dami ng tambak na gawain mo? Oo may trabahador pero ikaw pa rin ang magma manage non edi ganon pa rin ang ending.





Ilang oras lamang ako naka tulog dahil ang ingay ng katabi kong may kausap sa telepono niya, malamang? Isa nanaman sa mga babae niya ang kachikahan niya. Tangina? Anong oras na ba? Nang bubulabog tong kupal na to eh! Pati nasaan na ba yung mga stewardess? Bakit ayaw nilang sawayin si North?!






"North, huwag ka munang maingay. Maaga pa". Aniya ko.





"Gunggong, talagang maaga na kaya gumising ka na diyan pati malapit na rin tayo kaya oras mo na para bumati sa haring araw. Diba babe?". Masayang sambit ni North.





Napakamot ako sa likod ng ulo ko, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napag tantong umaga na nga talaga. Kasalukuyang kumakain ng agahan si West habang etong katabi ko naman ay parang tanga, kausap niya nga yung babae niya ay take note? Naka video call pa! Mga hampas lupa!





"Ano West? Wala ka na bang sapi? Okay ka na?". Tanong ko.




Mali pa lang tinanong ko iyon sa kaniya, ayan tuloy oh? Naka salubong nanaman ang mga kilay niya tapos masama ang tingin sa'kin. Balak niya na ata akong patayin o kung ano man, hindi pa ata siya nakaka kain kaya beast mode pa rin. Highblood nanaman tong tropa ko, nasaan na ba si Pampakalma?




Speaking of the good devil, paparating na siya at may dalang pag kain para sa'min ni North. Si West pa lang ang nakikita kong kumakain eh, baka masyado kaseng demanding tong katabi ko kaya nagpa huli siya o baka kase busy pa siyang kausapin ang babaeng isang araw lang naman ang itatagal.





"Galit ba sa'kin si West?". She asked while serving us.




"Hindi yan galit sayo, puyat lang yan kaya huwag mo nang pansinin". Sagot ko sa kaniya. Cece smiled a bit then left cause she's done, all she had to do is arranged the plate in front of us so it's not that complicated after all.





Humahanga ako sa kaniya, bakit?




Ewan ko rin eh pero hindi ko siya gusto ah, humahanga lang talaga ako sa ugali niya. Sa lahat ng babaeng lumaki sa hirap, si Cecelia lang ang nakilala kong babae na mayroong galit sa mga mayayaman. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa niya kay West, apat na taon na ang nakaka lipas. Isa siguro yon sa pinaka best memories namin!!





"I feel like putting a bullet on your head right now, should I?". Sagot ni West sa'kin. Masyado namang harsh to! Parang hindi kaibigan amputcha!





"Huwag naman po, masyado ka namang galit. Nag tatanong lang ako eh!". Reklamo ko kay West. He smirked then took a bit of his process pancakes, hindi na yan bagong luto kase wala namang kusina dito sa loob ng eroplano.





"Stop asking dumb questions right now, North is enough". Malamig na paalala ni West sa'kin. Bigla akong natawa habang pinag mamasdan si North na medyo nakakunot ang noo dahil sa sinabi ng kakambal niya, sabagay? Ramdam ko siya kaya tamang manahimik na lang ako at kumain.





Bihira naman akong kumain ng agahan pero masarap ang pag kain namin ngayon kahit ininit lang naman to sa microwave ng ilang minuto tapos nilagyan ng sauce, voila! May almusal na kaming tatlo. Napansin ko lang na kanina pa tingin nang tingin sa'kin tong babae na katabi ni Cece, trip ba ako neto? O baka kase may panis na laway pa ako?




Pwede din namang ang gwapo ko, well? Naiintindihan ko naman kung bakit siya hindi makapag pigil na tumingin sa'kin pero pasensya na kase may Lauren na ako. Mahal ko pa din yung babaeng iyon eh, hindi ko kayang humanap ng iba. Ganon ko ka-mahal ang babaeng iyon!





Lauren is like the tattoo on my lower back, I had it when I was a kid like the rest. It's a painless tattoo but it's not easy to remove as it seems, I've been it once. Those agents who permanently quit their job as an Cielo agent, their tattoos will get removed but in the most painful way possible.




She's a part of every inch of me, Lauren is not someone whom I can remove whenever I pleased. When I told her that I loved her, my only goal is to marry her and make her the mother of my children. Love isn't about finding someone you can live with, it's about finding someone you can't live without.





I can no longer live without Lauren, they can take everything else but for the love of God, please not her. This life of mine is useless without her by my side, for now? I have to set her free so she won't be in danger because of me. My job is to protect her at all cost, and we are ending this catastrophe for the sake of our loved ones.





"Sir? Anything else?". Tanong ni Cece sa'kin. Kanina pa pala siya tapos at hinihintay akong matapos kausapin ang kambal.






"Wala na Cece, salamat atsaka alisin mo na yung 'sir' kase ang awkward pakinggan. Huwag kang mag alala, hindi ka nilasisisantehin, ako ang bahala". Masaya kong paalala.





"Sige kutong lupa na lang ang itatawag ko sainyo, mukha namang mas gusto niyo pa iyon kaysa sa 'Sir'  eh". She replied then smiled.





Dapat pala hindi ko na lang pinuna, si Dawn kase eh. Kutong lupa? Sa gwapo kong to? Seryoso ba silang lahat? Patay na patay kaya sa'kin yung mga babae!





Naalala niyo pa ba noong unang beses kaming nagka banggan ni Lauren? Sa St. Valentine? Diba mga babaeng nag aaya sa'kin? Madami sila! Hindi lang isa! Tapos tatawagin lang akong kutong lupa?! Hindi yan makatarungan!!






Hindi nga pala kami naka uniporme ngayon, kaya rin pala dito kami naka sakay imbis na sa helicopter ng Cielo. Nakaka panibago lang talaga kase masyadong malaki tong eroplano para sa tatatlong pasahero, iilan lang din naman ang crew na nandito kabilang na ang piloto pati co-pilot.






Saktong alas dyes na kami nakarating sa Airport ng London at hinding-hindi ko makakalimutan ang kabobohan ng kakambal ni West, sukat akalain mo ba namang hawakan yung hinaharap nung kasamahan ni Cece? Aksidente naman pero shoot eh! Saktong-sakto!! Kaya ayan, nasampal siya at namumula pa rin hanggang ngayon.






"Sakit ba?". Natatawa kong tanong.




"Oo pero malambot". Diretsahan niyang sagot.





"Anong malambot?". Hindi ko maiwasang matawa ng todo, tangina kase neto ni North eh. Puro kalokohan ang alam kahit nasa gitna kami ng seryosong sitwasyon.






"Gago ka Jared, tantanan mo na nga ako. Inggit ka lang eh, yan! Masyado kang faithful! Hindi mo tuloy nagagawa ang mga nagagawa ko, para kang eto!". Sambit niya sabay turo kay West. Hindi niya naman kami naririnig, nagsa sound trip si pareng West.






"North, take us to the hotel now. I'm still tired and you're too noisy since yesterday, leave us there and don't come back until you're done blabbing nonsense". Medyo iritadong sambit ni West. Masyadong demanding ang tropa ko, ganiyan talaga yan pero may kahinaan yang gago na yan.






Nakalagpas na kami sa mga checking at nandito na kami ngayon sa labas ng Airport, teka lang? Hindi naman namin dinala yung sasakyan kaya anong gagamitin namin ngayon? Sige nga? Ang talino neto ni North, hindi nag dala ng sasakyan! Ano?! Mag lalakad kaming tatlo?!






Nag hintay kami ng ilang minuto sa harapan kahit naninigas na kaming tatlo dahil sa sobrang lamig, maya maya ng kaunti ay may dumating na limousine at doon kami sumakay. Si Trinity pa rin ang nag ayos non, masyadong mayaman ang kapatid ni Thor kaya huwag na kayong mag taka. Nakaka takot lang talaga siya pero si Dora yan, palaging prepared pag dating sa ganitong mga bagay.






"Napaka tagal dumating ng sasakyan, nilalamig ako!". Reklamo ni  North.




"Hoy mga gago? Naririnig niyo ba ako?". Biglang nag salita yung teddy bear na nasa harapan namin, kinuha iyon ni North at tiningnan ng maayos.




"North, can you stop being a moron? Now is not the right time for you to act like one. Aurora is with me, susunod kami diyan at kinabukasan na ang dating namin". Dagdag niya pa. Sino yung nag sasalita? Huwag kayong matakot, si Trinity lang yan.






"Sinasapian yung manika! Trinity? Ikaw ba yan?". Inosenteng tanong ni North.





"North, I swear you're a dead meat tomorrow if you don't stop acting like a goddamn lunatic". Seryosong aniya ni Trinity.





Biglang binitawan ni North yung manika. "Eto naman hindi mabiro, para kang si West". Ani ni North.






"I need you all in this matter okay? Aurora is with me. You can't laugh nor make fun of everything, act like you're sad and don't tell Vice Commander nor Commander Jeremiah that I knew this plan all along because Thor told me himself". Paalala niya.




Wala naman akong balakubak pero napapakamot ako, may common sense naman ako. Hindi niya na kaylangang ipaalala ang bagay na iyon sa'kin, isa pa? Kapag nahuli siya? Lahat kami madadamay. Wala pang masyadong naalala si Dawn tungkol sa nakaraan, hindi niya rin alam na mga agent kami. Ni hindi niya na nga naalala yung Cielo eh!





"Be careful there and wait for us, don't do anything stupid". Huling dagdag ni Trinity tapos biglang naputol yung linya.






Nag tawanan na lang kami ni North habang si West ay para pa ring patay na nakikinig sa musika, masyado siyang galit sa mundo kaya mas maigi pang pabayaan na lang namin siya kaysa kami pa ang mapag initan niya. Matapos ang ilang oras na byahe, nakarating na rin kami sa hotel. Wala na akong pake kung sino ang may ari neto, kaya ko rin bumili ng sarili kong hotel pero hindi ko ginagawa.




Agad kaming nag tungo sa hotel room namin para mag pahinga dahil kinabukasan? Siguradong pare-parehas kaming magiging stress dahil sa sitwasyon, hindi pa rin kase nakikita ni North yung signal at exact location nung dalawang baluga. Baka may nang yari na sa kanila at hindi iyon maganda.



**************************

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 746 88
She needs saving. Can he save her?
5.7K 359 70
"I love you seven thousand."
6.5K 178 35
"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she m...
539K 28.7K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...