Chapter 11

54 2 0
                                    

Other Purposes





Lutang ako nang makarating sa bahay. Paghinto ng sasakyan ay tsaka ko lang napagtanto na nakarating na kami sa destinasyon namin. Nauna si Daddy'ng bumaba kinuha niya pa sa compartment ang binili niya. Pumihit ako pakanan at naabutan ko ang repleksyon sa sude mirror ang nasa likod na sasakyan nila Jace. Dumagundong na naman ang loob ko. Nililindol ng kung ano ang puso ko.




Ang mga sinabi kanina ni Daddy ay nagdala sa'kin sa pag-iisip. Binigyan niya ako ng matabang na pag-asa. Pero, kasama no'n ang hindi maipaliwanag na saya. Nainis tuloy ako sa sarili ko.




I unwillingly heave a loud sigh. Lumabas ako ng kotse, nakapark lang ang dalawang kotse sa tapat ng gate namin. Hindi ko na makita ang bulto ni Daddy, siguro pumasok na siya sa loob.




"Can we go inside now?" Rinig kong tanong ni Jace.




Nakalapit na pala siya, hindi ko man lang napansin. Nasa harap kami ngayon ng bahay namin. Nasa harap ng bahay namin ang lalaking gusto ko. Kung iisipin ay napaka swerte ko, hindi lahat ay mapalad na nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Sa kabilang banda, gusto ko pa rin ba 'to? Ang ayaw ko lang naman ay masaktan. Pero gusto ko pa rin si Jace. At dahil ginusto ko si Jace, parang ginusto ko na rin ang masaktan.




"I can give you a picture of me. No need to stare, you know," pilyo niyang sabi.




Napakurap-kurap ako nang matauhan. Gosh! Nakakahiya! Nakatitig pala ako sa kan'ya habang kinakausap ang sarili ko. Kainis!




Mabilis ko siyang tinalikuran dahil sa kahihiyan. Dire-diretso ang pagpasok ko sa bahay. Rinig ko ang pagtawag sa'kin ni Mommy mula sa dining na makapasok ako pero umakyat na ko sa kwarto ko. Nakita ko ang paglabas ni Daddy galing sa kwarto nila ni Mommy.




"Honey, why are you running?" Lukot ang noo'ng tanong ni Daddy.




"Magdidinner na raw po kasi, magmamadali na po ako para makapagpalit," tugon ko kay Daddy.




"'Yung bisita? Pinapasok mo ba?"




Mukha namang concern si Daddy pero hindi ko alam kung bakit nahihimigan ko ang panunukso sa boses niya. Assuming lang ba ako o nang iinis talaga si Daddy?




"N-Nandoon po sa baba. Kayo na po ang mag-asikaso muna. P-Papalit lang po ako, Dy," mahinang boses ang gamit ko habang naglalakad papuntang kwarto.




"O, sige. Bilisan mo ha!"




Sabi na e! Liningon ko si Daddy at sisinghalan na dapat siya pero nakatakbo na siya pababa. Alam na alam ko kapag nang iinis si Daddy e! I knew it!




Natirik ko pa ang mga mata ko bago ko pinihit ang doorknob ng kwarto. Nilagay kong muli ang shoulder bag sa gilid ng closet. Kinuha ko ang slippers ko sa ilalim ng kama, hinubad ko ang sapatos ko tsaka ito sinuot. Sunod ay naghanap ako ng pampalit sa closet. Sa huli ay napagdesisyunan ko na ang loose gray shirt ko suotin. Hindi ko na pinalitan ang short ko dahil magsho-shower pa naman ako mamaya.




Pagkababa ko ay mula pa lang sa sala rinig ko na ang halakhak ni Daddy. Nang makapasok ako sa loob ng dining ay sa'kin agad natuon ang mga mata nilang tatlo. Nasa dulo si Daddy ng mesa, sa kanan niya ang pwesto ni Mommy pero naghahanda pa si Mommy kaya hindi pa siya nakaupo. Ang pwesto ko ay sa kaliwa ni Daddy, doon lagi ako sa tuwing kakain kami. Bakante pa ito at may plato nang nakahanda. Katabi no'n ay si Jace, masayang nakikipagkwentuhan kay Daddy.




She's That PaltryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang