Chapter 26

47 4 2
                                    

Meet







Mabilis na lumipas ang mga araw kaya mabilis din ang pagdating ng Disyembre 31. Parang iilang minuto lang ang nagdaan ng matapos ang Pasko pero heto at pinaghahandaan na agad naming ang salubong sa Bagong Taon. Parehong masaya at nakakapagod ang mga nagdaang araw. Kaya bumawi talaga ako ng pahinga pagkaalis ng mga kamag-anak namin.


Pagkatapos ng salo-salo naming nang gabing ‘yun ay umuwi na rin ang mga kamag-anak namin. Hindi naman sila makakatulog sa bahay dahil masyado kaming marami. Tatlong kwarto ang mayroon kami. Hindi talaga kami magkakasya.


Nang magdaan na ang araw ng Pasko, grabeng paglilinis naman ang ginawa naming ni Mommy. Si Daddy naman ay may mga inasikaso kaagad sa trabaho, pero buti na lamang at sa bahay lang siya.


Kinabukasan naman n’on, isang buong araw akong nakahilata. Binawi ko ang pagod ko. Ginigising lamang ako ni Mommy kung kakain na. Gabi na rin ako nakaligo nang araw na ‘yun. Ni hindi ko nakita ang cellphone ko dahil sa katamaran.


Nang sumunod na araw ay naghanda na rin kami agad ni Mommy para sa Bagong Taon. Buong subdivision kasi ang maghahanda kagaya ng nakagawian. Ang homeowners association ang nagplano ng lahat. Kabilang si Mommy sa mga officer kaya abala talaga siya. Pumupunta pa ako sa office para tulungan sila sa magaganap na handaan.


Napagkasunduan na bawat bahay ay magdadala ng signature dish ng bawat pamilya. Nilista rin nila kung ano-ano ang mga ‘yun para walang magkapareho. Minsan pa nga akong pumunta sa isang bahay para tanungin kung anong lulutuin nila ayon sa utos ni Mommy. Hindi pa raw kasi nagsasabi ang pamilya kug anong lulutuin nila kaya ako ang pinapunta.


Magkakasundo naman ang mga miyembro ng subdivision. Kung kaya’t walang naging problema. Mababait ang lahat. Pero may mga hindi makakasali dahil magcecelebrate kasama ang kaniya-kaniyang pamilya. Syempre, walang kaso ‘yun kila Mommy.


Maraming plinanong lutuin si Mommy. Hindi siya pumayag na kaunti lang ang lulutuin niya. Hinahanap din kasi ng mga tao ang luto niya. Malamang ay maubusan ako ng gagawin ni Mommy na Cinnamon Rolls at ang popular na Shanghai.


Isang araw bago ang New Year’s Eve ay namili kami ng rekados. Ang iba ay sa Supermarket, ang iba ay sa wet market naman naming binili. Siksikan dahil maraming taong namimili. Ang dami ring biniling prutas ni Mommy. Lahat ng hugis bilog na nakikita ay binibili niya.


Binilhan niya rin ako ng mga bagong damit pang bahay. Halos pumutok na nga ang closet ko. Heto na naman si Mommy at binilihan na naman ako ng bago. Dapat ko na sigurong piliin ang mga hindi ko na gaanong sinusuot at ipamigay na lamang. Ganoon ang ginagawa sa mga napagliiitan ko na, kausapin ko na lang si Mommy pagkatapos ng handaan.


Nang sumunod na araw ay decorations naman ang inasikaso namin. Sa covered court sa loob ng village kami nagdecorate. May mga mesa at bangko na inupahan sila Mommy. Ang isang mahabang mesa sa gilid ang paglalagyan ng mga malulutong pagkain.


Habang nagdedeco ay iniinis ako ni Mrs. Mateo sa anak niya. Bagong lipat lang sila. Kung ano-anong sinasabi para magpalakas kay Mommy.


Ang anak niya naman nakikisali pa. Ako nga nanahimik lang dahil wala lang naman ‘to. Pero mukhang siya hindi. Pati tuloy ibang matatanda ay nanunukso na.


“Nakanguso na si Meana, oh. Ayaw mo ba, hija?” tanong ni Mrs. Alejandro.


Opo, ayoko po.


Gusto ko sanang sabihin kaya lang nahihiya naman ako. Nagkatinginan kami ni Mommy, pinipigilan niya lamang na tumawa. Agad namang sumama ang mukha ko. Pero dahil doon ay tuluyan lang na natawa si Mommy. Mas bumusangot naman ako.


She's That PaltryKde žijí příběhy. Začni objevovat