Under The Twilight Sky (KOV #...

Av xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... Mer

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

Cherries And Strawberries

41 0 0
Av xxxSerenityxxx22




**************************


Jared Vincent Chavez



Didiretso si West, Eros at Thor sa ward ni Dawn habang ako, si North at Light naman ay nag babalak umuwi ngayon dahil gusto na namin ng matinong pahinga atsaka malambot na higaan. Ilang araw na akong humihiga sa matigas na simento tapos wala man lang kumot o unan, sa mansyon namin ay marami niyan kaya mas gusto ko doon!



"Ano North? Uuwi ka ba?". Tanong ko.


"Gago joke lang yon, hindi ako uuwi. Wala si West sa bahay tapos wala rin doon si mom at dad kaya ayokong mag isa pati may magandang nurse dito, malaki ang ugali niya". Masayang sagot ng gago sa tanong ko. Tama ba ang pag kakarinig ko sa sinabi niya? Malaki daw ang ugali? Hindi ba dapat maganda?




Ay teka nga lang, malaki? Ah! Tangina mo talaga North!! Napaka manyak mong kupal ka! Kapag ikaw naka buntis? Hindi ako magni ninong! Hayop to! Gumaya ka nga sa kakambal mong matino kaso parang patay, at least hindi yon gago ng harap-harapan.



"Tangina ka North, mag bago ka naman atsaka sino yung kahalikan mo last week? Agent yon ng Cielo, hindi natin ka-team member". Tanong ni Light sa kaniya.





"Ah yon? Wala lang yon, ONS ko lang yon". Walang pag aalinlangan niyang sagot sa katanungan. ONS? tangina ano nanaman yon? Mga pauso talaga netong kupal na to eh.






"Huh? ONS? ano yon?". Muling tanong ni Light sabay kapwa kami tumingin sa kaniya, parehas kaming naguguluhan at walang ideya sa mga kalokohan niya.




"ONS as in One Night Stand, na-extend lang ng sandali last week pero wala na yon. Alam niyo namang hindi ako seryoso pag dating sa mga babae kaya tama rin na hindi ko kinuha si Cece kay West, kung ginawa ko yon? Baka isinusumpa na ako ng buong pamilya niya at ng kapatid ko ngayon". Natatawa niya pag sagot sa'min.





Sabagay, maganda at tama naman ang punto niya dahil kung nagka taon? Baka nag patayan na silang dalawa ni West dahil kay Cece. Isa pa, si Cece? She's not your typical lady whom you can meet everywhere at your every day life. She's one of a kind like Aurora, Lauren and Psyche. Losing a girl like them is like throwing away some rare pieces of gems while picking up some stones that doesn't have any worth.




"Either way, you did a right choice. Let those two be happy but didn't they end their relationship?". Tanong ni Light. Ayun lang! Nakalimutan ko ang parte na yon, Isa't kalahating taon na hiwalay si Cece atsaka West habang kami naman ni Lauren ay saktong dalawa na pero nag bibilang pa rin ako ng anniversary namin kahit na wala na kami. Trip ko lang, bakit ba kayo?





"Ah Oo, umiyak pa nga si West eh! HAHAHAHAHA ang panget niya kapag umiiyak siya kaso bawal ko naman siyang tawanan kase nakaka aawa na ewan". Gago talaga tong si North kahit kailan. Wala ba tong problema sa buhay niya? Aba mabuti pa tong taong to, sa'min lahat? Siya lang tong parang malaya sa lahat ng stress.






Nandito kami sa gilid ngayon habang nag uusap, maya maya pa ng kaunti ay naka salubong namin si Primo na nagma madaling tumatakbo. Mukhang patungo ata siya sa future brother-in-law niya na baka nag papalit na ng damit ngayon kasama si West at dahil curious ako kung bakit siya tumatakbo, hinarang ko siya para makapag tanong.






"Prims? Saan ka punta? Tinatawag ka na ba ng kalikasan?". Masaya kong tanong sa kaniya.






"G-Gago, hindi ako t-tinatawag ng k-kalikasan. S-Si Dawn g-gising n-na s-siya!". Hinihingal niyang sagot sa'kin. Automatiko kaming napangiti dahil sa sinabi niya, narinig din yon ng dalawa kaya sumenyas na lang sila sa'kin kaya agad kaming nag bago ang isip.






Pinabayaan na namin na tumakbo si Primo palayo para tawagin si Thor at ipaalam sa kaniya ang napaka gandang balita na matagal na niyang inaasahang narinig, didiretso na kami sa ward ni Dawn para mang buraot este mangamusta pala kase sabi ng doktor noon ay may malaking posibilidad na magkaroon o makaranas siya ng short term amnesia.





Pag dating namin doon, tinitingnan siya ng mga doktor kaya bahagya muna kaming gumilid at nanood. Of course, Tita Adrianna is crying her eyes out because of joy. Same goes for tito Isaac, idadagdag ko sana si Primo kaso sinusundo niya pa ang baliw na si Thor. Nang matapos na ang doktor, lumapit din kami sa kaniya at agad siyang pinag masdan.





"Hi Dawn! Naalala mo pa ba ako? Ako to! Ang pinaka gwapong nilalang na nabuhay sa mundong ibabaw". Masaya kong bati sa kaniya. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, huwag mong sabihing hindi niya ako kilala? Kung ganon ang sistema edi baka hindi niya rin naalala si Thor.





"Ma'am Adrianna, I don't get it. Is Code XXII alright? Can she still remember us?". Tanong ni Light.




"We're not sure of that either, she knew us but I don't know if she can recall everyone including Thor himself". Diretsahan namang sagot sa kaniya ni tita Adrianna. Medyo malungkot siya habang binabanggit ang mga salitang iyon, ngayon? Nag bago na ng kaunti ang itsura ni Dawn pero ang ugali? Mukhang slight lang naman.





Ugali as in attitude hindi ugali as in yung tinutukoy ni North kanina ha! Huwag niyo kong igaya kay North dahil sugo ni Asmodeus yan eh. Mabait lang siya kapag tulog kaya dapat palagi na lang siyang tinuturukan ng pampatulog katulad ng ginawa namin kay Thor noon, hindi ko pa rin nakakalimutan yon dahil medyo nataranta talaga kaming lahat.





Hindi naman mabigat si Thor pero ang hirap niyang pigilan dahil masyado siyang malakas, isipin mo to ah? Ilang doktor na ang pumipigil sa kaniya pero ni isa man lang doon ay walang maka pigil sa nag wawalang Thor. Hayst, nakakaawa siya noong mga panahon na yon pero kaylangan kase talaga siyang patulugin muna para hindi na makapang gulo pa ng todo.





"Ang mahalaga, gising na si Dawn!". Hiyaw ni North.




Pagka sabi niya non, bumukas ang pintuan at nandoon na ang bagong ligo atsaka palit ng damit na si Thor. Nasa tabi ni Dawn ang mga magulang niya pero para kay gago ay sila na ang nag adjust at nag bigay daan, special treatment atsaka VVIP tong kaibigan namin eh. Sa una ay pinag mamasdan siya ni Dawn na para bang hindi niya nakikilala si Thor kaya medyo kinabahan ako, baka dito mag amok si Thor eh.





"Dawn? It's me Thorin, Can you recognize me?". He asked. Base sa itsura ni Dawn ngayon ay parang sinasabi niya na Oo, hindi, pwede pero depende. Medyo magulo talaga lalo na't kakagising niya lang mula sa pagkaka tulog sa loob ng dalawang taon straight, walang gisingan o kahit inom man lang ng tubig.




Dahil masyadong excited ang kaibigan namin, agad niyang niyakap si Dawn ng walang pag aalinlangan o pag dadalawang isip man lang. Miss na miss niya na talaga si Dawn kaya wala na siyang pakealam ngayon, naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil siguradong ganiyan din ang magiging reaksyon ko kung sakaling kami ni Lauren ang nandiyan pero huwag naman sana. Mahal mo yon eh, hindi ko siya kayang makita sa ganitong sitwasyon.






Masyadong mahigpit ang pag kakayakap niya sa bagong gising na si Dawn kaya bahagya naman itong nag reklamo, bumitaw tuloy si Thor bigla at hinayaan siyang huminga ng maluwag. Naiintindihan ko naman nga ang nararamdaman netong kaibigan ko pero kakagising lang nung tao tapos gusto mo nanaman siyang matulog ng mahimbing?





Humingi ng tawad si Thor sa kaniya at ipinaliwanag na hindi siya nag bibiro tungkol sa pag tulog niya ng higit sa dalawang taon o seven hundred thirty days, ganon kahaba ang tulog ni madam Aurora este Dawn pala. Hindi alam ni Thor ang gagawin niya dahil parang may nararamdaman atang hindi maganda si Dawn, agad siyang nataranta at nag tanong.





"This won't do, I don't wanna force you okay? Let's take it easy. For now? You should just rest, we'll explain everything later". Sambit ni Thor atsaka binigyan niya ng isang matamis na halik ang noo ni Dawn.





Hindi na sumagot si Dawn, agad na lamang siyang humiga at bumalik sa pagiging sleeping beauty niya. Ngayong gising na siya, tumatakbo na rin ang oras ni Thor at Eros. May kaunting panahon pa naman silang dalawa para humarot ng kaunti sa mga mahal nila sa buhay, until then? Kaylangan nilang siguraduhing nakapag paalam sila ng maayos o at least nakapag bigay ng pahiwatig.





Ang planong iyon ay matagal na talagang napag usapan at ang orihinal na gagawa non ay dapat ako atsaka si Thor kaso lang ay hindi pala ako pwede kase una sa lahat, hahanapin ako ng buong pamilya ko lalo na ni ate Riane, pangalawa namang rason ay balak kong mag abogado at mag establish ng law firm at pang huli naman ay tinanggihan ko.





Hindi ko kayang gawin ang bagay na yon, masyado akong gwapo para gawin yon. Si Eros din naman gwapo kaya siya na lang at isa pa, mas higit na bagay siya para sa misyon na yon. Simple lang naman ang gagawin nila eh, magiging mahirap lang ng kaunti sa gitna at dulo pero sigurado akong kakayanin nilang parehas yon.





"Dude, labas muna tayo. Nag papahinga na si Dawn eh, hindi na ulit babalik sa pagiging sleeping beauty yan kaya kumalma ka kahit sandali". Paalala ko sa kaniya.





"Ilang araw na tayong walang pahinga Thor, pwede naman tayong bumalik maya-maya kapag nagising na ulit si Dawn". 0ag sangayon ni West sa sinabi ko.





"Hindi ako aalis sa tabi niya, dito lang muna ako. Pwede na kayong umuwi o mag pahinga lalo ka na Jared, may exam ka sa susunod na linggo diba?". Buti na lang at binanggit niya ang bagay na yon dahil muntik ko pang makalimutan.






"Hindi pa naman ako pagod, ayos pa ako kaso ikaw? Kayong lahat dito. Hindi ka immortal Thor, hindi ikaw yung anak ni Odin kaya huwag kang assuming". Pag bibiro ko pa sa kaniya. Bahagya naman silang tumawa dahil doon.





"Uuwi muna ako sandali para magpa kita sa ate kong paranoid kase baka mag report na yon sa pulis na missing person ako, aba! Nakaka hiya yon". Sambit ko.





"Same, I have to let my mom know that I got back from Japan". Natatawang sabat ni Eros. What the fuck? Japan? Eh galing kaya tayo sa China! Talkshit ka ha! Masama yan!!





"Hey, we need to go home as well. Mom and dad are looking for us and we badly need to go". Aniya ni West sa kakambal niya.





Nagpaalam na muna kami sa kanila na uuwi lang kami sandali para magpakita sa mga pamilya namin, bago pa kami maka alis ng tuluyan ay nag bilin si Primo na bumili kami ng mga makakain para mamaya kung sakaling magigising si Dawn ay mayroon siyang makakain na matino.



Kami na sa desserts dahil malapit lang naman yung sikat na bakeshop sa'min, doon binibili si Primo ng strawberry cheesecakes na paborito ni Dawn. Dumadayo pa siya doon para lang doon, masyado siyang masipag na kapatid. Sana meron din akong kuya na katulad niya kaso binigyan ako ni lord ng ate na may toyo sa utak at aswang, hindi ba naman natutulog!





May kani-kaniya kaming sasakyan na dala kaya siyempre solo lang kami sa loob non, pag balik namin sa ospital ay siguradong may tatamarin kaya isa na lang ang mag dadala at mag susundo sa mga tamad na nilalang. Hindi na daw mag dadala ng kotse si Eros pag balik kaya sunduin ko na lang siya, si West naman ay mag dadala pa rin kaya siya na ang bahala sa kakambal niyang pasaway.





Habang nag mamaneho, bigla akong tinawagan ni ate Riane kaso hindi ko naman masagot ang tawag niya dahil nag mamadali na nga ako. Hindi ba uso ang kumalma sa kaniya? Pwedeng chill? Eto na nga pauwi na oh! Masyadong atat to, akala mo naman talaga... Kaya single pa rin eh.





Puro short cuts at singit ang ginawa ko para lang makarating kaagad sa mansyon, pag dating ko naman doon ay nag hahantay si ate Riane sa tapat ng pintuan ng mansyon habang nakapamewang. Para siyang model... ng toyo! HAHAHAHAHAHA!!





Sa harapan lang ako nag parada, agad akong lumabas ng kotse ko pag tapos kong mag patay ng makina. Isang malawak na ngiti ang binigay ko sa kapatid kong parehas salubong ang mga kilay at parang umuusok ang mga tenga, hindi naman bulkan ang kapatid ko ah?





"Where have you been?! I was so worried about you!! Damn it..". Iritado niyang salubong. Sinuntok niya ako sa dibdib pero hindi naman ito masyadong masakit, umiiyak si ate Riane... Bakit?






"Bakit ka umiiyak? Buhay pa ako". Kalmado kong sagot.




"Hindi ako umiiyak! Nanaginip lang ako ng masama kagabi kaya agad akong umuwi, hinahanap kita pero sabi ng mga katulong pati nila daddy na kahapon ka pa daw walang paramdam sa kahit kanino". Paliwanag niya naman sa'kin. Ah, panaginip lang naman pala eh. Hindi yon magkaka totoo! Tinanggihan ko na ang meeting kasama si Lucifer.





"Ate Riane, kalma ka lang okay? Akala mo ba hindi ko alam? Kapatid kita at palagi mong tatandaan yan, kumbaga kay West atsaka North ay walang taguan ng sekreto". Masaya kong tugon sa sinabi niya. She already knew what I meant by that, kilala ko rin ang mga taong sumaklolo sa'min noong sumabog ang gusali kung saan naaksidente si Nikka at Dawn.





"I don't care kung alam mo! Just be fucking careful or I'll kill you twice!". Sigaw niya sa'kin. Nasira ang eardrums ko, send help naman diyan!





"Hindi naman ako baboy para ma-double dead, kumalma ka na kase panaginip lang iyon. Tinanggihan ko ang misyon, hindi ako ang pupunta at makikipag kita kay Satanas". Pabiro kong sambit sa kapatid ko. Bahagya akong umakbay sa kaniya para mas lalong maging panatag ang pakiramdam niya, ganito lang talaga ang kapatid ko.





She knew that I'm an agent and to be exact, everyone knows except for Jacob cause he's too young to know these kind of stuff. Furthermore, he doesn't have to get involved with it. I'm sure Tita Jacqueline won't allow him to be like me either, this job isn't a play ground for kids. It's for adults, for those people who kept on looking for a reason to live and survive.





Cielo is a huge secret underground organization, it may seemed like a messy place but somehow, it's peaceful and quiet. Maraming tao dito ang natagpuan ang mga sarili nila at nagkaroon ng rason o dahilan para muling mag patuloy sa buhay, ang karamihan kase sa kanila ay wala ng pamilya kaya wala na silang pake kung may ibang naapektuhan sa ginagawa nilang mali.





"But seriously, I'm asking you. Where have you been?". Tanong niya sa'kin. Napakamot ako sa likod ng ulo ko, wala kong kuto o kung ano man ha! Hindi ko lang kase alam kung papaano sasagutin ang tanong ng kapatid ko.





"Sa China, kakauwi lang namin". Medyo nag aalangan kong sagot sa tanong niya. Pagka sabi ko non, bigla niya akong binatukan ng malakas kaya medyo mahilo ako ng slight.





"Para yan sa kalokohan mo, pinag alala mo ko! Alam mo ba yon?! Bwesit ka! Pasalamat ka at hindi ka na bata kung hindi? Grounded ka for a year!". Iritado niya nanamang sambit. Oo, mabuti nga talaga na hindi na ako bata kase kung bata pa ako? Baka araw araw akong umiiyak at siya ang may kasalanan.





"Ang sama mo naman, si Dad nga isang araw o dalawa lang tapos ikaw isang taon? Kawawa naman ang mga magiging pamangkin ko". Pang aasar ko sa kaniya. Wala naman siyang boyfriend o fiance kaya papaano siya magkaka anak?





"Tara na nga, may isa pa akong sasabihin sayo pero mas gusto ko na kasama natin sina Daddy". Pag anyaya niya. Eh? Hindi ako pwedeng mag tagal! Kukuha lang ako ng kaunting gamit atsaka pera para kahit hindi ako umuwi ay ayos lang kase may gagamitin naman ako.




Kapwa na kami pumasok sa loob pero imbis na dumiretso sa kusina kasama niya ay umakyat ako sa taas, kaylangan ko na rin ng ligo dahil ang lagkit ko na tapos amoy pawis pa ako pero amoy baby yung pawis ko! Mainggit kayong mga amoy patis! HAHAHAHAHAHA!!





Hindi naman ako masyadong nag tatagal sa banyo lalo na kapag mayroon akong pupuntahan, pawis at alikabok lang naman ang kaylangan kong alisin dahil kanina sa Cielo ay automatiko na kaming dinedisinfect gamit ang automatic na machine doon na ginawa ng team one. Isa yon sa pinaka mahal nilang projects, swerte nila dahil ang team nila ang may pinaka malaking funds at allowance.




Matapos kong maligo, agad akong nag bihis at nag impake ng kaunting mga gamit na kaylangan ko. May mga sitwasyon kase na talagang magiging dahilan para mawalan ka ng oras na umuwi sa bahay, tulad na lang ngayon kase gising na si Dawn matapos ang dalawang taon. Dadalhin ko na rin ang mga case files na kaylangan kong aralin kase next week, alam niyo na!





Nang galing pa ang mga ito kay Freya, ka-batch ko siya pati mabait yan kaya hindi niya ako nakikitang kalaban o kakumpetensya sa kahit saang bagay. Si Freya? Hindi ko siya girlfriend okay? Kay Lauren lang ako forever and ever and ever and ever!!





Let's just that Freya is one of my trustees, balak ko siyang kunin kapag nakapag tayo na ako ng sariling law firm. May nakita na akong lugar atsaka may mga na-hire na rin akong tao, siyempre hindi pa sila ngayon mag sisimula! Wala pa yung lisensya ko eh! Kalmado lang muna kayo!




Isang taon na rin ang nakaka lipas mula noong lumipat si Lauren sa department ng mga law student pero hindi kami mag kasama, nakiki balita lang ako kapag may oras dahil nakikita pala siya ni Freya atsaka Owen. Pumapasok ako pero iba ang schedule ko, sakto iyon dahil kaunti lang ang mga tao este wala palang tao maliban sa mga katulad kong aswang.





Kapag may pera ka o ang pamilya mo, madali lang mag request ng sariling schedule. Maliban sa may pera ang mismong pamilya ko at mayroon din akong sarili, hindi naman libre ang pagiging agent namin no! Binabayaran din kami. Kapag mas malaki ang misyon ay mas solid din ang bayad, may mataas na tiyansa kase na kakaylanganin mo ang perang iyon pambayad ng hospital bills o sa pampalibing mo.




Dahil nakuha ko na lahat ng kaylangan ko, ibinato ko sa baba ang bag na iyon para mapunta sa bubong ng sasakyan ko. Hindi kase pwedeng makita yon ni ate Riane, baka hindi na ako pauwiin non habang buhay! Nakaka takot!!





Pwede na akong bumaba ulit kaya agad akong dumiretso sa kusina at naabutang kumakain ang mga kasama ko dito sa bahay, nag tatawanan pa man din sila ngayon. Ano kayang meron? Tangina naman, hindi ako pwedeng mag tagal dito kase nasabi ko na kay Thor na kaming bahala ni Eros sa dessert ng jowa niyang kakagising lang.






"Sit down son, your sister has a good news for us". Sambit ni amang hari este dad pala.





"'Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa, I'm getting married again. Gusto ko lang kunin ang blessings ninyong lahat". Diretsahang anunsyo ng kapatid ko. Nalaglag talaga ang panga ko matapos kong marinig iyon mula sa kaniya, aba! Gusto mo nanamang umiyak?! Sino yan ha?! Sino?!!!





"Wala akong tiwala sa mga pinipili niyo, hindi ko ibibigay ang sa'kin kaya huwag niyo na akong tanungin". Seryoso kong sagot sa sinabi niya. Ayoko na siyang makitang nasasaktan at nadudurog, lalaki ako at minsan? Hinihiling ko na sana ay hindi na lang dahil nakaka hiya.





Ikinahihiya ko na kauri ko ang nga rapist, mahilig manakit ng mga babae at mahilig mang abuso. Kapag may nang yayaring krimen sa bansa, automatikong nadadamay ang lahat ng lalaki tapos makikita mo na lang sa Facebook na 'all men are trash' ang caption sa mga bawat post. Nakakatuwa ba yon? Nananahimik akong tumatapos ng misyon tapos pag tingin ko ay basura na pala ako, hindi man lang ako nainform!






"Well, I want to meet him first. That's all". Malamig na sagot ni dad kay ate Riane.






"Riane, hindi ko intensyong makialam sa desisyon mo pero sigurado ka bang ayos ka na?". Tanong ni Tita Jacqueline sa kaniya. Hindi ko rin alam kung okay na siya o hindi, halos hindi na kase ako umuuwi sa bahay eh.






"This is funny but I can't laugh, masakit ang lalamunan ko. Kalma lang ako, I'm just kidding okay? Wala pa akong boyfriend but I'm looking for one. Ayokong tumandang dalaga eh". Natatawang sambit ng kapatid kong may toyo sa utak, masyado na siguro siyang depress kaya ang hilig niya magpa kaba ng mga taong nakatira dito sa mansyon.






"Ayos lang sa'kin kahit tumanda kang dalaga, at least hindi ka palaging nagmumukmok sa kwarto mo o sa Pandora kasama si Psyche atsaka Avi". Tugon ko sa sinabi niya. Bigla nanamang naging salubong ang kilay niya, masyadong HB kaagad!






"Oo nga pala! Mauna na ako ulit! May lakad ako! Paalam!! Hindi muna ako uuwi ngayong gabi, baka bukas na lang!!". Masaya kong sambit atsaka agad na umalis. Hahabulin pa sana ako ni ate Riane kase hindi niya ako naabutan, heels pa more!







Pag labas ko sa bahay, automatiko akong dumiretso sa sasakyan ko para itago ang gym bag na puro gamit ko atsaka mga kayamanan na rin. Bibili muna ako ng strawberry cheesecake bago ko susunduin si Eros the great, baka mamaya bigla pang tumawag si Thor ng wala sa panahon eh.






Tulad nga nang sinabi ko kanina, malapit lang dito ang bakeshop na yon kaya nandito na ako matapos ang sampung minutong byahe. Medyo mahaba ang pila pero naka abot naman ako at naka bili ng cake para kay Dawn, iba ang gusto kong flavor kaya bumili na rin ako ng para sa'kin at sa iba pa.






"Mag kano lahat Miss?". Tanong ko sa kahera.





"Uhmm, 6500 po lahat Sir". Sagot niya sa'kin. Credit card ang ginamit ko para naman mabawasan ang laman nito sa loob, baka mag taka na ang bangko eh.





"Sir excuse me po, may girlfriend na po ba kayo?". She asked randomly. Alam niyo ba yung 'WTF' reaction? Yon ang itsura ng mukha ko ngayon.





Hindi naman nila ako ininform na trabaho rin pala nilang mag tanong kung may girlfriend ako o wala, mga chismoso at chismosa pala tayo dito!






Inilabas ko ang telepono ko para makita niya. "Sorry Miss pero may asawa na ako eh, buntis pa naman siya ngayon kaya pasenya na". Masaya kong sagot sa kaniya. Sinasadya kong ipakita ang telepono ko kung saan litrato namin ni Lauren ang locks creen wallpaper.







Lahat ng mga babaeng customers pati na tong kahera ay mukhang nang hihinayang, well? Anong magagawa natin? Taken pa rin ang puso ko. Kasalanan ko bang mahal ko pa rin si Lauren at ayoko sa iba? Siyempre hindi, walang mali sa pag mamahal. Palabas na sana ako kaso biglang nag ring ang telepono ko, tumatawag na si Thor.





Ako: Oh ano? Problema mo?



Thor: Gising na si Dawn, nasaan na kayo?



Ako: Nasa imong heart!





Bigla akong natawa dahil sa sarili kong kalokohan, aba hindi ka makapag hintay! Edi sana ikaw ang dumayo dito para lang bumili ng cake diba? Hindi ko naman girlfriend si Dawn pero ang gumagawa nito para sa kaniya. Hayst...




Thor: Gusto mong alisin ko yang heart mo? Dalian mo na!






Ako: Oo na eto na! Masyado kang atat, ikaw kaya pagka guluhan dito para maranasan mo namang maging gwapo!




Thor: Ulol! Creamstick pa!




Ako: Tangina mo paalam na, susunduin ko na si Eros tapos didiretso na kami diyan.




Hindi ko na siya pinasagot, agad kong ibinaba ang telepono at lumabas ng bakeshop para matapos na ang kakapantasya ng mga kababaihan dito. Nilakasan ko na nga yung sinabi kong may asawa na ako eh, bonus pa yung buntis pero baliwala pa rin eh. Anong magagawa ko? Wala naman diba?





Ngayon, didiretso na ako sa mansyon ng mga Rodriguez para sunduin ang VVIP namin na kaibigan. Si Mr. Kupido AKA Mister ni Psyche, curious lang ako ah? Sino kayang unang ikakasal sa'ming apat? Pusta ko? Si Thor o kaya si West.. Malabo namang ako, hindi pa kami okay ni Lauren. Same shit kay Eros pati Psyche.





Pag dating ko sa kanila, para siyang gago na hindi mo maintindihan. Mabuti na lang at sa back seat ko inilagay yung mga cake, gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya tumatakbo kaso nakita ko bigla si tita Joana na mayroong hawak na pamalo!





"Dude! Let's go!". Natatarantang sigaw ni Eros sa'kin.






Habang natatawa, pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ko paalis sa tapat ng mansyon nila. Pinag papawisan ng malamig tong katabi ko dahil sa sobrang takot sa nanay niya, ano kayang ginawa ng tarantadong to? Bakit galit na galit ang nanay niya sa kaniya?






"Oh? Bakit namumutla ka? Anong ginawa mo?". Tanong ko.






"M-My mom is i-insane! she thought that I got Psyche impregnated". Paliwanag niya. Lalo akong natawa sa kaniya dahil sobrang epic ng itsura niya ngayon, ano daw? Nabuntis na ni Eros si Psyche? Nagka balikan na ba sila?!







"Nagka balikan na ba kayo?". Natatawa kong tanong sa kaniya.






"We didn't got back together, that's just a fucking rumour that a female dog created to make a noise inside the office". Iritado niyang sagot sa tanong ko. Ah! Akala ko naman sila na ulit, sayang effort kong mag isip!






"Kumalma ka na, pabayaan mo na lang sila. Siyempre naiinggit lang yung mga yon kay Psyche, ikaw naman kase kapatid! Masyado mong pinapahalata na in love ka pa rin kaya ayan tuloy!". Sambit ko.







Napailing siya dahil sa sinabi ko, eh totoo naman kase! Bago mag resign si Psyche kase tapos na yung kontrata niya kay Eros ay nahuli ko silang nag yayakapan. Take note, hindi ako ang nandoon! Pati yung original na secretary ni Eros ay naka tayo din malapit sa'kin pero alam niya naman daw ang tungkol sa kanilang dalawa kaya wala siyang pake.





Ngayon, kasalukuyan nanaman akong nag mamadali patungo sa ospital dahil nangungulit na si Thor sa'kin. Pag dating namin sa paradahan ng ospital ay nakasalubong pa namin yung kambal na may dala ring pag kain, sila ang in charge sa main course habang kami naman ang sa desserts! Malayo kase sa kanila yung bakeshop eh tapos tinatamad pa mag drive si West.






Sabay-sabay na kaming umakyat patungo sa ward ni Dawn para maka kain na siya, mukhang mauubos niya ang mga dala namin dahil ang tagal niya ring hindi kumain ng parang normal na tao katulad ng ibang tao.




**************************

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

10.9M 354K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
1.5K 424 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...