Chapter 20

58 3 1
                                    

Paltry






Mula nang pumasok ako kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita si Jace. Maski text mula sa kaniya ay wala pa ako'ng natatanggap. Nagdaan ang Sabado at Linggo ay hindi na siya nagpakita kahit sinabi ko sa kaniya na pwede na kaming umalis.

Mukhang nagalit ata siya na puro mall lang ang pinuntahan ko. Wala naman ako'ng magagawa roon dahil sinusundan lang namin sila Athena. Sa totoo lang ay hindi lang naman mall ang pinuntahan nila Athena. Pumunta rin sila sa Internal Lounge at sa By The Bay. Hindi ko na nabanggit dahil malamang sa malamang ay malalaman din ni Jace ang talagang pakay namin.

Break namin ngayon, sinamahan na ako ni Athena. Dito namin kinain ang binili namin sa Cafeteria kanina. Inaya ko si Lay, tinext ko pa nga siya pero hindi naman siya nagreply. Nahihiya siguro kay Athena, hindi niya na matatago kasi nalaman ko na. Sus!

"Ngiting-ngiti ka riyan?" Biglang tanong ni Athena.

Medyo nagulat pa ako sa kaniya. Tuloy ay nagtaka siya, pero biglang napalitan ng nanunuksong tingin ang mga mata niya. Agad ako'ng nag-iwas ng tingin, pag nadulas ako at nalaman niya talaga... Baka magalit siya ay hindi ako kausapin.

"Wala... May naalala lang ako," ginawaran ko siya ng matamis na ngiti.

"Weh? Si Jace 'yan no?!"

"Hindi, ah!" Agap ko'ng pagtanggi.

Hindi naman kasi talaga. Sila kaya ni Lay ang naiisip ko. Kanina siguro naiisip ko si Jace, pero sa tanong niya ay hindi naman si Jace ang sagot! Bakit ba ko nagpapaliwanag?

"Okay..." Sa tono niya ay pinalalabas niya na kunwari'y naniniwala siya sa akin.

"Hindi nga!"

"Wala naman ako'ng sinasabi," inosente niya ako'ng tinignan.

Napanguso na lamang ako, pagka ano'y pinagpatuloy ko ang pagkain. Narinig ko siya'ng umalik-ik sa gilid ko, mas lalo tuloy bumusangot ang itsura ko.

"Meyang, nga pala, may iku-kwento ako sa'yo..."

Natigilan ako, agad na nakaramdam ng kuryosidad sa anumang sasabihin niya. Ibinaba ko ang pagkain ko at mariin siya'ng hinarap.

"Ano 'yun?"

Dalawang salita pa lamang ang lumalabas sa bibig ko ay grabe na ang pagkakangiti niya sa akin. Nakunot ko ang noo ko, natawa naman siya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari kay Athena. Para siya'ng kinikiliti ng sampung kamay.

"Nu'ng sembreak..."

Agad ako'ng kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Wala pa man ay masyado ba ako'ng nababahala. Nagi-guilty ako!

"Kasama ko si Unique buong sembreak!"

Alam ko...

"Sa akin niya kasi unang na ikwento na nagbreak sila ni Lorainne. Nakita ko talaga na malungkot siya at ayaw niya ang nangyari. Napilitan daw ba makipagbreak si Lorainne dahil sa ayaw ng Mommy ni Lorainne na magka-boyfriend na siya..."

Alam ko na rin 'yan...

Kahit pa, nakinig pa rin ako kay Athena. Nang banggitin niya ang lungkot ni Unique ay para ba'ng nalulungkot din siya. Tunog sinasaluhan niya si Unique sa kalungkutan.

"Nagbreak sila pagkatapos ng away ni Unique at Jace. Ipinaalam ni Lorainne na nalaman na ng Mommy niya ang tungkol sa kanila. Kaya..."

Tumango-tango pa ako na para ba'ng bago lamang sa akin ang mga impormasyon, kahit pa alam ko naman talaga. Nahihimigan ko ang lungkot sa kaniya kahit pa hindi naman siya direktang naapektuhan. Sa bagay, ganiyan din ang naging reaksyon ko nang malaman ko. Pero siguro nga naaapektuhan din siya dahil sa nalulungkot ang taong gusto niya.

She's That PaltryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin