Chapter 33

34 2 0
                                    

Over






Ni hindi ko pa nasasabi kina Mommy ang plano ko. Ang orihinal na plano kasi ay tignan ko muna ang lugar bago ako magdesisyon. I am positive they'll get shock with my sudden decision. Kahit pa maaari kong ibigay na rason ang dahilan din nila kaya ipapadala nila ako roon, baka hindi maging kumbinsido dahil umaayaw pa ako noong una. For sure they will question my abrupt change of perspective.



Kahit si Athena ay matagal din bago natapos sa pagtatanong. Minsan nga ay kahit ang natanong niya na ay itinatanong niyang muli. Hindi ko alam kung naguguluhan nga ba siya o may hinihintay lamang siyang ibang sagot mula sa akin.



Gusto kong isipin nila Athena na sinusunod ko lamang ang desisyon ng parents ko. Hindi ko kailanman binanggit si Jace o si Lorainne. Ang tanging alam nilang rason ko ay ang pagiging masunurin kong anak.



"Bakit naman ngayon ko lang sinabihan nina Tita Hannah?" tanong niya na naman.


"Nito lang kasi nila napag-usapan nila Daddy at Tita Loida. Pero noon pa inoffer ni Tita na roon ako sa kaniya mag-aral..." sagot ko.


"Gano'n..."



Tinulungan ako ni Athena sa pag-aayos ng mga nailabas kong gamit nitong nakaraan. Karamihan ay ang mga nasa banyo, naligo muna kasi ako para sa paghatid nila Daddy mamaya. Although, hindi pa ako nakabihis. Hindi ko maiwasang hindi pansinin ang paminsang-minsang pagsulyap sa akin ni Athena. Para bang isang iglap ay bigla akong mawawala kaya naman chinecheck niya kung nandito pa ako.



"Hindi mo man lang pinalipas itong field trip..."



'Yun din sana ang plano ko kung narebook na nila Daddy ang flight namin. Nang malaman kong hindi pa ay minabuti kong ituloy na lamang dahil baka mas maghintay pa kami nang matagal dahil magsusummer na. Tiyak na dadagsa na ang mga pasahero.



Mas maaga, mas maganda.



"Hindi mo talaga sasabihan sina Jace? Baka magalit sa'yo 'yun..."



Ginagawa ko ito para sa kaniya. Hindi ko bibitawan ang lahat ng narito kung hindi para sa kaniya. Kung dahil doon ay magagalit siya, tatanggapin ko. Basta't hindi ko lamang bitiwan ang pangako kong susuportahan ko ang ikasasaya niya.



"Wala naman siyang pakialam kahit gawin ko ito," depensa ko.


"Hindi gano'n ang nakikita ko, Meyang. Jace obviously likes you..."


She's That PaltryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon