The Princess In Disguise (Und...

By auror_aurora

13.5K 801 158

Ano nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader... More

Prologue
Chapter 1: Solution
Chapter 2: The Tour
Chapter 3: Beginning
Chapter 4: Secret Organization
Chapter 5: First Mission
Chapter 6: After the Accident
Chapter 7: Queen of Disguise
Chapter 8: Breaking Rules
Chapter 9: Grounded
Chapter 10: Secrets over Secrets
Chapter 11: A Weird Task
Chapter 12: Ambushed?
Chapter 13: Paying Debt
Chapter 14: Contradiction
Chapter 15: Abducted
Chapter 16: All my Fault
Chapter 17: Rescuing Her
Chapter 18: Permission Granted
Chapter 19: The Four Majesties
Chapter 20: Green-eyed Man
Chapter 21: Dilemmas
Chapter 22: Finding an Escape
Chapter 23: First Date
Chapter 24: Surrender
Chapter 25: The End
Chapter 26: Saved?
Chapter 27: Unmasking
Chapter 28: New Life
Chapter 29: The Mark
Chapter 30: The Queen
Chapter 31: Getting to Know Each Other
Chapter 32: Pranking Callix
Chapter 33: Troubled
Chapter 34: Consequence
Chapter 35: Apology Accepted
Chapter 36: Run!
Chapter 37: A Peek from the Past
Chapter 38: Away from Home
Chapter 39: Rule Number Two
Chapter 40: Pangaea
Chapter 41: A Sign?
Chapter 42: Dare
Chapter 43: Ignoring Lucind
Chapter 44: In Danger?
Chapter 45: Handcuffed
Chapter 46: Locked with my Groupmate
Chapter 47: Knowing the Enemy
Chapter 48: The Assassin
Chapter 49: Vague Truth
Chapter 50: Last Day on Vacation (Part II)
Chapter 51: Welcome Back!
Chapter 52: Grateful
Chapter 53: The History
Chapter 54: Banished
Chapter 55: Half of the Truth
Chapter 56: Unexpected Scenario
Chapter 57: Last Mission (Part I)
Chapter 57: Last Mission (Part II)
Epilogue

Chapter 50: Last Day on Vacation (Part I)

27 1 5
By auror_aurora

The mansion is not the same as usual. I mean there is no Lucian that scolds his twin because the latter doesn't want to eat breakfast. Walang Scion na naglalabas ng sama ng loob tungkol sa pagkain ng almusal araw-araw, pero syempre pabulong. At wala ring Ace na nakikipagdebate sa amo niya-si Luk- kung sino ang maglilinis ng training room pagkatapos nila itong guluhin no'ng huli nila itong gamitin.

Nagtataka na tuloy ako kung bakit nagpagawa sila ng malaking bahay na silang apat lang ang titira, lima pala kasi kasama pa si Alex kuno. Aish. I don't wanna think about her right now. Sumasakit lang ang ulo ko at isa pa, hindi ko matanggap.

"Are you set already?"

I'm sipping my hot chocolate when I heard Luk's voice. Nakakatayo na siya?

"Magaling ka na? You're not sick anymore?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ibaba ang hawak kong mug. Parang kagabi lang nakabalot pa siya sa kumot ah.

"Fine as hell-I mean shell. Ang galing kasi ng doktor ko eh. 'Di ako pinabayaan. Anyways, 'yan na ang susuotin mo? Let's go," pang-aaya niya. Eh hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

He started to walk towards the door but I stopped him.

"Where are you going?"

Nagkadikit ang kilay niya. "Me? It is supposed to be us. 'Diba sinabihan na kita na pupunta tayo sa beach ngayon?"

Nagpanting ang mga tenga ko sa narinig ko. "Beach? You didn't, maybe in your dreams."

"Yeah, maybe. But it doesn't matter now. Tara na." He shrugged. He started to walk again pero pinigilan ko na naman siya.

"Hintayin mo ako, magpapalit lang ako." Dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa elevator.

"Wag na! Magpapalit ka pa o iiwanan kita?"

I scoffed. "Dyan ka naman magaling eh."

His eyebrows knitted even more. Gusto ko tuloy matawa. "What? Ulitin mo nga."

"Nope, just kidding. Nabasa ko lang 'yon sa facebook." I chuckled. "But is it okay kahit na naka-pajamas ako?"

Naglakad na ulit si Luk, and this time alam kong 'di na siya magpapapigil. "It's not like someone will laugh at your outfit there. Besides, tayo lang dalawa ang nando'n. That's a private property. So kung gusto mo talagang maiwan, then magpalit ka na, ikaw ang bahala."

The door banged after he got out. Shoot! Ayaw kong maiwan!

"Lucind, wait! I don't want to be left behind!" I shouted. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa kotse ni Luk.

Pinaningkitan ko siya ng mata nang maabutan ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya, nakakrus ang mga braso at naka-shades habang nakangiti ng nakakaloko.

"Seriously?! Pinatakbo mo lang ata ako eh," reklamo ko sa kanya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago tinungo ang pinto ng driver's seat at binuksan ito.

"What are you doing?" I heard him asked.

I started the car's engine and closed the door. Pagkatapos ay tiningnan ko si Luk sa bintana. "Tatayo ka lang ba dyan o iiwan kita?"

Marahan siyang tumawa tapos ay tinanggal niya ang shades niya. "Okay. Pero siguraduhin mong hindi mo ibabangga ang kotse ko."

"Just don't irritate me while driving and I assure you, we're going to arrive safely at the beach." Sagot ko habang inaalala ang dahilan kung bakit ko ibinangga ang kotse ni Callix noon sa Cepheus. I miss him already. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa bansa ko.

I washed away the thought that I'm thinking right now and drive quietly. Thankfully, nakarating naman kami sa beach nang ligtas, of course with the help of the gps installed in the car. Hindi kasi nagsasalita si Luk hanggang ngayon, napapaisip tuloy ako kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Tahimik din siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. I smiled when I got to hold his hand. Naalala ko kasi yung mga panahong parang may pader pa sa pagitan namin, nakakatuwa lang na mas nakilala ko pa siya.

Pagkababa na pagkababa ko ay sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin. Idagdag pa ang white sand na tinatapakan ko at ang kalmadong asul na tubig sa dagat, nakakagaan ng pakiramdam.

"This place is amazing!" I exclaimed with a wide smile.

Tumabi naman sa kinatatayuan ko si Luk dala ang mga gamit na inihanda niya. "I know. But before everything, we should ride a boat so we can visit our island."

Nalaglag ang panga ko. "You have your own island?!"

He smirked. "Kasasabi ko lang. It's not far away from here."

Pinagmasdan ko ang buong dagat pero wala akong nakikitang bangka. "But where is your so called boat?"

I saw him tapped some things on his watch and after that he looked at the water. I don't know whether to laugh or what dahil walang lumalabas na bangka.

"Maybe you really don't have a boat. Kailangan na ba nating luman-"

Naputol ang sasabihin ko nang lumitaw sa harapan ko ang isang malaking submarine. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o imagination ko lang. Pero I think this is real!

"I thought it is a boat?!" My jaw fell off.

"Just kidding. Let's go inside." Natatawa niyang sambit pagkatapos ay naglakad na papunta sa submarine.

Patakbo akong sumunod sa kanya at namamanghang pumasok sa loob nito. This is my first time riding a submarine!

Luk climbed up first on the modern platform of the submarine and I just followed him. He then opened the hatch and throw the bag that he's carrying inside.

"Mauna ka na." He looked at me.

I squinted at him. "Really? It's my first time."

Natawa naman siya. "So? Para namang may mangyayari sa'yo kapag bumaba ka sa loob."

"Nope. You should go in first."

"Fine. Kapag ako ang nauna, ikaw ang magsasara nitong pinto?" Sabi niya sa akin.

Mas lalong hindi! I don't know how to close this circle door. Bakit ba kasi ngayon lang ako naka-encounter ng submarine?

"Oo na. Ako na ang mauuna," sabi ko, halata ang pagkatalo sa boses ko.

I made my way inside the hatch and go down carefully. I can feel the cold metal bars underneath my hand as I grip it. Ito kasi ang nagsisilbing hagdan pababa at nakadadagdag ito sa excitement ko.

Nang makababa ako ay pinanonood ko si Luk na isara ang pinto at bumaba.

"Hindi pwedeng sila Ace lang ang maka-experience ng fun, dapat tayo din," he said. "You can go around, pupunta lang ako sa control center."

"Wait. Hindi ko alam kung ilang tao ang pwedeng mag-navigate nito but I'm pretty sure it's not one," wika ko sa kanya. This thing is too big to handle for a person.

"Four. But thanks to our tech geek, he customized this for us. He's a big help," Luk said proudly. "But don't tell him that I said that."

Natawa ako habang umiiling-iling pa. Boys are boys nga talaga.

Kinuha ko ang bag na itinapon ni Luk at ipinatong sa isa sa mga sofa. I also looked around, observing things in this cool submarine. Pinasok ko ang isang alley sa likod ko at napansin kong may apat na pinto na magkatapat sa isa't isa. I opened one of it and realized that it's a not so big cabin, a modern cabin.

It has a wooden, round bedside table. A small bookshelf, a white single bed, a cabinet hanging on the wall, and other comfortable stuffs. It has also a closed window and a telescope thingy that I think is connected outside.

Tumalon ako sa malambot na kama at pinagmasdan ang paligid. Napansin kong may button sa katabi ng bintana at pinindot 'yon. Nagbukas ang tumatakip dito at ngayon ay nakikita ko na ang ilalim ng dagat. At dahil nga malinis ang tubig, kitang-kita ko ang mga isda, pati na rin ang ibang mga bagay na nasa ilalim ng dagat.

"This place is wonderful!" Hindi ko mapigilang wika. Nakakamangha naman talaga ang lugar na ito, kung pwede lang na dito ako tumira ay gagawin ko, kaso hindi naman ako sirena.

Maya-maya lang ay napahikab ako at kusang napahiga sa kama. Kagigising ko lang tapos inaantok agad ako? I can't believe this! Hindi pa nga ako nakakapasyal sa buong submarine.

"Hindi siguro ako nakatulog nang maayos kagabi," bulong ko na parang sinasagot ang isip ko. Naalala kong oras oras pala ay pinupunasan ko si Luk kaya baka kulang ako sa tulog.

Right. I should allow myself to sleep.

♦♦♦

"M-may tiwala ako sa inyo. A-alam k-kong malalaman niyo rin. Pero ba-bakit naman ang tagal? Hindi ko alam kung tatagal pa ako di-dito."

I can see a man lying on the floor. He's inside a dark room with marble walls. Ang payat niya. At ang damit niya, para ng basahan. Ni hindi ko nga siya makilala dahil ang haba ng buhok niya na para bang hindi sinuklay ng ilang taon, idagdag pa ang balbas niyang humahaba na rin.

"T-tulong." Bigla siyang napatingin sa akin kaya napaatras ako. Para bang alam niya na nando'n ako. I can see his eyes and it's pleading. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo sa buong katawan ko.

"M-may tiwala ako sa-sayo."

His voice echoed and the image shifted. Nahihilo na rin ako pero hindi ko alam kung saan kakapit. Para bang umiikot ang paningin ko. Pero maya-maya ay lumitaw ang isang imahe.

Two girls are standing outside a circle of fire. Then a girl went inside of it, kinausap niya ang isang lalaki. May napansin akong anino malapit sa kanila pero hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako. Then I realized something, this is the scene where my father died. Nanginig ang buong katawan ko at di ko namamalayang umiiyak na pala ako. Sinubukan kong sigawan ang dalawang bata pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Later on, the two scenes become one. I can hear the voice of the man and the sound of fire engulfing the whole place. Palit-palitan ang pagpapakita ng dalawang senaryo. At hindi ko alam ang gagawin. I'm in panic right now. Mas lalo pang nakadagdag sa panic ko ang pagkawala ng hangin sa sistema ko, parang nahuhulog ako sa kawalan habang naghahabol ng hininga.

♦♦♦

"Anastasia! Anastasia!" Someone is calling my name, nararamdaman ko rin ang pagtakip niya sa pisngi ko.

"ANA!" A slap landed on my cheeks.

I deeply inhaled and opened my eyes. Napabalikwas ako ng upo habang kapos pa rin sa hininga. I'm also sweating.

Napatingin ako sa nag-aalalang mukha ni Luk. "You're having a nightmare."

I nodded. Hindi nga talaga magandang panaginip. I almost cried.

Nang mahabol ko ang hininga ko ay tumayo ako at inayos ang sarili.

"Ilang minuto akong nakatulog?" Nanghihina kong tanong.

Binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin ni Luk. "Minutes? Really? Limang oras ka kayang natulog."

My jaw dropped. Talaga? Limang oras?! No, no, no.

"And what about the island?"

"Kanina pa tayo nakarating. Nakaluto na nga ako ng pagkain natin. Well, I tried my best."

My forehead wrinkled. "Bakit hindi mo ako ginising?" Namomroblema kong tanong. Sinimulan ko na ring maglakad papalabas ng submarine.

"Because I know you didn't get enough sleep last night. Alam kong inalagaan mo ako kagabi," sagot niya habang hinahabol ako.

"Kahit na!" Inakyat ko ang hagdan palabas. At nang makalabas na ako, napansin kong wala na kami sa dagat. Sa tingin ko ay nasa garahe kami nitong submarine.

"We're at the basement of our house. Dito namin itinatago ang submarine na ito," wika ni Luk. "Sundan mo ako."

Tahimik kong sinundan si Luk habang iniisip kung ilang oras ang nasayang na dapat sana'y nagamit ko na sa pag-eenjoy dito ngayon. Maya-maya ay nakarinig ako ng "ting."

I didn't even notice that we rode on a glass elevator.

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
152K 6K 63
WARNING! UNEDITED AND MESSY WRITING! (Seriously messy and sometimes uncomprehendable) Scarlet Amethyst or Scarlet Crystal Amethyst Rein -an extraordi...
40.3K 2.1K 49
A Queen will be chase by the five hot and gorgeous men she left on earth. She's the Queen. She's the rule. She can do whatever she want. But... Kaya...
92K 4K 54
[COMPLETED/UNDER EDITING] Meet Samantha Astrea, a woman of extraordinary abilities. She has a stubborn streak that leads her to a place beyond her wi...