Book 1: When I Met This Gangs...

Autorstwa Ladymania

267K 7.6K 197

We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls... Więcej

PROLOGUE <3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19- SabNeth
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
SC #1
#2
#3
*****
#4
#5
#6
BOOK 2: We Meet Again, Gangster!

Chapter 11

4.6K 141 1
Autorstwa Ladymania

++++

HHWW

SUNNY

Maaga kaming nagising ngayong araw na ito dahil binulabog ng magaling na si Reggie ang bahay namin. Pumunta siya dito ala-cinco ng umaga kasama ang mga bodyguards niya para sabihin na kailangan na raw naming lumipat sa condominium niya.

Nakakainis dahil naputol ang masarap na pagtulog ko. Ang sarap ngang batukan ng baklang iyon. Naku! Kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Tatay kanina ko pa siya nasapok.

"Sunny huwag niyo na itong dalhin," sabi niya sabay turo sa T.V naming mas matanda pa sa mga kapatid ko ng ilang taon, pero gumagana pa rin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil bakit hindi pweding dalhin? Porket wala ng takip sa likod ay hindi na namin dadalhin? Wow ha. May sentemental value kaya sakin ang T.V na iyan.

"Dadalhin namin 'yan."

"Sira na eh oh. Tingnan mo," sabi niya sabay pokpok ng itaas nito. At sa lakas ng pagkakapokpok niya ay nabasag ito. Yeah! Nabasag dahil sa kagagawan ng baklang ito.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Reggie! Bakit mo sinira?!" sigaw ko at agad siyang hinabol dahil sa ginawa niya. Pero yung bruha biglang tumakbo palabas ng bahay at nakangising nakatingin sa akin.

Syempre hinabol ko siya hanggang sa makita niya si Tatay at ginawa niya itong pansangga. Paano ko pa siya ngayon babatukan? Sige nga.

"Mang Kiko oh!" pagsusumbong niya. Syempre si Tatay pinagtanggol siya. Ewan ko ba kung anong pinakain niya d'yan at magkasundong magkasundo sila ni Tatay!

"Nak."

Ngumite na lamang ako kay tatay sabay peace sign at tsaka tumalikod sa kanila. Naramdaman ko namang sumunod sa sakin si Reggie kaya ngumise ako. Nilingon ko siya. At nakita kong tumalikod siya. Akala niya hindi ko nakita iyong ginawa niya ha.

I smirked.

Agad ko siyang dinamba at sinabunutan. Bahala siya kung masaktan man siya. Kasalanan niya rin naman dahil sinira niya yung T.V na binili namin noon no'ng bata palang ako. Kasama ko pa noon si nanay at wala pa noon yung mga kapatid ko ako pa lamang mag isa ang anak nila. Kaya laking inis ko sa ginawa niya.

"Sunny. Bitaw masakit! Sunny! Aray ang anit ko!"

Pinipigilan niya rin naman ako pero hindi niya ko kaya. Lahat kaya ng force ko nilagay ko na. Hmp! Napatigil lang ako sa ginagawa kong pagsabunot sa kanya nang marinig ko yung boses ni Karlo at Yanyan.

"Ate!" At agad na pinigilan nila ako.

"Hala ate! Ang brutal mo. Tingnan mo ang ginawa mo."

Napatingin ako kay Reggie. Wala namang pinagbago sa kanya at parang hindi naman siya nasaktan sa ginawa ko. Except sa pamumula ng mukha niya. Iyon lang.

"Sadista ka Sunny," reklamo niya.

I glared at him.

"Kasalanan mo! Ayusin mo iyong T.V namin Reg!"

"Opo kamahalan!"

****

Kadadating lang namin ngayon at manghang mangha ako dahil sa ganda ng estilo ng condominium ni Reggie. The place was air-conditioned and has five rooms. Tamang-tama para sa aming apat. Kita ko ang saya sa mga mata ng mga kapatid ko at ni Tatay kaya hindi ko mapigilang yakapin si Reggie. Nagpapasalamat ako ng husto dahil ganito nga, may maganda na kaming tirahan.

"Salamat dito," sabi ni Tatay kay Reggie.

"Walang anuman," Reggie said and he toured me around.

"Ate ang ganda!" bulong sa'kin ni Yanyan.

I smiled to her.

"Oo nga! Ang ganda ng structure!"

Tiningnan ko si Reggie at napataas yung kilay ko ng makita kong grabi siya makatitig sa'kin.

"Anong tinitingin-tingin mo Reg? Nagagandahan ka sa akin ano?"

I smirked. Alam ko namang maganda ako.

"Feeler!" He said.

I rolled my eyes to him. He doesn't need to say it in front of my face! Tinalikuran ko siya and I heard someone's phone ringing. Napalingon ako and tama nga hinala ko na sa kanya iyon. Sinenyasan niya ako na lalabas muna kaya tumango ako.

Pagkalabas niya ay nilibot ko ang paningin ko. Tinitingnan ang kabuuang condominium. Ang ganda talaga super. Kumpleto pa yung mga gamit.

At habang naglilibot ako ay may nakita akong picture sa ilalim ng upuan. Tinungo ko iyon at kinuha. Tiningnan ko kung sino ang taong nasa picture. Well, si Reggie lang naman noong kabataan niya. I think mga 16 palang ang edad niya dito. May kapayatan pa siya noon pero infernes ang laki ng improvement niya sa katawan ngayon.

Pero teka ano tong hawak niya? Hindi ko kasi makita, medyo blurred. May kalumaan narin kasi ang picture. Kiniskis ko iyon ng kamay ko para makita and what the heck?! Baril? Lumaki yung mata ko at the same time naamaze. Eh syempre idol ko yung mga taong marunong gumamit nito. At baka marunong siyang gumamit kaya niya hawak ito. Pero possible din namang trip niya lang para maipakita sa iba at maipagyabang. You know. Pero tatanungin ko parin siya pagbalik niya.

"Sunny!"

"Ay kabayo!" gulat na sabi ko sabay hawak sa aking dibdib. Kagulat naman kasi itong si Reggie bigla bigla nalang sisigaw sa tabi ko. Tsk.

"Uso huwag manigaw Reg!" pataray na sabi ko. He just rolled his eyes instead of talking back to me.

"By the way I need to go. Kailangan na daw ako sa office."

What? Aalis na siya?

"Pero teka, may itatanong ako!"

"Next time nalang. I need to go. Byeee!" sabi niya at nagmamadaling lumabas ng condo.

******

"No class today."

Ito yung narinig ko mula kay Ryan, pagpasok ko ng classroom. Bigla akong nainis dahil nag effort akong umabot sa klase. Tinakbo ko pa iyong gate papuntang dito tapos malalaman kong 'no class today'.

"Grabi. Hindi man lang ako ininform ng mga walangya kong kaibigan," utal ko sa sarili ko.

Tatlo lang kami ngayon ang nandito; me, Ryan and Zenberg. Ang mga walang alam.

Badtrip!

"Gala tayo Sunny!" biglang aya ni Ryan.

Umiling ako. Ayokong sumama sa kanya, baka mabaliw lang ako kapag siya kausap ko. Wala pa namang sense minsan.

"Sige kayo nalang."

Magliligpit pa kasi ako ng mga gamit ko. Bukas na iyong alis namin ni Yanyan papuntang Bacolod.

"Sama ka na! Dami pang arte."

Aba't! Masakit na tingin ang ipinukol ko kay Zenberg. Okay na kami eh. Okay na. Pero mukhang magiging warla na naman kaming dalawa.

"Wow sorry ha, hindi ako katulad mo! Nahiya naman ako sa'yo!" sigaw ko. Kainis lang. Pag hindi sumama arte agad?

"Sama kana kasi Sunny. Libre ka namin. Kakain lang tayo tapos uuwi rin," Ryan said.

"Ayoko, madami akong gagawin."

"Hay, arte talaga," pagpaparinig ulit ni Zenberg.

Bwesit tong shitzu na ito ha! Iniinis niya ba ako? Pwes kung oo, inis na inis ako. Nanggigigil ako na gusto ko siyang sabunutan. Ghad!

"Sunny, sige naaaaa!" Ryan convinced me again.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Fine!" sigaw ko at napangiti naman siya. Pumayag lang ako para hindi na masabihan ng maarte ng lalaking nagngangalang Jeth.

"Tara na," sabi ko sabay labas ng room.

"Ang bagal niyo naman," wika ko pa.

Sila itong nag-aaya tapos sila pa itong palamya-lamya. Nauna kasi ako sa kanila. Ang babagal kasi eh. My time is precious kaya ako nagmamadali.

"Pakibilisan naman po iyong paglalakad," naiiritang sabi ko.

"Polkadots."

Napahinto ako sa sinabi niya. Ito na naman siya sa Polkadots thingy niya. Sinabi ng hindi iyon yung pangalan ko eh kay tigas rin ng bungo. Hindi ko nalang siya pinansin, kunyari hindi ko siya narinig para wala ng gulo. Nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad. Pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan iyong kamay ko sabay higit sakin papasok ng kotse niya.

"Hoyyy. Bakit ako sayo sasakay. Doon nalang ako kay Ryan," sabi ko.

"No. Nakaalis na siya. Look"

Tumingin naman ako sa labas. Papaalis na nga. Grabi hindi halatang excited. Hindi nako nag salita pa kaya pinaandar niya na yung sasakyan niya. Sa labas lang ako nakatingin at maya maya lang ay napatanong ako sa kanya.

"Saan pala tayo pupunta?" pambabasag lang ng katahimikan. Ang boring kasi. Wala siyang kwenta kasama.

"Somewhere else."

"Ah." Iyon nalang yung lumabas sa bibig ko. Gutom naku. Tumutunog na yung mga bulati ko sa tiyan.

"Arl bilisan mo baka kanina pa naghihintay si Ryan dun," alibi ko para naman bilisan niya.

"No, may pinuntahan siyang emergency."

"What?!"

Anong ibig sabihin no'n? Kaming dalawa ang magsasabay kumain? Pakingtape! Ayoko!

"Do I need to repeat myself?" seryosong sabi niya kaya napaayos ako ng upo.

Okay.

"H-hindi na nga," utal ko.

Parang date ganun? No. Erase! Erase! Hindi date iyon. Asa naman na makikipagdate sakin ang gwapong nilalang na ito.

Hanggang sa makarating kami sa somewhere else na sinasabi niya ay wala akong imik. Ewan! Nakaramdam ako ng hiya. First time kasi ito eh na kakain ako sa labas kasama ng isang lalaki na hindi ko gaanong close. Alam niyo na iyong may malisya para sa akin.

Anyways, umupo kaming dalawa malapit sa unahan. At hindi man lang ako iginaya ng upuan. Psh. Hindi talaga gentlemen.

"What do you want?" tanong niya

"You.. Este yow-Steak pala."

Naku naman. Ano ba itong pinagsasabi ko. Ghad!

"That's all?" tumango ako. Buti nalang hindi siya nagreact sa sinabi ko.

"Grilled chicken for me and water."

"Ok sir."

Wow! Ang tipid niya rin pala sa pagkain. Hindi na ko magtataka kung bakit ganyan kaganda iyong katawan niya. Hmm. May abs kaya siya?

Ano ba yan! Nagiging malandi na naman itong isip ko.

"So?" he uttered.

Napakunot yung noo ko.

"So alin?" I asked.

May dapat ba siyang sabihin? May dapat ba akong malaman? Ano?

"Nothing. Just don't mind me."

Ay? Adik din pala to eh. Magsasalita tapos don't mind me. Napailing nalang ako.

"How old are you by the way?" he asked.

Ang boring naman ng tanong nito. Tsk.

"Twenty," ikling sagot ko.

He nodded.

"Hmm. Zenberg. Can I ask?"

May naalala lang kasi akong itanong.

"What do you think your doing now?"

Taray makapag english naman ito sa'kin.

"Sabi ko nga...Umm. Ano pala tipo mo sa babae?" I'm just curious lang kasi. You know dakilang chismosa ako.

"Why? Do you have a crush on me?" he said.

Halos mabilaukan ako ng sariling laway sa sagot niya. Wala man lang preno at crush agad ang hatol? Hindi ako na inform na may pagkaassuming din pala ang lalaking ito.

"Dah? Hindi kita gusto! Nagtatanong lang no!" I said while rolling my eyes.

"Then don't asked me," he said.

Suplado!

"Psh. Damot! Edi huwag."

Hindi nako nakapagsalita pa kasi dumating na yung inorder namin.

Tahimik lang kaming dalawang kumakain. Walang pansinan tanging mga tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig mo. Habang kumakain kami bigla nalang nag ring yung phone niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Excuse me."

Tumango ako at tsaka siya umalis sa harapan ko. Kailangan umalis? Pwedi namang dito nalang. Swear hindi ako makikinig sa kanya. Hindi naman ako chismosa.

Mga sampong minuto, bago ito bumalik sa inuupuan nito. Sobrang tagal at parang nagtelebabad lang. Ano, girlfriend niya? Psh.

"Are you done?"

I nodded as I burped in front of him.

"Oops. Excuse me."

Nakakahiya naman at napadighay ako. Busog na busog ako sa kinain kong steak. Ang sarap!

"Hindi halatang busog."

"Whatever." Sabay ikot ng dalawang puting mata ko.

"Lets go."

Tumayo ako pero nabigla ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Aalisin ko na sana pero hinigpitan niya yung pagkakahawak dito kaya hinayaan ko nalang.

Patago akong napangiti. Hmm. HHWW. Holding hands while walking. Eeeh.

.

(Vomment po)

EXO>

_ladymania.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4.6K 364 44
Akira Dela Cruz and Liam Enriquez hated each other from the very first time. Ayaw ni Akira kay Liam dahil sa palagay nya ay isa itong mayabang na lal...
94.3K 3.1K 176
Paano kung ang isang gangster ay magka gusto sa kalaban nyang gangster?? Ano pag ibig na walang kasiguraduhan o ang gangster world??? Na syang queen ...
97.4K 2.5K 23
What if the Campus Heartthrob falls in love with his best friend The Campus Nerd?
6.3M 325K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...